Dominant Series 1 & 2: Abducted and Luscious Chapter 17

"Hey?” tinatamad na tugon nito.

“Come here, now! Nagsusuka si Ellah simula nung tinikman niya ang niluto ko,” nagpapanick na siya.

Narinig naman niyang natawa sa kabila ang lalaki. “Give her water. That’s all. Saka hindi niya gusto ang luto mo. Pangit ang lasa at hindi masarap.”

Fuck! Kung nasa harapan lang niya ang kaibigan baka naundayan niya na ito ng suntok.

“Pumunta ka rito, ngayon na!” nagpipigil siyang sumigaw.

“Andito ako sa napakalayong lugar gamit ang yacht ko. Tubig lang, magiging okay na siya at ilayo mo ‘yan pagmumukha mo dahil iyan ang sanhi ng pagsusuka niya!” Sabay tawa nito sa kabilang linya at pinatayan siya.

Damn! Hindi talaga ito mapapakinabangan sa lahat. Puro lang ito sa yacht nito nakatambay. Napakatamad talaga nito. Mabilis siyang nagsalok ng tubig at binigay sa dalaga pero inismiran lang siya nito. Kumuha ito ng sariling baso at nagsalok ng sariling tubig.

Heck! Ganito ba kalaki ang galit ayaw nito sa kaniya simula nang makilala nito si Azael?! Kahapon ang bait at ang lambing pa nito. Ramdam niya ang gracefulness sa bawat galaw at kislap ng mata. Pero ngayon, mukhang dito na yata magwawakas ang pagiging pinsan nilang dalawa ng lalaki.

“Ang pangit ng luto mo,” inismiran siya ng dalaga at mabilis na tumalikod patungong hagdanan.

Biglang umakyat ang lahat ng pagtitimpi niya sa ulo. Mabilis niyang hinila ang kamay nito dahilan para masubsub ito sa kaniyang naka-expose na dibdib. Naramdaman niya agad ang pang-iinit ng kaniyang katawan sa simpleng paghawak lang niya rito.

“Ano ba, Cuhen!” Isang malakas na sampal ang natikman niya nang makabawi ito.

The fuck! Gusto niyang sumigaw sa pangangalaiti.

“Isang hawak mo pa at makakatikim ka sa`kin ng mag-asawang sampal. Umalis ka nga sa harapan ko at naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo! Maliban sa sobrang dugyot mo sa paningin ko, hindi appealing iyan katawan mo, ang pangit pa ng luto mo. Hmp!” Mabilis itong nagmartsa papalayo sa kaniya.

Hindi siya nakahuma. Para siyang pinagsakluban ng langit sa narinig. Mas masakit pa sa nakuha niyang tama galing kay Kleve. Bullshit! Mabilis niyang hinanap ang cellphone para tawagan si Farhistt at para mabigyan ng leksyon nito ang pinsan niyang si Azael. Anong pinakain nito kay Ellah at naging ganito na ito. Dati isa itong tupa, ngayon naging lobo na.

Pero nasa dial pad pa lang siya nang mawalan siya ng ganang tawagan ang kaibigan. Binato niya ang cellphone at nagmart-sang lumabas ng bahay. Wala na rin siyang ganang kumain. Maliligo siya sa talon at kalmahin itong galit niya.

Nakapag-isip na siya, kailangan niyang iwasan makipagtalo at taasan ng boses ang babae. Kailangan niyang pakitunguhan ito ng maganda at baka sa pinsan niyang babaero ito mapunta. Baka isa ito sa dahilan kung bakit mas gusto nitong kasama si Azael kesa sa kaniya. Nagkukot ang kaniyang kalooban. Hindi talaga matanggap ng kaniyang pride.

Nasa tubig na si Cuhen at sinisid ang pinakailalim habang patuloy sa paglalaro ang maamong mukha ni Ellah kaniyang isip...

“Lower your voice, Herrence! She might hear you,” galit na saad niya kay Herrence. Ayaw niyang marinig ng babae ang kanilang pinag-uusapan dalawa. Kakasabi lang niya na sa ibang lugar sila mag-uusap pero heto at ginugulo siya ng bwesit na kaibigan.

“But you need too. Karapatan niya iyon. Kailangan mo na rin siyang pakawalan.”

No! Mabilis na sigaw ng utak niya sa sinabi ng kaibigan.

“Never,” pinal na lumabas iyon sa kaniyang bibig at tinungga ang alak. May bahagi ng isip niya na hindi ito pakakawalan kahit nong mangyari. Hindi dahil pinakiusapan siya ni Don Hernandez, kundi kagustuhan niya mismo.

