Captured and Tainted Chapter 26

Hindi ako tanga, at kahit sino makukuha ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Zakarius... Pero hindi ko maintindihan kung bakit tila na-blangko ang isip ko.

Just relax, Angel. Pretend that you didn't hear that. Yeah, right. Hindi ko dapat ipahalata na narinig ko ang sinabi niyang 'yon.

“Okay ka lang, Angel? Kagabi ka pa tahimik,” puna ni Castor saka inabutan ako ng fresh orange juice. Ngumiti na lang ako sa kanya saka ininom iyon.

“I'm fine, may iniisip lang,” sabi ko na lang saka pasimpleng tumingin sa paligid.

It's already 1 pm, ilang oras din akong nagkulong sa kuwarto. Bakit wala rito sina Cad at Zak?

“Naliligo silang dalawa sa dagat.”

Natigilan ako at napatingin kay Castor. I raised my eyebrows at him but he just smiled at me and pinched my cheek.

“I know you want to ask that. Niyaya rin akong maligo ni Cadence pero wala ako sa mood. Ikaw? Gusto mo bang magpahangin sa labas?” tanong niya. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya saka itinuloy ang pag-inom ng juice.

“The hell I care,” I murmured and sipped on my juice again. Castor chuckled and scratched his eyebrow.

“Sungit mo naman, buntis,” natatawang sabi niya. Inismiran ko na lang siya saka sinipa ang binti niya sa ilalim ng table.

Mabilis kong inubos ang juice, halos inisang inuman ko na lang 'yon. I stood up and fixed my hair and my flowy floral dress. I need to get some fresh air.

“Lalabas muna ako saglit, Castor. Kailangan ko lang magpahangin,” sabi ko na lang saka agad na lumabas ng rest house, hindi ko na hinintay na sumagot si Castor.

Agad akong nagtungo sa dalampasigan, napakunot ang noo ko nang makitang wala naman sa dagat sina Zakarius. Pinagti-trip-an lang ba ako ni Castor?

“Kuya Zak! Paano po ba ako gaganda? Ang pangit ko raw po sabi ng crush ko kaya ayaw niya sa akin.”

Natigilan ako at napatingin sa pinanggalingan ng boses ng batang babae. Nakita ko si Zakarius mula sa di kalayuan, nakaupo siya sa buhanginan habang nakapalibot ang mga bata sa kanya. My forehead furrowed as my eyebrow shot up. What the hell is he doing? Bakit siya napapalibutan ng mga bata?

He's topless, his muscled arms are exposed, as well as his firm abs. His muscular body makes me want to forgive him already and touch him all day long.

“Kung pinanganak kang pangit, hindi ka na gaganda maliban na lang kung magpaparetoke ka,” walang emosyon na sabi ni Zakarius sa batang babae.

I gasped in shock with his remark, pati ang batang babae ay halatang natigilan din sa sinabi niya, halata rin sa mukha nito na nasaktan ito sa diretsahang sinabi ni Zakarius.

Damn this man. Walang preno ang bibig niya.

“Pero wala lang ang panlabas na anyo, mas mahalaga pa rin ang ganda na nasa loob... kung sinabi ng crush mo na ayaw niya sa 'yo dahil pangit ka, then he's not worthy of your affection. Nakupas ang ganda, kung maganda ka nga at nagustuhan ka niya dahil do'n, paano na lang kapag hindi ka na maganda? Edi hindi ka na niya gusto?” mahabang paliwanag ni Zakarius saka inayos ang buhok ng batang babaeng katabi niya.

Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang nakatitig sa kanya. Kung ganyan ang mindset niya, ibig sabihin lang niyan hindi niya ako minahal dahil sa hitsura ko.

Bakit nga ba mahal niya ako? I may be beautiful but I'm a bitch, hindi naman maganda ang kalooban ko.

“Ate ganda!”

Natigilan ako nang tawagin ako ni Toto na palagi kong kausap kapag naglalakad-lakad ako rito sa dalampasigan. Napatingin si Zak sa akin. I just cleared my throat and calmed my nerves, damn him and his effect on me.

Tumakbo si Toto papalapit sa akin at hinila ako palalapit sa kanila na nakapalibot kay Zak. Napaiwas na lang ako ng tingin kay Zakarius at umupo na lang din sa buhanginan.

“Hello,” I greeted and smiled at them.

“Hello po, Ate Angel!” nakangiting bati ng mga bata sa akin.

“Ate, sino po ang mas pogi para po sa inyo? Si Kuya Castor po o si Kuya Zak?”

Natigilan ako at napakurap sa tanong ng batang babaeng katabi ni Zak. Napakamot na lang ako sa batok ko at alanganing ngumiti sa kanila.

Inutusan ba sila ni Zak na itanong 'to sa 'kin?

