Campus Romance Chapter 13

“SERIOUSLY?” hindi makapaniwalang bulalas ni Freya kay Prime nang makarating siya sa condo unit nito isang Linggo ng umaga. Iyon ang unang Linggo niya sa pagiging “alipin” kay Prime at gusto na niyang umbagin ito ng suntok dahil sa nadatnan niyang lagay ng unit nito.

“Nagrereklamo ka?” nakahalukipkip na tanong nito sa kanya. He was really trying to test her patience and her temper.

Dinaig pa nito ang kanyang mga magulang. Ang mga magulang niya’y hindi siya inuutusan ng ganoon dahil may mga kawaksi sila sa bahay. Ayaw na ayaw rin niyang nauutusan siya. Kaya naman talagang sagad sa buto ang pagkaasar niya kay Prime sa lahat ng bagay na pinapagawa nito sa kanya.

Huminga siya ng malalim at pilit na pinigilan ang inis na nararamdaman para kay Prime. “So, lilinisin ko itong sala mo? ‘Yon lang?” tanong niya rito.

“Kailangang malinis ang buong sala pati ‘yon ha,” anitong itinuro ang chandelier. “Pagkatapos mong linisin ang buong sala, isunod mo na rin ang kwarto ko kasama ang bathroom niyon. Pagkatapos ipagluto mo ako ng tanghalian. Maliwanag?”

“Hindi ako marunong magluto,” pag-amin niya rito.

Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Pagkatapos ay tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “Babae ka ba?”

Nainsulto siya sa tanong nito. “Hindi ba ako mukhang babae? Gusto mong patunayan ko sa’yo?” inis na wika niya rito.

“Never mind. O-order na lang ako kina Jasper. Just do everything I say,” ani Prime saka siya tinalikuran at pumasok sa kwarto nito. Pero muli siya nitong binalikan. “Finish cleaning the living room in thirty minutes,” pahabol pang sabi nito. Bago pa man siya makapagreklamo’y nakapasok na agad ito sa kwarto nito.

Not that she has the right to complain. Pero pakiramdam niya’y sinusubukan talaga ni Prime ang pasensiya niya. At hindi niya hahayaang manalo ito ng ganoon na lang. Gagawa siya ng paraan para maramdaman din nito ang nararamdaman niya.

Kinuha niya ang ibinigay ni Prime sa kanyang walis at dust pan pati na rin ang tuyo at basang basahan. Carpeted ang salas ng unit ni Prime kaya nagbigay din ito sa kanya ng vaccuum cleaner. May common sense naman siya kung paano gamitin ang mga iyon kaya makakapaglinis naman siguro siya ng maayos. Hindi naman siya ganoon kahunghang sa gawaing-bahay. Naturuan silang maglinis noon sa kanilang home economics subject. Iyon nga lang, hindi na niya isinapuso pa ang mga natutunan dahil tamad siya at ayaw niyang gumawa ng gawaing-bahay.

Sinanay siya ng kanyang pamilya na walang ginagawa sa bahay kundi ang mga gusto niya—at hindi niya gusto ang maglinis ng bahay. Nasanay siyang nandiyan na ang lahat para sa kanya.

Nang makita niya ang childhood pictures ni Prime ay napatawa siya. Ang cute ni Prime noong bata pa ito. Medyo chubby ito pero gwapo pa rin naman ito. Ginamitan niya ng duster ang mga picture frames nito para malinis iyon.

Nagpatugtog siya gamit ang kanyang cell phone. Hindi naman kalakihan ang living room ng unit ni Prime kaya mabilis lang niya iyong malilinis. Sinimulan niyang magwalis pagkatapos ay pinunasan niya ang mga mesa pati na rin ang ibang kasangkapan doon. Inaayos niya ang sofa pati na rin ang center table. Nang makatapos siya roo’y pawis na pawis na siya.

“Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito. Sa isang sulyap mo ay nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso. Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punong-puno ng kulay. Sa isang sulyap mo ay ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako,” pagsabay niya sa kantang pumapailanlang sa ere ngayon habang bina-vaccuum ang carpeted floor ng salas ni Prime.

“Not bad,” anang pamilyar na boses ni Prime na ikinagitla niya. Napahawak siya sa kanyang dibdib nang makita kung ano ang hitsura nito.

Damn it! Prime is only wearing a black boxer short. Bumilis ang tibok ng puso niya pagkakita dito. Hindi niya alam kung sinasadya nitong magpakita ng ganoon sa kanya para akitin siya nito o talagang ganoon lang ito sa bahay. At bakit ka naman niya aakitin, aber? Her forehead creased at the thought. Normal lang na makita niya itong naka-jersey at doon ay makikita niya ang matitipunong braso nito. This is the very first time she saw him almost naked. At aaminin niyang maganda talaga ang katawan nito.

