Dominant Series 1 & 2: Abducted and Luscious Chapter 20

Nag-aagaw liwanag na nang magising ulit si Ellah dahil siguro sa sobrang pagod. Pero pagbaba niya, tatlong makikisig at mga gwapong lalaki ang nasa sala nakaupo at may kaniya-kaniyang hawak na mug at tingin niya ay kape ang laman. Kilala niya ang dalawa pero hindi familiar sa kaniya ang isa sa mga ito. Agad na nagsitayo ang mga ito nang makita siya at nagbigay galang. Naguluhan siya bigla, paano nalaman ng mga ito na nandito siya at bakit wala man lang si Cuhen?

“Si Cuhen? May alam kayo kung saan siya?” agarang tanong niya. Hindi niya na magawang sumagot sa pagbibigay galang ng mga ito sa kaniya. Ang importante sa kaniya ay malaman kung saan ang binata.

Nagsitinginan ang mga ito at napailing pero nababanaag niya sa mga mata nito ang kakaibang kislap.

“But we have a surprise for you, Ellah,” anas ng isang lalaki na tingin niya ay may lahing foreigner. Hindi rin pahuhuli ang kagwapuhan taglay nito. Kung sabagay, lahat ng mga ito ay mukhang may lahing foreigner. “I’m Zyd Caiden McCluskey. His cousin from Pittsburgh, Pennsylvania. And everyone knows about you since you left my poor cousin.”

Hindi siya umimik. Nagbaba lang siya ng tingin. Kapag-kuwa’y niyaya siya ng mga ito na sumama. Sa isipin na ang surprisa ng mga ito ay ang binata, mabilis siyang sumama. Sa kasamaan palad, nilagyan siya ng piring sa mata. Gusto man niyang tanggalin, pinilit na lang niyang huwag. Basta pagkatapos lang ng lahat ng ito y makita niya ang lalaki kundi sisipain niya bawat panga ng mga ito.

Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya. Abut-abot ang kaniyang kaba. Mukhang may hindi yata nangyari sa lalaking mahal niya. Pero lahat iyon nawala nang pumasok siya sa isang silid.

Napaluha siya nang makitang may isang simpleng damit pangkasal ang nandoon kasama ang dalawang beautician. Nag-tataka man ay nagpatianod na lang siya.

Kaniya-kaniyang ayos ang mga ito sa kaniya. Pinasuot sa kaniya ang puting off-shoulder dress at saka siya nilagyan ng flower crown. Gusto niyang maiyak na ewan. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa buong paligid niya ngayon. 20 minutos lang ay tapos na siyang ayusan at nang humarap siya sa malaking salamin, maganda pa rin siya kahit simpleng make up lang.

Mabilis siyang giniya ng mga ito na lumabas. Gayon na lamang ang gulat niya nang makita ang kabuuan ng isla. Kung dati, nagandahan siya rito... mas lalo ngayon. Puno ng bulaklak ang bawat tabi at may mga street lights. Ang ganda ng pagkakadesinyo. Parang pinaghandaan ang lahat.

Ang buhangin ay parang bituin na nagkikislapan at halos umabot sa isandaan katao ang nandoon at naghihintay habang may pulang carpet sa gitna. Dahan-dahan nagsilaglagan ang kaniyang mga luha nang may nag-abot sa kaniya ng isang bugkos ng bulaklak. Kasal ba niya? Ito ba ang surprisa? Bakit hindi man lang siya ininform?!

Mabilis siyang napatingin sa unahan. Ando’n si Zyd, Herrence at Farhisst. Wala si Azael, sayang. At nasa gitna ng mga ito Cuhen na nakasuot ng puting long-sleeved at puting pantalon at walang malay...teka? Walang malay?

Ngumisi lang ang tatlo sabay thumbs up sa kaniya. Nakuha niya ang ibig sabihin ng mga ito at gusto niyang matawa. Tama ang ginawa ng mga tatlong greekgod na ito.

Pumainlang sa paligid ang tugtug na Canon D. Ang tatlong cute na chikiting ay masayang nagsaboy ng mga bulaklak habang tatlong bridesmaid naman na hindi man lang niya alam ng pangalan.

Nakakatawa lang dahil parang may kulang yata pero hindi niya na pinansin. Nang nasa malapit na siya ng mga ito. Saka lamang ginising ni Farhistt at Herrence si Cuhen. May kinalikot sila sa batok nito at nang magising ay gulat na napatingin sa paligid.

Sandali itong natigilan nang dumako ang paningin nito sa kaniya. Ilang minuto siya nitong tinitigan na parang hindi makapaniwala na lumitaw siya sa harapan nito.