“Ahm, parehas silang pangit,” natatawang sabi ko na lang saka napakamot sa kilay ko.

“Kuya Zak, ang ganda po nitong tatu mo, ahas. Paglaki ko magpapa-ganyan din ako!” sabi ni Toto at hinawakan ang snake tattoo ni Zakarius sa tagiliran.

Damn, I want to touch it too.

“Masakit magpalagay ng ganito,” tila nananakot na sabi ni Zak. Napangiwi na lang si Toto saka napanguso.

“Toto! Nene! Halika na kayo rito!”

Agad na napatayo ang magkapatid na sina Toto at Nene nang tawagin sila ng nanay nila. Nagtayuan na rin ang ibang mga bata at sumunod sa kanila.

“Bye po, Ate Angel, Kuya Zak!”

Napangiti na lang ako at kumaway sa mga bata, si Zakarius naman ay nakatingin lang sa kanila at ni hindi man lang ngumiti.

Kami na lang ang naiwan ni Zak dito. The atmosphere became awkward, should I just stand up and walk away from him without saying anything?

Or should I just ask him about what he said to Cadence last night? That he waited for almost a decade for me.

“Where's Cadence?” I asked and scratched my arm.

Gusto kong batukan ang sarili ko, hindi iyon ang gusto kong itanong pero iyon ang lumabas sa bibig ko.

“Why are you looking for him?” nakakunot-noong tanong niya.

I smirked and raised my eyebrow.

“Why? Are you jealous ba?” ganting tanong ko.

“Oo,” agad na sagot niya.

Ako naman ang natigilan sa sinabi niya. My heart skipped a beat and my pulse raced. I bit my bottom lip and looked at his emotionless face, walang bahid ng pagbibiro do'n... sabagay, palagi namang walang emosyon ang mukha niya.

Natigilan ako nang mas lumapit pa sa 'kin si Zak. Marahan niyang hinawakan ang pinky finger ko, he played with my pinky finger. He stared at my hand. Isa isa niyang pinaglaruan ang mga daliri ko bago tuluyang hinawakan ang kamay ko.

He intertwined our fingers and looked at our hands. He looked at me and gave me a small smile. My heart almost fell because of his cute smile. I took a deep breath and fought myself from pulling him into a tight hug.

How did he manage to be cute, handsome, and hot at the same time? Is that even possible?

“Even our hands fits perfectly to each other,” Zakarius murmured and pulled me closer to him.

He hugged my waist and buried his face on my neck. I gasped in shock as my heart starts thumping wildly. Nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa ginawa niya. Wala namang masyadong tao rito pero nahihiya pa rin ako, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko siya maitulak.

“Finally,” he whispered and inhaled the scent of my neck. I gulped and clutched the hem of my dress tightly.

Hinayaan ko na lang siya na yakapin ako. I can't push him away, maybe because I want his hug too. I missed the warmth of his muscular body... I missed his warmth so much.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal nakaupo rito sa buhanginan habang nakayakap siya sa 'kin. Napabuntong hininga na lang ako at nanginginig ang mga kamay na niyakap siya pabalik.

My shaking hands held his hard waist, halatang natigilan siya sa ginawa ko ngunit hindi pa rin kumalas sa pagkakayakap sa akin.

“Can we have a date? I'll prepare something for you tonight, is it okay?” he mumbled against my neck.

I sighed and nodded. He gently stroke my long hair and kissed my neck softly. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa ginawa niya ngunit hindi na lang ako nagsalita.

“Ngayong gabi mo na rin ipaliwanag ang lahat... lahat, Zakarius. Wala kang iiwanang detalye, lahat sasabihin mo sa 'kin, doon nakasalalay kung bibigyan pa kita ng chance o hindi.”

Inalis nk Zakarius ang pagkakasubsob sa leeg ko at tumingin nang diretso sa mga mata ko. I avoided his gaze but he immediately held my chin gently and made me face him. He gave me a small smile.

“Really? You finally want to hear my explanation?” he asked, his blue eyes are full of hope, which is unusual. Madalas kasi talaga ay wala siyang emosyon.

“Oo nga, paulit-ulit,” masungit na sabi ko saka inismiran siya.

Nakangiti pa rin si Zakarius. Inilapit niya ang mukha sa 'kin saka ninakawan ako nang magaan na halik sa labi. Napasinghap ako sa ginawa niya at hinampas ang dibdib niya.

“You! Stop kissing me! Nawiwili ka na kakahalik sa akin,” nakakunot-noong sabi ko saka muling hinampas ang dibdib niya.

Hinila na lang niya ako at muling niyakap. Napairap na lang ako pero niyakap ko rin siya pabalik.

Okay, fine. I'm so marupok, I know.

* * *

“I'm beautiful, yes,” I murmured while looking at myself in the mirror.

