Caught and Conquered Chapter 17

“Naririnig n'yo ba ang sinasabi n'yo?!”

Hindi kaagad nakasagot sina Gina sa tanong ko. Napaiwas sila ng tingin sa 'kin na tila ba maski sa sarili nila, hindi nila alam ang sagot.

“Wala na tayong ibang pagpipilian, Naths. Wala na tayong oras para mag-isip. Alam naming ganyan ang magiging reaksyon mo... tumulong ka man sa 'min o hindi, pupunta kami sa mansyon n'ya mamayang gabi,” sabi ni Chinu saka napabuga ng hangin.

“P-Papatayin kayo ni Ashteroh kapag nahuli n'ya kayo. Binalaan n'ya na kayo nu'ng huling beses, diba? Seryoso siya... k-kaya n'yang pumatay ng tao. Nakita ko 'yon noon, sa mismong harapan ko pa. B-Baka hindi ko siya makumbinsi kapag nahuli n'ya kayo. M-Makinig kayo sa 'kin, tutulungan ko kayong magnakaw sa iba. Kaya ko nga kahit mag-isa, e. H'wag naman kayong magpadalos-dalos. Lalo ka na, Chinu, matalino kang tao. Marami tayong pwedeng pagpilian. H'wag si Ashteroh,” pangungumbinsi ko sa kanila.

Seryosong tumingin sila sa akin. Alam kong nahahalata na nila na may malalim kaming ugnayan ni Ashteroh. Mahal ko si Ashteroh... pero mahal ko rin sila. Ayokong may mangyaring masama sa kanila... Ayoko na kailangan kong mamili sa kanila.

“Mas mahalaga ba sa 'yo ang lalaking 'yon kaysa sa amin? Kaysa sa mga taong kasama na natin lumaki? 'Yung nararamdaman mo ngayon para sa kanya, mawawala rin 'yan, Naths. Mas mahala ang mga taong kailangan ng tulong natin ngayon,” saad ni Gina saka hinawakan ang kamay ko. “Nathalie, ayokong may mangyaring masama sa mga taong 'yon. Pamilya ko na sila kagaya mo. Wala na tayong ibang pagpipilian.”

“K-Kayo lang naman ang iniisip ko kaya ko kayo pinipigilan... mahal ko kayo kaya ko kayo pinipigilan. Marami naman tayo pwedeng pagpilian. B-Bakit si Ashteroh pa? Hindi n'yo rin sila matutulungan kung mahuhuli kayo at mapapatay ni Ashteroh. Kumalma muna kayo. Bigyan n'yo 'ko ng oras,” pangungumbinsi ko pa sa kanila.

Napaiwas sila ng tingin sa 'kin. Pakiramdam ko kahit anong paliwanag ang gawin ko sa kanila, hindi sila makikinig sa akin.

“Nathalie... papasukin namin ang mansyon ni Ashteroh Alexeev mamayang gabi sa ayaw o sa gusto mo. Hindi ka naman namin pipilitin kung ayaw mo kami tulungan. Kung doon na kami mamamatay, wala na kaming magagawa. Hirap na hirap na rin naamn kami,” sabi ni Chinu saka napahilamos sa mukha n'ya.

“S-Sinasabi mo 'yan dahil alam mong hindi ko kayang gawin na pabayaan kayo... Pag-isipan n'yo naman munang maigi. Hindi na kayo makakawala sa oras na pasukin n'yo ang mansyon lalo pa't wala sina Kuyu. H'wag kayong pupunta ro'n, please naman. Makinig kayo sa akin,” nauutal na pakiusap ko sa kanila.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, nanginginig din ang mga kamay ko ngayon. Ayoko na pati sa kanilang dalawa may mangyaring masamq rin... Gagawin ko ang lahat para pigilan sila sa plano nilang gawin.

“Gaya ng sabi namin, nasa sa 'yo kung gusto mo kaming tulungan. Pupunta kami mamayang 11 pm do'n. Bahala na kung ano'ng mangyari, desperado na rin kami,” sabi na lang ni Gina saka tinapik ang balikat ko bago umalis.

