Caught and Conquered Chapter 15

Napakuyom ang kamao ko. Tumingin ako kay Ashteroh habang hinihintay ang sagot n'ya.

"No, I didn't miss you. Now, will you please get out? I really want to take a shower now," sabi ni boss saka hinubad ang blazer n'ya, tila ba hindi siya apektado sa presensya ni Aoife.

Imbis na mainis, natawa na lang si Aoife sa sinabi n'ya. Tumayo ito saka lumapit kay Ashteroh. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang tumingin si Aoife sa direksyon ko saka ngumisi sa akin.

"Why? Don't you like what I'm wearing right now? You used to like it when I wear it before. Why don't we... do things we always do before? You know what I mean, right?" tila nang-aakit na tanong n'ya.

"What do you mean? The things we always did before is fighting and arguing... but what should we argue about now?" tanong ni boss.

Natigilan si Aoife sa sinabi ni Ashteroh. Halatang hindi n'ya nagustuhan ang sinabi nito. Napakunot na lang ang noo ko dahil hindi ko naman gaanong naintindihan ang sinabi ni boss.

Tangina, bakit ba ayaw nilang magtagalog?!

Natigilan ako nang hawakan ni boss ang braso ni Aoife saka hinila ito palabas ng kwarto n'ya saka pumasok sa loob at basta na lang sinara ang pinto. Malamang lagkit na lagkit na 'yon at gusto ng magshower.

"Pft!" Napatakip ako sa bibig ko at nagpigil ng tawa.

Tumingin sa 'kin si Aoife nang masama. Napakagat na lang ako sa loob ng pisngi ko para pigilin ang sarili ko na mapahagalpak ng tawa. Seryoso dapat ako sa sitwasyon na 'to kaso laptrip si Ashteroh. Parang gago amputa.

"Hay nako... minsan talaga ang past dapat kinakalimutan na lang," pagpaparinig ko saka nagtungo na lang sa kwarto ko.

Kumuha ako ng isang jacket saka muling lumabas. Napakunot ang noo ni Aoife nang makita akong may hawak na jacket. Lumapit naman ako sa kanya at itinakip sa sexy n'yang katawan ang jacket na kinuha ko.

Shet, ang gentlewomans ko naman. Kung ako si Aoife, sa 'kin na lang siya na in love at hindi kay boss Ashteroh. Pero hindi ko siya ica-crushback kung sakali kaya h'wag na lang din.

"Kumusta naman ba, p're? Ex ka ni boss kaya dapat alam mo na dapat ang trip n'ya kapag galing sa trabaho," napapailing na sabi ko.

"Ah, sorry. Dati kasi sinusugod n'ya agad ako ng halik at yakap pagkagaling n'ya sa trabaho," nakangising sabi n'ya.

Natigilan ako. Hindi ko nagustuhan ang sinabi n'ya pero hindi ko 'yon pinahalata. Natural lang na gano'n sila noon dahil magjowa sila dati... pero hindi ko maiwasang mainis.

"Ah gano'n? Gusto n'ya kasi mabango muna siya bago n'ya ako sugurin ng yakap at halik," nakapamaywang na sabi ko.

Imbento ko lang talaga 'yon... pero ayaw ko kasing magpatalo sa kanya.

Natawa si Aoife. "Baka kasi hindi n'ya naman talaga gustong yakapin at halikan ka."

"Talaga, Sharmaine pakyu..." bulong ko. "Saka anong hindi n'ya ako gustong yakapin at halikan? Kahit nga tulog ako panay ang halik sa 'kin no'n, e."

Imbento lang din 'yon pero... K, fine. So what? Mahilig din mag-imbento ang mga science tease... Ayaw ko talagang magpatalo sa babaeng 'to.

"Don't celebrate yet. Ash is usually like that. He's not showy," sabi ni Aoife saka napaismid.

Natigilan na lang kami nang magbukas ang pinto sa kwarto ni Ashteroh. Nakasuot na siya ng t-shirt at jogging pants. Agad siyang napatingin sa 'kin at niyakap ako. Agad n'yang pinupog ng halik ang buong mukha ko na para bang hindi n'ya nakikita si Aoife.

Napangisi ako at tumingin kay Aoife na tila hindi makapaniwalang nakatingin sa amin... Hindi pala showy ha.

"Magtabi ulit tayo matulog," anas ni boss saka isinubsob ang mukha sa leeg ko.

"Boss... nandito 'yung ex mo," sabi ko saka tinapik-tapik ang braso n'ya.