I'm just wearing a cute floral pink dress, I don't have any make up on my face, simula nang dalhin ako rito ni Castor, hindi na ako nagme-make up. I paired my dress with a flowery headband, bigay sa 'kin ng batang di Nene ang headband na 'to, I'll definitely gonna treasure this forever.

Lumabas na ako ng kuwarto ko, naabutan ko si Castor na nakatayo sa tapat ng pinto ko. He smiled at me and tapped my shoulder.

“Always choose what will make you happy, pain is part of the process. Hear his side and try to forgive him, that will make you feel better,” Castor said and pinched my chin gently. I smiled at him and avoided his gaze.

“Thank you so much, Castor. I'm sorry... sorry kung sa akin ka pa nagkagusto. Na-appreciate ko talaga ang lahat ng ginawa mo para sa 'kin, I don't know how to repay you anymore,” I murmured bit my bottom lip. I'm so embarrased with myself.

“Si Angel Mendoza ka pa ba? Naninibago ako ah,” tila nanunuksong sabi niya saka mahinang natawa. Tiningnan ko na lang siya nang masama saka inismiran.

“Castor.”

“Joke lang, ayos lang naman sa 'kin, Angel. Ipapaalala ko lang sa 'yo na ginawa ko ang lahat ng 'yon ayon sa sarili kong kagustuhan, hindi mo ako pinilit o anuman. H'wag kang humingi ng sorry sa 'kin, alam ko naman noong una pa lang na hanggang kaibigan lang talaga. Gusto lang talaga kitang tulungan. Oh siya, lumabas ka na, nakahanda na yung candlelight dinner na inihanda ni direk,” natatawang sabi niya saka inipit ang ilang hibla ng buhok sa tainga ko. Napangiti na lang ako at tumango.

Lumabas na ako ng rest house. Natanaw ko si Zakarius mula sa di kalayuan, sa tabi ng dagat. Castor is right, it's really a candlelight dinner. It suited the cold night and the dark sky, I didn't know that Zakarius can be this romantic.

Agad na tumayo si Zakarius nang mapalingon sa akin. Agad siyang tumakbo papalapit sa 'kin, napatikhim na lang ako at pasimpleng inayos ang dress at buhok ko.

Napangiti si Zakarius nang nasa tapat ko na siya. Napapansin ko na napapadalas ang pagngiti niya, parang palaging may nagwawala sa sistema ko kapag nangiti siya. Hindi ko alam kung dahil ba napaka-dalang niya ngumiti o baka dahil mahal ko lang talaga siya.

“You're so beautiful, my Angel,” he murmured and slowly held my hands. He intertwined our fingers and gently caressed my cheek. I avoided his gaze and cleared my throat.

“I'm always beautiful, but thanks,” sabi ko na lang.

Iginiya niya ako papunta sa dalampasigan. Pinigilan kong matawa dahil may pa-retractable tent pa talaga siya.

He guided me to my seat, I bit my lower lip to restrain myself from smiling, what a gentleman.

Maraming fruits and vegetables na nakahain sa table, may seafood din at meat, malamang para sa kanya iyon. Natatawang napailing na lang ako.

Maganda ang pagkaka-set up ng table, maganda rin ang disenyo, kulay pula at may mga rose pa talaga sa paligid ng candles. Ito pala ang pinagkakaabalahan niya kanina pa, ilang beses ko siyang sinilip mula sa bintana ng kuwarto ko.

“Ma'am and Sir, do you want some good music?”

Natigilan kaming pareho ni Zak at napatingin kay Cadence, may hawak itong violin. Natigilan ako nang magsimula na siyang magpatugtog sa violin niya. Napatakip ako sa tainga ko dahil parang iniipit na yero ang tunog no'n.

“Fucking stop that, Cadence! Leave us alone,” nakakunot-noong sabi ni Zakarius. Napasimangot naman si Cadence at napasapo pa sa dibdib niya.

“Sakit naman, boss Zakarius. Pero sige, bye na, pakasaya kayo, salamat na lang sa lahat,” tila nag-iinarteng sabi ni Cadence at iniwan na kami. Natatawang napailing na lang ako sa mga kalokohan niya.

“What do you wanna eat? Banana?” Zakarius asked and grinned. Inilapit niya sa plato ang saging. Inirapan ko na lang siya at sinipa ang binti niya sa ilalim ng table.

Nagsimula na kaming kumain, tahimik lang kaming pareho. Ipinagbabalat naman ako ng seafood ni Zak at ipinaghihiwa ng meat, halos hindi na siya kumain kaka-silbi sa akin. I feel like a queen, his queen.

Gusto kong i-open ang topic tungkol sa paliwanag niya, but I don't want to initiate, gusto ko na siya mismo ang magsalita.

Natigilan ako nang tumayo si Zak at kinuha ang upuan niya. Napakurap na lang ako nang itabi niya sa akin ang upuan niya saka umupo sa tabi ko.