Ang daming tumatakbk sa isip ko hanggang sa makauwi ako. Hindi ko alam ang dapat kong gawin sa sitwasyon ko ngayon. Kapag ba nahuli ni Ashteroh sina Chinu... hindi n'ya sila papatayin?

Mahal ko si Ashteroh pero hindi ko pa siya gaanong kilala. Hindi ko alam kung makikinig siya sa 'kin kapag pinakiusapan ko siya. Hindi ko alam kung palalagpasin n'ya ang gagawin ng mga kaibigan ko... Natatakot akong magsabi sa kanya, natatakot ako na baka hindi n'ya santuhin sina Chinu kahit pa kaibigan ko sila.

Pinagdududahan ko ang gagawin ni Ashteroh kung sakali... natatakot ako sa pwedeng mangyari sa mga kaibigan ko.

Napahilamos ako sa mukha ko at nanghihinang humiga sa kama ni Ashteroh. Kumuha ako ng isang unan at niyakap 'yon habang nakatulala.

Hindi ko alam kung paano ko mapipigilan sina Chinu. May sapat na oras sana akong magnakaw sa iba kung bukas pa nila gagawin ang plano nila... kailangan ko ng oras, pero iyon ang wala sa akin ngayon. Kung magnanakaw ako ng walang plano at natataranta, siguradong mahuhuli lang din ako gaya nina Ken.

“Naths, ayaw mo bang magmerienda man lang?”

Narinig ko ang boses ni Andeng mula sa labas ng kwarto. Gusto kong sagutin ang tanong n'ya pero wala akong lakas. Nanatili ako na walang imik habang nakatitig sa kung saan.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakahiga rito. Hindi ako makatulog o makakain kakaisip. Naririnig kong kumakalam ang sikmura ko dahil hindi ako nagtanghalian o nagmerienda pero tila hindi ko maramdaman ang gutom.

Natigilan ako nang marinig kong bumukas ang pinto. Naramdaman kong may umupo sa kama saka hinaplos ang buhok ko.

“Ma'am Nathalie... Narinig ko kina Inday na wala kang gana kumain. May problema ba?” narinig kong tanong ni Ashteroh.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at pilit na pinakalma ang sarili ko. Ayokong ipahalata sa kanya na may malalim akong iniisip.

Bumangon ako saka nilingon si boss. Halata ang pag-aalala sa mga mata n'ya habang nakatingin sa akin. Napangiti na lang ako at sinubukang hubarin ang necktie n'ya.

“Wala lang, boss. Nakatulog kasi ako,” saad ko na lang.

“Ako na ang maghuhubad at baka mapatay mo pa 'ko,” pabirong sabi n'ya. Hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa necktie n'ya.

“Ano ka ba, boss? Magiging trabaho ko na 'to kapag kinasal tayo,” nakangising sabi ko saka dinampian ng halik ang labi n'ya.

Napangiti siya saka yumakap sa baywang ko. “Sus, hindi mo pa nga ako sinasagot, e,” tila nagrereklamong sabi n'ya.

“Edi sinasagot na kita ngayon,” nakangiting sabi ko na lang.

Natigilan siya sa sinabi ko. Napakurap pa siya at tila hindi makapaniwalang napatingin sa akin. Natawa na lang ako sa reaksyon n'ya at bahagyang kinagat ang panga n'ya.

“Labyu, boss,” anas ko.

“Talaga? Tayo na talaga, Ma'am ko?” nakangiting tanong n'ya saka pinagdikit ang noo naming dalawa.

“Oo nga, boss. Ayaw mo ba? Hindi mo na 'ko mahal?” nakangusong tanong ko.

Dinampian n'ya ng halik ang nakanguso kong labi. “Siyempre, gustong gusto ko. Mahal na mahal kita, Ma'am Nathalie,” anas n'ya saka pinupog ng halik ang mukha ko.

