Kitang kita niya ang galak sa mga mata ni Amara nang huminto sila sa isang tabi at umupo siya sa buhanginan paharap sa dagat. Ang tagal niyang pinangarap ito at sa isipin na nangyari na nga, parang hindi niya mapigilan maging emosyonal. Masayang-masaya siya.
“Ang ganda!” mahinang saad nito.
“Hindi kayang pantayan ng anuman dagat ang kagandahan mo, Mara.”
“T-thank you... Azael...”
Namula ang buong mukha nito at hindi nakaligtas sa mga mata niya ang bagay na iyon. Lalaki siya pero puta, kinikilig siya! Nakakabakla! Sa naramdaman niyang kilig, bigla-bigla lang siyang tumakbo at naghubad ng tshirt papunta sa tubig. Nakakahiya kung makita siya nitong kinikilig hanggang buto, tangina! Parang gusto niyang sumigaw ng ‘Candy Crush!’.
Nakipaglaro si Azael sa tubig ng ilang minuto bago siya nagpasyang umahon nung kumalma na ang kilig hormones niya sa katawan. Nasa unahan pa rin si Amara at kitang-kita niya ang pagtitig na ginawa nito sa kaniyang katawan. Napangisi siya at mas lalong ginanahan.
Nag-slow motion siyang gumalaw at marahang sinuklay ang buhok gamit ang kaniyang daliri. Nag-flex din siya ng abs at nagsilabasan iyon at slow mo pa rin na naglakad papunta sa kaniyang prinsesang napatulala sa kaniyang kagwapuhan taglay. Natawa siya. Para kay Amara lang ang kaniyang katawan at ito lang ang may karapatan humimas.
“You’re drooling,” tudyo niya rito.
Bigla itong natauhan nang sinabi niya ang bagay na iyon. Namula ang pisngi at nag-iwas ng tingin. “I-I’m tired. G-gusto ko na bumalik sa loob!”
Napangisi siya. Affected ito sa kaniyang presinsya, ibig sabihin ba nito ay napapansin na nito ang kaniyang existence? Ang cute talaga ng babaeng ito. Kung hindi lang siguro ito injured, baka kung ano na nagawa niya. Tawang-tawa siya sa kalokohan naisip habang tinutulak ang wheelchair pabalik ng bahay. Siya ang kinilig sa sariling naisip.
“Azael wait!”
Napahinto siya at hinintay ang sasabihin nito. Sasabihin na ba nitong sobrang gwapo niya at pipiliin na siya? Maliit na bagay kung kagwapuhan lang ang pag-uusapan. Dahil sa ka-gwapuhan niya ay naiinggit si Cuhen at sinunog ang bagong bahay-bakasyunan niya sa Tagaytay. Natatawa siya sa tuwing naaalala ang kaniyang tanginang pinsan.
“Naiihi ako. Bilisan mo!”
“Ha?”
“Kanina pa ako ihing-ihi. Nakalimutan ko lang nung makita ko abs mo... I mean, nung ano... Ihing ihi na ako!”
Fuck! Wala siyang magawa kundi ang mabilis na itulak ang wheelchair para makauwi agad at madala ito sa banyo. Iyon nga lang, doon na naman nagsimula ang problema.
“Azael binabalaan kita. Oras na titingin ka sa ano ko, papatayin kita!”
Nag-abot ang kaniyang kilay sa sinabi ni Amara. Kaya para siyang tanga na nakapikit habang binababa ang pajama nito at undies hanggang tuhod saka marahan binuhat palipat sa bowl. Ang sarap alagaan ng kaniyang prinsesa.
“Bakit mo hinawakan ang pwet ko!” ang lakas ng tili ni Amara ang sumunod na narinig ni Azael, “Bastos ka talaga!”
Para naman hindi niya ito nakita dati, “Calm down! Wala kang pwet.” pang-aasar niya.
Narinig niyang nagmura ito at kulang na lang ay bugbugin siya pero hindi nito magawa dahil sa swerong nakakabit at kamay na nakaplaster.
