Campus Romance Chapter 23

“HOY, ZAC! Bakit ang tahimik mo?” untag kay Zac ni Jasper. Nakatambay silang tatlo nina Prime at Jasper sa isang branch ng Duque’s na pag-aari ng pamilya ng huli. It was a Sunday afternoon at wala silang magawa. Day-off niya sa school at sa internship niya sa Milandia. Nagte-training na rin kasi siya sa Milandia dahil mamanahin din naman niya ang posisyon ng kanyang mga magulang doon. Isa pa’y parte iyon ng on-the-job training niya para sa school.

Simula high school ay magkakaibigan na silang tatlo. Ang pag-aaral sa Princeville University at pagsali sa basketball varsity team doo’y pawang ginusto nila. Since they all loved playing basketball, they’ve all agreed to join the basketball team. Jasper wanted to have a pastime while studying, Prime wanted an escape to think about things not worth thinking, and he just wanted to go with the flow.

Umayos siya ng upo para makausap ng maayos ang kanyang mga kaibigan. He wanted to consult something to them. Isang bagay na matagal na niyang iniisip. Hindi lang niya alam kung ano ang gagawin niya.

“I already found her,” sabi niya sa mga ito.

“Ha? Sino?” tanong ni Jasper.

“His first love, stupid,” sagot ni Prime para sa kanya.

Yeah. My first love. Hindi pa siya kailanman nagkaroon ng girlfriend dahil hinihintay niya ang panahong muli niyang makikita ang first love niya—which is Tracy. He had flings, but he never treats them the way a boyfriend treats a girlfriend. Dahil hindi naman isang relasyon ang sinusuong niya at alam iyon ng mga babaeng nali-link sa kanya.

“Weh? Saan? Sa McDo?” ani Jasper.

“Yes,” sagot niya.

“Seryoso ka ba? Baka naman nagha-hallucinate ka lang. Mga bata pa kayo noon, Zac. Paano mo siya makikilala? Hindi mo nga maalala kung ano ang hitsura no’ng batang babae na ‘yon eh,” ani Jasper. Simula talaga noong naikwento niya rito ang rason kung bakit palaging sa McDo siya kumakain ay hindi na ito sumang-ayon sa rason niya. Palaging ganoon ang sinasabi nito sa kanya.

May punto naman ito at naiintindihan niya iyon. Iyon nga lang, matindi rin ang pag-aasam niya na makita ang batang babaeng unang nagparamdam sa kanya ng pagmamahal at atensyon noon. Naniniwala siyang sa McDo niya siya muling makikita at tama siya.

Tracy was his first love and he was sure of that. Noong una silang magkita sa university health clinic ng PrinceU ay iba na ang naging pakiramdam niya rito. Sa lahat ng babaeng nakilala niya, ito ang kauna-unahang babae na umiwas, tumanggi at nag-reject sa kanya pero tila bale-wala lang sa kanya iyon. Hindi siya nagalit o napikon man lang. Nasaktan ang ego niya pero mas nangibabaw ang pagnanais niya na mas makilala ito at mapalapit dito. She was someone who could light up one’s world. Behind those irritating look on her face for him, he was amused to her. Basta iba ang pakiramdam niya kay Tracy nang una niya itong makita. Lalo na ng masilayan niya ang ngiti nito, which she unfortunately gave to Colby. Kaparehong-kapareho ng ngiting iyon ang ngiti ng batang babaeng nakilala niya noong bata pa siya.

Nang itanong niya kay Dereck kung ano ang pangalan ng babaeng nagbigay sa kanila ng test results nila noon sa university clinic at sinabi nitong “Tracy” ang pangalan ng babae ay naghinala na siya. It may sound corny but his heart knows. Kaya naman araw-araw niya itong sinusundan kahit saan man ito magpunta. Creepy as it may seem but he’s dead desperate to know everything about Tracy, whether she’s the McDo girl who turns out to be his first love or not.

