Dominant Series 3 & 4: Ignite and Intruder Chapter 14

Napag-usapan ang kasal after ng senior high niya. Sa Pinas ang kasal at engrande ayon na rin sa plano ng dalawang panig habang pareho lang silang nakikinig ni Theon sa usapan ng mga ito.

Ang plano, pagkatapos ng kasal niya ay magpapatuloy siya sa pag-aaral ng kursong gusto niya kahit saan. Hindi ibig sabihin na kasal na siya at gamit ang apelyidong Willoughby, ay sa bahay na lang siya at magiging asawa nito. Pwede pa rin niyang gawin lahat ng gusto niya. Ang gusto lang ng kanilang pamilya ay lagyan ng bigkis ang pamilyang Legrand at Willoughby.

Nakabalik na sila ni Trinity sa Australia at tuloy ang pag-aaral na parang walang nangyari. Masyado siyang maganda para problemahin ang mga bagay-bagay na hindi dapat problemahin pa.

“Opps!”

Napaatras siya nang mabunggo niya ang lalaking nakatayo sa gilid malapit sa waiting shed. Kung hindi ba naman siya tinulak ng balyenang kaibigan niya baka hindi naman siya mabunggo rito.

“I’m sorry,” apologetic na saad niya. Doon lang niya napansin na ito ‘yong lalaki na lagi niyang nakikitang nakatingin sa kaniya every math subject.

“It’s okay.” Napakamot ito ng ulo at hindi alam kung saan titingin.

Nagblush ba ito? Gusto niyang matawa pero pinigilan niya. Ito yata ang una-unang pagkakataon na makakita siya ng lalaking nagba-blush.

“I’m Amara,” nakangiting nagtaas siya ng kamay. Tingin niya ay mabait ito at mahiyain. Makakasundo niya ito kapag nagkataon.

“Berkham.” Ginanap nito ang kaniyang kamay pero maepal ang kaibigan niya, agad nitong binawi ang kamay ng lalaki.

“Hey Berkham! Amara is getting married so if I were you, stay away from her. Shoo! Shoo!”

“Trinidad!” napatanga siya sa ginawa nito. Lihim niyang kinurot ang tagiliran ng babae.

Napakamot naman ang lalaki sa batok. “Okay then, bye Amara. See you around, nice meeting you.” mabait itong nagpaalam at tumalikod.

Napasunod ang kaniyang tingin sa lalaki. Sa sobrang kabaitan nito ay nasapak niya si Trinity. Lukaret talaga ito! Pinahiya nito si Berkham at ramdam naman niyang malinis ang hangarin nito laban sa kaniya.

“Shit Amara!”

Napatingin siya sa sinundan nito nang tingin at sabay silang napanganga. Puta! Anong ginagawa ng walang hiyang hindut na babaeng nakaaway niya sa pool dito sa Australia?!

Hindi sila nakita nito pero mukhang iisa lang yata sila ng University na pinapasukan. Kung maswerte nga naman talaga siya lagi, heto at mukhang may mababasag siyang mukha. Napairap siya sa hangin pero agad din siyang natigilan. Posible ba na— hindi! Sobrang imposible ang kaniyang iniisip kaya pinagwalang bahala na lang niya iyon.

“Is that your brother, Amara?”

Napatanga siya. Sabi na nga ba! Bigla siyang binalot ng takot at hindi siya mapakali. Anong ibig sabihin nito? Coincidence nga lang ba ang lahat? Mabilis niyang hinila papalayo ang dambuhalang kaibigan niya bago pa ito mag-ingay at feeling close sa kaniyang kuya. Pero bago sila tuluyan naka-layo, lumingon siya sa mga ito at kitang-kita niya ang paghalik ni Azael sa noo ng babae. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin.

Malaki ang University na pinapasukan nila kaya medyo okay na rin si Amara at hindi niya na nakita ang pagmumukha ng bruhang iyon at sana hindi sila magkita at baka maimudmod niya ito sa lupa or worst sa semento.

Pero hindi yata siya dininig ng pagkakataon nang isang gabi, habang nasa terasa siya ng kaniyang condo at umiinom ng tea, napatingin siya sa katabing building.

