Dominant Series 1 & 2: Abducted and Luscious Chapter 16

"Fuck! Galit na hinabol niya ito at walang pagdadalawang isip na pinangko sa kaniyang bisig. Nagsisigaw ang dalaga sa kaniyang ginawa pero wala siyang pakialam. Masyado ng inubos ng babaeng ito ang kaniyang pasensya. Hindi niya makakalimutan ang biglang pagkawala nito sa sementeryo na kasama ang kaniyang pinsan.

Masyadong seryuso ang pinag usapan nila ni Farhistt kaya nalingat siya. Ang masaklap pa, sinira nito ang tracking device na nakasabit rito. Natagalan din siya sa paghahanap dahil sa pesteng pinsan niyang may pakana.

Pero bakit nga ba niya ito ginagawa? Bakit nga ba? Hindi niya alam kung bakit pa niya ito ginagawa. Basta isa lang ang nasa isip niya sa mga oras na ito, ayaw niyang pakawalan ang dalaga. Naninibago pa siya sa nararamdaman niya kaya hindi ito pwedeng umalis sa isla na hindi siya kasama.

Napasulyap siya sa dalagang nagkabulol ang kilay na nakaupo sa isang sulok sa loob ng chopper. Unang pagkakataon na makita niyang inis na inis ito at walang pakialam sa kaniyang pre-sinsya. Damn it!

Hindi man lang ito tumitingin sa kaniya at lalong nagsisigaw ang inis niya kay Azael. Swear to God, babalian niya talaga ito ng buto! Hanggang sa umabot sila ng isla, nakasimangot lang ito at nauna pang bumaba sa kaniya. Tinakbo na nito ang kabahayan at hindi siya hinintay man lang.

Fuck! Fuck!

Galit na sinipa niya ang mga damo. Bakit hindi niya nagustuhan ang kilos nito ngayon laban sa kaniya? At ito pa ang may ganang umakto ng ganito, halos mabaliw siya kanina sa kahahanap. Sumali pa si Herrence at Farhistt. Kung hindi siguro nito kasama si Azael, mahahanap niya agad ito pero dahil kasama pala nito ang binata kaya nahirapan sila sa paghahanap kanina. Damn! Kung alam lang nito na halos suntukin niya bawat makakasalubong sa daan dahil sa galit.

Mabilis siyang sumunod sa dalaga pero siradong pintuan ng kwarto ang sumalubong sa kaniya. Sinubukan niya itong katukin pero hindi siya nito pinagbuksan. Nakakapagtaas ng dugo! Hindi ito ganito kahapon o kahit nung magkasama pa sila rati. Ngayon lang simula nung pesteng pinsan niyang puro gwapo lang alam. Inis na dinial niya ang cellphone at tinawagan si Azael sa kabilang linya.

“Hey putangina!” tawang-tawa na bungad nito. “Maliban sa binigyan mo ako ng black eye at sinira mo ang kotse ko, anong maipaglilingkod ko?”

“Don’t show yourself to me asshole. I’ll shoot your dick!” Binato niya sa dingding ang kawawang cellphone. Pero bago iyon, narinig pa niya ang malutong na tawa ni Azael sa kabila.

NANATILING nakamasid sa kawalan si Cuhen nang gabing iyon sa labas ng terrace. Nasa isang kamay niya ang bote ng whiskey. Damn! Hindi siya dinadalaw ng antok kahit gusto niyang matulog. May bumabagag sa kaniyang isip at hindi niya alam kung. Tinungga niya ulit ang whiskey at padarang na humiga sa kama. Gusto niyang magwala sa isiping buong araw siyang pinagtaguan ng dalaga sa kwarto nito.

Lalabas lang ito at kakain pagkatapos, magtatago ulit sa silid nito na parang may nakakahawa siyang sakit. Kung sabagay, hindi niya ito masisisi, gwapo ang pinsan niyang si Azael. Pero fuck! Mas gwapo yata siya.

Bigla siyang napatayo at nagtungo sa silid ni Ellah. Nasa labas siya ng pintuan nakatayo at nagdadalawang isip kumatok. Alam ni Cuhen na hindi siya pagbubuksan nito. Wala rin siyang sasabihin sakaling pagbuksan siya ng dalaga. Damn! Ano ba ang nangyayari sa kaniya? Nagpasya siyang bumalik ng kaniyang kwarto at pabalang na humiga sa malambot na kama. Hindi siya makapag-isip ng maayos dahil dito.

