Captured and Tainted Chapter 28

I moaned when I felt Zakarius' strong arms around my waist, pulling me closer to him. I opened my eyes and looked at his handome sleeping face. I giggled and gently pinched his pointed nose.

“Hmm,” he groaned as his nose wrinkled. Ang tulog-mantika talaga niya.

“My love,” I murmured and traced his sharp jaw with my index finger. Tila hindi naman siya natinag at tuloy pa rin sa pagtulog. Napasimangot na lang ako at yumakap sa batok niya. Kailan ba siya magigising? Umaga na.

Wala kaming ginawa kagabi kundi nag magyakapan. Hinayaan ko na lang siya dahil na-miss niya raw ang cuddle moment naming dalawa. Hanggang sa makatulog kaming pareho, nakayakap pa rin siya sa akin. Himala at hindi siya nag-sleepwalk.

“What are you doing? Admiring my face?” he asked in a sexy, and husky voice. He slowly opened his eyes. My heart thumped when our eyes met, his blue eyes are so beautiful. Hindi yata ako magsasawang titigan ang mga 'yon.

“Pinapahid ko lang ang panis na laway mo,” nakakunot-noong palusot ko saka bahagya siyang itinulak palayo.

He let out a manly chuckle and pulled me closer to him again. Inilapit niya ang ilong sa buhok ko saka inamoy 'yon. Nag-alala ako nang kaunti dahil baka hindi maganda ang amoy no'n.

Whatever, palagi naman akong mabango, kahit three days yata akong hindi maligo, mabango pa rin ako.

Inilayo na niya ang mukha sa buhok ko at nakangiting tinitigan ang mukha ko. I just wish I don't have panis na laway or muta on my face.

“Are you my girlfriend now?” nakangiting tanong ni Zakarius at tila kinikilig pa dahil kagat kagat niya ang ibabang labi niya. Pinaningkitan ko na lang siya ng mga mata saka mahinang sinampal ang pisngi niya.

“Asa you,” nakataas kilay na sabi ko na lang.

“But you love me too,” he murmured and pinched my cheek. “Squish,” he mumbled.

Ano ba ang meron sa squish squishy na iyan? But fine, he's cute naman, e.

“I said I love you too, but I didn't say na tayo na,” pag-iinarte ko pa.

I just want to tease him. But damn this man, mukhang hindi man lang siya napikon. Nakangiti pa rin siya habang nakahawak sa pisngi ko at marahang kinukurot 'yon.

Hindi na lang siya nagsalita at mas hinigpitan ang yakap sa akin, hindi naman gaanong kahigpit, tama lang. I buried my face on his chest and inhaled his manly scent.

“Can I kiss you?” he asked and gently caressed my back.

Inalis ko ang pagkakasubsob sa dibdib niya saka tiningnan siya nang masama.

“Ang harot mo,” sabi ko na lang at inirapan siya.

“Sa 'yo lang,” he said and bit his lower lip. Naningkit ang mga mata ko.

“Si Cadence ba ang nagturo sa 'yo niyan?” nakataas-kilay na tanong ko. Napakamot na lang siya sa kilay niya.

“How did you know?” he asked and gave me an awkward smile.

“Ako pa ba? Ganyan mga salitaan ni Cadence, e.”

Hindi na lang siya nagsalita at hinaplos na lang ang mahabang buhok ko. Marahan niyang sinuklay iyon gamit ang mga daliri niya. I closed my eyes and let him do that, I found it so comforting.

“Ang baho mo na.”

Natigilan ako sa sinabi niya. Agad ko siyang tiningnan nang masama saka bahagya siyang itinulak palayo.

“Let's take a shower together,” nakangising sabi niya saka dahan-dahang ipinasok ang kamay niya sa loob ng damit ko. Tinampal ko kaagad ang kamay niya.

“Tumigil ka,” pananaway ko sa kanya.

Inalis ko ang pagkakayakap niya sa baywang ko at agad na bumangon sa kama. Binalingan ko siya ng tingin, bahagya siyang nakasimangot habang nakatingin sa akin.

“You, take a shower here... I'll take a shower at Castor's rest house. Nandoon din ang mga damit ko,” sabi ko na lang saka agad na lumabas ng room niya.

Parang ewan na napangiti na lang ako nang makalabas ng rest house, parang nahihiya na tuloy akong bumalik sa rest house ni Castor. Malamang nahalata niyang hindi ako umuwi kagabi, nakakahiya at baka kung ano pa ang isipin niya.

Natigilan ako nang imbis na si Castor, si Cadence ang naabutan ko sa rest house. Napataas na lang ang kilay ko, hanggang ngayon pala ay hindi pa siya naalis.

He's sitting on the couch like a boss while drinking coffee. Mukha ring kakaligo niya lang. Akala ko pa naman ay aalis na siya.

