Dominant Series 3 & 4: Ignite and Intruder Chapter 30

Napatigil siya sa paglalakad. Marunong itong magsalita ng Finnish? Nagulat siya sa parteng iyon at hindi makapagsalita. Napalingon siya rito at napalunok nang tumama ang kaniyang mata sa six pack abs nito. Sobrang tempting nitong tingnan habang marahan hinithit at binuga ang sigarilyo. Nag-iinit siya at hindi siya tanga para hindi makuha ang ibig sabihin ng gestures na iyon, Theon is seducing her.

“I saw what you did earlier,” nakakalokong saad nito at umupo sa sofa at nilagay sa ash tray ang upos na sigarilyo. Hinarap nito ang champagne glass na may laman wine na nakalagay sa center table at marahan sinimsim iyon.

“Well in that case, I should go now. Fix that for me lover boy.” ngumiti siya nang nakakaloko.

Natawa ito sa kaniyang sinabi at tumayo. Marahan itong naglakad at binuksan ang closet na siyang pinagtaguan niya kanina sa lalaking walang kamalay-malay at tulog na tulog. Deritsong bumagsak ito sa sahig.

Napailing-iling ito at sinipat ang lalaki kung buhay pa ba ito o patay. “Really?” Kinuha nito ang cellphone na nakapatong sa kama at nag-dial ng numero. Nakipag-usap ito sa kabilang linya at unang pangalan na binanggit nito ay pangalan ni Zerus habang nakaharap sa kaniya.

No ways!

Mabilis pa sa kidlat na nilapitan niya ito at binawi ang cellphone. Pinatay niya ang tawag. Hindi sila pwedeng mag-abot ng landas ni Zerus, hindi pa ngayon. Hindi niya alintanang sobrang lapit ng distansya nila ng lalaki.

Agad niyang inabot ang cellphone dito at akmang tatalikod pero hindi niya napaghandaan ang pagbiglang hila nito sa kaniyang kamay at deritso siyang bumagsak sa ibabaw ng katawan ng lalaki.

Paska!

Nagmamadali siyang umalis sa ibabaw nito pero nasa beywang niya ang kamay ni Theon. Nagsalubong ang kaniyang kilay at akmang itutulak ito nang bigla siya nitong salubungin ng halik. Napaungol siya nang wala sa oras. She missed his kiss this much pero hindi ito dapat!

Tinulak niya ito pero nakasuporta ang kamay nito sa kaniyang ulo. Mas dumiin ang halik ang ginawad nito sa kaniya at aaminin man niya, nadadarang siya sa halik nito. Theon was his first kiss and everything. Ito ang unang tinibok ng puso niya at unang sumira. Gusto niyang makawala sa nakakadarang na halik na ginawa nito pero pakiramdam niya pagsisihan niya ang bagay na ito ‘pag ginawa niya iyon.

Napasinghap siya nang haplusin nito ang kaniyang dibdib at pinisil. Shit! Tuluyan siyang nawala sa hwesyo at ang plano niyang makawala sa silid nito ay naiwan sa ere.

Namalayan na lang niya ang sariling tinutugon ang halik. She promise this would be the last at didistansya na siya. Hindi na muling magkukrus ang landas nilang dalawa at kung magkrus man, siya na ang unang umiwas. Pero kalahati ng kaniyang pagkatao ay masaya nung makita niya ito. Kung sana lang ay kaniya si Theon. Kung sana ay wala sa panganib ang buhay nito, baka sa mga sandaling ito nasa tabi pa rin siya ng lalaki kahit hindi siya nito makuhang mahalin. Kahit hindi niya ito pagmamay-ari.

Ang sumunod na nangyari ay tuluyan nagpalimot sa kaniyang katinuan. Niyakap niya ang kaniyang kamay sa leeg nito at nakipagsabayan siya sa halik. Ginanap nito ang kaniyang pisngi at huli na nang mapansin niya, nasa ilalim na siya nito at nasa ibabaw ang lalaki. Lumubog siya sa kama pero wala siyang pakialam.

