Caught and Conquered Chapter 14

"Boss mapagmahal sakalam!"

Natigilan si boss sa pagsusuot ng necktie nang bigla akong pumasok sa kwarto n'ya. Napangisi na lang ako at naglakad papalapit sa kanya saka hinawakan ang necktie n'ya.

"Boss, ako na rito," sabi ko saka ngumiti nang matamis.

Napasinghap ako nang paluin n'ya ang kamay ko saka nilayo 'yon sa necktie n'ya.

"Tumigil ka. Baka mamatay na 'ko nang tuluyan kapag hinayaan ulit kitang magsuot ng necktie sa 'kin," nakakunot-noong sabi n'ya.

Napaismid ako. "Akala ko ba ang habol mo sa 'kin, e, mapangasawa ako?! Diba ginagawa ng mga wife 'yan sa asawa nila?!" asik ko saka hinampas siya sa braso.

"Oo nga, pero kapag ikaw ang nagsuot ng necktie ko, mabu-byuda ka nang maaga!" reklamo n'ya.

"Sus, edi mag-aasawa na lang ako ulit," bulong ko.

Agad naman akong ni-headlock ni boss saka ginulo nang todo ang buhok ko. Naiinis na kinuha ko naman ang kamay n'ya saka kinagat 'yon.

"Ang lakas na naman ng tama mo! Ano na naman ba'ng kailangan mo?!" asik n'ya.

"Naghihiganti lang ako dahil ayaw mo 'kong isama sa trabaho. I so boring in the worlds of you!" singhal ko saka inalis ang braso n'ya sa leeg ko saka walang pasabing naglambitin sa batok n'ya saka niyakap ang baywang n'ya ng mga hita ko.

"Gusto mo bang magtrabaho sa kompanya?" biglang tanong n'ya.

Napasinghap ako at agad na umalis sa pagkakalambitin sa kanya. "Ano'ng trabaho, boss?" excited na tanong ko.

"Magnanakaw," agad na sagot n'ya.

Naiinis na kumuha ako ng unan saka hinampas 'yon sa mukha n'ya. "Wala kang kwenta kausap! Hindi talaga kita sasagutin always and forever!"

"Joke lang, Ma'am... Pa-kiss na nga lang," sabi n'ya saka dinampian ng halik ang labi ko.

Napaismid na lang ako at kinagat ang panga n'ya saka yumakap sa baywang n'ya. "Boss, uwian mo na lang ako ng langka. Gagawa kami nina Andeng ng minatamis na langka, e," sabi ko saka tumingin sa pogi n'yang mukha na masarap kagatin.

Tumango si boss saka muling dinampian ng halik ang labi ko. "Pipilitin ko umuwi nang maaga. Hindi ko kayang malayo nang matagal sa amo ko," nakangising sabi n'ya saka pinagdikit ang tungki ng ilong namin.

"Tama 'yan, alipin. May regalo ka sa 'kin mamayang gabi dahil diyan... hahayaan kitang hawakan ang boobs ko kaso one seconds lang," sabi ko saka nagtaas-baba ng kilay.

Natawa si Ashteroh saka inilapit ang labi sa tainga ko at marahang kinagat 'yon. "Ma'am Nathalie... stop seducing me like that. I've been controlling myself around you... Baka mamaya hindi na 'ko makapagtimpi," bulong n'ya saka niyakap ako nang mahigpit.

"Sino ba ang nagsabi sa 'yo na magtimpi ka?" nakataas-kilay na tanong ko.

Napangisi siya. "Palaban si Ma'am."

Hinawi ko ang buhok ko. "Siyempre naman 'no. Hindi lang ganda meron ako," sabi ko na lang saka kinindatan siya.

Natawa si Ashteroh at tila nanggigigil na pinupog ng halik ang mukha ko pababa sa leeg ko. Hinampas ko na lang ang mga braso n'yang nakayakap sa 'kin saka bahagyang siyang itinulak palayo.

"Boss, sige na. Lumayas ka na para makauwi ka kaagad. Ayokong ma-miss ka nang matagal," nakasimangot na sabi ko.

