Dominant Series 3 & 4: Ignite and Intruder Chapter 9

Nakalarawan ang pag-aalala sa buong mukha ni Herrence nang bumisita siya rito kinabukasan pagkatapos ng klase niya. Para siyang sinaniban ng pitong demonyo sa kaniyang hitsura, malalim ang mata at walang ayos na tulog.

“Amara? Hey, you okay?”

“Yes!” hyper niyang sagot at pabagsak na umupo sa upuan nando’n paharap dito. “I mean— nope.”

“Not feeling well?”

Nawala ang pagiging hyper niya at matamlay na nangu-lambaba sa harap nito. “Doc, nababaliw na yata ako. Check up mo naman ako, please?”

Natawa ito sa kaniyang sinabi at umiling-iling. “You got the wrong Doctor.”

“Pero Doc... ‘yong puso ko!”

“I don’t remember you have a heart failure,” agad na sagot nito, “Go home Amara.”

Napaismid siya. Napakastrikto talaga nito. Lihim siyang umirap at umayos ng upo. Lumunok pa siya ng sobrang daming kapal ng mukha para lang magkaroon nang lakas ng loob na magpa-check up rito pero heto at pinapaalis na siya.

“Akala ko ba Doctor ka? Kailangan ko ang prescription mo.” Napahawak siya sa puso. Ando’n pa rin ang hindi normal na tibok ng puso niya at alam niyang hindi simpleng crush iyon para sa kapatid niya. Nababaliw na nga siya!

Nagseryuso ito at tinatamad na nakinig sa kaniyang hinaing. Naglabas ito ng papel at mamahaling ballpen nito at nagsenyas na magsalita siya.

Huminga siya ng malalim at nagsimula, “Eh kasi... Si ano... Ano kasi... ‘Yong puso ko... Ano kasi... Siya— Ah kasi,” hindi siya nakapagpatuloy sa pagsalita nang biglang magsulat ito sa papel at agad binigay sa kaniya. Agad niyang binasa kung anong nakasulat at kung anong gamot ang pwedeng bilhin.

‘Kulang ka lang sa tulog. Mukha ka ng bruha. Umuwi ka ng bata ka at kumain ng maraming kanin. Gutom lang yan.’

Napahaba siya ng nguso. Napaka-cold talaga nito. Nakakainis! Inismiran niya ito at binelatan. Akala mo gwapo! Mabigat ang puso na umalis siya roon at matamlay na nagpunta ng Mall. Kakain nga talaga siya at gutom nga siya.

Pero susubo pa lang siya ng paborito niyang ice cream, namataan niya si higad na maarteng naglalakad papasok sa isang mamahalin shop ng mga gamit ng pambabae kasama si Azael. Biglang tumalim ang kaniyang mata at mabilis na sinubo lahat ang ice cream kahit nakakangilo sa ngipin ang lamig, wala siyang pakialam. Dapat mapuntahan niya agad ang mga ito! Masyado siyang ini-stress ng malanding higad at nang bwesit niyang kuya.

Napataas ang kaniyang kilay nang makitang nagsusukat ng damit ang babae habang ang kuya niya ay nakatungo sa cellphone nito at halatang bagot na bagot. Napangisi siya.

Mabilis siyang lumapit sa nakahilerang damit at stilettos, naghanap ng pwedeng masukat. Nakita niyang pumasok na ito sa isang fitting room, walang sabing humablot siya ng mga damit at isang pares ng high heels na hindi man lang niya tiningnan kung kakasya ba. Agad siyang pumasok sa katabing fitting room.

Napangiwi siya nang makitang puro sexy revealing dress ang kaniyang mga nakuha at lahat ng mga iyon ay fitted at hulmang-hulma ang malulusog na dibdib niya. But who cares? Ipapakita niya rito na mas maganda kaya siya.

Isang black haltered dress ang sinukat niya na hanggang tuhod ang taas pero ang slit ay makikita na yata ang kaniyang kaluluwa. Napabungisngis siya sa kaniyang hitsura nang makita ang sarili, nagmukha siyang isang ganap na dalaga at bumagay ang suot niyang stilettos. Hinintay niyang bumukas ang katabing fitting room at nung bumukas na iyon ay confident siyang lumabas.

“Honey, you think bagay sa—” hindi natapos ni higad ang sasabihin nang umeksina siya.

“Oh, hey sissy!” kunwari gulat daw siya at masayang makita ito.

Nagulat ito nang makita siya at hindi agad nakapagsalita. Napangisi siya. Nakakatawang isipin dahil pareho sila ng damit na kinuha pero parang sa kaniya sinukat ang damit dahil sa kaniya lang ito bumagay tingnan. Perfect na perfect iyon sa katawan niya. Iba talaga pag sexy at malusog na malusog.

“Amara?”

Kunwari gulat din daw siya sa presinsya ng kaniyang kuya. Ang galing niya talagang umarte, nakakiyak ang mapa-bilang sa pagiging artistahin niya. Sana magtuloy-tuloy itong career niya bilang artista.

Napatingin ito sa kaniya mula ulo hanggang paa. Napa-tanga ito at mabilis na nagbawi ng tingin at kasunod noon ay gumuhit ang galit sa mukha nito.

