Tulad nga nang sinabi ni Azael, hindi na ito nagpakita. Gustong gusto niyang isumbong sa kanilang magulang ang lahat, pero may pumipigil sa kaniyang gawin iyon at ayaw niyang siya ang dahilan na magkaroon ng lamat at sira ang napakagandang pamilya niya.
Itatago na lang niya ito at balang-araw ibabalik niya ang kawalanghiyaan ginawa nito. Pipilitin niyang kalimutan ang bangungot na pangyayaring iyon at ibinaon sa limot ang lahat. Kaya lang may nagbago, binago siya nang gabing iyon.
“Our son decided to stay in America for the whole year. What can you say?”
Napatingin siya kanilang ama na kausap ang kanilang ina habang kumakain sila sa labas. Family date daw.
“Well our son is a grown up man and besides, enhance-ment of family business naman ang rason niya why he’ll stay there.”
Nayayamot na binalik niya ang tingin sa steak at nawalan ng gana. Tinitigan lang niya iyon at pinaghahati ng kutsilyong hawak.
“Sweety you okay? You seem sad and frustrated,” puna ng kanilang ina.
Ngumiti lang siya at nagkibit ng balikat. “I’m okay.”
“But isn’t it confusing? Kilala ko ang anak natin, siya ‘yong tipo na hanggang isang buwan lang ang kayang ilagi sa abroad at umuuwi agad.” Sandaling uminom ng tubig ang Daddy nila at nag-isip.
Habang siya ay walang gana sa kinauupuan. Ayaw niyang marinig ang hayop na kapatid niya.
“Love problem. Our son is madly inlove to someone pero takot mag-confess sa nararamdaman.”
Napaunat siya ng likod at malakas naman na humalakhak ang Ama nila. Nasamid pa ito at tila tuwang-tuwa sa narinig. “I remember those days. Ganiyan din ako sa`yo honey, sobrang torpe.”
Walang sabing tumayo siya at nag-excuse sa harapan ng mga ito na pumunta ng restroom. Tuluyan na siyang nawalan ng gana at mas lalong ayaw niyang pakinggan ang taong pinag-uusapan ng kaniyang magulang. Nabibwesit lang siya!
NAG-IKOT ng tingin si Amara sa bagong paligid na nakikita ng kaniyang mata. Australia it is! Dito sa lugar na ito siya magtatapos ng senior high at magpapatuloy ng kolehiyo.
“You sure okay ka lang talaga dito? Wala na ako na laging magluluto ng paborito mong pagkain, wala na ako—”
“Mom!” inirapan niya ito at tinawanan lang siya ng ginang.
“I know, I know. Malulungkot na kami ng Dad mo nito dahil kami na lang sa mansiyon.”
Ngumisi siya. Not anymore! Last month lang ay may nabangga ang mga ito, isang babaeng kasing-edad lang niya. Mukhang galing ito sa probinsya at walang kamuwang-muwang sa mundong pinuntahan at basta na lang tumawid kahit naka-red light. Dala-dala ang maletang gawa sa abaka. Nalaman nilang naglayas ito at galing pa sa Zamboanga, sinasaktan ito ng sariling mga magulang. At naniwala sila dahil na rin sa mga pasa nito at mga latay sa katawan.
“Pero hindi na ngayon, My! Kasama niyo si Celestine, siya muna ang baby niyo at nakikita ko na mabait siya.” Kinindatan niya ang ina at inakbayan.
Malungkot na napabuntunghinga ang ito, “Naaawa ako sa batang iyon. Nung unang araw na dumating sa buhay natin, sobrang payat at puro pasa. Hindi maayos ang pagkakagupit ng buhok at maraming sugat at piklat. Salamat at kami ng Dad mo ang nakakita sa kaniya. Hindi mo mahahalata na kasing-edad kayo dahil sa kapayatan niya, mukha siyang katorse.”
“Kaya nga Mommy, siya muna baby niyo. Don’t worry about me here, kapag namiss niyo ako, dalawin niyo ako ni Celestine!” masiglang saad niya, “And please Mom, ‘wag niyong banggitin kay kuya Azael na nasa Australia ako at dito na mag-aaral.”
“Honey...”
“Promise me Mom. Gusto ko ipakita sa kaniya na kaya ko ang sarili ko at susurpresahin ko siya balang-araw pag uwi niya ng Pinas.” kinagat niya ang pang-ibabang labi sa kasinungalingan sinabi niya.
Si Azael ang rason kung bakit lumayo siya at nagpakalayo kahit ayaw niya. Kapag nasa Pinas lang siya, naaalala niya ang lahat at paulit-ulit na bumabalik sa utak niya ‘yong gabing may nangyari sa kanila ng sarili niyang kuya. Sana, patahimikin na nito ang buong sistema niya dahil kahit saan anggulo niya isipin, mali talaga. Maling mahalin siya nito.