Natawa na lang siya saka inayos na ang necktie n'ya. Nagsuot na siya ng blazer n'ya saka ng relo bago lumapit sa 'kin at dinampian ng halik ang sentido ko.

"Bye, Ma'am... love you," bulong n'ya saka labi ko naman ang dinampian ng halik.

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang makaalis na siya. Doon ko lang nailabas ang pinipigil kong kilig. Ayoko naman masyadong isipin ni boss na kilig na kilig ako sa kanya dahil baka isipin n'ya na deads na deads din ako sa kanya.

Lumabas na 'ko ng kwarto at pinuntahan sina Andeng na nanonood ng TV sa sala. Umupo ako sa tabi nila para maki-join.

"Friends, may tanong ako..." sabi ko saka hinarap sila.

"Ano 'yon, Naths?" tanong ni Cam.

Napatikhim muna ako at napakamot sa batok ko bago nagtanong.

"Kilala n'yo ba 'yung dating may ari ng kwartong tinutulugan ko ngayon? 'Yung ex daw ni boss?" tanong ko.

Sa totoo lang matagal ko ng gusto itanong kay boss 'yon kaso medyo nahihiya ako. May kahihiyan din naman ako sa katawan kahit kaunti 'no.

"Ah, si Ma'am Aoife..." napapatangong sabi ni Andeng.

"Aoife ba ang pangalan no'n?" tanong ko.

Tangina. Pangalan pa lang, sosyal na.

"Oo, si Ma'am Aoife 'yung natuloy dati sa kwarto mo ngayon. Ex-girlfriend siya ni Sir," sabi naman ni Inday.

Napalunok ako at mas lumapit sa kanila. Ito ang tsismis na kailangan kong masagap.

"Gaano katagal na silang hiwalay?" tanong ko pa.

"Ah, magda-dalawang taon na rin siguro," sabi naman ni Cam.

Hmm... Medyo matagal-tagal na. Pero hindi dapat ako makampante. Sa wattpad nga kahit 100 years na ang nakalipas, mahal pa rin nila ang isa't isa, e.

"Gaano katagal sila naging magkarelasyon?" tanong ko.

"Hmm... sa tingin ko ilang buwan lang naman sila nagtagal. Mga limang buwan, gano'n," sagot ulit ni Cam.

Napakunot ang noo ko. "Limang buwan lang? Bakit hindi sila nagtagal?"

"Narinig namin ang away nila no'n. Naiinis yata si Ma'am Aoife kasi parang hindi siya pinipigilan ni Sir na umalis papuntang ibang bansa para asikasuhin ang family business kineme nila ro'n. Ang kinaiinis pa ni Ma'am Aoife eh 'yung hindi n'ya raw malaman ang tumatakbo sa isip ni Sir. Parang gusto n'ya lahat sasabihin ni Sir sa kanya. Hindi rin kasi masyadong showy si Sir. Parang hindi na ma-take ni Ma'am Aoife si Sir. Sa sobrang inis nga n'ya nu'ng hiwalayan nila, hindi na n'ya nadala ang mga gamit n'ya," paliwanag ni Inday.

Napahawak ako sa baba ko... Hindi showy si boss? Parang hindi naman siya gano'n sa akin. Palagi nga siyang malambing, e.

"Bakit gano'n si boss? Bakit hindi n'ya pinigilan si Aoife? Mukha namang minahal n'ya 'yon kasi pinatira n'ya pa rito, e," nagtatakang sabi ko.

"Minahal naman siguro ni Sir si Ma'am Aoife kasi nakita namin na nalungkot talaga siya noong umalis na si Ma'am. 'Yung pagpapatira n'ya rito kay Ma'am Aoife, may dahilan 'yon. Nawalan kasi ng pera si Ma'am kasi hindi yata siya suportado ng mga magulang n'ya sa pagiging singer n'ya. Kaya pinatira siya rito ni Sir. Kaso kinailangan suportahan ni Ma'am Aoife ang mga magulang n'ya sa ibang bansa," dagdag pa ni Andeng.