Ang lawak ng ngiti ni Azael habang papalabas siya ng silid ni Amara. Kanina pa niya pinipigilan ang kaniyang kilig at nung hindi niya na kayang pigilan, parang baliw niyang sinuntok ang pader pero agad din napamura sa sakit. Damn! Nakakabakla talaga.
“Azael kalma ka lang, gwapo tayo at dapat chill-chill lang para cool tingnan,” pakiusap niya sa sarili habang ang ngiti niya ay hindi mapuknat sa kaniyang labi. Pasimple siyang umubo at inayos ang sarili. Nakakadiri siya kung kiligin.
Matutulog na daw ang kaniyang prinsesa nang gabing iyon at nagpasya rin siyang matulog. Ang isa sa pinroblema ni Azael, baka hindi siya makatulog nito sa sobrang taas ng kilig hormones ng kaniyang katawan. Tumatawa siyang humiga sa sofa ng sala. Kumuha lang siya ng kumot sa kabilang silid at unan. Doon lang siya sa sofa matutulog. Kinakausap pa niya ang kaniyang sarili at natatawa mag-isa.
Ang nangyari, buong magdamag siyang gising dahil hindi siya makatulog. Ang ginawa na lang ni Azael, maaga siyang nagluto ng breakfast nila ni Amara sa araw na iyon.
Magkasabay silang kumain dalawa at pagkatapos nagpunta sila sa dalampasigan. Doon sila nagpapahangin. Habang siya ay naliligo, nagpapalakas at nagpapadagdag ng pogi points sa mata nito. Nagpasalamat si Azael kahit papaano dahil sa nangyari, naging kaniya sandali ang babae na kay tagal din niyang pinangarap.
NAHIRAPAN si Azael nung una dahil puro ayaw at reklamo si Amara pero kalaunan ay nasanay ito sa kaniyang presinsya. Silang dalawa lang ang taong nando’n sa lugar na iyon, na kung saan man lumalop ito ng mundo ay wala siyang pakialam.
Mag-iisang linggo na at wala siyang naging problema. Kinalimutan niya sandali ang buhay niya sa Manila at kay Amara siya nag-focus. Sinusulit niya ang panahon kaniya pa ito. Hindi niya alam kung hanggang kailan sila magkasama kaya bawat araw ay mahalaga sa kaniya. Pagsisilbihan niya ito hanggang sa mahalin siya nito.
“Call me if you need something. Sa kusina lang ako at maghahanda.” Nag-excuse siya sa harapan nito.
Iniwan niya itong nagbabasa ng libro habang nakahiga sa malambot na kama. Isa ito sa libangan ng babae maliban sa dalampasigan. Hanggang ngayon natatawa pa rin siya kung babalikan niya sa alaala sa tuwing pinaliguan niya ito. Panay sigaw ito na ayaw magpaligo sa kaniya kahit anong mangyari. Bakit ba? Nakapikit naman siya habang pinapaliguan ito.
Kumakanta pa siya habang naghahanda ng lulutuin. Marami silang stock ng groceries na pang-isahang taon. Theon amazed him in the other way pero hindi pa rin sila in good terms. Maliban na lang siguro kung mamahalin siya ni Amara, baka ibigay pa niya rito ang isa sa company na pinaghirapan niyang ipatayo. Napapailing na lang siya habang ang lawak ng kaniyang ngiti.
Sandali siyang natigilan nang makarinig siya ng kaluskos. Huminto siya sa ginagawa at pinakinggan ang babae at baka tina-wag siya nito. Nagkibit siya ng balikat nang masigurong ‘di siya tinawag nito.
Tapos na siyang magluto nang magpasya siyang silipin ang si Amara kung tapos na rin ba itong magbasa ng libro. Napamura siya sa sobrang galit nang walang Amara ang nadatnan niya. Magulo ang higaan nito at nakataob sa sahig ang librong binabasa habang nakabukas ang bintana. Fuck! May nakasulat sa putting dingding gamit ang dugo.
`You’re mine and always mine Azael!’