Masaya siya sa ilang buwan niya sa Australia. Marami man pagbabago pero sinusubukan niyang mag-adjust sa panibagong lugar. Natatakot siya pero kailangan niyang harapin ang takot na iyon. May sarili siyang condo malapit sa University na pinapasukan niya at may kasambahay na dumadalaw sa kaniya every saturday para maglinis ng kaniyang unit.
Nagkaroon siya agad ng kaibigan sa katauhan ni Trinity Williamson from Pittsburgh Pensylvannia. Mabait ito at madaldal kaya mabilis silang nagkasundo. May kaibigan na rin siyang matatawag at hindi plastic tulad niya. Tinuturuan niya itong magsalita ng tagalog dahil gustong-gusto raw nitong matuto at kumuha pa ito ng tagalog class dati pero hindi rin nagtagal dahil loaded lagi ang schedule.
“Hoy, Trinidad! Halika na at nagsisimula na ang pangat-long subject natin.” Kinalabit niya ito habang kagat-kagat ang burger sa isang kamay at taco sa kabila.
Hindi halatang mahilig sila sa pagkain dalawa kaya sigurong magkasundo sila. Halata naman sa hitsura nila, ang pinagkaiba lang ay mataba ito at laging nabu-bully. Pero walang paki ang dalaga dahil pareho silang maldita. Inaaway nila ang nambubully sa kanila.
“Maka-tirnidad ka naman...”
“Anong Tirnidad? It’s Trinidad. In-short, Trinity.” Ngumisi siya. Dapat may subject din silang puro pagkain eh, ang taas siguro ng grades nilang dalawa. Baka magtatapos pa silang cum laude, with golden medals.
Nagsenyas ito ng limang minuto na sinangayunan niya. Mamaya na nga lang sila papasok. Buti na lang, at eksaktong nakatalikod ang prof nila sa math nung pumasok sila ng kaibigan niya. Sabay pa silang nag-apir dalawa sa success.
“Notice that boylet, Amara? Tinitigan ka niya,” bulong sa kaniya ni Trinity at bahagya pa nginuso ang lalaki. Nakuha nito ang habit niya sa pagnguso kapag may bagay siyang tinuturo rito.
Nilingon niya ang sinabi nito at nakatitig nga ito sa kaniya pero agad din nagbawi ng tingin nang lumingon siya. Tinaasan niya ito ng kilay.
“See? I heard the rumors, he’s a transferee from Planet Mars. Handsome siya, bet ko siya besh!” malanding tumawa ang kaibigan niyang nahirapan magkasya sa upuan. “Bet mo? Bet ko, eh.”
“Ano ka ba Trinidad, mamaya na tayo maglandi, okay? Expired muna ako diyan.”
Tumikhim ng malakas ang prof nila kaya mabilis silang tumingin sa harapan at nagseryusong makinig. Mabuti na lang at matalino ang babae sa kahit anong subject kaya hindi niya lang ito kaibigan, tutor pa niya.
“Have you ever been inlove?”
Napatigil siya sa tanong na iyon at napatingin kay Trinity. Pauwi na sila sa kaniya-kaniya nilang condo. Umiling siya at napabuntunghinga. “Hindi.”
“Ako? Oo, I am madly inlove with my old time crush, Henrik Gustavsson! Papakasalan ko nga siya one day.”
Kinurot niya ang tagiliran nito. “Ano ka ba! Magpapayat muna tayo. Tumaba na ang kagandahan natin, duh!”
Inirapan lang siya nito,“Tomorrow na! Hapon na ngayon and besides, hindi niya ako kayang mahalin. He’s too focused on playing hockey games but after kong magtapos ng kolehiyo lalandiin ko siya sa ayaw at sa gusto niya. By hook or by crook, gagapangin ko siya!” malandi itong tumawa. Hinampas pa siya nito na akala mo ‘di siya nasasaktan sa bigat ng kamay.
Napairap siya sa hangin at iniwan niya ang kaibigan. Nagdadrama na naman ito. Makauwi na nga at makatulog para paggising niya ay kakain na naman siya.
“Hoy babae! Magkapit-bahay lang naman tayo.”
Kalahating taon sa senior high. Ang lawak ng ngiti niya habang nakatingin sa gown na susuutin niya sa 18th debut na gaganapin sa pag-aari nilang five star hotel dito sa Australia.
Lahat ng classmates niya ay inimbitahan niyang pumunta at may 18 roses at candles na rin siya. Ang escort niya ay si Theon Willoughby, sino pa ba? Pasekretong inimbitahan niya ang binata at pinaunlakan naman siya nito.