Iba ang level ng pagiging tsismosa ng mga 'to. Buong buhay yata ni Ashteroh, alam na nila.

"Eh bakit nga hindi pinigilan ni boss si Aoife? Bakit hinayaan n'yang maghiwalay sila?" tanong ko pa.

Hindi talaga ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman.

"Hindi namin alam. Gaya ni Ma'am Aoife, hindi rin namin alam ang tumatakbo sa isip ni Sir. Pero malamang ginawa n'ya 'yon para unahin ni Ma'am Aoife ang dapat na priority nito. Ayaw n'ya rin sigurong humadlang kay Ma'am Aoife. Saka sa ilang taon naming pagtatrabaho rito, pansin namin na pinapakawalan ni Sir ang mga nagiging girlfriend n'ya kapag may dapat na silang unahin o kapag nagiging second priority na lang siya," sabi naman ni Cam.

Gano'n? Kung gano'n pala... malamang mukhang minahal nga talaga ni Ashteroh si Aoife... pero ibig sabihin ba no'n papakawalan na rin ako ni Ashteroh kapag mas may importante akong dapat unahin?

Ayoko ng ideya na papakawalan n'ya 'ko dahil do'n... parang hindi ko gusto 'yon. Gusto kong maging makasarili siya pagdating sa akin.

Ayoko na ituring n'ya ako kagaya ng ginawa n'ya sa mga naging ex n'ya. Ayokong basta na lang n'ya ako pakawalan kagaya ng ginawa n'ya sa kanila.

"Ano ba'ng ugali ni Aoife? Ano'ng hitsura n'ya? Ano'ng meron sa kanya na nagustuhan ni boss?" sunod-sunod na tanong ko.

"Sa tingin ko dahil maganda siya. Mala-anghel ang ganda ni Ma'am Aoife. Ang sexy pa. Ayaw ko ngang dumidikit do'n, e," napapangiwing sabi ni Inday.

"Hindi rin, siguro dahil si Ma'am Aoife ang perfect definition ng prim and proper. Mabait din siya at independent type na babae," sabi naman ni Andeng.

"May nasasagap kaya akong plastic vibes kay Ma'am Aoife noon. Kaya nga hindi rin ako komportable sa kanya, e," wika naman ni Cam.

"Sabagay, halos lahat naman tayo hindi komportable sa kanya," saad ni Andeng.

Hindi ko na napansin ang mga huling sinabi nila. Ang nasa isip ko ay ang sinabi nila na maganda, sexy, mahinhin, at independent si Aoife... Tangina, kung gano'n siya edi walang wala pala ako sa kanya.

"Hindi ko alam na ganyan pala ang iniisip n'yo tungkol sa 'kin."

Napatigil kaming lahat at napalingon sa nagsalita. Napaawang na lang ang labi ko nang may maganda at matangkad na babae ang lumapit sa amin.

Pasimple ko siyang hinagod ng tingin. Nakasuot siya ng masikip na high-waist jeans at crop top. Nakasuot siya ng mataas na heels kaya lalo siyang nagmukhang matangkad. Simple lang ang make up n'ya pero litaw na litaw pa rin ang ganda n'ya. Kulay dark brown ang buhok n'ya pati na rin ang mga mata n'ya. Mukha rin siyang power ranger gaya ni boss.

"M-Ma'am Aoife, kayo po pala," sabi nina Inday at agad na napatayo.

Napakurap ako habang nakatitig sa magandang babae sa harapan ko... Siya si Aoife? Itong mala-dyosang babae na 'to na nakakasilaw ang ganda... siya si Aoife?

Napatikhim na lang ako at pinakalma ang sarili ko. Hindi dapat ako mag-panic. Mas maganda naman ako 'no. Palagi akong mas maganda para sa sarili ko. Go, Naths!

Napatingin sa 'kin si Aoife saka ngumiti. Mas lalo yata akong nasilaw nang ngumiti siya.

