Dominant Series 1 & 2: Abducted and Luscious Chapter 7

Tulad ng dati, revealing night dress na naman ang kaniyang suot sa umagang iyon at halos exposed ang kaniyang buong katawan. Napabuntunghinga siya at nagdadalawang isip kung bababa ba siya at pakiharapan ang lalaki o hindi. Pero sa huli, pinili niyang huwag.

Biglang bumikas ang pintuan at niluwa ro’n ang lalaki. Wala itong suot pang-itaas at agad nagtama ang mata nila. Lumukso ang puso niya kaya mabilis siyang nagbaba ng tingin. Habang titig na titig naman sa kaniya ang lalaki lalo na sa kaniyang dibdib. Mabilis niya itong tinakpan ng kamay. Kahit ilang beses na siya nitong inangkin, hindi pa rin siya nito pagmamay-ari.

“Bakit di ka pa bumababa?”

Napasulyap siya sa kamay nitong hindi na nakabenda, “Hindi na ba masakit ang kamay mo?”

“Ang tanong ko ang sagutin mo.”

“L-late na akong nagising. Pasensya na.”

Hindi ito sumagot pero humakbang ito papalapit sa kaniya. Bigla siyang napaurong at natakot na baka saktan siya. Pero nagulat na lang siya nang pangkuin siya ni Cuhen. Hindi siya nakaimik sa ginawa nito.

Napatitig siya sa lalaki. Sa makakapal nitong kilay, sa tangos ng ilong, sa nakapinid na mapupulang labi at sa dibdib nitong kahit sino maduduling pero ipinilig niya ang ulo. Inaalala niya ang lalaking kaharap ay si Cuhen Malcogn, ang dunukot sa kaniya.

“P-please ibaba mo na ako... Kaya kong maglakad mag-isa,” pakiusap niya.

Hindi ito nakinig. Ibinaba lang siya nito nung nasa hapag-kainan na sila. May nakahandang fried rice, ham and sausage, scrambled eggs at umuusok na kape. Agad itong umupo sa harap na upuan at tahimik na nagsimulang kumain.

Ang daming tanong na naglalaro sa kaniyang isip. Tulad nang, nabagot ba ang ulo nito at ganito ito kabait ngayon? Bakit ito naging malapit sa kaniya? Bakit pakiramdam niya ay may ibang pahiwatig bawat galaw nito? Pero wala siyang makuhang sagot.

Pagkatapos nitong kumain, tahimik itong tumalikod at nagtuloy-tuloy sa itaas patungo sa silid kung saan ito natutulog. Ngingiting tinapos niya ang pagkain at iba ang araw na iyon para sa kaniya.

TATLONG LINGGO. Ang bilis tumakbo ng araw. Nami-miss na ni Ellah ang kaniyang ama at lihim siyang nanalangin na sana walang masamang nagyari rito. Sa tatlong linggong nasa gitna siya ng kagubatang ito, wala na siyang balita sa Ama niya simula nung sirain niya ang cellphone ng binata.

Kating-kati na siyang magtanong pero wala siyang lakas ng loob. He’s a devil. Minsan mabait, minsan hindi. Minsan pinakikiharapan siya nito ng tama at minsan ay marahas. Hindi niya mabasa ito sa palipat-lipat nito ng ugali at ang hirap nitong basahin.

Happy birthday, self!

Napangiti siya nang maalalang kaarawan niya ngayon. August 23. May calendar sa sala kaya at muntikan na talaga niyang nakalimutan ang araw ng kaniyang birthday. Ang birthday kung saan hindi niya kasabay ang matandang Don sa pag-celebrate. She missed her father so much! Gusto niyang umiyak pero pinigilan niyang ‘wag kainin ng lungkot.

Nasa talon siya ngayon habang nakahiga sa malaking tipak na bato at ang daloy ng tubig ay malayang bumabagsak sa kaniyang katawan. Wala si Cuhen kaya malaya siyang maligo kahit pinagbabawalan siya nitong magpunta sa falls. Basta paggising niya kanina, wala ang binata at nag-iwan lang ito ng karampot na note sa may ref.

Nakapikit ang kaniyang mata at nasa gano’n siyang ayos nang may maramdaman siyang matang nakatitig. Agad siyang nagmulat ng mata at sumalubong sa kaniya ay ang matiim na titig ni Cuhen. Nakatughay ito ngayon. Walang anuman saplot at malayang bumagsak ang tubig sa likod nito patungo sa kaniya.

