Cupid's Match Chapter 14

NAPANSIN ni Ynrgid na tahimik palang tao si DJ Kyle. Kahit na mukhang masayahin ito sa radyo at ang akala ng lahat ay madaldal ang mga disc jocks, naiiba si DJ Kyle. Kaninang simula nang makaupo sila at handaan ng pagkain ng waiter ay tahimik ito. Nginingitian at pinapansin naman siya nito pero diretso lang ito sa pagkain. Hindi siya mapakali dahil marami siyang gustong itanong dito. Nahihiya naman siyang istorbohin ito sa pagkain dahil mukhang sarap na sarap ito sa pagkain nila.

“Excuse me. Sorry ha. Hindi kasi ako sanay na tahimik kumain eh.” basag niya sa katahimikan. Naaasiwa na rin kasi siya dahil nasa kanila ang atensyon ng waiter at ng violinist pero wala namang nangyayari sa kanila kundi kumakain lang.

“I’m sorry. Sanay kasi akong kumain ng tahimik.” Nahiya naman siya. “Pero, okay lang. Sorry ha. I’m a boring date, am I?” tila guilty na tanong nito.

“Hindi naman. Magkaiba lang talaga tayo. So, pwede ba akong magtanong sa’yo?” lakas-loob na tanong niya rito.

“Okay lang ba sa’yo na hindi ko masagot ‘yong mahihirap na tanong?”

“Okay lang. Pero ‘wag kang mag-alala. Madali lang ang mga tanong ko kaya alam kong kaya mong sagutin ang mga ‘yon.”

“Okay. Fire away.” nakangiting sabi nito pagkatapos ay sumubo ng isang putahe.

Peste! Mukhang mas masarap pa ang labi niya kaysa sa pagkaing ‘yon, ah. Natutop niya ang kanyang bibig dahil sa isipin at saka ipinilig ang kanyang ulo. Ano ba ang naiisip niya?

“Is there something wrong?” nag-aalalang tanong ni DJ Kyle.

“W-wala naman. Inalog ko lang nang konti ang utak ko para marami akong maitanong sa’yo.” palusot niya. Muli ay narinig niya ang mahina at pino nitong tawa. Nakakaaliw pakinggan.

“Okay. Pero pwede bang ako muna ang magtanong sa’yo?” Nagulat siya sa sinabi nito pero tumango naman agad siya. “Good. So, bakit mo naisipang sumali sa contest na ‘to?”

“Dahil kailangan ko ng pera at gusto kitang maka-date.” Hindi siya nagsisinungaling dahil hindi siya marunong niyon. Lahat ng mga salitang nanggagaling sa bibig niya ay totoo dahil hindi siya pinalaking sinungaling ng kanyang ina.

Ngumiti ito na tila natutuwa sa kanya. “Bakit naman sa lahat ng DJs ng Dream Radio, eh ako pa ang napili mo?”

“Dahil crush na kita simula ng marinig ko ang boses mo. Isa pa, hindi mo pa ba alam na ikaw ang DJ na pinaka-maraming fans club?”

“Talaga? Hindi ko nga alam ang tungkol sa mga ‘yon.”

“Lumabas ka na kasi sa publiko. Gusto mo pang tanungin kung bakit excited na excited ako para sa date na ‘to? Kasi, ito ang unang beses na makikita kita. Sa dinami-rami ng mga humahanga sa’yo, ako ang unang nakakita sa’yo kaya feeling ko ngayon, nasa top rank ako bilang fan mo kompara sa iba pang fans mo.”

“I see. Magugustuhan niyo pa kaya ako kung pangit ako?”

“Siguro…Kung mananatiling maganda ang boses mo.” sabi niya saka nagpakawala ng isang malakas na tawa. Agad naman niyang natutop ang kanyang bibig dahil bigla siyang nahiya sa ibinigay nitong tingin sa kanya.

“Huwag kang ma-conscious. Hindi kita pinagtatawanan dahil iba ka sa mga babaeng nakakasama ko. You’re different but you’re truer than them.” sinserong sabi nito.

