Camp Speed Chapter 9

“OKAY ka lang ba, Mitch?” nag-aalalang tanong ni Kaycee kay Mitch.

Hindi niya ma-enjoy ng maayos ang chocolate truffle cake niya dahil sa ikinikilos ni Mitch ngayon. Hindi naman ito ganoon dati. When they always eat at Sugar Treats, he was the one who always showed enthusiasm with sweets. At kanina lang sa Twitter ay napakadaldal nito. Pero ngayon ay parang lumulutang ito sa hangin dahil nakatingin ito sa labas ng bintana at mukhang malalim ang inisiip.

Baka kinakabahan lang sa pagtatapat niya sa’yo, anang isang bahagi ng isipan niya.

“May problema ka ba?” tanong niya rito nang hindi pa rin ito sumasagot sa kanya.

Doon ito tumitig sa kanya. Nilabanan naman niya ang titig nito. Minsan, napapag-trip-an na lang nilang titigan ang isa’t isa at masaya silang gawin iyon pareho dati. Pero ngayo’y lungkot, gulo, sakit ang nakikita niya sa mga mata ni Mitch na dati nama’y saya, kilig at pagmamahal.

“Kaycee…”

Oh, no. That did not sound good. Hindi ang tinig nitong iyon iyong tipong magtatapat ng damdamin sa kanya. Bigla siyang kinabahan. Ngayon pa lang ay gusto na niyang umiyak dahil umasa siya ng labis. Nag-dress pa siya at nag-apply ng make up para sa pagkikita nilang iyon dahil nararamdaman niyang magtatapat na ito sa kanya pero mukhang iba naman pala ang binabalak nitong ipagtapat sa kanya ngayon.

“Hindi mo nagustuhan ang cake mo?” tanong niya rito na itinatago ang kabang nararamdaman.

Umiling ito. “I actually liked the cake,” anito.

“O? So, ano’ng problema mo? Sabihin mo sa’kin dali. Hindi lang naman ako makulit at madaldal, I’m a good listener too,” aniya rito. But, are you ready to hear what he had to say?

Honestly, no. ‘Cause I’m so freaking nervous!

“I’m leaving for Europe tomorrow. Kailangan kong mag-practice at mag-training para sa round seven,” anito.

Iyon lang ang dahilan kung bakit siya nagpapalalim ng pag-iisip?

“Hey, good luck nga pala sa’yo do’n. You can do it, I know you could. I’m so going to hate you if you won’t win,” biro niya rito.

Nginitian siya nito. But there was something off with his smile. Hindi umabot ang ngiti nito sa mga mata nito. “I’m going to miss you, Kaycee,” anito sa kanya sa tinig na nagpapaalam na para bang hindi na ito babalik pa.

Doon pa lang ay may namuo nang luha sa kanyang mga mata. ‘Yon na ‘yon eh. ‘Yong masama ‘yong feeling mo sa simula pa lang. May kahahantungan ka, sakit. Mahirap din talaga ang sobrang kilig, masakit sa huli.

“What are you saying?” nakatingalang tanong niya rito. Kailangan niya iyong gawin para hindi bumagsak ang mga luha niya habang kausap ito.

He held her hand. Pero agad niya iyong binawi mula rito. “Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mag-i-stay sa Europe. Red Bull invited me to do a training with them. That’s going to be a dream come true for me. I didn’t know na ganito kadali ang magiging pagpasok ko sa Formula One. I mean, kapag nanalo ako sa GP3 Series this year, magdyi-GP2 ako. Pero sabi daw ng Red Bull, kahit na hindi ako manalo do’n, basta maganda ang results ko ay kukunin na nila ako. It’s my formula dream, Kaycee,” paliwanag nito sa kanya.

Is he asking for her permission? Bakit sinasabi nito sa kanya ang mga bagay na iyon?

Dahil nagpapaalam na siya sa’yo, Kayce. For real, anang isang bahagi ng isipan niya na tumusok sa puso niya. Gusto na niyang umuwi para batukan sina Elle dahil dahil sa mga ito’y mas umasa pa siya. Pagkatapos ay kabaligtaran naman pala ang mangyayari.

“Well, congratulations sa’yo. You’re going to live your dream. ‘Yay,” sabi niya ritong pilit na pinapasaya ang tinig. Pero hindi niya ito kayang lokohin. Hindi niya kayang lokohin ang sarili niya.

“Kaycee, I’m sorry…” anito.

“Bakit? Bakit ka nagso-‘sorry’?” tanong niya rito.

