“I’M SO glad you’re back, Dad.” nakangiti at magaan ang loob na pahayag ni Kyle sa kanyang ama ng sa wakas ay magising na ito mula sa tatlong linggong pagkaka-comatose. Niyakap niya ito ng mahigpit dahil missed na missed niya ito. Kahit na palagi niya itong nakikita, iba pa rin iyong nakakausap niya ito.
Maliban sa kanya’y si Henry at isang nurse lang ang naroon sa loob ng hospital room na iyon. Tinawagan na niya ang dalawang kapatid niyang sina Nicko at Cage pati na rin ang pamilya ng Tita Trina nila at parating na raw ang mga ito. They were all so happy to have their father back alive again.
“Kumusta ang kaso ng driver na nakabangga sa’min? Kumusta si Viktor?” biglang tanong ng Daddy niya. Nagkatinginan sila ni Henry, hindi alam kung anong sasabihin dito.
“Sir, si Viktor…”
Damn! Lumaki siya na si Viktor na ang kanilang family driver. Malapit na malapit sa kanya si Viktor dahil isa ito sa tumayong pangalawang ama sa kanilang magkakapatid. Maliban kay Henry ay ito ang nagbabantay sa kanilang magkakapatid tuwing abala sa kanilang kompanya ang kanilang ama.
“Viktor died on arrival in this hospital, Dad. He didn’t make it. Iyong bus driver na nakabangga sa inyo, nakakulong na. And we’ll make sure he’ll rot in jail!” mariing sabi niya.
Oh, he will. I’ll promise I’ll make Baldonado Gener suffer.
Umiling-iling ito. “Henry, please make sure na magiging okay ang pamilya nang driver na ‘yon.” anito.
“Dad?”
“Everybody doesn’t want to experience living in hell, Kyle. And I know you don’t want to. Marahil ay may iniisip lang ang driver na ‘yon kaya hindi siya gaanong naka-focus sa pagda-drive.”
“Dad, he’s drunk. He shouldn’t have driven that bus. Napaka-iresponsable niya.” giit pa rin niya.
“Baka may matinding problema lang sa kanila kaya nakainom siya. Everybody makes mistakes, Kyle. That driver’s family doesn’t deserve to suffer with him. Wala silang kasalanan. So, you might as well help Henry find his family and help them any way you can.” utos nito.
Magsasalita pa sana siya ng biglang bumukas ang pinto at lumabas doon ang Tita Trina niya kasunod ang pinsan niyang si Lucille at ang Tito George niya. Makalipas ang ilang minuto ay dumating naman ang kapatid niyang si Cage at nahuli si Nicko dahil nagkaroon daw ito ng emergency.
“I’m so glad you’re back, Dad.” halos maiyak na sabi ng Kuya Nicko niya.
“It’s because I have an important mission to do.” makahulugang sabi naman ng daddy nila.
“Ano po ‘yon?” sabay na tanong nilang tatlong magkakapatid. Ngunit makahulugan rin lang na ngumiti ang kanilang ama saka nito tinawag ang kanang-kamay nitong si Henry.
Binulungan nito si Henry at tumangu-tango naman ang huli. Napakunot lang ang noo nilang tatlong magkakapatid. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas ng silid si Henry na hindi nila nalaman kung bakit.
“Ano’ng pinag-tsismisan n’yo ni Henry, Dad?” pabirong tanong ng panganay nilang si Cage sa kanilang ama.
“Oh, I’m sure you’ll love to hear about it Cage. Tungkol sa babae, actually.” nakangiting sagot ng kanilang ama.
“Dad, ha, kagagaling n’yo lang sa coma, babae agad.” aniya.
“I’m actually asking Henry to look for suitable women to be your wives.”
“What?!” bulalas nilang tatlo. Nagtawanan lang ang pamilya nina Lucille na nakikinig sa usapan nilang mag-aama roon.
“Nagbibiro lang ako mga anak. Pero kailan ba kayo magpapakilala sa’kin ng girlfriends n’yo? Wala pa akong nakikilala ah. Ikaw Kyle, it’s been a long time since Jodi and you had broken up. Baka gusto mo na siyang palitan ngayon. Cage, stop playing. Mag-seryoso ka na. And, Nicko, please be more soft with girls. They’re not as hard as you.”
“Oh, no. That’s your mission. Ruining our lives.” biro na naman ni Cage.
“Hindi ako nagbibiro, Cage.” seryosong saad ng kanilang ama.
“That is not going to happen, Dad.” sabay-sabay nilang wika. Ngunit ngumiti lang ang kanilang ama.
Na-uh. I will never ever fall in love ever again!
------
“YOU’VE got to be kidding me, Red!” hindi makapaniwalang sigaw ni Kyle sa kaibigan at tumatayong boss niyang si Red. Bago magsimula ang programa niya’y pinatawag siya nito. Iyon pala’y tungkol sa isang pakulo ang sasabihin nito.
“I should be laughing now, Kyle.”
“Oh, no, no, no, no! Hinding-hindi ako sasali diyan sa pakulo mo. Count me out, Red. Dahil kung isasali niyo ako diyan, mapapahiya lang kayo.” seryosong sabi niya rito.