Ang sweet! Na-touched naman ako do’n. “Salamat. Anyway, bakit ka nga pala nagtatago sa publiko?” tanong naman niya rito.

“Ayoko ng publicity.”

“Iyon lang?”

“Oo. Bakit? Dapat ba may ibang dahilan para hindi ako humarap sa publiko?”

“Oo. Katulad nang pinapataas lang ng istasyon niyo ang ratings niyo dahil sa inaabangan ng mga tao ang mysterious aura mo.”

“Iyon ba ang dahilan kung bakit ka nakikinig sa programa ako?”

“Hindi naman masyado. Nakakaintriga ka kasi. Lahat nag-a-assume na gwapo ka nga, totoo naman ‘yon, ako lang nga ang nakapagpatunay. Pero maliban do’n, marami rin ang humahanga sa’yo, babae man o lalaki, dahil sa mga ibinibigay mong payo sa mga listeners mo. Katulad ko na lang, gustong-gusto ko ‘yong approach mo sa listeners na hindi mo sila pinapagalitan, hindi mayabang ang dating mo at nakakagaling ang mga payo mo, saka ang boses mo.” mahabang paliwanag niya rito.

“So, after ba nito magpapakita ka na sa publiko?” tanong niya rito.

“Hindi pa rin. And I would really appreciate it kung hindi mo ipagsasabi kahit kanino ang nakita mo.” may pakikiusap sa tinig nito.

“Ayaw mong ipagkalat ko na gwapo ka?” birong tanong niya rito.

“Pwede rin.” ganting biro nito.

“May tinataguan ka bang kaso kaya ayaw mong magpakilala sa publiko?”

“Wala naman. Kaya lang, ayoko talaga ng publicity. It irritates me. Alam ko, pagkatapos kong sabihin sa publiko na ako nga si DJ Kyle, reporters will come buzzing into my house and they will just bug my quiet life. Ayokong nakikita ang maganda kong pangalan sa diyaryo.”

“Gano’n? Okay. Gets ko na.” tumatangong sabi niya rito. “May pamilya ka na ba?”

“What? Bakit mo naman naitanong ‘yan?”

“Eh, kasi baka kaya ayaw mong pagkaguluhan ka ng mga reporter eh dahil may pino-protektahan kang pamilya. You know, sakop din ng showbiz ang trabaho mo eh.”

“May pamilya ako pero wala pa akong asawa’t anak. I’m enjoying my single life at ayokong magka-girlfriend.” seryosong saad nito.

Ouch! Ayaw niya raw magka-girlfriend. “Bakit naman ayaw mong magka-girlfriend?”

“Ayaw ko lang. Next question please.” anito.

Secret? Hindi pwede sa’kin ‘yan. “Nagka-girlfriend ka na ba?”

“I don’t like to talk about my love life, Yngrid. Kung ‘yan ang pag-uusapan natin, ‘wag na lang.”

“Bitter sa love life.” nakasimangot na sabi niya. “Siguro, kabe-break pa lang nila ng girlfriend niya kaya tahimik siya ngayon.” pabulong na sabi niya sa sarili.

“Ano’ng ibinubulong-bulong mo d’yan?”

“Wala naman. Sabi ko lang, maganda talaga ang lugar na ito lalo na kung may kasama kang isang gwapong tulad mo.” nakangiting sabi niya rito.

“Marunong ka palang mambola, ano?”

“Hindi naman masyado. Sa mga gwapong tao lang.” biro niya. Natawa ito dahil sa sinabi niya. “Ako, kanina pa nakakahalata sa’yo ha. Bakit ka ba tawa ng tawa sa’kin?”

“Hindi kita tinatawanan, okay? Natutuwa lang ako sa’yo.”

“Bakit? Mukha ba akong clown?”

“No, Yngrid. Honestly, you’re really pretty.” nakangiting sabi nito sa kanya.