And he was so glad that she was. Nang araw na nilapitan niya ito at ang mga kaibigan nito sa McDo noon ay doon niya nakumpirmang tama nga ang hinala niya kung sino talaga ito sa buhay niya. Nang makita niya kung paano ito kumain ng French fries at sundae ay hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. It was the first time that he didn’t know what to say, what to do and what to act. But he was so close to snatching Tracy’s face and kiss her. He was so close to screaming “I finally found her” until a devil entered the scene.

Kung gaano kataas ang lebel ng kasiyahan niya nang malaman niyang si Tracy ang first love niya’y ganoon naman bumaba ang balikat niya nang malaman niyang boyfriend nito ang “so-so” na lalaking umentra sa magandang eksena nilang iyon ni Tracy. Given na siguro ang pagkulo ng dugo niya kay Francis pero may hindi siya maipaliwanag na katangian nito na mas kinaiinisan niya. Pakiramdam kasi nito’y sasaktan lang nito si Tracy.

“My heart knows she’s the one, Jas,” aniya kay Jasper.

“Yuck! Ang corny mo, Zac!” hintakot na sabi nito sa kanya.

“At least, Zac can admit he loves someone unlike you, Jasper,” makahulugang sabi ni Prime kay Jasper.

“What? Is this about Daphne again?” ani Jasper.

“Kung ayaw mo sa kanya, sabihin mo ng maayos. ‘Wag mo siyang paasahin. Hindi ako nakikialam sa love life ng kapatid ko o kahit na kanino man, pero ‘pag nakita kong umiyak ang kapatid ko nang dahil sa’yo, mag-aaway tayo, Jasper,” banta ni Prime kay Jasper.

“Believe me, man. Ilang beses ko nang itinaboy ang kapatid mo pero ang kulit-kulit niya! I’m just letting her be hanggang sa mapagod siya. Alam mo ‘yon,” sabi naman ni Jasper.

Napailing na lang siya sa itinakbo ng usapan ng dalawa. Pinukpok niya ang mesa para makuha ang atensyon ng mga ito.

“I was saying something here! Makinig naman kayo,” aniya sa dalawa.

“Paano mo nalamang siya ‘yon? And who’s this girl we’re talking about anyway?” ani Jasper.

“Si Tracy.”

“Porke ‘Tracy’ ang pangalan, siya na agad ‘yong ‘Tracy’ na hinahanap mo? I mean, what’s your proof, man?” tanong ni Jasper.

“Sundae ang ginagawa niyang sawsawan ng French fries!” aniya. Alam ng mga ito ang kwento ng kabataan niya. Alam ng mga ito kung ano ang tinutukoy niya.

“Paano pala kung hindi lang si Tracy ang babaeng kumakain ng French fries na isinasawsaw sa sundae sa buong mundo?”

“Kahit na siguro maghilera kayo ng sampung babaeng sabay-sabay na magsawsaw ng French fries sa sundae sa harap ko ngayon, si Tracy pa rin ang pipiliin ko.”

“Bakit?”

“I like her.”

“Really?” hindi makapaniwalang tanong ni Prime.

“Yes. But there’s a big problem. May boyfriend na siya,” sabi niya.

Jasper smirked at him. “And you feel threatened? Sino ba talaga itong ‘Tracy’ na tinutukoy mo? You’re Zac Castillo, man. You’re everybody’s prince. You can make anyone fall for you,” ani Jasper.

“Tracy is Dereck’s friend. Remember Drea and Freya? Best friend nila si Tracy. And this is a different case. Tracy’s different from those girls. She hates me. She loathes my type. At mukhang mahal na mahal niya ang Francis na ‘yon,” nakasimangot na sabi niya. Hindi niya matanggap sa kanyang sarili na sa isang “so-so” na katulad lang ni Francis papatol si Tracy. She wasn’t the most beautiful woman in the world, but she is, to him.

