Sandaling napahinto si Jacky nang magtama ang mata nila ng binata na siyang birthday celebrant ng gabing iyon. Nakasuot siya ng red bodycon dress at ang haba ng slit ay hanggang pinakapuno ng hita niya. Labas ang kaniyang likuran at halos nakaluwa ang kaniyang dibdib pero balewala lang sa kaniya. Ang makapal niyang make up at wig na buhok ay nagbibigay ng ibang aura. She looks dangerous and mysterious bitch pero iisa lang ang masasabi niya nang mga sandaling ito, hindi siya nito kilala o sabihin natin makikilala.
Kasama niya si Abhaya nang gabing ito sa pagbabantay kay Dr. Hayes. Ang misyon nilang dalawa ay bantayan ang binatang Doctor. Nasa mamahalin cruise sila na kung saaan dinaos ang birthday celebration ni Theon Willoughby. Knowing that ang lalaking iniiwasan at pinagtataguan niya ay dito ulit sila magkikita nang harap-harapan. What a small world it is. Mabuti na lang at agad nagbawi ng tingin ang lalaki at hinarap nito si Abhaya. Nag-usap ang mga ito sandali.
Pinagkibit niya ng balikat ang gabing iyon. Naramdaman niya agad ang pait ng wine na kaniyang ininom. Parang tandang-tanda pa niya ang pait na dinanas niya kesa sa lasa ng wine na kaniyang ininom. It makes her sick to think na kung bakit andito siya ngayon at may binabantayan sila ni Abhaya, na kaniyang partner sa assignment.
Pasimple siyang nag-ikot ng tingin. Hmm, let her say classic, cozy ambiance, rich people everywhere... What more, handsome men? Napangisi siya. Diyan siya nadali dati, sa handsome deputang iyan! Magkadikit ang mata at puso niya dati pero ngayon, hindi na. Natuto na siya.
Sumimsim ulit siya ng wine habang ibinalik ang tingin sa binata. How many years had passed? One? Two? She can’t remember well or let her say, she don’t fucking care. Maarte niyang inilagay sa table ang glass at naglakad papuntang deck. Abhaya called her from the other line and that’s the only thing that excites her; Danger. Mga ganitong bagay lang talaga at bumubuhay sa pagkatao niyang matagal ng patay.
“Track the shooter, now!”
“Copy.”
Pero hindi nila nakita ang shooter ng gabing iyon na gustong pumatay sa binatang Doctor. Madulas ang kaaway nila at mahilig ito sa laruang tagu-taguan. Mabilis niyang isinilid sa bag ang kaniyang baril at maarteng naglakad sa hallway pabalik sa ibaba kung saan dinaos ang party.
Muntik niyang balian ng leeg ang taong biglang humila sa kaniya mula sa kung saan at malakas siyang isinandal sa dingding.
“Fucking hell!” hindi mapigilan sambit ni Jackylyn nang makita ang taong iyon na ngayon ay nasa kaniyang harapan at matiim siyang tinitigan na parang sinisid ang buong pagkatao niya.
“Jacky? Is it you?”
Nagpanggap siyang hindi ito kilala kaya imbes na magalit at magwala, ngumiti siya ng matamis at malanding hinaplos ang pisngi ng binata. “I wish am loverboy. Wanna join me in bed tonight?” pinalandi niya ang kaniyang boses para hindi siya nito mahalata.
Tumiin ang titig nito. Wari tinitimbang ang kaniyang sinabi pero ngumisi kalaunan at hinaplos ang kaniyang pisngi. “Hmm why not mademoiselle?” malanding sagot nito at ipininid siya lalo sa dingding.
Natawa siya ng maarte at pabirong pinisil ang tagiliran nito. “I’d like to but my husband will kill you. So yeah, bye handsome!” at kinindatan niya ito bago umalis. Naiwan itong napatunganga sa kaniyang ginawa. Asawa? Gusto niyang matawa sa sinabi. Wala siyang asawa sa totoo lang.
Ang lakas ng tahip ng kaniyang puso. Kilala pa rin siya ni Theon. Matagal na siyang tumakas, wait, umalis; knowing that Theon was a married guy and madly inlove with someone else. Mahal niya ang lalaki pero sa paraan siya lang ang nakakaalam. Hindi niya na na ito pwedeng mahalin pa at balang-araw ay makakalimot din siya, hindi nga lang niya alam kung hanggang kailan.
Naging alerto pa rin si Jackylyn pagkatapos ng shooting incident. Si Abhaya na ang bahala sa binatang Doctor while siya ay bumalik sa party at nakipagsabayan sa masayang tugtog. It’s good to be alive sometimes and dance like nothing else around. She missed it much.
