Dominant Series 1 & 2: Abducted and Luscious Chapter 8

Mabilis niyang tinakbo ang pintuang nang makita ang hinahanap. Ayaw niya na sa bahay na ito. Pinagsisihan niyang umibig at mahulog sa patibong nito. Kailangan niyang makalayo. Ayon sa mapang nabasa niya, nasa isang malaking isla sila ng Pilipinas. Ang bahay-bakasyunan na pinagdalhan sa kaniya ng binata ay nasa itaas na bahagi ng bundok. Sa ibaba naman, semi-private beach resort na pagmamay-ari ng binata.

Kung susundan niya ng maagi ang mapa, hindi siya malalagay sa panganib tulad nung una. Matagal niya itong alam pero hindi siya gumawa ng paraan para tumakas. Ayaw niyang umalis sa tabi nito pero ngayon, wala ng rason para manatili dahil alam niyang isusunod siya nito sa kaniyang ama. God! Wala itong puso.

“Ellah!”

Narinig niya ang malakas na sigaw ni Cuhen sa loob ng kabahayan. Eksaktong nasa labas na siya at nasa bukana ng daan kung saan patungo sa resort at doon hihingi ng tulong o sasakay. Bahala na!

Habang tumatakbo siya, hilam sa luha ang kaniyang mga mata. Panay pahid naman ang gawa niya para makita niya ang daan. Kailangan niyang makatakas. Alam niyang sinusundan na siya ng mga ito at hindi niya iyon papayagan mangyari. Ipapakulong niya ito!

“Ellah!!!” boses ni Cuhen at mukhang nasa malapit lang.

No!

Nang may nakita siyang malaking tipak ng bato na katabi ng ugat ng puno na sobrang laki, agad siyang nagtago roon at lihim na nagdasal na mailigaw niya ang mga ito. Wala pa rin tigil sa pagpatak ang luha niya. Hindi pa rin siya makapaniwalang wala na ang matandang don. Sana sa pagkakataon ito ay hahayaan siya ng kagubatan na makatakas. Ayaw niya ng manatili pa rito, mababaliw lang siya. Nakakabaliw na!

“It’s your fault, Herrence! Kapag hindi natin siya mahanap ngayon, papatayin kita.”

Naulinigan niya ang boses ni Cuhen sa kalayuan at galit na galit.

“Come on, Cuhen. Kasalanan ko nga ba talaga?” sagot ng kausap nito.

“Fuck you!”

“Fuck you too.”

At narinig niya mula sa pinagtataguan ang pag-alis ng sasakyan motorsiklo. Napahinga siya ng maluwang sa isipin umalis na ang mga ito. Walang tigil naman sa pagbagsak ang mga luha niya at lumabas mula sa kaniyang pinagtataguan.

Lakad-takbo ang kaniyang ginawa sa makipot na daan. Hindi niya alintana ang sakit ng kaniyang paa na tumatama sa mga batong naapakan. Mas masakit ang kaniyang puso. Dati ay takot siya sa dilim, ngayon balewala sa kaniya ang kadiliman ng paligid. Ang importante ay makalayo siya sa lugar na ito. Maka-layo sa demonyong nag-anyong tao!

Hindi niya alam kung ilang oras siyang lakad-takbo. Hindi siya huminto kahit isang segundo. Pasalamat siya at maliwanag ang buwan kaya malaya niyang takbuhin ang gitna ng kagubatan. Hindi niya akalain na ang kasiyahan nadama niya kanina kasama ang binata sa ilalim ng talon ay mapapalitan ng ganito kasakit. Letse kasi itong puso niya, eh. Sabi ng ‘wag mahuhulog sa patibong nito dahil masasaktan lang siya. At hindi lang basta sinaktan, dinurog pa!

Napapikit siya nang makitang malayo na ang kaniyang sinasakyang bangkang gamit sa pangingisda.

Sa kakatakbo niya kanina, bumungad sa kaniya ang napakagandang paraiso ng beach resort. Napakaganda! Pero wala na siyang panahon para ro’n. Muntik pa siyang mapasigaw nang makita ang binata na galit na galit na pinagsisigawan nito ang mga crew at guard sa isla. Sa hitsura nito, alam niyang pinapahanap siya. Mapait siyang napangiti. Pinapahanap siya hindi dahil importante siya, kundi pinahanap siya para isunod sa kaniyang namayapang Ama! Ang sakit naman ng tadhana.