K, fine... Kung siya pala ang ex ni boss bakit siya nagkamaling magkagusto sa akin? Hindi ko maiwasang mapaisip lalo na ngayon na nakita ko sa personal ang Aoife na 'to.

"Hello, it's my first time seeing you here. Bagong maid ka ba ni Ash?" tanong ni Aoife.

Gusto ko sanang mainis... kaso 'yung mukha n'ya. Mukhang hindi n'ya intensyon na ma-offend ako. Mukha lang talaga siyang curious kung katulong ba ako.

Napakamot ako sa batok ko saka naiilang na ngumiti sa kanya. "Kaibigan ako ni Ashteroh," saad ko na lang.

Natigilan siya. "Is that so? Sorry sa tanong ko kanina. Na-offend ba kita?" tila nag-aalalang tanong n'ya.

Napailing ako. "Hindi naman."

"By the way, my name is Aoife. What's your name?" tanong n'ya.

"Nathalie," tipid na sagot ko.

Ngayon ko lang yata hindi gustong dumaldal. Mukha naman talaga siyang mabait pero ayoko siyang maka-close. Ang mangyayari n'yan, pa-plastikin ko lang siya. Hindi ko gusto ng gano'n. Ayokong nakikipag-usap sa taong hindi ako komportable.

Ex pa rin siya ni boss... at may gusto ako kay boss. Normal lang naman siguro na makaramdam ako sa kanya ng ganito kahit na ayaw ko.

"Ma'am Aoife, bakit po pala kayo pumunta rito?" tanong ni Cam saka naiilang na tumawa.

"Ah, tapos na 'ko sa kailangan kong asikasuhin sa ibang bansa kaya bumalik na 'ko rito. Gusto ko pa sanang maayos ang sa amin ni Ash since hindi n'ya ako nire-replyan. We didn't end things properly between us. If he's still single... I hope we can still go back together or something," tila nahihiyang sabi ni Aoife saka inipit ang buhok sa ilalim ng tainga n'ya.

Napatingin sa 'kin sina Inday. Umiling na lang ako sa kanila na tila ba sinasabi ko na h'wag silang magsabi tungkol sa amin ni boss... Hindi naman ako girlfriend ni boss, e. Saka isa pa, may gusto akong malaman. Ayoko munang maging awkward si Aoife sa akin.

"By the way, okay pa ba 'yung room ko rito before? Doon na lang ako maghihintay kay Ashteroh," nakangiting sabi ni Aoife.

Napakamot ako sa batok ko. "Ano... Aoife, ako 'yung nagamit ng kwarto mo ngayon," sabi ko na lang.

Tangina. Akala ko sa drama lang nangyayari ang mga ganito na bigla na lang nadating ang ex ng bida para guluhin ang lahat... Hindi naman mukhang gano'n si Aoife, pero ayaw ko pa rin sa kanya... Ang ganda n'ya kasi masyado, sinasapawan n'ya 'ko.

"Oh... is that so? Sa room na lang ni Ash ako maghihintay. Need ko rin kasi magpahinga since may jet lag pa 'ko," sabi ni Aoife saka tumayo. "Sige, Nathalie. Doon na 'ko sa room."

Pagkasabi n'ya no'n, agad siyang nagtungo sa second floor para magpunta sa kwarto ni boss. Napabuga na lang ako ng hangin at napakamot sa kilay ko.

"Naths... Bakit hindi mo sinabi sa kanya na nililigawan ka ni Sir? Iisipin n'ya talaga na pwede n'ya pang landiin si Sir pag gano'n," sabi ni Cam at marahang hinampas ang braso ko.

"Nililigawan ka ni Ash?"

Halos mapatalon kaming apat sa gulat nang bigla na namang sumulpot si Aoife. Anak ng tinapa. Trip n'ya ba talagang sumulpot na lang bigla nang walang paramdam? Pinaglihi ba siya sa multo ng nanay n'ya?!

Naiilang na tumawa ako at napakamot sa batok ko. Seryoso ang mukha ni Aoife habang nakatingin sa akin.