Pilyang napangiti siya. “Pretty ako, gwapo ka, bagay tayo.” biro niya rito. Muli ay natawa na naman ito sa kanya. Pero dahil sinabi nitong natutuwa ito sa kanya’y tinanggap niya iyon bilang isang compliment.

“May mga tanong pa ako sa’yo kaya ‘wag kang tumawa nang tumawa d’yan.” aniya rito.

“Mamaya na. Tutugtog na ang violinist. Sayang ang music kaya sumayaw tayo.”

“H-ha?” Tumayo ito at inabot sa kanya ang isang kamay. “Hindi ako marunong sumayaw eh.”

“Ang bibig mo lang pala ang mahilig sumayaw.” amused na sabi nito.

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Madaldal ka.” walang prenong sabi nito. Pero napangiti lang siya rito. “Come. Let’s dance. ‘Wag kang mag-alala, mabagal lang ang rhythm ng music kaya makakasabay ka.”

“Sige.” alanganin pa ring sabi niya. Ayaw niyang mag-pretend sa harap nito pero natatakot siyang mapahiya rito. Kinakabahang sumunod siya rito.

“Relax.” sabi nito saka hinawakan ang kanang kamay niya. Ang kaliwang kamay naman niya’y inilagay nito sa balikat nito. Inayos nito ang tayo niya saka pinaikot nito sa baywang niya ang isang kamay nito. Hinapit siya nito papalapit dito kaya bigla siyang napasinghap. “Sorry.” anitong niluwangan ang pagkakakapit sa baywang niya.

Hindi, okay lang. ngali-ngaling sabihin niya iyon rito. Pero mas ayos iyon dahil hindi ito magkakaroon ng pagkakataon na maramdaman kung gaano kabilis ang tibok ng kanyang puso.

“It might be you?” aniya rito. Iyon kasi ang musikang tinutugtog ng violinist. Baka nga it might be us, soon. pilyang sabi niya sa sarili.

“I’ve no idea who requested that.” sabi naman ni DJ Kyle.

Saka ito nagsimulang umindak. Tiningnan niya ang kanyang mga paa bago sumunod sa ginawa nito dahil baka matapakan lang niya ang mga paa nito. Inalalayan siya nitong sumayaw.

Nakangiti siyang tumingin dito. “Okay lang. Isa ‘yan sa mga favorite songs ko.”

“Oh, wait. Naniniwala ka sa true love?”

“Siyempre naman. Sino ba ang hindi? Ikaw?”

“Well, yeah, maybe.” magulong sagot nito.

“Ang gulo mo. ‘Wag mong sabihin dahil ipagkakalat ko sa lahat na si DJ Kyle na taga-payo sa usaping pag-ibig ay hindi naniniwala sa tunay na pag-ibig.”

“I believe in love, but not in real love.”

“Ano?” naguguluhang tanong niya.

“There’s a difference between love and real love, Yngrid.”

“Anuman ang pagkakaiba ng dalawang ‘yon, pareho lang silang pag-ibig para sa’kin.” giit niya rito.

“You need to fall in love to learn the difference between the two.” seryosong sabi nito.

“Hay naku! Matagal ko na ring gustong ma-in love pero hindi pa ako tinatamaan ng pana ni Kupido eh.”

“Are you ready to hurt yourself?”

“Kasama naman ‘yon sa pagmamahal, ‘di ba?” tanong niya rito habang tinititigan ang mga mata nito.

“Ang tanong, handa ka na bang masaktan?” tanong din nito sa kanya na diretsong nakatingin sa kanyang mga mata.

“Sa tingin ko naman, oo. Kung magkaka-boyfriend ako ngayon at maghihiwalay din kami, may iba pa naman d’yan.” aniya.

“See? That is love. Mamahalin mo ang isang taong darating sa’yo pero kapag nagkaroon ng problema at akala niyo’y wala nang solusyon iyon dahil pareho kayong nasaktan ay maghihiwalay kayo at hindi na magkakaayos.”

“May mga pagkakataon talaga na gano’n ang nangyayari. Pero minahal naman nila ang isa’t isa.”