Napangiti na lang ako at napatitig sa kanya. Pilit kong hindi ipinapahalata na may bumabagabag sa isip ko pero hindi ko maiwasang mapaisip. Ang dami kong gustong sabihin at itanong kay Ashteroh... pero natatakot ako sa isasagot n'ya. Natatakot ako na baka hindi ko magustuhan ang mga 'yon.

“Halika na nga sobrang ganda kong girlfriend, meron akong special dinner para sa 'yo,” sabi ni Ashteroh saka hinila ako patayo.

“Hotdog?” nakataas-kilay na tanong ko saka nagpatianod sa kanya.

Natawa siya. “Hindi, parang tanga naman 'to. Um-order ako sa restau na nadaanan ko kanina. Halika, kumain tayong dalawa,” sabi n'ya saka inakbayan ako.

Nagtungo na kami sa kusina para kumain. Ayoko sanang kumain dahil wala talaga akong gana pero makakahalata na si Ashteroh kung hindi ako kakain.

“Nathalie, bukas pupunta tayo sa kung saan mo gusto. Hihiramin ko ulit ang yacht ng kaibigan ko. Hmm, magbabakasyon tayo ng mga three to five days siguro,” sabi ni Ashteroh saka hinawi ang buhok ko habang nakain.

Napatingin ako sa kanya saka ngumiti. “Talaga, boss? Excited na 'ko.”

Dinampian n'ya ng halik ang sentido ko. “Dapat lang ma-excite ka dahil pinaghandaan ko talaga 'yon. Tinapos ko na ang mga trabaho ko para hindi tambak kapag bumalik na tayo. Doon na tayo magse-sex,” nakangising sabi n'ya.

Napasinghap ako. “Sige, boss. Dalhin mo 'yung salamin mo sa mata ha. Kailangan 'yon kapag nag-sex na tayo,” sabi ko saka nagtaas-baba ng kilay.

Natawa si Ashteroh saka pinupog ng halik ang mukha ko. Natawa na lang ako sa ginawa n'ya saka yumakap sa kanya.

Kahit pa napapagaan ni Ashteroh ang loob ko ngayon, hindi ko pa rin maiwasang mapaisip. Pilit akong umaakto na normal sa harapan n'ya... ang hirap pala nito. Ang bigat sa dibdib.

“Nathalie... may problema ka ba?” tanong ni Ashteroh habang nagpupunas ng basa n'yang buhok.

Natigilan ako sa tanong n'ya. Ngumiti na lang ako at lumapit sa kanya saka umupo sa kandungan n'ya. Kinuha ko ang towel mula sa kanya at ako na ang nagpunas ng buhok n'ya. Napangiti naman siya sa ginawa ko saka yumakap sa baywang ko.

“Walang problema, boss. Iniisip ko lang ang dadalhin ko bukas sa bakasyon natin,” sabi ko na lang habang tuloy sa pagpupunas ng buhok n'ya.

“Kahit ano namang isuot mo, Ma'am ko. Kung saan ka komportable,” sabi n'ya saka dinampian ng halik ang labi ko.

Napatigil ako sa pagpupunas ng buhok n'ya saka napatitig sa kanya. Tipid na napangiti ako at marahan hinaplos ang pisngi n'ya saka pinagdikit ang ilong namin.

“Boss, ano'ng mga bagay na ikagagalit mo kapag ginawa ko?” tanong ko.

“Hmm...” Hinila n'ya ang baywang ko palapit sa kanya. “Kapag niloko at iniwan mo 'ko. Iyon lang. Kahit ano'ng gawin mo hindi ako magagalit, pero kapag niloko at iniwan mo 'ko nang walang paalam... ibang usapan na 'yon kahit na mahal pa kita,” sabi n'ya saka sinubsob ang mukha sa leeg ko.

Napakagat ako sa ibabang labi ko saka tipid na ngumiti. “Kung gano'n lang pala, never kang magagalit sa 'kin,” saad ko na lang.

“Ikaw... ano'ng kinagagalit mo?” tanong naman n'ya.

“Wala naman, boss. Basta hindi lang ako sasaktan,” sabi ko na lang saka napapikit at yumakap sa batok n'ya.