“Alam mo ba kung ano ang ginagawa sa isang rose?” ani Jasper.

“Bibigyan ko siya ng roses?” maang na tanong niya rito.

“Hindi! Tinatanggalan ng tinik ang roses. In your case, tanggalin mo sa sistema ni Tracy ang Francis na ‘yon. Do everything para maging single siya at makaporma ka sa kanya. It’s not as if anyone can stop you from getting Tracy. Isipin mo na lang, matagal na panahon mo nang hinintay ang pagkakataong ito, hahayaan mo na lang ba na mawala ito ngayong nahanap mo na ang first love mo?”

Good point. “Prime, I need your help,” aniya kay Prime.

“Ano ‘yon?”

“Remember Freya?” tanong niya rito. May atraso kasi rito si Freya dahil sinira ng huli ang kotse ni Prime. “Maybe you can provoke her to—“

“No. Iba na lang ang itutulong ko sa’yo,” tila naiinis na sabi ni Prime.

“Ooooh. Looks like we’re getting temperamental here because of a girl, huh?” pang-aasar dito ni Jasper.

“Shut up, Jasper! Kung ipabasag ko kaya kay Daphne ang salamin ng kotse mo?” sikmat dito ni Prime.

“Okay, okay. I’m just saying.”

“Prime, tatanungin mo lang naman si Freya tungkol kay Tracy. You know, mga bagay na gusto o ayaw ni Tracy, ang tungkol sa kanila ni Francis. Gano’n lang. It’s not as if you’ll court her or something,” paliwanag niya kay Prime.

“Fine, fine. I would never fall in love to a woman like you do, Zac,” sabi nito sa kanya.

“You did fall in love much worse than me once, Prime. Remember?” aniya rito. Hindi niya sinasadyang masabi iyon pero alam niyang naiintindihan siya ni Prime.

“And this woman fell in love with you worse than everybody did,” Jasper muttered. Nakatingin ito sa kanyang likuran dahilan para lumingon siya. And there he sees his worst nightmare—Sanya. Naging fling niya ito pero masyado itong na-attach sa kanya at nahihirapan siyang makawala rito dahil halos sundan siya nito kahit saan siya pumunta.

“Hi, Zac!” magiliw na bati sa kanya ni Sanya pagkatapos ay binigyan siya nito ng magaang halik sa kanyang mga labi. He might have liked that but his heart and mind was already occupied by Tracy.

“Sanya, what are you doing here?” malamig na tanong niya rito.

“Hindi ka ba masayang nakita ako?”

“Honestly, no. What we had already ended months ago, Sanya,” he said to her flatly. Sanya’s lips quivered like she’s about to cry.

“Hindi pa tayo tapos, Zac! I swear,” mariing sabi nito sa kanya pagkatapos ay patakbong lumabas sa restaurant.

“She’s creepy, dude,” ani Jasper. Ipinagkibit-balikat lang niya ang sinabi nito.

So, now I have a mission: Tracy-Francis-break-up. What to do?

NAKATANGGAP ng text si Tracy mula kay Camri na nagsasabing pumunta siya sa Delight coffee shop sa Milandia mall malapit sa kanilang village. Importante raw ang sasadyain niya roon kaya nagmamadali siyang pumunta sa lugar. Mabuti na lang at wala siyang ginagawa sa bahay kaya may free time siya ngayon.

Pagpasok niya sa coffee shop ay agad niyang nakita si Camri dahil nasa may bukana ito ng main door at nakapagtatakang kasama pa nito si Zac. Weird. Nagde-date ba ang mga ito?

“Camri?” nagtatanong na tumingin siya sa kaibigan.

“Mamaya na ako mag-e-explain sa’yo,” sabi nito sa kanya saka siya hinila paupo sa tabi nito. “Alam ko namang kakayanin mo ‘to kaya maluwag sa dibdib ko na gawin ‘to. Tumingin ka ro’n,” makahulugang saad ni Camri pagkatapos ay itinuro ang isang bahagi ng coffee shop.

