Dominant Series 3 & 4: Ignite and Intruder Chapter 15

Mabilis na lumipas ang ilang buwan at natapos niya ang senior high school. Agad siyang pinauwi sa Pinas ng kaniyang magulang habang si Trinity naman ay umuwi ng Pittsburgh. Magbabakasyon daw ito ng bongga at sisilipin ang kapogian ng crush nito. Saka raw ito susunod para tulungan siya sa paghahanda sa kaniyang kasal, in which hindi na kailangan dahil ang Mommy nila ni Theon ang umayos sa lahat.

Everything is settled. The venue, the church. Pero kung si Amara ang tatanungin, hindi siya mapakali. Nando’n sa puso niya ang mga tanong na bumabagabag. Tama ba ang gagawin niya? Magpapakasal siya sa kaniyang childhood crush para tigilan siya ni Azael?

Kung sakaling makasal sila, may possibility na ba na titigil na ang kaniyang kuya? The other side of her, said yes. Ito lang ang tanging naisip niyang paraan at wala ng urungan ito. Hindi lang ito para sa pamilya niya kundi para na rin sa kaniyang sarili at ikakatahimik ng lahat.

“Are you sure you wanna marry me, Amara? Kung ayaw mo, we can talk our parents and cancel the wedding. I know you hate this hindi mo lang sinasabi at piniling manahimik.”

Nasa balkonahe sila ng mansiyon ng Legrand. Ito ‘yong pangalawang pagkakataon na nag-usap sila na seryuso at walang halong kalokohan.

“Oo naman, seryuso ako. Bakit ayaw mo ba? Ikaw yata ‘to ayaw akong pakasalan, eh. Takot ka yatang matali sa`kin at hindi na makakapambabae. Malandi ka pa naman at pokpok minsan.”

Napahalakhak ito sa kaniyang sinabi at matagal bago ito nagseryuso. “Fuck, stop that. I’m trying to get serious here. Pokpok talaga?”

Natawa siya. Eh, sa ganito ang pagkakilala niya sa lalaki. “Hindi ba? Pokpok ka naman talaga, higad pa nga!”

Napakamot ito sa batok. “Whatever.” Ngumisi ito. “Willing ka pa rin ba pakasalan ang pokpok na tulad ko?”

“Oo nga ang kulit, eh.” Inirapan niya ito.

“Next week na ang kasal natin. After that, asawa na kita at...”

Binato niya ito ng ubas. “At ano, ha?”

“Honeymoon.” Humalakhak ito.

Gusto niyang ma-offend pero tumawa lang siya at sinapak ito. Alam niyang nagbibiro lang si Theon.

Kapagkuwan, napatayo ito nang biglang nag-ring ang cellphone at lumayo sandali sa kaniya. Habang siya ay nakatitig sa naggagandahang halaman, biglang tumunog ang message tone ng kaniyang cellphone.

I’ll move heaven and earth to stop you, Mara

Hindi niya kailangan tanungin kung kaninong unknown number iyon. Nakaramdam siya ng takot pero binalewala niya, magtutuos sila kung gano’n ni Azael.

“O, asan si Theon? Umalis na?”

Napalingon siya sa kaniyang ina, may bitbit itong pagkain. Siya na ang kumuha sa dala nito at nilantakan. Masyado siyang pini-pressure ni Azael!

“Hey-hey, uubusan mo yata ako binibini,” natatawang saad ni Theon nang bumalik na ito at subo lang siya nang subo.

“Hay naku bata ka, para kang maubusan d’yan.” naiiling na saad ng kaniyang ina. Nag-excuse ito at iniwan sila.

Hindi makatulog si Amara nang gabing iyon, ang daming pumapasok sa utak niya. Hindi na rin siya babalik sa Australia para doon kumuha ng kolehiyo. Simple lang, nagtagumpay si Penelope na patalsikin siya at wala naman problema sa kaniya dahil wala siyang balak mag-aral pa sa unibersidad na kinabibilangan nito. Huwag lang itong magpapakita ulit sa kaniya sa Pinas dahil siya naman ang magpapatalsik dito palabas ng bansa. Pagkatapos ng kasal nila ni Theon, pupunta sila for honeymoon and vacation sa Maldives. Pero pakikiusapan niya ang binata sa bagay na ito at alam niyang igagalang nito ang kaniyang desisyon.

