Camp Speed Chapter 8

“YES!” natutuwang sigaw ni Kaycee matapos niyang makita sa kanyang laptop screen ang “sent” word. Sa wakas ay natapos na rin niya ang istoryang iyon at naipasa na rin niya.

“Bagong approve ba, ate?” excited na tanong ng kapatid niyang si Cille. Hindi niya namalayan na naroon na pala ito. Wala siya sa loob ng bahay nila dahil matutukso lang siyang manood ng tv doon. Kinailangan niyang matapos ang ginagawa niyang istorya na siyang ipinasa niya kanina lang.

Masasabi niyang inspired siyang magsulat dahil tatlong araw lang niyang isinulat ang manuscript na iyon. Kinailangan niya pang hindi mag-Twitter at Facebook para makatapos agad ng isang nobela. Pero nakapagsulat siya ng mabilis dahil inspired siya dahil kay Mitch. Pakiramdam niya’y in love na in love siyang talaga rito kaya nai-relay din niya iyon sa characters niya.

“Approve agad eh kakapasa ko pa lang nga ng bago,” aniya rito.

“Ano ba ‘yan! Ang tagal mo namang magka-approve ulit. Paano na ang dress ko?” maktol nito sa kanya.

Pinanlakihan naman niya ito ng mata. Bakit ba kasi nangakyo siya dito dati na siya ang bibili sa mga damit na gusto nito? Ang usapan kasi nilang dalawa ay ang ipambibili niya ng mga gusto nitong damit—na bibilhin lang niay isa sa bawat manuscript na approve niya—ay ang perang nakukuha niya sa pagsusulat. Ginawa niya iyon para hindi na marindi ang mga magulang niya sa kakahingi nito ng pera. Siya naman ang naririndi ngayon dito.

“Mahirap mamuhay sa luho, Cille. Tantanan mo muna ang kaka-window shop mo,” aniya rito. Sumimangot ito sa kanya pero hindi niya pinansin ang pagsimangot nito lalo na’t nakuha ng mga bagong dating na sina Creone, Carriane at Elle ang atensyon niya. Humihingal pa ang mga ito.

“Ate, ini-interview si Kuya Mitch sa tv ngayon,” ani Carriane.

“At kailangang kayong tatlo pa talaga ang magsabi sa’kin n’yan?” natatawang sabi niya sa mga ito.

“Hindi ka affected? Bakit? Nawala na ba ang pagkabaliw mo may Kuya Mitch?” kunot-noong tanong ni Creone sa kanya.

Nginisihan niya ito. “Siyempre, hindi ‘no. Napanood ko na kasi ang interview na ‘yon. Live pa,” paliwanag niya sa mga ito. Pawang nanlaki ang mga mata ng apat sa kanya.

Noong isang araw ay isinama siya ni Mitch sa ZBN news studio kung saan ito in-interview ni Cher Castillone tungkol sa mga naging achievement nito sa GP3 Series at kung ano ang mga plano nito sa pagbabalik sa Europe. Nalungkot siya nang malamang ilang araw na lang ang nalalabi nitong pananatili sa Pilipinas dahil kailangan na nitong bumalik sa Europe para mag-training at mag-practice para sa haharapin nitong Belgian Grand Prix na round seven nang naturang Series.

At ang isa pang nakakalungkot ay ang hindi niya alam kung ano ang posisyon niya sa buhay nito. Nang tanungin sila ni Cher off cam kung mag-ano silang dalawa ay pareho lang silang ngumiti dito ni Mitch. Sa parte niya, ngumiti siya dahil hindi niya alam kung ano ba talaga sila ni Mitch at hindi niya iyon maisagot kay Cher. Ganoon din ba ang rason ni Mitch kaya ngiti lang ang isinagot nito kay Cher?

Yes, there was something going on between them. Nagkaroon na nga sila ng “kissing scene” noon na talaga namang hindi siya pinatulog ng ilang araw dahilan para matapos niya ang isang manuscript. Pero hindi naman niya alam kung anong “something” iyon. Nakaka-frustrate pero ipinangako niya sa kanyang sariling hindi siya magmamadali at hindi niya ito mamadaliin.

Hindi kaya naghihintayan lang kayong dalawa?

Pero alam na nitong mahal niya ito noon pa man. Kailangan bang umamin muli siya rito para umamin din ito sa kanya?

If a guy loves a girl, he would do everything just so he could tell her he loves her.

“Bruha ka! Bakit hindi mo sinabi sa’min? At mukhang wala ka pang balak sabihin sa’min ‘yon ha,” kastigo sa kanya ni Elle.