Kaya ng maghiwa-hiwalay ang mga ito papasok sa kagubatan, nagkaroon siya ng pagkakataon na tumakbo sa malalaking tipak na bato malapit sa dagat. Payuko-yuko siya sa para hindi mapansin ng ilan sa mga taong nandoon sa isla at busy sa paghahanap sa kaniya.

“Ineng, anong ginagawa mo rito?”

Kung hindi niya pa nahawakan ang bibig, sumigaw na siguro siya sa gulat. Sa harap niya, isang matandang may dalang balde na wala ng laman at puting tuwalya na nakasabit sa leeg. Nagkaroon siya ng pag-asa.

“Manong maawa kayo sa`kin. Isabay niyo ako sa pag-alis niyo! Maawa kayo, mababaliw na ako rito. Ialis niyo niyo po ako sa islang ito.”

Napatitig ito sa kaniya at napabuntunghinga, “Hindi ko alam kung ano ang pinagkakasangkutan mo pero tutulungan kitang maitakas dito, ineng.”

Dinala siya nito bangkang nakadaong sa unahan at salamat dahil walang nakapansin sa kanila. Kasama nito ang anak na dalagang kasing-edad lang yata niya kaya siguro walang pagdadalawang isip ang matanda na tulungan siya kanina.

“Isuot mo ito para hindi ka lamigin habang nasa laot tayo.” Inabot sa kaniya ng babae ang kumot na nakapulupot dito.

Tinanggap niya iyon at nagpasalamat. Saka naman biglang bumuhos ang mga luha niya. Hindi niya mapigilang humagulhol ng iyak sa sariling palad. Tahimik naman ang mga ito at hindi na nagtanong sa kaniya. Hinayaan lang siya ng mga ito na umiyak nang uniyak hanggang sa makatulog siya sa sobrang pagod.

Pinatuloy siya ng matanda at nang anak nito sa bahay kawayan na tirahan. Ando’n ang pamilya nito na natutulog sa sahig na semento. Hindi siya maarte kaya nang niyaya siya ng dalaga na hindi niya alam ang pangalan na humiga sa mumunting kamang yari sa kawayan sa isang tabi, umu-oo siya. Kailangan niyang magpahinga at bawiin ang kaniyang lakas. Natutuwa siya sa isipin na nakatakas siya.

Nalaman niyang mangingisda ang tumulong sa kaniya nang gabing iyon. Naghahatid ang matanda ng isda at seafoods kada-linggo sa resort ni Cuhen at kaya kasama ang anak nitong si Odessa dahil ayaw nitong mag-isa ang ama na papalaot at maghahatid. Ginabi ang mga ito sa paghatid dahil masama ang pakiramdam ng matanda. Pinilit lang nito ang katawan dahil wala itong kakainin kinabukasan.

Galit na sinuntok ni Cuhen ang punongkahoy nang hindi makita ang dalaga. Napasigaw siya sa sobrang frustration. Nagdurugo na ang kaniyang kamay pero walang humpay niyang pinagsusuntok pa rin ito. Nagkaroon ng clearing team at sinuyod ang buong isla pero walang dalagang lumitaw.

Fuck it! Where are you?! Fuck. I’ll find you myself!

Isang malakas na suntok pa ang pinakawalan niya. Hindi ito pwedeng lumapit sa pulis kung sakali man natakasan siya nito. Bukas na bukas din ay ipapasuyod niya ang katabing bayan. Masisira ang lahat ng plano niya.

Napabalikwas si Ellah nang gisingin siya ni Odessa kinabukasan. Puno takot ang mata nito.

“May naghahanap sa iyo. Sinusuyod nila ang bawat bahay at pinapakita ang picture mo sa kabilang barangay. Kailangan mong magtago.”

Bigla siyang kinain ng takot. Hindi siya pwedeng mahuli o makuha ulit ng mga demonyong alagad ni Cuhen. Bigla naisip niya ang nobyong si Kleve, memoryado niya ang numero nito at pwede siyang humingi ng tulong sa nobyo. Ito na lang ang taong pwede niyang kapitan. Buti at may cellphone si Odessa, agad niyang tinawagan ang lalaki. Matagal bago ito sumagot sa kabilang linya.

“Hello?”

I’m sorry Kleve, I drag you on this.

“It’s me, Ellah. Please help me. Help me, Kleve!” napaluha siya sa pursigidong makaalis agad sa lugar na iyon. Baka madamay pa ang tumulong sa kaniya pag mananatili pa siya at ayaw niya itong mangyari.