“Shall we start the ceremony?” anas ni Father.

Mabilis na tinulak ito ni Herrence papunta sa kaniya. Nag-tawanan naman ang paligid na halatang natutuwa sa pangyayari. Nanlaki ang mata ni Cuhen samantalang siya ay napangiti. Mabilis siyang humawak sa siko ng binata at nagpatianod naman ito sa kaniya patungo sa altar kung saan naghihintay ang Father magkakasal sa kanila.

“Am I dreaming? Please tell me I am and don’t wake me up,” hindi mapuknat ang mata nito habang nakatingin sa kaniya kahit nagsasalita ang Pari.

“You’re not. Andito ako para sabihin sa`yo na mahal na mahal rin kita matagal na. Kaso gago ka lang at hindi mo makita,” naiiyak na saad niya.

“Damn! Don’t cry! I don’t want to see you crying again,” mabilis na saad nito pero agad din silang natigil dalawa sa sunod-sunod na tikhim ng Pari.

“Are we going to continue this or we’ll just wait you two?”

“Father, will you jump to ‘Will you kiss the bride’, line?” hindi naman napigilan sagot ni Cuhen.

Lahat nang nasa paligid ay natawa sa sinabi nito at pati siya. Iyon nga rin ang naiisip niya. Miss na miss na niya ang labi ng lalaking ito. Walang magawa ang Pari kundi ang sundin ang hiling ni Cuhen.

Hinapit nito ang kaniyang beywang at dinama ang kaniyang pisngi. Nagtitigan pa sila ng ilang segundo at hindi niya ulit mapigilang mapaluha nang dahan-dahang dumantay ang labi nito sa kaniya.

Sigawan at hiyawan ang mga taong naging saksi na hindi man lang niya kilala kung sino ang mga ito. Hindi pa nakontento si Cuhen, kinuyomos pa siya ng halik at hindi binitawan hanggang sa hindi mapugto ang hininga nila.

“Fuck you dude! Ang laswa mo mainlove talaga!” kantiyaw ni Herrence na agad din nagtakip ng bibig nang tingnan ito ng Pari.

“Sobrang laswa talaga.” natatawang singit ni Zyd.

“Congratulations and best wishes!” panabay na saad ng lahat at kaniya-kaniyang lapit ang mga ito para batiin sila.

“SOMETHING wrong?”

Napalingon si Ellah kay Cuhen. May dala itong lobster na ito mismo ang sumisid sa dagat dahil ito ang kaniyang gusto. Nasa dalampasigan siya at hinintay talaga ang pagbabalik nito. Nasa paglilihi pa rin siya at lahat yata ng pagkain na naisip ay gusto niyang kainin.

Mabilis siyang lumapit dito at hinalikan ito ng buong pagmamahal. Kasama nito si Azael at himala dahil magkakasundo ang mga ito. Tingin niya talaga ay baliw ang mga ito pero mahal niya si Cuhen eh, kaya tanggap na lang niya.

“Hey, Ellah! Hirap na hirap kami sa lobster na hinanap mo. Jusko! Halos kapusin na ako ng hangin ayaw pa akong pasisirin paitaas nitong asawa mo. Muntik ko na nga panain iyan lobster na pag-aari ng baliw na iyan.”

“Fuck! What if I shoot your dick now? Sumisid ka lang at nanood sa`kin. You never tried to help me, dimwit!” Binato naman ni Cuhen dito ang apat na malalaking lobster at tumama iyon sa ulo ni Azael. Ang isa ay kumapit pa sa buhok. Imbes mabahala, tawang-tawa na lamang siya. Ewan ba niya sa dalawang ito!

“Ah, actually... I want a king crab,” singit niya sa dalawang nagbabangayan na ngayon ay may hawak-hawak na lobster na siyang sandata ng bawat isa.

Biglang natigilan ang mga ito at gulat na napatingin sa kaniya, “Wait, what?!”

“I also want a king crab. Two king crab,” ngumiti siya ng ubod tamis.

“We’re doomed!” sabay na bumagsak ang mga ito sa buhangin samantalang lihim siyang natawa.

MALAKAS siyang napasigaw sa sobrang sakit. Ayan na! Pakiramdam niya mangangak na siya sa anak nila ni Cuhen. Matapos sa paghihintay ng ilang buwan at heto na ‘yon pinakahihintay nila.

“Damn! Baby push it!” tarantang sigaw pabalik ni Cuhen.

“Ano ba! Anong push it? Cuhen manganganak na ako! Ang sakit! Dalhin mo ako sa Hospital ngayon din,” gusto niyang pagsisipain ang mukha nito sa sobrang inis.