Nginisihan niya ito. “Eh kasi, busy ako sa ginawa kong manuscript,” katwiran niya rito. Pero ang totoo ay iniiwasan siyang matanong kung ano ba talaga sila ni Mitch dahil hindi niya talaga alam kung ano ang isasagot sa tanong na iyon.

“Ano ba talaga kayo ni Kuya Mitch, ate?” tanong ni Cille sa kanya. Iyon na nga ba ang iniiwasan niya.

“Wala,” tanging sagot niya rito.

“Wala? Nagpapaka-showbiz ba kayong dalawa? Wala pa ba ‘yong paglabas-labas n’yo sa halos araw-araw na lang? At dahil sa kanya ay naglihim ka na sa’kin,” tila nagtatampong sabi sa kanya ni Elle.

Napayuko siya dahil sa sinabi nito. Napi-feel bad talaga siya. Ilang beses na niyang gustong tanungin si Mitch tungkol sa kanila pero natatakot siyang maging mali ang approach niya, mawala pa ang lahat ng ito sa kanya. Kinukumbinsi niya ang kanyang sarili na kontento na siya sa kung ano ang mayroon sila ngayon pero hindi niya magawa. She was still longing for him to tell her “I love you”.

“Wala nga talaga. We’re taking it slow. Maybe…Maaga pa naman ‘di ba? I mean, he only knew me for a week and a half,” aniya kay Elle.

“Wala pa bang sign?” ani Elle.

“Sign?”

“Sign na magtatanong na siya sa’yo. Baka naghihintayan lang kayong dalawa,” ani Elle. Naghihintayan lang ba silang dalawa? Pero umamin na siya dito noon pa na mahal niya ito.

“Hindi ko alam. I’m happy with what we have now. I mean, dati, kapag sinasabi kong magiging Mrs. Esguerra ako, siyempre, may doubt pa rin ako sa sarili ko na magagawa ko nga ‘yon. Pero heto’t malapit na ako do’n, nakaka-frustrate pala ang maghintay lalo na’t alam mong paalis na siya anytime soon,” aniya.

“But you’re not contented. ‘Yon ‘yon, Bebe. Girls would never be contented with just this, siyempre, lahat tayo maghahangad ng title natin sa buhay ng lalaking mahal natin. Well, for you, you just have to wait for a little more,” payo sa kanya ni Elle.

Huminga siya ng malalim saka ito nginitian. Iyon na nga siguro ang kailangan niyang gawin.

“Ate, following mo na si Kuya Mitch sa Twitter at saka ni-like na rin niya ang page mo sa Facebook,” ani Cille habang nakatingin sa iPad nito.

Following na nga niya ito sa Twitter, ni-like na nga nito ang page niya sa Facebook, hindi pa naman siya nito sinasabahan ng “I love you”.

“Ate, tadtad na ng posts galing sa readers mo ang timeline mo. They’re all saying na masaya sila para sa’yo dahil magiging Mrs. Esguerra ka na nga raw. Maawa ka naman sa timeline mo,” ani Creone habang nakikitingin sa iPad ni Cille.

“At sa Twitter naman, siguradong sabog na ang mentions mo kay Ate Laarnie pa lang,” sabi naman ni Carriane na ang tinutukoy ay ang mortal niyang karibal kay Mitch at kaibigan din niya.

“Ano ba’ng problema mo, ate? Ito na ‘yon ‘di ba? Why aren’t you grabbing this chance?” seryosong tanong ni Creone sa kanya.

“Sobra na siguro ang na-grab kong chance kaya kailangan ko munang namnamin ang chances na ‘yon,” aniya rito.

“Ate, hindi ninanamnam ang chances. It should be made into possibilities and reality. You already passed the possibilities, why don’t you make it into a reality now?” sabi pa ni Creone. Napatingin siya rito bigla. Kung magsalita ito ay parang mas matanda pa ito sa kanya.

“Mahirap naman kung ako lang ng ako ang kumikilos, ‘di ba?” aniya.

“Napapagod ka na ba?” seryosong tanong sa kanya ni Elle.

Umiling siya rito. Hindi pa siya napapagod sa pangangarap na magiging “sila” rin ni Mitch sa huli. Siguro’y naiinip lang siya.

“Oh my god!” sabay-sabay na bulalas ng tatlo niyang kapatid. Nakatingin pa rin ang mga ito sa iPad.