Wala namang unusual sa bahaging iyon maliban sa isang magkasintahan siguro na naghahalikan. Hindi man lang nahiya! Nasa pampublikong lugar pero naghahalikan. In broad daylight pa ha, sabi niya sa sarili.

Pero nanuyo ang lalamunan niya ng makita kung sino ang lalaking kahalikan ng babae. Naghiwalay na kasi ang mukha ng dalawa kaya nakita na niya kung sino ang lalaki. It’s none other than, Francis. Her jerk of a boyfriend!

Tumayo siya na nakakuyom ang dalawang kamay. She believed that she was a good girlfriend. Bakit kailangan pang humanap ng iba si Francis? Pangit pa ba siya? Hindi pa ba siya sapat para rito? She was being cheated on! Inilang hakbang niya lang ang kinaroroonan ng table ni Francis at nang babae nito kahit na medyo malayo iyon sa table nila ni Camri. Galit na galit siya kay Francis at wala siyang pakialam kung magkaroon ng eksena ng dahil sa kanya. Gagawin niya ang gusto niyang gawin.

“Francis!” sigaw niya.

Pagharap ni Francis sa kanya’y daig pa nito ang isang taong nakakita ng multo. Pero sisiguraduhin niyang mas masahol pa sa takot sa multo ang mararanasan ni Francis. Lumapit siya rito at binigyan ito ng isang suntok kasunod ang isang three-sixty degree roundhouse kick na ipinuntirya niya sa leeg nito. It always works for her. Lalo na tuwing may ka-sparring siya. She’s a tae kwon do master black belt.

“I’m...s-sorry, Tracy. Hindi mo naman k-kasi ako pinagbigyan sa g-gusto kong m-mangyari,” hirap na sabi ni Francis. Kitang-kita sa mukha nito ang sakit na iniinda dahil sa roundhouse kick at suntok na ibinigay niya rito. Hindi naman matindi ang pinsala noon sa katawan pero masakit iyon. Alam niyang nakuha nila ang atensyon ng ibang customer doon pero wala siyang pakialam.

“You shouldn’t have messed up with me, Francis!” galit na sigaw niya rito. Ang lakas pa ng loob nitong mangatwiran. Ilang araw na ang nakararaan ay humingi ito ng isang bagay na hindi niya kayang ibigay. And that is to have sex. She’s not into pre-marital sex so she turned Francis’ invitation down. Hindi niya akalain na hihingin nito iyon sa ibang babae.

“Ano’ng ginawa mo sa boyfriend ko, bitch?” galit na tanong ng babaeng kasama ni Francis.

“Huwag mo akong sigawan kung ayaw mong matulad sa kanya!” sikmat niya rito.

“Sino ka ba?”

“Supposed to be, girlfriend pa sana niya ako ngayon kung hindi ko siya nakita na kahalikan mo,” matapang na saad niya.

“Ano? Girlfriend din niya ako!” anang babae.

Mas lalo siyang nagalit kay Francis dahil sa sinabi ng babae. Isang suntok sa sikmura ang binigay niya kay Francis na ikinatumba nito. Napasigaw naman ang babae. Noong una pa lang pala’y niloloko na siya nito. Bale-wala lang pala ang pagtatanggol niya rito sa pamilya at mga kaibigan niya. Napaka-tanga niya!

Tangkang itatayo niya ito at muling patitikimin ng suntok niya pero dumating ang manager at dalawang guwardiya ng coffee shop at pinigilan siya.

“Ma’am, ano pong problema rito?” tanong ng manager ng coffee shop sa kanila. Tinulungang makatayo ng dalawang guwardiya si Francis na makatayo pero hindi pa rin ito nakakagalaw.

“Ikulong niyo sa storage room ang lalaking iyan!” galit na sabi niya. Tangkang susugurin na naman niya si Francis pero may yumapos sa kanya mula sa likod at inilayo siya sa lugar na iyon.