Natigilan si Ashteroh saka tumingin kay Aoife. "Damn, I almost forgot," narinig kong bulong n'ya.

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko para magpigil ng tawa. Siraulo talaga 'to si boss. Napakasama ng ugali.

"Why are you here, Aoife? Kukunin mo na ba ang mga gamit mo? Go ahead..." Tumingin ulit sa 'kin si boss. "Okay na, matulog na tayo," sabi n'ya saka hinawakan ang kamay ko saka hinila ako papasok sa kwarto n'ya.

Hindi na ako nakapalag nang nasa loob na kami. Agad n'yang sinara ang pinto at ni-lock 'yon saka seryosong tumingin sa 'kin.

"Bakit hinayaan mo siyang pumasok sa kwarto ko? Kahit sina Andeng hindi ko pinapapasok dito, e," reklamo n'ya.

Napakurap ako. "Sabi n'ya dito na lang daw siya maghihintay... Saka teka, hindi pa ba siya nakakapasok dito? Ex mo siya diba?" nakakunot-noong tanong ko.

"Malamang, kaya nga may sarili siyang kwarto, e. Hindi ako mahilig magpapasok ng ibang tao rito," saad n'ya.

Napaawang ang labi ko. "Grabe, kaya naman pala kayo naghiwalay dalawa," napapailing na sabi ko. "Eh bakit ako basta na lang nakakapasok?" tanong ko.

"Malamang, basta ka na lang pumapasok. Kahit i-lock ko ang pinto, nabubuksan mo pa rin naman kaya hinayaan ko na lang."

Ay wow. Kasalanan ko pa yata.

"And besides, I can't say no to you even before. Napapaisip na talaga ako na baka ginayuma mo ako," nakakunot-noong sabi n'ya.

Napasinghap ako at sinuntok ang dibdib n'ya. "Bakit pa kita gagayumahin? Nakaka-fall naman talaga ang ganda ko!" asik ko.

"Oo na... halika na," sabi n'ya na lang saka hinila ako para yakapin.

Basta na lang n'ya ako binuhat at hiniga sa kama n'ya saka humiga sa tabi ko. Dinampian n'ya ng halik ang noo ko saka kinumutan ako. Napapikit na lang ako nang marahan n'yang haplusin ang buhok ko.

Simpleng hawak at tingin lang ni Ashteroh, para ng naghu-huramentado ang puso ko. Natatakot ako na mawala siya sa 'kin, natatakot din ako na baka ma-realize n'ya na hindi naman pala n'ya ako mahal... natatakot ako na baka iwan n'ya ako. Gusto kong tumagal kami nang ganito, kung maaari kahit habang buhay na.

Yumakap na lang ako sa kanya. Malala na rin yata ako... Mukhang mahal ko na si boss.

NAGISING AKO at naramdamang wala na si Ashteroh sa tabi ko. Napatingin ako sa wall clock sa kwarto ni boss. 2 am pa lang ng madaling araw.

Bumangon na lang ako saka kinusot ang mga mata ko. "Boss?"

Napabuga ako ng hangin saka binuksan ang pinto. Kinakabahan akong lumabas. Baka kagaya 'to sa mga palabas na nahuhuli ng babae na may ginagawang kababalaghan ang boyfriend n'ya.

Paano kung maabutan ko si boss at Aoife na naghahalikan? Nagse-sex?

Natigilan ako at tumingin sa ibaba. Nasa sala sina boss at Aoife. Magkatabi silang nakaupo sa couch at tila may seryosong pinag-uusapan. Napalunok na lang ako at nanatili rito sa taas para pakinggan ang usapan nila.

"I didn't expect that you'll actually love someone after me. Akala ko hihintayin mo 'ko," sabi ni Aoife saka uminom sa basong hawak n'ya.

"This is reality, Aoife," sabi na lang ni boss.

"Alam kong kapakanan ko lang ang inisip mo noon. Alam kong gusto mo na unahin ko ang pamilya ko kaysa sa relasyon natin... pero nakakainis pala. Sana hindi ka na lang naging selfless noon," saad ni Aoife saka tumawa nang mapakla.

"Kung mas pinili mo 'ko noon, baka wala na ang kompanyang pinapahalagahan ng pamilya mo. Maganda na rin na gano'n ang nangyari. Don't be so bitter about it. Para sa 'yo rin naman 'yon," sabi ni boss.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Mukhang tama nga sina Inday. Mukhang minahal talaga ni boss si Aoife at kapakanan lang nito ang inisip n'ya kaya hinayaan n'ya itong umalis noon.

