DAMN that playboy! piping mura ni Caraleigh kay Cage Alonzo kahit hindi pa niya ito nakakausap man lang.
Kasalukuyan siyang nasa Rock Wave, isang bar sa Tomas Morato. Naroon kasi si Cage para bantayan niya. Imagine? Isang matandang lalaki, kailangan pang bantayan? Kung bakit ba naman ako tumanggap ng isang trabahong kasing kulit ng isang ito? himutok niya sa sarili.
Ilang linggo na niyang binabantayan ang tatlong magkakapatid dahil humihingi palagi ng report si Don Alberto sa kanya. At isa lang ang masasabi niya sa magkakapatid na Alonzo, makulit ang mga ito. Si Nicko ay nagkaroon ng isang ‘manliligaw’ samantalang si Kyle naman ay ‘nanliligaw’. Itong si Cage lang ang paiba-iba ang report niya dahil paiba-iba rin ito ng date bawat gabi.
Naiirita siya rito dahil hindi ito marunong magseryoso sa isang babae. Ilang beses na niyang nakitang nakasabay nito sa isang restaurant o bar ang ilang babaeng dating nai-date nito pero bale-wala lang ang mga ito rito dahil may bago na muli itong date.
Pesteng lalaki!
Naipasa na niya rito ang report tungkol kay Baldonado Gener na napag-alaman niyang nakabangga pala rito. Hindi na siya nagtanong pa kung ano ang gagawin nito roon, pero ang hula niya’y tutulungan nito ang pamilya ng lalaki.
Dito lang talaga siya kay Cage nahihirapan. Hindi kasi niya mapagsabay-sabay ng dalaw ang tatlo sa ama ng mga ito para masabi na niya ang mga dapat niyang sabihin sa mga ito dahil palaging busy ang tatlo. Isa-isa lang kung pumunta ang mga ito sa ospital at hindi pa niya maabutan ang ilan. Pabor naman iyon sa trabaho niya. Pero gusto na niyang masabi sa mga ito sa lalong madaling panahon ang naipangako niya sa kanyang Mama France dahil naloloka na siya sa tatlong lalaki.
“Hey, hot thing! Can I buy you a drink?” anang isang lalaki na lumapit sa kanya.
“I already have.” mataray na sagot niya rito saka itinaas ang seventy-seven sunset strip na iniinom niya. Saka niya ibinalik ang tingin sa target niyang nasa tabi na pala niya!
Paano siya nakarating agad dito? tanong niya sa sarili. Kanina kasi’y kausap lang nito ang isang babae sa isang tabi may kalayuan sa kanya pero nakikita pa rin niya ito.
“I didn’t think a woman could look so damn good on a leather jacket.” bungad nito sa kanya. Um-order ito ng isang hard drink sa bartender.
“Just give him a salty dog.” sabi niya sa bartender saka bumaling muli rito. “I don’t take compliments.”
“That’s not a compliment. That’s a fact.” sabi nitong may amused na ngiti sa mga labi.
Ngayon lang niya napatunayang gwapo talaga ito. Naalala niya ang reaksyon ni Lemon nang aksidenteng masabi niya rito ang hinaing tungkol kay Cage. Bumuka ang bibig nito nang ilang minuto pagkatapos ay ilang minuto ring nagtatalon at kinikilig na sumisigaw. Ayon dito’y si Cage daw ang hottest, most sought-after bachelor sa buong Pilipinas at maraming babae ang nagkakandarapa makasama lang ito sa isang gabi.
Alam na niya ang tungkol sa bagay na iyon dahil ilang linggo na rin niya itong sinusubaybayan. Napatunayan na rin niya ang sinasabi ng marami na gwapo ito pero ngayon lang niya ito nakita nang malapitan.
Ito nga ang pinaka-gwapo sa tatlong magkakapatid. He looks smart, strong and becoming. May baby stubbles ito sa baba pero mas nakadagdag iyon sa appeal nito. In fact, he is oozing with sex appeal. His eyes were expressive; his nose aristocratic, his skin looks fair and smooth, his hair as black as the night’s sky and his lips were the most kissable lips she had ever seen for a guy.
“Okay, then. I didn’t ask for a trivia.” sabi niyang dumiretso ang tingin sa bar counter.
“Tough girl.” sabi nito saka uminom ng alak. “Hey, I think I’ve seen you before.” pagkuwa’y sabi nito.
Bigla siyang kinabahan. “Saan?”
“Hmm. Sisiguraduhin ko lang.” sabi nito na tila nag-iisip pa.
“Saan nga?”
Bigla itong ngumiti at parang naramdaman niya ang kanyang pusong biglang tumalon. “You’re the lady in my dreams.” anito. Napakurap pa siya rito dahil akala niya’y namali lang siya ng dinig. She was entirely caught off guard. “Anyway, what are you up to aside from making me crazy all over you?”
Shit! He’s flirting with me! sabi niya sa sarili. Hello? Kanina pa kaya. Hindi mo napansin? My god, Caraleigh! He’s already got you right there.
“Sometimes, I make crafts for my friends.” seryosong sagot niya rito.