Natahimik na ulit kaming pareho. Ang bigat ng pakiramdam ko. Ang gulo gulo na ng isip ko ngayon.

“Boss, iinom lang ako ng gatas ha,” pagpalaalam ko sa kanya.

Napatigil si Ashteroh sa pagtitipa sa laptop n'ya saka napatingin sa akin. Ngumiti siya saka tumango. Mukhang pilit na n'yang tinatapos ang iba n'ya pang trabaho para sa bakasyon namin.

Agad na akong lumabas ng kwarto n'ya at nagtungo sa sala para tawagan sina Chinu. Agad naman n'yang sinagot ang tawag.

“H'wag kayong pumunta... utang na loob, Chinu. H'wag kayong tumuloy. M-Magpa-plano tayo bukas. Pakiusap, h'wag n'yo na ituloy ang plano n'yo,” sabi ko sa mahinang boses habang palakad-lakad dito sa sala.

“Desidido na kami, Naths. Gaya ng sabi namin kanina, pwede ka namang hindi tumulong. Basta tutuloy pa rin kami kahit ano'ng mangyari,” desididong sabi ni Chinu.

Napapikit ako nang mariin at napahilot sa sentido ko. Nanlalamig at pinagpapawisan na ang mga kamay ko ngayon. “B-Baka patayin n'ya kayo. Hindi n'yo ba maintindihan? Kaya n'yang gawin 'yon at hindi ko alam kung mapipigilan ko siya. M-Makinig naman kayo sa 'kin, kahit ngayon lang. Naiintindihan ko na kailangang kailangan na natin ng pera ngayon, pero isipin n'yo naman ang mga sarili n'yo... i-isipin n'yo naman ako.”

Tuluyan ng nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luha. Napakagat ako sa ibabang labi ko saka pinigil ang sarili na mapahikbi at mapahagulgol ng iyak. Ngayon ko lang naranasan ang maipit nang ganito. Sobrang bigat sa pakiramdam... Kahit ano'ng piliin ko, may hindi magandang kalalabasan.

“Kung tumawag ka para lang sabihin 'yan, ibababa ko na ang tawag.”

Pagkasabi ni Chinu no'n, agad na n'yang ibinaba ang tawag. Mas lalong umakyat ang kaba sa dibdib ko saka napatingin sa oras... 8 pm na, dalawang oras na lang... dalawang oras na lang dadating na sila.

“BAKIT HINDI ka makatulog?” tanong ni Ashteroh saka tumigil sa pagtitipa sa laptop n'ya.

Napalingon ako sa kanya. Nakaupo ako sa paanan ng kama n'ya ngayon. Hanggang ngayon may tinatrabaho pa rin siya sa laptop n'ya. Mukhang desidido talaga siya na matapos ang mga trabaho n'ya para bukas.

“Wala lang, boss. Excited ako para bukas,” nakangiting sabi ko.

Lumapit sa 'kin si boss saka yumakap sa baywang ko at sumandal sa balikat ko. “Ako rin. Iyon ang unang bakasyon natin nang magkasama kaya nag-effort talaga ako para do'n,” sabi n'ya saka hinawakan ang kamay ko at dinampian ng halik 'yon.

“S-Salamat, boss... Mahal kita,” anas ko. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko nang tuluyang nabasag ang boses ko.

“I love you more.” Bumigat ang ulo n'ya sa balikat ko. “Bakit kaya... nahihilo ako? Parang babagsak ang katawan ko,” bulong n'ya.

Agad na nanginig ang ibabang labi ko at napatingala upang pigilan na mapaluha. Humigpit ang yakap ni Ashteroh sa akin.

“Matulog na tayo... sobrang inaantok na 'ko, Ma'am,” anas n'ya. “May lakad pa tayo bukas,” dagdag pa n'ya, pahina nang pahina ang boses n'ya.

Tuluyang dumaloy ang mga luha sa pisngi ko nang bumagsak na ang katawan ni Ashteroh sa kama. Napatakip ako sa bibig ko at napahagulgol ng iyak. Pilit kong pinahid ang nag-uunahang mga luha mula sa mga mata ko.