Napangiti siya ng mabasa ang mensahe ni Trinity. Excited na raw itong pumunta ng Pinas kaso broken daw ito dahil hindi na naman pinansin ang beauty. Gaga talaga silang dalawang mag-kaibigan, hindi lang halata. Kapagkuwan ay natawa siya sa isa pang mensahe ni Berkham.

Can’t wait to see you wearing your white dress. Not gonna miss your wedding day. I miss you Amara, baby.

Berkham is a nice man. Hindi niya akalain sa ibang bansa niya mahahanap ang tunay na mga kaibigan at hindi siya pina-plastik. Aside of that, Berkham treats her as his own sister. Hindi basehan ang haba ng taon para maging kaibigan mo agad ang isang tao at napatunayan niya iyon.

Laging nandiyan ang lalaki sa kaniya sa tuwing nagka-kaharap sila ng demonyang pinsan nito. Akala niya dati, kaya ito lumapit sa kaniya dahil may gusto ito pero wala, magaan lang daw talaga ang loob nito sa kaniya at gusto raw siya nitong makilala pa.

“Sa tingin mo Amara papayag ako?”

Nagulat siya nang mula sa kawalan, nakita niya si Azael na hindi mapipintura ang mukha na nakatingin sa kaniya. Larawan ng taong galit na galit at handang papatay anuman oras.

“Anong ginagawa mo rito? Pwede ba, lumabas ka,” nagpanggap siyang matapang pero ang totoo, kinakain siya ng takot kahit ilang beses niyang sinasabi sa sarili na hindi na siya masisindak pa rito.

“Takot ka ba?” ngumisi ito at kitang kita niya ang kakaibang kislap sa mga mata nito.

Napatayo siya at naghahanda sa anuman gagawin nito. Kung may binabalak itong masama sa kaniya, pwes hindi ito mananalo!

“Stop the wedding, Mara,” parang kidlat ang boses nito.

Umiling siya. “Hindi,” pinal niyang sagot.

Tumalim ang tingin nito at marahan humakbang papalapit sa kaniya. God! Kung ano man ang iniisip nito, huwag na huwag na nitong ituloy dahil sisigaw siya at wala siyang pakialam kung masisira ang kanilang pamilya. Pagod na siyang magpanggap at tumahimik! Kaya isang hakbang lang nito ay sisigaw siya.

“Scream princess, no one will hear you. Soundproof ang kwarto mo, remember?”

Shit! Nakalimutan niyang soundproof nga pala ang buong silid at kahit magtitili pa siya ng bongga, walang mangyayari.

“Umalis ka na, Azael. I swear, mamatay akong kasu-suklaman ka!”

Natigil ito sa paghakbang at nababanaag niya ang sakit na gumuhit sa mga mata nito. “Why can’t you love me?” parang kutsilyo ang mga salitang iyon at naapektuhan siya.

Damang-dama niya ang sakit na sinabi nito at hindi niya alam kung bakit siya nasasaktan.

Bakit? Bakit?! Dahil magkapatid sila for God sake! Kailan ba pwede magmahalan ang magkapatid? Walang batas na magsa-sabing pwede ang sariling kadugo ang mamahalin at kung sakali man, hindi siya papayag. Magkapatid sila sa dugo at laman. Hindi pwede ang gusto ni Azael na mangyari at kahit ano pa gawin nito, hindi nito mababago ang lahat. Paano ba niya isasampal sa binata ang katotohanan na hindi niya ito kayang magawang mahalin?

“Stop it. Magkapatid tayo!”

“Then what if we are?! Wala akong pakialam.” Mabilis siya nitong nilapitan at niyakap ng mahigpit. “Gusto kong maging akin ka kahit bawal. Mahal kita, Amara.”

