Isang malakas na tunog ng cellphone niya ang nagpagising sa natutulog niyang diwa. Ito lang naman lagi ang ginagawa niya sa loob ng ilang linggong pananatili niya sa Russia. Gigising, kakain, maglalakad sa dalampasigan kasama ang kasamahan niya sa bahay at manonood ng TV sa sala kapag nakauwi o kaya sandamakmak na iba’t ibang prutas ang kinakain niya maliban sa watermelon na ayaw na ayaw niyang kainin.
Himala rin dahil hindi tumawag si Azael sa kaniya simula nung umalis ito at mahigit dalawang buwan na. Wala naman siyang problema sa pera dahil malaking halaga na sa kaniya ang iniwan nito, isali pa ang credit card na pakiramdam niya hindi yata nauubusan. Malaking tulong din ang ginawa nito sa kaniya at balang-araw mababayaran din niya ang kagaguhang pagtulong nito.
Pero sa tuwing naiisip niya at lumilitaw ang mukha ni Cuhen sa kaniyang isip ay nasasaktan siya. Ginusto niya itong lumayo kaya kakayanin niya ito. Mas mainam ito at walang mali sa kaniyang desisyon. Mahal niya ang binata pero may natitira pa siyang pagmamahal sa sarili at para sa magiging anak nila ng lalaki. Ayaw niyang lumaki itong may ama nga, pero hindi naman mahal ang ina na siyang nagluwal. Mas mabuting siya na lang ang tumayong ama at ina. Hinding hindi niya ipapaalam sa binata na magkakaanak sila, maliban na lang kung sasabihin ni Azael at Herrence ang kaniyang sitwasyon.
“Hello?” halos hindi na lumabas iyon sa kaniyang bibig dahil sa sobrang antok. Gusto pa niyang matulog. Ngayon buntis siya, parang lahat ng bagay na nakikita niya ay unan at kama. Mabuti na lang at andiyan ang katulong niya na siyang nagpapaalala sa kaniya araw-araw na maglakad-lakad.
Isang malakas na buntunghinga ang narinig niya sa kabilang linya at agad din nawala. Napakunot noo na lamang siya at pinagwalang bahala iyon. Nagpasiya siyang ipagpatuloy ang naudlot niyang tulog. Pero mayamaya lang, naramdaman niyang bumukas ang pintuan ng kaniyang kwarto...
“Palagay na lang diyan sa side table ang gatas at mansanas, salamat...” iyon lang ang natandaan niyang sinabi niya saka siya hinila ng antok ulit.
Hindi niya alam kung ilan oras siyang nakatulog, basta nang magising siya ay madilim na sa labas at...
“How’s your sleep? Did you dreamt of me?”
Napasigaw siya sa gulat at napababa ng kama na wala sa oras. Gulat na gulat siyang napatingin sa lalaking kampanteng nakaupo sa rocking chair at matiim siyang tinitigan. Nakadekwatro ang paa nito at ang isang kamay ay nasa ilalim ng baba nito na malalim ang iniisip.
“B-bakit ka nandito? Paano ka n-nakapasok? Pa-p-paano mo ako nasundan?!” Napahawak siya sa kaniyang tiyan. Dumako ang mata nito sa may kaumbokan niyang tiyan.
“Your housemaid let me in and basically, I am here to settle things.” Nag-apoy ang mga mata nito nang tumayo ito at humakbang papalapit sa kaniyang kinaroroonan.
“Huwag kang lumapit sa`kin! Hanggang diyan ka lang!” malakas na sigaw niya. Bakit ba kasi andito ito sa harap niya? Ibig ba sabihin nito, andito ba ito dahil mahal siya? Mag-assume na ba siya?
“No. You took the half of me when you’re gone and I am here to take it back again,” madilim ang hitsura nito at nanumbalik yata ang takot niya sa lalaki.
Nag-isip siya kung paano ito takasan ulit. Naglilikot ang kaniyang mata. Hindi niya maintindihan ang sinabi nito o ayaw lang niyang intindihin talaga dahil natatakot siya sa ibig nitong sabihin.
“You can’t run away from me again... Now that you have my child on your womb.”
