Cupid's Match Chapter 28

“OH, SHIT!” mura ni Cage nang matalsikan siya ng mantika dahil nagpi-prito siya ng danggit. Kanina lang ay natuto siyang gumawa ng brewed coffee sa tulong ni Henry na hiniram muna niya sa kanyang ama.

Babaguhin na kasi niya ang kanyang taktika para lang makuha ang loob ni Caraleigh. Man, he was really going crazy about the woman. Kung dati’y ayaw na ayaw niya ang magpakasal, ma-commit sa isang babae at magseryoso, nang makikilala niya si Caraleigh ay nagbago ang lahat ng paniniwala niya.

He was now ready to commit himself to the woman who looked so damn beautiful in a leather jacket. Simula nang makita niya ito sa Rock Wave ay hindi na ito nawala pa sa kanyang isipan.

Nang malaman niyang hindi lang ito ang kinuhang detective ng kanyang ama kundi kilala nito ng personal ang mommy niya at nakasama pa nito nang mga panahong hindi nila kasamang magkakapatid ang ginang ay nainggit siya rito. Nakaramdam din siya ng galit dito dahil hindi nito nasabi sa kanilang pamilya ang kalagayan noon ng kanyang ina. Sana ay nakasama pa nila ang kanilang ina bago ito pumanaw.

Pero katulad nang sinabi niya dati, nasa nakaraan na ang lahat. Magsisilbing aral na lang para sa kanilang lahat ang mga iyon. Isa pa, hindi ang galit at inggit na iyon ang makapipigil sa kanya para kunin ang loob ni Caraleigh. Naging daan pa nga ang pagkakataong iyon para mapalapit siya rito at mas makilala ito.

Hindi niya rin alam kung bakit ganoon na lang ang pagkagusto niya kay Caraleigh. Hindi na niya pinilit pang maghanap ng rason kung bakit gusto niya ito. Gusto niya si Caraleigh, tapos. Parang pinana ni Kupido ang puso niya dahil matindi ang naging tama niyon nang unang masilayan pa lang niya si Caraleigh sa bar na iyon. Sinasabi ng puso’t isipan niyang ito ang babaeng nararapat at nakatakda para sa kanya kaya gagawin niya ang lahat makuha lang ang atensyon at pagmamahal nito. Malakas ang tama niya kay Caraleigh at hindi na kailangan pa ng rason para doon.

When love hits you, you just have to take it and face the consequences.

Iba si Caraleigh sa mga nakilala niyang babae. Not that she was not pretty. Maganda ito. Hindi hamak na ito ang pinaka-maganda sa lahat ng naging date at naging girlfriends niya. Maton ito kung kumilos pero hindi pa rin niyon maitatago ang angkin nitong kagandahan.

Hindi siya basta natsa-challenge lang kay Caraleigh ngayon. Katulad nang sinabi niya kanina, ito ang unang babae na nakapagpalimot sa kanya sa kanyang paniniwala at prinsipyo tungkol sa pag-ibig at pagpapakasal. Ganoon kalakas ang epekto nito sa kanya. Ang masakit lang nga ay tila wala siyang epekto para rito.

Nang makausap niya si Lemon ay agad na nag-alok ito ng tulong para sa panliligaw niya kay Caraleigh. Ginawa niya ang tradisyunal na ligaw. Handa pa nga siyang mag-gitara pero palaging sinasabi ni Caraleigh sa kanya na hindi siya nito gusto at hindi ito nagpapaligaw. Hindi niya alam kung ano ang mali sa kanya o kung ano ang ayaw nito sa kanya pero ginagawa naman niya ang lahat basta mapansin lang nito.

