Mabilis na humiga si Jackylyn sa malapad na kamang nasa gitna ng cabin na pinagdalhan sa kaniya nung lalaki. Sa sobrang busog niya, hinila siya ng antok lalo na at ramdam niya ang minsan paghampas ng alon. Para siyang dinuduyan at hinihilang matulog.
Nasa kalagitnaan siya ng kaniyang pagtulog nang marinig niya ang malamyos na musika galing sa labas. Ang sarap sa teynga na pakinggan ‘yong boses na kumakanta at gitarang sumasabay, parang kaboses ng idolo niyang singer na si Dean Lewis. Bigla siyang napabangon at nagpasyang lumabas. Everytime na maririnig niya ang mga kanta ng paboritong singer, nalulungkot siya at naaalala ang matagal ng yumaong ina.
Nakita niya ang lalaking nakatalikod sa kaniyang gawi at malungkot na kumakanta habang hawak nito ang gitara. Hindi niya mapigilan ang sariling hangaan ito, lalo na sa napakalamyos na boses nito na kay sarap pakinggan. Nanatili lang siyang nando’n sa likuran at pinakinggan itong kumakanta habang pinupunasan niya ang mga luhang nagsimulang pumatak.
Nakagat niya ang kaniyang labi. Nangungulila siya sa pagmamahal ng kaniyang ina pero wala, matagal na itong patay. Sabihin na natin, pinatay. Matagal ng pinatay.
Sampung taon gulang pa lang siya noon nung dalhin siya ng kaniyang ina sa Mindanao para ilayo sa lolo niyang ganid. Pero isang buwan lang ang nagdaan, nakita niyang binaril ito mismo sa bahay nila nang ilang mga armadong lalaki na nakasuot ng itim. Grabeng trauma ang kaniyang nakuha sa araw na iyon na halos inisip niya, isusunod siya ng mga ito sa katawan ng kaniyang ina na walang kalaban-laban na pinatay.
Pagkatapos, kinuha siya at dinala ng mga armadong lalaki sa isang malaking bahay. Sa kaniyang batang isip, akala niya katapusan niya nang mga araw na iyon pero iyon ang unang araw mismo magbabago nang tuluyan ang kaniyang pagkatao bilang Jackylyn.
Tuluyan siyang napaiyak at ilang hikbi ang kumawala sa kaniyang lalamunan. Mag-isa na lamang siya ngayon at wala siyang maituturing na pamilya dahil ang nag-iisa niyang pamilya ay binawi na sa kaniya.
“Sorry, napaiyak yata kita.”
Mabilis niyang pinunasan ang mga luha niya at kiming ngumiti. “Pasensya na at walang pahintulot akong nakinig. B-babalik na ako sa loob…” Akmang tatalikod na sana siya pabalik sa cabin pero tinawag siya nito na samahan ito sandali sa labas.
Nagdadalawang isip siya nung una pero pinagbigyan niya ito, inalala niyang ito ang may-ari ng sasakyang pandagat ngayon na kaniyang sinasakyan papalayo sa kabihasnan. Umupo siya sa tabi nito at saka naman biglang humampas ang malakas na hangin sa kaniya dahilan para gumulo lalo ang magulo niyang buhok.
“Mahilig ka rin ba kumanta?”
Tumango siya. Isa ito sa mga hobby niya, ang kumanta kahit ang totoo puro dingding lang ng kaniyang silid ang nakakarinig.
“Good. Maybe then you could sing with me.” ngumiti ito at lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin.
Napasinghap siya ng palihim sa ginawa nito. Bakit may tinapon Roman God sa kaniyang harapan ngayon? Ganito na ba siya kasama para padalhan ng napakagwapong nilalang? Marahan niyang pinilig ang ulo. Hindi ito ang tamang panahon para makaramdam siya ng ganito sa isang estranghero.
Nagsimula itong tumipa sa gitara at ang kantang Ocean’s Away ng Arizona ang napili nito. Napangiti siya dahil alam na alam niya ang kantang ito. Ilang sandali pa ay hindi na namalayan ni Jackylyn ang oras. Kampante na siyang sumabay sa pakikipag-kantahan sa lalaki na para bang matagal na silang magkakilala.
“Maganda ang boses mo.”
