Dominant Series 3 & 4: Ignite and Intruder Chapter 26

Napatingin siya sa mga ito. Pati sa banner na hawak at mga letrang nakasulat. Anong nangyari? Akala ba niya si Penelope ang may pakana nito? Teka, mukhang nasobraan yata siya sa tubig dagat at napasma ang kaniyang utak.

Alam niyang matalino niya sa math pero sa mga sandaling iyon ay bigla siyang naging bobo, hindi niya mabilang kung ilang tao ang nando’n. Malinaw naman mga mata niya pero bigla itong nanlabo, mga letrang nakasulat lang ang nakikita niya at hindi ang mga mukha ng mga ito.

Wala siyang sakit, infact healthy siyang tao pero sa pagkkakataong ito, may acute heart cancer na yata siya kung meron man gano’n sakit. Kailangan na yata niyang magpatingin kay Hudson.

“Azael...”

Tangina! Minumulto ba siya ngayon ni Amara? Ang bilis naman nitong sunduin siya. Sasama naman siya, ‘wag lang sa paraan na tatakutin siya nito. Pero dahil mahal na mahal niya ang kaniyang nag-iisang prinsesa, sasama siya kahit saan pa sila pumunta.

Agad siyang napalingon dito at awtomatikong napa-nganga. Hindi niya alam kung ano ang iisipin nang mga sandaling iyon habang nakatingin sa babaeng napakaganda ang ngiting binigay sa kaniya. Kulang na lang ay magsiawitan ang mga anghel sa langit dahil sa ganda ng mga ngiti nito. Amara is alive! Amara is fucking alive. Naluluhang napaluhod siya sa harapan nito at pinangko.

“A-aray naman,” reklamo nito nang marahan niya itong pinaupo sa malambot na kama.

Napatingin siya sa magandang mukha nito. Hindi pa rin nagsi-sink sa kaniyang utak ang nangyayari, basta ang alam lang ni Azael ay masaya siya.

“Ang cute mo sa boxer at apron, mukha kang timang,” natatawang sambit nito.

Nawala ang sayang kaniyang naramdaman nang maalala ang kaniyang hitsura. Mabilis siyang napatayo at napatingin sa sarili, para lang mapansin na isang Spongebob Squarepants ang kaniyang boxer at Hello Kitty ang kaniyang apron. Putangina! Gusto niyang magwala ng tuluyan.

Sa sobrang in love niya kanina, hindi niya alintana nung nagluto siya na Hello Kitty pala ang suot niyang apron. Pulang pula ang kaniyang mukha nang hawakan ni Amara ang isa niyang kamay at pinigilan siya sa gagawin.

Napatigil siya at napatitig sa dalaga. Pinipilit niyang basahin kung ano ang nasa utak nito pero nanlalabo na talaga ang kaniyang mata. Fuck! He need Hudson now. Saan na ba ang Doctor niyang kaibigan at hindi niya mahagilap? Naluluha na siya.

“Amara...”

“Yes Azael. I’m alive. Buhay ako at hindi multo at mas lalong hindi pa patay. Lahat nang nakita mo ay pakulo lang ng pamilya natin, especially ng mga tangina friends mo.”

Lahat nagsitawanan sa sinabi ni Amara. Kung kanina ay para siyang mamatay sa takot at sa sakit, ngayon naman ay parang gusto niyang pumatay ng kaibigan. Fuck! Mabilis siyang napa-lingon sa mga ito at biglang naging malinaw ang kaniyang paningin. Doon lang niya nakita na ando’n lahat ang pamilya at kaibigan niya.

Kay Theon at Berkham na may hawak na banner, kay Cuhen na nakangiti pero may pasa sa bibig, tapos kay Hudson na kulang na lang ay balian siya dahil sa black eye na natamo nito, hanggang kay Farhistt na seryusong-seryuso pero masayang nakatingin sa kaniya.

Andito din ang magulang at kapatid niya na nakangiti at naiiyak sa tuwa. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o ano. Bago pa siya sumabog, agad siyang hinila ni Amara at wala sa sa-riling napaupo siya sa tabi nito. Natameme siya at walang salitang lumabas sa kaniyang bibig.

