“SASALI ako d’yan!” patiling sigaw ni Yngrid.
Katatapos lang eere ang radio commercial ng Search for Dream Radio’s Female and Male Number One Fan. Sabik na sabik na siyang mag-apply para sa naturang promo contest kaya ngayon pa lang ay naghagilap na siya ng pwedeng suotin papunta sa istasyon ng radyo bukas na umaga. Hindi lang kasi ang paborito niyang DJ ang makaka-date niya kundi may mapapanalunan din siyang malaking halaga. Makakatulong iyon para mailabas na nila sa kulungan ang kanyang Tatay Baldo.
“Ano bang sinisigaw-sigaw mo, Yngrid? Nakakabulabog ka ng kapitbahay. Alas-diyes na ng gabi!” sermon sa kanya ng Mama Tere niya. Gulu-gulo na ang buhok nito at papungas-pungas pa.
“Sorry, ‘Ma. Na-excite lang kasi ako para sa promo contest ng Dream Love. Chance ko na ‘to para makita at maka-date pa si DJ Kyle!” kinikilig na sabi niya sa kanyang ina.
Simula nang umere ang boses ni DJ Kyle sa Dream Radio ay hindi niya talaga pinapalampas ang pagkakataong marinig ang swabe nitong boses. Sabi nga ng marami, boses pa lang nito’y ulam na. Tuwing umeere na ang programa nito’y tila siya nasa dream land at nangangarap sa kanyang prinsipe. At siyempre pa’y si DJ Kyle iyon.
Maliban sa boses nito’y humanga rin siya dahil sa mga payo na binibigay nito sa bawat taga-pakinig na tumatawag o sumusulat sa programa nito. Hindi ito mayabang o nakakatakot magpayo o kaya naman ay nakakainis. Sa katunayan ay marami itong tagahanga sa buong Pilipinas.
Ang isang malaking problema nga lang ay ayaw nitong magpakita o magpakilala sa tao. Palagi nitong sinasabi na tama na ang boses niya para makilala ng sambayanan. May pagkakataon din na sumali na siya sa ilang pa-contest ng naturang istasyon pero hindi man lang niya nakikita ni anino ni DJ Kyle. Sinubukan na rin nilang hanapin sa Google ang tunay nitong pagkatao pero walang lumalabas. Sadyang “DJ Kyle” lang talaga ito para sa lahat. Sadyang inililihim ng istasyon at ni DJ Kyle na mismo ang tunay nitong pagkatao. Isa na rin siguro iyon sa ‘factor’ kung bakit marami ang nag-aabang lagi sa programa nito. Dahil sa misteryosong katauhan na pilit nitong itinatago.
Ang tangi lang nakakakilala rito ay iyong mga kapamilya nito at malalapit na kaibigan. Ilang beses na rin itong nanalo bilang People’s Choice for Best Male Disc Jock sa ilang kinikilalang institusyon na nagbibigay parangal ngunit hindi ito dumarating sa awards night. Ang may-ari ng Dream Radio na si Ruther Edward Fonacier o mas kilalang Sir Red ang tumatanggap ng parangal ni DJ Kyle.
Kung siya ang mananalo sa promo contest na iyo’y siya ang kauna-unahang makakakilala kay DJ Kyle. Alam niyang marami ang pipila para sumali sa contest pero may tiwala siya sa kanyang sarili. Malaki ang tsansa niyang manalo sa contest. Ngayong gipit ang kanyang pamilya ay gagawin niya ang lahat para manalo sa promo contest na iyon.
Simple lang naman ang promo mechanics. Dapat ay isang Filipino ang contestant, nakabase sa Pilipinas at labing-walong taong gulang pataas. Check. I’m Yngrid Hidalgo, twenty-four years old, Philippines! May sapat na kaalaman sa history at current status ng Dream Radio. May alam naman ako. Iyong iba’y pwede namang i-Google. Kung pasado sa lahat ng iyon ay kailangang mag-sumite ng isang simpleng autobiography at kung bakit siya ang dapat mapili bilang Dream Radio’s Female Number One Fan.
Kaya nga gagawa na ako ngayon! Para sa aking mi amore.
“Hay naku, Yngrid! Imbes na kung anu-anong kontes ‘yang sasalihan mo, humanap ka na lang ng trabaho.”
