“Good morning, Sir. How can we help you?” nakangiting tanong ko sa guest namin.
“This girl! She's pissing me off! She supposed to follow my orders but she kept on declining me! Are all the staff here are like this?! You shouldn't treat your guests like this!” galit na asik ng foreigner naming guest.
Ang daming kalat ng hotel room n'ya. Mukhang matinding pagwawala talaga ang ginawa n'ya. Kawawa na naman kaming maglilinis ng mga 'to mamaya.
“Sorry for the inconvenience, Sir. She's just a new staff here. Don't worry, we will talk to her, Sir,” magalang na sabi ko.
“Yes! Tell her! Tell her what she's supposed to do to your guests here!”
Ngumiti na lang ako sa kanya. Binalingan ko ng tingin ang staff na naka-assign maglinis sa hotel room ng foreigner na 'to na masyadong galit na galit sa mundo.
“Mira, ano ba ang nangyari? Bakit galit na galit ang guest natin?” malumanay na tanong ko kay Mira na nakatungo at lumuluha.
Mukha siyang takot na takot. Hindi na naman bago ang mga ganitong tagpo. Katulad n'ya rin ako nu'ng una akong nag-OJT. Lalong mahirap sa akin dahil mainitin ang ulo ko. Ilang beses na 'kong muntik napaaway sa mga guest noon. Buti na lang marunong na ako magkontrol ng ugali ko ngayon.
“H-Hinipuan n'ya po ako, Ma'am. G-Gusto n'ya pong makipag-sex ako sa kanya,” nauutal na sabi nito.
Pakiramdam ko nag-akyatan ang lahat ng dugo sa mukha. Napabuga ako ng hangin at itinupi ang sleeve ng blazer na suot ko.
“Eh tarantado pala 'to, e!” asik ko at akmang susugurin ang guest pero agad akong napigilan ng mga staff na kasama ko.
“M-Ma'am Naths, kumalma ka po. Hayaan n'yong si Sir Killian ang mag-handle nito,” bulong sa akin ng isang staff.
“Tanginang 'yan, sasapakin ko muna 'tong manyakis na 'to! Napakagago ng putangina!” singhal ko at akmang susugurin ang foreigner.
“W-What do you mean? You're crazy!” tila natatakot na sabi n'ya saka nagtago pa sa likuran ng isang lalaking staff.
“Crazy talaga ako! Gago kang manyakis ka!”
Muli akong inawat ng mga staff. Nakahawak sila sa braso ko habang pilit akong pinipigilan. Matagal kong inaral na kontrolin ang sarili ko sa mga sitwasyon simula nang mag-training ako rito sa hotel na 'to. Pero ito talaga ang mga nagpapainit ng ulo ko.
“What's happening here?”
Natigilan lang ako nang marinig ang boses ni Sir Killian, ang may ari ng hotel.
“Sir, hindi po namin mapigil si Ma'am Nathalie,” sabi ng isang staff na hirap na hirap sa pagpigil sa akin.
“Nathalie, sinabi ko na sa 'yo na kontrolin mo 'yang sarili mo,” tila nanenermong sabi ni Sir Killian.
Napaismid ako. “Paano naman po ako kakalma eh hinihipuan ng gagong 'to ang staff natin?!” asik ko.
Napakunot ang noo ni Sir Killian. “Hinihipuan?” tanong n'ya.
“Opo, Sir. Tingnan n'yo naman po si Mira, hindi na tumigil sa pag-iyak! Hinipuan daw po siya ng gagong 'to at pinipilit makipagsex,” nanggagalaiting sabi ko.
Natigilan si Sir Killian. Lumapit siya sa guest namin. Napasinghap na lang ang lahat ng si Sir na mismo ang sumuntok sa guest namin.
“Gago ka pala, e,” sabi na lang ni Sir nang wala ng malay ang guest sa sahig.
Siraulo talaga ang taong 'to. Bakit n'ya sinasabing kontrolin ko ang sarili ko eh mas malala nga siya sa akin?!
Inasikaso na lang ni Sir Killian ang nangyari. Napag-alaman na manyakis pala talaga ang guest namin na 'yon at marami na ang reklamo sa kanya. Pinauwi naman muna si Mira para kumalma ito.
