Campus Romance Chapter 1

Nakapangalumbaba si Drea habang nakatunganga sa kanina pa salita ng salita na si Dominic. Nagpapa-tutor siya rito para sa kanyang marketing subject pero kanina pa siya hindi nakikinig dito. Sa halip ay nakatanga siya habang pinagmamasdan ito. Hindi na naman kasi niya kailangang magpa-tutor sa strategies and techniques dito sa marketing dahil mataas naman ang marka niya roon. Nagpapa-tutor lang siya rito para makasama ito at mapalapit dito.

Dominic Enriquez. The love of her life. Ang gwapo talaga nito. Lalaking-lalaki. He possessed chinky eyes which he resembled from her mother, Tita Mafie, who came from a chinese family. He has a fair complexion, cute pointed nose, sweet and soft looking red lips and a hot body that women is dying to hug.

Simula yata noong binigyan siya nito ng cotton candy habang siya’y umiiyak sampung taon na ang nakararaan ay hindi na siya tumigil sa pagkuha ng atensyon nito. Natatandaan pa niya kung paano siya inalo nito dahil inaway siya ng mga kalaro niya noon. Ito naman ay nasa second year high school na noon.

“Hey, tahan na. Alam mo ba kung bakit ka nila binu-bully? Sa tingin ko, iyon ay dahil hindi lang nila alam kung paano nila dapat i-express ang feelings nila sa’yo. Sasabihin ko sa’yo, mga duwag sila. Hindi ka nila kayang i-approach ng tama dahil inuunahan sila ng takot kaya idinadaan nila sa pang-aasar sa’yo. Ang cute mo kasi.”

Ang mga papuri nito ang unang nakaakit sa kanya. Simula noon ay hindi na siya nagpapaapi sa mga nang-aasar sa kanya na kalaro o kaklase niya dahil ang sinabi ni Dominic ang naging mentalidad niya. Simula rin noon ay palagi na siyang nagpapa-cute dito at palagi rin siyang nagpapa-impress dito.

Kaya kahit wala siyang hilig na magbasa ng libro ay pinilit niya iyong gawing hobby dahil mahilig magbasa si Dominic. She wanted to be smart and witty whenever they started to converse. She always made sure that she’ll have an excellent grade in her every subject, dahil malimit na kay Dominic siya nagpapa-tutor. Kung anu-ano pa ang ginawa niyang “hobby” niya na hobby ni Dominic para maging malapit siya rito pero ni isa sa mga iyon ay hindi naging daan para ligawan siya nito.

She has a body to die for. Nineteen pa lang siya pero in full blown na ang katawan niya. Iyon ang kinaiinggitan ng halos lahat ng kakilala niyang babae. She was tall, fair-skinned, flawless, sexy, brainy and beautiful. In fact, she is the current Miss St. Joseph’s College title holder. Siya kasi ang nanalo sa beauty contest nang nakaraang taon sa pribadong unibersidad ng St. Joseph’s College sa Maynila at ipinagmamalaki niya iyon dahil hindi lang ganda ang laban sa naturang patimpalak kundi pati talino. And she’s proud that she has both.

Kaya hindi niya alam kung bakit hindi man lang siya pinagtatangkaang ligawan ni Dominic gayung halos pagkabata ay kilala na niya ito at magkapit-bahay pa sila. Hindi niya ito kaedad dahil matanda ito sa kanya ng limang taon pero naniniwala siyang “age doesn’t matter” pagdating sa love.

Sinigurado pa niya na ito ang magiging partner niya sa debut niya last year. Tuwang-tuwa siya ng pumayag ito. Ito ang sagot sa fairytale dream niya. She could see her happy ending with Dominic. Kinilig siya nang maisip iyon.

“Drea, nakikinig ka ba sa’kin?” untag nito sa kanya.

“H-ha?” Oh, shit! “Oo naman. Ano na nga ba iyon?” Bumuntong-hininga ito. Napakagat-labi naman siya. Kung anu-ano kasi ang naiisip niya.

“Ang mabuti pa, kumain na muna tayo. May bake mac na ginawa si Mommy kanina.” anito.

“Okay!” nakangiting sabi niya. Tumayo sila mula sa sofa at nagtungo sa kusina.