“Do you still see me as your princess?” walang pagdada-lawang isip na tanong nito.

Mabilis siyang umiling. Princess? Fuck.

“N-no?” napakagat ito ng labi.

“Coz I fucking see you as my wife! Shit, I wanna cry!”

“Then marry me Azael Aadi Legrand. Prove it once again na ako pa rin ang prinsesa mo.”

Bakla na kung bakla pero umiyak siya na parang nama-tayan nang kunin ni Amara ang kaniyang kamay at sinuotan ang kaniyang daliri ng singsing. Ang sayang naramdaman niya ay ‘di kayang pantayan nang mga sandaling iyon. Sa sobrang sayang naramdaman ni Azael, niyakap niya ang dalaga nang mahigpit habang malakas na nagsigawan ang mga taong nando’n. Nagpaputok pa ito ng confetti at nagtorotoot si Theon.

“Cheers sa isusunod na ikakasal!”

“Cheers!” Lahat nagsigaya at nagtaas ng kopita.

Sa sobrang higpit ng yakap niya kay Amara, para siyang batang umiiyak sa balikat nito. Nakalimutan niya sandali ang sitwasyon nitong nakaplaster cast pa ang paa at kamay. Wala rin siyang pakialam sa mga taong nasa paligid. Ang mahalaga, si Amara. Si Amara lang, sapat na sa kaniya.

“Ang dugyot mo man. Enough crying. Tinupad na nang prinsesa mo ang matagal mong pangarap. Tangina mo!” natata-wang saad ni Cuhen. “Ang sakit mo sumipa! Tuhanang sipa iyon.”

“Binalian mo pa ako ng kamay pero okay lang, at least we see you crying for the first time.” nang-iinis na saad ni Hudson. “Sa Pag-ibig, nagagawa mo talagang makipag-away kahit biro lang ang suntok namin sa`yo hayop ka.”

Ang lakas naman ng tawa ng soon to be wife niya at tiningnan niya ng masama si Hudson. Porke, inlagago ito sa asawang si Abhaya. Itago niya kaya ang babae para mabaliw ulit ito?

“Cheers! Hindi tayo close pero salamat sa suntok.” Si Farhistt. “Dinala lang ako ni Cuhen dito para paiyakin ka raw.”

Sumama ang kaniyang tingin kay Cuhen na ngayon ay nakangisi.

“Azael.” Si Theon.

Napatingin siya sa lalaki at napangiti. Nakuha nito ang kaniyang respito.

“Ingatan mo siya... Binalewala niya ako dahil sa`yo... Nawalan na nang saysay ang pagmamahal... Na kay tagal ko rin binubuo... Na kay tagal ko rin hindi sinuko... Binalewala niya ako dahil sa`yo...”

Hindi niya alam kung saan galing ang gitara nito at bigla na lang itong kumanta agad pero tumango siya. Dati pa, matagal niya nang iniingatan si Amara. Matagal na niyang minahal at pinangarap na ngayon ay nagkatotoo. Kung panaginip ito, hinihiling niyang ‘wag na siya magising habangbuhay.

NAPAPATITIG si Amara sa napakagwapong lalaki, na simula nung bata ay crush na crush niya. Nakaupo ito sa kaniyang tabi habang hawak ang kaniyang kamay sa ilalim ng mesa at kausap ang kaniyang mga magulang at kapatid. Nasa loob sila nang isang mamahaling restaurant kasama ang magulang ni Azael at kapatid nitong si Celestine.

“Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala that you two are in love since then. Nakakalito pero I’m happy for the both of you. And to my baby Amara, Mommy mo ulit ako and this time tuhanan na.” Nakangiting siwalat ng Mommy nila ni Azael. Nagpapahid ito ng luha at inakbayan agad ito ng Daddy nila.

“My, ‘wag kang umiyak pumapangit ka,” pagbibiro niya at iningusan ang ina nang pinandilatan siya nito ng mata.