“Good morning, Ms. Mendoza. Ang ganda yata ng gising mo ah. Dito na ako natulog, e. Ako na ang nag-adjust, hindi ko na kayo ginulo sa moment niyo. Ano? Kayo na ba? Ano'ng pinag-usapan niyo kagabi?” sunod-sunod na tanong ni Cadence.

Inismiran ko na lang siya at nagtungo sa kuwarto ko para kumuha ng damit. Agad din akong lumabas ng kuwarto at nagtungo sa banyo para maligo.

Para akong ewan na napapangiti habang naliligo. Para akong teenager na kinikilig kapag naiisip ko si Zak. Nakakainis talaga ang lalaking 'yon, sa kanya lang talaga ako kinikilig nang ganito.

Nakangiti pa rin ako nang matapos akong magbihis at makalabas ng banyo. Nasa living room pa rin si Cadence at patawa-tawa pa habang nanonood ng TV. Napaismid na lang ako at umupo sa tabi niya.

Hindi pa ba tapos mag-shower si Zak? Bakit hindi pa siya napunta?

I was taken aback when Cadence took the remote amd turned off the TV. My eyebrow arched when he faced me, seryoso siyang tumingin sa mga mata ko.

“Ano, Angel? Tsismis naman diyan, kayo na ba ni rekdi?” nakangising tanong niya. Napakunot na lang ang noo ko.

“Rekdi?” nagtatakang tanong ko pa. Napailing na lang si Cadence at tila dismayadong nakatingin sa 'kin.

“Hindi mo alam 'yon? Ano ba naman 'yan? Diba palagi kang tambay sa social media bago ka nalaos? Nakaka-disappoint na hindi mo alam ang rekdi,” napapailing na sabi niya. Napahawak pa siya sa sentido niya na tila ba sobrang na-dismaya siya sa akin.

What the hell is rekdi ba kasi?

“Rekdi, kapag binaligtad mo, direk! Tinatanong ko sa 'yo kung kayo na ba ni direk,” paliwanag niya.

Napabuntong hininga na lang ako at pinigilan ang sarili ko na tadyakan si Cad.

But well, rekdi kinda sounds cute. Rekdi. Ano kayang magiging reaction niya kapag tinawag ko siyang gano'n?

“Angel.”

Natigilan ako at napatingin kay Zak na papalapapit na sa amin. Agad niyang hinablot ang damit ni Cad at hinila si Cadence palayo sa akin saka siya ang umupo sa tabi ko, akala ko ay tatalsik si Cad. Napaawang na lang ang labi ni Cadence sa ginawa niya.

“Wow, ganyan ka pala, Boss Zakarius. Matapos kong i-alay ang buhay ko para lang sagutin ka ni Angel. Nagpakahirap pa akong maging host ng competition niyo ni Castor, tapos ito pa'ng igaganti mo. Salamat na lang sa lahat,” tila nagda-dramang sabi ni Cad at napasapo pa sa dibdib niya.

“Shut up,” sabi na lang ni Zak at hinila ako paupo sa kandungan niya saka yumakap sa baywang ko. Napailing na lang ako pero hindi ko na lang din siya pinigilan.

“Grabe na talaga 'to, makalayas na nga lang, ang sakit niyo sa mata. Maghihiwalay rin kayo, walang forever!”

Hindi na lang namin pinansin si Cadence. Naiinis na lumabas na lang ito ng rest house. Yumakap na lang ako sa batok ni Zak nang isubsob niya ang mukha sa leeg ko saka inamoy iyon.

“Angel,” he murmured and gave my neck a light kiss. My whole body shivered but I remained calm and didn't let him notice it.

“Hmm?”

“How long are we going to stay here?” he asked and looked into my eyes. I bit my bottom lip and avoided his gaze.

Sa tingin ko dapat ko ng sabihin sa kanya ang isa sa nagpapabagabag sa isip ko kaya hindi ako makaalis dito.

“I'm still scared, Zak. Malamang galit na galit pa rin sa akin ang mga tao, hindi pa ako handang harapin ang galit nila,” bulong ko na lang.

I traced the collar of his shirt using my index finger. Doon ko na lang ibinabaling ang tingin ko para hindi siya mapatingin sa mga mata ko, natatakot ako na baka makita niya ang takot sa mga 'yon.

“I will hold a press conference to clear your name. Nakabasa ako ng ilang comments tungkol sa 'yo. I honestly want to hunt each of them down and make them pay for insulting you,” he said as his forehead furrowed. I just sighed and shook my head. He can't be serious.

“You don't have to, sanay na ako sa ganyan,” sabi ko na lang saka marahang hinaplos ang pisngi niya. Nanatili naman siyang nakatitig sa akin.