“Inom ka muna,” sabi ni Sir Killian saka inabutan ako ng tubig.
Napaismid ako at naiinis na kinuha ang tubig. Nandito ako sa office n'ya ngayon. Malamang sesermunan na naman n'ya ako pero wala na 'kong pake. Mainit ang ulo ko.
“Isang taon na lang graduate ka na. Ipapaalala ko lang sa 'yo na kahit kaibigan mo 'ko, hindi kita bibigyan ng grade na hindi mo deserve. Hindi dapat ganyan umakto ang manager,” sabi ni Sir Killian saka umupo sa swivel chair n'ya.
“Tangina, bakit kasi ito ang kinuha kong course? Kasalanan mo 'to, e. Nakumbinsi mo ako na mag-take ng hospitality management eh hindi naman bagay sa akin,” reklamo ko saka napakamot sa batok ko.
Three years ago nang makilala ko si Killian. Tinulungan ko siya noon sa magnanakaw, doon nagsimula ang friendship namin. Nagulat na lang ako nang malaman ko na mayaman pala siya at may ari pa ng hotel.
Tinulungan n'ya akong mag-aral kahit na wala akong alam at bobo. Naging madali lang sa akin ang mag-enrol kahit wala akong matinong papeles dahil sa kanya. Akala ko talaga noon wala na 'kong pag-asa. Simpleng english lang kasi hirap na hirap pa 'ko. Buti na lang matyaga ang naging tutor ko noon.
Malaki ang utang na loob ko kay Killian. Isa siya sa pinakatumulong sa akin na magbagong buhay. Para sa 'kin hindi lang siya kaibigan, best friend ang turing ko sa kanya.
Natawa si Sir Killian. “Sabi mo kasi wala kang maisip na course. Eh may ari naman ako ng hotel. Gagawin naman kita agad na manager kapag nakapagtapos ka na. Isang taon na lang,” nakangising sabi n'ya.
“Akala ko ba walang favoritism?” natatawang tanong ko.
“Well, it's just for formality's sake. Malakas ka sa 'kin,” sabi n'ya saka hinawi ang buhok n'ya.
“K, fine, Sir Killian,” sabi ko na lang saka muling uminom ng tubig.
Pagkatapos ng duty ko sa hotel, agad na rin akong umuwi sa apartment na tinutuluyan ko. Nagt-training pa lang ako pero grabe na ang pahirap ng trabahong binibigay sa akin ni Killian. Pero hindi naman ako nagrereklamo. Habang tumatagal nagugustuhan ko na rin naman ang trabaho ko kahit palaging nasusubok ang pagtitimpi ko.
“Ate Naths! Ito po 'yung hulog ni Mama sa utang namin sa 'yo.”
Natigilan ako nang akmang papasok na 'ko sa apartment nang lapitan ako ng batang si James. Inabutan n'ya ako ng isang libo.
“Sabihin mo sa Mama mo, saka na siya magbayad sa 'kin at mag-focus muna siya sa pagpapagaling. Sabi ko naman sa kanya okay lang kahit kailan n'ya kayang magbayad. Hindi rin naman ako naniningil,” nakangiting sabi ko na lang saka bahagyang ginulo ang buhok n'ya.
Napangiti si James. “Thank you, Ate Naths! Dahil po sa 'yo napagamot si Mama.”
“Sus, wala 'yon. Bumalik ka na sa inyo at bantayan ang Mama mo,” saad ko saka ngumiti sa kanya.
“Sige po, thank you po.”
Pumasok na lang ako sa loob. Dilim kaagad ang bumungad sa akin. Napakamot na lang ako sa batok ko at napahikab.
“Hi, Naths!”
“Ay putangina!” Napatalon ako sa gulat nang bumungad sa akin si Gina na nakaupo sa sofa pagbukas ko ng ilaw.
“Ang OA mo naman,” reklamo n'ya saka tumuloy sa pag-inom ng kape habang nanonood na naman ng kdrama.
“Tangina naman kasi, Gina. Ang tagal na nating hindi nagnanakaw pero para pa ring magnanakaw ang kilos mo. Aatakihin ako sa puso,” reklamo ko saka inilapag ang bag ko sa mesa.