Bigla siyang nakaramdam ng init. Kaya bago pa siya traydurin ng kaniyang puso at katawan, mabilis niyang tinulak ang lalaki pero hindi ito natinag. Ang kamay nito ay dahan dahang humaplos sa kaniyang naka-expose na hita. Isang manipis na nighties lang ang kaniyang suot.

Kitang kita ni Ellah ang paghanga sa mata ni Cuhen habang pinagmamasdan siyang nakahiga at nakatingin rito. Kailangan niyang pigilan ang sarili at baka— Napapikit siya nang haplusin ng kamay nito ang pagkababae niya. Nadadarang na naman siya sa bawat haplos nito. Isang linggo na rin ang nagdaan mula nung inangkin siya ng binata kaya ganito kasabik ang kaniyang katawan sa lalaki.

Napaungol siya sa ginawang haplos nito at paglalaro ng daliri sa kaniyang hiyas. Tila may sariling isip ang kaniyang palad na dumantay sa basang dibdib ng lalaki nang magmulat siya ng mata. First time niyang dinama ang matigas nitong dibidb at sandali niyang nakalimutan ang lahat. Ang tanging nasa isip niya sa mga sandaling ito, ay silang dalawa ng binata.

Napapikit siya ng mata nang magkahinang ang kanilang labi. Ito ang unang pagkakataon na hinalikan siya ng binata na puno ng pag-iingat at pagsamba. Ramdam niya ang pag-iingat sa bawat haplos nito sa kaniyang katawan at aaminin niyang nag-aapoy na siya sa init at hindi sapat ang tubig na galing sa falls ang magpapakalma sa init na nararamdaman niya.

“Ahhh!” napasinghap siya.

Dinama nito ang kaniyang dibdib at pinisil. Dahan-dahang bumaba ang labi nito sa kaniyang dibdib at walang inhibesyong hinubad ang kaniyang kasuotan.

Tinapon nito sa kung saan ang suot niyang nighties kasabay ang paglantad ng kaniyang katawa sa mata nito. Wala siyang naramdamang hiya nang buong paghanga nitong pinagmasdan ang kaniyang katawan, na para bang ito pa ang unang beses na nakita nito.

“Ellah...”

Tila musika sa kaniyang teynga ang pagbanggit nito sa kaniyang pangalan. Agad siyang kinabig ng binata at hinalikan ng buong puso. Gumanti siya at ang halikan nilang dalawa, nauwi sa mapusok na paraan.

Nagsimulang maglikot ang dila nito sa loob ng kaniyang bibig at ang kamay nito ay saan-saan humahaplos. Ramdam niya ang katigasan nitong nanunukso sa kaniyang hita at nasasabik siyang pumasok ito sa kaniyang pagkababae. Pero hindi siya dininig ng kagubatan dahil ang labi ni Cuhen ang bumisita roon.

Napaungol siya at napahawak sa buhok nito nang magsimulang gumalaw ang dila nito sa kaniyang pagkababae. Nasasarapan siya sa ginawa nito at mababaliw na yata siya lalo na at hindi lang siya kinakain ni Cuhen, naglabas-pasok din ang daliri nito.

“C-cuhen! Aahh! Ohhh…” napasigaw siya nang labasan siya ng dalawang beses sa bibig nito. “I want that... Yeah! Lick me more. Ohhh! Ahhh!” napaungol siya sa sarap sa pangatlong orgasmo at akala niya hanggang doon lang iyon. Pero napasinghap siya nang pinalitan ng kahabaan nito ang daliri.

“So tight. Fucking tight!” Nagsimula na itong umulos. Nakayapos ang kaniyang dalawang hita sa binata at ang kamay nito ay nasa kaniyang beywang. Mabilis siya nitong binayo na tila nakikipaghabulan ito sa lakas ng tubig. Hindi niya na mapigil ang sariling hindi sumigaw lalo na kapag sinasagad ng lalaki ang kahabaan nito at nanunudyong titigil saka bibilisan ang galaw.

“Cuhen!” halos hindi na ito lumabas sa kaniyang bibig sa sensasyong naramdaman.

“Cum with me, sweetheart... Cum with me.”

At naramdaman niyang sabay na sumabog ang orgasmo nilang dalawa. Punong-puno ang kaniyang sinapupunan at ayaw pa niyang hugutin ang pagkalalaki nito sa kaniya dahil ninamnam pa niya ang sarap.

“No please. Ohhh! C-cuhen.” nahihibang na siya.

Sinunod ni Cuhen ang kaniyang sinabi. Nagsimula ulit itong maglabas-pasok habang ang malakas na buhos ng tubig ay walang pigil sa pagbagsak sa kanila. Napayakap na lang siya sa leeg nito nang malasap nila ang sunod na orgasmo.