Hindi ko alam kung bakit... pero parang naninikip ang dibdib ko.

"Hindi mo na ba talaga ako mahal, Ash?" tanong ni Aoife saka tumingin kay boss.

"I won't court another woman if I still do," sabi ni boss saka tumayo.

Napatungo si Aoife.

Tinapik ni boss ang balikat nito. "I'll sleep now. Please leave first thing in the morning. You shouldn't stay here longer because that will offend Nathalie. Nathalie and I aren't officially together yet, but still, you should know your limits. You already knew I'm courting her. You're still my ex and you suddenly show up like that acting like you're still my girlfriend... You're my ex, I truly liked you before and I know you're not like this... I have respect for you as my ex and as a woman so please respect Nathalie too... she's the woman I love now."

Napasinghap ako nang maglakad na si boss papalapit sa hagdan. Agad akong bumalik sa kwarto namin at dali dlaing humiga at nagkumot.

Napabuga ako ng hangin at napapikit. Wala ako masyadong naintindihan sa sinabi ni boss kanina... pero ang alam ko lang ay talagang nagmahalan sila ni Aoife noon.

Pakiramdam ko tuloy ako ang kontrabida sa kanilang dalawa.

Natigilan ako nang maramdaman kong pumasok na si boss sa kwarto. Agad siyang humiga sa tabi ko at yumakap sa baywang ko. Naramdaman kong inilapit n'ya ang mukha sa batok ko saka dinampian ng halik ang balikat ko.

Pasimple kong inalis ang braso n'ya sa baywang ko. Muli naman n'ya akong niyakap pero inalis ko ulit 'yon.

"Nathalie... gising ka na ba?" bulong n'ya.

Napakamot ako sa batok ko saka bumangon. Napabuntonghininga ako saka bumangon at tumingin kay Ashteroh.

"Boss... doon na muna 'ko sa kabilang kwarto matutulog. Hindi ako makatulog dito," sabi ko na lang saka napaiwas ng tingin sa kanya.

Akmang tatayo na ako pero agad na bumangon si boss at hinawakan ang kamay ko.

"May problema ba, Nathalie?" tanong n'ya sa malumanay na boses.

Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya.

"Boss... baka hindi mo naman talaga ako gusto. Baka naguguluhan ka lang," bulong ko.

"What the fuck are you saying?" tanong ni boss.

"Boss... tingnan mo nga kami maigi ni Aoife. Gandang gand ako lagi sa sarili ko, pero kung sa totoo lang, walang wala ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala na nagustuhan mo 'ko samantalang tulad n'ya ang huling naging girlfriend mo. Pag-isipan mo munang maigi, boss. Sige, doon muna ako sa kabila," sabi ko na lang saka agad na nagtungo sa pinto.

Akmang bubuksan ko na 'yon pero agad na iniharang ni Ashteroh ang kamay n'ya sa pinto. Natigilan naman ako nang hawakan n'ya ang balikat ko saka pinaharap ako sa kanya.

"Boss, sabi ko--hmp!" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang agad n'yang siilin ng halik ang labi ko.

Napasinghap ako at napakapit sa balikat n'ya nang walang pasabing hinawakan n'ya ang baywang ko at inangat ako. Isinandal n'ya ang likod ko sa pinto saka hinawakan ang mga hita ko para iyakap sa baywang n'ya.

Napapikit na lang ako at tinugon ang halik n'ya saka yumakap sa batok n'ya. Napakapit ako nang mahigpit sa kanya dahil pakiramdam ko kakaiba ang halik na 'to sa mga nauna naming halikan.

Naglakad siya papunta sa kama at marahan akong inihiga ro'n at pumaibabaw sa akin habang patuloy pa rin ang mga halik n'ya.

"Hmm..." Impit na napaungol ako nang maramdaman ko ang marahang pagkagat n'ya sa ibabang labi ko saka sinipsip 'yon. Iniyakap ko nang mas mahigpit ang mga hita ko sa baywang n'ya nang maramdaman kong ipinasok n'ya ang dila sa bibig ko. Pagkatapos ay muli n'yang kinagat ang ibabang labi ko, mas malakas kaysa kanina. Pakiramdam ko mamamaga 'yon pagkatapos nito.

Naramdaman ko ang mainit n'yang kamay na pumasok sa loob ng damit ko. Napakapit ako nang mahigpit sa damit n'ya nang umakyat sa dibdib ko ang kamay n'ya. Wala akong suot na bra kaya ramdam na ramdam ko ang init ng kamay n'ya sa balat ko ro'n. Agad na nagtayuan ang mga balahibo ko.