Para siyang sinabugan ng bomba. Sabi na nga, eh. Kung sakaling hahabulin nga siya ni Cuhen, hindi dahil sa mahal siya kundi dahil lang sa anak nila. Sino ba nagsabi na buntis siya?! At paano siya nito nasundan? Akala ba niya ay ayaw nitong tumuntong ng Russia?
“At sino may sabi sa`yo na an-a-anak mo ‘to? Kapal naman ng mukha mo! Anak namin ito ni K-kleve!” gusto niyang sampalin ang sarili. Kahit kailan walang nangyari sa kanila ng binata pero ito lang ang alam niya para tigilan siya.
Natigilan ito sa paghakbang at biglang napaurong. Biglang nawala ang pandidilim ng mukha nito pero sandali lang iyon, ang sumunod na ginawa nito ay pinagsisihan niya dahil mabilis pa sa kidlat na nakalapit ito sa kaniya at may kalakasan siyang ipininid sa sementong dingding.
“I devirginized you. I took all of you. So tell me, you are only lying, right Ellah? I am the father of that child. I know... Nakikita ko sa mga mata mo. May nararamdaman ka rin sa`kin.”
Umakyat ang dugo sa kaniyang ulo at galit na hinarap ito. Pinagmumukha talaga nitong ito ang nakauna sa kaniya. Sa anong paraan ba? Nung pinilit siya nito at halos isumpa niya sa sobrang takot at galit?
“Hindi ikaw ang ama ng batang ito. And besides, I never love you,” napakagat siya ng labi sa kasinungalingan iyon.
“Damn! Shut up.” malakas na sigaw nito at paulit-ulit na sinuntok ang dingding. Hindi ito tumigil kahit nagdudurugo na ang kamay nito.
“Ano ba Cuhen itigil mo na iyan!” bigla naman siyang nakaramdam ng awa sa binata. Tama ba ang ginawa niya? Hindi, mali, oo mali talaga.
“Fuck it! Fuck. Fuck. Fuck!” Isang malakas pa na suntok ang binigay nito sa dingding saka ito tumigil. “I did everything to find you. I searched everywhere. Muntikan pa akong mabaliw...” pumiyok ang boses nito.
Napatda siya sa narinig. Tumigil sandali ang kaniyang paghinga at gulat na napatitig kay Cuhen. Totoo? Muntikan na itong mabaliw dahil sa paghahanap sa kaniya? Posible ba na mahal siya ng binata? Gusto niyang haplusin ang pisngi nito at gamutin ang kamay pero nanaig pa rin ang pagtutul ng isip niyang gawin iyon.
“I almost killed that fucking bullshit Azael nung malaman ko kahapon na tinago ka niya sa`kin. But yeah, good thing I never killed him or else, lalamunin ako ng matinding pagsisisi.” gumaralgal ang boses nito at umilap ang mata, “Na ang babaeng natutunan kong mahalin ng sobra— ay ang babaeng hindi ako matutunang mahalin.” Walang sabing tumalilis ito patalikod.
Para naman siyang sinabugan ng bomba. Hindi siya nakapagsalita. Nakatanga lang siya at napakurap-kurap. Ilang minuto siyang gano’n hanggang sa dahah-dahan matanggap ng sistema niya ang sinabi ni Cuhen ngayon-ngayon lang. Napatakip siya ng bibig at sabay-sabay na nagsipatak ang kaniyang mga luha. Para iyon ulan na walang tigil sa pagpatak. Mabilis siyang tumakbo patungong pintuan para sundan ang binata.
“Cuhen!” malakas na sigaw niya.
“Nakaalis na po mga tatlong minuto na ang nagdaan po,” anas ng kasam-bahay niya.
Nanghihinang napadausdos siya sa sahig habang panay sa pagbagsak ang mga luha niya. Umiiyak siyang nakangiti na parang tanga. Hindi pa rin siya makapaniwala sa lahat ng nangyari. Gusto niyang sumigaw sa tuwa!
Mahal siya ni Cuhen?!
Puro pasa ang mukha ni Azael ang dumungaw sa kwarto niya kinabukasan. Pero nakangiti pa rin ito na parang nanalo ng lotto habang siya ay nakakita ng anghel na siyang magbabalik sa kaniya sa Pinas! Agad niyang niyakap ang binata habang napaaray aray ito sa ginawa niya.