“Kumusta ang session?” bungad sa kanila ni Dereck na kumakain ng bake mac. Ang nakababatang kapatid ni Dominic at mortal na kaaway niya. Kung si Dominic ang Prince Charming, si Dereck naman ang kontrabida. Ito ang kontrabida sa fairytale nila!

“Okay naman.” aniya.

“Talaga? Tungkol saan naman iyong pina-tutor mo?” nang-aasar na tanong nito. Shit, Dereck, not now!

“Nagpaturo siya sa’kin kung paano gagawa ng business proposal at marketing plan. Hindi raw kasi niya makuha iyong itinuro ng professor niyo, eh baka bumagsak siya sa exam niyo.” paliwanag ni Dominic para sa kanya. Nang-uuyam na nginisihan naman siya ni Dereck.

“Ah. I forgot to congratulate you. Congratulations nga pala!” sabi ni Dereck sa kanya saka ngumisi at bumaling sa Kuya nito. “Kuya, alam mo bang naka-perfect siya sa last quiz namin?”

“Talaga? Congratulations, Drea! Sabi ko sa’yo, kaya mo iyong sa market segmentation na iyon eh.” nakangiting bati sa kanya ni Dominic. Kinilig na sana siya nang lagay na iyon pero inunahan siya ng kaba dahil sa pang-aasar ni Dereck.

Totoo ang sinabi nito na na-perfect niya ang exam nila tungkol sa pag-gawa ng marketing plan na siyang pinapa-tutor niya kay Dominic kanina. Sinabi kasi niya rito na hindi niya maintindihan ang pag-gawa niyon.

Nakataas ang kilay na tumingin sa kanya si Dereck saka ngumisi. She wonders, masungit ito pero kapag nakakakita ng pagkakataon na malagay siya sa alanganin para asarin ay nawawala ang pagkamasungit nito. He really wanted to see her suffer. I can kill you, Dereck!

“Talaga lang, ha? Ang alam ko kasi last-----------------“

“Kain na tayo. Siguradong masarap ang bake mac ni Tita Mafie.” pag-iiba niya sa usapan at saka pinandilatan ng mata si Dereck nang hindi nakatingin si Dominic.

“Oo nga.” sang-ayon ni Dominic habang sinisimulan nang lantakan ang bake mac. Napagitnaan siya ng magkapatid.

“Don’t try to embarrass me now, Dereck. Please.” bulong niya kay Dereck. Ngumisi lang ito at pinagpatuloy ang pagkain. Hinawakan niya ang laylayan ng suot nitong t-shirt at hinigit-higit iyon para makuha ang atensyon nito pero parang wala lang iyon dito dahil patuloy ito sa pagkain.

“Hey, Drea, bakit hindi ka pa kumakain?” pagkuwa’y tanong ni Dominic.

“Ha? Ah...’Eto, kakain na nga eh.”

“Are you all right?”

“Oo naman. Why wouldn’t I be?”

“Oo nga naman, Kuya. Why wouldn’t she be? Unless, may tinatago siyang sekreto sa’yo.” pang-aasar pa ni Dereck. Dahil doon ay siniko niya ito pero hindi man lang ito umigik sa sakit. Uminit ang ulo niya. Nakakairita talaga ito.

“Ano naman ang itatago sa’kin ni Drea?” tila amused na tanong sa kanila ni Dominic.

“W-wala iyon, Dominic. Kung anu-ano lang ang sinasabi nitong si Dereck para mang-asar.” aniya. Bumaling siya kay Dereck at pinandilatan ito ng mata.

“What?” ngising-ngising tanong nito. She mouthed the words “I hate you” to him. “So? I don’t love you either.”

“Alam niyo kayong dalawa, palagi na lang kayong may LQ.” tudyo sa kanila ni Dominic.

Oh! My! God! Dominic, no! I don’t even like this bastard. Kung alam mo lang, ikaw ang mahal ko! She can’t believe she just heard those words from Dominic. Ito ang kaisa-isahang taong ayaw niyang pagdinigan ng mga salitang iyon.

