Captured and Tainted Chapter 27

“Good morning, Ms. Mendoza! Kayo na ba Boss Zakarius mapagmahal?”

Napairap na lang ako sa bungad ni Cadence sa akin paglabas ko ng kuwarto. Prente siyang nakaupo sa may kusina habang nakain, si Castor naman ang nagluluto.

“Castor, bilisan mo naman, 'tol. Mauubos na 'tong kinakain ko, e,” napapailing na reklamo ni Cadence.

Castor glared at him. I just shook my head and sat beside Cadence. Napakamot ako sa batok ko at pasimpleng hinanap si Zakarius sa paligid.

“Sus, nahiya pa, magtanong ka na lang kasi. Nandoon si Zak sa labas, kausap na naman yung mga bata. Nagpapahiwatig yata siya, baka gusto na niya ng baby,” tila nanunuksong sabi ni Cadence at bahagya pang sinundot ang tagiliran ko.

Natigilan ako sa sinabi niya, maski si Castor ay halatang natigilan din. Napatikhim na lang ako at inismiran siya.

“Kung ano-anong sinasabi mo riyan, hindi niya gusto ng baby!” sikmat ko na lang saka inirapan siya.

“Edi don't,” bulong pa ni Cadence na narinig ko naman. Napailing na lang ako at hindi na nagsalita pa.

Tumayo ako at kumuha na lang ng baso para uminom ng tubig, pagkagamit no'n, agad ko 'yong hinugasan. Mamaya na ako kakain, pupuntahan ko muna si Zakarius sa labas.

“Labas lang ako,” pagpapaalam ko sa kanila. Akmang aalis na ako nang magsalita si Cadence.

“Aw, pupuntahan mo si Zak 'no? Wala ka na talagang pag-asa, Castor. Pero h'wag kang mag-alala, marami akong p'wedeng i-reto sa 'yo, saka 'di naman kawalan 'yang si Angel,” napapailing na sabi ni Cadence. Inirapan ko na lang siya saka agad na lumabas.

A smiled formed on my lips when I saw Zakarius playing with the kids again. They are building a sand castle, he's not smiling but I can see that he's enjoying his time with the kids. Damn this man, he's making me fall for him more.

Naglakad ako papalapit sa kanila. Zakarius is not wearing a shirt again, he's just wearning a board shorts, his muscular body is exposed again. Buti na lang at walang gaanong tao rito.

“Kuya Zak! Pumapasok ka po ba sa school?” tanong ni Toto saka dumakot ng buhangin.

“Hindi na, tapos na akong mag-aral kaya nagta-trabaho na 'ko,” sagot naman ni Zakarius.

I'm just a few meters away from them so I can clearly hear them. Zakarius is too distracted building the sand castle that's why he didn't notice me. I just crossed my arms over my chest and quietly watched them.

“Wow! Masaya po ba sa school? Gusto po naming pumasok sa school kaso walang pera sina Nanay. Kulang palagi ang kinikita nila sa palengke, pero naiintindihan naman po namin,” sabi ng isang batang lalaki na katabi rin ni Zak.

Tila kumirot ang dibdib ko sa sinabi ng bata. Hindi ko alam na hindi pala sila nakakapag-aral, akala ko bakasyon lang talaga nila ngayon.

“Gusto niyo bang pag-aralin ko kayo?” tanong ni Zak saka tumigil sa pag-aayos ng sand castle at tumingin sa mga bata.

Napasinghap sina Toto sa sinabi ni Zak, maski ako ay natigilan din. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya 'yon.

“Libre po, Kuya Zak?” tila hindi makapaniwalang tanong ni Toto. Tumango naman si Zakarius saka muling ibinaling ang atensyon sa sand castle.

I unconsciously smiled while staring at him. I bit the insides of my cheeks and shook my head. Hanggang ngayon naso-sorpresa pa rin ako sa mga natutuklasan ko tungkol kay Zakarius.

“Ate ganda!”

Natigilan ako nang lumapit sa 'kin si Toto at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako palalapit sa kanila. Napangiti na lang ako at nagpatianod sa kanya.

Napatingin sa 'kin si Zak, napangiti siya nang makita ako. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya dahil tila may naghu-huramentado na naman ang puso ko dahil sa ngiti niyang 'yon.

“Ate, sabi po ni Kuya Zak, ililibre niya raw po kami sa pang-school namin!” tila tuwang tuwa na sabi ni Toto at napalundag pa. Napangiti na lang ako at bahagyang ginulo ang buhok niya.