Kung alam lang ng dalaga kung gaano niya tinitimpi ang sarili para hindi haplusin ang pisngi nito sa tuwing nasisilayan niya ito. Kung gaano siya katakot sa gabing iyon na maabutan na hahalayin ito ng putang-inang bastardong kapatid niya. Oo, pagkakamali niya na hinayaan niya itong sumama sa kaaway. Ayaw lang niya mas lalong lumaki ang takot at pagkamuhi nito sa kaniya kaya kahit gusto niyang magwala ng araw na kasama ito ni Kleve, hinayaan na lamang niya.

Hindi niya tinupad ang pakiusap ng ama nito. Nakikita niya kung gaano kalaki ang galit at takot ni Ellah sa kaniya. Ayaw niyang umabot sa punto na pati pagbigkas sa pangalan niya ay kamumuhian ng dalaga kaya ang nagagawa na lamang niya ay bantayan ito bawat segundo.

Kating-kati siyang patayin ang lalaking mahal nito pero pinigilan niya ang sarili. Hindi lang sa pansariling kagustuhan, kundi ayaw niyang saktan ang damdamin ng dalaga. Wala na ang ama nito at ang pagkakaalam ni Ellah, siya ang pumatay at si Kleve na mahal nito ang mapapagkatiwalaan. Hindi siya nagpaliwanag, alam niyang sarado ang utak ng dalaga. Alam niyang nasasaktan niya ito palagi sa mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig. Walang preno ang dila niya kaya naiinis siya sa sarili lalo na pag nakikita niya kung gaano siya kinasusuklaman ng babae.

Napatingin siya sa sariling kamao, ando’n pa ang mga piklat mula sa pagsusuntok niya sa punong-kahoy at pader. Kapag nakikita niyang nasasaktan niya si Ellah, ang kahoy ang sinusuntok niya. Napangiti siya ng mapait nang maalala ‘yong araw na sinampal siya nito sa sala at umiiyak sa harapan niya...

“No. Definitely not. My decision is law. Make him pay. I don’t need a fucking bullshit exposition. Just do what I—”

Sinampal siya nito. Namumula ang ilong na nagtaas ito ng tingin at sinalubong ang mabangis na titig na binigay niya.

“H-hindi pa ba ako sapat?” dumaloy ang masaganang luha sa magagandang mata nito. Damn! Her freaking eyes are controlling him.

Kumunot ang noo niya at galit itong binitawan. Akmang tatalikuran niya ito at patuloy na kakausapin ang nasa kabilang linya nang agawin ng dalaga ang cellphone niya at malakas na binato sa sahig. Nagkadurog-durog iyon pero wala man lang itong naramdaman pagsisisi sa ginawa. Nabuhay ang galit niya.

“Fuck!” Galit siyang humarap dito at isinandal ng mariin ang dalaga sa dingding. “What the hell, slut! Hindi mo alam kung gaano kaimportante ang mga contacts ko!” Damn it! Hindi niya mapigilan ang bibig.

“Hindi pa ba ako sapat? Hindi pa ba sapat na maging kabayaran ako para pakawalan mo lang ang ama ko Mr. Cuhen Malcogn? Walang kasalanan ang ama ko, please pakawalan mo na siya! Maawa ka...” nanginginig ang labing saad nito habang hilam sa luhang tinitigan siya sa mata.

“Hindi. Hindi ka kailanman sapat na maging kabayaran para lang pakawalan ko ang mamamatay tao mong ama,” mariin saad niya at nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito.

“Ano pa ba? Ano pa ba ang kulang?! Ilang ulit ko ba sabihin sa 'yo na inosente ang ama ko at hindi siya ang pumatay sa fiancée mo at ina—”

Napasigaw ito nang tumama ang kamao niya sa dingding. Malakas iyon at pati yata siya ay mabibingi sa lakas. “Huwag mong banggitin ang namayapa kong fiancée at ina. Huwag na huwag mong banggitin kahit pangalan nila sa harapan ko. Mapapatay kita.” At dumiretso siya sa labas. Fuck! Fuck it!

Nasasaktan pa rin siya sa sinapit ng ina at ng mapapangasawa niya at hindi pa niya tanggap ang pagkawala ng mga ito kaya ganito siya, nasasaktan. Deritso niyang tinungo ang falls at lumusong do’n. Hindi niya alintana ang lamig ng tubig dahil manhid na rin ang kaniyang pakiramdam. Nagtagal siya sa ilalim ng tubig, lumitaw lang siya nung kakapusin na siya ng hangin. Pinagod niya ang sarili sa paglalangoy paparoon at paparito. Sa gano’n dahilan ay pinaparusahan niya ang sarili. Hanggang sa nagpasiya siyang umahon. Magtatakip silim na.

