Kung gaano kasaya ang buhay niya nung pababa sila papuntang falls, gano’n siya kareklamo nung paakyat sila pabalik. Pagod na siya. Gusto niyang magpagulong-gulong sa pagod. Kulang na lang ay iiyak siya. Imagine, 1.5 kilometres ang lalakarin paakyat. Okay sana kung hindi hagdanan, eh. Nakakapanghina ng tuhod. Gusto niya na yatang maging Darna.
“Are you okay?” tanong ni Herrence her lab-crush.
Agad naman siyang napaayos ng tayo at ngumiti ng kimi, kunwari isa siyang mahinhin, “Yes naman. Medyo masakit lang po ang heart ko. Pwede niyo ba gamutin ito?” napahagikhik siya sa sariling kaharutan.
“If only I could. But your brother Azael would kill me.” kumindat ito sa kaniya at binigyan siya ng nakakalaglag panty na ngiti.
Jusko naman! Panty kumapit ka! ‘wag kang bibitaw kaya natin ito! Ngiti lang iyan at hindi ka si Theon-pokpok. Napangiwi siya sa sinisigaw ng kaniyang utak.
Nasa pinakahuli siya. Maliban siya ang pinakabagal maglakad, puro reklamo na ang maririnig sa kaniyang bibig. Hindi sa pagod, kundi sa bwesit na jowa ng kuya niya.
“Azael baby, I’m so tired. Let’s pahinga muna.”
Azael baby I’m so maarte talaga. I’m so malandi rin.
Nag-ikot siya ng mata. Lalo na nung magdiklara ang kapatid niya na magpahinga muna sila sa kahabaan ng kanilang nilalakad. Bakit siya nung napagod kanina, hindi man lang sila huminto at nagpahinga?!
Napaka! Argh! Favoritism ka.
Pabagsak siyang umupo sa sementomg hagdanan at tinungga ang bottled water na dala. Dahil hindi naman siya nauubusan ng tsokolate, nagbukas na rin siya at parang wala sa sariling pinagkakagat iyon. Malapit niya ng maubos nang magsimula na ulit ang mga ito sa paghakbang.
“Wait!” Mabilis niya itong nilamon. Mga bwesit talaga ang mga ito.
“Kung balak mo magpaiwan, okay stay here,” simpleng saad ni Azael.
Napaismid siya at nag-ikot ng mata. Dahil tinatamad na talaga siyang humakbang, para siyang batang umupo sa isang tabi at nangalumbaba.
“Hey binibini, gusto mo pasanin na kita?”
Nagliwanag ang kaniyang mukha sa sinabi ni Theon. Pero agad din napasimangot nang dugtungan nito iyon ng joke lang. Nayayamot na nagsimula siyang humakbang at para hindi siya mabagot, kuha siya ng pictures dito, pictures doon at pati mga walang muwang na langgam na naghahakot ng pagkain ng mga ito, kinukunan niya.
Oh my!
Napalingon-lingun siya. Kanina lang ay kitang kita pa niya ang mga kasamahan. Sa isang shortcut sila dumaan at maraming daanan ang nagtuturo sa kaniya. Nagkibit siya ng balikat. Hindi naman siya takot mawala. Naglaro muna siya ng bentot-bentot sa utak kung alin ang daan susundin. Kanan! Hindi siya mahilig kumaliwa at mangaliwa. Loyal siya sa mga crush niya kaya dapat kanan siya.
Lakad lang siya nang lakad. Ang ganda ng panahon at dahil nag-iisa lang siya, parang gusto niyang suluhin ang pagkakataon na iyon. Wala ang kaniyang kuyang OP at OA; over protective at over acting.
“Hi mga bibi!” agad niyang bati sa mga batang naglalaro.
“Hindi po kami pato,” mabilis na sagot nung isa at sandaling tumigil ito sa paglalaro.
Napakamot siya sa ulo. “Ibig kung sabihin… mga bebeloves. Basta iyon na iyon! Taga-rito ba kayo?” magiliw niyang tanong.
“Hindi po halata?” sagot naman nung isa.
Napangiwi siya. Masyado yatang mga savage ang mga mga ito.