“Ililibre ko rin kayo,” sabi ko saka marahang kinurot ang pisngi ni Toto.

“Wow, ang bait mo po, Ate Angel. Bagay talaga kayo ni Kuya Zak. Mag-asawa po ba kayo?” tanong naman ni Nene.

“Hin--” agad na pinutol ni Zak ang sasabihin ko.

“Oo, mag-asawa kami.”

I glared at him and punched his arm. Zakarius just bit his lower lip, restraining himself from smiling. I just scoffed and rolled my eyes at him.

Ang kapal talaga ng mukha.

“Sabi na nga ba mag-asawa po kayo, e, kasi po ang sweet sweet niyo po, yieee!” panunukso pa ng mga bata. Napailing na lang ako.

Patuloy ang panunukso ng mga bata sa amin habang tumutulong ako sa pagtayo ng sand castle, pero nakagulo lang yata ako dahil nasira naman 'yon. Himdi naman nagalit sina Zakarius at hindi na lang ulit itinayo ang sand castle.

“Let's get inside, Angel, it's getting hot here. Baka mainitan ka,” Zakarius said and helped me stand up. Medyo umiinit na nga.

He held my hand and intertwined our fingers. I just remained quiet and let him hold my hand, nakakapagod din pala ang mag-inarte.

Pagpasok namin sa rest house, wala na sina Cadence at Castor. Tila natuwa naman si Zakarius nang makitang wala sila at agad akong niyakap. Napairap na lang ako sa ginawa niya ngunit hindi ko rin naman siya pinigilan.

Isinubsob niya ang mukha sa leeg ko at dinampian ng maliliit na halik iyon. Napayakap na lang ako sa batok niya, mas hinila naman niya ang baywang ko papalapit sa kanya.

Buti na lang at maliit pa ang tiyan ko.

I honestly don't know when I will be able to tell him about my pregnancy, I'm not yet ready, hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako sigurado kung tatanggapin ko siya nang buo sa buhay ko, natatakot pa rin ako... What if he's just lying to me? What if he doesn't really love me and just playing with my heart? I still have doubts... ayaw kong masaktan lang sa huli.

“I love you.”

Natigilan ako sa sinabi niya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa 'kin saka tumitig sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko at marahang hinaplos iyon. I gulped and bit my lower lip, he's not doing anything yet but my system's already in ruckus. Palagi niya talagang nagagawang guluhin ang sistema ko sa mga simpleng gestures niya.

He took a deep breath and smiled at me. Natigilan na lang ako nang walang pasabi niyang dinampian ng halik ang labi ko. Napakurap na lang ako habang nakatitig pa rin sa kanya.

“You're so cute,” he murmured and pinched both of my cheeks. “Squishy squishy.”

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko nang sabihin niya iyon. I think his squishy squishy is my number one weakness. His manly voice contradicts the cute squishy squishy sound but damn, he's still cute as hell.

“Can I kiss you?” he asked and hugged my waist.

Hindi naman agad ako nakasagot at nanatiling nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. He already kissed me!

I want him to kiss me again but I don't want to admit it.

“Okay, I'll just hug you,” he said and pulled me into a not-so-tight hug again. I suppressed myself from complaining and just let him hug me. Damn this man, hinalikan na nga niya ako kanina, e. Sinasadya niya yatang i-frustrate ako!

Zakarius chuckled sexily and stared at my face, he caressed my bottom lip and gave me a small smile.

“I'm just kidding, my Angel. Galit ka kaagad,” sabi niya saka marahang dinampian ng halik ang labi ko.

Inilayo niya nang kaunti ang mukha sa 'kin saka muling tumitig sa kabuuan ng mukha ko. Muli niyang siniil ng halik ang labi ko. Wala naman akong nagawa kundi ang pumikit at tugunin ang halik niya.

“Wow, talaga naman. Sana hindi na lang ako bumalik kung ito lang din naman ang maaabutan ko.”

Agad kong itinulak si Zak nang marinig ko ang boses ni Cadence. Napatingin ako sa kanya, siya lang mag-isa, hindi niya kasama si Castor pero nahihiya pa rin ako. Bakit ko ba nalimutan na hindi lang kami ang tao rito?

“Respeto naman sa mga single, Boss Zakarius,” Cadence dramatically said and clasped his chest. I just rolled my eyes and crossed my arms over my chest.

“You have a girlfriend, Cadence,” Zakarius said in a cold tone.

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. May girlfriend pala ang Cadence na 'to? May nagkamali palang pumatol sa kanya.