“Akin na nga ‘yan,” aniya sa mga ito sabay kuha ng iPad. Pina-follow pala ni Cille si Mitch sa Twitter kaya nakikita sa Home nito ang tweets ni Mitch. At karamihan sa tweets nito’y naka-address sa kanya. Agad na ni-log out niya ang account ni Cille at siya naman ang nag-sign in.

Sabog nga ang mentions niya sa rants pa lang ni Laarnie. Idagdag pa ang followers niya na lahat ay bumabati sa kanya dahil sa pagpa-Follow at pagtu-tweet sa kanya ni Mitch. Pero hindi muna niya sinagot ang tweets ng mga ito. Inuna muna niya ang tweets ni Mitch.

@MitchEsguerra_ : @Kylie_Jane Hi, Miss! : ) anang una nitong tweet. Kinikilig siya. Matagal na niyang hinihintay na mag-tweet ito sa kanya simula nang magkaayos silang dalawa pero nagkaproblema sa Twitter nito. Mukhang may nang-hack daw ng account nito kaya hindi ito makapag-sign in sa Twitter.

She typed in her reply. @Kylie_Jane : @MitchEsguerra_ Hello, Mister! : )))

Binasa naman niya ang iba pa nitong tweet at nagreply siya. @MitchEsguerra_ : @Kylie_Jane Have you watched the interview on tv? Thanks for coming with me then.

@Kylie_Jane : @MitchEsguerra_ Nope. : ( I’ve finished an MS. Glad to watch it live though. Thanks for bringing me along. : ) reply niya rito.

@MitchEsguerra_ : @Kylie_Jane Sugar Treats ulit? sabi pa ng isa nitong tweet. How could he be that talkative on Twitter?

@Kylie_Jane : @MitchEsguerra_ Sure! Pick me up anytime. reply niya rito.

“’Yan ba ang ‘wala’?” ani Elle sa tabi niya. Nabasa marahil nito ang tweets ni Mitch sa kanya. Napangiti na lang siya rito.

Real love. See? Kahit na nagmumukha kang tanga, kahit na masama ang mood o masama ang loob mo kanina, isang tweet lang nito, kahit period pa yata ‘yon, masaya ka na. Basta mahal mo, aniya sa sarili.

Nang makita niyang may 3 new interactions sa Mentions niya ay agad niya iyong cli-in-ick.

@MitchEsguerra_ : @Kylie_Jane Busy? anang tweet nito na sagot sa unang tweet niya.

“Sabihin mo, not now kasi nag-tweet na siya,” udyok ni Elle sa kanya. At iyon nga ang isinagot niya rito.

@MitchEsguerra_ : @Kylie_Jane You’re very much welcome. Confident booster ka eh. Anyways, I’ve read all your blogs already. Haha! sabi naman ng sunod na tweet nito na lalo niyang ikinakilig. Pinaghahampas pa niya si Elle sa kilig. Iyong effort pa lang ni Mitch na basahin ang blog niya, kilig na kilig na siya.

“Ate, ‘wag ‘yong iPad ko ha. Mahal ‘yan,” ani Cille sa kanya.

Ano kaya ang naging rekasyon ni Mitch sa blog entries niya na tungkol dito?

@Kylie_Jane : @MitchEsguerra_ Next time ulit. : ) Your comments would be much appreciated. Keep me posted with those. reply niya rito. Curious na siya kung ano ang masasabi nito tungkol sa blog niya maliban sa “haha”.

@MitchEsguerra_ : @Kylie_Jane Okay. I’ll pick you up at two. anang huling tweet nito.

“Oh my god! Kailangan mong magpaganda, ‘Be. Baka ngayon na siya magpo-propose sa’yo,” excited na sabi sa kanya ni Elle.

“Propose? Agad-agad?”

“Tange. Ibig kong sabihin, tatanungin ka na niya ngayon kung pwede ka na niyang maging girlfriend,” paliwanag nito.

“Ate, ‘wag mo siyang sasagutin agad-agad ha? Pakabahin mo muna siya bago ka sumagot ng ‘yes’, okay?” sabi naman ni Carriane.

“Ewan ko sa inyo,” naiiling na sabi niya sa mga ito pero hinihiling niyang sana’y magpropose na nga sa kanya si Mitch.

Kylie_Jane : @MitchEsguerra_ Laters, baby. tweet niya kay Mitch.

@MitchEsguerra_ : @Kylie_Jane Laters, baby. reply din nito sa kanya at sinabayan pa nito ng Retweet at Favorite. Sabay-sabay nilang limang ikinakilig iyon.

“Nafi-feel ko talaga, ‘Be. Ngayon na siya magtatanong,” ani Elle.

Sana nga.