Mabilis siyang napatakbo sa bintana at napasilip mula ro’n, nagbabakasakali siyang makita ang babae. Hindi siya nagkamali, kitang-kita niya ang papalayong yacht. Tangina! Iiisa lang ang pumasok sa isipan niyang tao ang pwedeng gumawa nang ganito; si Penelope. Damn! Damn! Paano nito sila nasundan? Pagkakaalam niya ay nasa kulungan ito.
Mabilis siyang napatalon mula sa bintana at napatakbo sa garahe. Sa buong linggo nila dito sa bahay na ito, nalaman niyang may speedboat at sasakyan na pag-aari ang hinayupak na si Theon. Full tank ang mga ito kaya dali-dali niyang pinaandar ang sasakyan at hinila ang speedboat papalabas ng garahe. No time to waste, papatayin niya talaga ang babae kung may masamang nangyari kay Amara. Papatayin niya ito!
Malayo na ang yacht at malabong mahahabol niya ito but fuck! Hindi naman niya papayagan may mangyaring masama sa babaeng mahal niya. Alam niyang sa mga sandaling ito, takot na takot ang kaniyang prinsesa lalo na’t hindi ito makagalaw ng maayos.
Gusto niyang sisihin ang sarili kung bakit naging pabaya siya kanina. Dapat naging alerto siya. Masyado siyang kampante na sila lang dalawa ang nando’n. Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan pandagat at hinabol ito kahit naka-apron lang siya at boxer short. Kung may makakita sa kaniyang ganitong ayos, malamang pagtatawanan siya.
Mukha siyang pinalayas na chef sa pag-aaring restaurant. Binilisan pa niya lalo ang pagpapatakbo kahit walang kasiguruhan na mahabol niya ito. Hindi niya alintana ang init ng araw, ang kaniya ay makuha si Amara.
Nahabol niya ang yacht at ilang dipa na lang ang layo ay bigla na siyang tumalon para languyin ang yacht na ngayon ay tumirik sa gitna ng karagatan.
Lalanguyin niya ang dagat kahit naka-apron s`ya. Agad siyang sumampa at walang ingay na naglakad. Wala siyang tao nakita na naglalakad pero nanatiling alisto ang kaniyang isipan. Wala siyang kabaril-baril na dala at kung titingnan maigi, lugi siya. Baka madali siya rito pero kung si Amara lang din naman ang pag-uusapan, wala na s’yang pakialam kung ano ang mangyayari sa kaniya.
Malaki ang yacht, kaya hindi niya alam kung saan siya mauunang pumunta. Hinayaan na lang niya ang kaniyang instinct na siyang magturo sa kaniya kung saan siya mauunang pumunta. Bumulagta siya nang may biglang tumama na kamao sa kaniyang mukha.
Damn! Ang hina naman ng suntok! Dumugo lang naman ang kaniyang labi pero ang hina pa rin.
Agad siyang tumayo at nakipagtuos sa lalaking nasa kaniyang harapan na may suot na bonnet. Nakipagsuntukan siya sa lalaki pero kapwa sila magaling. Nakahinga lang siya ng maluwang nung nahulog ito sa tubig sa lakas ng kaniyang sipa.
Too slow! Sampung bigas pa ang kakainin nito para ma-pabulagta siya. Hindi siya pinangalanan Azael Aadi Legrand kung wala siyang maiibuga pagdating sa bakbakan. Dalawang lalaki pa ang humarang sa kaniyang daanan at tulad kanina, nakipag-bugbugan muna siya bago makalampas. Ang sakit ng panga at dibdib niya sa nakuhang suntok at sipa sa mga ito pero dahil magaling ang basehan dito, parehong sumisid ang mga ito sa dagat. Hindi siya basta-basta papatalo, kaligtasan ng babaeng mahal niya ang nakakasalalay dito.
Napapansin niyang naka-bonnet ang mga ito at wala na siyang panahon para kilalanin at tanungin kung saan tinago ang kaniyang prinsesa. Malamang nasa loob ito ng cabin at makiki-pagpatayan talaga siya sinusumpa niya!
Ang lakas ng tahip ng kaniyang dibdib at halos lumabas na ito sa kaniyang katawan nung may makita siyang patak ng mga dugo sa sahig. Sinundan niya kung saan iyon papunta, huminto iyon sa isang silid. Lakas-loob niyang binuksan ito at napatulala sa nakita.