Nilandi niya ang mga naggagwapuhang lalaki sa dance floor. Wala lang, trip niya lang lumandi at magpalandi. Natawa siya sa isip. Nang-aakit siyang ngumiti sa isang lalaki na kilalang-kilala niya sa pangalan Zerus. Ang liit nga naman ng mundo, ‘di ba? But who cares hindi na rin siya nito kilala. Malayong malayo siya sa dati at kung ipapagkompara siya noon at ngayon, sobrang layo.
Bahagyang natigilan si Zerus sa kaniyang ginawa at sinundan siya ng tingin. Lalapitan sana siya nito pero mabilis siyang sumama sa isang lalaki na hindi niya kilala at malanding kumapit sa braso nito. Nakipagsayaw siya habang may champagne sa isang kamay.
Mabilis ang kamay niya na yumakap sa leeg nito at nakipagsayaw ng harutan sa gitna ng dancefloor ang lalaki. Napangisi na lang siya sa kasayaw. Tulad niya may bitbit itong champagne glass at umiinom.
“Hey sexy! You’re on fire,” nababanaag sa mga mata nito ang matinding paghanga sa kaniya.
Nang-aakit na dinantay niya ang kaniyang kamay sa dibdib nito at malanding hinaplos iyon pababa hanggang sa tyan. Kahit malakas ang musika, nakita niyang napakagat ito ng labi. Naghahanda ng pagkakataon na sunggaban siya.
“Come with me.” Hinila siya nito papalayo sa dancefloor.
Pero hindi na siya nagulat ng may isang kamay ang pumigil sa kaniya at hindi na siya pwedeng lumingon pa kung sino ito, napangisi na lang siya nang agawin siya ni Theon Willoughby sa lakaking kasayaw. Walang nagawa ang kawawang lalaki kundi ang ipaubaya siya kahit halatang halata sa mukha nito ang pagkainis.
“Oh! It’s you again Mr. Willoughby.” kaswal na saad niya at mapang-akit na ngumiti dito.
Walang sagot mula sa lalaki at tinitigan lang siya. Mabilis niyang pinagtigas ang puso. Oh well, matagal na pala siyang manhid at hindi na siya baliw sa pagmamahal niyang siya lang ang nakakaramdam para dito dati. Malas na nga siya sa pag-ibig, malas din siya sa buhay. Malas siya sa lahat pati na rin sa pamilya.
Umikot ang kaniyang isang braso sa leeg nito habang marahan niyang sinisimsim ang champagne na may laman wine. Deritso lang siyang nakatingin sa mga mata nitong parang hinuhukay ang kaniyang buong pagkatao. Eksakto naman nag-iba ang beat ng music, from party music to love song. Napatiim bagang siya nang mag-play ang pinakaayaw niyang kanta sa lahat simula nung tinalikuran niya ang dating siya.
Dancing With A Thief by Emily James now on playing.
Tatalikuran sana niya ito pero hinapit nito ang kaniyang beywang at kinuha ang kaniyang champagne wine sa kaniyang kamay, walang sabing nilagok nito lahat iyon at hinagis ang glass na walang laman. Napalingon siya at kita niyang salung-salo ito ni Dr. Hayes habang nasa tabi lang si Abhaya. Hindi man lang halatang may tama ito ng baril at nakapagpalit na ng tuxedo.
They say he’s not the type
That walks by twice
The boy with the notorious sapphire eyes
Look only if you know the risk...
Mapakla siyang napangiti sa likod ng kanta. Theon had a set of sapphire eyes at dito siya nadali dati, sa mga mata nito. Hindi niya alam na dito siya magkandaletse-letse.
'Cause every addiction comes with side effects
False hope and heartache have been known to infect
One out of ten survive...
Sa sobrang pagka-attached niya sa lalaki dati, halos mabaliw na siya. Nakakatawang isipin ang bagay na iyon.
But oh, he came over my way
Hello, was all he had to say now it’s too late to be saved
He’s slow walking lightning storm
That keep you up at night kinda thunder in your soul
A silent hurricane...
Letse! Gusto niyang umalis pero ang higpit ng pagkakahawak ng kamay nito sa kaniyang beywang at halos hindi na ito kumurap habang tinitigan siya.
He spun me around when I took his hand
And he stole my heart and my innocence,
Oh swaying in the pouring rain
Underneath the sea of angel’s tears
I’m slow dancing with a thief...
“Tell me your name,” mahinang saad nito.
“I’m... Your deepest nightmare after this Mr. Willoughby.” Ngumiti siya ng matamis pero sa likod ng kaniyang ngiti ay nagbabadya ng panganib. “Goodnight!” At isang iglap lang, nakawala siya sa pagkakahawak nito. Itinaas niya ang kamay at pinakita ang pekeng suot na wedding ring na ngayon lang niya sinuot.
