Dominant Series 1 & 2: Abducted and Luscious Chapter 14

"Release the old man, Farhistt,” saad niya kay Farhistt nang magkaharap sila nang araw na iyon. Sandali niyang iniwan ang dalaga sa silid nito na tulog pa. Nasa isla niya ang lalaki pero hindi sa pribadong bakasyunan bahay niya, kundi do’n sa pinaka-main part ng isla.

“Okay.” Kinuha nito ang cellphone at tinawagan ang nagbabantay sa matanda. Narinig niya ang pag-uusap nito at bumaling ito ng tingin sa kaniya, “He wants to speak with you, Cuhen.” Ibinigay sa kaniya ni Farhistt ang cellphone.

“Mr. Malcogn, pasensya na at hihilingin ko sana na sa iyo muna ang anak ko. huwag mong hayaan na ibigay siya kay Mr. Vergan. Though I know na hindi siya sasaktan ni Kleve pero ayukong sa masamang tao mapupunta ang aking pinakamamahal na anak, I love her so much and as a father, I’m looking the best for her.”

Hindi siya nakahuma sa sinabi nito. Natawa siya ng walang ingay. Masyado yata itong bobo at sa kaniya pinagkatiwala ang dalaga. Hindi ba nito alam na ilan beses niya ng inangkin ang anak nito?

“Mahal na mahal ni Ellah si Kleve pero ayukong magsisi siya sa huli.”

Sandaling tumigil ang pag-iisip niya sa unang sinabi nito at saka siya napangisi. Mahal?

“Okay.” Akmang ibaba niya na ang cellphone pero nagsalita pa ito.

“Please tell her how much I love her. Take care of my daughter, Mr. Malcogn and please bid her my goodbye. Thank you.” At pinatay na nito ang sa kabilang linya.

Napakuyom siya ng kamay at padaskol na binigay kay Farhistt ang cellphone. Wala siyang panahon para sa kahit anong drama.

Nagsimula siyang gumalaw ng pailalim. Kung siya ang tatanungin, gusto niyang patayin agad si Kleve. But no, simulan muna niyang hukayin ang ugat at mga kasamahan nitong pumatay sa asawa niya. Inisa-isa niya iyon sa pag-hunting. Saka niya na patayin ang pinaka-big boss para masaya ang larong una nitong sinimulan. Pero ang hindi niya napaghandaan ay ang malaman pinatay si Don Hernandez. Hindi sapat ang dalawang bodyguard na binigay niya rito dahil sa mismong kama nito kung saan ito natutulog na pinatay. Napangisi na lamang siya sa nalaman. Mas lalo siyang binigyan ng rason nito na madaliin niya ang lahat.

Ibinagsak niya ang kopitang hawak sa side table ng kaniyang silid at tinungo ang kama saka humiga. Kailangan niyang magpahinga. Babalik na siya bukas para harapin na naman ang trabahong sandali niyang iniwan para lang sa paghihiganting ginawa niya kay Kleve. Wala na siyang pakialam kung magkapatid ba sila o hindi. Hindi matimbang sa kaniya ang dugo kung ang dugo na iyon ay mas maitim pa sa dugo niya. Matagal siyang nakatitig sa kesame nang marinig niya ang malakas na kalabog sa kabilang silid. Damn! Mabilis siyang napa-takbo sa kabila. Natigilan siya sa nakitang nakakapit si Ellah sa side table at inaayos ang pagtayo.

Napakunot siya ng noo at akmang tatalikuran ito para bumalik sa kaniyang silid nang tawagin nito ang kaniyang pangalan.

“Cuhen...”

Napakuyom siya ng kamao at tuluyan itong iniwan.

Pinipigilan ni Ellah na pumatak ang kaniyang luha. Nahulog siya. Sa kaiikot niya, hindi niya napansin na nasa gilid na pala siya ng kama. Nasaktan ang kaniyang balakang pero mas nasaktan ang puso niya. Gusto niyang magpasalamat rito sa pagligtas sa kaniya sa kamay ni Kleve pero wala pa siyang lakas na loob sa ngayon. Kinakain pa rin siya ng takot.

Napabuntunghinga siya at nagtungo sa hardin. Dalawang lingo rin siya nawala at aminin man niya o hindi, namiss niya ang mga bulaklak na naroon at ang mapayapang kapaligiran. Nakaupo siya sa log bench na naroon at sandaling naalala ‘yong araw na ando’n sila ng binata sa gitna ng hardin.

“Hey, beautiful!”

Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. Isang greekgod na naman ang nakita niya at kung hindi siguro si Cuhen ang unang nakita niya, baka nalaglag na ang panty niya sa kagwapuhan nito. Bakit ba may mga nagsikalat na greekgod ngayon sa isla? Hindi kaya patay na sila pareho ni Cuhen at nasa langit na?

“I’m Azael Aadi Legrand.” Tumabi ito ng upo sa kaniya at hindi na nag-balang magtaas ng kamay para magdaupan palad sila.

“Patay na ba ako?” wala sa loob na tanong niya na hindi magawang iwaglit ang tingin dito.