Natigilan ako sa pagkain ng strawberries. Napatingin ako sa kanya, nakatitig lang siya sa 'kin, bawat galaw yata ng mukha ko ay pinanonood niya.

Natigilan ako nang hawakan niya ang isang kamay ko na nakalapat sa legs ko. He held my pinky finger and played with it while staring at me. Buti na lang at madilim na ngayon dahil pakiramdam ko pulang pula na ang mukha ko ngayon. Halos sasabog na yata ang puso ko sa lakas ng tibok no'n.

“Where is Cathy now?”

Natigilan ako sa tanong niya. My eyes grew wider and my lips parted in shock because of his question.

“Y-you remember Cathy?” I asked in disbelief.

“How can I forget her? She's our cat,” he murmured and touched my long hair and gently stroked it.

Naaalala niya si Cathy, ang pusa sa rooftop noon sa abandonadong building kung saan kami nagkikita gabi-gabi. Naalala ko na kinuha ko ang pusang 'yon at pinaalagaan sa pinsan ko na mahilig sa mga pusa dahil allergic si Mommy sa balahibo ng pusa.

“She died four years ago due to an illness,” I murmured and bit my lower lip. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa pagkamatay ni Cathy.

Zakarius sighed and intertwined our fingers. He's still staring at me as if his world revolves around me, his blue eyes are full of emotion I couldn't describe.

“Mahal na kita simula pa no'ng una kitang nakita sa rooftop na 'yon, Angel. I know you won't believe me, but I'll still tell you that I love you so much more than anything.” He sighed and licked his lower lip. “Gusto rin ako ni Jaze noon pa. I don't know why did she like me, I don't even talk to her, I rejected her so many times I lost count... And then I discovered that she's your close friend. I told her that I love you, and I won't love anyone else but you. She got furious, she even tried to end her own life. I thought everything's finally okay because she didn't bother me for days... But... but she saw me, I killed a fucktard and she saw that. Sinabi niya sa akin na sasabihin niya sa 'yo ang tungkol do'n, she also told me that you hate criminal people like me. I know I was coward, but I don't want you to know that I kill people that time. Cadence suggested that I can just kill Jaze, but I can't do that, I don't kill innocent people and besides, she's your close friend. Jaze always tells me how you hate killers, how you hate thieves, how you hate criminals, I'm just scared. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, natakot ako. Natakot ako sa iisipin mo tungkol sa 'kin. I don't want you to hate me, that will be my nightmare. So I didn't have any choice, I stayed away from you. I also thought that we will never be together for my world revolves around darkness, you don't belong to my world... Kaliwa't kanan din ang mga nagtatangkang pumatay sa 'kin, ayaw ko na mapahamak ka.”

Napakapit ako nang mahigpit sa dress ko nang marinig ang paliwanag niya. Bumibigat ang dibdib ko, nanginginig din ang mga kamay ko.

“Why am I pursuing you now? Because I can't take it anymore, Angel. Those years were like torture, I want to hug you, kiss you, and tell you how much I love you but I can't. But you know, I won't force myself to you. If you don't want to be with me, that's understandable. I'm living in a chaotic world, my whole existence itself is in turmoil. It's just... I want to be honest with myself, kahit ngayon lang. I will respect your decision whether you want to be with me or not. Kahit ano pa man, mamahalin pa rin naman kita... Hindi pa rin naman mawawala ang pagmamahal ko sa 'yo. ” he murmured and let go of my hand.

Halatang natigilan siya nang agad kong habulin ang kamay niya at hinawakan 'yon. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko, malamang naramdaman niya na nanginginig ang mga kamay ko ngayon.

Hindi ko alam kung ano ba'ng dapat kong maramdaman, halo halo ang pakiramdam sa sistema ko... Pagkagulat, panghihinayang, lungkot. Hindi ko alam kung bakit.

“H-hindi mo ba talaga minahal si Jaze? Sa ilang taon niyong magkasama, a-ako lang ba talaga ang mahal mo? Ako lang talaga?”

Tuluyang nabasag ang boses ko, hindi ko alam kung bakit ako naluluha. Muli akong napakagat sa ibabang labi ko nang manlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang namumuo sa mga mata ko.

Sampung taon... Halos sampung taon niyang pinigilan ang sarili na mahalin ako, malamang sobrang hirap no'n para sa kanya.

Zakarius smiled at me and gently caressed my cheek. Inilapit niya ang mukha sa akin, I closed my eyes when I felt his gentle kiss on my forehead. Pagkahalik sa noo ko ay muli naman siyang tumitig sa mga mata ko. My whole body shivered because of his stare, it's full of emotion, affection, love.

“Ikaw lang, walang iba, Angel...” He held my arm and rubbed it gently using his thumb, it feels comforting.

“...my heart belongs to you, only to you, Angelica.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.