“Hospital... Yes! Hospital. Let’s go to Hospital.” At nauna itong lumabas ng bahay at sumakay ng kotse. “We’re going to Hospital!”

“Cuheeeennnnn! Gago ka ba. Iniwan mo ako?!”

Buti na lang at dumalaw si Herrence dahil kung hindi, mukhang mauunang maospital ang kaniyang asawa. Si Herrence na mismo ang nagpaanak sa kaniya sa mismong bakuran ng mansion. Hindi niya na talaga kaya habang si Cuhen ay nahimatay nang makita ang kanilang kambal. Wala talagang silbi ang asawa niya. Nataranta na nga, nahimatay pa! Pero kahit ganito ito, mahal na mahal pa rin niya.

WALANG paglalagyan ang ngiti ni Ellah sa harap ng camera matapos siyang halikan ni Cuhen sa harap ng maraming tao sa harap ng altar. After niyang makapanganak sa kambal nila, pinakasalan siya nito ulit after 2 years sa isang simbahan at lahat ay invited pati ang employees ng papa niya.

This time nakasali na si Azael sa kasal nila at paborito ito ng isa sa kambal niyang si Achilleus. Paborito naman ng isang kambal niya na si Caddam ay si Cuhen. Halos ayaw itong bumitiw sa ama at magkakamukha talaga ang dalawa. Parang pinagbiyak na bunga lang samantalang si Achilleus ay kay Azael nagmana ang mukha. Halos mag-hysterical si Cuhen dahil bakit kamukha ni Azael ang isa samantalang wala raw itong magandang naidulot sa love story nilang dalawa. Para talagang bata ang mga ito kahit ang tatanda na.

“Mommy!” Si Caddam. Hawak ito ni Farhistt. Minsan dito ito lumalapit at nagpapakarga wala ng iba. Sobrang picky ng anak niya. Hindi ito friendly tulad ng kay Achilleus. May bitbit itong libro sa kabilang kamay.

God! Mukhang pati ugali ng ama nito ay kuhang kuha.

“Love you mommie!” Si Achilleus naman na sakay sa balikat ni Azael. Tingin niya ay tatakbo yata itong presidente ng Pilipinas paglaki at lahat yata ng tao ay ningingitian nito. Lahat kaibigan at kakilala. Kumaway kaway pa ito sa lahat at nagbigay ng flying kiss.

“Damn! Look at our sons. Ang gwapo ng kambal natin. I love you so much, Ellah, for coming to my life and for giving them to me.” Inakbayan siya ni Cuhen at hinalikan ang kaniyang noo.

Napangiti siya. “Thank you for loving me as well, I love you always.”

“Let’s go and make a pair of twins again?”

Natawa siya. Oo. May ugaling hindi kaaya-aya si Cuhen pero ang totoo, sobrang bait nito. He was like a shell to be exact. And she love this man so much! Wala na siyang mahihiling pa sa Diyos sa napakagandang pangyayari na binigay nito sa buhay niya.

“Dude, I gotta go!” Si Herrence at mabilis na umalis matapos makapagpaalam sa kanila nang nasa hotel na sila na siyang pagdadausanng reception.

Napatingin siya kay Herrence na lumayo. Malungkot siyang napangiti para sa binata. Alam niyang may babaeng nagpapagulo sa magulong utak ng Doctor na ito.

Kapagkuwa’y napasulyap siya kay Farhistt. He looks kinda scared and serious pero alam niyang may babaeng tinitikis ito at pinipilit na iwasan. Hindi niya alam kung mapride lang ba talaga ang binata.

And Zyd, he looks miserable. Nakunan ng mga 1/4 ang kapogian nito. Ang alam niya, nag-divorce ito sa asawang si Elhouette. Isang pinay. Hindi raw nito mahal pero sa nakikita niya, mahal na mahal nito ang babae.

Lastly si Azael, hindi masyadong nagkikwento sa kaniya ang binata pero alam niyang hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin nito ang sariling kapatid.

“What are you thingking, baby?” si Cuhen na halos umabot na yata sa teynga ang ngiti.

“Wala. I’m just thankful I’m given a chance to love you.”

Kuminang ang mata nito at bigla siyang nilamukos ng halik... Ah, his kiss is so addictive and she’s addicted. Lahat ng sakit na dinulot nito sa kaniya, pinalitan naman nito ng walang mapapalagyan na kasiyahan. Hindi sapat ang ‘I love you’ para maipadama niya sa lalaki kung gaano niya ito kamahal...

W A K A S ! ! !

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.