Tumawa naman ito ng nakakaloko. “Hindi. Masyado lang talaga akong gwapo kaya napapagkamalan mo akong isang napa-kagwapong anghel.”

“Okay...” nagbawi siya ng tingin at ibinalik sa gitna ng hardin ang mata. Sandali siyang napatigil nang mahagip ng mata niya ang punong manga sa unahan na hitik sa bunga. Nakaramdam siya ng panunubig ng bagang sa nakita. Mabilis siyang tumayo at tinungo iyon. Gustong-gusto niyang kumain kahit dalawa lang sa mga iyon. Kahit dalawa lang talaga!

“Gusto mo ng mangga nang ganito kaaga?”

Namalayan niyang sumunod sa kaniya ang lalaki at nagtatakang napatingin sa kaniya. Mabilis siyang tumango bilang tugon. Napangiti naman ito at napakamot sa ulo. May kataasan kasi ang puno ng mangga at hindi siya pwede ang umakyat dahil lasog ang katawan niya pag siya ang bumagsak.

Lumarawan ang saya sa mukha niya nang kunan siya nito ng dalawang manggang hilaw. Dalawa kasi ang ibinilin niya sa lalaki at sinunod naman siya nito na natatawa. Ito pa ang nagkusang nagbalat sa mangga at tulad ng gusto niya, toyo at asukal ang sawsawan na dala nito.

“Ito na po aking mahal na prinsesa.” pabiro pa itong yumu-kod sa harapan niya na ikinatawa niya. Magaan ang loob niya kay Azael dahil siguro sa aura nitong palaging masaya at nakangiti.

“Salamat, A-azael!”

Aliw na aliw lang sa panonood sa kaniya ang lalaki habang kumakain siya ng mangga. Ngayon siya naniniwala na masarap talaga pala ang mangga lalo na pag hilaw. Wala rin siyang planong bigyan ang binata dahil gusto niya kaniya lang lahat iyon.

“I’m glad na naka-recover ka na.” Nakangiti ito.

Hindi siya umimik. Nanatili lamang siyang kumain ng mangga hanggang sa maubos iyon. Nagulat pa siya nang abutin nito ang kaniyang pisngi at bahagyang pinisil.

“You remind me of my little sister,” seryusong wika nito at sandaling dumaan ang malungkot na kislap sa mga mata.

“Fuck! Get your filthy hands of her, Azael Aadi.”

Napasinghap siya sa nakitang galit sa mukha ni Cuhen nang tingnan niya ito. Malalaki ang hakbang nito na ngayon ay papalapit na sa kanila. Madilim ang anyo at anuman oras ay handang lalapa ng tao.

Natatawang lumayo naman sa kaniya si Azael at namulsa. “Hey, Cuhen! What’s up? Iniwanan mo ako sa isla nang hinayupak mong half brother, ah! Lakas ng trip mong gago ka.”

Tahimik lamang siya. So kasama nito ang binata sa pag-raid kagabi. Ano nga ba ang nangyari sa isla? Pinatay ba nito lahat ng mga taong nandoon? Paano na ang mga pamilya ng mga ito? Hindi man lang ba binigyan ng mga ito ng panibagong pagkakataon ang mga taong iyon kahit sabihin pa na masasama ang mga ito?

“E-excuse me.” Nagmadali siyang umalis at tinakbong tinungo ang silid. Pero sa pagmamadali niya, nadapa siya sa bungad ng pintuan. Katangahan niya! Sandali siyang napapikit sa sakit ng kaniyang tuhod.

“Bakit ba sobrang tanga mo?” Nasa likuran niya ang binata. Hindi man lang niya namalayan ang mabilis na paglapit nito.

Nagmadali siyang tumayo ngunit agad niyang naramdaman ang pag-angat ng kaniyang katawan sa ere. Binuhat siya ni Cuhen at sa ikalawang pagkakataon, malaya niyang napagmasdan ang mukha nito. Parang sinuntok ang kaniyang puso ng mga sandaling pinagmamasdan niya ito. Nasasaktan siya ng hindi niya alam.

“C-cuhen,” tawag niya sa binata.

Hindi ito natinag. Patuloy ito sa paghakbang patungong hagdanan habang nasa bisig siya nito. Mapait siyang napangiti. ‘yong pagkamuhi at labis na pagkasuklam na naramdaman niya para rito ay ngayon wala na. Ang pumalit, ang pagmamahal pa rin niya sa binata na akala niya ay mawawala pero ngayon pakiramdam niya mas lalo yatang umusbong. Pero may isang problema, hindi pwede ang pagmamahal niya.

“S-salamat,” pinikit niya ang mata. Ayaw niyang makita ang reaksiyon nito at kailangan niyang ihanda ang sarili. Hindi niya alam kung ano ang plano ni Cuhen.

“Don’t be,” anito.

Hindi siya sumagot. Hanggang sa marahan siya nitong inilapag sa kama ng silid niya saka kinumutan.

“Dadalawin natin ang ama mo bukas.”

“Pwede na ba akong bumalik sa dati kong buhay?”

Tumiim ang titig nito sa kaniya at parang tinitimbang ang kaniyang sinabi. Matagal ito bago sumagot, “No.” Saka siya nito iniwan.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.