“Jackylyn...” Tumigil ito sa paghalik sa kaniya at tinitigan siya. Hinaplos nito ang kaniyang pisngi...

Para siyang binuhusan ng asido sa pangalan binanggit ng bibig nito. Bigla siyang nagising sa kaniyang kahibangan at naitulak ang lalaki. Bumagsak ito sa kama at hindi siya nito napigilan nang derit-deritso niyang tinakbo ang pintuan.

Shit what was that?!

“Jacky!” malakas na sigaw nito.

NAGULAT si Jackylyn nang biglang may tumapik sa kaniyang pisngi. Nang magtaas siya ng tingin, si Abhaya ito. Ngumisi siya at tinaasan ito ng kilay. As far as she know, may nalalaman siya sa kaibigan at sa lalaking binabantayan nila. Hindi pa man, kinikilig na siya dahil bagay na bagay naman talaga ang mga ito kung siya ang magsasabi.

“Nakausap mo ba si Yx?” tanong nito.

Mabilis siyang umiling at hinarap ang gagawin nang araw na iyon. Secretary siya ni Doc. Hayes. Kunwari lang naman ang pagiging secretary niya. “Wala ka ba ginagawa?” pabalik na tanong niya sa kaibigan nang umupo ito sa harapan na sofa.

Nagkibit ito ng balikat, “Meron, pero I’m bored. And isa pa, hindi sa kaniya umiikot ang mundo ko. We have our own life bago tayo pumasok sa ganitong trabaho but anyways, gotta go. Time to kill someone asshole.” At deritsang tumayo na ito.

Napangiti na lang siya sa inasta nito. Malapit silang magkaibigan ni Abhaya simula nung napadpad siya sa isla. Ito lang yata ang ka-close niya at pinagtitiwalaan. They’re tandems. Abhaya is good in martial arts and guns. Habang siya, cyber world lang magaling at tagahukay ng libingan ng mga kaaway nila. Basic lang alam niya sa martial arts at masasabi niyang tama-tama lang sa paraan na kaya niyang protektahan ang sarili.

Kapagkuwa’y napatitig siya sa sarili niyang repleksyon sa salamin dingding, nakikita niya ang panibagong Jackylyn na dati lang ay tumatakbo papalayo at takot na takot para sa sariling buhay.

Kung paano siya napagpad sa isla ni Yx, kung paano siya nakalayo sa mga taong kaniyang tinakasan at paano niya nakilala si Theon na siyang lalaking nagpatibok ng kaniyang puso dahil sa sapphire eyes nito.

Napabuntunhinga siya at matagal na tinitigan ang sarili. Bigla siyang bumalik sa nakaraan at nagmistula itong movie na nag-flashback sa kaniyang isipan…

TAKBO! Patuloy siyang tumatakbo. Kailangan niyang makawala sa grupong humahabol sa kaniya. Oras na madakip siya ng mga ito, wala na, sira na ang kaniyang buhay. Nakasalalay ang kaniyang kaligayahan mabuhay at gumawa ng sariling desisyon ‘pag mahuli siya ng mga ito. Kung kaya kinakailangan na magkaroon siya ng pakpak at lumipad ay ginawa niya na kanina pa.

Madilim ang gabi at may nakita siyang isang yacht na papaalis na sa daungan. Nag-ipon siyang tapang at pikit-matang tumalon siya sa likuran at mabilis nagtago sa loob. Alam niyang imposible siyang masundan ng mga kalaban dahil alam niyang nailigaw niya ang mga ito kanina.

Hindi rin siya pwedeng sumakay ng eroplano papunta sa kahit anong lugar dahil alam niyang mas mabilis lang siyang mahuhuli kung iyon ang kaniyang gagawin. Mas lalong hindi rin pwede sa pampasaherong barko dahil alam niya kung gaano kataas ang kakayahan at kapangyarihan ng taong gusto siyang kunin.