Namula naman siya sa papuring natanggap sa lalaki. Nag-iwas siya ng tingin. “T-thank you.”
“I’m not kidding. Maganda ang boses mo, may potential. I swear.”
Ngumiti lang siya ng tipid. Gusto niya rin sabihin dito ang katagang maganda rin ang boses nito pero nahihiya siya.
“Theon Willoughby.” Nagtaas ito ng isang kamay.
“H-ha?” napatingin siya rito at sa kamay nito. Hindi niya makuha ang gusto nitong sabihin o masyado lang okupado ang kaniyang isip sa presinsya nito?
“Call me Theon and I will call you Jacky.” Binawi nito ang kamay at muling binalik sa gitara nang hindi niya iyon abutin.
Gumuhit ang tipid na ngiti sa kaniyang labi. Jacky? Nagustuhan niya. Walang tumatawag sa kaniya ng Jacky. Mabilis na napalagay ang kaniyang loob dito kahit sabihin na ngayon pa lang niya ito nakita at nakilala.
Namalayan na lang ni Jackylyn na may gusto siya sa lalaking kaharap, kahit alam niyang may singsing na sa kamay nito at nagpapatunay na isa itong kasal na. Parang may kalahati ng kaniyang pagkatao na nagsasabing gustuhin ito kahit kasal. Mabait ang lalaki at ramdam niya ang bagay na iyon kaya rin siguro magaan ang kaniyang loob.
“What’s your next plan in mind? Want me to help you?” Mayamaya’y saad nito nang tumigil ito sa paglalaro ng string sandali at tumingin sa kaniya.
“Sa ngayon, ang makalayo ang iniisip ko pero thank you sa offer. Kaya ko ‘to. Sapat na itong pinasakay mo ko rito.” Napayakap siya sa sarili nang humangin ng malakas.
Tumango ito at napatingin sa karagatan. Napatitig naman siya sa lalaki at napangiti kahit papaano. Masaya siya na makilala ito at may dahilan rin pala ang pagtakas niya kahit kapalit nito ay ang buhay niya.
Tumayo sandali si Theon at iniwan siya mag-isa nang mag-ring ang phone nito. Napasunod ang kaniyang tingin dito at napatingin sa gitarang nilapag nito sa kaniyang tabi. Dinampot niya iyon at nagsimulang magpatugtog. Mahilig siya sa musika at kung hindi lang sana siya minalas, baka nag-singer na siya ngayon at may sariling album na nila-launch bawat taon. Matagal niya nang gusto ang maging singer pero hindi siya pinapayagan ng nasa Itaas, kaya heto siya ngayon, takot na takot para sa sariling buhay.
Nakuha niyang tumipa ng gitara habang malungkot itong sinasabayan ng kanta. Hindi niya na namalayan na umiiyak na siya at napahikbi. Kahit kailan ang iyakin niya talaga pero isa ito sa paraan niya para mabilis maibsan ang sakit, dinadaan niya sa iyak tapos ngiti ulit pagkatapos. Hindi na nakabalik si Theon kaya nagpasya siyang bumalik sa cabin at naligo. Ang dungis niya dahil saan-saan siya nagtatago at sumuot para lang makalayo.
Bahagya siyang nakaramdam ng ginhawa nang matapos siyang maligo. May dala siyang dalawang pares at iyon ay puro jeans at white shirt. Agad niyang isinuot iyon. Hindi niya nasubukan magsuot ng mga naggagandahan damit pambabae kahit gustong gusto niya, hindi niya ginawa. May rason kung bakit pero sa huli, wala rin pala siyang kawala. Pinaghimasukan pa rin ang kaniyang buhay pati ang karapatan niyang magdesisyon para sa sarili.
Nang lumabas siya ng cabin, eksaktong nakabukas ‘yon isang cabin at kita niya roon si Theon na nakatayo at nakaharap sa malaking portrait. Biglang gumana ang pagiging curiosity niya kahit hindi naman siya gano’n sa totoong buhay. Sumilip siya at tiningnan maigi ang babaeng nasa portrait and dito niya nakita kung gaano kaganda ang nasa larawan. Nakangiti ito at mala-anghel itonh tingnan sa mahaba at kulotan nitong buhok habang siya may buhok nga, dry pa at maikli. Kulang sa alaga. Na-appreciate niya ang kagandahan ng asawa nito pero may bahagi ng puso niya na umasa na sana hindi na lang ito kasal.
