Nakakatawa pero wala siyang insip kundi sana lumitaw ito at ilayo siya sa demonyong nasa harap niya. Mas gugustuhin niyang angkinin siya ng isang Cuhen Malcogn kesa sa lalaking akala niya, kilalang-kilala niya pero nagkamali siya.
Biglang bumukas ang pintuan at tumilapon ang lalaki sa kawalan na nakapatong sa kaniya. Mabilis niyang niyakap ang sarili at tiningnan kung sino ang lumitaw para tulungan siya.
Cuhen!
Napaiyak siya. Hindi sa takot, kundi sa saya. Gusto niyang takbuhin ito at yakapin pero wala siyang rason gawin iyon kaya nagkasya siyang yakapin ang sarili.
“Fuck!” galit na bumunot ng baril ang binatang lumagpak sa sahig nang makabawi ito pero nakaumang na ang baril ni Cuhen dito.
“Last time I checked, bugbug-sarado kita at binigyan ng ilang araw para damhin mo ang dahan-dahang pagkawala ng mga negosyo mo. Pero ngayon, maniningil na ako. Dugo sa dugo. Buhay sa buhay.” Ngumisi ito.
Galit na nagpaputok ng baril si Kleve kay Cuhen kaya napatakip ng teynga si Ellah. Nakailag naman ang huli at binigyan ito ng isang tama si Kleve sa kamay nitong may hawak na baril. Napahiyaw ito sa sakit. Nakaramdam siya ng awa sa binata pero hindi iyon sapat para mawala ang galit at pandidiri niya rito.
“Ang negosyo at pera napapalitan, hindi ang buhay.” kakalabitin sana nito ang trigger ng baril pero pumagitna siya.
Lumuluhang humarang siya sa binata. “Cuhen, no!” Ayaw niyang pati ang kamay nito ay madudungisan. Hindi niya kayang makitang pumatay ito. Ngayon naiintindihan niya lahat ng nangyari.
Tumitig ito sa kaniya pero hindi niya makita ang ibig sabihin ng mga emosyon sa mata nito, “Kahit buhay mo pa ang iharang mo, Ellah, walang makakapagpigil sa`kin ngayon na pumatay. The game is over,” mabigat na saad nito.
“Hindi ikaw ang batas, Cuhen!” walang pagdadalawang sigaw niya habang sunod-sunod na nagsibagsakan ang kaniyang mga luha.
“Tama ka, hindi ako ang batas pero pag hindi ka aalis sa pagkakaharang mo, isasabay kita.”
At sa kauna-unahang pagkakataon, nakita niya ang pagsi-labasan ng mga ugat sa leeg nito at pagtalim ng mga mata. Habang siya ay hindi makahuma sa sinabi nito. Gusto niyang matawa, kung sabagay sino ba naman kasi ang may sabing ililigtas siya nito? Ang ayaw lang naman niya ay makita itong may pinatay mismo sa harap niya.
Parang hinati ang kaniyang puso sa sakit. Bakit ba siya nasa-saktan? Alam naman niyang hindi siya importante rito pero bakit nga ba nandito ang lalaki sa harapan niya?
Napapikit siya at biglang nagtakip ng teynga nang marinig ang malakas na putok ng baril. Halos mabingi siya sa sobrang lakas. Pinakiramdaman niya ang katawan, wala ni isang masakit pero nang magmulat siya ng mata, ang kanang balikat ni Cuhen ang may tama ng baril.
Binaril ito ni Kleve na ngayon ay hinapit siya sa katawan nito at ginawang pangdepensa. Hindi niya magawang magwala sa nakaumang baril ni Kleve sa noo ni Cuhen. Nasapo naman ng huli ang balikat nitong may tama at nakangising nakatingin sa kaniya.
“One move Cuhen and you will die,” banta ni Kleve rito.
“Kaya kitang patayin kahit magtago ka pa sa karayom, bastardo!” walang pag-alinangan saad nito. Tila balewala ang sugat na natamo.
Bigla naman nagdikit ang kilay ni Kleve sa narinig at mas lalo siyang hinigpitan sa pagkakahawak. Ang kamay nitong dumu-dugo ang siyang pumipigil sa kaniya. Tila sanay ito sa sakit dahil balewala lang nito ang sugat. Habang siya, napaigik dahil hindi siya makahinga ng maayos habang hapit niya ang sariling dibdib na hindi ma-expose.
“Oo, isa akong bastardo. Bastardo ng Malcogn. Hindi ako tinanggap ng puta mong ama! Nabigla ba kita? Hindi mo maalala ‘di ba?”
Napapikit siya. Bakit ba nakakalito ang mga nangyayari ngayon? Hindi niya na maintindihan ang lahat.
Please tell me God, I’m dreaming right now. Please...