“Hay, thank you at pinaalala mo, muntik ko ng malimutan,” napapailing na sabi ni Cadence saka kinuha ang phone mula sa bulsa ng board short na suot niya. “Iwan ko muna kayo riyan, tawagan ko lang yung bebe ko,” nakangising sabi ni Cadence saka agad ding lumabas.

Napatingin ako kay Zakarius, ngumiti lang siya saka muling lumapit sa 'kin at niyakap ako. Hindi na lang ako tumutol at hinayaan siya.

Fine, medyo gusto ko rin naman, e.

* * *

“Why are you still awake?”

I looked at Castor, he sat on the bench beside me. Inabutan niya ako ng baso na may tubig, kinuha ko iyon saka tipid na ngumiti sa kanya. Uminom ako ng tubig saka inilapag ang baso sa tabi ko.

“Can't sleep,” I murmured and looked at the night sky.

“Hindi ka dapat nagpupuyat, makakasama sa baby mo 'yan,” tila nag-aalalang sabi ni Castor.

“Matutulog na rin ako maya-maya,” sabi ko na lang saka napabuntong-hininga.

“Lalim no'n ha, ano ba'ng iniisip mo?” tanong niya saka bahagyang ginulo ang buhok ko.

“Some things, uncertainties, doubts... I'm still unsure, Castor,” I murmured and gently rubbed my stomach.

“Why? You're still unsure about Zakarius?” he asked. I just sighed and nodded. “Why? He seems sincere, I mean, the way he looks at you, there's no doubt that he loves you more than I do.” He chuckled.

“I can't help it, Castor. Paano kung saktan na naman niya ako? Paano kung iwanan na naman niya ako sa ere? Paano kung ma-realize niya na si Jaze pala talaga ang mahal niya. He told me that he never felt something about Jaze. But I think it's impossible, they'd been together for years, imposibleng hindi niya minahal o nagustuhan man lang si Jaze. My friend is a beautiful, sweet, and caring woman, she has lots of suitors lining up over her. Imposibleng hindi siya nagustuhan ni Zak... Me? I'm just a spoiled brat bitch with lots of dating scandals and a bad image. Paano niya nagawang mahalin ang tulad ko when it's obvious that Jaze is more lovable than I am? Don't you find it suspicious?” I asked and looked at him.

Castor just shook his head and scratched his eyebrow. He's not saying it but I can see in his eyes the disagreement with I just said. Why is he suddenly siding with Zakarius?

“I understand that you can't trust him now, but I think there's nothing suspicious about him loving you and not your friend. You always see yourself as a bitch, but you're actually not... But anyway, everything is up to you. Hindi ko pakikialaman ang mga plano mo, what's your plan anyway? Tutuloy ka pa rin ba sa plano mo?”

Napatango na lang ako at napayakap sa sarili ko.

“Hmm, after paying for the breach of contract for my projects, tutuloy ako sa New Zealand... with my baby,” bulong ko sa huling sinabi ko saka muling napahawak sa tiyan ko.

“How about Director Cavalcante? Ano ang plano mo tungkol sa kanya?” tanong pa ni Castor. I sighed and shrugged.

“I don't know. Siguro aalis na lang ako nang hindi nagpapaalam sa kanya. I know he's not serious about his feelings for me. I don't know what his agenda is, but I'm sure he doesn't love me kagaya ng sinabi niya. I won't let myself be fooled again, he's just playing with me,” I mumbled and played with my fingers. Castor just smiled and nodded.

“Can I come with you?” tila nagbibirong tanong niya.

“Sinabihan na kita tungkol diyan diba? Pero kung mapilit ka, ikaw ang bahala,” sabi ko na lang saka pinaningkitan siya ng mga mata.

I sighed and stood up, I caressed my tummy and gently tapped it. Time to sleep.

“Sige, papasok na ako sa loob, Castor,” pagpapaalam ko sa kanya. Ngumiti na lang siya saka tumango.

Natigilan ako nang akmang papasok na ako sa loob ng rest house. Tila natulos ako sa kinatatayuan ko nang makita si Zakarius na nakatayo mula sa di kalayuan habang nakatingin sa direksyon namin ni Castor.

I can see the pain in his blue eyes, he turned his gaze away from me. He's holding a glass with milk in it. Siguro ay ibibigay niya dapat iyon sa akin dahil palagi akong nainom ng gatas.

“Zakarius,” mahinang anas ko.

Narinig niya ba ang lahat ng pinag-usapan namin ni Castor? Pati ba ang tungkol sa baby?

“I'm sorry, I'll go ahead,” he murmured and turned his back on me.