OKAY. Today is the day, Mitch. You should not mess up, sabi ni Mitch sa sarili habang tinitingnan ang Twitter conversation nila ni Kaycee. He had finally made a decicion. Sa wakas ay nakaipon na siya ng lakas ng loob para magtapat kay Kaycee at matanong ito kung pwede na ba niya itong maging girlfriend.

Tama siya nang sabihin niya sa kanyang sarili noon na “she would be worth a try” dahil higit pa sa inaasahan niya ang naramdaman niya dito. Masaya siya tuwing kasama ito. Tuwing naghihiwalay sila’y hinahanap-hanap agad siya nito. Palaging may parte sa puso niya na gusto itong makasama palagi kaya palagi rin niya itong niyayang lumabas.

Ito ang unang tao na nakapagparamdam sa kanya ng salitang “selos”. Talaga namang nainis siya noong napagkwentuhan nito at ng kapatid niyang si Lauren sa mismong harapan pa niya ang tungkol sa ibang lalaking crush daw nito. Nagpupuyos ang damdamin niya noon dahil gusto niyang siya lang ang gusto nito. Ayaw niyang tumitingin ito sa ibang lalaki o ang marinig itong nagsasalita tungkol sa ibang lalaki. Selfish na nga yata siya, but he only wants Kaycee for himself.

Anong galak nang puso niya nang sa wakas ay mahalikan na niya ito. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya nang halikan niya ito. Yes, he had kissed women before but with Kaycee, it’s different. Siguro dahil hindi niya mahal ang mga babaeng hinalikan niya noon, ang mga babaeng “play and fun” lang ang hinahanap. And, yes. He loves Kaycee.

Tama nga si Raff sa sinabi nito noong kakainin niya ang pagsasabi niyang hindi niya gusto si Kaycee dahil ngayon ay higit pa sa gusto ang nararamdaman niya para rito. Parang gusto na niyang totohanin ang pangarap nitong maging Mrs. Mitchell Esguerra. Alam niyang matutuwa ito at matutuwa rin siya.

Pero itong pagiging magnobyo muna ang haharapin niya. Niyaya niya ito sa Sugar Treats mamaya at tatanungin na niya ito roon kung pwede na bang mag-level up ang kanilang relasyon. Siguro para sa iba ay masyadong mabilis ang lahat. But he’s sure that this is what they both want. The feeling he feels for Kaycee was so intese he can’t wait to have her for a girlfriend in another week or so.

“Mitch?” narinig niyang tawag sa kanya ng isang boses.

“Papa! Nandito ka na po pala. Kailan ka pa dumating?” tanong niya sa kanyang amang kapapasok lang ng kanyang kwarto.

“I just got here and I have exciting news for you that you would be happy to hear about,” excited na excited na sabi nito sa kanya. Nagyakapan silang dalawa. Hindi ito sumama sa kanya pauwi dahil may mga tao daw itong kailangang kausapin sa Europe tungkol sa career niya. Ang kanyang ama ang tumatayong manager niya.

“Ano po ‘yon?”

“You will have training with Red Bull after the Series. Can you believe it?” nasisiyahang tanong nito sa kanya.

That was an exciting news indeed. Ang Red Bull ay isang racing team sa Formula One na kinabibilangan ng mga hinahangaan niyang formula drivers. “Tinanong ka ba nila para mag-training ako sa kanila?” tanong niya sa kanyang ama. Maging siya ay na-excite sa sinabi nito.

“Yeah. Susubukan mo lang naman daw sa kanila. You know, they got a lot of feeling na ikaw ang mananalo sa GP3 Series this year. At kapag umabante ka na sa GP2, kahit isang series ka lang daw do’n, basta maganda ang results mo, kukunin ka na nila,” paliwanag ng papa niya.

“Wow, oh, wow!” hindi makapaniwalang saad niya. Wala na siyang iba pang masabi. Magiging mabilis ang pagpasok niya sa Formula One na matagal niyang pinangarap kaysa sa inaasahan niya. Kailangan lang niyang manalo sa GP3 Series ngayon para umabante na siya sa GP2.

“Well, son, you can do it. Basta mag-focus ka lang. Avoid distractions, okay? Oh, and that means, sa Europe tayo magki-Christmas. We won’t be coming home ‘til next year again. This is your formula dream, buddy! Congratulations!” nasisiyahang sabi sa kanya ng papa niya saka siya nito niyakap.

Hindi magproseso ng maayos ang isipan niya. A lot of things was crowding his mind. Kaycee. Formula One. No distractions. No Philippines. Ano’ng gagawin niya ngayon?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.