Dominant Series 3 & 4: Ignite and Intruder Chapter 8

Hindi makapag-concentrate si Amara nang araw na iyon sa klase. Siya na yata ang bobo na malakas ang apog na hindi makinig.

“Ms. Legrand!”

“Ay buteking panot!” Napaigtad siya sa kinauupuan. Tawanan ang buong klase. Napaismid siya. Saan ba kasi ang utak niya naglalakbay?

“Kung wala kang balak makinig, bukas ang pintuan. Pwede ka ng lumabas.”

Napayuko siya at humingi ng pasensya. Masyado lang occupied ang utak niya pero may balak pa naman siyang makinig sa klase. Kaya ang nangyari, wala siyang naintindihan hanggang sa natapos ang oras.

“Amara totoo, may girlfriend na ang kuya mo?”

Nagtatakang napatingin siya sa mga plastic niyang kaklase. Break time nila at halos ayaw yata siyang pahingain sa sobrang dikit ng mga mukha nito sa kaniya.

“Sino naman may sabi?”

“Kami,” panabay na sagot ng mga ito.

Nag-ikot siya ng mata at tumayo. “Walang girlfriend ang kuya ko. Kung gusto niyo, magpasa kayo ng resume sa`kin at mag-apply bilang jowa niya,” deklara niya.

Nagsitilian naman ang mga hindut niyang mga kaklase. Nagtulakan pa na akala mo close sila.

“Magdala ng pwedeng ibigay kay kuya ko kapag nagpasa ng resume sa`kin, okay?”

Mabilis na nagsitanguan ang mga ito. Napangisi siya. Wala naman talagang jowa si Azael eh, dahil paghihiwalayin niya ang mga ito. It’s now or never. Hinding-hindi patatalo ang isang kagaya niyang napakagandang babae.

Hindi magkandauga si Amara sa pagbitbit ng mga binigay sa kaniya ng kaniyang mga kaklase kinahapunan. May nakasabit pa sa beywang niya na malaking stuff toys at halos matabunan siya sa patung-patong na resume na tinambak sa kaniya ng mga kaklase. Nagbibiro lang naman siya pero bakit naniwala ang mga ito!

“Oh, ano ‘yan at saan galing?” takang sinalubong siya ng kanilang mabait na ina wala man lang kabahid-bahid na wrinkles. Mahihiya ang pores kung bibisita ito sa mukha ng Mommy nila.

“Nag-aapply na maging jowa ni kuya.” Napangisi siya.

Nag-ikot ito ng mata at napailing-iling. “Ay ewan ko sa`yo bata ka, binenta mo na naman ang kapatid mo.”

Napahagikhik siya pero agad din naglaho nang maalalang hindi pa nag-effect ang pampaalis ng gayuma. Nawalan siya ng gana. Mabilis niyang inabot sa ina ang mga hindi mabilang na folder.

Nang gabing iyon, nagpunta siya sa silid ni Azael at laking tuwa niya dahil hindi naka-lock iyon. Narinig niyang tumawag ito na hindi raw uuwi kaya tamang-tama ang orasyon na gagawin niya. Kaniya ang buong kwarto nito! Humalakhak muna siya ng mala-bruha. Kung sinuswerte ba naman siya.

Agad niyang inamoy amoy ang kama nito. Sinipat-sipat at nang makakita siya ng ilang hibla ng buhok nito sa unan, mabilis niya itong kinuha at napangisi. Mabilis niyang nilabas ang manikang galing kay Manang at itinali ang kulot nitong buhok. Nakahanda na ang isang manika na may picture ni Anabelle nakadikit. Literal na Anabelle doll ito na binili pa niya sa Japan Surplus.

Nakahanda na ang tawas, asin, paminta, dinurog na bawang, bitsin, puting kandila at ilang karayom. Iyon ang last na sabi ni Manang kaya dapat ma-perfect niya ito. May binigay pa ito sa kaniyang orasyon na nakasulat sa likod ng calendar paper.

Handang handa na siya, nakasuot na rin siya ng itim na hood at gown. Gusto niyang tanungin si Manang sa part na iyon pero ang sabi nito, gorabels lang siya para sa kapakanan ng kaniyang kapatid. At dahil nag-aalala siya kay Azael, gagawin niya ito para mapawalang bisa ang kasal! Este... Ang gayuma ni higad.

Pinatay niya buong ilaw at tanging kandila lang ang nakasindi sa gitna ng kama ni Azael. Kinuha niya ang orasyon at nagsimula na.

“Hellium... Lithium... Nitrogen... Hydrogen...”

Sandali siyang napahinto. Teka, bakit parang may mali? Parang narinig niya na ito. Nag-isip muna siya nang ilang beses pero wala siyang maisip kaya binalewala na lang niya at nagpatuloy.

“Beryllium... Boron... Magnesium... Sodium...”

Hindi kaya masyadong fanatics sa science si Manang? Parang ninakaw lang sa Table of Elements, ah. Pero naalala niya ang sabi nito, kahit anong mangyari dapat basahin niya ang buong nakasulat para effective. Okay bahala na!