Niligawan niya ang pamilya nito. Naging errand boy siya ng kapatid nitong si Calyx at nang ama nitong si Maximo na kung anu-ano ang pinagagawa sa kanya. Ginamit niya ang kanyang mga koneksyon at charm niya sa kanyang fans club para makahakot ng customer sa restaurant ng step-mother ni Caraleigh dahil dagdag points din iyon sa kanya. Tinulungan naman niya si Lemon sa paggawa nito ng thesis tungkol sa entrepreneurship na pinaka-madali na yata para sa kanya. At laking pasasalamat niya dahil isa siyang sports buff. Natalo niya sa chess at fencing ang mga kapatid ni Caraleigh na sina Hue at Kieno.

Ang masakit doon, hindi pa rin siya nagugustuhan ni Caraleigh. Pero nang magkaroon sila ng kasunduan nang huli nilang pag-uusap ay nakita niya sa mga mata nitong nahirapan itong magdesisyon. Doon siya nagkaroon pa ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang laban. Doon siya naging pursigidong makuha ang loob nito. At gagawin niya ang lahat magawa lang iyon.

“Cage, ‘wag ka kasing lumayo ng lumayo d’yan sa kalan dahil tatalsikan at tatalsikan ka ng mantika.” payo ni Henry sa kanya.

“I didn’t think cooking can be so dangerous.” eksahaderong sabi niya saka napakamot sa ulo.

“Hindi ka lang sanay. Ngayon, baliktarin mo na ‘yan.” utos nito. Ginawa naman niya. Naging madali naman iyon para sa kanya kahit na natatakot pa rin siyang matalsikan.

“Na-in love ka na ba, Henry?” seryosong tanong niya kay Henry.

“Oo naman.”

“Ano’ng nangyari? Bakit single ka pa rin hanggang ngayon?” Fifty-five years old na ito at single pa rin.

“Well, I guess fairy tales aren’t for everybody. I guess, Cupid stroke his bow unto another guy instead of me. Hindi kami nagkatuluyan. Pero hindi ibig sabihin no’n na hindi ako masaya ngayon. Masaya ako, ‘yon nga lang, mas magiging masaya sana ako kung nagkatuluyan kami ng babaeng minahal ko.” paliwanag nito.

“Loving is complicated, huh?” aniya.

“Tama ka. Pero ang pagmamahalan at pag-ibig ang pinaka-‘the best’ sa lahat.”

“Yeah. Sana lang, mapansin na ako ngayon ni Caraleigh.” umaasang sabi niya.

Natawa naman si Henry. “Alam mo, parang ikaw ngayon ang mga babaeng naghahabol sa’yo dati. Sa tingin ko, pinaglalaruan ka ni Kupido. Since hindi mo pinapansin ang mga date mo na naghahabol sa’yo pagkatapos mo silang i-date, ikaw naman ang nakararanas ngayon kung paano maghabol.”

“Worth it naman ‘yong babaeng hinahabol ko, Henry.”

“Ibig mong sabihin, hindi ka worth it habulin?”

“Let’s just say, nagbago na ako. Nagse-seryoso na ako ngayon.” nakangiting sabi niya.

“Okay, lover boy. Tapos ka na ba sa cooking lessons mo? Art lessons na ang sunod then, speech class naman.” bungad sila ni Xanthia. May dala itong puting t-shirt at canvass.

Ang sinasabi nitong art lessons ay iyong pagtulong nito sa kanya upang gumawa ng isang art work na ibibigay niya kay Caraleigh. Ayon kasi kay Lemon ay mahilig si Caraleigh sa mga art work kaya may sarili itong art work shop. Ang tinutukoy naman ni Xanthia na speech class ay ang pagpapaturo niya kay Yngrid nang mga banat lines na uso raw sa panahon ngayon.

Get ready for the new and improved Cage, Caraleigh!

“GOOD morning!” masayang bati ni Caraleigh sa kung sino o anuman ang mabungaran niya pagbukas niya ng bintana ng kanyang kwarto. Maganda ang naging panaginip niya dahil nakasama niya ang tatlong taong naging mahalaga sa buhay niya. Si Brian, ang Papa Art niya at ang kanyang Mama France. Iyon nga lang, sadyang sa panaginip lang ang lahat.