Lahat napanganga nang makita siyang pumasok sa magarbong entrance ng venue. She’s wearing her favorite wine colored sexy long gown. Nagmukha siyang tao sa araw na iyon at lahat yata hindi makapaniwala, kilala silang geek at loner ni Trinity sa University pero matapang. Buti nga at napapayag niyang pumunta ang mga clasmeyts niya sa kaniyang debut. Dahil rin siguro sa mga Legrand’s Hotels na nagkakalat sa bawat lugar na pag-aari ng kanilang pamilya but she never bragged it. Hindi siya nagmalaki dahil sa pamilya nila iyon at hindi siya ang may-ari.
Ando’n ang kaniyang Mommy, Daddy at si Celestine. Kasama ang mga bisita niyang hindi rin pahuhuli sa ganda at gwapo. Si Theon na ang gwapo sa suot nitong Tux na ngayon ay mabilis na kinuha ang kaniyang kamay papunta sa harapan.
“Fuck, napakaganda mo binibini. Nahulog yata ang puso ko.” Natatawang saad nito.
Habang naiiyak naman sa isang tabi ang kaibigan niya na akala mo ay ikakasal na siya. Ang senti talaga nito kahit kailan pero mahal niya ito at itinuring na matalik na kaibigan kahit bago lang sila nagkakilala.
Para siyang kumikinang na bituin. Lahat yata walang kayang sumapaw sa kaniyang angking ganda nang gabing iyon at puro papuri ang nakuha niya sa mga ito.
“My baby, dalaga ka na,” anas ng Daddy niya ang isayaw siya nito.
“Dad naman, matagal na.”
Natawa ito. “Yeah I know. I missed you darling, wala ng nag-iingay at puro hingi ng pagkain sa mansiyon. Ang daming nasasayang na pagkain. Ikaw lang naman ang taga-ubos—”
“Dad!”
Humalakhak ito at niyakap niya ang ama. Ang swerte niya rito. Ito na yata ang pinakada-best Dad sa buong mundo at hinding-hindi niya ito ipagpapalit. And her last dance is Theon. Ginanap nito ang kaniyang kamay at hinalikan iyon. Ang landi pa rin talaga ng lalaking ito kahit kailan pero hindi niya maiwasan hindi kiligin.
“Haven’t I told you that you are stunning beautiful tonight, Amara? Shit, nababakla na yata ako,” napangiwi ito, “Ang malas ko sakali if ikaw ang mamahalin ko.” saka ito humalakhak.
Natawa na lang siya at inirapan ito. Halos malaglag nga ang puso niya nung kinantahan siya nito at hinarana sa stage ng gitara. Buti na lang at hindi tuluyan nahulog puso niya nang mga oras na iyon.
Mula naman sa malayo ay si Azael na walang kaemosyong nakatingin sa dalaga. Nakapamulsa ito at hindi malalaman kung ano ang tinatakbo ng isip.
Deritsong humiga si Amara sa malambot na kama sa hotel na pinagdausan ng kaniyang debut. Hindi niya na nakuhang magpalit ng damit dahil sa pagod. Ilang sandali pa ay mabilis siyang nakatulog pero agad din naalimpungatan nang may humaplos sa kaniyang pisngi. Gusto niyang magalit sa taong dumisturbo ng kaniyang pagtulog. Pero sa paraan ng paghaplos nito sa kaniyang pisngi at buhok ay parang dinuduyan ang kaniyang pakiramdam sa alapaap.
“You look beautiful princess...”
Napangiti siya sa kawalan nang marinig ang linyang iyon, parang si Azael lang. Wala sa sariling inabot niya ang kamay na humahaplos sa kaniyang pisngi at niyakap iyon. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang may humiga sa kaniyang tabi at mahigpit na yumakap sa kaniya. Imbes na tuluyan magising, mas lalo siyang dinuyan ng antok. Pero bago iyon, naramdaman niyang may dumampi sa kaniyang noo. Namimiss niya si Azael pero bawal.
SEMESTER break. Ayaw sanang umuwi ni Amara sa Pinas pero makulit si Trinity. Gustong sumama at magbaksyon kasama siya, kaya wala siyang magawa kundi ang umu-oo sa kakulitan nito. Wala naman siguro si Azael at malabong magkikita sila. Ayon sa Mommy nila, hindi na umuuwi ang kaniyang kuya. Lagi na itong busy sa kanilang family business at sa videocall na lang ito nakikita ng kanilang magulang o kapag ang parents nila ang siyang pumupunta sa America para bisitahin ito.
Ang lawak ng ngiti ng lukaret niyang kaibigan. Halos ayaw na yata nitong matulog sa kaka-wow sa paligid na nakikita lalo na nung dumating sila sa mansiyon ng Legrand. Kulang na lang ay sabunutan siya nito sa sobrang excitement. Lahat ng mga kasambahay at pati halaman ay binati nito sa salitang tagalog. Natawa na lang siya sa kabaliwan ni Trinity. Dalawa na silang baliw at taga-ubos ng pagkain nito sa kusina.