“Ibalik mo ako sa Pinas ngayon, please!” saad niya nang bumitaw siya sa pagkakayakap dito.
“Bakit? Teka, wala ba rito si Cuhen? Muntik na kong patayin mapaamin lang ako tapos hindi pumunta rito? Gago ‘yon ah!” Tumalon ito papasok sa kaniyang silid.
“Andito siya kahapon pero umalis. Nasaktan ko at sinabi niya lahat. Mahal niya ako! Azael, mahal ako ng pinsan mo kaya iuwi mo na ako ngayon din at sasabihin ko rin sa kaniya na mahal ko siya!”
Napailing-iling ito at walang ibang magawa kundi sundin ang kaniyang gusto. Kaya sa araw na iyon, pinahatid siya nito sa private plane habang nagpaiwan ito. Magpapagaling daw ito sa suntok na inabot. Hindi niya alam kung saan unang hahanapin si Cuhen pero bahala na! Bahala na kung saan niya ito hanapin.
Sa isla ang unang bagsak niya pero wala si Cuhen do’n. Halos dinaan ng bagyo ang buong kabahayan. Nagkalat na mga bote ng alak sa kung saan at sira-sirang gamit. Napapailing na lang siya sa isipin na nagwala nga si Cuhen dahil sa kaniyang pagkawala. Kahit pagod na pagod siya sa biyahe, minabuti niya munang linisin ang lahat ng kalat sa loob ng kabahayan.
NAKANGISING napatingin si Herrence kay Farhistt at Zyd Caiden habang walang gatol na tinungga ni Cuhen ang bote ng whiskey. Nasa mansion sila na pag-aari niya.
“Ayan tayo pag broken hearted, eh!” Si Herrence sabay tungga sa laman ng kopitang hawak nito.
“Fuck you, Herrence! Shut up or I’ll cut your tongue out,” padarang na sagot niya at padaskol na binagsak ang boteng wala ng laman.
Samantalang tahimik lamang si Farhistt sa isang tabi at nakikinig lang. Habang napailing-iling si Zyd.
“Damn! She’s pregnant with someone else.” Lasing na siya.
“And you believe her lies?” hindi makatiiis na saad ni Farhistt. “Cuhen bro, sobrang saya ko nung nalaman kong ikakasal na kayo ng kapatid ko noon. But seeing you like shits again for a woman? It’s too much.”
“Paano kung nagsinungaling lang siya sa`yo? Matalino ka pero ang bobo mo pagdating sa ganiyan,” kampanteng sagot ni Zyd at humiga na sa kama. Hindi na tinapos ang ininum nito.
“Kumusta na kaya si Azael na binugbog mo? Buhay pa kaya?” mayamaya'y tanong ni Herrence.
Hindi siya sumagot. Nagbukas lang siya ng panibagong alak at tinungga ulit iyon. Tumatak sa isip niya ang sinabi ni Zyd at Farhistt. Lies? Yeah, there’s a big possibility that Ellah would lie to him. Damn! Bigla niyang nabitawan ang alak. Bakit hindi niya iyon naisip? Habang si Herrence naman ay sandaling nag-excuse sa kanila dahil may tumawag dito.
“Damn! You are right. She’s lying to me! I gotta go and take her—”
“Cuhennnn!" malakas na sigaw ng kaibigan niyang baliw. Si Herrence. “Tumawag si Azael, pinaalam sa`yo na umalis na sa Russia si Ellah at hindi niya alam kung saan nagpunta. Naglayas ulit daw at ayaw kang makita.”
Napanting ang kaniyang teynga. Fuck! Not again. Nag-init ang kaniyang ulo at bago pa man niya natawagan si Azael para sabihin na puputulan niya ito ng kaligayahan, may humampas sa kaniyang batok. Tulog siyang bumagsak sa sahig.
“Damn shit, Herrence!” galit na react ng dalawa. “Anong ginawa mo?”
“Azael called me. Para matigil na ang kadramahan ng kai-bigan natin, dalhin na natin to do’n sa kaniyang mahal na reyna.”