Ayan na! Pakiramdam niyang gagana na ang kaniyang orasyon. Kailangan niya lang sambitin ang pinakahuling nakasulat sa papel bago niya gagalawin ang dalawang manikang magkatabi.

“Bitsin... Asin... Sukain... Toyohin... Adobohin... Pamintain... Lutuin.. Kainin...”

Bakit parang sa adobo ito? Ah, bahala na nga. Ayan, tapos na!

Mabilis niyang kinuha ang manikang si Anabelle. Pinag-wiwisikan niya ito ng tawas at asin. “Umalis ka sa katawan ng babaeng ito, demonyo ng kalandian. Umalis ka!” Niyugyog niya ang nakakatakot na manika sa hangin.

Madilim ang buong paligid pero malinaw pa sa sinag ng araw ang kaniyang mata. Kumuha siya ng karayom at nakangising tinusok niya ang petchay ng manika. “Ayan! Masaktan ka! Sumigaw kang bruha ka. Masakit no?!” Agad niyang kinuha ang manika ni Azael at inis na inis na pinagkukurot ang katawan nito.

Pero sandali siyang natigilan, teka, parang pang-babarang na yata ang kaniyang ginagawa. Natawa siya sa naisip. Mas maganda nga iyon. Magpapatayo siya ng Barang Shop in the near future at lahat nang lalandi sa kuya niya, babarangin at kukulamin niya.

“Sige sampalin mo ‘yan kuya!” Pinag-aaway niya ang dalawang manikang hawak. “Ayan sabunutan mo ang buhok ng bruhang yan! Sipain mo pepe niya... I mean ‘yon ano niya. Bwahahaha!” ang lakas ng halakhak niya, at kung may makakakita sa kaniya sa gano’n posisyon baka mapagkamalan na siyang baliw at may saltik sa ulo.

Pero dahil malaking manika si Anabelle, tinusok niya ang isang manika sa peachy nito. Humalakhak siya ulit at tuwang-tuwa sa kaniyang pinaggagawa.

“You’re dead...”

Limang segundong katahimikan ang nagdaan.

Loading.

Loading...

Napatili siya ng malakas sa presinya ni Azael na ngayon ay nasa pintuan. Hindi niya masyadong nakikita ang mukha ng kuya niya dahil sa liwanag. Sobrang liwanag! Napapaso siya. Kinukuha na ba siya ng langit? Wait, makakapasok ba siya sa langit ngayong may kinukulam siya?

“Ah... Eh kuya, umepek ba? I... I mean ano... Ma-mahal mo pa ba si An—” Agad niyang tinakpan ang bibig nang malakas na sinarado nito ang pintuan.

Oh no! Yari ako.

Mabibigat ang hakbang na lumapit sa kaniyang kinaro-roonan si Azael. “Brat!”

“Noooo!” Ang lakas ng tili niya. Oras na mahuli siya nito, patay talaga siya!

Ayaw pa niyang mamatay! Masyado pa siyang maganda. Pero sa sobrang katangahan at haba ng kaniyang gown, nasagi niya ang nag-iisang malaki niyang kandilang 7 inches. Nahirapan pa naman siya sa paghahanap ng gano’n kandila kasi instruction ni Manang... ‘Not the five, not the six but the seven! Seven is heaven!’

“Fuck, Amara!”

Napatili siya nang natumba ang kandila at nilamon ang buong silid ng kadiliman. Wala siyang makita. Tamang-tama! Ito na ang pagkakataon makatakas siya sa napakalupit na tadhanang ito. Walang-ingay na gumapang siya kahit nangangapa siya sa sobrang dilim.

“Mara!”

Hindi siya sumagot sa warning tone nito. Dapat maunahan niya itong takasan or else, ititirik siya nito. Nanganganib ang kaniyang buhay. Sayang nag magandang lahi niya in the future pag maabutan siya nito! Hindi pwede.

“Damn! I’m going to turn the lights o—”

“Nooo!” Mabilis niyang tinakpan ang bibig at nagma-madaling gumapang. Bakit siya sumigaw? Tanga rin siya minsan. “Arayy!” Bumagsak siya sa sahig. Nauna ang tuhod niya at ang sakit. Napangiwi siya at pinigilan ngumawa. Baka matawag na naman niya ang kaniyang kuya Azael.

“Fuck!”

Naramdaman niyang papalapit sa gawi niya si Azael na para bang nakikita siya. Kaya ang ginawa niya, mabilis siyang tumayo para lang mawalan ng balanse. Naapakan niya ang laylayan ng suot niyang bonggang gown. “Ayyy!” babagsak na naman siya. Ayan na! Tumama ang kaniyang ilong sa matigas na bagay.

“Damn!” Mabilis siyang nasalo at nayakap ng sinong empakto.

Bumagsak siya. Pero sa mga sandaling iyon, sa katawan ni Azael at nasa ibabaw siya nito. Pareho silang nasa sahig at alam niyang nasaktan niya ito sa bigat ba naman niya. But OMG! Nahuli siya nito. Kahit wala siyang nakikitang liwanag, alam niyang nakakunot na ang noo nito at ilang sandali lang ay bibitayin siya.