“Oh, you would. Sasali ka dito sa ayaw at sa gusto mo.”
Umiling siya. “Bahala kayo!”
“Ano bang ikinakatakot mo, Kyle? Ikaw ang pinaka-requested DJ sa buong Pilipinas. Bakit ba ayaw mong magpakita sa tao?” tanong ng kapwa DJ niyang si Young.
“Simple lang. Ayaw ko ng publicity. Kaya nga I’m working behind the station’s walls, ‘di ba?”
“Come on, Kyle. Do it for your fans. One time lang naman ito eh.” ani Trey na DJ din.
“I can’t believe that you’re into this crazy idea, guys! I mean, sino ang papatol sa pakulo niyo?”
“Marami, Kyle. Maraming-marami. At sigurado akong dadami pa ang sasali kung malalaman nilang kasali ka din. We need this publicity, Kyle.” ani Red.
Napailing lang siya. Hinding-hindi siya papayag sa gusto nitong mangyari. Kasalukuyang nasa conference room sila ng Dream Radio station at nagmi-meeting para sa isang promo search ng istasyon para sa ika-sampung taong anibersaryo nito. Ang promo search na iyon ay isang contest para sa paghahanap ng number one fan ng Dream radio. Kung sinuman ang mapipili at mananalong fan ay magkakaroon ng one hundred thousand pesos plus isang date sa paborito nitong DJ.
Ayos lang sa kanya iyong parte ng search for Dream radio’s number one fan. Pero nang ipinasok ni Red sa usapan na kasama sa panalo ng fan na iyon ang maka-date ang paborito nitong DJ ay umayaw na siya. Kasali rin naman ang mga babaeng DJ nila pero hindi talaga siya sasali. Kahit na ano’ng gawin ni Red. Hindi siya pumapatol sa ganoong pa-contest na siya ang magiging premyo. Kahit pa sabihing may tsansang hindi siya ang mapili ng mananalo ay hindi pa rin siya papayag. He wouldn’t date just because of some stupid game.
Pumasok siya sa Dream Radio dahil lang sa tulong niya sa kaibigang si Red. Minana kasi nito ang Dream Radio sa namayapang magulang nito at mababa ang ratings nito dati. At dahil sa matalik niyang kaibigan si Red ay tinulungan niya ito hindi lang sa pera para pandagdag sa pagpapalago nito ng istasyon kundi pati sa technical assistance. Noong hindi pa ito nakakakuha ng magagaling na radio DJ’s ay pumayag siyang maging DJ ng istasyon.
Hindi siya graduate ng Mass Communications at Psychology pero mahusay siyang mag-ingles at nagustuhan naman ng mga listeners ang boses at mga advice sa love issues ng mga ito pati na rin ang attitude niya. Isang friendly DJ daw kasi siya at lahat nga listeners nila’y naiintriga sa tunay na pagkatao niya. Hindi pa kasi siya nagpapakita sa listeners.
Pumayag siya sa trabahong iyon para makatulong kay Red pero may kondisyon. Ang kondisyong iyon ay ang hindi siya magpakita sa tao, na walang ibang makakakilala sa kanya. Sapat na ang pakilala niya bilang DJ Kyle.
But he is more than DJ Kyle who helps listeners about their love problems on his show, Dream Love. He is Kyle Alonzo, one of Alberto Alonzo’s heirs to Alonzo Telecommunications Company.
Ang pinaka-matanda niyang kapatid na si Cage ang humalili sa pwesto ng kanilang ama bilang presidente ng kompanya samantalang ang pinsan naman niyang si Lucille dela Merced ay ang vice president. Ang mas nakatatanda sa kanyang si Nicko Alonzo ay namamahala naman ng kanilang real estate business; ang Alonzo Towers. Ang pinaka-sikat na condominium unit sa buong bansa. Samantalang siya’y naging isang pamosong DJ. Uma-attend naman siya ng mga meeting nang AlCom pero hindi siya roon nagta-trabaho. Kung may kinalaman man siya sa AlCom ay iyon ang paghingi ng suhestiyon sa kanya ng kanyang mga kapamilya at ang hawak niyang share.
“Sa tingin mo ba papayag ako na maging prize sa isa na namang kalokohang ideya mo, Red?”
“Ito na ang magiging launch mo sa publiko, Kyle. You should take it.”
Napakamot siya sa ulo sa sinabi nito. Simula ng pumasok siya roon, sumusunod siya sa lahat ng gusto ni Red kahit na ka-sosyo rin siya sa istasyon, pero hindi na ito. Hindi siya basta papayag na maging isang premyo. Hindi siya isang trophy.
Yeah. He is not a trophy. He pursed his lips for the thought. Gusto na niyang malimutan ang lahat ng nangyari sa kanyang nakaraan at kung bakit mas ginusto niyang lumayo sa tao, lalo na sa mga babae.
“O, sige. Sasali ako dito pero magre-resign na ako bilang DJ.” banta niya rito.