“Mahal mo ba siya?”

Natigil sa ere ng pag-inom niya at napatingin sa kawalan. Madilim sa labas pero dahil sa sinag ng buwan, nagkaroon ng konting liwanag at nakikita niya ang malayang pagsayaw ng mga punongkahoy sa malamig na simoy ng hangin. Mahal nga ba niya? Hindi niya alam ng sagot. Hindi niya pa kayang sagutin ang mga tanong na ito. Hindi niya alam kaya mas minabuti niyang sabihin ang ganitong kataga kay Herrence.

“No. I don’t love her and I will never be. Isa lang siyang alila ko pagdating sa kama. Parausan. It’s Florae whom I still love.” Napahigpit ng hawak niya sa alak. Bakit hindi niya kumbinsido ang sarili sa sinabi? Bakit pati mismo utak at puso niya ay againts sa mga salitang lumabas sa kaniyang bibig? This is so much confusing.

Hindi siya in love sa dalaga. Naaawa lang siya rito. Si Florae talaga ang kaniyang mahal at mananatili siyang tapat rito.

Ilan minuto pa silang nagkausap nito nang magpasya siyang lumabas para pauwiin na ang kaibigan niyang walang silbi. Hindi ito pwedeng matulog sa kaniyang bahay bakasyunan at baka magtaka ang babae pag nakita ito.

Pero paglabas niya, bukas ang pintuan ng silid nito na lagi naman nakasirado. Bigla siyang kinabahan sa naisip at nang puntahan niya ang silid nito, bukas na drawer lang ang nakita niya. Damn! Not again! Dali niyang tinakbo ng kusina at sala, bukas ang pintuan at iisa lang ng pumasok sa isip sa kaniyang isip. Narinig nito ng pag-uusap nila ni Herrence. Fuck it!

“Ellah!!!” malakas na sigaw niya. Mapanganib ang labas at hindi niya kayang makitang may masamang mangyayari rito! Halos mabaliw siya nang gabing iyon sa paghahanap sa dalaga. Nag-suntukan pa sila ni Herrence sa sobrang galit niya. Hindi naman ito lumaban at hinayaan lamang siya.

Halos suyurin niya na ang bawat kagubatan at isla nang gabing iyon pero walang dalagang lumitaw. Damn! He almost cried in frustration. Halos hindi siya makatulog. Panay suntok lang ang ginawa niya sa pader at nagdudurugo lang ang kaniyang kamao. Hindi niya matanggap sa isip na baka nahulog ito sa bangin o kaya nabagok ang ulo o naman kaya nalunod sa dagat. Damn! Saan ba kasi ito?

Lahat ng tao sa isla ay hindi natulog. Pinahanap niya pero walang makapagsabi. What the hell! Mas dumoble ang kaniyang takot. Fuck it! Bukas na bukas rin ay ang kabilang bayan ang ipapasuyod niya. Alam niyang walang masamang nangyari rito. Yeah, iniisip niyang tinakasan lang siya nito. Damn! He’ll move heaven and earth makita lang ito!

But damn it! Kinabukasan, nakita niya si Kleve Vergan. Ang lalaking dahilan ng lahat. Napangisi siya. Pwedeng pwede niya itong patayin mismo pero hindi, nag-iisip na siya at ayaw niya ng gumawa pa ng marahas na hakbang tulad nung una. Pero ang makitang pangko nito ang dalaga? Parang ang sakit sa dibdib. Hindi niya yata kaya ang tanawin iyon pero sinundan niya pa rin ng tingin.

Gustong gusto niyang bawiin ang babae pero sumigaw ang bahagi ng puso niya na hayaan na lamang ito. At least, masaya siya sa nalaman na ligtas at buhay ito sa pagtakas mula sa kaniya. Masaya siya na walang masamang nangyari rito but seeing them together makes him pissed. Halata sa mukha ng dalaga na mahal na mahal nito ang lalaking pumatay mismo sa babaeng mapapangasawa niya at sa kaniyang ina. Isali pa na ito ang pumatay kay Don Hernandez.

Nagpasiya siyang tikisin ang sarili at sinundan ito ng palihim. Kung alam lang ni Ellah kung gaano kalaking pagtitimpi ang ginawa niya para hindi patayin ang fiancé nito. Kating-kati siyang patayin ang lalaki pero mas nag-alala siya sa magiging reaksiyon nito laban sa kaniya. Nagtimpi siya lalo na nung lumipad ang mga ito sa Spain!