Naka-plaster pa rin ang kaniyang kamay at paa kaya ang kasal nila ay mangyayari pagnaka-recover na ang kaniyang katawan at makapaglakad na siya. Habang si Penelope at ang parents nito ay nasa likod ng malamig na rehas. Inasikaso ito ni Azael at nang pamilya niya nang mapatunayan na ito nga ang may kagagawan sa lahat kung bakit nahiwalay siya sa tunay na pamilya. But the other side ay nagpapasalamat siya.

Dahil sa nangyari, nakasama niyang lumaki ang binata. Pero sa kabilang bahagi nalungkot din siya dahil hindi rin basta-basta ang pinagdaanan ni Celestine sa ibang pamilya na kumupkop dito. Napatawad niya na si Penelope at ang magulang nito pero hindi ibig sabihin na okay na ang lahat. Pagbabayaran nito ang ginawa sa kaniya at kay Celestine.

Kung siya ang tatanungin kung ilang taon? Hindi niya alam. Hahayaan niya ang batas ang humatol. Pasalamat pa rin si Amara dahil hindi siya tuluyan pinatay ng bruha niyang pinsan.

Nung huli silang nag-usap ni Theon sa Hospital, binigyan siya nito ng divorce paper. Nagulat siya nung una at hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Nagsibagsakan lang ang mga luha sa mata niya at marahang pinunasan lang iyon ni Theon.

“I loved you. You’re my childhood crush but I know there’s something between you and Azael. I saw those love between your eyes everytime you laid your eyes on him. Mahal mo siya pero nakatali ka sa`kin and the fact that you are siblings as well.” Theon laughed pero kitang-kita ang sakit sa asul na mata nito, “Pero nung nawala ka, I digged some of your background. What you think, hahayaan ng lalaki na mawala ang asawa niya for 3 years without knowing anything? I know your whereabouts aking binibini. I know you visit me once and Abhaya told it to me before. I know everything but because I love you, I chose your happiness and that happiness is Azael. So I chose him for you to be happy.”

“Theon...” tuluyan siyang napahagulhol. Napakabait nito sa kaniya. At do’n pa lang, kinain siya ng kaniyang konsensya. Sobra siyang nakokonsensya sa kabaitan nitong pinapakita sa kaniya. All awhile, minahal pala siya nito pero ‘di niya nakita. Masyado siyang naka-focus sa feelings niya kay Azael.

“But don’t worry, I already move on and sorry wifey...” Hilaw itong natawa at napakamot sa ulo. “While you were gone, I fell for someone else and... I accidentally love her.”

Natawa siya nang mga sandaling iyon nang sinabi iyon ni Theon sa kaniya. Masaya siya dahil may minahal itong babae. Pero nung si Azael na ang gusto niyang makausap, wala ito at walang nakakaalam kung saan nagpunta.

So Theon helped her. Theon and the gang ang nagdala dito sa lugar kung saan silang dalawa at planado na nila ang lahat na mangyayari.

Kung hindi siguro siya naka-plaster cast baka ginapang niya ang lalaki sa tuwing natutulog ito sa sofa. Gustong-gusto niyang umamin at sabihin dito na... mahal niya ito pero sa tuwing naglalakas siya ng loob na sabihin ang mga salitang ito sa harapan ni Azael, lagi siyang napapatulala at nawawalan ng boses.

In-short, ang hirap. Kasi ilang beses ba siyang hinabol nito? Ilang beses ba niya itong tinutulak papalayo, sinasaktan ng masasakit na salita at sinasampal ang salitang hindi niya ito kailan mamahalin? Maraming beses kaya hindi niya alam kung paano bawiin iyon.

But then, Theon was a good friend. Ito ang tumulong sa plano niyang marriage proposal, the fake death and the list go on. Dahil supportive ang pamilya at friendship ni Azael, tumulong din ito para mapasagawa ang planong gusto niya. She can’t wait to marry the man she love! And now, magkakatotoo na nga ang gus-to niya. Ang dami niyang kailangan gawin and she promised na babawi siya once maging okay na ang kaniyang kalagayan.

“Matutunaw yata ako sa ginagawa mo.” Nakangising lumingon sa kaniya si Azael.