Minsan talaga bigla na lang nasulpot si Gina rito sa apartment ko nang walang paalam. Nakakapasok naman kasi siya kahit wala siyang susi. Hanggang ngayon hindi na n'ya naalis sa sarili ang mga gawaing magnanakaw.
“Kumusta naman ang trabaho, Miss manager?” tanong n'ya.
“Ayos lang, nakakapagod,” sabi ko na lang at binuksan ang ref upang uminom ng tubig.
Nakapag-asawa ng mayamang lalaki na hindi pamilyado si Gina. Kaya nang namatay ang asawa n'ya, sa kanya naiwan ang lahat ng yaman ng lalaki. Kaya pa-petiks petiks na lang siya sa buhay ngayon. Hindi rin naman kasi n'ya minahal 'yung lalaki. Pinerahan n'ya lang talaga.
Si Chinu, umalis na at hindi na nagparamdam simula nang tulungan namin ang mga kapit-bahay namin three years ago. Sana ayos lang siya, hindi rin kasi namin maiwasang mag-alala ni Gina.
Sina Kuyu at Ken nakalaya na noon pa dahil sa pera ni Gina. Nagpakalayo-layo na rin sila pagkatapos no'n. Huling balita namin sa kanila ni Gina, nagtatrabaho na sila nang matino.
Maraming nangyari sa nakalipas na tatlong taon. Pagkatapos naming bigyan ng pera ang mga kapit-bahay gamit ang nakuha namin kay Ashteroh, umalis kami agad nina Gina sa Maynila at nagtungo sa malayong probinsya.
Napabuntonghininga na lang ako at tipid na napangiti habang nakatitig sa sarili ko sa salamin. Napahawak ako sa itim kong buhok... pakiramdam ko... hindi ako 'to.
“Nathalie...”
Natigilan ako at napalingon kay Gina na nakaupo sa kama ko habang seryosong nakatitig sa akin.
“Hmm?” tanong ko na lang saka sinuklay ang buhok ko.
“Alam kong nagdadamdam ka pa rin hanggang ngayon. Sorry... sorry sa pag-ipit namin sa 'yo noon. Edi sana kasama mo siya ngayon at--”
Agad kong pinutol ang sasabihin n'ya.
“Wala naman akong pinagsisisihan sa naging desisyon ko noon, Gina. Saka wala na rin namang magagawa kung iisipin pa natin 'yon. Wala na sa 'kin 'yon,” sabi ko na lang saka muling tumingin sa salamin.
Naramdaman kong nakatingin pa rin sa akin si Gina. Alam kong alam n'ya na hindi bukal sa loob ko ang mga sinabi ko ngunit hindi na lang nagsalita.
Totoo naman ang sinabi ko, wala ng magagawa kung iisipin ko pa 'yon ngayon dahil nangyari na ang lahat. Tatlong taon na rin naman ang nakalipas. Hindi na namin mababago ang nangyari.
Napabuntonghininga ako at kinumutan si Gina nang makitang nakatulog na siya. Lumabas na lang ako ng kwarto at nagtimpla ng gatas. Nagtungo ako sa balcony para tumambay ro'n.
Napatitig ako sa langit at napabuga ng hangin... Sa akin na nga nanggaling, tatlong taon na ang nakalipas pero hindi pa rin siya nawawala sa isip ko... Tama nga ako, tama ngang pagsisisihan ko ang naging desisyon ko. Pero dapat lang naman na maramdaman ko 'to. Kulang pa 'to sa ginawa ko sa kanya noon. Dapat pa kong magdusa at mahirapan. Hindi pa sapat 'to.
Napakagat ako sa ibabang labi ko nang muling nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luha. Napahikbi ako at agad na pinahid ang mga luha ko. Mukhang mahihirapan na naman akong takpan ng make up ang namumugto kong mga mata kinabukasan.
Napabuntonghininga ako at napahawak nang mahigpit sa tasang hawak ko.
Tatlong taon na ang nakalipas pero gabi-gabi ko pa ring iniiyakan sa tuwing naaalala ko siya. Tatlong taon na ang nakalipas pero hindi mawala sa isip ko ang mga posibilidad kung hindi ko siya iniwan. Tatlong taon na ang nakalipas pero hindi man lang nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya... Mahal ko pa rin si boss.
* * *
“Tangina ka, Gina. Bakit hindi mo ako ginising?!” asik ko saka binato ng unan si Gina.