Kahinaan niya ang mga lalaking may magagandang katawan. Whenever she sees a picture of a hot guy on the internet, she would almost drool. Hindi naman siya manyak pero maganda lang talagang tingnan ang mga magagandang katawan ng mga lalaki.

So, hot nga si Prime? Oh-my-god! You now have hots for him! ¬tudyo ng isipan niya.

Hindi ah! He’s body is just…nice.

Nice, my foot! You can’t take your eyes off his body yet all you could say is nice?

Fine! Hot!

Ipinilig niya ang ulo ang kanyang ulo dahil kung anu-ano na ang mga naiisip niyang hindi maganda sa kanyang isipan.

“W-wala pang thirty minutes ah,” aniya rito. Curse herself for stammering in front of him.

“Naligalig ako sa boses mo. Don’t ever sing again,” seryosong sabi nito. One thing about Prime, he’s straight-forward and she hates it.

“Ang kapal mo naman! Feeling mo maganda ang boses mo!” inis na sabi niya rito. Nasisira ang moment niya. Nagagamay pa naman na niya ang kanyang trabaho pagkatapos ay sisingit pa ito at mang-aasar. Nakakainis lang.

Pero ang inis na naramdaman niya rito ang naging dahilan para hindi niya matingnan ang magandang katawan ni Prime. Baka mapansin nitong nagugustuhan niya ang katawan nito at mas lalo siya nitong punain pa.

“Hindi ako mamumuna kung wala akong maipagmamalaki.”

Napamaang siya rito. Marunong itong kumanta? “You sing?”

Hindi nito sinagot ang tanong niya. Bagkus ay tinalikuran siya nito at tinungo ang kusina. Nademonyo naman siyang tingnan ang paglayo nito lalo na’t malaya niyang natitingnan ngayon kahit ang likod ng katawan nito. He had a nice butt. Curse him for having one. Kahit na wala na ito sa paningin niya’y hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang magandang hubog ng katawan nito.

Zap it, Freya! Namamanyak ka na dahil kay Prime!

Gosh! Concentrate para matapos na ang trabaho mo at makauwi ka na, sabi niya sa sarili. Ibinalik niya ang tuon sa pagba-vaccuum pero muling bumalik doon si Prime at may dala itong hagdanan. Sa pagkakalapit nito sa kanya’y nasamyo niya ang mabangong amoy nito. Amoy bagong ligo ito.

“Gamitin mo ‘to sa paglilinis ng chandelier. Bilisan mo d’yan dahil magpu-push ups pa ‘ko d’yan,” utos nito sa kanya.

“S-sige,” aniya ritong nakatingin pa rin sa katawan nito.

“Staring is rude,” walang gatol na sabi nito. Bigla naman siyang napaayos ng tayo at sa itinuon na ang pansin sa paglilinis. Pakiramdam niya’y namula ang buong mukha niya dahil napahiya siyang nahuli pa siya nitong nakatingin dito. Mabuti na lang at muli itong pumasok sa kwarto nito.

Nang matapos niyang ma-vaccuum ang carpet ay ang chandelier naman ang hinarap niya. Umakyat siya sa hagdanan bitbit ang duster at inabot ang chandelier. Pero nakaramdam siya ng takot ng maramdamang bahagyang gumalaw ang hagdanan sa pag-abot niya sa chandelier kaya tinawag niya si Prime.

“What now?” tanong nitong may bahid na inis ang tinig. At hindi niya alam kung ikasisiya niya ang pagsusuot nito ng t-shirt o hindi pagharap nito sa kanya ngayon.

“Hawakan mo ang hagdanan. Baka malaglag ako,” aniya rito.

“Bumaba ka riyan. Ako na lang ang maglilinis ng chandelier,” pagkuwa’y sabi nito.

“Seryoso ka?”

“Oo. Mamaya mahulog ka pa, kasalanan ko pa,” katwiran nito. Natuwa siya sa sinabi nito. May pagka-gentleman din naman pala ito kahit paano.

Bumaba siya sa hagdanan at inabot kay Prime ang duster. Sa tanganan ng duster kinuha ni Prime ang bagay dahilan para dumaiti sa kamay niya ang kamay nito. May naramdaman siyang kung anong sensasyon sa simpleng pagdadaiti ng kanilang mga kamay. Napatingin siya rito at hindi niya inasahang nakatingin din pala ito sa kanya.

“Tabi d’yan,” utos ni Prime sa kanya. Tumabi naman siya at inakyat nito ang hagdanan saka sinimulang linisan ang chandelier.

“Lilinisin ko na ang kwarto mo,” aniya rito.

“Huwag mong gagalawin ang desk ko do’n,” bilin nito saka siya pumasok sa kwarto nito.