“Ms. Ganda, naliligaw kayo ‘no?”
Mabilis siyang tumango at ngumiti. “Hindi na bale, dito muna ako. Pwede makisali sa laro niyo?”
Dati pa man ay gustong-gusto niya ng isa pang kapatid pero hindi dininig ang gusto niya. Ilang beses ba niyang nag-request sa kaniyang parents tuwing birthday na gusto niya ng kapatid na babae.
Nakalimutan ni Amara na may kasamahan siya, masyado siyang naingganyong maglaro ng piku. Saka lang niya naalala nang paglingon niya ay nakatayo si Azael sa unahan at hindi maipinta ang mukha.
“Mara!!!”
Run.
Bigla siyang kumaripas ng takbo. Ayaw niya pa mamatay! Tulong! Pero sandali siyang natigilan nung malayo-layo na siya, bakit nga ba siya tumatakbo? Kapatid niya naman ito. Ah, mukha kasing kriminal kanina si Azael at takas mental ang kagwapuhan.
Napatili siya nang biglang umangat sa ere ang kaniyang katawan. Binuhat siya ni Azael na hindi niya namalayan na nakalapit na pala. Paano nangyari iyon?!
“Shut up brat!”
“Don’t kill me please!”
Takang napatingin ito sa kaniya at tunuktukan siya sa noo. “Baliw.”Nagsimula na itong humakbang na pangko siya.
“Put me down!”
Tiningnan lang siya nito at hindi pinansin. Binaba lang siya nito kung kailan malapit na sila sa pinaradahan ng jeep na sinakyan nila kanina. Kitang-kita niya agad ang pag-asim ng mukha ng mga kababaihan. Nag-sorry lang siya at irap naman ang nakuhang sagot niya kay linta. Inismiran din niya ito at inirapan nung hindi na ito nakatingin sa kaniya.
Sa silid siya ni Theon natulog kinahapunan. Hindi na siya sumama sa mga ito na mag-food hunting sa downtown at nag-ikot ikot para bumili ng souvenir. Itinulog lang niya iyon. Pero kinagabihan, hindi na siya pinatulog ni Theon sa room nito. Natakot sa kapatid niya na demonyo. Speaking of devil, dedemonyuhin talaga niya ang gabi ng mga ito.
Mabilis siyang humiga sa gitna ng kama at naunang natulog kahit ang totoo hindi naman siya inaantok. Nagtulugan lang siya at gusto niyang matawa. Literal na nakadapa talaga siya para hindi magtabi ang mga hinayupak. Narinig pa niyang puro reklamo ang jowa ng kaniyang kapatid but sorry, plastik din kaya siya. Magplastikan silang dalawa!
Nakapatay na ang buong ilaw at tanging lampshade na lang ang naka-on nang gabing iyon. Pinagitnaan niya ang mga ito at kunwari naghihilik siya para tulog daw.
“Honey...”
“Hmm?”
“I want you right now. Fill me please...”
Gusto niyang masuka. Shit! Masyadong SPG. Nandito ako sa silid, hello? Eskadalusa kang burikat ka!
“Are you sure? My sister is here...”
“Let’s do it in the bathroom...” pabulong na saad pa nito.
Yes ‘te? Sobrang kating-kati na ba ng purlakz mo at gusto mo talagang sa banyo?!
“I think we can do—”
Hindi natapos ang sinabi ni Azael nang bigla siyang umikot at yumakap sa binata. Gusto niyang matawa ng bonggang-bongga nang marinig niyang galit na galit si Annabelle. Para lalo itong inisin, idinantay pa niya ang isang paa sa hita ni Azael.
“Ano ba naman ‘yan. Hmp!”
Kahit hindi niya nakikita ang mukha ng babae, alam niyang nakasimangot ito ngayon. Narinig niyang natawa naman si Azael at marahan inalis ang kaniyang kamay pero mas hinigpitan niya ang pagyakap sa katawan nito. Hindi ito pwede mag-toot ng ando’n siya. Hindi! Agad siyang nagkunwaring humilik.