“S-Sorry... Sorry, Ashteroh. S-Sorry,” bulong ko kahit wala na siyang malay sa tabi ko.

Nilagyan ko ng pampatulog ang binigay kong tubig sa kanya kanina... ininom n'ya 'yon nang walang pag-aalinlangan... ang laki ng tiwala n'ya sa 'kin pero hindi ko alam kung bakit naluluha ako sa katotohanang 'yon.

Nanginginig ang mga tuhod na tumayo ako at sumilip sa bintana. Wala na ring malay ang mga tauhan n'yang nakabantay ro'n.

Kahit halos bumigay na ang mga tuhod ko. Nagawa ko pa ring magtungo sa kwarto nina Andeng para silipin sila. Wala rin silang malay dahil sa binigay kong pagkain na may pampatulog kanina.

Nagtungo ako sa sala at nanghihinang napaupo sa couch. Pilit kong pinatigil ang sarili ko sa pagluha para hindi ako maabutan nina Chinu sa ganitong kalagayan.

“Nathalie!”

Agad akong napalingon nang dumating na sina Chinu. Agad akong sinugod ng yakap ni Gina.

“Salamat, Naths... S-Salamat dahil kami ang pinili mo,” tila naluluhang anas ni Gina.

Tipid na ngumiti na lang ako saka niyakap din siya pabalik.

“N-Nakikita mo ba ang painting na 'yon, Chinu? Pindutin mo ang pindutan sa likod no'n. K-Kusang bubukas ang painting, sikretong kwarto 'yon na taguan ng mga alahas at pera ni Ashteroh. M-May PIN code na kailangang pindutin, 101914 ang PIN code.” Kumalas ako sa pagkakayakap kay Gina. “P-Pupunta lang ako sa kwarto ni Ashteroh, may makukuha pa ro'n.”

Hindi ko na sila hinintay na makasagot at agad na nagtungo sa silid ni Ashteroh. Nanginginig ang mga tuhod na lumapit ako sa kanya saka umupo sa tabi n'ya. Inayos ko siya ng higa sa kama saka kinumutan. Mapait na napangiti na lang ako at tinitigan siya. Hinaplos ko ang pisngi n'ya saka dinampian ng halik ang labi n'ya.

Muling umalpas ang mga luha mula sa mga mata ko. Yumakap ako sa kanya at isinubsob ang mukha ko sa leeg n'ya.

“Boss... m-mahal talaga kita. Sorry kung mas pinili ko sila, s-sorry kung kailangan ko gawin 'to... pero totoong mahal kita, boss. Mahal na mahal kita. S-Salamat sa pagmamahal mo sa 'kin, sorry... S-Sorry, boss... Sorry,” naluhang sabi ko saka napakapit nang mahigpit sa damit n'ya.

Hindi ko na alam kung gaano katagal akong nakayakap sa kanya. Hindi ko na nakontrol pa ang sarili ko at napahagulgol ng iyak... Alam kong pagkatapos nito... tuluyan nang mawawala ang pamamahal n'ya sa 'kin. Pagkatapos nito, hindi ko na siya pwedeng makita ulit... Pagkatapos nito, mawawala na siya sa buhay ko.

“Naths! Halika na, hindi tayo pwedeng mag-aksaya ng oras.”

Natigilan ako nang marinig na kumatok sina Gina sa pinto. Muli akong tumingin kay Ashteroh.

Dinampian ko ng halik ang labi n'ya bago ako tumayo at tuluyang lumabas ng kwarto n'ya. Halatang nagtataka sina Gina nang mapansing wala akong kinuha sa silid ni Ashteroh pero hindi na lang sila nagsalita.

Mabigat ang puso ko nang tuluyan na kaming makaalis sa mansyon ni Ashteroh. Alam kong pagsisisihan ko ang desisyon kong 'to. Alam kong pagdurusahan ko 'to balang araw at handa akong tanggapin 'yon nang buo.

Pagsisisihan ko na hindi ko pinili ang pagmamahal n'ya para sa 'kin.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.