"You don't have to deny it, Nathalie. It's pretty obvious that there's something going on between the two of you. Hindi ka papatirahin ni Ash dito kung kaibigan ka lang n'ya," sabi n'ya saka ngumiti sa akin.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. Halatang nailang din sina Inday sa sitwasyon.

"Pwede bang iwan n'yo muna kami ni Nathalie? Gusto ko lang siya makausap in private," sabi pa ni Aoife kina Inday.

"S-Sige po, Ma'am," sabi na lang nila at agad kaming iniwan.

Umupo si Aoife sa tabi ko saka ngumiti sa akin.

"Bakit hindi mo agad sinabi na nililigawan ka pala ni Ash? Ang bitch tuloy ng dating ko," tila natatawang sabi n'ya.

"Ikaw na ang nagsabi na obvious naman na may something sa amin ni Ashteroh... Sinadya mong maging bitch kahit alam mo na ang katotohanang 'yon," sabi ko na lang saka ngumiti rin sa kanya.

Tangina. Hindi ko talaga talent ang makipagplastikan. Ni hindi man lang ako tumagal ng isang oras.

Natawa si Aoife. "Wow, you're something, huh."

"Siyempre naman, kaya nga ako nagustuhan ni Ashteroh, e. Ninakaw ko ang puso n'ya," sabi ko saka nag-finger heart.

"Bakit hindi natin tingnan kung talagang totoo 'yang sinasabi mo? Hindi mo pa naman siya boyfriend, diba? Tingnan na natin ngayon kung dapat mo ba siyang sagutin o hindi... Consider this as a help from me," saad n'ya saka nginitian ako.

Kaya naman pala nakaka-sense ng plastic vibes sina Andeng sa kanya... mukhang plastik naman pala talaga ang babaeng 'to.

Ngumisi na lang ako. "Wow, ang bait mo naman. Pwede bang pakisaksak na lang sa baga mo 'yang tulong na inaalok mo kasi hindi ko naman kailangan? Thank you," sabi ko saka ngumiti nang matamis sa kanya.

Tumayo si Aoife saka natatawang tumingin sa akin. "Tutulungan pa rin kita sa ayaw at sa gusto mo, Nathalie... Mukhang nagbago na talaga ang taste ni Ash. Mas gusto na n'ya yata ang mga babaeng..." tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa, "...mahirap intindihin."

ANG GAGANG Aoife na 'yon, naghintay pa rin sa kwarto ni Ashteroh kahit alam n'yang nililigawan ako ni boss. Hindi na lang ako kumibo at nakipagkwentuhan na lang kina Andeng para hindi siya ang mapagbuntunan ko ng inis.

Sumapit na ang 7 pm at kinailangan ng matulog nina Andeng. Nagtungo na lang ako sa kwarto ko at nagpalit na ng pantulog.

Sumilip ako sa labas mula sa pinto ng kwarto ko nang marinig kong dumating na si boss. Pasimple kong binuksan ang pinto at hinabol ng tingin si boss. Naglalakad na siya papuntang kwarto n'ya habang naghuhubad ng relo.

Lumabas na ako ng kwarto ko nang makita kong pumasok na siya sa at sumilip sa kanya sa kwarto n'ya. Nakatayo si boss sa pintuan ng kwarto n'ya at halatang natigilan. Marahil nakita na n'ya si Aoife ro'n.

"What are you doing here, Aoife?" tanong ni boss. Nakatalikod siya sa pwesto ko kaya hindi n'ya ako napansin.

Sumilip ako mula sa loob. Nakita ko si Aoife na nakaupo sa kama ni boss at nakasuot ng sexy na damit. Halos kita na ang kulay itim na panty at bra n'ya. Maski ako napaawang ang labi nang makita ang hitsura n'ya. Kahit sinong lalaki masisiraan ng ulo kapag nakita ang hitsura n'ya ngayon.

"Hey, Ash... missed me?" tanong ni Aoife saka hinawi ang mahabang buhok n'ya.

Napaawang na lang ang labi ko... ito ba ang tulong na tinutukoy n'ya?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.