Nagulat siya sa nakita. Masyado yata siyang dinadaya ng kaniyang mga mata. Ilang beses siyang kumurap-kurap at sini-gurado ang kaniyang nakita. Isang naka-topless na lalaking kahit pagbanggit sa pangalan ay mahirap gawin. May hawak itong kopita ng wine at sa malayo nakatingin. Napaatras siya at nagtago sa isang tabi. Coincidence pa ba ito? Hindi na.

Nagpasya siyang pumasok sa loob at pililitin makatulog pero parang may sariling isip ang kaniyang mga mata na tumingin ulit sa gawi ng lalaki. Nakita niya ang malambing na pagyakap nung babae sa likuran ni Azael. Tumawa si Azael at hinarap ang babae saka malambing na hinalikan ito sa labi. Agad niyang kinuha ang tingin at walang sabing pumasok sa loob, deritso niyang tinakbo ang kama. Wala siyang nakita, wala. Hindi si Azael ang nakita niya at mas lalong wala ito sa Australia!

LAGING gano’n ang set-up ang nakikita ni Amara tuwing gabi. Kaya hindi na siya tumatambay pa sa balkonahe at hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya dahil wala pang ginawang hakbang ang kuya niya o mas lalong mabahala. Hindi niya alam kung ano ba ang nais iparating nito. Hindi siya mang-huhula at wala siyang panahon sa kagaguhan nito.

Dapat makasal na sila ni Theon sa lalong madaling panahon para matigil na ito sa kahibangan. Kung siya ang pakay nito, bakit andito ‘yong babae? Hindi kaya ‘yong babae talaga ang sinundan nito? May possibility dahil mukhang half foreigner ang beauty nito at mukhang hito. Tuluyan na ba siyang nakalimutan ni Azael? Sana nga...

“Ang swerte naman ng girlat ng kuya mo. Imagine, ang kuya mo ang boyfriend niya like what the f, Amara! Para siyang naka-fish ng sobrang big pa sa universe!” exaggerated na kwento ni Trinity habang lumalamon na naman sila sa canteen nang araw na iyon. Therapy yata nilang dalawang magkaibigan ang pagkain; stress eating.

“Huwag ka nga maingay, pinagtitinginan tayo rito babae ka,” saway niya rito.

Nag-irap ito, “Paki ko? I’m so maganda to pansin them. Anyways, I’ve found out na ang girlfriend ng kuya mo girl ay model at pamangkin ng vice president ng University na ‘to.” Saka ito may nilatag sa kaniyang harapan na isang magazine at tinuro ang mukha ng babae. “See? Siya iyan, rising star and course niya, tourism. Kaya pala she looks so familiar pero duh, imagine mo Amara same university tayo pinapasukan? Is this destiny?! Baka dito niyo ipapagpatuloy ang sabunutan niyong dalawa? God! I can’t wait that day. Like I can’t wait to shout na.”

Ilang beses na ba niyang natanong sa sarili kung paano at bakit sila nagkaibigan ng bwesit na babaeng ito? Ang ingay, eh. Nawawalan siya ng ganang kumain kaya ang ginawa niya ay tumayo at bitbit ang tray na maraming laman. Lilipat muna siya ng pwesto. Saka na sila mag-usap kung tapos na siyang kumain.

“My God!”

Natigilan si Amara sa malakas na tili na narinig niya. Noon lang niya napansin na natapon ang kaniyang pagkain dala-dala. What a small world isn’t it? Sa dami nga naman ng taong pwede niyang tapunan ng pagkain, sa babae pa ng kuya niya. Sayang, hindi sa mukha nito natapon. Pwede take two at ililigo niya lang dito ang pagkain dala-dala niya? Napairap siya sa hangin.

“I’m sorry, I did’t mean it.” Pero kahit gano’n, alam niyang kasalanan niya kaya humingi pa rin siya ng tawad. Kinuha niya ang kaniyang panyo sa bag at pinunas sa damit nito pero malakas nitong tinampal ang kaniyang kamay at tinulak siya.