“I’m sorry for leading you on. Ayokong umalis na hindi maayos ang kung anumang namamagitan sa’ting dalawa,” anito.

That’s it! Tiningnan niya ito ng diretso sa mga mata. Wala siyang pakialam kung pumatak na ang mga luha niya at makita nito iyon. “Ano ba tayo, Mitch? Friends lang ba tayo? Exclusive date buddies? May relasyon ba tayo? Ano?” sunod-sunod na tanong niya rito.

“Damn!” mura nito. Napatingin ito sa taas na para bang hindi nito alam kung ano ang dapat sabihin o kung ano ang dapat gawin. “Kaycee, I’m so happy to meet you. Pero alam mo no’ng una pa lang kung ano ang priority ko, kung ano ang goal ko, kung ano—“

“Yeah. You just came here to have a vacation. Don’t worry. I’ve lived my dream of being close to you. Now, you’re going to live yours. So, go,” aniya rito. Ibinigay nito sa kanya ang kalahati sa pangarap niya kaya pakiramdam niya’y kailangan din niyang ibigay dito ang pangarap nito.

Hindi naman na nito kailangang magpaalam sa kanya. It’s not as if what she’s going to say, what she’s going to feel would be important for him. But, damn! It hurts like hell. Lahat ng isinusulat niya noon kung paano nasasaktan ang mga karakter niya sa mga nobela niya’y doble pang sakit ang nararamdaman niya ngayon.

Shit lang! Ang sakit! ‘Yon ba ‘yon? Sumaya agad ako kaya mapuputol din agad? Pinatikim lang ako ng kilig at saya? Bakit? Bakit kailangang patikimin pa ako ng mga ‘yon kung bigla na rin naman palang mawawala? tanong niya sa kung ano.

Makulit ka kasi, Kaycee Jean! Kung hindi ka naging makulit noon, baka hindi mo nararanasan ‘yang sakit na ‘yan ngayon, anang isang bahagi ng isipan niya.

“Kaycee, please…” sambit ni Mitch.

“It’s fine, Mitch. Bakit ba kailangan mo pa kasing magpaalam ng ganito? Okay lang naman sa’kin ang simpleng ‘good-bye’ kasi wala naman tayong relasyon ‘di ba? It’s not as if I’m important to you,” aniya rito. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at saka lumabas siya ng Sugar Treats. Tinawag siya ni Mitch pero hindi niya ito pinansin.

“Kaycee!” habol sa kanya ni Mitch. Nagtangka itong hawakan siya pero agad siyang lumayo dito.

“Don’t. If you don’t want me to curse you, let me be,” aniya rito. Pumara siya ng taxi at agad na sumakay doon pauwi sa kanilang bahay. Habang pauwi siya sa kanyang bahay ay tinutuktukan niya ang kanyang sarili. Nawi-wirduhang tumingin sa kanya ang taxi driver pero wala siyang pakialam.

Ang tanga niya para umasa ng ganoon katindi pero wala rin pala sa huli. Umasa lang siya sa wala. Pinaasa lang ako ni Mitch. At iyon ang pinakamasakit. Mabuti sana kung ipinagpatuloy nito ang pagsusungit sa kanya, siguro mapapagod din siya at lulubayan niya ito. Pero pinatindi pa nito ang nararamdaman niya nang makipaglapit din ito sa kanya kaya hindi niya maiwasan ang mas umasa pa na darating ang panahon na magiging “sila” at magiging Mrs. Esguerra nga siya.

Pagkatapos ay ipambabao’y nito sa kanya na alam niya noon pa lang kung ano ang priority nito? That really stung! Maisip mo pa lang na hindi ikaw ang priority ng taong mahal mo ay napakasakit na, ang marinig pa kaya iyon mula rito mismo?

Shit lang talaga! Pesteng pag-ibig!

“O, ang bilis mo namang umuwi? Nasaan si Mitch?” tanong sa kanya ng mama niya nang makapasok siya sa bahay nila.

“Nasa outerspace na, ‘Ma,” sagot niya rito saka patakbong nagtungo sa kwarto niya. Pagpasok niya roo’y nakita niya si Elle at agad niya itong niyakap.

“O, bakit? Ano’ng nangyari?” tanong nito.

“Wala na,” tanging sabi niya rito saka siya muling umiyak sa mga balikat nito. Elle patted her back. She didn’t need to elaborate things to her. Alam na nito ang likaw ng bituka niya. Alam nito kung kailan siya masayang-masaya at kung kailan siya nasasaktan.

