Caught and Conquered Chapter 22

“Nathalie, what happened to your eyes?”

Napaiwas na lang ako ng tingin kay Thalia saka muling ibinaling ang tingin ko sa salamin.

“G-Ganito talaga ang mata ko kapag bagong gising.” Tumawa ako nang pilit. “Mawawala rin 'to mamaya, tabunan ko lang ng make up,” sabi ko na lang saka muling tumuloy sa paglalagay ng make up.

Lumapit sa 'kin si Thalia at pinanood ako sa ginagawa. Umagang umaga at bagong gising lang siya pero ang ganda n'ya kaagad. Siguro gano'n talaga kapag maganda ang tulog.

Mapait na napangiti na lang ako at tumayo saka nagsuot ng blazer. Buti na lang may extra damit pantrabaho ako sa locker ko rito sa hotel. Pina-laundy ko na agad 'yung suot ko kahapon.

“Are you really okay, Naths? Kahapon ko pa napansin na parang wala ka sa mood... Sorry, masyado ba akong mapilit sa 'yo?” hinging paumanhin ni Thalia.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti saka umiling. “Hindi, Thalia. Ano ka ba? Gusto ko rin naman na makapag-bonding tayo. Saka okay rin na hindi hassle ang pagpasok ko sa trabaho ngayon. H'wag mo 'kong isipin,” sabi ko na lang.

Napanguso si Thalia saka tumango. “Sure ka? Pwede kang magsabi sa 'kin kung may problema ka,” tila nag-aalang sabi n'ya.

Ngumiti na lang ako at tumango.

Napabuntonghininga na lang ako nang makalabas sa hotel room n'ya. Paano ko naman magagawang sabihin sa kanya ang problema ko kung kasama siya ro'n? Wala akong lakas ng loob sabihin sa kanya ang problema ko... Kahit pa nililigawan na siya ni Ashteroh, kaibigan na siya sa akin.

“Look at you, Naths. Mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa. Ayusin mo ngang maigi 'yang mukha mo at baka matakot pa ang guests sa 'yo,” tila nanunuksong sabi ni Killian nang nasa elevator kami pareho.

“Manahimik ka kung ayaw mong magtrabaho nang may pasa sa mukha, Sir Killian,” sabi ko na lang saka pinatunog ang mga buto ko sa kamay.

Natawa na lang si Killian at umakbay sa akin. “Ano ba'ng problema at ganyan ang mukha mo? Mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa? Baka naman matakot sa 'yo ang mga guests natin,” tila nang-iinis pa na sabi n'ya.

“Wala akong problema! H'wag ka ngang magulo at may iniisip ako rito,” sabi ko na lang saka inismiran siya.

Natawa na lang siya at inakbayan ako. “Sabihin mo ang problema kung ayaw mong sisantehin kita, miss manager,” pananakot n'ya sa 'kin.

“Sasapakin na talaga kita, Sir Killian,” sabi ko na lang.

Ni-headlock ako ni Killian. Naiinis na hinampas ko ang braso n'ya saka pilit na kumawala sa kanya. Siniko ko na lang nang buong lakas ang tagiliran n'ya kaya napakawalan n'ya ako. Agad ko rin siyang ni-headlock bilang ganti. Sinabunutan ko pa siya nang todo. Napadakng na lang siya at hinampas hampas ang braso ko ng kamay n'ya.

Ayoko sanang makita kami ng mga empleyado na ganito. Ayokong matsismis kapag nalaman nilang close kami ni Killian pero iniinis kasi talaga ako ng gagong 'to. Kasiyahan n'ya yata ang asarin ako minsan.

Agad namang nakawala mula sa pagkakasakal ko si Killian. Agad n'yang hinuli ang dalawang kamay ko at hinawakan lang gamit ang isa n'yang kamay. Napaigik na lang ako at sinubukang kagatin siya.

Natigilan lang kaming pareho nang bumukas ang elevator. Napakurap na lang ako nang makitang si Ashteroh at ang malamig n'yang ang bumungad sa amin. Agad kong itinulak si Killian nang mapagtanto ko ang sitwasyon namin. Napatikhim na lang ako at pasimpleng inayos ang damit at buhok ko.

Tumingin sa 'kin si Ashteroh. “Come with me,” malamig na sabi n'ya saka agad din kaming tinalikuran.

Akmang susunod na ako sa kanya pero agad na nakahawak si Killian sa laylayan ng blazer ko na tila ba ayaw akong paalisin. Tinampal ko na lang ang kamay n'ya saka agad na sumunod kay Ashteroh.