“You?” napangisi ito at hindi makapaniwalang nakita siya sa lugar na iyon. “What a lucky day. Dito lang pala kita makikitang engranta ka!” At hindi niya napaghandaan ang biglang pagsabunot nito sa kaniya.

Nagkatotoo nga ang gustong mangyari ni Trinity at mukhang may magic spell ang dila nito. Letse! Nakipagsabunutan din siya, part two na kung part two pero hindi siya papatalo. Masyado itong higad at akala nito sinong maganda? Baka hindi pa nito alam siguro na magkapatid sila ni Azael kaya ganito ito umasta? Well, wala rin siyang pakialam sa bagay na iyon. Tuturuan niya ito kung paano makisama sa mga tao kahit mababa lang ang naabot ng mga ito sa buhay, na hindi lahat ng tao ay mayaman at kaya ganito ito umasta na parang pagmamay-ari ang mundo.

“Enggrata ka talaga!”

“At ikaw? Isang malaking tanong kung bakit ka sinilang sa mundo. Kakalbuhin kita!” Gumanti siya ng sabunutan.

Nagulat lang siya nang hilain nito ang kaniyang suot na blouse at napunit iyon! Hindi niya na magawang makapag-react sa ginawa nito. Mabilis niyang nayakap ang katawan nang lumantad ang kaniyang malaking dibdib sa maraming tao. For heaven sake! Nasa gitna sila ng canteen at maraming estudyanteng naroon pero walang gustong umawat sa kanila, hanggang sa maramdaman niyang may humila sa kaniya at mabilis siya niyakap.

“Stop it, Penelope!”

“Stop meddling, Berkham!” Nagpumilit itong lapitan siya at sabunutan.

Mabilis na pinasuot sa kaniya ni Berkham ang suot nitong leather jacket at walang ingay silang lumayo ro’n. Galit na nagsisigaw ang babae at nagbabanta ito na magtutuos sila, at hihintayin niya ang araw na iyon. Kakalbuhin niya ito.

“Thank you,” kiming saad niya habang ginagamot ng lalaki ang kaniyang mga sugat na nakuha mula sa matataas na kuku ni Pennywise. Mahapdi ang bawat pagdantay ng bulak na may alcohol sa balat niya.

Napahugot ito ng malalim na hininga at ngumiti. “Don’t mention it.”

Napatango lang siya at hinayaan itong gamutin ang mga sugat niya. Suot pa rin niya ang jacket nito at kinakalma niya ang sarili dahil sa tuwing naiisip niya ang mukha ng babaeng iyon, nanggigil siya at kumukulo ang kaniyang dugo. Huwag lang itong magkakamaling magpakita ulit sa kaniya dahil wala siyang paki-alam kung may-ari pa ito ng pinapasukan niya.

“She’s a spoiled brat. Bilang pinsan niya, sumasakit na ang ulo ko sa bawat away na kinasasangkutan ng babaeng iyon,” walang gatol na saad nito nang matapos gamotin ang kaniyang sugat.

Nagulat siya ng magtagalog ito. Dugong pinoy rin pala ang lalaki kaya pala panay tingin ito sa kaniya. Wait, pinsan? Napangisi siya. Talaga, magpinsan ang mga ito? Masyadong hindi halata. Napakabait ng binata habang ang babae, ah, nevermind.

“You feel better?”

Tumango siya, “Yeah, okay na ako, Berkham. May isang subject ka pa.”

Natawa lang ito at napakamot. “Don’t mind it. Pwede naman akong ‘wag pumasok. Kung gusto mo, ihatid na kita,” mabait na wika nito.

Dahil nawalan na siyang pumasok pa sa next subject kaya tinanggap niya ang offer nitong ihatid siya sa kaniyang condo. Kailangan niya ng magpahinga.

Marahan sinipat ni Amara ang mga kalmot na nakuha niya habang kaharap ang malaking salamin sa loob ng banyo nang kaniyang condo. Lugi siya dahil hindi matataas ang kaniyang mga kuku. Pero alam niyang masakit ang kaniyang paghila sa buhok nung babae, na balak sana niyang kalbuhin.