“Okay. Let’s have a deal then. Kayong mga DJ’s ay kasali na rin sa pagpili ng magiging number one female and male fan natin. So bale, dalawa na ang mananalo. Iba ang kategorya para sa mga babae at iba naman sa mga lalaki. Meaning, ang magdya-judge sa batch ng mga babaeng contestant ay ang mga babaeng DJ din at ang mga may-ari nitong istasyon. Same with the batch of the male contestants. Ang mga lalaking DJs ang pipili sa makaka-date ng isang babaeng DJ. At para sa’yo, Kyle, palalayuin ko na sa’yo si Jodi sa buong buhay mo.” paliwanag ni Red.
He flinched at the sound of that woman’s name. Si Jodi ay kapatid ni Red at natatanging ex-girlfriend niya. She was once his girlfriend but that several years ago. Limang taon na ang nakararaan nang maging kasintahan niya ito pero malinaw pa rin sa kanya na niloko lang siya ni Jodi. He was once a sucker for love, like what DJ Kyle is posing for, now, but Kyle Alonzo will never be like that ever again.
Seven years ago, Jodi was the girl of his dreams. She was everything a guy could ever ask for. Niligawan niya ito at sinagot naman siya nito. He was the happiest man alive when she said ‘yes’ to him. Tinatak na niya sa kanyang utak na si Jodi na ang babaeng ihaharap niya sa altar, pero may iba palang plano si Jodi.
Isang taon din silang nagsama ni Jodi bilang magkasintahan. Nang handa na siyang mag-propose dito’y talagang puspusan ang naging paghahanda niya. Jodi once mentioned that she wants a man who could tell the whole world how much he loves her, and he did. Naghanda siya ng isang engrandeng proposal sa harap ng maraming tao tatlong taon na ang nakararaan para hingin ang kamay ng babaeng pinakamamahal niya. Inimbitahan niya ang lahat ng kaibigan at kamag-anak nito. Suportado siya ng kapatid nito at matalik niyang kaibigang si Red. Pero ipinahiya siya ni Jodi.
Isang tumataginting na ‘no’ ang isinagot nito sa kanya sa harap ng maraming tao. Pagkatapos ay humarap ito sa isang lalaking kaibigan nito at sinabing, “See, Jeff? May magmamahal sa’kin ng ganito ka-tindi. I’m loveable, Jeff. Why can’t you see that? Kung minahal ako ni Kyle, I’m sure kaya mo rin akong mahalin. I love you and that fact won’t ever change.” Iyon ang mga eksaktong salita na binitiwan ni Jodi habang nakaluhod siya sa harapan nito.
Hinding-hindi niya makakalimutan iyon. It was obvious Jodi made him her boyfriend just to prove her stupid point to Jeff. Masakit para sa kanya, pero naka-get over na siya. Hinding-hindi na siya magpapagamit na lang basta sa kahit na sinong tao pa. Kaya ayaw niyang pumayag sa gusto ni Red ngayon.
“Come on, Red. Alam nating hindi sumusunod sa’yo si Jodi.”
“You’re underestimating me, Kyle. Ako pa rin ang Kuya niya. Susunod pa rin siya sa’kin dahil sa’kin siya binilin ng mga magulang namin. Ako ang nagbabayad ng credit cards niya ngayon.”
It was a tempting offer. May punto naman si Red. Kung mas magiging matigas at mahigpit lang ito kay Jodi ay susunod naman talaga si Jodi dito. At ang lubayan na siya ni Jodi ang gusto niyang mangyari. Sa kabila kasi nang lahat ng nangyari sa kanila ni Jodi ay kung makaasta ito’y parang may pinanghahawakan pa rin sa kanya. Palagi siya nitong tinatawagan na hindi naman niya sinasagot. Palagi siya nitong dinadalaw sa istasyon pero hindi naman niya ito hinaharap. He was sick and tired in all of her crap. Gusto na niyang tigilan siya ni Jodi.
“Okay, then. Deal! Kasama akong pipili sa mananalong contestant at patitigilin mo na ang kapatid mo sa pangungulit sa’kin.”
“Deal! It’s all set then, everybody. Bukas na bukas din ay ilo-launch na natin ang promo.”
It’s ironic that a guy who’s regretted by love like him works as a love DJ. Pero nadala niya ang kanyang sarili bilang isang DJ love doctor hanggang ngayon kaya alam niyang nagta-trabaho siya ng maayos. Tinanggap niya ang trabahong iyon para matulungan ang mga taong sumusulat at tumatawag sa kanya bilang si DJ Kyle patungkol sa pag-ibig at kung paano hindi masasaktan ang mga ito.
He knows that getting hurt is inevitable, but being cautious means a lot. Hindi siya titigil na maging isang DJ dahil alam niyang nakakatulong siya sa mga taong may problema sa pag-ibig. As much as possible, he doesn’t want them to experience what he had experienced. As much as possible, if he could advise them to be as cautious as possible, he will.
At para sa kanya, kailangan din niyang ingatang mabuti ang puso niya para hindi na maulit pa ang nangyari sa kanya dati. Kaya gusto niyang mawala na sa landas niya si Jodi.