Pinangko siya ng Cuhen nung pauwi na sila at tinahak ang daan pauwi. Pareho silang hubo’t hubad nang mga sandaling iyon. Walang lakas ang kaniyang tuhod at nagpapasalamat siyang pangko siya nito. Ipinikit niya ang mata at lalong humigpit ang pagka-kapangko nito sa kaniya.

“Don’t sleep yet,” anito.

Tumango siya. Inaantok na siya pero nang huminto ang binata sa bukana ng hardin, tumingin ito sa kaniya at hindi niya mabasa kung ano ang gusto nitong ipahiwatig. Walang emosyong sa mga mata nito.

“Happy Birthday, Ellah...” pabulong lang na pagkakasabi nito.

Biglang nawala ang kaniyang antok at takang napatingin sa binata. Tama ba ang narinig niya? Binati siya nito? Lumukob ang saya sa puso niya at nagkulay kamatis ang buo niyang mukha.

“T-thank you,” kiming lumabas iyon sa kaniyang bibig. Hindi pa rin siya makapaniwala. Paano nito nalaman na kaarawan niya ang araw na ito?

Nagbawi naman ng tingin si Cuhen at dinala siya nito mismo sa silid nito. Sabay silang nagbanlaw at pinaliguan siya nito kahit ayaw niya. Halos lumubog siya sa hiya nung ito pa ang nagsuot ng damit sa kaniya na may mahabang manggas, hanggang hita niya ang taas ng damit. May isinuot din itong undies sa kaniya at gusto niyang mangisay sa hiya.

Inayos ng lalaki ang kaniyang mahabang buhok at pinangko siya nito papalabas ng bahay matapos nitong maka-pagbihis ng simpleng tshirt at boxer short. Ang gwapo nitong tingnan at ang sarap titigan buong magdamag.

Naguguluhan na talaga siya sa nagyayari pero nanatiling pinid ang labi niya. Gusto niyang baunin ang alaalang ito at nasasaktan siya sa isipin iyon. Alam niyang panandalian lang ang lahat.

Halos maluha siya nang ilapag siya nito sa picnic blanket na ngayon ay gitna ng bakuran at napapalibutan ng iba’t ibang klaseng bulaklak. May punpon ng pulang rosas roon at isang cake na may nakaukit na Happy Birthday at pangalan niya.

Nagsibagsakan ang mga luha sa kaniyang mata nang iabut nito sa kaniya ang boquet of roses sabay greet ulit sa kaniya ng maligayang kaarawan. Ang iyak ay napalitan ng hikbi. Paano na ang puso niya? Ano ba ang ibig sabihin ng bawat galaw nito? Masayang masaya siya pero nasasaktan siya sa kabilang banda. Nag-aaway ang kaniyang utak at puso.

Mabilis siya nitong niyakap at sa dibdib nito siya hinayaang umiyak nang umiyak. Kaya lang ba ito naging mabait ng araw na ito dahil birthday niya?

“May kulang ba? Cake, roses, gift—” naputol ang anuman sasabihin nito at tumingin sa kaniya, “What gift do you want? Hindi ko alam ang gusto mo kaya hindi ako makapagpasya.”

Biglang sumikdo ang puso niya sa sinabi nito. Gusto niyang sabihin sana rito na ito na mismo ang gustong regalo niya pero bigla niyang naalala ang ama. Ang ama niya!

Nagtaas siya ng tingin at sinalubong ang titig nito, “I want my father back. Please Cuhen, gusto kong makita si Daddy. Miss na miss ko na siya. Kahit isang araw lang, kahit isang araw basta makita ko lang siya,” nagsimula na naman siyang maging sensitibo at nag-patuloy sa pagluha.

Nakita niya ang pagkagulat sa mata ni Cuhen at pagtagis ng bagang nito, na hindi yata nagustuhan ang sinabi niya. Kumu-yom ang kamao nito at agad siyang binitawan sa pagkakayakap.

Kinabahan siya pero sana pagbigyan siya ng lalaki. Kahit ngayon araw na ito. Handa siyang talikuran ang lahat para sa binata. Handa siyang ipagsigawan sa mundo na mahal niya na ang lalaki at ito ngayon ang sinisigaw ng puso niya. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba, basta nagising na lang siya isang araw na ito ang tinitibok ng kaniyang puso.

“C-cuhen...”

“No,” matigas na sabi nito. Bigla itong tumayo at nag-madaling pumasok ng bahay na madilim ang anyo.