Walang emosyong mababakas sa kaniya na tinungo niya ang matayog na punongkahoy at malakas na sinuntok iyon. Dumugo ang kaniyang kamay pero hindi niya ramdam ang sakit. Sinuntok niya ito nang sinuntok hanggang sa nagkakasugat na ang kamay niya pati ang kawawang kahoy. Malakas siyang napasigaw at hinayaan lumabas ang mga luha na matagal niya ng pinipigilan. Patuloy niyang pinagsusuntok ang kahoy. Damn!

Lumitaw ang maamong mukha ni Ellah sa isip niya at lalong nangangalaiting sinuntok niya ang kahoy. Bakit ba apektado na siya sa bawat luha ng babae? Hindi dapat siya papaapekto ng ganito. Pero ano itong nangyayari at nasasaktan siya sa tuwing nakikita niya itong nasasaktan? Damn! Naguguluhan na siya sa nangyayari.

Bumuhos ang ulan. Malakas iyon pero nanatili siyang nakatayo ro’n. Halo-halo ang isip niya at sinusubukan niyang alisin ang mukha ng dalaga pero para itong glue na nakatatak sa kaniyang isip. Nakokonsensya na ba siya? No! Fuck it. Umupo siya sa tabi ng punong kahoy habang ramdam niya ang malakas na buhos ng ulan sa katawan. Isabay ang malakas na simoy ng hangin.

Napatingin siya sa silid ng dalaga na may kalayuan sa kaniyang pwesto. Nakapatay ang ilaw ng silid nito at naulit ang naramdaman niyang sakit. Alam niyang nasasaktan niya ito. Hindi niya kayang pigilan ang bibig. Walang preno. Lalo na pag nakikita niya ito kung gaano siya nito kinakamuhian at kinakatakutan...

Napailing siya nang maalala ang gabing iyon. Tumayo siya at tinungo ang mini bar niya sa sala. Hindi kasya ang alak na ininum niya kaya kailangan niyang magpatulog ngayon.

Umupo siya sa upuan nandoon at tumungga ng alak. Saka pumasok sa isip niya iyung araw na nakita niya ito sa talon at naliligo...

Hinanap niya ito sa buong kabahayan. Halos halughugin niya na ang paligid hanggang sa nagpasiya siyang puntahan ang talon dahil sa pagkakaalam niya minsan pumupunta ito ro’n. Hindi nga siya nagkamali, nakita niya itong naligo sa unang pagkakataon. Nakasuot lang ito ng manipis na nightdress. Nakahiga ito sa malapad na batuhan at paharap iyon sa kinakakatayuan niya. He can’t help it pero ang mapatitig sa kagandahan nito.

Bawat bagsak ng ilang tubig sa katawan ng dalaga ay nagtataas ng init sa buo niyang katawan. Nag-iinit siya at alam niyang hindi normal na init iyon. Lahat ng pagtitimpi niya ay nawala, mabilis siyang naghubad ng saplot sa katawan at tinungo ang kinalalagyan nito.

Ang unang pagkakataon na buong pag-iingat at pagsamba na inangkin niya ito sa ilalim ng tubig. Mababaliw siya kung hindi niya matikman ang angking kagandahan nito. Ah, her beauty, kaniya lang ito. Walang makakaagaw ng kagandahang ito. Siya lang ang pwedeng umangkin sa dalaga ng paulit-ulit at walang pwedeng magmamay-ari rito maliban sa kaniya.

Bawat haplos at dama niya sa katawan ng dalaga at bawat tugon nito sa mga halik niya, mas lalong nagpapadagdag sa kaniya ng kakaibang init na walang ibang makakatunaw kundi ito lamang.

Siya ang nag-asikaso rito. Odd. Hindi siya ito pero natatangay siya sa sandaling iyon. Nagpahanda rin siya ng set-up sa garden. Alam niyang birthday ng dalaga at gustong niyang bigyan ito ng masayang kaarawan sa lahat. Kaarawan na kahit silang dalawa lang. Dinala niya ito sa garden at nakita niya kung gaano ito kasaya. Oh, how he wished siya ang rason ng ngiting iyon. Ayaw niyang alisin ang napakagandang ngiti nito. Pero nagbago ang kaniyang isip sa hiling nito. Hilingin lang nito ang lahat pero huwag ang imposible! Hindi niya kayang ibigay ang hinihiling nito.