Jusko po! ‘Wag po.

Napatili siya sa isiping papatayin na siya nito. Pero bakit may maramdaman siyang kakaiba sa bandang puson niya? Isang matigas na bagay. Nag-isip siya, dala-dala ba niya ‘yong 7 inches na kandila? Nanunusok kasi sa kaniyang puson at hindi niya mapigilan kapain ang kandila para itapon iyon.

“Amara, fuck!”

“Kuya!”

Iba ang nakapa niya. Isang... Isang... Birdy! Gusto niyang mangisay sa hiya. Si junjun ang nakapa niya at— Buhay na buhay na parang gusto siyang tuklawin any moment.

“Kuya… Ang laki-laki niya! Wahhhhh!” ang lakas ng tili na lumabas sa kaniyang lalamunan.

Mabilis siyang tumayo at tinakbo ang pintuan nang walang kahirap-hirap. Pero bago niya narating ang pintuan, ilang beses din siyang nabangga at nadapa but who cares? Mas nakakatakot si junjun! Baka habulin pa siya nito at kainin.

Malakas na sinarado ni Amara ang pintuan ng kaniyang kwarto at pinagtatanggal ang suot na kaechusan sa katawan. Parang patay na bumagsak siya patihaya sa kaniyang malambot na kama at napag-isip habang nakatitig sa kesame. Bakit galit na galit si ano... ‘yong ano ng kuya niya? Pakiramdam niya ay namula ang kaniyang buong pisngi.

Hindi pa nga siya tuluyan nakabawi sa sobrang shockness overload to the highest, galit na galit na Azael ang tuloy-tuloy na pumasok sa kaniyang silid. Mabilis siyang napabangon at nagkunwaring galit-galitan sa pagbiglang pagpasok nito.

“Explain it,” nagsilabasan ang mga litid ng ugat nito sa leeg na parang pinipigilan siyang saktan.

Biglang siyang natuliro at napatitig sa mga kuku ng kaniyang kamay. Doon lang niya napansin na kailangan na pala talaga niya maglinis ng kuku, mahahaba na ang mga iyon at nakakatakot kung baka iyon ang magagamit niya sa mukha ng jowa nito.

“Amara! What’s the meaning of these?!” Binato nito sa kaniya ang manikang si Annabelle. Oh no! binato nito sa kaniya si Annabelle.

“Aray!”

Tumama ito sa kaniyang mukha kung swerte nga naman. Masakit iyon. Natigilan naman agad si Azael at bumaha ang pag-alala sa mukha nito kaya mabilis siyang nagkunwaring maiiyak sa sakit para mabaling ang galit nito sa ibang bagay.

“Damn, sorry!” Agad itong lumapit sa kaniya.

“Mesheket she keye...” gusto niyang humagalpak ng tawa sa reaksyon nito sa kaniyang sinabi pero nangibabaw pa rin ang pagiging kuya nito sa kaniya.

Nawala ang galit nito. Hinaplos nito ang mukha niyang natamaan ng kandila at marahan hinipan ng hangin. Wait! Bigla siyang hindi makahinga at nawala sa reyalidad sa ginawa nito. Napatitig siya rito. Nawala ang pag-iinarte niya bigla.

“Sorry princess, I truly am,” sincere na saad nito, “Ikaw kasi, kung anu-anong kagagahan pinaggagawa mo sa silid ko.”

Napakurap-kurap siya nang ilang beses. Bakit pakiramdam niya nag-iba ang ihip ng hangin at ang lakas ng tibok ng puso niya? Normal pa ba ito? Malapit lang ang distansya ng labi ni Azael sa kaniyang labi at pakiramdam niya ay nag-iinit ang buo niyang mukha sa haplos nito at ginawang pag-ihip ng hangin kanina.

Bakit... Bakit parang...

Mabilis niyang dinama ang dibdib. No. Leche ‘tong puso niya, walang pinipili! Ang lakas ng tibok at baka aatakehin na siya. Hindi kaya, sa kaniya gumana ang kulam niya? Bakit parang nagagayuma siya sa kagwapuhan ng kuya niya? Hail Mary!

Agad siyang lumayo rito at tinakbo ang banyo. Nagkulong siya roon. Ano na ba ang nangyayari sa kaniya? Sumilip siya sa pintuan, nakita niyang nakakunot ang noo nito at umiling-iling na lumabas ng kaniyang kwarto. Agad niyang tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin. Namumula pa rin ang magkabilang pisngi niya at hindi maka-get over sa nangyari.

Simula ngayon, hindi na siya dapat lalapit sa lalaki. Pagliliban niya muna ang Oplan - Hiwalayan at pakiramdaman ang sarili. Mukhang nababaliw siya. Kailangan na kailangan yata niyang kumonsulta ng Doctor ng mga baliw o kaya kay Doc. Hayes para ikonsulta ang hindi normal na tibok ng puso niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.