Tuksuhan na sa village nila na sa tuwing nagbabangayan sila ni Dereck ay may LQ sila. Hindi niya pinapansin ang mga asar na ganoon dahil hindi naman iyon totoo. At tama na ang pagsasabi niya sa mga ka-barangay nila na wala siyang gusto kay Dereck. Pero kung si Dominic na mismo ang nagsabi niyon, paulit-ulit siyang magpapaliwanag dito.

Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na inaasar siya ni Dereck dahil may gusto ito sa kanya dahil sa sinabi sa kanya noon ni Dominic. Bakit? Dahil siya ang opposite ng gusto ni Dereck. Ang sabi pa nito ay spoiled brat daw kasi siya, umaasa palagi sa pamilya at puro whining ang alam. Lalo siyang nainis dito dahil kung siya ang pagbabasehan, hindi naman siya spoiled brat. Mahal lang talaga siya ng pamilya niya kaya hindi siya matiis ng mga ito.

Aside from that, ayaw sa kanya ni Dereck dahil napaka-taray at suplada raw niya na hindi niya pinapansin ang mga taong hindi malapit sa kanya. Ang katwiran niya ay hindi naman niya kailangang pansinin ang lahat ng tao nang dahil lang kilala siya ng mga ito dahil hindi naman niya kilala ang mga ito.

Isa pa, ayaw ni Dereck sa mga magaganda. So, actually, ang gusto ni Dereck ay pangit, independent na parang walang pakialam sa pamilya or maybe what you called ‘rebelde’, at iyong nakikipag-plastikan pa.

“Of course not! I don’t even like him!” mariing tanggi niya.

“O, baka hindi ka matunawan mamaya.” pang-aasar pa ni Dereck. Muli ay siniko niya ito pero ngumisi lang ito.

“The more you hate, the more you love, ‘ika nga, Drea.” ani Dominic. She really can’t believe she’s hearing this from him. She feels like she wanted to cry.

“No! I wouldn’t even look at him even if he’s the last guy on earth. Never!”

“Huwag kang magsalita ng tapos, Drea. Mamaya niyan, mauntog ka sa pader at magkagusto ka kay Dereck.”

“Hindi mangyayari iyon dahil hindi ako lalapit sa mga pader!”

“Ano ba ang ayaw mo kay Dereck?”

“Kuya, aalis na ako.” paalam ni Dereck.

“Where are you going?” tanong niya rito na ikinakunot nito ng noo. Now, he’s back to being the real snobbish Dereck.

“It’s none of your business.” simpleng sabi nito at saka lumabas ng kusina.

“Dominic, teka lang ha.” paalam niya kay Dominic at saka sinundan si Dereck palabas. Pasakay na ito ng kotse nang maabutan niya. “Ano ba talaga ang problema mo, ha?” sita niya rito. Sa halip na sagutin nito ang tanong niya ay inilagay nito sa tainga ang earphone ng ipod nito. ‘Kainis! Hinaglit niya ay earphone at hinarangan ito. Nakakunot-noong tumingin lang ito sa kanya. “What-is-your-problem-with-me?”

“Wala.” simpleng sagot nito. Sasakay na sana ito sa kotse pero pinigilan niya ito.

“Ano’ng wala, eh parati mo na lang akong sinisiraan kay Dominic?” Ang pagkunot nito ng noo ang isinagot nito sa kanya na lalong ikinaasar niya. “Pwede bang sagutin mo ako in words?”

“Wala akong problema sa’yo.”

“Prove it.” Lalong kumunot ang noo nito. “Kung wala kang problema sa’kin, bakit palagi mo akong pinapahiya sa harap ni Dominic? Alam mo naman na may gusto ako sa kanya, ‘di ba? Sa halip na tulungan mo ako ay lalo mo akong binibigyan ng problema.”

“I don’t have any problem with you. At wala akong obligasyong magpaliwanag sa’yo tungkol sa mga ginagawa ko.” pagsusuplado na naman nito. Sumakay na ito sa kotse at saka pinaandar iyon palabas ng bakuran. Ano ba talaga ang problema nito sa kanya? Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga bago pumasok muli sa bahay ng mga Enriquez.

“O, tapos na ba kayo sa away niyo?” tanong ni Dominic.

“Dominic naman eh, hindi ko nga siya gusto!” Ikaw ang gusto ko!