Kung wala lang siyang kailangan dito ay nuncang kakausapin niya ito ng matino. Kailangan niya itong mapapunta bukas sa ospital dahil sigurado na siyang pupunta roon sina Nicko at Kyle. Nandoon siya ngayon para siguraduhing hindi ito iinom o mang-aakit ng babae para makagising ito ng maaga at makapunta sa ospital.
Pero hindi kasama sa plano ko na ako ang landiin ng lalaking ito!
“Really? I know what you’re making aside from those.” sabi nito sa kanya na ipinagtaka niya. Kilala ba siya nito?
Hindi pa sila nagkikita kahit kailan. Sinisigurado din niyang hindi siya makikita nito para sa kanyang trabaho kaya imposibleng makilala siya nito.
“Ano?”
“You’re making my heart skip a beat and you’re doing it pretty fast.”
Damn he’s good at flirting!
Bago pa man siya madala sa mga sinasabi nito’y tumayo na siya mula sa kinauupuan. Humingi siya sa bartender ng maliit na papel at ball pen dahil tila alam na niya kung ano ang susunod na itatanong o sasabihin sa kanya ni Cage.
“You’re leaving too soon?” tanong nitong may panghihinayang sa mga mata.
“I have to.” simpleng sabi niya.
“Oh, wait. I didn’t introduce myself properly. I’m Cage Alonzo, by the way.” pakilala nito sa kanya saka inabot ang isang kamay para sa isang handshake. Inabot naman niya iyon.
“I’m Caraleigh.” simpleng pakilala niya.
“Caraleigh, nice name. It speaks of the holder.” swabeng sabi nito. Sa gulat niya’y hinalikan nito ang likod ng kanyang kamay. Agad niya iyong binawi dahil na-weird-uhan siya sa kanyang naramdaman. “Hey, wait. Can I have your phone number?”
“Ibibigay ko ‘yon sa’yo ‘pag pumunta ka dito bukas.” sabi niya at inabot dito ang papel na may sulat ng hospital room number ng ama nito.
“But this is----------“
“Hihintayin kita bukas, Cage.” sabi niya at walang lingon-likod na iniwan ito sa bar counter.
Man, he’s damn so good at flirting!
“YUUKI in the story is your mother, guys.” hayag ni Caraleigh sa magkakapatid na Alonzo. She tried so hard not to cry while telling their mother’s story. Bago pa man siya humarap sa mga ito nang araw na iyon ay inihanda na niya ang kanyang sarili sa maaaring maging reaksyon ng mga ito.
Iniabot niya sa mga ito ang mga sulat na ginawa mismo ng kanyang Mama France. Alam niyang masaya na ngayon ang ginang saan man ito naroon dahil natupad na niya ang kanyang pangako dito.
“What’s this?” tanong ni Kyle sa kanya.
“Sulat sa inyo ‘yan ni Ma-----ng mommy n’yo.” aniya.
“Why do you have all of this, anyways? Paano mo nalaman ang tungkol sa mga ‘yon?” tanong naman ni Cage na diretsong nakatingin sa kanya.
“Isa siyang detective, Cage.” sagot ni Don Alberto.
“What?” halos panabay na bulalas ng tatlo.
“You’re a detective?” hindi-makapaniwalang tanong ni Cage.
“So, ikaw ang sinasabing sources ni Daddy? Ikaw ang dahilan kung bakit alam niya ang lahat tungkol sa mga nangyayari sa’min? You’re spying on us!” akusa naman sa kanya ni Kyle.
“Yes, I am. That’s my work. Pero hindi ko naman kayo pinakikialaman sa kung anuman ang ginagawa n’yo. Inire-report ko lang sa daddy n’yo ang lahat dahil hinihingi niya ‘yon sa’kin.”
“Dad.” sabay-sabay na baling ng tatlo kay Don Alberto.
“First of all, gusto kong humingi ng tawad sa inyo. Naging selfish ako, inilayo ko kayo sa mommy n’yo. Nasaktan kasi ako sa ginawa niyang pag-iwan sa’tin. Hindi ko sinabi sa inyo ang totoo dahil gusto kong magalit kayo sa kanya. Gusto kong maramdaman niya kung ano ang sakit na naramdaman ko noon. Kasalanan ko ang lahat ng ito, mga anak. Dahil sa pagiging maka-sarili ko. Patawarin n’yo sana ako.” umiiyak na paliwanag ni Don Alberto.
Mahabang katahimikan ang sumunod. Lahat silang naroon ay walang ibang naririnig kundi ang pag-iyak ni Don Alberto. Siya ay nakatingin lang sa kanyang mga paa dahil hindi na niya ‘moment’ iyon.
“Dad, whatever happened, happened already. Hindi na natin mababago pa ang lahat. Pero naiintindihan namin kayo. Kahit kami man noo’y nagalit din kay Mommy. Ngayong alam na natin ang totoo, magkapatawaran na tayo.” ani Nicko na siyang unang bumasag sa katahimikan.
“Sana lang, Dad, sinabi mo sa’min na bumabalik pala si Mommy. Kahit hindi siya tatanggapin ni Kuya Nicko, tatanggapin pa rin namin siya.” sabi naman ni Kyle.