"Ashteroh..." nasambit ko ang pangalan n'ya nang bumaba ang halik n'ya sa panga ko, pababa sa leeg ko. Pinasadahan n'ya ang balat kong 'yon ng dila n'ya. May kung ano akong naramdaman sa pagitan ng mga hita ko na hindi ko matukoy kung ano.

"Ahhh..." Bahagya ko siyang nasabunutan nang maramdaman ko ang pagmasahe n'ya sa dibdib ko. Mas lalo akong nakaramdam ng kakaiba sa pagitan ng mga hita ko nang maramdaman ko ang pag-ikot ng daliri n'ya sa tuktok no'n.

"Fuck," mariing mura ni Ashteroh saka inilayo ang mukha sa leeg ko saka tinitigan ako.

"B-Boss..." anas ko habang tila nalalasing na tumingin sa kanya.

Kitang kita ko ang pag-igting ng panga n'ya habang nakatitig sa mukha ko. Hinaplos n'ya ang pisngi ko saka tila nanunuksong dinampian ng halik ang labi ko.

Napabuga ng hangin si Ashteroh saka inalis ang kamay sa loob ng damit ko. Hindi ko mapigilang madismaya dahil nawala na ang mainit n'yang kamay sa dibdib ko.

"I'm sorry, Ma'am... I lose self-control," bulong n'ya saka sinubsob ang mukha sa leeg ko at dinampian ng halik 'yon.

"Boss..."

"You're cute when you're jealous but I don't like it when you're losing your confidence because of it... You have no idea how beautiful you are for me. You have no idea how I admire you and find you adorable. You have no idea how much I stop myself from taking you everytime you tease me... You're the only woman I find beautiful right now... and you will always be... I love you, Nathalie," bulong n'ya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. English ang sinabi n'ya pero hindi ko alam kung bakit tila naintindihan ko iyon. Nagwawala na rin ang puso ko at nanginginig ang buong katawan ko dahil sa kakaibang emosyon na lumulukob sa pagkatao ko ngayon.

Inilayo n'yang muli ang mukha sa leeg ko saka tumitig sa akin. Napatingin na lang din ako sa mga mata n'ya na seryosong nakatingin sa akin na para bang may sinasabi ang mga tingin n'yang 'yon.

"You're the only woman I don't want to let go... I know this is a toxic thing to say... but I have no intention of letting you go. Kahit ano pa ang maging sitwasyon natin, wala akong balak na pakawalan ka," anas n'ya sa malalim na boses. "I love you, Nathalie," dagdag pa n'ya.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko saka yumakap sa batok n'ya. "I love you too, boss... K-Kaya sana h'wag mo 'kong saktan," bulong ko saka napaiwas ng tingin sa kanya.

Marahang hinawakan ni boss ang panga ko at pinaharap ako sa kanya. Napakagat siya sa ibabang labi n'ya na tila nagpipigil ng ngiti.

"Talaga? Mahal mo rin ako? Sabihin mo nga ulit," nakangiting sabi n'ya.

Tumango ako. "K, fine. Labyu, boss mapagmahal sakalam," usal ko.

Natawa siya saka kinurot ang pisngi ko. "Damn, I'm at your disposal, Ma'am Nathalie. I'm your damn slave, use me all you want. I'm all yours."

Kinuha ko ang kamay n'ya at inilapit 'yon sa dibdib ko. "Okay, alipin. Hawakan mo ulit ang boobs ko kagaya kanina."

Natigilan siya sa sinabi ko. "W-What the hell are you saying?"

"Bakit ba?! Masarap, e," sabi ko na lang.

Natawa si Ashteroh saka pinitik ang noo ko. "Ang bilis naman bumalik ng confidence mo," natatawang sabi n'ya.

"Of course, boss. I the of self in me the confidence are making the top of the worlds," sabi ko na lang.

Natatawang humiga si boss sa tabi ko saka ikinulong ako sa mga bisig n'ya. Napaismid na lang ako dahil mukhang wala siyang balak ituloy ang paghawak n'ya sa boobs ko gaya kanina.

"I love you, Ma'am Nathalie... I'll do more than just touching your boobs next time... when we're finally and officially a couple," bulong n'ya saka marahang kinagat ang tainga ko.

"K, fine. Labyu too," sabi ko na lang saka nakipaglandian sa kanya buong gabi... este madaling araw.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.