Hindi niya alam kung saan galing ang lakas niya nang itulak niya ito papalayo. Naririnig ba nito ang sinasabi? God! Malala na talaga ito. Gusto niyang makatakas sa lugar na iyon at baka saan pa hahantong ang lahat.

“You can’t leave.” Malakas na kamay ang pumigil sa kamay niya.

“Azael, let me go!”

“No...”

“I don’t love you and I will never love you! Hinding hindi kita kayang mahalin kahit hindi pa tayo magkapatid.”

Nagulat siya sa pagbagsak ng luha sa mga mata nito pero agad itong tumalikod papalayo sa kaniya papuntang bintana. “I see...”

Napasigaw siya nang biglang tumalon ito pababa mula sa kaniyang bintana. Mabilis siyang napatakbo para tingnan ito pero wala siyang makitang Azael sa baba.

Walang emosyong nakatingin si Azael mula sa malayo habang pinagmamasdan ang dalawang taong nasa harap ng altar at nagpapalitan ng `Yes’ sa harap ng maraming tao. Nasa likod siya naka-pwesto at walang nakapansin sa kaniyang presinsya. Hindi niya na tinapos ang seremonya at walang ingay na umalis sa loob ng simbahan. Tahimik lang siyang pumasok sa kaniyang kotse at walang kibong binuhay ang makina ng sasakyan.

His heart was shattered. Wala siyang ginawa para pigilan at sirain ang kasal kahit gustong-gusto niyang gawin iyon. Nag-plano siyang dukutin ang dalaga at dalhin sa malayong lugar pero alam niyang mas kasusuklaman siya ng nakakabatang kapatid. Fuck his heart! Kung pwede lang tanggalin ito sa buong sistema niya, ginawa niya na. Nagiging komplikado ang lahat dahil sa pesteng puso niya at pagmamahal kay Amara.

Binuksan niya ang car fridge at kumuha ng beer. Mabilis niyang nilagok ang laman ng buksan niya iyon habang nasa daan ang kaniyang atensyon. Damn! Damn this heart. At bago pa siya traydurin ng kaniyang kamay pabalik sa simbahan at itakas si Amara, sunod-sunod niya ng linagok ang beer at pabilis nang pabilis ang takbo ng kaniyang sasakyan. Wala na rin siyang paki-alam sa mga sasakyan na kasabayan. Wala siyang maramdamang sakit at isa lang alam niya nang mga sandaling iyon, manhid ang kaniyang buong pagkatao.

Isa, dalawa, tatlo hanggang sa naging walong beer ang kaniyang naubos at ang sumunod na nangyari ay hindi niya napansin ang biglang pag-iba ng kulay ng street light at huli na nang maisip niya nang mahagip siya ng sasakyan. Bumangga ang kaniyang ulo sa manibela, napangisi siya. Ngayon lang niya naramdaman ang sunod-sunod na sakit. Naisip niya, mas mabuti na rin ito kesa masaktan niya si Amara sa kaniyang gagawin. Napapagod na siyang makitang umiiyak ito dahil lang sa kaniya. Kung pwede lang sana, hindi na siya magising kung sakaling dito na lang ang kaniyang buhay ngayon. Narinig niya ang mga sigawan ng mga tao sa paligid pero naging kadiliman na ang sunod niyang nakita....

“My, saan kayo pupunta ni Daddy?” mabilis na tanong ni Amara sa inang nagmamadaling umalis sa hotel na pinagdausan ng reception nila ni Theon. Pagkatapos sa simbahan, dumeritso na sila sa 5 star hotel na pag-aari ng Willoughby.

“Sasabihin namin mamaya honey. As of now, enjoy your wedding day okay?” At agad na nakaalis ang mga ito.

Napatango lang siya. Wala naman sigurong masamang nangyayari kaya ito nagmamadali. Napilitan siyang harapin ang mga bisita nilang mostly ay nasa business commununity.

Walang ginawang hakbang si Azael para masira ang araw ng kasal niya, hindi niya alam kung masaya ba siya sa bagay na iyon o mas lalong mag-alala. Sana nga ay tumigil na ito sa kahi-bangan lalo na ngayon at isa na siyang Willoughby at pagmamay-ari ni Theon.