“’Ma, galing ako sa call center agency kanina. Gusto kong mag-apply do’n. Malaki daw ang kinikita ng mga call center agents ngayon. Gusto kong subukan. Isa pa, marunong naman akong mag-Ingles. Mabuti na lang at nakapagtapos ako ng college.”
“Mabuti na lang talaga. Magpasalamat ka sa Tatay Baldo mo. Kung nandito lang sana siya ngayon…”
Napangiwi siya. Nagsisimula na naman kasing mag-emote ang nanay niya. Basta tuwing ang Tatay Baldo niya ang pag-uusapan ay ganoon ito. Kahit naman siya noong una ay naiyak din. Pero nangyari na ang nangyari.
Niyakap niya ang nanay niya. “’Ma, tama na. Nangyari na ‘yon eh. Nagsisisi na naman si Tatay eh.”
“Bakit ba kasi uminom-inom pa ang Tatay mo! Hayan tuloy ang nangyari sa kanya. Nakakulong!” mataas ang boses na sabi nito. Pagkatapos ay suminghot saka yumuko. “Kung makakausap lang natin ang mga Alonzo, makikiusap talaga ako.”
“’Ma, kasalanan ni Tatay ang nangyari. Aminado siya roon. May katwiran naman ang mga Alonzo na magalit eh.”
“Pero magaling na si Mr. Alonzo ngayon. Kung may pampiyansa lang sana tayo.”
“Nay, kaya nga ako naghahanap ng magandang trabaho ngayon para makaipon ng pampiyansa kay Tatay, ‘diba? Sabi nga nila, ‘don’t lose hope.’ Kaya smile na, okay?”
“Mabuti na lang at nandiyan ka, anak.”
“Nay, hindi ako mawawala sa inyo. Pero, gusto ko munang sumali sa contest na ‘yon para maka-date ko si DJ Kyle. At saka, meron din namang mapapanalunang pera eh. Tulong na rin iyon para sa’tin.”
Kailangan talaga nila ng malaking tulong ngayon. Maliban sa problema nilang nakakulong ang Tatay Baldo niya’y baka maubos na ang ipon niyang pera para pambili ng gamot ng nanay niya at nang bunso niyang kapatid na si Xavier.
Natanggal kasi siya ng trabaho sa dating café na pinagta-trabahuhan niya dahil sa isang walang kwentong matandang hukluban. Niyaya ba naman siyang mag-date ng matandang iyon. Pagkatapos ay noong tumanggi siya’y pinagbantaan siyang ipapapatanggal sa trabaho. At nagawa nga nito. Nakakaasar pero kung ang kondisyon ng Bellisima ay kay Mr. Yuzon siya makiusap ay hindi na lang.
Pinapahalagahan niya ang kanyang dignidad at prinsipyo kaya nuncang makikiusap siya sa matandang iyon. Maghahanap na lang siya ng ibang trabaho.
Malaki ang impluwensiya sa kanya ng Tatay Baldo niya kahit na amain niya lang ito. Namatay kasi ang Papa Rex niya noong sampung taong gulang pa lang siya. Tinuruan siya nitong maging disiplinado. Lumaki siyang may prinsipyo dahil iyon ang turo nito. Nagpapasalamat din siya ng lubos dito dahil ito ang naghirap magtrabaho para makapagtapos siya ng kolehiyo sa isang kilalang unibersidad. Iyon nga lang ay nakakulong naman ito ngayon dahil nabangga nito ang sasakyang sinasakyan ni Alberto Alonzo na may-ari ng isa sa pinaka-malaking telecommunications company sa bansa.
Agad na ipinakulong ng mga Alonzo ang tatay-tatayan niya. Wala naman silang laban dahil inamin na mismo ng Tatay Baldo niya ang kasalanan nito. Nagulat siya nang malamang lasing ito ng gabing nangyari ang aksidente dahil hindi naman ito umiinom. Kaya nga siguro malakas ang epekto ng alak dito dahil hindi ito sanay uminom. Ang sabi nito’y inudyok daw ito ng mga kasamahan nito sa trabaho. Ang matinding pagkakamali nito’y ang mag-drive ng lasing. Isa itong bus driver-cum-vallet sa isang motel. Gagarahe na raw sana ito sa terminal ng bus nang mangyari ang aksidente.