Natigilan naman ang binata at walang nagawa kundi ang titigan siyang umalis at nawalang parang bula.
TUMALIM ang mata ni Jackylyn nang matanaw ang lalaking kanina pa niya napapansin na tingin nang tingin kay Abhaya. Kinausap din niya ang kaibigan sa kabilang linya sa pamamagitan ng pendant at hikaw na suot nilang dalawa. Napatango siya sa naging sagot nito, pansin din daw nito pero alam niyang hindi ang babae ang punterya nito, kundi si Doc. Hayes.
Naramdaman siguro ng lalaki na nakatingin siya kaya nang tumingin ito sa kaniya, ngumisi siya at kinindatan ito. Agad itong nag-iwas ng tingin at umalis. Mabilis naman siyang sumunod. The party isn’t over yet at kinakalma pa lang niya ang kaniyang puso. Walang tigil sa pagtahip iyon ng malakas mula nung kasayaw niya si Theon sa gitna.
Tahimik siyang naglakad sa hallway. Tanging ang takong lang ng kaniyang suot na stellitos ang maririnig sa bahaging iyon ng pasilyo pero naghanda-handa siya sa anuman posibleng mangyari.
Isang baril ang tumutok sa kaniyang ulo nung papaliko siya sa isang hallway. “Turn your back,” matigas na utos nito.
“Oh yeah? Pointing a gun to a beautiful woman? Where’s your etiquette?” Hindi siya tumalikod. Simple lang siyang nakatingin dito at naka-cross arm.
“Turn your back or this bullet will stuck in your head.”
Nag-ikot siya ng mata. And dami nitong satsat at nakakabakla ang pinagsasabi nito. Imbes na tumalikod, bigla niyang hinila ang kamay nitong may hawak na baril at tinanggalan ng magazine ng walang kahirap-hirap. Napatanga ito sa kaniyang ginawa at may balak yata itong patumbahin siya dahil kumuha ito ng kutsilyo, pero mabilis niya na itong napatulog. Isang malakas na suntok ang binigay niya rito at bumagsak.
Napalingon siya. Good at walang nakakita sa kaniyang ginawa. May nakita siyang silid na nakabukas kaya walang hirap na hinila niya ang paa nito at marahan pinasok. Tanging bukas na ilaw sa silid na iyon ay ang bedroom at madilim na kanan bahagi kung saan may malaking sala, kagamitan at iba pa. Nagdesisyon siyang ilagay ito sa closet para walang makakita at kung sino man may-ari nang kwartong iyon ay masusupresa. Natawa siya sa naisip.
“Where are you?” Si Abhaya.
“Burying someone. Catch you later.” Saka niya ini-off ang tawag.
Matapos masiguro na komportable ang lalaki sa malaking closet na iyon, marahan niyang sinirado ang pintuan ng closet at napangisi. Kawawa naman ito panigurado.
Naglibot siya ng tingin at napahanga. Not bad. Napakaganda ng silid. Hindi basta-basta sa sobrang laki at halatang napakamahal ng suite na iyon. Napaka-manly ng amoy na pumaloob ng silid at hindi niya mapigilan ang sarili na gustuhin ang amoy. Masarap sa pang-amoy. Bahagya siyang napapikit. Parang pamilyar sa kaniya pero hindi niya lang maalala kung saan at kanino. Nagkibit siya ng balikat at akmang tatalikod para bumalik sa party nang mabangga siya sa isang matigas na bagay.
Nagtaas siya ng tingin at mula sa malamlam na ilaw na nakapaloob sa silid na iyon, mukha ni Theon ang bumungad sa kaniya.
Paska! Napamura siya sa isip.
He’s wearing nothing but a boxer. May sigarilyo sa kamay nito at saka nito binuga sa harapan niya ang usok. Imbes na magalit sa ginawa nito, she found it sexy and hot. Napalunok siya at bahagyang napaatras. Bakit ba ito naka-topless?!
“It’s you again,” mahinang saad nito.
She silently composed herself. Nagkunwaring wala siyang pakialam sa presinsya ng lalaki. Walang sabi ng nilagpasan niya ito. Hindi niya alan na silid ito ng Willoughby dahil kung alam lang niya, tinapon na lang sana niya ang lalaking kaniyang pinatumba kanina sa dagat.
“Why hurry?” Mabilis na hinawakan nito ang kaniyang braso.
“I’m sorry? I thought it’s my room. Menen ulos. Anteeksi.” Lalabas na ako. Excuse me. Pinagpag niya ang kamay nito at agad na tinungo ang pintuan pero nakasirado na iyon.
“Todella? Pysy hetkessai.” Really? Stay for a moment.