“You okay?” Si Theon. “Huwag mo masyadong isipin ang honeymoon natin binibini— mali, aking asawa pala.” kinindatan siya nito.

Kimi siyang ngumiti at hindi na nakuhang tumugon dahil hinila na si Theon ng mga kaibigan nito at nagbibiruan. Nahagip ng tingin niya si Celestine, hindi ito mapakali sa kinauupuan sa isang sulok at kinakain na naman ng hiya. Lalapitan niya sana ang dalaga nang lapitan siya ni Berkham at hinalikan sa pisngi.

“Look at you Amara, you’re the most lovely bride I’ve ever seen. Sobrang ganda mo.”

Napangiti siya sa sinabi nito. Kung hindi lang niya alam na kaibigan lang ang tingin nito sa kaniya, baka isipin niyang nanghihinayang itong ikinasal na siya.

“I’m going to miss you. Hindi na tayo magkikita sa University na pinapasukan ko. But I’m sure na bibisita ako rito lagi para makita ka.”

Napanguso siya. Mamimiss din niya ang binata pero nag-decide na siyang huminto na sa Australia at baka kalbo abutin sa kaniya ni Penelope, nakaka-triggered pa naman ang hitsura nito.

Sa unang gabi nila ni Theon, walang namagitan sa kanila. Magkaiba sila ng silid at hindi alam ng magulang nila iyon. Doesn’t mean na kinasal na siya sa lalaki, ay may mangyayari sa kanila. May do’s and don’ts din sila ng lalaki at isa sa don’ts niya ay no sex hangga’t hindi pa siya handa at walang problema naman iyon kay Theon. Nagbiro pa ito na baka siya ang hindi makatiis at gagapangin niya ito at gahasain. Masyadong makapal din ang pagmumukha nito sa totoo lang.

WEEKS... Months... Hanggang naging isang taon na ang nagdaan at marami ang nagbago kung si Amara ang tatanungin. Walang naging problema sa kanila ni Theon at wala pa silang bagay na pinag-awayan. Nakatira sila sa Fobres Park at kung sinuswerte siya, magkapit-bahay ang mansiyon ni Azael at Willoughby. Wala naman problema sa kaniya dahil simula nang ikasal siya, hindi na muling nagpakita at nanggulo pa si Azael. Wala na rin siyang balita sa nakakatandang kapatid.

Pagod na umuwi nang araw na iyon si Amara. Papasok pa lang ang sasakyan niyang minamaneho sa gate nang may mahagip ang kaniyang mata na lalaking naglalakad. Simple lang ang suot nito at nakatsinelas pero hindi nababawasan ang angking kagwa-puhan. Mabilis na tumahip ang dibdib niya nang makita ang buong hitsura ng lalaki.

God! Bigla siyang nanlamig. Kahit mahaba ang kulotan at hanggang balikat ang buhok ng lalaki, may balbas at medyo rugged ang suot, hindi siya maaring magkamali. Si Azael! Napatitig siya rito nang ilang segundo. Pumayat ito pero nagsusumigaw pa rin ang dugong Legrand.

Hindi siya umimik. Dinial niya ang number ni Theon at niyaya itong kumain sila sa labas. Parang may kung anong pumigil sa kaniya na pumasok sa Mansiyon ng Willoughby. Bigla siyang kinabahan na hindi niya mawari kung bakit o dahil lang ba ito sa isiping andito ngayon si Azael?

“Nakita ko si Azael kanina at nag-usap kami pero hindi niya ako kilala. Muntik ko na nga sapakin pero alam kong pinagtitripan lang ako ni Azael.”

Natigilan siya. Nasa restaurant sila at kumakain ng dinner nang gabing iyon. “Hindi kilala?” pag-uulit niya.

Tumango ito, “Tinanong niya ang pangalan ko at ilang beses na nag-isip kung kilala ba niya ako.”

“At anong sumunod?”

“May tumawag sa phone niya kaya naputol ang pag-uusap namin.”