Umalis siya roon at nagpasyang magpahangin sa labas at gamitin ang gitara nito kahit hindi siya nakapagpaalam. Nasa kalagitnaan siya ng malungkot niyang kanta nang may umupo sa kaniyang tabi at ang gwapong mukha ni Theon ang nakita niya. Bigla siyang natigilan at namula.
“I didn’t know that you can play string as well. Like, you have an angelic voice plus the view of you playing the guitar makes the ambiance more beautiful,” nakangiting saad nito.
Nagbaba siya ng tingin at kiming nagpasalamat. Binalik niya ang gitara rito pero umiling ito at hinayaan siya. Nag-request pa ito na kantahan niya. Nagdadalawang isip siya nung una pero tumango rin kinalaunan. Wala naman mawawala sa kaniya kung kakantahan niya ang lalaki. Nag-duet sila kanina at isa na iyon sa rason para pagbigyan ito.
Nagising si Jackylyn sa mahimbing niyang pagkakatulog nang biglang umalog ng malakas ang paligid. Mabilis siyang napatakbo sa isang tabi sa inakalang lulubog na yata sila. Hindi siya marunong lumangoy at kung mamalasin siya baka dito siya mamamaalam.
“Fuck you!”
Ito ang salitang narinig niya nung patakbong lumabas siya ng cabin at hinanap si Theon. Natigilan siya nang makitang may isang yacht sa unahan at kung sa kalsada ay may banggaan mukhang alam niya na ang nangyari kamakailan lang.
“Hey hey, watch your mouth dope.” natatawang saad ng isang gwapong lalaki at walang kahirap-hirap na tumalon ito palipat sa yacht nila.
Napatitig si Jackylyn dito at napahanga. Kung hindi niya pa napigilan ang sarili, baka pumalakpak na rin siya. Parang may pakpak ang mga paa nito na lumapat sa sahig at inagaw ang kopitang hawak ni Theon saka nito tinungga at nilagok lahat ng laman.
“How’s Amara your wife?”
Amara...? Natanong niya sa sarili. Pati pangalan napa-kaganda sa pandinig at aaminin niyang humanga siya sa kagandahan ng babae kahit sa larawan lang niya nakita.
Nanatili siyang nakatingin sa mga ito habang nakatago sa isang tabi, ayaw niyang makita siya ng mga ito na nanunuod siya sa dalawa.
“She’s always beautiful as ever!”
Nagkibit lang ito ng balikat at deritsong tumingin sa kaniyang gawi. Mabilis siyang napatago pero narinig niya ang yabag na papalapit ito sa kaniyang gawi.
“Don’t freak her out, Mordeccai. She’s Jacky, a runaw—”
“Bride,” putol nito at bumalik ito sa gawi ni Theon.
Napalunok siya. Bakit nakakatakot ang boses nito? Hindi tulad kay Theon na sobrang ganda sa pandinig at nakakagaan ng loob? Kabastusan man, mas pinili niyang bumalik sa cabin at nagtago.
Ilang minuto lang ang nagdaan, may kumatok sa pintuan. “Jacky?”
Nahihiyang pinagbuksan niya iyon at tumambad sa kaniya si Theon na nakangiti pero hindi abot sa mga asul nitong mata ang ngiting pinakita nito sa kaniya. May nababasa siyang lungkot pero bakit?
“Baka gusto mo sabayan ako sa kaingayan sandali ng pinsan ko? Don’t worry, Attorney Mordeccai is a good guy. Medyo strict nga lang.”
Napatango siya at sumunod kay Theon nung tumalikod na ito. Naka-topless lang ang lalaki at namumulang napalunok siya nung tumama ang mata niya sa likuran nito. Ang hot nitong tingnan lalo na sa mamasel nitong braso.
Sandali niyang kinurot ang sarili. Hindi siya dapat magkakaganito sa taong kasal na at pagmamay-ari na ng iba at isa pa, pansamantala lang siya sa yate nito. Pagkatapos nito, aalis siya at magtatago sa ibang lugar na walang makakaalam sa kaniyang tunay na pagkatao.