Marahan siyang nagdasan ng taimtim kahit naliligo siya ng pawis ay hindi niya na inalintana ang bagay na ito. Yakap-yakap niya ang maliit niyang backpack bag na naglalaman ng ilang mahahalagang dokumento at kaonting pera para sa kaniyang pag-alis— kung hindi lang sana siya natunugan.

Napahinga siya nang maluwang nung makita niyang dahan dahang lumalayo na sa daungan ang private yacht na pinagtataguan niya ngayon. Nasa likuran lang siya at nakasiksik sa isang tabi, tamang tama lang na hindi siya basta agad makikita ng kahit sino. Marahan pumatak ang mga luha sa kaniyang mata pero agad din niyang pinunasan. Hindi siya dapat manghina, hindi ngayon. Kailangan niya nang maraming lakas ng loob.

Sa naramdaman pagod, hindi niya namalayan nakatulog siya habang yakap-yakap ang bag. Nagising lang siya nung may tumapik sa kaniyang pisngi. Nasisilaw siya sa liwanag na sumalubong sa kaniyang mata at hindi niya makita ang mukha ng taong nasa kaniyang harapan ngayon at nakahalukipkip ang kamay.

Ilang segundo muna bago nag-sink in sa kaniyang utak na tumakas pala siya at may humahabol sa kaniya. Nang maisip niya ang bagay na iyon, bigla-bigla siyang napatayo para lang mauntog sa bakal na nakaharang. Napabalik siya sa kinauupuan at nasapo ang ulong nauntog.

Ang sakit!

“Here.”

Nagtaas siya ng tingin at nakita niya ang palad nitong naka-offer sa kaniya, nagdadalawang isip siyang tanggapin ito nung una pero parang may sariling isip ang kaniyang kamay at inabot ito. Saka lang niya namalayan na hanggang dibdib lang siya ng taong nasa kaniyang harapan at kinakailangan pa niya magtaas ng tingin para makita ang kabuuan mukha ng taong tumulong sa kaniyang tumayo.

Bigla siyang natigilan nang makita niya ang kabuuan hitsura nito. Ang mga mata nitong kulay dagat na nakatunghay sa kaniya, ang matangos na ilong na kay sarap pisilin at tanungin kung fake ba iyon or hindi, ang mga kilay nitong bumagay lang sa mga mata nitong asul na binagayan ng pilik mata nito. Ang mga labi nitong manipis at mamula-mula kasabay pa ang divided chin nitong nagpadagdag sa angkin nitong kagwapuhan. Diyos ba ito? Bakit sobrang gwapo ang nasa kaniyang harapan?

Napalunok siya ng laway at biglang nagyuko. Pakiramdam niya ay namula siya ng husto. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naka-appreciate ng kagwapuhan ng , dati kasi ay puro lang siya ilag o sabihin na natin hindi siya pinayagan magkaroon ng lalaking gustuhin sa buhay niya.

Sino ba ito? Bakit iba ang naramdaman niya agad nung magdaop ang kanilang mga mata? Hindi na bago sa kaniya ang makakita ng iba’t ibang kulay ng mga mata pero iba ito, nakuha nito ang kaniyang atensyon.

“What are you doing here?”

Parang kidlat ang tono ng boses nito kaya nailang siya at yumuko. Ano ba ang isasagot niya?

“Answer me!”

Napaigtad siya at nagtaas ng tingin pero agad din nagbawi. Paano ba niya sasabihin? Saka lang niya napansin na malayo na sila sa daungan at wala na siyang makitang kahit anong kahoy o bahay man lang, napahinga siya ng maluwang sa bagay na iyon. She’s safe now. Napangiti siya nang malungkot, gugustuhin man niyang huwag tumakas pero pag ‘di niya ginawa iyon, makukulong siya habambuhay at hindi naman niya ito pahihintulutan na mangyari.