Naramdaman niyang umikot na Anabelle at hindi na umimik. Successful! Ayan ang napapala sa mga higad. Sa susunod na gagawin niya kaya ay paghiwalayin ito ng tuluyan? Nag-isip siya ng plano kung paano at anong unang hakbang ang gagawin nang dahan-dahang hinila siya ng antok. Ang sarap pala yakapin ng kaniyang kuya at ang bango pa. Nakaka-addict!
Nanaginip na naman siya. Ayon sa kaniyang panaginip, may nakita siyang napakalaking birdy kaya hinimas-himas niya ito. Pinipisil-pisil ang katawan. Himas ulit. Pisil. Himas. Pisil. Sobrang saya pa raw niya kasi mas lalo iyon lumaki at tutukain siya. Pero bago pa man siya nito natuka, nawala na ang birdy. Lumipad ito sa malayo. Sayang! Hindi niya nahawakan at nalagay sa kulungan. Sayang naman ng birdy. Big birdy pa naman.
Bandang tanghali na siya nagising and usual, si higad ang naabutan niya sa room. Nakaismid ito at nakaarko ang kilay.
“You’re such a bitch. If you think you win ka na, well sasabihin ko sa`yo, I don’t care if sister ka niya. Alam kong you hate me but Azael love me.” Agad itong tumalikod patungong pintuan pero mabilis siyang lumundag mula sa kama at hinarangan iyon.
Nakataas ang kaniyang kilay at nakangisi. “Correction, I don’t hate you, I just don’t— appreciate your existence.”
Nag-ikot ito ng mata at nameywang. “Get out of my way!”
“Ops, what? Sorry, I don’t understand IDIOT language.”
“I said get—”
Hindi niya pinatapos ito magsalita, sumipol sipol na siyang nagtungo ng banyo at iniwan itong parang tanga. Lumabas din ang tunay na kulay. Well, magtutuos sila.
Oplan hiwalayan.
NAGING masaya naman ang pag-unwind ni Amara sa mountain province ng Sagada. Iyon nga lang, hindi niya masyadong na-enjoy dahil sa sobrang KJ ng kapatid niya.
Gabi nang dumating sila pabalik sa Maynila, at bago siya natulog kumuha siya ng notebook at nagsulat sa pwede niyang gawin. Tutuhanin niyang paghihiwalayin ang mga ito. Bulag ba masyado si Azael? Sa sobrang gwapo nito namumulot lang ito ng basura?
Hindi kaya ginayuma ang gwapong kuya niya?! Oh no! Nag-isip siya ng possibleng dahilan habang nagpagulong-gulong siya sa malaking kama ng kaniyang kwarto. Hindi siya nakapagtiis, nag-search na rin siya sa Google.
Tama! Ginayuma nga ang kapatid niya. Hindi na kailangan ng proof dahil nakakapagtaka naman kung bakit ito pumatol sa bruha, eh, kitang-kita naman. Kilala niya ang kaniyang kuya Azael. Ang taas ng standards nito pagdating sa babae at wala itong naging girlfriend kundi ngayon lang!
Anong gagawin niya para mapawalang bisa ang gayuma? Mabilis niyang tinawagan si Theon. Ito lang naman ang mabilis niyang tawagan o ichat. Malandi kasi ito.
“Hey? Miss me?” natatawang bungad nito.
Nag-ikot siya ng mata, “Anong pangontra laban sa gayuma? Sagutin mo ‘ko, bilis!”
“Iyan lang pala tinawag mo, Amara baby. Oo, sinasagot na kita.” saka ito bumunghalit ng tawa sa kabilang linya. “Boyfriend mo na ang napakagwapong ako.”
Ang landi talaga!!! Agad niyang binagsak ang cellphone pero isang message naman galing kay Theon ang kaniyang natanggap.
‘Punta ka Quiapo.’
Nanulis ang kaniyang nguso at matagal nag-isip kung bakit pinapunta siya ng Quiapo. Nagliwanag ang kaniyang mukha nang makuha ang ibig sabihin nito. Bukas na bukas din pagkatapos ng kaniyang klase ay pupunta siya.