“Good morning, beautiful!” ganting bati sa kanya ng kung sino. Hinanap niya ang pamilyar na boses na iyon at nakita niya si Cage na nakahubad habang naglilinis ng kanyang kotse sa may garahe na kitang-kita sa kanyang kwarto.

“Ano’ng ginagawa mo dito?” singhal niya rito.

“Pagsisilbihan ka, o aking prinsesa.” makatang sabi nito. Nagbigay pugay pa ito sa kanya at yumukod.

Naikuyom niya ang kanyang mga kamay dahil hindi ito tumupad sa kanilang pinag-usapan. Dalawang araw pa lang ang nakararaan nang sabihin niya ritong hindi niya ito gusto at hindi niya ito gugustuhin kahit kailan ay nandito na naman ito ngayon sa kanyang harapan at nangungulit.

Bumaba siya ng hagdanan at nagdiretso papunta sa kanyang garahe. Pero napatigil siya sa pagsugod dito dahil nakita niya sa malapitan kung gaano ka-ganda ang katawan nito. Ma-muscle ang mga braso nito pati na rin ang tiyan nito. Six pack abs, huh?

Ipinilig niya ang ulo sa isipin at sinunod ang naunang plano.

“’Di ba nag-usap na tayo? Sinabi ko na sa’yong hindi kita gusto, ‘di ba?” sita niya rito.

“Susunod sana ako sa kasunduang ‘yon kung nagtugma ang sinasabi mo sa sinasabi ng mga mata mo.” makahulugang sabi nito.

Damn him! “Ang kapal naman ng mukha mo! Are you insinuating that I like you?”

“Yes and that you’re trying to fight the feeling inside you that you like me too.”

“Ho-ho! Ang kapal talaga ng mukha mo!” inis na wika niya rito saka ito sinugod ng suntok. Pero agad naman itong nakailag at nasalag ang kanyang kamao. Naiinis na binawi niya iyon mula dito at agad na nagbigay ng panibagong suntok na nailagan muli nito.

“Tanggapin mo na, Caraleigh. I’ll be like your ‘libag’ that you can’t remove!” nakangising sabi nito habang iniilagan ang mga ibinibigay niyang suntok.

“Wala kang aasahan sa’kin!”

Sa huling suntok na ibinigay niya rito’y tinamaan na ito sa panga. Hindi nga niya alam kung sinadya nitong magpatama o ano. Mas malaki sa kanya si Cage at kung gugustuhin nitong patigilin siya’y kanina pa nito ginawa. Pero mukhang nag-e-enjoy ito sa pakikipaglaro sa kanya kanina kaya hinayaan lang siya nitong magsayang ng enerhiya.

“You got to try harder if you really want me out of your life, Caraleigh.” seryosong saad nito.

“Cage, sabihin mo nga sa’kin. Ano ang nagustuhan mo sa’kin? As far as I know, ‘di hamak na mas magaganda at sexy kaysa sa’kin ang past dates at girlfriends mo. Ano’ng mayro’n ako at nagsasayang ka ng panahon sa’kin?”

“You’re more than what meets the eye, Caraleigh. You’re real, you’re beautiful and funny, you’re different and I like you. I like your name. I like how you handle things. I like how you bring yourself together. I like how you make complicated things easy. I like how you talk, walk, drink, watch and smile. I really don’t know. All I know is just I like you.”

Shit! She was caught off guard. Napatulala lang siya sa lahat ng sinabi nito. Nawala ang lahat ng inis na naramdaman niya para rito kani-kanina lang. Hindi ito ang kilala niyang Cage. Gusto niyang sabihin sa sarili niya na nagsisinungaling lang si Cage at niloloko lang siya nito pero hindi naniniwala ang puso’t isipan niya dahil nakikita niya sa lahat ng galaw ni Cage na totoo ang sinasabi nito.

