NAKATINGIN lang si Caraleigh sa mga patak ng ulan sa bubog na bintana ng kanilang bahay habang nag-uunahan ang mga itong bumaba roon. Mapanglaw kasi sa kanilang bahay dahil silang dalawa na lang ng Mama France niya ang natira roon. Ilang taon na kasi ang nakalilipas mula nang pumanaw ang kanyang kinilalang amang si Arturo. Dumagdag pa sa kanyang lungkot ang pagpanaw ng kasintahan niya nang isang taon na si Brian tatlong taon na ang nakalilipas. At nadagdagan ang lungkot na kanyang naramdaman ngayon dahil nalaman lang nila na may matinding karamdaman ang kanyang Mama France.
She has a cardiovascular disease. Ang sabi ng doktor ay dahil daw iyon sa mga pagkaing kinakain nito pati na rin ang hypertension. Marahil ay iniisip pa rin ng Mama France niya ang tungkol sa pamilya nito dahil ilang taon na itong bumabalik sa mga Alonzo pero hindi ito tinanggap ng mga ito.
Alam niyang nasaktan ang mga Alonzo sa ginawang pag-iwan sa mga ito ng ginang pero ina at asawa pa rin ito. May karapatan ito sa mga anak nito at dapat ibigay iyon dito. Pero hindi man lang ito pinayagan ni Alberto Alonzo na makita ang mga anak nito.
“Caraleigh, halika nga.” tawag sa kanya ng Mama France niya.
“Bakit po, ‘Ma?” tanong niya rito. Isa ito sa mga mahahalagang tao sa buhay niya dahil isa ito sa mga nagpalaki sa kanya. Kahit na nahanap na niya ang kanyang tunay na ama ay hindi pa rin siya umaalis sa kanilang bahay.
“Natatandaan mo pa ba ang kwento ng buhay ko?” Tumango naman siya.
Matindi ang paniniwala ni Francisca sa pag-ibig. Noong bata pa ito’y umibig ito kay Arturo. Nakita ni Francisca kay Arturo---ang kinagisnan niyang ama---ang lahat ng katangian ng lalaking gusto nito at hindi lang iyon, sa una pa lang nilang pagkikita’y nakaramdam na ito ng kakaiba sa lalaki. They fell in love at a very young age and they then, decided to get married.
Pero hindi natuloy ang pagpapakasal ng dalawa dahil biglang dumating sa buhay ni Francisca si Alberto. Alberto fell in love with Francisca the very first time he laid his eyes on her. Mahirap lang ang pamilya nina Francisca. Magsasaka lang ang tatay nito. Hindi kayang ibigay ng tatay ni Francisca ang lahat ng luho ng nanay nito dahil sa kakarampot lang nitong kinikita. Kaya nagagalit ang nanay ni Francisca sa kanya tuwing nakikipagkita ang huli kay Arturo dahil katulad ng mga ito’y mahirap lang si Arturo. Ang gusto ng mga magulang ni Francisca para rito’y si Alberto dahil mayaman ito.
Habang masaya sina Francisca at Arturo sa kanilang pagmamahalan ay nagpa-plano naman ng isang engrandeng kasalan ang mga magulang ni Francisca. Pero hindi iyon para rito at kay Arturo kundi para rito at kay Alberto. One week before the wedding, doon lang ipinaalam ng mga magulang ni Francisca rito ang tungkol sa kasal. Hindi na hinayaan pang lumabas ng mga ito ng bahay at makipagkita kay Arturo si Francisca. Lumipat na rin ng bahay ang mga ito bago pa man maikasal si Francisca kay Alberto para hindi na raw makatakas pa ang una sa kasalang ayaw naman talaga nito.
Kailangang pakasalan ni Francisca si Alberto para mabayaran ang lahat ng utang ng mga magulang ng una dahil kung hindi ay makukulong ang tatay nito. Naipit si Francisca sa pagitan ng pagmamahal niya sa kanyang pamilya at sa pagmamahal niya kay Arturo. Mabait naman si Alberto pero hindi ito mahal ni Francisca. Naisip ni Francisca na pwede naman nilang bigyang katuparan ni Arturo ang kanilang pagmamahalan kapag nabayaran na ang lahat ng utang ng pamilya ng una. Kaya piniling magpakasal ni Francisca kay Alberto. Binigyan naman ni Alberto ng pagpipilian si Francisca pero nagpakasal pa rin ang huli rito para sa pamilya.