“What the…?” Tiningnan niya ang pakielamerong pumigil sa kanya at nanlaki ang mga mata niya nang makita si Zac. His powerful arms were wrapped around her waist not making her move to hurt Francis once more.

“Bitiwan mo ‘ko!” sigaw niya rito.

“Hindi. Calm down, will you?” anito.

“Kapag hindi mo ako binaba, malilintikan ka sa’kin!” banta niya rito.

“Whatever,” kaswal na sabi nito. Sa sobrang galit kay Francis ay napagbuntunan din niya ng galit si Zac. Pinaghahampas niya ang braso nitong nakayakap sa kanya habang dinadala siya nito sa labas ng coffee shop. Nakasunod naman sa kanila si Camri.

Ano bang ginagawa doon ni Zac? Nakialam pa ito sa kanya!

“Saan mo ‘ko dadalhin? Ibaba mo ‘ko, kundi, idedemanda kita!” banta niya rito.

“Tracy, calm down,” sabi sa kanya ni Camri habang umaagapay sa kanila ni Zac.

“How can I calm down? Saan n’yo ‘ko dadalhin?” sigaw niya. She wanted to burst out! She wanted to scream at everybody so loud for them to know how humiliated and hurt she was.

Ibinaba siya ni Zac matapos nilang makalayo sa Delight’s Café. At sa pagbitaw nito sa kanya’y naramdaman niya kung gaano siya nanghihina. Inalalayan naman siya ni Zac na tumayo ng maayos. Hindi na niya ito nasinghalan pa dahil mauubusan lang siya ng lakas. Baka hindi pa siya makauwi.

Siguro’y dapat ay hindi na lang siya pumunta roon, hindi siguro niya mararanasan ang ganoon ngayon.

Ay, tanga! Okay na ‘yan kaysa matagal ka pang lokohin ni Francis ‘no, anang isang bahagi ng isipan niya na tama naman.

Come to think of it, hindi siya nasaktan ng makitang may kasamang ibang babae si Francis pero nahiya siya kay Camri pati na rin sa mga customers ng coffee shop na iyon. Katawa-tawa nga siguro siya sa paningin ng iba dahil naloko siya ng boyfriend niya na may iba rin palang girlfriend.

Ang nasaktan sa kanya ay ang pride at ego niya sa halip na ang puso niya. Paano ba naman kasi’y sobra ang ginawa niyang pagtatanggol kay Francis sa mga kaibigan at kapamilya niya pagkatapos ay lolokohin lang pala siya nito? Katawa-tawa talaga siya.

Nagalit siya kay Francis dahil akala mo’y kung sino itong gwapo para lokohin siya at mag-girlfriend ng iba. At ang dahilan pa nito’y dahil daw ayaw niyang ibigay ang gusto nito.

Ang kapal ng mukha niya! Gusto ko siyang gulpihin! aniya sa sarili.

“Tracy…” narinig niyang sabi ni Zac pero hindi niya ito pinansin. “Don’t cry,” anito sa kanya.

“What? I’m not crying,” tanggi niya rito. Pero taliwas sa sinabi niya, naramdaman niya ang mainit na likidong naglalandas sa magkabila niyang pisngi. Yes, she was crying indeed. Niyakap siya ni Zac na labis niyang ikinagulat. She hates to admit it but she feels comfortable to Zac’s hug. Pakiramdam niya’y hindi siya nag-iisa. Pakiramdam niya’y ayos lang ang lahat ng nangyari dahil naroon si Zac.

“You’re a strong woman, Tracy. Makakaya mong maging masaya nang wala siya,” sabi ni Zac sa kanya. He was gently tapping her back, comforting her. “Alam mo kung ano ang ginagawa ko sa mga babaeng umiiyak?” anito saka siya inilayo sa katawan nito.

“Ano?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.