Hindi niya kayang sabihin sa dalaga na wala na ang ama nito at na-guilty siya sa sarili. Hinayaan niyang mapatay ang matandang Don. Alam niya kung gaano kamahal nito ang ama pero natakot siya. Natakot siyang baka kamuhian siya nito ng sobra-sobra pag malaman nito na wala na ang matanda, na iisipin nitong siya ang pumatay. Kaya kahit labag sa sarili, mas pinili niyang saktan ito sa araw ng kaarawan nito kesa ibigay ang kahilingan ng dalaga.

Padaskol niyang nilapag ang bote ng alak. Tamang-tama, inaantok na siya at pwede na siyang makakatulog nito. Mabilis siyang umakyat patungo sa kaniyang silid.

Kinabukasan, maaga pa rin siyang nagising. Naghanap siya ng pwedeng lutuin sa umagang iyon. It sucks! Hindi niya alam kung ano man lang ang paborito ng dalaga. Tinawagan niya si Farhisst.

“Yes?” bungad sa kaniya ni Farhistt. Halatang kagigising lang.

“Pwede mo ba i-send sa`kin ang files ni Ellah? Dapat kong malaman kung anong paboritong pagkain niya. Shit! I don’t have much time so send it to me.”

Napabuntunghinga na lamang si Farhistt sa kabila, “Yeah, wait.” At narinig niyang may kinalikot ito sa kabilang linya sabay may nag-pop message sa kaniyang cellphone. Napahinga siya ng maluwang. Maasahan talaga si Farhistt sa lahat ng bagay.

Nabasa niyang mahilig sa seafoods ang dalaga. Paboritong kulay ay bluegreen at pastel pink. Mahilig ito sa mga halaman at bulaklak. Shit! Bakit ngayon lang niya ito alam? Hindi niya pala dati binasa ang binigay sa kaniya ni Farhistt dahil wala siyang panahon dati. Takot ito sa gagamba. Ayaw nito sa mga matataas na lugar. Allergy ito sa butter. Okay got it! Hindi siya maglalagay ng butter. Favorite nito ang hipon na may gata at sinigang na bangus na may kaanghangan.

That’s it! Sa susunod niya na basahin ang susunod na document. Mabilis siyang naghanda ng pagkain na gusto nito. Gahol niyang hinalungkat ang refrigerator at naghanap ng hipon at bangus. Napahinga siya nang makitang marami siyang stock. Mabilis niyang inihanda ang bawat sangkap na kakailanganin niya. He’s practically good when it comes to kitchen kaya alam niyang masarap ang lutong ihahanda niya ngayon. Baka kapag natikman ito ng dalaga, maiiyak ito sa sarap.

Umuusok pa ang hinanda niyang pagkain sa mesa nang bumaba ito. Agad gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi pero mabilis din nawala nang makita ang nakasimangot na mukha nito. The fuck! Ano na naman ba ang nakita nito? Hindi ito ganito sa kaniya dati, ah.

Tumikhim siya, “Good morning!” masiglang bati niya at nagdadalawang isip ito kung lalapitan ba pero ang huli ang pinili niya, huwag na.

“Ano ba ‘yan niluto mo?” hindi pa rin nawala ang simangot nito.

Lihim siyang napabuntunghinga, “Ginataang hipon at sinigang na bangus na may sili,” masiglang saad niya.

Kumislap ang mata nito at nakaramdam siya ng kasiyahan. Agad itong lumapit sa mesa at sinimulan tikman ang hipon na niluto niya, bigla itong tumakbo patungong lababo at nagsuka. Tarantang napasunod siya kay Ellah at hinagod ang likod nito. Damn! Hindi ba masarap ang niluto niya? Hindi ba kaaya-aya ang lasa? Wala siyang lason na nilagay kaya bakit ito nagsuka?

“Are you okay?”

“Get off your hand away from me!” Tinabig nito ang kamay niya habang patuloy ito sa pagsusuka na puro tubig ang laman.

Napasabunot na lang siya sa ulo at walang magawa kundi ang sundin ang gusto nito. Ang alam niya masarap ang luto niya at pwede ng papasa sa mga food contest. Wala siyang palya pagdating sa kusina pero bakit? Hindi niya maintindihan.

Mabilis niyang kinuha ang cellphone at tinawagan si Herrence. Ang kaibigan niyang Doctor.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.