Paglabas niya, awtomatikong nagulat siya nang makita si Trinity at si Azael na nakaupo sa sofa. Nag-uusap ang mga ito na parang matagal ng magkakilala. Anong ginagawa ng lalaki sa loob ng condo niya?! Gusto niyang palayasin ito pero naunahan siya ni Trinity.

“Hi Amara, I was on my way to your unit when I saw your kuya kaya I brought him here since he’s your older brother naman and he wanted to talk you. I like your kuya, he’s so sweet! I hope I have a brother like him.”

Tama nga pala, walang alam ang babae sa namamagitan sa kanila ng lalaki. Kung gaano kalaking pader ang nakaharang sa kanilang dalawang magkapatid.

Ngumiti siya ng pilit. “Ano ba ang gusto niyong inumin? Kape, tsaa—”

“Don’t bother,” agap na saad ni Azael.

Nag-iwas siya ng tingin at nagtungo sa kitchen. Hindi niya kayang pagmasdan ang mukha nito at mas lalong ayaw niyang nasa isang lugar sila. Nakakasuka ang pagmumukha nito at baka hindi niya mapigilan sampalin ito kahit nasa harapan nila si Trinity.

“Amara gaga, I gotta go! I got a call from my Mom.” Mula sa sala ay malakas na sigaw ng babae.

Bago pa niya ito napigilan at sabihin ‘wag siyang iwan mag-isa, nakalabas na ito. Bigla siyang kinain ng kaba at takot. But no, hindi siya padadaig ng takot.

Pinili niyang pakalmahin ang sarili at nagpasyang bumalik sa sala kung saan si Azael pero hindi na pala niya pwede gawin ‘yon. Nasa bukana na ito ng pintuan ng kitchen at malamig ang tingin binigay sa kaniya.

“I saw the video of you and Penelope—”

“Get lost,” putol niya sa gusto nitong sabihin at tinungo ang ref. Kumuha siya ng tubig at walang gatol na uminom mula sa pitsel. She hates him. Gigil na gigil siyang paalisin ito.

Walang tugon mula kay Azael pero nagulat na lang siya nang may humawak sa kaniyang braso. Mahigpit iyon at masakit ang paraan ng pagkakahawak nito. “So you said yes to our parents?”

Hindi siya tanga masyado para hindi alam ang ibig sabihin nito. Pinuponto nito ang pagpapakasal niya kay Theon. Ngumisi siya at matapang na hinarap ito kahit nasasaktan siya sa paraan ng pagkakahawak nito sa kaniyang braso.

“Oo, walang mali ro’n. Mahal ko si Theon at mahal niya ako kaya magpapakasal kami—” Napasigaw siya sa gulat ng malakas siya nitong isinandal sa isang tabi at sinuntok ang sementong dingding.

Wala siyang ibang nakita sa mukha nito, kundi galit. Napangiti siya. That’s it, para magising ito sa kahibangan at lubayan siya. Wala siyang pakialam sa nararamdaman nito.

“I won’t let that happen. You are mine.”

Isang malakas na sampal naman ang binigay niya rito at buong pwersang tinulak ito papalayo sa kaniya. “Hindi mo ako pagmamay-ari at kailanman ay hindi ako mapapasayo!” taas noong sambit niya.

“Then I’ll mark you again as MINE.”

Nagpumiglas siya nang haklitin nito ang kaniyang braso at walang sabing hinalikan siya ng mapusok. Gusto niyang sumigaw at magwala pero isinandal siya nito ulit sa isang tabi at ginamitan ng lakas para hindi makawala. Matangkad at malaki ang pangangatawan ni Azaela at kahit anong pilit niyang makawala ay walang saysay. Masakit ang paraan ng paghalik nito at nalalasahan din niya ang dugo mula sa labi niya.

Napaiyak siya pero walang silbi ang mga luha niya nang simulang haplusin nito ang kaniyang leeg hanggang ang kaniyang dibdib. Gusto niyang magsisigaw ng tulong pero kapag ginawa niya iyon, bibigyan lang niya nang dahilan si Azael na tuluyan angkinin siya.

Napakademonyo nito! Sabi na nga ba na may ibang sadya ito kaya narito ito sa Australia. Tuluyan siyang humagulhol nang bumaba ang labi nito sa kaniyang leeg at nilagyan siya ng marka.