“No, you don't deserve to be insulted like that. They have to know that you're not a boyfriend stealer, sa 'yo na ako noong una pa lang, wala kang inagaw.”

Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya. Kinurot ko ang matangos niyang ilong saka dinampian ng halik ang labi niya. Halata namang matigilan siya sa ginawa ko.

“Bukas babalik na tayo sa realidad. Ayaw ko na ring makaabala kay Castor dahil nakakahiya na. Pero sa h'wag mo ng ituloy ang press conference na binabalak mo. I don't want to hurt Jaze in any way right now. Kahit pa hindi totoo ang naging relasyon niyo, mali pa rin ang ginawa ko, may kasalanan pa rin ako sa kanya. Wala na rin naman akong balak bumalik sa showbiz, hayaan na lang natin, makakalimutan din naman ng mga tao ang tungkol sa akin, e,” sabi ko na lang saka bahagyang ngumiti.

Zakarius remained serious while staring at me, he doesn't seem to like my request, pero ayaw ko na lang dagdagan ang sama ng loob sa akin ni Jaze. She's still my friend, naiintindihan ko naman kung bakit niya nagawang sirain ako sa media. Kung tutuusin wala akong karapatang magalit sa kanya.

“I can't promise that I'll remain silent forever, Angel. I want to clear your name, I want everyone to know that I'm the one who pushed myself to you. You don't deserve all the hate that you're receiving from them,” he murmured and caressed my face. I just smiled at him and held his hand.

“I'm fine, Zak. I can do this, I'm Angel Mendoza, incase you have forgotten.” I chuckled. Zakarius remained serious while staring at me.

“I know you're a strong woman, Angel, but you have to know that you can always depend on me,” he mumbled and gave my lips a soft kiss. I just smiled and buried my face on his neck, ako naman ngayon.

“I love you,” I whispered against his neck. He sighed and caressed my back gently, tracing my backbone with his gentle hand.

“I love you more, my Angel,” he answered back.

* * *

“Kapag may ahas na naman dito, talagang lalayasan kita!”

Nakakunot-noong inilibot ko ang tingin sa bahay ni Zakarius. Hindi ako puwedeng tumuloy sa bahay ko dahil hanggang ngayon daw ay may reporters na natambay ro'n.

Sa phone lang ako nakapagpaalam kay Castor dahil nandito na pala siya sa Manila kahapon pa, pinatawag siya ni Cassian. Ngayon ko lang din nalaman na sa Ilocos Norte pala ako dinala ni Castor.

“There's no snake here, pinaalis ko na kay Cad bago pa tayo makarating dito. I know you hate snakes,” Zakarius said and smiled at me.

“Why do you love snakes so much ba kasi?” I asked and crossed my arms over my chest. Zakarius just scratched his eyebrow and bit his lower lip.

“Because they are dangerous, and they're beautiful too,” he answered. I just shrugged, hindi ko naman siya mapipigilan sa gusto niya. If he likes snakes, I'll just respect it. Basta ba h'wag na niya ulit dadalhin dito habang nandito ako.

Natigilan na lang ako at napahawak sa tiyan ko nang kumalam iyon. Kakakain ko lang kanina sa kotse ni Zak ng fruits, nagugutom na naman ulit ako... dahil siguro dalawa na kaming nakain ngayon.

Mukhang napansin ni Zak na napahawak ako sa tiyan ko. Hinawakan ni Zak ang kamay ko saka dinampian ng halik ang kanang pisngi ko.

“Are you hungry? I'll cook something for you,” he murmured. I just nodded and bit my lower lip.

Napangiti na lang si Zak. Magkahawak-kamay kaming nagtungo sa kusina. Na-miss ko rin itong bahay ni Zakarius, naalala ko bigla noong kinidnap kuno niya ako. Natawa na lang ako nang maalala iyon, ibig sabihin mahal na pala ako ni Zakarius during that time.

“Why are you laughing?”

Napatigil si Zakarius sa pagluluto at napalingon sa 'kin. I just smiled and covered my mouth with my hand, I fought the urge to laugh loudly. Kunwari pa siyang masungit, may gusto na naman pala sa akin.

“Nothing, I just remembered something funny. By the way, matatapos na ba 'yan?”

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Muli niyang binalik ang atensyon sa niluluto. Yumakap na lang ako sa baywang niya mula sa likuran. Naamoy ko ang niluluto niyang beef steak, nakakagutom.

“Take a rest in your room first, dadalhin ko na lang 'to sa kuwarto mo,” sabi niya saka muling humarap sa 'kin at dinampian ng halik ang noo ko. Napangiti na lang ako sa ginawa niya.

Humalik na lang din ako sa labi niya bago siya tinalikuran at umalis ng kusina. Nagtungo ako sa naging kuwarto ko rito. Napangiti na lang ako nang mapansing walang pinagbago ang kuwarto, nandito pa rin ang mga gamit ko, even the vanity mirror.