Napabuga ako ng hangin at pinilit na mag-make up nang mabilis. Ngayon sisilipin ng prof ko ang training ko sa hotel, tapos ngayon pa yata ako male-late. Dapat talaga pinilit ko na lang matulog nang maaga kagabi kahit nahihirapan ako.
Dali dali akong nagsuot ng blazer at ID ko saka ng pump heels. Dali dali akong lumabas ng apartment at sumakay ng tricycle. Halos magkandatalisod pa ako pero wala na 'kong pake ro'n. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sana late din ang prof. Utang na labas naman!
“Ma'am Nathalie, pinapatawag ka ni Sir Killian sa office n'ya,” sabi ng isang staff.
Huminga ako nang malalim at dali daling nagtungo sa top floor kung nasaan ang office ni Sir Killian. Tangina talaga, nandoon na ba ang prof?
Natigilan ako pagpasok ko sa office ni Killian. Prente siyang nakaupo sa swivel chair n'ya at nakapatong pa ang paa sa table.
“Nasaan 'yung prof?” natatarantang tanong ko saka inayos ang buhok ko.
“H'wag ka ng magpanic. Hindi raw muna tuloy ngayon. Bukas na lang daw,” sabi ni Killian saka napangisi.
Naiinis na umupo ako sa couch at napasapo sa dibdib ko. Tangina talaga, nasayang lang 'yung pagmamadali at ang kabang naramdaman ko. Ang mema pa naman ng pagkaka-make up ko sa mukha ko.
“Nag-emote ka na naman ba kagabi dahil sa ex mo dati?” natatawang tanong ni Killian.
Tiningnan ko siya nang masama. “Hindi 'no! Saka wala naman akong ex!” pagsisinungaling ko.
“Weh? Dati nga nung nalasing ka paiyak-iyak ka pa, e. Kesyo nagsisisi ka na iniwan mo siya, na mahal na mahal mo pa rin siya. Kadiri ka no'n,” pang-aasar pa n'ya.
“Tanginanto! Imbento ka, kailan nangyari 'yon?!” asik ko.
“Sige, isusumbong kita sa mga prof mo. Sasabihin ko minumura mo ang boss mo,” pananakot n'ya.
Natigilan ako nang marinig ko ang salitang ‘boss’. Tipid na ngumiti na lang ako at napakamot sa batok ko. Tangina. Iba pa rin ang epekto sa akin kahit mga simpleng bagay na nagpapaalala sa akin sa kanya.
“Kapag namimiss, balikan,” pagpaparinig ni Killian.
Naiinis na binato ko sa kanya ang heels ko na nasalo naman n'ya. Napangisi na lang siya saka binato rin 'yon sa akin.
Buti sana kung gano'n lang kadali 'yon. Kapag nagkita ulit kami, siguradong galit n'ya lang ang sasalubong sa akin... Hindi na ako mapapatawad no'n, alam ko.
Nagsimula na lang akong magtrabaho. Kagaya ng palaging nangyayari sa araw-araw ko rito sa hotel, sobrang busy ulit. Malaking hotel din kasi itong pag-aari ng pamilya ni Killian kaya palaging maraming guest. Dagdag pa na malapit ito sa ilang tourist attractions sa probinsyang 'to. Madalas foreigner ang mga guest namin.
“Friends, bakit abalang abala yata ang lahat?” tanong ko nang mapansing aligaga ang ilang staff.
Nag-merienda lang ako saglit tapos ito na ang bubungad sa akin. Ano naman kaya ang meron?
“Ma'am Nathalie, nasabi po ni Sir Killian na may biglaang importanteng guest na papunta na ngayon,” sabi ni Lucy.
Natigilan ako nang makita si Killian na kakalabas lang ng elevator. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya.
“Killian--este Sir Killian!” pagtawag ko sa kanya saka pasimpleng napatingin sa paligid kung may nakapansin. Buti na lang at mukhang busy ang mga tao sa paligid.
“Oh? Bakit?” tanong n'ya saka tumingin sa relo n'ya. Mukhang may lakad siya.
“Sinong guest 'yon? Para naman prepared ako. Mukhang bigtime 'yon, e. Presidente ba ng USA 'yon o something?” kinakabahang tanong ko.