“Masokista ka talaga. Kailangan mo munang masaktan bago ka tumigil sa isang bagay,” ani Elle sa kanya.

“Sinuportahan n’yo kasi ako. Dapat itinali n’yo ‘ko sa puno para hindi na umabot sa ganito,” sarkastikong sabi niya rito habang patuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha.

“O, siya. Kasalanan na namin. Movie marathon na lang tayo. ‘Tapos, ililibre kita ng ice cream sa Sweetsville,” ani Elle sa kanya na pampalubag-loob.

Isang hikbi lang ang isinagot niya rito habang unti-unting pinipiga ng mga sinabi ni Mitch sa kanya ang puso niya.

“I SO HATE you, kuya!” nakasimangot na sabi kay Mitch ni Lauren. Mitch felt like he really deserved that. Nasa airport sila ngayon dahil paalis na sila ng papa niya patungong Europe. Nagpumilit sumama si Lauren kahit na alas-tres pa lang ng umaga. Iyon pala’y para sermonan siya.

“Oo na. You hate me, fine. I deserve that,” sabi niya rito. Huminga siya ng malalim. Hindi nito alam kung gaano din siya nasasaktan ngayon. Hindi nito alam kung gaano kahirap sa kanyang magpaalam kay Kaycee.

“Why did you have to do that? It’s not as if hindi ka na babalik dito. Sure, mawawala ka rito ng ilang buwan—“

“Years,” pagtatama niya rito dahil hindi niya alam kung hanggang kailan siya sa Europe dahil dire-diretso na ang karera sa Series pagkatapos ay magte-training pa siya sa Red Bull at aayusin niya ang maaaring GP2 career niya.

“Fine. Years. It’s not as if hindi ka pa rin babalik. At saka, kung pwede kaming pumunta sa Europe, bakit hindi rin pwedeng pumunta do’n ni Ate Kylie? Hindi mo naisip ‘yon?” ani Lauren sa kanya.

Huminga siya ng malalim. Nahilot niya ang kanyang sentido dahil sumasakit ang ulo niya sa kakaratrat ng sermon sa kanya ni Lauren. “Lauren, hindi magiging ganoon kadali ang lahat. A long distance relationship is not that easy. Magkaiba ang oras dito at sa Europe. Hindi kami palaging magkikita. That would be outrageously insane,” paliwang niya rito.

Right. It would be outrageously insane. Gugustuhin niyang palaging makita si Kaycee. Hindi siya makakapag-concentrate sa mga karera niya. Kaya ngayon pa lang ay kailangan na niyang putulin ang anumang ugnayan nila ni Kaycee. He has his priorities and goals before her. At alam ni Kaycee iyon. Nahirapan siyang mamili pero naniniwala siyang may tamang panahon para sa pag-ibig. Ayaw din naman niyang ma-stuck ito sa kanya. Nakikinita na kasi niya kung ano ang gagawin nito. Magpupuyat ito para lang magkausap silang dalawa. Ayaw niyang magkasakit ito. She still has a lot of things to do. Hindi lang dapat sa kanya umiikot ang mundo nito.

He would just hope that if they’re meant to be together, they would be, someday.

“GIRLS are thought a lot of stuff growing up. If a guy punches you, he likes you. Never try to trim your own bangs. And someday, you’ll meet a wonderful guy and have your very own happy ending. Every movie we see, every story we’re told implores us to wait for it. The third act twist: the unexpected declaration of love. The exception to the rule. But sometimes, we’re so focused on finding our happy ending, we don’t learn how to read the signs. How to tell the ones who wants us from the ones who don’t. The ones who will stay from the ones who will leave. Ang maybe this happy ending doesn’t include a wonderful guy. Maybe it’s you, on your own, picking up the pieces and starting over. Freeing yourself up for something better in the future. Maybe the happy ending is just moving on. Or maybe the happy ending is this: knowing that through all the unreturned phone calls and broken hearts, through all the blunders and misread signals, through all the pain and embarrassment, you never, ever gave up hope.”

Iyon ang paboritong linya ni Kaycee sa kakapanood lang nilang movie na “He’s Just Not That Into You”. Relate na relate siya rito simula pa lang sa una hanggang sa huli dahil alam niya kung ano ang nararamdaman ng mga karakter sa naturang pelikula. Pinagdaanan din kasi niya ang ilan sa dilemma na kinaharap ng ilang karakters dito.