Hindi katulad nang inaasahan ni Francisca, minahal din niya si Alberto. Pero hindi iyon katulad nang pagmamahalan nila ni Arturo. Nagkaanak ng tatlo sina Alberto at Francisca dahil iyon ang hinihingi ng sitwasyon nila. Nanatili pa sa isang relasyong hindi naman talaga niya gusto si Francisca para sa kanyang mga anak at para na rin sa kasiyahan ng mga taong nakapalibot sa kanilang mag-asawa. Pero isang araw ay nakita ni Francisca si Arturo. At katulad nang una nilang pagkikita, naramdaman muli niya ang kakaibang pagmamahal na naramdaman niya rito noon.
Hindi pa raw nagkakaasawa si Arturo dahil hinihintay nito si Francisca katulad nang ipinangako ng huli rito. Nalaman din ni Francisca na may taning na noon ang buhay ni Arturo. Arturo had leukemia. Selfish man para sa iba pero nangibabaw ang pagmamahal ni Francisca kay Arturo nang mga panahong iyon. She had to make a choice whether she should leave her family for the one she truly loves or not. Pero naisip niya, paano kung hindi na niya makasama pang muli si Arturo kung hindi pa niya ito sasamahan?
That’s when Francisca decided on leaving her family for Arturo, her one true love. Marami ang hindi nakaintindi sa kanya pero naintindihan siya ni Alberto dahil alam nito ang totoo. Nagsama nang ilang taon sina Francisca at Arturo, pero katulad nang kanilang nalalaman, Arturo died of leukemia.
Ilang taon ding nagluksa ang kanyang Mama France pero kinaya nito. That’s when she decided to come back to her family. Pero nalaman nitong galit na galit na dito ang mga anak nito. She tried to come back to them, but her family wouldn’t let her.
“Gusto kong mangako ka sa’kin.” seryosong sabi nito.
“Ano po ‘yon?”
“Nakita ko ang mga anak ko noong isang araw. Pinuntahan ko si Kyle sa istasyon ng Dream Radio. Pagkatapos ay tumuloy ako sa Alonzo Tower at huli kong pinuntahan ang AlCom.” anito. Kilala na niya ang mga anak nito dahil palagi nitong ikinikwento ang mga iyon sa kanya. “Hindi na nila ako kilala. Nakausap ko si Nicko pero hindi na siya ang Nicko na kilala ko noon. Parang galit siya sa mga babae at natatakot akong malaman kung bakit. Pakiramdam ko’y malaki ang kasalanan ko kung bakit siya naging gano’n.”
“Maayos naman ang buhay ni Kyle. Siya ang hindi ko nakasama ng matagal sa magkakapatid dahil siya ang bunso pero mahal na mahal ko silang tatlo na pantay-pantay.” nagluluha na nitong sabi. “Si Cage,” umiling pa ito. “Hindi sana siya naglalaro ng gano’n kung nasubaybayan ko ang paglaki niya. Naturuan ko sana siya kung paano rumespeto sa mga babae.”
“’Ma, tama na ‘yan. Baka atakehin ka pa ulit.” aniya rito ngunit hinawakan nito ang kamay niya at tumitig sa kanyang mga mata.
“Caraleigh, mangako ka sa’kin.”
“Sige po, Mama. Ano po ba ‘yon?”
“Kapag nawala na ako at hindi ko pa rin nakakausap ng maayos ang mga anak ko’y ikaw na ang bahalang magkwento sa kanila nang lahat ng nangyari. Ang dahilan kung bakit ko sila iniwan, hanggang sa ngayon. Caraleigh, gusto kong ituring pa rin nila akong ina sa kabila ng pag-iwan ko sa kanila.”
“Mama…”
“Caraleigh, mangako ka.”
“Opo, Mama. Pangako.”
“Maraming salamat, anak. At kung maaari’y tulungan mo silang magbago. Kung maaari’y iparamdam mo sa kanila ang pagmamahal ko.”