Masuyo niyang pinagmamasdan ang dalaga nung unang gabi nito sa Spain. Hindi nito napapansin ang laging pagdalaw niya kahit nung nasa Pilipinas pa sila. He’s glad at hindi nito katabi ang lalaki dahil baka hindi na talaga siya makapagtimpi.

Hinaplos niya ang buhok nito. Ang napakaganda nitong mukha. Ang mapupulang labi, ang matangos na ilong at nakapinid na mata na binagayan sa makakapal na pilik-mata. Nagmimistula itong isang anghel na natutulog.

Ramdam niya ang kirot mula sa puso niya, nang makitang pumatak ang masaganang luha sa mga nito. Gusto niyang gisingin, yakapin at aluin ang dalaga pero ang reyalisasyon ang pumipigil sa kaniya dahil alam niya sa sariling siya ang naging dahilan ng bawat pag-iyak nito. Damn! Kahit sa panaginip, nasasaktan niya ito.

Mabilis siyang napalayo. Napakuyom siya ng kamao at nagpipigil na suntukin ang dingding. Nagpasiya na lamang siyang lagyan ng tracking device ang pendant nito at mabilis na lumayo sa lugar na iyon. Nasasaktan siya sa mga luhang kumawala sa mga mata ng dalaga kahit alam niyang nananaginip lang ito.

Kung hindi niya lang naalala ang mukha ni Ellah nung araw na binugbog niya si Kleve sa opisina nito, baka patay na ang lalaki. He was fucking mad at that time at bawat minuto't oras na dumadaan, nanginginig ang kalamnan niyang gilitan ito sa leeg. Nagsuntukan sila. Muntik pa siyang madali sa baril nitong may silencer pero dahil naiisip niya ang dalaga at ang magiging reaksyon nito, minabuti niyang bugbugin na lang ang lalaki bilang kabayaran sa sobrang galit niya at pinapangako sa sarili na tatlong araw na lang.

Tatlong araw para mawasak niya lahat ng pinag-invest na negosyo nito at lahat ng kompaniyang pag-aari. Hindi niya akalain na sa tatlong araw na iyon, iyon ang magdudulot ng panganib sa babaeng nagsimulang gumulo sa kaniya puso.

Damn! Buti na lang at mabilis silang nakasunod sa isla na pinaimbistigahan niya kay Farhistt kaya alam niya ang pasikot-sikot doon.

Naging madugo rin ang laban nila sa mga tauhan sa labas pero dahil sanay sila sa bakbakan at patayan, mabilis siyang nakapuslit sa loob. Ang plano niya ay kunin ang dalaga, sa ayaw at sa gusto nito. Masyado na siyang napupuno at hindi na siya makapagtimpi pa! Habang naghihintay siya ng tamang oras at papasok na siya sa loob ng kabahayan, narinig niya ang malakas na sigaw nito. Fuck! Mabilis pa sa alas-kwatro ang pagtakbo niya.

Damn it! Kung nahuli pala siya, ginahasa na nang hina-yupak na Kleve ang babaeng pag-aari niya! Walang alinlangan niyang binaril ang lalaki. Kahit anong pigil sa kaniya ni Ellah, wala siyang pakialam. Hindi nito alam kung gaano siya kagalit ngayon sa inakto nito na para bang okay lang ang lahat matapos itong pagtangkaan! Damn! Nagawa pa nitong iharang ang sarili para hindi niya patayin?! Kung alam lang ng nito na nasasaktan siya sa ginawa ni Ellah. Kung alam lang nito ang nararamdaman niya.

Hindi siya nagulat nang siniwalat sa kaniya ni Kleve na magkapatid sila. Kalahai nito ay alam niya na pero hinayaan lamang niya ito. Wala rin siyang pakialam. Pero hindi niya alam na iyon ang magmimitsa ng lahat ng pagkawala ng dalawang taong mahal na mahal niya. Hindi siya mangingiming pumatay ng tao kahit sariling ama pa niya ito kung ang dugo na nananalaytay sa katawan ay dugo ng demonyo.

At hindi siya nagsisi na pinatay niya si Kleve. Karapatan nitong patayin nang paulit-ulit. Hindi siya kumikilala ng sariling kadugo at laman kung pagiging demonyo ang usapan dahil mas masahol siya sa demonyo.

Hindi niya alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng lahat ng ito pagkatapos. Si Farhistt na ang pinaayos niya sa gulong ginawa niya at kung paano ito matatago sa madla ang pagkawala ni Kleve na parang bula...

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.