Fuck! His eyes must be kidding him. Nakabulagta sa isang tabi si Amara habang tadtad ng saksak ang buong katawan. Putangina! Putangina! Gusto niya magwala. Nanginginig na napa-lapit siya dito at hindi malaman ang unang gagawin. Ang umiyak ba o ang buhatin ito o ang magwala. Sandali ng huminto ang kaniyang mundo sa nakitang sitwasyon ni Amara.
Tangina! Tangina talaga. Sinubukan niyang gisingin ang sarili at baka binangungot lang siya pero hindi siya nagwagi, nasa harapan pa rin niya ang dalagang naliligo ng sariling dugo at wala ng buhay habang may kutsilyo pa na nakasaksak sa tiyan. Hinang hina siyang napaupo sa tabi nito at hindi alam ang gagawin. Basta lang siyang nakatitig at sa nanginginig na katawan, nagsiunahan sa pagbagsak ang mga luha niya.
Hindi niya magawang kumilos basta ang alam lang niya ay nanginginig ang kaniyang katawan at gusto niyang pumatay ng tao. Putangina!
“Papakasalan mo ang anak ko o kasama kang mamamatay sa babaeng iyan?” Isang kasa ng baril ang narinig niya pero hindi siya lumingon.
Nanatili siyang nakatingin sa babaeng wala ng buhay na nakahiga. Kitang-kita sa mukha nito ang matinding paghihirap na sinapit. Tangina lang sobrang sakit!
“Sumagot ka!” malakas ang boses nito pero wala pa rin reaksyon na makikita sa kaniya.
Nanginginig ang kaniyang kamay na hinaplos ang pisngi ni Amara at marahan hinawi ang buhok nito. Marahang nagsi-patakan ang kaniyang mga luha at niyakap ito nang mahigpit. Napahagulhol siya habang yakap-yakap lupaypay nitong katawan. Kung naging alisto lang sana siya kanina baka hind na ito nangyari. Kung sana naging mabilis siya sa paghabol sa mga ito. Kung sana naging mas maingat siya tulad nang pag-iingat niya rito simula nung bata pa sila.
Amara... Princess.
Napakuyom siya ng kamao at may pag-iingat na binitawan ang walang buhay nitong katawan. Hindi pa rin tumigil sa pagpatak ang kaniyang mga luha. Makakapatay siya ng tao nito! Nasabunot niya ang kaniyang buhok. Impit siyang napaiyak at sobrang sakit ng kaniyang puso. Parang sinusuntok iyon at kinakapos siya ng hangin.
“Ano, Azael? Gusto mo ba’ng mamatay din?!”
Mapakla siyang natawa. Sino ang taong ulol ang papayag na mamatay? Pero kung ganito lang din naman ang lahat, mama-matay siya na kasama ang babaeng mahal niya.
“Kill me while you still can.”
“What?”
“Patayin niyo ako habang kaya niyo pa dahil kung hindi, iisa-isahin ko kayong pagpapatayin at susunugin ng buong-buo sa impyerno! Hindi basta-bastang babae ang kinuha niyo sa`kin. Buhay ko si Amara. Siya lang ang nag-iisang babaeng minahal ko at hindi na ako magmamahal pa ng ibang babae. And for the fucking sake, patayin niyo ako mga putangina niyo!” nanlilisik ang kani-yang mata nang lingunin ang taong nagsalita. Gusto niyang durugin lahat ng mga buto nito sa katawan. Pagbabaliiin at pagbabalatan hanggang sa magsawa siya sa ginawa. Fuck! Walang kapatawaran ang ginawa ng mga ito sa babaeng minahal niya!
Can I Be Your Mrs. Legrand Forever?
Napatanga siya sa letrang bumungad sa kaniya. Fuck! Anong nangyari? Nalito siya bigla. Putangina! Umurong ang kaniyang mga luha at naglinya ang kaniyang kilay. Mukhang nadali siya ng mga hinayupak na kaibigan niya at nauto.