Dominant Series 3 & 4: Ignite and Intruder Chapter 28

Nakangising sinet-up ni Amara ang camera na hindi mapapansin ng tatlong anak niya sa araw na iyon. Nasa kusina siya at naghahanda ng breakfast ng tatlong babies niyang nasa 15, 14 at 10 years old. Si Abraam Aadi ang panganay, kasunod si Athena Amir at ang bunso nilang anak na si Alixes.

Nang masigurong naka-set na ang lahat, pati ang gagawin niyang prank. Tumawa muna siya ng mahina bago nagbilang ng isa hanggang tatlo saka niya sinimulan ang plano.

“Ahhhhhhhhh!!” isang malakas na sigaw ang kumawala sa kaniyang lalamunan.

Biglang nabulabog ang kaniyang mga anak at nagsi-takbuhan ang mga ito sa kaniya. “Mom! What happened— Oh my God!!!” nagsitilihan ang mga ito nang makita ang kaniyang mga daliring naputol. Nagkalat ang maraming dugo sa chopping board at pati ang kutsilyong gamit niya.

“I cut my fingers. God! Ang sakit!”

“Oh no! Oh no! Kuya what should we do!” malakas na tili ng kaniyang anak na si Anthena. Gusto niyang humagalpak ng tawa sa mukha ng kaniyang anak na parang nakakita ng multo. Hindi ito mapakali.

Samantalang ang panganay niyang anak ay agad na tumakbo sa sala. “Wait Mom. I gotta call Dad!”

Gusto niyang pigilan si Abraam pero nakalayo na ito. Malalagot siya nito ni Azael pag nagkataon pero okay lang. Gora!

Umarte pa rin siyang nasasaktan at tinuturo ang mga daliring naputol kunwari. Mga pekeng daliri. Binili niya iyon nung nagdaan siya sa Baclaran.

“Ate grab ka ng plastic tape. Ateee! Kuha ka ng tape!” malakas na tili ni Alixes. Nataranta ito. Tumakbo ito sa ref at kumuha ro’n ng cake. “Ito Mommy, eat mo para wala ang sakit!” Sinubo nito sa kaniya ang isang slice ng cake. Muntik pa siyang mabulunan. “Ano na ate Athena? Go get some plastic tapeee!”

“What are you going to do with the tape?” Tarantang sagot ni Athena. Napasabunot lang ito sa mahabang buhok at hindi alam ang gagawin.

“Oh my ate! Of course the tape will help Mom’s finger to get back to it’s normal form. Get the tapeeee now!”

“O-okay!”

Lihim siyang natawa at sumulyap sa camera. Ang saya-saya naman talagang i-prank ang mga anak niya. Ang cute ng mga reaksyon. Nakaka-goodvibes ang dating. Sorry kids!

“Here’s the tape!” May dalang duct tape ang anak niyang si Athena.

“Okay Mom, listen.” Si Alixes. Huminga pa ito ng mala-lim na parang pinapakalma siya. Aww, ang cute ng anak nila ni Azael! Gusto niyang pisilin ang matambok nitong pisngi. “Mommy! Listen to me.”

Napangiwing tumango siya. Ito na nga at susunod na siya sa anak niyang mas spoiled yata sa kaniya nung bata pa siya. Ang kamay niya ay nanatiling nasa chopping board pa rin.

“You gotta take a deep breath. Come on, follow me! Deeeeep breath!”

Sumunod siya sa sinabi nito. Habang si Athena sa isang tabi, namumutla ng nakatingin sa mga daliri niyang naputol. Inabot pa nito ang isa at napatiling binitawan. Para itong nandidiri na ewan na hindi maipinta ang mukha. Tanging ang kaniyang bunsong si Alixes lang ang kalmado.

“Ate, wash those fingers.”

“What?!”

“Yes! Wash those kasi we will kabit it to Mom’s hand ulit and dapat clean. Go na! Time is running!”

Nagkukumahog ito at sinunod ang utos ng bunsong kappa-tid. Kinuha nito ang apat na prosthetic fingers niya at maiiyak na hinugasan sa faucet. “Bakit Mom! You know I hate blood.”

“Stop whining, ate!”

“Stop shouting you little brat!”

“And you? Ugly monster.”

Muli siyang sumigaw na masakit. Nataranta na naman ang dalawa at nagtulong-tulong na ayusin ang kaniyang kamay. Konti na lang, maiihi na siya sa kakatawa. Konting-konti na lang. Bibigay na siya.

Agad nilapag ni Athena ang mga daliri sa malinis na bahagi ng chopping board at hinanda naman ni Alixes ang duct tape sa kamay nito. “Mommy, didikitan natin ang mga fingers mo.”

“Didikitan?” kunwari maang na tanong niya. Agad tuma-ngo ang dalawa. “It should be a glue. But no worries, this tape can help for a meantime.”

Nagtinginan ang dalawang anak niya na parang nagbigay ng go signal saka nagpasyang i-duct tape ang kaniyang daliri. Doon siya hindi makapagtimpi, bumunghalit siya ng malakas na tawa. Ang lakas ng kaniyang tawa na halos magkasamid-samid na siya.

“It’s a prank!”

Mula sa labas, ay humahangos papasok ang kaniyang anak na si Abraam at ang asawa niyang si Azael. Hindi maipinta ang mga mukha ng mga ito sa pagmamadali.

“You okay, baby— what the fuck.”

“It’s a prank, kids!”

“Mom! Ah no way!” galit na nagsialisan ang kaniyang tatlong anak at iniwan siyang mag-isa ro’n.

Hindi pa rin siya makabawi. Ang lakas pa rin ng kaniyang tawa at nauubo na siya. Naglinya naman ang makapal na kilay ni Azael na nakatingin sa kaniya at nakahalukipkip ang kamay. Halatang hinihintay na matapos siyang tumawa.

Agad siyang tumikhim at nagseryuso. Day off ng lahat ng kanilang kasambahay kaya ang lakas ng loob niyang i-prank ang mga bata. Agad siyang umarteng parang walang nangyari at kunwari nasurpresa sa maagang pambungad sa kaniya ni Azael. Sabi nito mamaya pa ito baba at may ginagawa itong importanteng trabaho sa library room.

“Oh, hi! Ikaw pala Azael. Hehe. Gutom ka na? Hindi pa ako tapos maghanda ng—”

“Brat.”

Ang lawak ng ngiti niya sa salitang lumabas sa bibig ni Azael. Ang cute rin nito maasar at magalit minsan. Ang sarap yakapin at kantahan paluhod.

“You scared our children, Mara.”

Napalabi siya. Tama ito pero first time pa naman niya itong ginawa. Ginaya niya lang sa YouTube. Habang naiiling na lang si Azael at humabkbang papalit sa kaniya.

“And you scared the hell out of me.”

“Ha—” hindi niya naituloy ang ibang sasabihin dahil labi nito ang mapusok na pumigil sa anuman sasabihin niya. Habol niya ang kaniyang hininga nang maghiwalay ang kanilang labi.

“Next time you’ll do it again, I’ll make you fall on you knee.”

Agad naman siyang napahagikhik. Sus, kunwari pa ang asawa niya. Pabiro niyang dinakot ang alaga nito. “Ayy nasalat ko!”

“Amara!”

Ang lakas ng tawa niya. Paano kasi, buhay na buhay ang birdy nitong handang manuka at lumipad sa ikapitong hagdanan ng langit.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.