Pero kahit siguro iuntog niya ang ulo, nasa reyalidad siya ngayon ng dalawang matataas at makapangyarihan na tao sa larangan ng pera at negosyo.
“Matagal ng patay ang bastardo namin kapatid,” nakangisi pa rin si Cuhen, “At alam kong hindi ikaw iyon.”
Ngumisi naman si Kleve. Nakikita sa mata nito ang determinasyon na patayin nito ang binata gamit sa baril nito. “Pero bakit nasa harapan mo siya ngayon? I know you won’t recognize me at all. Remember the old days na nagpunta kami ng ina ko sa inyo, walong taon gulang pa ako no`n. May sakit ang ina ko at gusto lang namin humingi ng konting tulong. Tinaboy kami ng putang ama mo at sinampal ng pera ng putang ina mo ang Nanay ko. You were there that time. Wala kang ginawa. Tumalikod ka lang na parang walang nangyari. Namatay si Inay. Naging palaboy ako. Inampon ako ng isang pamilyang druglord. Binihisan. Tinuruan lahat ng masamang gawain at nang mamatay, sa`kin pinamana kaya nakaya kong sabayan lahat ng negosyo mo. Huwag kang mag-alala, kukunin ko lahat ng pagmamay-ari mo. Oo nga pala, inuna ko na ang dalawang mahalaga sa`yo,” sabay halakhak ni Kleve na tuwang-tuwa sa galit na makikita sa mukha ni Cuhen.
Parang pinagsaksak ang kaniyang puso. Kahit kailan hindi nagkwento si Kleve sa kaniya about sa totoong pamilyang pinag-mulan nito, nakaramdam siya ng awa.
Habang walang emosyon lang na nakangisi si Cuhen, “You want me to welcome you with my bullets, brother?” sarcasm was on his tune.
“After all, naipagganti ko na rin ang ina ako at isusunod kita sa kaniya. Pinatay ko ang ina mo at ang putang-inang fiancée mo. Goodbye, bro.” nakangising pinihit ni Kleve ang trigger pero hinawi niya ang kamay nito kaya dahilan na tumama sa kung saan ang bala nito.
“Kleve please... Itigil mo na ito,” pagmamakaawa niya sa lalaki pero nagulat siya nang may tumamang bala sa balikat nito kaya napahiyaw ito sa sakit.
“Cuhen, ‘wag!” malakas siyang napahiyaw. Ayaw niyang may magpapatayan mismo sa kaniyang harapan. Hindi niya kaka-yanin ang rebelisasyon na dalawang magkadugo ang magpapatayan ngayon.
Mabilis niyang dinaluhan si Kleve habang umiiyak na nakatingin dito. Mabait ang binata simula nung naging boyfriend niya ito. Iyon nga lang, mamamatay tao ito pero may batas na magpaparusa sa lalaki. Kaya kahit galit siya rito at nasusuklam, awa pa rin ang nararamdaman niya sa kabilang bahagi ng utak niya. Nakita niyang nasaktan ang lalaki at akmang babarilin nito si Cuhen pero naunahan ito ng binata.
“Noooo!!!”
Biglang tumigil ang kaniyang mundo at sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Bago pa niya ma-realized kung ano ang nangyari, bigla siyang bumagsak. Bakit? Bakit nagawa ito ni Cuhen? Bakit nga ba? Ang dami niyang bakit pero lahat ng iyon ay sumama sa kadiliman.
NAPAIYAK siya nang ma-realized niyang nasa silid siya kung saan siya unang tumakas. Nasa isla siya na pag-aari ni Cuhen at hindi niya mapigilang humikbi.
Dad please help me! Naguguluhan na ako...
Hanggang sa panaginip, nakita niya ang katawan ni Kleve na bumagsak at naliligo sa sariling dugo. May tama ito sa noo at dilat ang matang nakatunghay sa kaniya. Asintado! Nasentro nito ang noo ng lalaki.
Nakita niya mismo sa sariling mata na pinatay ito ni Cuhen. For God sake! Magkapatid ang dalawa pero nagawa pa rin itong patayin ng binata dahil sa galit.
Dad alam kong nabibigyan hustisya na ang pagkamatay mo pero pakiramdam ko, ang hungkag ng puso ko. May kulang! Dad wala ka na... Wala na rin si Kleve na minsan naging sandalan ko. Wala na kayo, iniwan niyo na ako.
“I’m glad you finally awake.” Mula sa labas ay pumasok si Cuhen. Nakapamulsa ang isang kamay at nagbalik ang hitsura nitong walang emosyon.
Ngayon naipaghiganti na nito ang pagkawala ng mahal nito sa buhay, ano ang susunod na gagawin nito sa kaniya? Pinunasan niya ang luha at sumiksik sa gilid ng kama. “Gusto kong... Gusto kong malaman kung saan nakahimlay ang ama ko.” Hindi ito sumagot kaya napilitan siyang magtaas ng tingin at salubungin ang mata nito. Wala siyang mabasang kasagutan pero tumango ito bilang pagsang-ayon. “P-paano mo nakayang patayin si Kleve sa... sa... harapan ko mismo. Paano m-mo nagawang kunin ang buhay ng taong dapat magdusa sana sa kulungan. Kapatid mo siya!”