Tila may kung anong dumagan sa dibdib ko nang bitiwan niya ang baso sa buhanginan, tumapon ang gatas doon. Mabilis siyang naglakad papalayo sa amin. Marahil pupunta siya sa katabing rest house na tinutulugan nila ni Cadence.

“What will you do now, Angel? Mukhang nasaktan siya,” sabi ni Castor habang hinahabol din ng tingin si Zakarius.

Napabuntong hininga ako at dali daling sinundan si Zak. Masyadong mabilis ang paglalakad niya ngunit pinilit ko pa rin na makahabol sa kanya.

Tama ang hinala ko na pupunta siya sa katabing rest house na tinutuluyan nila ni Cadence ngayon.

“Zak! Sandali!” I called him but he didn't stop walking. Nagtungo siya sa isang kuwarto, agad ko naman siyang sinundan.

“Zakarius, listen to me!” I shouted. Hindi niya ako pinansin at kinuha ang bag sa ilalim ng kama. My lips parted when he left the room, dire-diretso siyang lumabas ng silid.

Aalis na ba siya?

My heart throbbed, hindi ko alam kung bakit natakot ako sa katotohanan na aalis siya kahit may plano naman akong iwanan siya.

Naguguluhan na rin ako sa sarili ko.

“Zakarius fucking Cavalcante! I said listen to me!”

Agad ko siyang hinabol at hinawakan ang braso niya, huminga siya nang malalim at nanatiling hindi humaharap sa akin.

It seems like he didn't hear about my baby part, kung narinig niya iyon, hindi siya aalis.

“Look at me, Zak, please,” I mumbled. Bumaba sa kamay niya ang hawak ko, I intertwined our fingers and pulled him closer to me, pero hindi niya pa rin ako hinarap, nanatili siyang nakatalikod sa direksyon ko. I sighed and bit my lower lip.

Mukhang nasaktan nga siya sa mga narinig niya.

“Zak, I'm sorry, please kausapin mo naman ako.”

Fine, I gave up. I really love him, I can't live without him, I want to be with him.

“I told you that I won't force myself to you if you don't want me in your life. You should've just tell straight to my face that you don't want me in your life, hindi ko naman ipipilit ang sarili ko. I'll respect your decision no matter how painful it will be for me.”

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko nakikita ang mukha niya dahil hindi pa rin niya ako hinaharap pero ramdam na ramdam ko na ang lungkot sa tono ng boses niya.

Maybe he really loves me.

“Siguro hindi mo lang maamin nang diretso sa 'kin na ayaw mo. It's okay, I'll leave on my own. Maybe I'm making it harder for you. I'm sorry,” he mumbled. He tried to remove his hand from my grip but I gripped it tighter.

“Look at me, Zak.”

Hinila ko ang kamay niya at pinaharap siya sa akin. Natigilan ako nang makitang bahagyang namumula ang magkabilang pisngi niya lalo na ang matangos niyang ilong. Hindi rin nakawala sa paningin ko ang nagbabadyang luha mula sa mga mata niya kahit pa agad niyang iniwas ang tingin sa akin.

Damn, Zakarius and his soft side. I'm falling for him more.

“I love you too, Zak.”

Natigilan siya sa sinabi ko. His hooded eyes widened and his sexy lips parted. Namumula pa rin ang ilong niya, which I find cute.

Natigilan ako dahil nakatulala lang siya sa akin, he's not saying anything, he's not even moving na para bang nakakita siya ng multo. What the hell is wrong with him?

“I'm sorry about what you heard earlier. To be honest, I'm still not sure about this, I'm still scared... But I really love you, mahal na rin kita noon pa. I thought my love for you will be gone as time goes by, but it didn't. Mahal din kita, Zak. Bahala na, bahala na kung ano'ng mangyayari... Basta mahal din kita, don't leave me, please. I love you too.”

Zakarius licked his bottom lip amd turned his gaze away from me. A smile formed on my lips when he finally teared up. He sniffed and wiped his tears.

What a cutie.

“Damn, why am I like this?” he mumbled. “You're turned off now, aren't you? Maybe you don't love me now because I'm a crybaby... Damn, I'm not like this before,” he murmured while still wiping his tears. I chuckled and hugged his waist. I tiptoed and kissed his soft lips gently. Halatang natigilan siya sa ginawa ko.

“No, it didn't turn me off, it just made me love you more,” I said and smiled at him.

Bahala na. Basta, I love him. I love my squishy squishy, bahala na kung masaktan man, bahala na sa kalalabasan. My love for him won over my mind.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.