Tahimik na naglalakad lang ako sa likuran n'ya habang papalabas kami ng hotel. Napabuntong hininga na lang ako dahil mukhang maganda rin ang tulog n'ya gaya ni Thalia.

Hindi ko na maalala kung gaano sila katagal nag-usap. Ramdam na ramdam kong naaaliw siya habang nakikinig sa lahat ng sabihin ni Thalia kagabi. Tila ba wala na siyang pakialam sa lahat at si Thalia lang ang nakikita n'ya... Hindi ko na rin alam kung gaano katagal akong umiyak. Pakiramdam ko nga ay nakatulog na ako habang naluha.

Sobrang sakit pala talaga kapag may iba ng nagpapasaya sa taong mahal mo.

“Payungan mo 'ko, ayokong mainitan,” biglang utos n'ya saka hinagis sa akin ang payong na hawak n'ya nang makalabas na kami ng hotel.

Napakurap na lang ako at agad na binuksan ang payong saka pinayungan siya. Medyo nahirapan pa 'ko dahil matangkad siya. Napangiwi na lang ako dahil nangangawit na kaagad ako.

“Ano ba 'yan? Parang kapre,” bulong ko saka napaismid habang hirap na hirap na pinapayungan siya.

Agad siyang natigilan at napatingin sa akin. “May sinasabi ka ba?” nakakunot-noong tanong n'ya.

“Wala, boss,” sabi ko na lang saka napaiwas ng tingin.

Natigilan siya sa sinabi ko, maski ako rin nang mapagtanto ko ang sinabi ko. Napatikhim na lang ako. Hindi na lang din siya kumibo at tumuloy na sa paglalakad. Sumunod na lang ako sa kanya at pilit siyang pinayungan.

Napasinghap ako nang mapaapak ako sa maliit na bato dahilan para mawalan ako ng balanse. Agad namang naghuramentado ang puso ko nang agad na nahawakan ni Ashteroh ang kamay kong nakahawak sa payong. Napatingin ako sa mga mata n'yang nakatingin sa akin.

Ang init ng kamay n'ya.

“Tanga ka ba?” tila nanenermong tanong n'ya.

Napakurap na lang ako at agad na napaiwas ng tingin sa kanya. Napakagat ako sa ibabang labi ko upang pigilin na mapangiti... Hindi ko inaakalang mamimiss ko ang pagtawag n'ya sa 'kin ng gano'n. Nahihibang na yata talaga ako.

“Sorry, Sir,” nasabi ko na lang.

Agad n'ya ring binitiwan ang kamay ko at muling naglakad. Agad naman akong sumunod sa kanya at pilit siyang pinayungan.

Amoy na amoy ko siya lalo ngayon na magkatabi kami. Tila may kuryente rin na dumadaloy sa katawan ko sa tuwing magdidikit ang braso naming dalawa... Akala ko kapag lumipas na ang panahon, mawawala na ang mga ganitong pakiramdam na nararamdaman ko sa kanya pero mali ako... Gano'n pa rin ang epekto n'ya sa 'kin. Mahal na mahal ko pa rin siya.

Siya kaya? Wala na ba talaga siyang nararamdaman kahit kaunti? Galit na lang ba ang talaga ang nararamdaman n'ya para sa 'kin?

Napatigil kami nang nasa tapat na kami ng isang coffee shop. Kinuha ni Ashteroh ang payong mula sa 'kin at sinara na 'yon. Natigilan na lang ako nang abutan n'ya ako ng isang libo.

“Buy a cappuccino for Thalia and give it to her,” sabi n'ya. “Pupunta siya sa resort na gaganapan ng event mamaya. You have to accompany her. Bantayan mo siya at h'wag mong alisin ang tingin sa kanya dahil palagi siyang napapaaway. Kapag may nangyaring masama kay Thalia o ano man... ikaw ang malalagot sa akin,” malamig na sabi n'ya saka agad na ring pumasok sa coffee shop. Marahil ay may kikitain siya ro'n.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napabuga ng hangin. Ano pa ba ang inaasahan ko? Si Thalia na ng mahal n'ya ngayon kaya hindi na dapat ako umasa. Hindi na dapat ako mag-isip ng kung ano-ano.

Pumasok na lang ako sa coffee shop para um-order ng kape para kay Thalia. Nakita ko si Ashteroh sa isang table kausap ang isang lalaki na sa pagkakatanda ko ay miyembro ng feroci.

Napailing na lang ako at agad na umalis pagkabili ko ng kape. Ang bigat ng mga hakbang ko pabalik sa hotel. Sobrang naapektuhan ako sa sinabi ni Ashteroh... mukhang wala na talaga siyang nararamdamang pagmamahal sa akin.