Pagbukas niya ng pintuan ng kwarto nito’y isang kaiga-igayang amoy panlalaki na agad ang sumalubong sa kanya. Hindi naman magulo ang kwarto ni Prime. Ang kama lang nito ang tanging magulo doon. Labis na nakuha ng portrait painting sa gitna ng wall ng kwarto nito ang kanyang pansin. Portrait iyon ni Prime. Hindi iyon portrait painting at nakapagbigay iyon ng isang ideya sa kanya.

Bakit hindi kaya si Prime ang gawin niyang subject para sa portrait painting na isasali niya sa gaganaping school art exhibit nila sa susunod na buwan?

Why not? Gwapo naman si Prime. His face would surely be perfect in a portrait. Katulad na lang ng litrato nito sa dingding na iyon.

Nilapitan niya ang kama nito at sinimulan iyong ayusin. Marunong naman siyang mag-ayos ng kama niya kaya magiging madali lang ang pag-aayos niyon para sa kanya. Pagkahawak niya sa unan ni Prime ay natukso siyang amuyin iyon na para bang hindi pa sapat sa kanya ang panlalaking amoy nito na pumapaloob sa buong kwarto.

“Hmmm. Ang bango,” aniya habang yakap ang unan.

Bakit inaamoy mo ang unan ni Prime? kastigo niya sa sarili. Agad niyang binitawan ang unan at mabilis na inayos ang kama ni Prime. Nilapitan niya ang malaking divider sa kwarto nito kung saan may mga nakapatong pang litrato ni Prime. Pinili niyang kunin ang isang picture frame kung saan pinaka-gwapo si Prime. Nakangiti pa ito.

“Ano bang gagawin ko sa’yo para mapaamo kita?” pagkausap niya rito. Peste! Ang gwapo niya rito. Nakakainis!

He has prominent features. His nose was perfect and so were his brows. His eyes were the darkest brown she’d ever seen. She took a mental note on herself to have his eyes turn out like that on her painting. And his lips were perfectly curved into a smile.

“Ang amo-amo ng mukha mo dito. Mukhang approachable ka at hindi formidable. Sana ganito ka na lang sa totoong buhay. Sana maging friends tayo para hindi na ako maasar sa’yo. Nakakagigil ka, alam mo? Ang gwapo-gwapo mo dito! Kung sakaling hindi mo ako ginawang alipin, crush pa rin kita hanggang ngayon,” sabi niya sa litrato ni Prime.

Bakit, hindi mo na ba siya crush ngayon?

Hindi na dahil ang sama ng ugali niya!

Kahit na may maganda siyang katawan?

Whatever!

“Bakit hindi mo sa’kin sabihin ang mga ‘yon?”

“Ay, peste ka!” bulyaw niya rito dahil sa gulat.

Humalukipkip ito sa kanya. “K-kanina ka pa d’yan?”

“Yeah. I heard everything you said. Pati ‘yong pag-amoy mo sa unan ko,” seryosong sabi nito. Bakit ba hindi ito makangiti man lang? Labis tuloy siyang nailang sa paraan ng pagtingin nito sa kanya ngayon. Pakiramdam niya’y kulay-kamatis na ang mukha niya dahil sa pagkahuli nito sa kanya.

“Eh, bakit hindi ka nagsasalita?” inis na sabi niya rito. Nakaisa na naman ito sa kanya.

“I was kind of enjoying the scene. You know, you acting like a lunatic talking to my picture.”

“Kesa naman ikaw ang kausapin ko. Ano’ng mapapala ko sa’yo?” sikmat niya rito.

“I could talk back than that picture,” sarkastikong saad nito. Iningusan niya ito.

“Kakausapin mo ako ng maayos?”

“Gaano kaayos?”

“Like maybe we could have a compromise regarding this. Baka pwedeng hindi mo na ako maging alipin, ‘di ba? Iba na lang ang ipagawa mo sa’kin,” aniya rito.

Umiling agad ito. “No.”

“Kahit na magmakaawa ako sa’yo?” pangungumbinsi niya rito.

“I’m trying to teach you a lesson so, no.”

Ano raw? “What? I’m not a kid anymore!” reklamo niya rito.

“You’re a brat,” walang gatol na sabi ni Prime.

Nag-init ang ulo niya dahil sa sinabi nito. Paano ba siya mananalo dito? Kailan ba siya hindi maiinis sa mga sinasabi nito at ginagawa sa kanya?

“I am not a brat! Porke hindi ba gumagawa ng gawaing-bahay, brat na agad? Porke ba mahal ako ng mga magulang ko, brat na agad? Paano mo nasabing brat ako?” sunud-sunod na tanong niya rito.

Seryoso siyang tiningnan nito. “Hindi gawain ng isang mature na babae ang sirain ang sasakyan ng isang tao. Kung hindi ka brat, isip-bata ka naman. At kung hindi ka naman isip-bata, masyado ka lang mababaw.”

“I hate you,” mariing sabi niya rito.

“So? I hate you either.”

Napaawang ang labi niya sa sinabi nito. Did he really mean that? Hindi siya nito gusto? Literally?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.