“Naglayas ka.”

Hindi patanong iyon. Napatingin siya sa lalaki at matagal bago tumango. Halata naman siguro sa backpack bag niyang dala at sino ba’ng matinong babae ang sumampa sa yacht na hindi kaniya?

Napangiwi siya nang magreklamo ang kaniyang tiyan, huling kain niya ay kahapon ng umaga. Kaya medyo nanghihina na rin siya at nag-aaway na ang mga alaga niya sa kaniyang tiyan. Palihim niyang pinakalma ang nagaalburutong sikmura.

Napailing naman ang lalaking nasa harapan niya at tumalikod. “Sabayan mo akong kumain.”

Para siyang nanalo ng lotto sa narinig at mabilis na napasunod dito. Gutom na gutom na siya at kahit anong pagkain ay kakainin niya basta walang lason.

Pancakes and coffee plus fresh fruits ang bumungad sa mata ni Jackylyn. Bigla siyang natakam at naghintay na yayain siya nitong umupo sa harapan kahit ang totoo gusto niya ng takbuhin at kainin lahat ng mga iyon.

“Tatayo ka lang ba d’yan?”

“H-ha?”

“Let’s eat.”

Mabilis siyang napatango at lumapit dito. Hindi na siya nahiyang lumamon sa harap ng lalaki kahit gwapo pa ito. Ang mahalaga, ang malagyan niya ng pagkaina ng kaniyang sikmura.

Busog na busog siya at napadigway nang maubos niya ang lahat ng pagkain na nasa kaniyang harapan. Nakaramdam siya ng hiya nang magtama ang mata nilang dalawa.

“Sorry,” anas niya.

Tango lang naging sagot ng lalaki na hindi man lang magawang kumain, uminom lang ito ng kape at hinayaan siyang ubusin ang lahat ng nakahain. Gutom lang talaga siya.

“May I know your name? Siguro naman ay may tiwala ka na sabihin sa`kin kahit pangalan mo, ‘di ba?”

Marahan siyang tumango at napatitig sa wedding ring na nasa daliri nito. Ayaw man niyang aminin pero may bahagi ng pagkatao niya ang umayaw sa isipin na kasal na ito at may nagmamay-ari na sa puso ng lalaki. Bigla siyang nalungkot sa bagay na iyon pero hindi niya pinahalata. Gusto niyang batukan ang sarili!

“J-jackylyn Suarez Rokassowskij,” kiming sagot niya.

Napakunot ang noo nito sa last name niyang binanggit, “You’re a Filipina-Finnish?” bahagya itong nagulat.

Napaunat siya ng likod sa naging tanong nito. Napatingin siya sa mga mata nito pero agad din siyang nagbaba ng tingin. Paano nito nalaman na isa siyang Finnish, mostly lagi siyang napapagkamalan sa apelyido niya na Russian. Maliban sa mata niyang kulay abuhin at buhok na dark brown, masasabing may ibang lahi siya. Her mother is pure cebuana and that makes her filipina inside. Suarez ang gamit niyang apilyedo kung hindi lang umeksina ang kaniyang lolo at pinalitan ang apelyido niya sa last name na gamit ng mga ito.

“Oo pero nakakapagsalita ng tagalog at nakakaintindi.”

“Yeah,” walang ganang sagot nito at tumayo, “Follow me, I’ll show you your room. Mukhang pagod na pagod ka. Mamaya na kita ulit tatanungin.”

Napatango siya at sumunod dito. Aaminin niya, palagay ang kaniyang loob sa lalaking hindi man lang niya alam ang pangalan but who cares? Ang importante ay nakalayo na siya sa mga taong humahabol sa kaniya at saka na lang niya siguro isipin ang susunod niyang hakbang na gagawin.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.