“Okay, okay.”

“Labas tayo. Gusto kong kumain ng ice cream sa TresKas.” Ang TresKas ay ang sikat na grocery store na may cafe and restaurant na pag-aari ng magkakapatid na sina Kathreen, Kaila, at Kamhya na doon din nakatira sa village nila.

“Naku. Next time na lang. Busog pa ako eh.” paiwas na sagot nito. Biglang nawala ang aliwalas sa mukha nito.

“May problema ka ba?” nag-aalalang tanong niya rito.

“Wala naman.”

“Kapag may problema ka, sabihin mo lang sa’kin ha. I’m more than willing to help you. Ang dami mo ng naitulong sa’kin eh.” nakangiting sabi niya.

“Halika nga rito.” tawag nito sa kanya. Oh, my gosh! This is it! Agad na lumapit siya rito. Sa sobrang excitement ay isiniksik niya ang katawan niya rito. “Thank you, Drea. Ang bait mo talaga.” Ginulo nito ang buhok niya saka pinisil ang pisngi niya.

Dismayadong napangiwi siya. Parating ganoon na lang ang ginagawa nito sa kanya. Para siyang bata sa tuwing ginagawa nito iyon. Nakakainis pero hindi siya nawalan ng pag-asa.

“Mabait talaga ako, malambing at higit sa lahat, maganda at sexy. Kaya maswerte ang magiging boyfriend ko.” may pagmamalaking saad niya. Tumawa lang ito. “Teka, parang hindi ka naniniwala ah.”

“Nagtampo na ang bata. Siyempre, naniniwala ako. Everybody sees that. Kaya nga marami kang admirer dito sa barangay natin eh.”

Pero hindi sila ang gusto kong makapansin sa’kin. Ikaw! ngali-ngaling sabihin niya rito.

“Hindi na ako bata! At saka, wala akong pakialam sa mga lalaking iyon!” mariing sabi niya.

“Whoa. Chill ka lang.” nakangiting saad nito. “Oo nga pala, kapag uuwi ka na, magdala ka ng bake mac para kina Tita Nina ha.”

“Okay. Thanks.”

“Siyanga pala, nabanggit sa’kin ni Dereck na may nakaaway ka raw sa school niyo noong isang linggo. Ano’ng nangyari doon?” tanong nito. Napakagat labi siya. Lagot talaga sa kanya ang Dereck na iyon. Pati ba naman iyon ay sasabihin pa nito kay Dominic. Ano na lang ang iisipin ni Dominic sa kanya, war freak siya? She can’t let him have that thought.

“Hindi naman ako ang nagsimula eh. Sila ang nanghamon. Hindi naman pwedeng tumunganga lang ako doon habang kung anu-ano ang sinasabi nila sa’kin.” Ikinwento niya rito ang buong pangyayari. Last week kasi ay hinarangan siya sa corrigdor ng Business Administration building nang grupo nina Danielle. Boyfriend nito si Reiner na naging partner niya sa Human Behavior subject nila para sa isang activity na kinailangang pagsamahan nila ng isang linggo dahilan para pumunta ito sa bahay nila. Hindi niya ito type kahit na sabihin ng ibang gwapo ito dahil si Dominic lang ang gusto niya.

“Kahit na, hindi magandang nakikipag-away ka. Huwag mo na lang silang pansinin sa susunod. Baka magka-record ka pa, sayang ang pagiging dean’s lister mo. At saka, beauty queen titlist ka, mawawala ang poise.” ani Dominic.

“Sorry.”

“Okay lang iyon. Huwag mo na lang uulitin dahil baka pagalitan ka ng Mama’t Papa mo.” Huminga siya ng malalim saka tiningnan ito.

“Do you find me attractive, Dominic?” tanong niya. Out of the line ang tanong niya pero gusto lang niyang malaman kung nagagandahan ba ito sa kanya. Halatang nagulat ito sa tanong niya pero ngumiti pa rin ito.

“Oo naman. You’re beautiful inside and out, Drea. Don’t let others ruin that.” sinserong sabi nito. Dahil sa sinabi nito ay nayakap niya ito.

“Thank you!” Ngayon ay si Dereck na lang ang po-problemahin niya.

PrevNext

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.