“Real love only comes in a lifetime once. When it did, you just have to grab it. Ang real love, ‘yon ‘yong feeling na gusto mong magalit sa kanya pero hindi mo magawa dahil mas nangingibabaw ang pagmamahal mo sa kanya. Iyong tipong kahit na gaano mo pa ipilit sa sarili mong ‘wag na siyang mahalin eh mamahalin at mamahalin mo pa rin siya. Iyong tipong wala kang pakialam sa sasabihin ng iba dahil mas importante sa’yo ang pag-ibig na nararamdaman mo para sa kanya. That is real love, Yngrid. Handa ka na bang ma-in love?”

“Oo, basta sa’yo.” sabi niya saka ngumiti ng matamis dito.

“Never mind.” tila iritadong sabi nito.

“Masyado ka kasing seryoso. Siguro, in love ka ngayon, ‘no?”

“Of course not! Hindi ako mai-in love kahit kailan.”

“Dahil takot kang masaktan. Alam mo kung ano ang tawag sa mga taong in love na pero ayaw lang aminin? Duwag.”

Dahil sa sinabi niyang iyon ay bigla itong nag-iwas ng tingin. Sapol ba siya sa sinabi ko o ayaw lang niya sa opinyon ko?

“May isa pa nga pala akong tanong.” aniya rito bago matapos ang kanilang sayaw.

“Ano?”

“Sino ka ba talaga? I mean, maliban sa DJ Kyle na pakilala mo sa’min, ano ang totoong pagkatao mo?”

Misteryoso itong tumingin sa kanya. “I would like to keep that a secret. Saka ko na siguro sasabihin sa inyo kung sino talaga ako. Besides, sabi mo nga kanina, baka bumaba ang bilang ng nakikinig sa programa ko ‘pag sinabi ko na kung sino ako. Pero ‘wag kang mag-alala, ikaw ang una kong sasabihan kung ano ang tunay kong pagkatao kapag nakapagdesisyon na akong magpakilala sa publiko, okay? Sa ngayon, si DJ Kyle na muna ako.” paliwanag nito.

“Kahit pilitin kita, hindi ka pa rin aamin?”

“Depende kung paano mo ako pipilitin.” biro nito.

“Talaga? Paano kaya kung…” inilapit niya ang mukha niya sa mukha nito pero agad din siyang umatras dahil mataman itong nakatitig sa kanyang mga mata. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang. Tinusok niya ang tagiliran nito sa pamamagitan ng hintuturo niya ang kiniliti ito. “Kiliti!”

Agad itong lumayo sa kanya at tatawa-tawa siyang tumingin dito. “You naughty girl!”

“Hindi ka pa ba aamin? Kikilitiin ulit kita.” pabirong banta niya rito.

“Ayaw ko nga. Hindi mo ako basta mapapaamin.” natatawa ring sabi nito.

“Talaga?” Inihanda niya ang magkabilang hintuturo niya at tangkang aatake na siya rito nang hilahin nito ang isang kamay niya sunod ang isa pa at pinagsama ang dalawang iyon. Pagkatapos ay niyakap siya nito nang mahigpit na tila ba ayaw na nito siyang pakawalan.

Labis siyang nagulat dahil sa ginawa nito. Nakaramdam din siya ng kakaibang kaba hindi lang dahil natatakot siyang maramdaman nito kung gaano kabilis ang tibok ng kanyang puso kundi dahil iba ang kilig na dulot ng ginawa nito sa kanya.

Parang magic. Parang may…may sparks!

“Alam ko kung paano patigilin ang mga makukulit na babae.” mahinang sabi nito sa kanya habang yakap pa rin siya.

Naramdaman niyang nanindig ang mga balahibo niya sa batok nang tamaan iyon ng mainit na hininga ni DJ Kyle.

“Tapos na. Naka-survive ka naman sa isang tugtog kaya congratulations.” nakangiting sabi nito sa kanya.

Naka-survive nga siyang makipag-sayaw rito pero hindi ang puso niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.