I sat on the bed and took my phone from my sling bag. Ilang araw ko rin yatang hindi binuksan 'to.

I inhaled deeply and turned on my phone. I'm still nervous, I'm still not ready to see those bad comments about me, titingnan ko lang ang messages sa akin nina Cassian. I won't open my social media accounts, makakasama sa akin ang ma-stress.

Isang message lang kay Cassian ang bumungad sa akin, he said ‘take your time to rest, Angel.’ Kay Chan marami, puro pangungumusta. I just smiled and shook my head, Chan is such a cutie.

Natigilan ako nang makitang may text messages na galing kay Jaze. Agad na umakyat ang kaba sa dibdib ko. Nanginginig ang mga kamay na binuksan ko ang messages niya.

Are you happy now? Zak is all yours now.

Hate me all you want, even though Zak and I weren't in a relationship in the first place, you still stole him from me. Alam mo na boyfriend ko siya pero pinatulan mo pa rin!

Siguro masaya ka na ngayon dahil wala na ang panggulo sa inyo ni Zak?

Napabuntong hininga na lang ako sa mga nabasa ko. She's still mad at me. Mabigat sa dibdib na galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon, pero kasalanan ko rin naman kasi.

“Hey.”

Natigilan ako nang pumasok si Zak, may dala siyang plato at baso na may lamang orange juice. Agad kong pinatay ang screen ng phone ko at inilagay 'yon sa likuran ko.

“Is there something wrong?” tanong niya saka umupo rin sa kama. Inilagay niya ang plato at baso sa bedside table saka seryosong tumitig sa mga mata ko.

“N-nothing,” I mumbled and avoided his gaze.

Zakarius held my hand, he sighed and intertwined our fingers. Bahagya akong napapitlag nang i-angat niya ang kamay saka marahang hinaplos ang pisngi ko.

“Angel,” tila namimilit na sabi niya. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko.

“Jaze is still mad at me,” I murmured.

Natahimik si Zak. Marahan niya na lang akong hinila papalapit sa kanya saka ikinulong ako sa mga bisig niya.

“Don't mind her, masyado nang mabigat ang pino-problema mo dahil sa kanya, sarili mo muna ang isipin mo,” mahinang sambit niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Kumalas na siya sa pagkakayakap sa 'kin saka muling tumitig sa mukha ko. He smiled at me and gently pinched my cheek.

“I love you,” he murmured and gave me a soft kiss.

Akmang ilalayo na niya ang mukha sa akin ngunit agad kong niyakap ang batok niya at mas pinalalim ang halik niya sa akin.

Halatang natigilan siya sa ginawa ko, pero 'di kalaunan napahawak na lang siya sa baywang ko at siya na mismo ang nagpalalim ng halik.

He starts kissing my lips slowly and gently, as if he's afraid to hurt me. I answered his slow kisses with equal passion. He moved his lips together with his tongue against mine. Pakiramdam ko ngayon na lang ulit kami naghalikan nang ganito.

He distanced his face from me and stared on my lips. He gulped while gently caressing my bottom lip with his thumb.

I pouted my lips and glared at him. Why the hell did he stop?

I suddenly remembered the cute word I learned from Cadence yesterday.

“Kiss me again, rekdi,” I said and chuckled.

Natigilan si Zak sa sinabi ko. Napakunot ang noo niya saka bahagyang lumayo sa akin.

Bakit mukha siyang galit?

“Who the fuck is Rekdi?” he asked. Bahagya ng namumula ang mukha niya dahil sa inis at halos magdikit na rin ang dalawang kilay niya.

Natawa na lang ako sa tanong niya.

“Secret. He's my ideal man, he's hot, handsome, and cute at the same time... And I love him so much.”

Mas lalong napakunot ang noo niya. Akala ko pa naman ay mage-gets na niya na siya 'yon dahil sa clues na sinabi ko.

“Who is he?” tila naiinis pa ring tanong niya.

I just smirked and crossed my arms. Pagti-trip-an ko nga muna itong si rekdi.

“He's the love of my life, I can't live without him, Zak. Gusto ko ring bumuo ng family with him,” I said and smiled sweetly at him.

Natigilan ako nang tumayo siya saka kinuha mula sa likuran niya. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang baril 'yon. Ang dilim na ng mukha ni Zak, kunot na kunot ang noo niya at tila ba gusto niya ng manuntok, minsan ko lang siya makitang ganyan.

“What the hell, Zak?” I can't take my eyes off his gun.

“I'll tell Cadence to find that motherf-cking rekdi or whoever the fuck he is. I will kill him,” he said in a cold tone.

Siguradong tatawanan lang siya ni Cadence.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.