“Mordeccai, ‘wag mong takutin si Jacky,” babala ni Theon dito.
“I am not scaring her,” ganting sagot nito.
Bahagya siyang naasiwa nang tinitigan siya nang sinasabi nitong abogado, pakiramdam niya ay binabasa nito ang buo niyang pagkatao.
“So, why you run away?”
Napasinghap siya sa tanong nito at napayuko. Agad naman pumagitna si Theon at biniro ito. Nagtawanan ang dalawa sa birong alam lang ng mga ito at siya, hindi maka-relate.
“Lemme guess, you’re being forced to get married. Do you?”
Nag-ilap ang kaniyang mga mata. Kung iyan sana ang totoong rason ng lahat kung bakit siya tumakas. “N-no. Valitsin karkaa kotoa.” I chose to run away from home. Pinili niyang magsalita sa lenggwaheng Finnish para hindi siya nito maintindihan.
Nagkibit ito ng balikat at ngumiti. “Anteeksi kysyani. Nauti lomastasi Theonin kanssa. Han on naimisissa oleva mies. Ala mene lankaan hanen charminsa vuoksi, kulta.” Sorry for asking. Enjoy your stay here with Theon. He’s a married man. Don’t be fooled by his charm, sweety. Saka nito tinungga ang alak na hawak.
Mas lalo siyang namula sa sinabi nito at hindi nakapagsalita. Hindi niya napaghandaan na marunong itong magsalita sa lenggwaheng gamit niya.
Ako lang yata ang hindi nakakaintindi dito.” Si Theon at inabutan siya ng beer in can pero mabilis siyang umayaw.
Gustong gusto niya nang bumalik sa loob at isipin na lang isang araw lang siyang kasama ang mga ito. Pero nang tumama ang kaniyang mga mata sa mga mata nito, para siyang nahihipotismo at inabot ang beer na binigay nito. Nanginginig ang kaniyang kamay na binuksan ang beer in can. Alam niya sa sarili na mahirap siya magtiwala sa isang tao pero nang mga sandaling iyon, magaan ang kaniyang loob lalo na sa lalaking kilala niya sa pangalan Theon. Mabilis niyang tinungga ang alak pero agad siyang pinigilan nito at pinaalalang hindi ito tubig. Namumula naman na tumango siya. Kung alam lang ng mga ito na sobrang awkward ang kaniyang naramdaman.
Sa wakas natapos niya ang isang lata at nagkaroon siya ng lakas na magpaalam sa mga ito. Kailangan niya magpahinga para mag-isip kung saan siya pagkatapos nito. Pumayag naman ang mga ito kaya dali-dali siyang umalis do’n. Nalalasing ang kaniyang diwa dahil sa totoo lang ay hindi siya sanay uminom kahit anuman alak.
Agad siyang bumagsak sa kamang nandon sa cabin at ilang sandali lang ay mahimbing na ang kaniyang tulog. Nagising lang siya kinagabihan nung maramdaman niyang kumalam ang kaniyang sikmura. Nung tingnan niya ang orasan na nakasabit sa dingding, maghahating-gabi na rin. Nagtungo siya sa labas para sandaling lumanghap ng hangin. Panigurado sa mga oras na ito, tulog na ang lalaki.
Malaki ang yacht pero agad niyang nakita ito na nakaupo sa unahan, nakatalikod ito sa kaniyang gawi at pinagmamasdan ang maliwanag na sikat ng buwan.
Napansin niyang wala na ang Attorney na pinangalanang Mordeccai. Nag-iisa lang ito habang may ilang bote sa tabi nito na walang laman. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot habang pinagmamasdan ito. Kahit kanina lang niya ito nakilala, pakiramdam niya ay parang magkakilala na sila at ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito.
Pinili niyang sabayan ito sa panonood ng buwan. Nakakatawang sabihin pero isa siyang selenophile, mahilig siyang magmasid sa buwan at siguro dahil mag-isa lang siya tulad ng buwan kaya gustong gusto niya pagmasdan lagi ang buwan sa gabi.
Walang paalam na umupo siya isang dangkal ang layo mula sa lalaki habang walang salitang lumabas sa bibig niya.