“You’re mine, Mara.” Saka siya iniwan.

Nanginginig ang mga tuhod na napaupo siya sa sahig. Walang tigil sa pagpatak ang mga luha niya at mas lalong lumaki ang galit niya sa binata. Kahit mamatay ito ay hindi niya ito patatawarin! Konting-tiis na lang at magpapakasal siya kay Theon sa lalong madaling panahon. Baliw na ang kaniyang kapatid at kailangan na itong matigil sa paggiging baliw sa kaniya. Iniisip pa lang niya ang sinabi nito, nandidiri na siya.

Tulad nang dati, pumasok pa rin siya na parang walang nangyari. Masyado siyang maganda para sirain ang kaniyang araw at... Natigil siya sa paglalakad sa hallway nang may mahagilap ang kaniyang mata. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang makita niya si Azael na hinatid ang mukhang tansong Penelope.

She pretend she never saw them. Bagay lang na magsama ang dalawa at wala siyang pakialam doon. Marahan niyang pina-palangin na sana ay matapos na ang senior high niya at nang makatakas na siya sa lugar na ito. Akala niya, hindi siya masu-sundan o malalaman nito kung saan siya pero masyado yata niyang minaliit ang kakayahan nito. Hindi sapat ang pagtatagong ginawa niya para matakasan si Azael.

“Amara!” Mula sa kung saan ay biglang sulpot ni Trinity.

Napasimangot siya. “Himala at wala kang pagkain dala?” natatawang saad niya at sabay na silang maglakad papasok sa unang subject nila sa araw na iyon.

“Yeah, maybe later. Have you heard the news?” mahinang tanong nito at sandali pa siyang tinitigan.

Napaseryuso siya bigla. Wait, buntis ba ito? May nobyo? May napikot? Napatakip siya ng bibig. No waysss! “May nagka-maling lalaki sa`yo?”

“Sira, hindi iyan. What I mean kasi, Penelope is being rumored na engaged last night at alam mo ba kung sino ang lalaking nag-propose... God, Amara! Ang kuya mo!”

Para siyang bombang pinasabog, hindi agad rumehistro sa kaniyang utak ang sinabi ni Trinity. Bigla siyang nag-loading. Wow! Ambilis ng hiling niya. Nalilito siya kung dapat ba siyang mag-celebrate o hindi.

“Hey, what happened to your neck?”

Mabilis niyang tinakpan ng scarf ang kaniyang leeg at nagpatuloy sa paglalakad. Well, one thing she is sure of at iyon ay ang wala siyang pakialam kahit buong babae sa Pinas ang yayain ni Azael magpakasal. Hindi niya alam kung anong laro ang gusto nitong mangyari pero handa siya. Alam niyang may pinaplano ito at iyon ang dapat niyang paghandaan. Pinadoble na rin niya ang lock ng unit niya at pinalagyan ng security camera.

“Wait, hindi ka ba eeksena? Like hahayaan mo ang gwapo mong kuya?” Mabilis na humabol sa kaniya ang babae.

“Let him be and besides, hindi kami close.”

Napatitig ito sa kaniya. Parang may gusto itong sabihin pero mas pinili nitong manahimik at sumunod sa kaniyang paglalakad.

Ano kaya ang iisipin nito kung sakaling malaman nito ang tunay na gap nila ni Azael? Mandidiri rin ba ito tulad ng pandidiring naramdaman niya?

Ilan sa mga estudyante ay napapalingon at nagbu-bulungan nang makita siya. Wala siyang pakialam. Instant sikat siya ngayon dahil sa nangyaring kaguluhan nung nakaraang araw. Ang iba ay umiiwas sa kaniya na para siyang may sakit na nakakahawa. Hindi siya affected at sanay kaya siyang walang kaibigan sa dating pinapasukan. Si Trinity lang ay sapat na.

“Anong tinitingin niyo? Tutusukin ko ‘yang mga mata niyo, eh!” pinandidilatan ito ng mata ni Trinity.

Natawa na lang siya dahil alam niyang hindi naiintindihan iyon ng mga estudyanteng bawat nadadaanan nila.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.