“What?” angal ni Nick okay Kyle.
“Kuya, galit na galit ka naman talaga kay Mommy noon hanggang kanina dahil iniwan niya tayo ‘di ba? For sure, kung bumalik man siya noon at nakita mo siya, hindi mo rin siya tatanggapin dahil natabunan na ng galit ang pagmamahal mo sa kanya.”
“But…She’s still our mother.” malungkot na sabi ni Nicko.
“Hey, bros. Hindi ko na nga matandaan kung ano ang hitsura ni Mommy eh.” sabi ni Cage. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.
How could he? halos maisumbat niya iyon dito. Pero naaalala niya ang sinabi ng kanyang Mama France noong nakita nito ang tatlong anak at hindi na nga daw ito makilala ng tatlo.
“Eh kasi, sinunog ni Kuya Nicko ang lahat ng pictures at memorabilia ni Mommy sa bahay. He even told us not to think of her ever again.” ani Kyle.
“Oh, yeah. And that’s why Nicko swore never to let a girl into his life ever again.” sabi ni Cage.
“Cage, Nicko, Kyle…Listen to me.” kuha sa atensyon ng mga ito ni Don Alberto. “Your mother is a very great woman.”
“We know that, Dad. Masyado lang tayong nagalit at nagtampo sa kanya noon. Now that we know all about what had happened, kailangan nating hanapin ang puntod ni Mommy at humingi din ng tawad sa kanya. Once and for all, we should be a whole new family again. Agree?” ani Kyle.
Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Kyle. Nang sabihin niyang alam na niya kung nasaan ang puntod ng kanyang Mama France ay nagdesisyon na magpunta ang mag-anak pagkalabas ni Don Alberto tatlong araw mula ngayon.
Hindi naman sinisisi ng magkakapatid si Don Alberto dahil sa nangyari pero labis na nalulungkot pa rin ang mga ito sa mga nalaman. Unang nagpaalam si Nicko dahil may importante pa raw itong gagawin. Sumunod naman si Kyle dahil may pupuntahan daw itong birthday party. Natira tuloy sila roon ni Cage.
“So, paano mo nalaman ang tungkol sa lahat ng ito, Caraleigh? I know you’re a detective, pero masyado ka naman yatang maraming alam tungkol sa ina namin. At pinagmamasdan kita kanina habang nagku-kwento ka, halatang gusto mo ng maiyak pero pinipigilan mo lang ang sarili mo.” ani Cage na matamang nakatingin sa kanya.
Wala itong ideya kaninang nakasabay niya ito papunta roon kung sino siya. Pero nakakwentuhan niya ito kahit papaano at naitanong nito ang basic informations tungkol sa kanya.
“Ako ang adopted daughter ni Arturo Concio. Ako ang nakasama ng Mommy n’yo sa kanyang mga huling sandali. Nangako ako sa kanya na ako ang magsasabi sa inyo ng lahat ng ito dahil ‘yon ang hiniling niya muli sa’kin pati na rin ang pagbibigay sa inyo ng mga sulat.” paliwanag niya.
Nakita niya ang pagkagulat sa mga mata ni Cage pero agad iyong napalitan ng pag-aakusa. “Bakit hindi mo sinabi agad sa’min ang kalagayan niya? Bakit hindi mo agad ipinaalam sa’min ang lahat ng ito? It happened a year ago! At ngayon lang namin malalaman ang lahat ng ito?” galit na tanong nito sa kanya.
Nagulat din siya sa naging reaksyon nito. Hindi na ito katulad kagabi na kasing amo ng isang tupa. Tila ito nagpalit ng balat at naging isang leon. “Dahil hindi n’yo nga siya tinatanggap! Makakasama n’yo naman siya kung tinanggap n’yo siya kaagad eh, pero hindi! Nang muli niya kayong makausap, ni hindi n’yo man lang siya nakilala. Bakit? Dahil wala na kayong naitagong litrato niya. Dahil galit na galit kayo sa pang-iiwan niya! Dahil hindi n’yo alam noon kung ano ang totoong nangyari.”
“What do you mean nakausap niya kami?” mahinahong tanong ni Cage.
“Last year, pinuntahan niya kayo nina Nicko at Kyle. Nakausap niya raw kayo pero hindi n’yo siya nakilala. Marami siyang hiniling para sa inyong tatlo. Na sana, maging malambot at gentleman naman si Nicko sa mga babae. Na sana, magmahal ng tamang babae si Kyle. At na sana, magseryoso ka na sa isang babae at ‘wag ng maging mapaglaro pa. Nang makita niya kayo, labis na lungkot at guilt ang naramdaman niya. She wants you to be good men.” mahabang litanya niya rito.
“I’m sorry, Caraleigh, Cage.”
“Dad, tama na. Hindi na tayo dapat pang magsisihan ngayon.” ani Cage saka bumaling sa kanya. “I’m sorry, Caraleigh. Pwede mo ba akong samahan sa puntod ni Mommy?”
Tumango na lang siya dahil ayaw niyang makipag-away pa rito.