“Hindi, si ano 'yon...” Napakamot siya sa kilay n'ya. “What's his name again?” bulong n'ya.
Tangina, ito na naman kami. Napakahina n'ya talaga makaalala ng pangalan. Pati yata pangalan ng nanay n'ya nakakalimutan n'ya, e.
“Maybe his name is Ashton Alaxan or something. Hindi ko na maalala. Sige na, kaya n'yo na 'yan. Patulong ka na lang kay Dustin. Kailangan ko ng umalis at kikitain ko pa ang gustong ipakasal sa 'kin ni Mama,” tila naiinis na sabi n'ya saka agad na umalis.
Malamang ayaw n'ya naman talaga pumunta kaso wala naman siyang nagagawa sa Mama n'ya kasi sakitin na raw.
Napabuga na lang ako ng hangin at inayos ang damit ko. Mapapalaban na naman yata ako ngayong araw. Kung bigtime nga ang guest namin na 'to, malamang matapobre na naman 'to o kaya may toyo. Masusubok na naman ang pasensya ko ngayong araw.
“Nathalie, nasa lobby na ang guest,” sabi ni Dustin saka lumapit sa akin, manager din siya ng hotel.
Napabuga ako ng hangin saka tumango. Sabay na kaming nagtungo sa lobby para salubungin ang guest.
“Iyon na ba ang guest?” tanong ko saka ininguso ang nakaupo sa may couch. Likod lang nito ang nakikita namin. “Ano nga'ng pangalan ng guest?” bulong ko nang papalapit na kami sa kinaroroonan ng guest.
“Ah, si Mr. Ashteroh Alexeev na may ari ng Alexeev Jewellery,” sagot ni Dustin.
Agad akong napatigil sa paglalakad. Bumigat ang paghinga ko sa sinabi n'ya. “A-Ano'ng sabi mo? Ashteroh Alexeev ang pangalan n'ya?” nauutal na tanong ko.
“Sir Dustin, need ka po ng isang guest sa kabilang lobby,” sabi ng isang staff.
“Alis muna ko, Nathalie. Ikaw na muna ang bahala. Sasamahan kita agad mamaya.”
Hindi na ako hinintay makasagot ni Dustin at agad na umalis kasama ang staff.
“S-Sandali...” usal ko.
Napatingin sa 'kin ang staff na ngayon ay kausap ng lalaking guest. Tila sinenyasan ako nito na lumapit na.
Ang bilis ng paghinga ko. Malamig naman dito pero nararamdaman ko ang pamumuo ng pawis sa noo ko... Hindi ako pwedeng magkamali... Ashteroh Alexeev ang sinabi ni Dustin kanina.
Kahit nanginginig ang mga tuhod ko, pinilit ko pa rin na maglakad upang harapin ang guest. Pinilit kong pakalmahin ang nagwawala kong puso at nanginginig kong katawan.
Mas lalo akong nanghina nang harapin ko na ang guest. Pakiramdam ko bibigay ang katawan ko nang makita siya nang tuluyan.
“Mr. Alexeev, she's one the managers in charge, Ms. Nathalie Mariano,” pagpapakilala sa akin ng isang staff.
Mas lalong umakyat ang kakaibang emosyon sa dibdib ko nang mapatingin siya sa akin. Wala akong makitang reaksyon mula sa kanya na para bang hindi siya nagulat na makita akong muli. Malamig na nakatitig lang siya sa akin.
Tumayo siya saka hinubad ang blazer n'ya saka hinagis 'yon sa akin. Natatarantang sinalo ko iyon. Halata namang natigilan ang mga staff sa ginawa n'ya.
“My business partner will also come. Prepare a separate room for her,” malamig na sabi ni Ashteroh habang nakatitig sa akin.
Napalunok ako. “Y-Yes, Sir.”
“Ma'am Nathalie...”
Natigilan ako sa biglang sinabi n'ya. Mas lalong bumigat ang paghinga ko. Ayokong tumingin sa mga mata n'ya ngayon pero hindi ko maalis ang tingin ko sa mga 'yon... sa malamig n'yang tingin na tila tumatagos sa pagkatao ko.
“S-Sir?” nauutal na tanong ko.
“I can't wait to be under your care... Please take good care of me, Ma'am Nathalie.”