“Huwag mong kwestiyunin ang kaya kong gawin. Kaya kong bumili ng kaluluwa at patayin mismo sa harapan mo.” Tumalikod na ito at iniwan siya.
Napakagat labi siya para pigilan ang luha. Nasasaktan siya sa sinabi nito. He is being ruthless again. Kung sabagay, kailan ba ito naging mabait sa kaniya? Dapat niyang itatak sa isipan ngayon ang lalaking kaharap ay isa sa taong nagpahirap sa buhay niya. Nagpahirap nga ba?
“Hi!” Mula sa labas ay may pumasok na panibagong tauhin. Isang greekgod sa kagwapuhan pero nanatiling si Cuhen ang gwapo sa kaniya. “I’m Hudson Herrence Hayes. A Doctor and Cuhen’s bestfriend.”
Hindi siya interesado. Nagyuko lang siya ng tingin.
“Wala naman masama sa`yo. Iyon lang sigurong nag-breakdown ka sa nakitang daming dugo at pagkagulat—”
“Please, gusto kong mapag-isa,” putol niya sa anuman sasabihin nito. Presko pa sa kaniya ang lahat. Humiga siya sa kama at nagtalukbong ng kumot.
“Okay, I’m sorry.”
Narinig niya ang yabag na papaalis na ito pero sandali itong tumigil sa pintuan. “And you are 1 month pregnant.” Tuluyan nitong isinara ang pintuan.
Mabilis siyang napabangon at dinama ang tiyan. Muling naglandas ang mga luha sa mata niya. Kamamatay lang ng mga mahal niya sa buhay at ngayon, panibagong yugto na naman ang kaniyang haharapin. Nagbunga ang palaging pag-angkin sa kaniya ni Cuhen pero ang tanong, pananagutan ba siya nito? Hindi siya nito mahal.
Baby ikaw ha, ang aga mo nabuo sa tummy ni Mommy. Paano iyan, hindi naman tayo love ng Daddy mo? May mahal siyang iba at hindi ako. Hinding hindi niya ako magagawang mahalin.
NAPATITIG sa kawalan si Cuhen mula sa kaniyang silid na kinaroroonan niya ngayon. Marahan niyang sinimsim ang wine na hawak sa isang kamay. Walang ibang pumasok sa isipan niya ngayon kundi ang pagkaramdam ng saya na binigyan niya ng tuldok ang buhay ng isang Kleve Vergan. Dapat hindi lang isa ang balang tamuhin nito. Kung hindi lang nag-collapsed ang babae, baka pinuno niya na ng bala ang katawan nito hanggang sa maubos ang full loaded magazine niya.
“Bro!”
Napailing siya sa paraan ng pagtawag sa kaniya ni Herrence. Kung anu-ano lang ang tinatawag nito sa kaniya at minsan gusto na niya talaga itong patayin. Dinidisturbo na naman nito ang kaniyang pananahimik sa mga sandaling ito.
“What?” padaskol na tanong niya.
“Akala ko ba magiging okay at masaya ka na pag nabigyan mo ng hustisya ang pagkamatay ng ina mo at ni Florae. Bakit parang namatayan ka yata d’yan?”
“Of course, I’m happy. Now get out!” asik niya rito at binig-yan ito ng masamang tingin.
Humalakhak lang ito. “I didn’t know na magkapatid pala kayo ni Kleve. No wonder na pareho kayo ng likaw ng bituka. Fuck! Isipin mo iyon, siya ‘yong kapatid mong bastardo na pinahanap mo pero biglang naglaho. Kahit 100% investigating ang skills natin ay hindi gumana sa paghahanap sa kaniya noon.”
“Shut the fuck up!”
Sandaling namagitan ang katahimikan sa kanila.
“Nakuha mo na lahat. Anong balak mo sa anak ni Don Hernandez? ‘wag mong sabihin itatago mo na naman siya rito sa isla mo?”
Hindi siya tumugon. Nanatili lamang siyang nakatingin sa kopitang may laman wine. “She has nowhere to go. Much better if she’ll stay here,” mayamaya'y saad niya.
Napailing-iling si Herrence. Matagal itong nakatitig sa kaniya na parang may gustong sabihin pero wala siyang pakialam. “Okay, I need to go. My yacht is waiting for me.” Tumalikod na ito. “By the way, be good to her. You don’t know what’s running on her little mind.”
Fuck you!
Nagpatuloy lamang siya sa pagsimsim ng wine kasabay ng pagkaalala niya sa nakaraan...