“Ellah, baby? God! Where are you? I’m so damn fucking worried! I’ve been searching for you.Fuck. I’ll be there in a minute,” pinatay na nito ang kabilang linya.

Kahit hindi niya sabihin kung saan siya, Kleve had his own way around to locate her. Ang kailangan niya ay magtago muna pansamantala hanggang sa dumating ang binata. Hindi nga siya nagkamali, may chopper na dumating at lumapag ito sa buhanginan mula sa kalayuan nang sumilip siya sa bintana. Napaiyak siya sa tuwa nang masilayang si Kleve ito.

“Kleve!”

Mabilis na tumakbo ang binata sa pinagtataguan niyang bahay at agad siyang niyakap ng mahigpit.

“Baby! Thanks God, you’re alive. Halos mabaliw ako sa paghahanap sa`yo nang malaman kong nawawala ka at may nakapagsabing dinukot ka. You don’t know how scared I was, baby.”

Napahagulhol naman siya sa balikat ng binata. Dito siya kumuha ng lakas. I’m sorry Kleve. Napakasama kong fiancée mo. Napakasama ko.

“Hey, tahan na. It’s okay, I’m here. Let’s go home.” Pinangko siya nito dahil wala ng lakas ang kaniyang mga tuhod para humakbang. Hinang-hina siya at gusto niyang magpahinga. “Thank you for taking care of her. Utang ko ang loob ko sa inyo,” pagpapasalamat ng lalaki sa pamilyang tumulong sa kaniya.

Nilamon siya ng kadiliman. Nawalan siya ng malay. Marahil ito ang reaction ng kaniyang katawan sa tuwing gusto niyang takasan ang mga sakit. Hindi na ito bago sa kaniya pero bakit ramdam pa rin niya ang sakit?

Nagtagis ang bagang ni Cuhen sa nakita. Napangisi siya. Tsk! Natakasan siya ng dalaga sa pamamagitan ng matandang personal na naghahatid sa kaniyang crew ng mga seafoods. Lihim niyang pinagmamasdan ang mga ito na sakay ng chopper. Hindi niya hahayaan kung ano man ang plano ng dalaga. Kailangan niya ang babae para sa gabi niya.

You run away from me again. Natuon ang kaniyang pansin sa lalaking kasama nito. Kleve Vergan. You owe me a lot. Kahit buhay mo hindi sapat na kabayaran sa ginawa mo. Baba-yaran mo ang kinuha mula sa`kin at hindi kita hahayaan mabuhay. Umukit ang kakaibang ngiti sa labi niya saka tumalikod.

Unang nabungaran ng mata ni Ellah sa paggising, si Kleve na alalang-alala. Kitang-kita niya ang pagmamahal sa mga kayumanggi nitong mata, pagmamahal na hindi niya mahanap kay Cuhen. Mapait siyang napangiti at dahan-dahang dumausdos ang mga luha niya. God! Kailan ba mauubos ang mga luha niya?

“Tahan na... Andito na ako. Walang mangyayaring ma-sama sa`yo. Hindi ko hahayaan may mananakit sa`yo, okay?” masuyong saad nito. Ang dakilang superhero niyang doctor. Ang lakaking minahal niya nung una pero bakit ngayon hindi niya makapang mahal ito?

“S-si Daddy...” nagsimulang gumaralgal ang kaniyang boses.

Sandali itong natigilan at malungkot na tumitig sa kaniya, “Dalawang linggo ko na rin siyang hindi nakita. Pinapahanap ko rin si Tito Vin. But for now, you need to rest baby. Ang dami mo rin sugat sa paa at tuhod.” Hinaplos ng binata ang kaniyang buhok. “Sa ngayon hindi muna natin pag-uusapan ang ilang linggong nawala ka at paano ka nakatakas. Ang importante, masaya ako at bumalik ka sa`kin na walang nangyaring masama. God! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa iyo.”

May nangyari na nga sa`min, Kleve! Maraming beses.

“W-wala na si Daddy, Kleve. Pinatay siya. Pinatay ang ama ko! Patay na si Daddy,” hindi niya mapigilan umiyak sa naramdaman sakit. Mahal na mahal niya ang kaniyang ama at sa isiping wala na ito, parang hinahati ang buong puso niya.

Agad siyang inalo ni Kleve at binuhos niya lahat ng luha sa dibdib ng binata. Gusto niyang pagbayarin si Cuhen pero wala siyang matibay na ebidensya laban dito. Sa ngayon, magpapagaling muna siya at pagkatapos, babalikan niya ito at dudurugin tulad ng ginawa nito sa kaniya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.