Isa siyang detective at marunong siyang kumilala ng tao. Alam niya kung sino at hindi ang nagsasabi ng totoo. Sa sapantaha niya kay Cage, nagsasabi ito ng totoo pero ipinagpipilitan niya sa kanyang sarili na hindi totoo ang lahat dahil natatakot siya rito. Natatakot siya sa maaaring gawin ni Cage sa kanya.

Hindi dahil maaaring gawan siya ng masama ni Cage kundi dahil baka makuha nito ang loob niya.

“Cage, uulitin ko-----------“

“Try to say ‘no’ and you’ll still see me here tomorrow. Subukan mo ulit akong itaboy at babalik pa rin ako sa’yo hanggang sa magsawa kang itaboy ako at magmakaawa kang manatili naman ako.” anito sa kanya.

“Napaka-complicated mo, Carl Gerrod!” sabi niya rito.

Nagmartsa siya papasok sa bahay niya at dumiretso siya sa kanyang kusina. I just need coffee. Ngunit papasok pa lang siya sa komedor papunta sa kusina ay nakaamoy na siya ng piniritong danggit at kape.

“What the hell?”

“I cooked breakfast. I hope you don’t mind. Don’t worry, walang hipon at chicken sa mga ‘yan. Sabi ni Lemon, danggit daw ang favorite mo kaya ‘yon ang niluto ko.” paliwanag ni Cage. Hindi na siya nakaangal pa dito dahil hinila na siya nito palapit sa hapag-kainan at dahan-dahang iniupo sa kanyang upuan.

“Hindi mo kailangang gawin ang lahat ng ‘to, Cage.” aniya rito.

“I want to. And there’s no way you could stop me. Let’s eat.” masiglang sabi nito saka nilagyan ng sinangag na kanin ang kanyang pinggan.

Malakas ang convincing effect sa’kin ng danggit at kape kaya maswerte ang Cage na ito ngayon.

“Salamat. Pero, teka, wala ka bang opisina ngayon?”

“Mayro’n. Babalik ulit ako sa bahay para magpalit ng damit.”

Tinitigan niya ito. Hindi siya ang Cage na kilala ko. “Cage, bukas, ‘wag mo na ‘tong gagawin ha. Nakakaabala na ako sa’yo.”

“Just so you know, I liked to be bothered by you. So, keep on bothering me.” anito. Nang bigyan niya ito nang isang kunot-noo’y ngumisi ito. “Just kidding.”

“Seriously, Cage----------“

“Caraleigh, para kang oatmeal.” biglang sabi nito.

“Huh? Bakit?”

“Because you’re good to my heart.”

Alam niyang pick-up line lang iyon. But her jaw drop because of amazement. “Para kang sira, Cage. Kumain ka na lang nga dahil pareho pa tayong may pasok.”

“Caraleigh, I’m a bee. Can you be my honey?” hirit pa nito.

“Cage, bumenta na ‘yan sa palengke at sa mababang presyo lang kaya hindi ‘yan bebenta sa’kin.” Napasimangot ito na ikinatawa niya.

“Sabi ni Ynrgid, uso daw ‘yon ngayon.” anito.

“Ah, so, si Yngrid pala ang master mo ngayon?” amused na tanong niya.

“Siya ang nagturo sa’kin. Which reminds me. May…ginawa nga pala kami ni Xanthia para sa’yo pero nasa kotse ko kaya mamaya ko na lang ibibigay.”

“Pati si Xanthia, involve din sa kalokohang ito?”

“Oo naman. Tayo kaya ang favorite love team ng mga ‘yon.”

“Love team?”

“Oo. You know, you and I…are counted as one.”

Hindi niya alam kung bakit pero kahit na corny ang mga binibitiwang salita sa kanya ni Cage ay iba pa rin ang mga dating niyon sa kanya.

Peste ka, Cage! Kung anu-ano na ang nararamdaman ko ngayon dahil sa ka-corny-han mo.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.