Eksaktong pag-uwi niya nang gabing iyon ay mabilis siyang tumakbo papunta sa kaniyang kwarto at binasa ang nakasaad sa kaniyang notebook. Nakuha niya ang tips na iyon kay Manang na nando’n sa Quiapo Church nakatambay. May binigay pa itong maliit na manika sa kaniya na gawa sa telang pula at may pa-freebies na mga karayom. Tsada ni Manang! May balak yata siyang gawing mananahi in the future.
Laking pasalamat niya at nando’n sa mansiyon ang magiting niyang kapatid. Maisasagawa niya ang plano ngayon gabi. Napangisi siya na mala-bruha.
Nasa labas siya ng silid ni Azael at hinihintay itong lumabas. Medyo nababagot na rin siya sa sobrang tagal nito sa loob. Siguro naglalaro ito nang, ‘Jay-jay will you let Jun-jun toot-toot you.’
Nagliwanag ang kaniyang mata nang pumihit ang seradura. Eksaktong paglabas ng binata ay awtomatikong luma-gapak sa pisngi nito ang tsinelas na Spartan na binili niya sa Recto. Iyon kasi ang sabi ni Manang. Dapat daw talaga Spartan para effective!
Number 1 na gagawin sa taong nagayuma: Sampalin ng tsinelas para magising sa katotohanan.
“Hehe kuya... Ano kasi...may lamok. Oo, may lamok. Dumapo sa gwapo mong mukha, nakita mo?”
“Lamok?”
“Oo… m-malaking l-lamok kuya—” Nauna siyang tumakbo.
“Maraaaaa!!!”
Halos napuno ng tili niya ang buong kaba-hayan. “Tulong!” Iniisip niya kung gumana ba o hindi, pero sa reaksyon nito parang oo na hindi.
Nakasunod sa kaniya si Azael na galit na galit pero dahil siya na yata ang the best sa lahat nang pinaka-the best, mabilis siyang nakalayo rito.
“Anong kaguluhan ‘to?” Mula sa kung saan ay lumabas ang Mommy nila.
Mabilis siyang nagtago sa likuran nito. “My, si kuya hinahabol ako ng tsinelas, oh!” Kitang-kita niya ang pagtagis ng bagang ni Azael at pamumula ng mukha nito, “My, tanungin mo rin siya kung bakit may hugis-tsinelas ang mukha niya,” bulong niya sa Mommy nila. Nang makitang tumalim ang mga mata ni Azael at akmang lalapitan siya, mabilis siyang nag-puppy eyes.
“Azael Aadi,” banta ng kanilang ina.
Napangisi siya at binelatan ito.
“Fuck!” Inis na inis itong tumalikod at bumalik sa silid nito.
Napasunod ang kaniyang tingin dito. Hindi ba effective? Gusto niya sanang itanong kung mahal pa rin ba nito ang babae. Mabilis siyang sumunod dito. Tinawag siya ng ginang pero nag-tuloy-tuloy siya paakyat sa kaniyang kwarto. May gagawin pa siya.
Nasa hapag kainan ng umagang iyon si Azael nang madatnan ni Amara. Mabilis siyang lumapit sa ref at nagbukas. Kinuha niya ang malaking pitsel na sinadya niyang ilagay kagabi sa freezer para sobrang lamig.
Number 2: Buhusan ng napakalamig tubig. Kapag sumigaw, nalamigan. Pero kapag hindi, tumakbo ka na.
Tinandaan niya nang maiigi ang sinabi ni Manang. Effective raw ito 99.9999%. Napangisi siya. Oras na mawala ang sumpa, makakalaya rin ito sa wakas! Tiyak na magpapasalamat sa kaniya si Azael at maluluhang luluhod sa kaniya. Agad siyang humakbang papalit kay Azael na may binabasa sa laptop at umiinom ng kape.
Opps!
Napatakip siya ng bibig at napangiwi nang makitang halos yelo ang bumuhos sa ulo ng binata. Hinintay niyang sumigaw ito pero hindi.
Ah, eh tatakbo na ba ako?
Run.
Napatili siya nang sobrang lakas.
“You’re dead.”
“Sorry na kuyaaaaaa!!!”
“Anong sorry!”
“Sorry na kasi! Wahhhh!”