“Holy shit! Kapatid mo ‘to?!” Tinuro nito ang family portrait nila specially kay Azael na nasa tabi ng kanilang ama.
The lifesize portrait was painted 10 years ago at sobrang dugyot niya pa ro’n. Nakangiti silang tatlo pero hindi si Azael. Seryuso lang itong nakatingin at walang kangiti-ngiti pero hindi nabawasan ang kagwapuhan nitong taglay. Nananalaytay ang dugong French nsa side ng kanilang ama at dugong Spanish sa side ng ina nila. Indeed, Azael was a masterpiece by a great sculpture. Sa kaniya, dugo ng manananggal yata.
“Yeah,” walang ganang sagot niya.
“Magkapatid ba talaga kayo? Hindi kayo magka-same ng face. Bet ko, ampon ka lang.” saka ito tumawa at tinampal pa siya sa balikat.
Natawa siya sa birong iyon. Imposible na ampon siya dahil may picture siya since baby hanggang sa lumaki siya kasama ang mga ito. Sa side ng grandmother siya nagmana na matagal ng yumao.
“Alam mo lukaret kang babae ka, baka ikaw ang ampon bwesit ka! Kurutin ko ‘yan singit mo diyan, eh.”
“As if may makukurot ka.”
Sabay silang napahalakhak at naghabulan ng kurutan. Natigil lang silang dalawa nang may kumuha sa atensyon nila pareho. Halos malaglag ang panga nilang dalawa sa bagong panauhin na dumating. Pero siya ‘yong hindi makahuma sa kinatatayuan. Gusto niyang tumakbo papuntang silid niya at magtago.
Habang si Trinity, parang mamatay sa sobrang kilig nang makita ang kaniyang kuya Azael, na hindi man lang sumulyap sa kanila at deritsong nagtungo sa hagdanan
“Oh my goodness, Amara! Ang gwapo ng kuya mo sa personal. Like what the F! He’s oozing with sex appeal and gosh, he’s drop dead gorgeous. Nahulog yata ang bra ko.”
Lihim siyang napasimagot pero hindi niya pinahalata sa babae. Wala itong alam sa nakaraan at pagitan nila ni Azael. Hinila niya na ang babae papalayo ro’n papunta sa kaniyang silid.
Bakit andito si Azael? Alam ba nito na uuwi siya o coincidence lang? Okay, two weeks lang naman sila rito ng kaibigan niya sa mansiyon at alam niyang madalang lang din niya itong makikita dahil may sarili itong mansiyon at inuuwian.
Nahirapan si Amara nang gabing iyon na makatulog. Kaya nagpasiya siyang magtungo sa balkonahe at tumayo. Mula ro’n, tanaw niya ang malaking pool sa ibaba at ang maliwanag na sinag ng buwan sa kalangitan. Blangko ang kaniyang isip nang mga oras na iyon at hinihintay lang niyang hilain siya ng antok. Kahit galing sila sa mahabang flight, ang kaibigan lang niya ang mabilis nakatulog after ng hapunan kasabay si Azael na tingnan siya ay para siyang hindi nag-exist.
Nalaman niyang tatlong araw lang ang lalaki at babalik ulit sa America. Kaya lang ito umuwi dahil pinatawag ito ng per-sonal ng kanilang ama para sa isang personal na bagay.
Napangiti siya ng mapait. Pakiramdam niya kalahati ng buhay niya ay nagbago simula ang gabing iyon. Paulit-ulit siyang dinadalaw sa kaniyang panaginip at sa bawat panaginip niya ay nagugustuhan niya bawat haplos ni Azael. Nababaliw na yata siya at baka isang araw makita na lang niya ang sarili niya na nagpa-check sa utak. Dati pinagarap niya ang kuya niya mismo ang magiging kasayaw at escort sa kaniyang debut pero lahat ay nagbago.
Nagulat siya nang mula sa ibaba ay may taong mabilis na lumusob sa swimming pool. Naghintay siya ng ilang segundo kung sino iyon at nakita niya si Azael na umahon sa dulong bahagi ng pool. Umatras siya at nagpasiyang bumalik sa kaniyang kwarto pero natuon ang kaniyang atensyon sa Polynesian Tribal Tattoo nito na halos kalahating dibdib at braso ay sinakop. Bakit ito may tattoo? Naalala niyang ayaw nito sa gano’n bagay. Oh well, kung ano man ang rason nito wala na siyang pakialam. Walang salitang umalis siya ro’n at deritsong tinungo ang silid niya.