Napatango siya at pinagwalang bahala na iyon. Kung ano man ang pinaplano ng kaniyang kapatid hindi ito uubra. Kumuha na rin siya ng martial arts class at iyon din ang gusto ni Theon para sa kaniya. Kailangan niya ang bagay na iyon para in case na mapapaaway siya, hindi na siya pwede basta-bastahin ni Azael sakali.

Nasa terasa siya at nagpapahangin, pinapaantok ang sarili habang ang lalaki ay nakatulog na sa kabilang silid. Kanina pa sila nakauwi galing sa dinner date nilang mag-asawa. Napangiti siya sa malamyos na hangin na yumakap sa kaniya habang ang buwan at matingkad na nakatunghay sa kaniyang kinaroroonan. Nakasa-nayan na rin niyang titigan ang buwan sa tuwing nasa terasa siya.

Napaunat siya ng likod nang makakita ng shooting star, dali-dali siyang napapikit ng mata at nag-wish. Nang magmulat siya ng mata, eksaktong tumama ang mata niya sa lalaking nakatayo sa terasa paharap sa kanang bahagi at umiinom ng wine. Malayo ang iniisip nito. Napatingin ito sa kaniyang gawi. Nagulat siya nang una itong magbawi ng tingin at nauna ng pumasok sa loob ng bahay nito.

NAPAURONG si Amara sa paghakbang nang makita si Theon na kausap si Azael sa balkonahe nila nang araw na iyon. Babalik sana siya sa loob ng kabahayan pero mabilis na siyang natawag ng asawa. Ngumiti siya ng pilit at nagdadalawang isip na lumapit sa mga ito.

“She’s Amara, my wife and your younger sister. Hindi mo ba talaga siya maalala?”

Natigil siya sa paghakbang papalapit sa mga ito na nagkakape nang umagang iyon. Tama ba ang narinig niya?

“I don’t know her.” Tiningnan lang siya ni Azael na parang wala lang.

Napatitig siya sa lalaki. Anong drama nito?

“Nadisgrasya ako last year. Matagal natingga sa higaan and when I opened my eyes, I don’t recognize myself at all. The Doctor says, I’m having an amnesia.”

“Anong exact date ka nadisgrasya?” hindi niya mapigilan umeksina sa pag-uusap ng mga ito. Nasa tabi na siya ng kaniyang asawa at nakatitig lang siya kay Azael.

“May 17, last year.”

Napasinghap siya sa narinig. ‘Yon araw ng kasal nila ni Theon! Posible kayang...? Mabilis siyang nag-excuse sa harapan ng mga ito at kinuha ang cellphone. Agad niyang dinial ang number ng ina.

“Yes honey?” malambing na tanong ng ina niya sa kabilang linya.

“Mom, sabihin mo nga sa`kin kung anong nangyari kay Az... K-kuya?” hindi pa rin niya kayang banggitin ang salitang kuya.

Matagal bago ito sumagot sa kabilang linya at ilang sunod-sunod na buntunghinga ang narinig niya, “Sorry kung hindi namin pinaalam ng Daddy mo. Nadisgrasya ang kuya mo the day right on your wedding. Ayaw namin mag-alala ka kaya tinago namin.”

Dapat ba siyang matuwa sa nangyari? Hindi na siya maalala ni Azael at hindi na rin siya guguluhin pa nito. Pero bakit hindi siya masaya? Bakit parang pakiramdam niya, ang unfair sa kaniyang part? Ito lang ang nakalimot pero siya, hindi. Bumakat na sa buong pagkatao niya ang ginawa nito at kahit sabihin na wala na itong maalala, siya, hindi makakalimot sa ginawa nitong kaha-yupan.

“Okay My, talk later.” Binabaan niya ng linya ang kaniyang ina at hindi bumalik sa balkonahe kung saan andon nag-uusap ang dalawang lalaki.

Confirmed. May temporary memory loss si Azael at sandaling kumalma sa bagay na iyon si Amara. Ang ipinagtaka lang niya ay kung paano nito naalala na may bahay ito sa Fobres Park.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.