“Thank you, Naths! Hindi ka na dapat nag-abala,” sabi ni Thalia nang ibigay ko sa kanya ang kape.

“Sabi ni Sir Ashteroh sasamahan kita sa resort na pupuntahan mo,” sabi ko na lang saka hinubad ang blazer ko.

“Hindi mo naman ako kailangang samahan. Diba may trabaho ka pa?” tila nag-aalalang tanong n'ya.

Tipid na ngumiti na lang ako. “Okay lang. Amo ko si Sir Ashteroh kaya dapat kong sundin ang utos n'ya,” sabi ko na lang.

Pumayag na lang si Thalia na samahan ko siya. Agad din kaming bumyahe papunta sa resort. Mabilis lang naman kaming nakarating doon dahil malapit-lapit lang 'yon.

“Nathalie, wala ka na bang balak magpakulay ulit ng buhok?” tanong ni Thalia habang nakayakap sa braso ko.

Nandito na kami sa resort. Malaki ang resort na 'to at maganda ang lugar dahil maraming halaman at puno. May hotel din pero hindi kasing laki ng hotel ni Killian.

“Wala pa 'kong balak, e,” sabi ko na lang.

Kasiyahan ko noon ang pagpapakulay ng buhok. Pero simula ng umalis ako sa buhay ni Ashteroh, nawalan na ako ng gana kulayan ang buhok ko... Hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko may kulang pa rin sa akin kahit na kulayan ko ang buhok ko.

Agad na naming nilibot ni Thalia ang lugar. May chine-check pa siya sa folder n'ya sa bawat puntahan namin. Matagal din kaming naglibot dahil malaki ang resort. Nakipag-usap pa si Thalia sa staff at sa owner ng resort. Marami silang pinag-usapan na hindi ko maintindihan kaya nanahimik na lang ako.

Nagpaalam lang ako kay Thalia at lumayo nang tawagan ako ni Killian. Agad ko namang sinagot ang tawag nito.

“Kumusta, Nathalie Mariano? Buhay ka pa ba?” tanong nito sa kabilang linya.

Napamura na lang ako. Hindi ko maintindihan sa lalaking 'to kung concerned ba talaga o gusto lang mang-inis, e.

“Buhay pa 'ko, tanga. Bakit ka ba tumawag?” naiinis na tanong ko.

“Ano nga pala... H'wag ka ng mag-alala sa mga prof mo, ako ang bahalang kumausap sa kanila. Aasikasuhin muna natin ang problema mo sa Ashteroh na 'yon bago ang lahat. Gagawan ko talaga ng paraan 'yon. Ang lakas naman kasi ng sapak ng Mr. Alexeev na 'yon.”

Natawa na lang ako sa sinabi n'ya. “Kung ikaw ang nasa posisyon n'ya, malamang magagalit ka rin sa akin,” sabi ko na lang.

“Hmm, may punto ka diyan... Pero teka, pinapahirapan ka ba ni Mr. Alexeev? Kaunting hintay ka lang, ah. Gagawan ko talaga ng paraan ang problema mo sa gagong 'yon,” sabi na lang n'ya.

Napabuntonghininga ako. “Diba sabi ko naman sa'yo na ayaw kong madamay ka sa gulo namin ni Ashteroh?”

“Ah basta, h'wag kang magulo diyan. Tutulungan pa rin kita sa abot ng makakaya ko. Sige na, bye na. H'wag kang magpakapagod, baka mamatay ka kaagad.” Pagkasabi n'ya no'n, agad n'ya na ring binaba ang tawag.

Napailing na lang ako. Minsan talaga trip na trip ako ng lalaking 'to, e.

Natigilan ako nang mapansing nagkakagulo ang mga tao sa pool area. Agad naman akong nagtungo ro'n para maki-usyoso... Pero gano'n na lang ang gulat ko nang makitang nakikipagsagutan si Thalia sa isang lalaki.

“You fucking gripped my butt! I felt it, asshole! H'wag mo na ikaila!” singhal ni Thalia sa lalaki.

“H'wag kang OA, miss! Feeling mo lang 'yon! Saka tingnan mo naman 'yang suot mo! Parang gusto mo naman talaga magpahipo!” ganti naman ng lalaki.

Aba, putanginang 'to, ah!

Akmang susugod ako pero agad na sinuntok ni Thalia ang lalaki sa mukha. Namula naman ang mukha ng lalaki sa inis at itinulak si Thalia sa pool.

Napasinghap ako at agad na sumiksik sa mga tao na nanonood lang. Mukhang takot sila sa lalaking kaaway ni Thalia. Lalo akong kinabahan nang mapansing nahihirapan si Thalia na lumangoy... mukhang hindi pa yata siya marunong lumangoy.