Namumula ang mukhang umirap siya. “As if, ikaw ang tinititigan ko ‘di ba?” palusot niya.

Habang dinig niyang nagsipaghagikhikan ang mga kapatid niya na halatang kinikilig sa kanila kahit hindi nakaka-pagsalita ng tagalog, nakakaintindi naman ang mga ito.

NAPANGISI si Amara habang pinagmamasdan ang asawang himbing na himbing na natutulog sa master bedroom nilang mag-asawa.

It’s been a year since nung kinasal sila ng sobrang bonggang-bongga, na dinaig pa niya ang mala-isang prinsesa na ikinasal sa ganda ng kaniyang gown. Galing pa sa Italy ang gown niyang naghahalaga rin ng milyon. Hindi basta-bastang mga bulaklak ang ginamit sa decorations, mga fresh na bulaklak na galing pa sa ibang bansa!

Kung siya ang tatanungin, ginawang magical ni Azael ang araw na iyon sa kanilang dalawa. Kung babalikan niya ang araw na kinasal sila, naiiyak pa rin siya. Hanggang ngayon, binalik-balikan niya sa isip ang mga katagang sinabing ng kaniyang asawa sa kaniya sa harap ng Diyos, at sa maraming tao habang ginaganap ang kaniyang dalawang kamay...

“I can’t wait to nailed you tonight princess.” at lahat nagsitawanan pero agad din nagseryuso si Azael. “Amara, my wife, my princess and my everything. Ayuko ng habaan pa ang sasabihin ko, dahil kung gaano kaikli ang sasabihin ko sa`yo ngayon sa harap ng mga tao at Diyos, gano’n din kahaba at kataas ang pinagdaanan ko para lang magkaroon tayo ng magandang ending. Gano’n kahaba ang pagmamahal ko sa`yo na kailanman ay hindi mapapantayan nang kahit sino. Mara, mahal na mahal kita.”

Natawa siya na niiyak that time hanggang sa siya naman ang nagsalita pero bago iyon, nagnakaw siya ng halik sa labi nito. Nagsitilian at kiligan naman ang mga taong nando’n sa kanilang kasal.

“Azael Aadi Legrand, kahit mukha kang bwesit dati nung mga bata pa tayo ngayon ko lang to aaminin sa`yo, crush na crush kita. Yeah, hindi ko mabilang kung ilan beses kitang tinulak papalayo. Sinasaktan ng paulit-ulit at pinapamukha na hindi kita mahal but you’re still there. You stood by me. Lahat ng panahon nand’yan ka. Hindi ko alam lung superhero ba kita o sadyang stalker ka lang talaga?” napangisi naman si Azael sa part na ito at nagtawanan ang mga tao pati si Father na nagkakasal sa kanila.

“Sa sobrang complicated nang panahon para sa`tin, si Lord tuloy ang nag-adjust at ginawa akong ampon.” tawanan ulit ang mga taong nando’n. Gano’n din siya, nakangiti pero sunod-sunod na bumagsak ang mga luha sa kaniyang mga mata. “Ang saya kasi hindi tayo magkapatid pero ang lungkot kasi pareho tayong committed na sa iba then si Lord ulit nag-adjust. Binalian niya ako ng kamay at paa.” natawa sila pareho ni Azael sa kaniyang sinabi pero agad din siya nagseryuso. “Azael, sasabihin ko sa`yo ang mga katagang ito. Mahal na mahal na mahal din kita kahit idolo mo si Spongebob Square Pants!”

Napahagikhik siya sa sinabing iyon nung kasal nila. Tiningnan niya nang matagal ang asawa. Kagagaling lang niya sa banyo at bagong ligo. She can’t blame him dahil wala pa itong tulog at pagod na pagod ito pero may paraan siya paano gigisingin amg natutulog nitong mundo.

Napangisi siya habang dahan-dahang humakbang papa-lapit sa lalaki at gumapang sa kama. Sumailalim siya sa loob ng makapal nilang kumot at napahagikhik. Hmm, ano ba ang pwedeng gawin sa taong tulog?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.