Maybe she hadn’t read between the lines then. Kaya umasa siya ng lubos. Baka may ipinaparating sa kanya noon si Mitch na ayaw nito sa kanya na hindi niya napansin dahil nabulag siya sa pagmamahal dito at pagkakilig. Maybe she missed that sign. Maybe she wasn’t an exception to the rule. The unexpected happened, she was dumped. Bakit ba hindi niya nakita noon na maaaring ganito ang mangyari sa kanila ni Mitch? Bakit hindi siya naging aware sa possibility na maaari siyang masaktan sa huli? Na hindi puro kilig at pagmamahal lang ang lahat. She forgot the word “pain”.

At oo nga naman. Siguro nga ay hindi lahat ng happy endings ay ang pagkakatuluyan ng dalawang tao. Siguro ay moving on nga iyon—para sa kanya. Maybe Mitch really isn’t the one for her. Or maybe, she would meet someone that would be the “wonderful guy” and then she’ll have her own “happy ending”.

She’s a hopeless romantic. She would never, ever gave up hope that someday, she would have her own happy ending.

So, magmu-move on ka na ngayon kay Mitch?

That’s the best thing to do, aniya sa kanyang sarili.

“Ate, phone,” bungad sa kanya ni Carriane.

“Sino daw?” tanong niya rito.

“Si Kuya Zeke. Ate, palagi ka na lang bang ganyan? Ayaw mong lumabas ng bahay?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Carriane.

Inabot niya rito ang cordless phone nila. Naiintindihan niya kung bakit doon tumawag ang Kuya Zeke niya dahil nakapatay ang cell phone niya. Hindi rin siya nagbubukas ng Facebook at Twitter niya dahil nagtatapos siya ng isang nobela ngayon. Ayaw niya ng distractions. Ang tanging binubuksan lang niya’y ang blog niya kung saan siya nagsusulat ng mga nararamdaman niya.

“Nagtatapos ako ng isang manuscript para marami akong imbak,” aniya rito. Iminwestra niyang lumabas na ito ng kanyang kwarto. “Kuya Zeke?”

“It’s race day today. Hindi ka ba pupunta dito sa Camp Speed?” tanong ni Kuya Zeke sa kabilang linya.

Napakunot-noo siya. Sa susunod na linggo pa ang monthly patron’s race sa Camp Speed. Anong race ang sinasabi nito? “Next week pa ‘yon ah,” aniya rito. Kaya nga nagtatapos siya ng isang nobela ngayon dahil dadalas siya roon sa susunod na linggo.

“’Yong monthly patron race. Pero ‘yong formula races, ngayon na ‘yon. Nakalimutan mo? That’s odd,” ani Kuya Zeke. Ang Food Rush na tinutukoy nito’y ang tanging restaurant sa Camp Speed.

Napahinga siya ng malalim. Tuwing may karera ang patron racers ng Camp Speed sa iba’t ibang bansa ay nagbabayad sina Kuya Raff para makapanood sila ng mga karerang iyon sa malaking tv screen na inilagay ng mga ito sa Food Rush. Tatlong patron racers nila ang magku-compete sa formula racers kaya todo suporta naman ang mga ito. Sina Keith at Vonn sa Formula One at si Mitch naman ay sa GP3 Series.

Hindi niya nakalimutan na ngayon ang Belgian Grand Prix. Kaya nga hindi siya nagbubukas ng Facebook at Twitter ay para maiwasan niyang makabalita tungkol doon dahil iniiwasan niya nang makarinig ng kahit ano tungkol kay Mitch. She’s going to move on.

“Kuya, next week pa ako pupunta d’yan. May tinatapos pa kasi akong manuscript eh,” paliwanag niya sa kanyang Kuya Zeke.

“So, it’s true,” anito.

“Ha? Alin?” naguguluhang tanong niya rito.

“That you and Mitch had broken up already,” anito.

Napailing siya sa sinabi nito. “Kuya, hindi naman naging kami,” malungkot na sabi niya rito.

“So, that’s the problem,” sabi pa nito.

Bago pa siya muling maiyak ay nagpaalam na siya rito. She don’t need to hear pity words from other people. Ipapakita niya sa mga ito na siya pa rin ang dating makulit at masayang Kaycee. Hindi ang isang heartbreak lang ang makakapigil sa kanyang hanapin ang “happy ending” niya. Hindi siya dapat ma-stuck kay Mitch.

Sure, she would dwell on this heartbreak for days, but she would move on and find her real happiness. Iyon na ang goal niya ngayon. To be happy.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.