TULALANG nakatingin si Ellah sa kesame ng gabing iyon. Blangko ang kaniyang isip hanggang sa may narinig siyang tila nag-uusap sa kabilang silid. Sa silid kung saan natutulog si Cuhen. May pwersang nagtulak sa kaniya na puntahan ang silid nito at pakinggan ang nag-uusap sa loob at iyon nga ang ginawa niya.

“Come on, Cuhen! Hanggang kailan mo ba balak itago sa kaniya?”

Nakaramdam siya ng kaba sa narinig. Dinikit niya lalo ang teynga sa pintuan at pinakinggang maigi ang taong nag-uusap sa loob. Baka ito ang isa sa tanong na gusto niyang makunan ng sagot.

“Lower your voice, Herrence! She might hear you,” galit na sagot ni Cuhen.

Napakagat siya ng labi. Siya nga ang pinag-uusapan ng mga ito.

“But you need to. Karapatan niya iyon. Kailangan mo na rin siyang pakawalan.”

No!

Mabilis na sigaw ng utak niya. Hinintay niya ang isasagot ng binata at nakaramdam siya ng kasiyahan imbes na kalungkutan sa sagot nitong ‘Never’.

“Do you love her?”

Kinabahan siya sa magiging sagot ni Cuhen. Halos hindi siya huminga. Hinintay niya ang susunod nitong sabihin.

“No. I don’t love her and I will never be. Isa lang siyang alila ko pagdating sa kama. Parausan. It’s Florae whom I still love.”

Parang binagsakan siya ng bomba sa naging sagot ni Cuhen. Hinang-hina siyang napahawak sa kaniyang puso. Nag-kabasag-basag iyon at hindi niya napaghandaan ang sagot nito. Aminado siyang wala itong pagmamahal, na ang namayapa pa rin nitong fiancée ang mahal nito pero hindi niya lubos matanggap na ganito pala ang turing nito sa kaniya; Isang aparato para sa pangangailangan nito.

Oo nga pala, lininaw pala nito dati sa kaniya na isa lang siyang taga-aliw rito at sobrang tanga niya na umasa siyang may ibang ibig-sabihin ang bawat haplos nito. Nahihibang nga talaga siya. Ang sakit-sakit ng kaniyang puso at pakiramdam niya kakapusin yata siya ng hangin. Kung nasasaktan man siya ngayon, kasalanan niya at walang pwedeng ibang sisihin nito kundi siya.

“Then tell that to her. Sabihin mo rin sa kaniyang patay na ang kaniyang ama at kaninang umaga natin siya inilibing.”

What?!

Tila bombang sumabog ito sa kaniyang pandinig. Natuptop niya ang bibig at napaatras sa narinig. No, nagkakamali lang siya ng rinig. Pinaglalaruan lang siya ng pandinig niya. Hindi pwedeng mamatay ang ama niya, hindi pwedeng iwan siya nito. Hindi pwede!

Lihim siyang nanalagin na hindi ito totoo, na biro lang ito at babawiin iyon ng lalaking kausap ni Cuhen sa loob. God! Hindi pa nga siya makabawi sa sinabi nitong hindi siya kailanman mamahalin, ito na naman ang panibagong masamang balita.

“I can’t. Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya. Kasalanan ko kung bakit agad ito sinundo ni kamatayan. I can’t do nothing about it.”

Sabay na umagos ang mga luha niya at walang tigil iyon. Bumigat ang kaniyang paghinga at kompirmang wala na nga ang kaniyang Ama. Kaya ba ayaw siya nitong payagan na makita ang nag-iisang magulang niya? Pati ang kahuli-hulihang pagkakataon na masilayan ito bago tabunan ng lupa, hindi siya nito pinayagan. Kaya ba ito naging bumait dahil pinatay na nito ang isang taong meron siya? Napakademonyo nga talaga nito! Sagad sa kabutuhan ang kademonyuhan.

Pinatay niya ang ama ko... Pinatay niya.

Wala siyang lakas loob na sugurin ito sa loob. Ang nararamdaman niya ngayon ay galit, sakit, at pagkasuklam! Bakit nito nagawang patayin ang inosenteng tao?!

Hilam sa luhang tinungo niya ang silid at agad hinalungkat doon sa drawer ang mapang nakita niya minsan sa paglilinis ng bahay. Kailangan niyang umalis ngayon din. Baka kapag hindi siya aalis, siya naman ang papatayin nito tulad ng ginawa nito sa kaniyang ama.

Damn you Cuhen! Damn you! Hindi lang puso ko ang pinatay mo, pati ang nag-iisang taong meron na lamang ako! Damn you! Sinusumpa kita!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.