“Sige, anak. Susuportahan kita.” anang Mama niya.
Yes! DJ Kyle, wait for me because I’m going to be your date.
“KYLE, nakikinig ka ba sa’kin?” untag kay Kyle ni Red. They were currently at the station’s conference room to have a briefing on how will they choose Dream Radio’s Female and Male Number One Fan.
Alam niya kung gaano kalaki ang populasyon ng mga taong nakikinig sa kanila pero hindi niya inaasahan na ganoon karami ang sasali sa pakulo ni Red. Pagpasok niya kanina’y nagulat pa siya dahil punong-puno ng tao ang kanilang lobby. Nasa third floor ang screening section pero abot na hanggang sa lobby ang pila. Iyon ang unang araw para sa promo contest ng kanilang istasyon at screening pa lang ang ginagawa ng kanilang staff. Ang mga tapos na sa screening ay papasok sa isang kwartong si Red lang ang laman at tatanungin ito ni Red nang lahat ng alam ng publiko tungkol sa Dream Radio at maging sa kanilang mga DJs. Mamayang tanghali siguro’y magbabasa na sila ng simpleng autobiography ng mga ito.
“Yeah.” simpleng sagot niya kay Red.
“You’re spacing out again.”
“No. Please continue. Don’t mind me.” aniya.
“You sure are to be mind.” sabi ni Trey.
“In-interview ko ang mga babaeng contestant kanina.” ani Young.
“And guess what kung sino ang gusto nilang maka-date?” ani Trey.
“Ten percent of the female contestants want Trey.” ani Vince.
“Ten percent of them chose Young.” sabi naman ni Jiggo sabay tawa.
“Ten percent wants Vince.” ani Trey.
“Ten percent for Jiggo.” ani Young.
“May humabol pa. Ten percent wanted to date me.” tila nasisiyahang sabi ni Red.
“And of course, the fifty percent wants to date you!” sabay-sabay na sabi ng limang lalaki. Napailing lang siya sa mga ito. Napatawa naman ang mga babaeng DJs na kasama nila.
“Balik na tayo sa usapan.” aniya.
“Kami ang magse-set kung saan magde-date ang isang DJ at ang winner. Susunduin ng isang limousine ang winner sa bahay ng mga ito samantalang ang date naman ay maghihintay sa venue na inihanda namin para sa kanila.” Pagkatapos ay bumaling ito sa kanya. “Kyle, malamang sa malamang ay ikaw ang mapili kaya ihanda mo na ang sarili mo. Don’t----------“
“How can you be so sure na ako ang mapi------------“
“Because fifty percent of the female contestant’s population wants you!” sabay na namang saad ng limang lalaki.
“As I was saying, Kyle, don’t worry. Naroon naman ang ilang assistant natin para samahan kayo. Iyon nga lang, hindi sila lalabas hanggang sa makauwi na ang date mo. Kailangan kasi nating i-cover ang dates na mangyayari para sa kaalaman ng publiko. All you have to do is wait for your dates to come.” paliwanag ni Red.
“Girls group and guys group, pareho kayong pipili ng limang letter na sa tingin niyo’y dapat maging Dream Radio’s Female or Male Number One Fan. Pagkatapos ay kailangan nating magkasundo kung sino sa mga iyon ang magiging winner. Note: walang aatras na DJ kung siya man ang mapipili ng winner.” sabi ni Red na ipinapatungkol sa kanya.
“Hindi ako tatanggi.” kaswal na sabi niya. Nagbigay siya ng kanyang salita kaya hindi siya tatanggi. Isa pa’y ginawa na ni Red ang ipinangako nito sa kanyang palalayuin sa kanya si Jodi.
Mabuti na lang at wala na talaga siyang nararamdaman para sa babaeng iyon. Kung hindi ay baka masaktan na naman siya dahil pinagti-trip-an na naman daw siya ng mga ito. Nalaman kasi ni Red na pinagpustahan lang siya nina Jodi at nang mga kaibigan nito. Tinitingnan ng mga ito kung, kung babalikan siya ni Jodi ay papayag siya. At kung papayag siya’y mananalo si Jodi sa pustahang iyon.
Pathetic! I wouldn’t fall for that kind of stuff. Stupid!