“Tangina n'yo! Umalis kayo!” Tinulak ko na nang tuluyan ang mga nakaharang sa akin.

Dali dali at walang pag-aalinlangan akong tumalon sa pool para tulungan si Thalia. Agad siyang napakapit sa balikat ko saka yumakap sa batok ko.

“Oh my God! A-Akala ko malulunod na 'ko nang tuluyan,” nanginginig na sabi ni Thalia.

“Okay lang, hindi malalim 'to. Kumalma ka,” bulong ko saka marahang tinapik ang likod n'ya.

Mukhang takot o trauma siya sa ganito. Nararamdaman kong nanginginig ang buong katawan n'ya at talagang takot na takot siya malunod.

Agad kaming dinaluhan ng mga staff at binigyan ng towel. Agad namang hinuli ng guards ang lalaking nakaaway ni Thalia at dinala sa presinto. Marami rin kasi ang nagreklamo na hinipuan sila ng gagong 'yon.

Tahimik pa rin si Thalia hanggang sa makarating kami sa hotel. Nakapagpalit na siya ng damit pero nanginginig pa rin siya. Mukhang natakot talaga siya sa nangyari. Ngayon ko lang siya nakitang natakot ng gano'n. Palagi naman kasi siyang matapang.

“Thalia!”

Natigilan kami ni Thalia nang agad na dumating si Ashteroh at lumapit sa kanya. Umupo siya sa kama at agad na hinawakan ang pisngi nito.

Napaiwas na lang ako ng tingin at bahagyang lumayo sa kanila.

“Are you alright? Damn, you're shaking,” tila nag-aalalang sabi ni Ashteroh saka mas lalong binalot ng kumot si Thalia.

“I-I'm fine, Ash. Kailangan ko lang siguro magpahinga,” mahinang saad ni Thalia saka tipid na ngumiti.

Tumango na lang si Ashteroh saka dinampian ng halik ang noo ni Thalia... Mas lalong kumirot ang dibdib ko sa nakita.

Tumingin sa akin si Ashteroh. Halos nagtayuan ang mga balahibo ko dahil sa malamig na tingin n'ya sa akin. Sinenyasan naman n'ya ako na lumabas.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at sinunod siya. Mabibigat ang hakbang na lumabas ako ng silid ni Thalia. Naramdaman ko naman na agad na sumunod sa akin si Ashteroh.

Galit siya sa akin. Malamang nagalit siya dahil sa nangyari kay Thalia... Tila may kumirot na naman sa dibdib ko.

“I told you to keep an eye on her. Kaya nga kita pinasama sa kanya para maiwasan ang ganitong pangyayari,” mariing sabi n'ya habang nakatingin nang masama sa akin.

“M-May ginawa lang ako saglit. Hindi ko naman alam na mangyayari 'yon,” bulong ko na lang saka napatungo.

Ayokong makita n'ya ang mga mata ko... ayokong makita n'ya na naluluha ako.

“Ito na lang ang pinapagawa ko sa 'yo, Nathalie. Ito na lang ang pinapagawa ko sa 'yo sa kabila ng katarantaduhang ginawa mo sa 'kin noon, hindi mo pa magawa nang ayos.” Hinawakan n'ya ang braso ko at hinila ako palapit sa kanya. “Are you doing this on purpose? Huh? Do you really want to fuck me up?” Ramdam na ramdam ko ang galit sa boses nito.

Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatungo habang pilit na nilalabanan ang mga luha ko.

Agad din akong binitiwan ni Ashteroh saka bumalik sa silid ni Thalia. Nanginginig ang mga labi ko habang pilit na pinipigilan ang mapahagulgol ng iyak.

Sinilip ko silang dalawa sa silid. Ngumiti si Ashteroh kay Thalia saka marahang hinaplos ang buhok nito. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko nang tuluyang umalpas ang mga luha mula sa mga mata ko.

“Nilalamig ka? Come here, I'll hug you,” malambing na sabi ni Ashteroh saka hinila si Thalia at ikinulong ito sa mga bisig n'ya. Yumakap din sa kanya si Thalia.

Tuluyang kumawala ang hikbi mula sa labi ko. Nanginginig ang mga kamay na napayakap ako sa sarili ko at napagtantong basa pa rin ang damit ko dahil sa pagtalon ko sa pool kanina para iligtas si Thalia... Ni hindi ko man lang napansin.

Napaluha na lang ako nang ngayon ko lang mapagtanto na nilalamig pala ako... Ang bigat sa dibdib... Sobrang sakit.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.