“’Ma, paano ko ‘yon maipararamdam sa kanila?” kunot-noong tanong niya rito.
Tumawa naman ito. “Gabayan mo sila. Makakatulong trabaho mo ro’n. Alam kong magiging isang magaling kang detective, anak. Sana matulungan mo sila. Kung maaari nga’y isa sa kanila ang mapangasawa mo eh.”
“Mama!” saway niya rito. Matagal na nitong itinutukso sa kanya ang anak nitong si Cage dahil iyon daw ang kaedad niya. Pero sa mga oras na iyon, si Brian lang ang nasa puso niya.
Basta nangako siya sa kanyang Mama France, at tutuparin niya iyon sa takdang panahon.
“SHE DIED of heart attack a month after I made her a promise.” sabi ni Caraleigh sa kagagaling lang na si Don Alberto Alonzo. Nang makita niyang lumuluha si Don Alberto ay tumingin siya sa ibang direksyon dahil baka siya’y maiyak din maya-maya lang.
Hindi lang kasi ang kalagayan ng kanyang Mama France noon ang natatandaan niya kundi ang nangyari kay Brian. Maraming nangyari sa buhay niya sa loob ng isang taon at hindi niya naharap ang kanyang mga dapat gawin. Hindi niya dala ang tatlong sulat na ginawa ng kanyang Mama France para sa tatlong anak nito ngayon. Iyon ang isa pa niyang kailangang ibigay sa mga ito.
“Hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa kanya. I’d been selfish. Inilayo ko siya sa mga anak ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito.” sabi nito.
“Sir, pwede pa rin naman kayong humingi ng tawad sa kanya ngayon eh. Kung nasaan man si Mama, alam kong maririnig niya kayo. At alam ko rin na napatawad na niya kayo.”
“Alam mo bang napakabait ng Mama mong ‘yon? That’s why I love her.” sinserong sabi ni Don Alberto.
“Alam po ni Mama kung gaano n’yo siya kamahal. Siguro’y nagdamdam lang siya no’ng hindi mo siya payagang makausap at makita ang kanyang mga anak.” diretsang sabi niya.
“Alam ko…Alam ko…” umiiling na sabi nito.
“Ang tanging hiling lang naman po ni Mama ay ang magbago ang turing ni Cage sa mga babae. Ang maging gentleman at soft ni Nicko sa mga babae at ang makahanap si Kyle nang tamang babae. Simple lang po ‘yon pero alam kong mahirap. Hindi n’yo naman ho maipipilit ang pag-ibig, ‘di ho ba?”
Sukat sa sinabi niyang iyon ay tumingin ito sa kanya na tila ba nasagot niya ang problema ng buong mundo. Kumikislap pa kasi sa tuwa ang mga mata nito.
“You’re a detective, right? Maaari mo akong tulungan para humanap ng tamang mga babae para sa aking mga anak.” anito.
“Sir, wala pong shortcut pagdating sa pag-ibig. Kusang darating ‘yon. Katulad nang sinabi ko kanina, hindi mo maipipilit sa isang tao ang pag-ibig kung hindi rin naman para sa kanya ‘yon.”
Tumango-tango naman ito. “Pero maaari mo akong bigyan ng updates tungkol sa mga anak ko. Hindi kasi nagsasabi tungkol sa mga love life nila ang tatlong ‘yon. Maybe you could give me reports about their love lifes, or to women who they go out with.”
Magiging paparazzi ako ng mga anak niya?
“I don’t think your sons would like to hear about this afterwards, Sir.” aniya.
“They wouldn’t know. Besides, para sa akin lang naman ang tungkol dito. At, mayro’n pa nga palang isa. Please research on Baldonado Gener and his family. I’ll be glad to help them.” sabi pa nito. Hindi niya kilala ang binaggit nitong pangalan pero tumango na lang siya.
“Mas maganda rin siguro na tipunin muna natin silang tatlo bago mo sabihin sa kanila ang tungkol sa kanilang ina.”
“Opo. Mas maganda nga po ‘yon.” pagsang-ayon niya.
Hindi pa rin ako makapaniwala na magiging paparazzi ako ng mga anak niya!