“Kuya, bagay ba sa`kin?” naglalambing na tanong niya.

Umasim ang mukha nito, “Have you seen a dirty rug before?”

Umarko ang kaniyang kilay, “At anong koneksyon ko roon?”

“That would perfectly described you right now, Amara,” walang gatol na sagot nito.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Azael. Pakiramdam niya, kinapos siya ng hangin. Napahiya siya at dinig niya ang mahinang pagtawa ng malanding girlfriend nito at bulungan ng ilang sales lady na nando’n.

Bago pa man siya tuluyan mapaiyak sa sobrang hiya, mabilis siyang tumalikod at lumayo. Narinig niya pa ang pagtawag ng sales lady pero hindi siya nakinig. Nakakahiya kung babalik pa siya. Bukas na lang niya iyon babayaran, babalik naman siya, dahil naiwan din ang kaniyang bag at cellphone.

Sa sobrang inis niya, napaiyak siya habang papalabas ng mall at nagpara ng taxi. Kung mukha siyang basahan, bakit ang daming napapalingon sa kaniya na para siyang bumabang dyosa galing kalangitan?

Bwesit ka, Azael!

Matapos siyang magkandahirap sa pagwawalang bisa sa gayuma, na hindi naman umipekto, ito pa ang igaganti sa kaniya? Gigil na gigil na pinagsusuntok niya ang upuan.

Bwesit ka talaga kuya! Kainis ka.

“Ma’m, kamag-anak ba kayo ni Manny Pacquiao?”

“Oo!”

“Sabi ko nga po,” agad na tumahimik ang driver at nagpatuloy sa pagmaneho.

Habang siya ay gigil na gigil pa rin. Pinahiya siya ng lalaking iyon! Magtutuos din sila at hindi pa rin siya tapos, paghihiwalayin niya ang mga ito balang-araw. By hook or by crook.

Tulad nga nang sinabi niya, binalikan niya ang shop kinabukasan pero nalaman niyang binayaran na pala ng hindut niyang kapatid at kinuha pa ang gamit niya. Gigil na gigil na tinawagan niya ang lalaki para lang sabihin nito na nasa sariling mansiyon ito ngayon at kunin niya ang sariling gamit kung gusto niya.

Manigas ito! Hindi niya kukunin iyon. Pero nang maa-lalang ando’n pala ang notes niya at ilang assignments na kailangan ipasa sa susunod na araw, wala siyang nagawa kundi ang sugurin ito.

Bukas ang gate nang magpunta siya. Pati ang pintuan hindi naka-lock. Marahan siyang pumasok at kung maari, kukunin niya ang bag na hindi mapapansin ni Azael. Marahan siyang naglakad papasok sa loob. Tahimik ang buong paligid at mukhang walang tao. Napansin niya ang hinahanap sa malaking sofa at mabilis niya itong dinamba at kinuha. Makakaalis na siya!

“So you’re here.”

Nag-ikot siya ng mata nang marinig ang boses ni Azael sa kaniyang likuran. Hindi siya sumagot. Deritso lang siyang tumayo at nagtungo sa pintuan na parang walang narinig.

“I’m talking to you brat.”

Umirap siya sa hangin. And so? Masyado siyang maganda para makipag-usap dito ng walang kakwenta-kwentang bagay. Hindi niya pa nakalimutan ang sinabi nito kahapon at dinibdib niya iyon magpahanggang ngayon.

Malapit na siya sa pintuan nang maramdaman niyang hinila ni Azael ang kaniyang kamay. “I’m sorry, okay?”

Hindi siya sumagot at pinagpag ang kamay nito. Sorry? Matapos siya nitong ipahiya? Matapos itong maging killjoy sa travel niya sa Sagada, sorry? Hindi iyon sapat! Masyado itong pakialamera sa buhay niya.

“Princess, I’m sorry...”

“Ayaw na kitang maging kapatid pa,” sinamaan niya ito ng tingin nang lingunin niya ito.

Pero imbes na sakit at pagkadisgusto ang makita sa mga mata ng kuya niya, iba ang kaniyang nakuha... kasiyahan. Kumislap ang mga mata nito at hindi matatago ang sumu-pil na ngiti. Agad itong tumalikod at walang sabi siyang iniwan mag-isa.

Napaka! Bwesit na bwesit siyang umalis sa bahay na iyon at hinding-hindi talaga siya aapak doon kahit kailan. Dahil hindi na sila magkapatid, wala na siyang pakialam rito kahit pa ilang babae gagayuma rito at dapat wala rin itong pakialam sa kaniya. Kapag oras na mangingialam ito sa kaniya, magdedeklara siya ng World War Z. Simula ngayon, wala siyang kapatid. Nakakainsulto ang pinakita nito sa kaniya, dahil ba ang layo ng agwat nila at may jowa na ito? Walang forever mga ulol!

Pinagliban niya ang kaniyang plano. Ang inatupag niya ay kaniyang pag-aaral at ang sariling pusong naging abnormal na yata. Hindi na ito normal tulad ng dati at lahat ng may kasalanan nito ay ang walang hiyang kapatid niya.

Pagkatapos niyang makapagtapos ng senior high, mawa-wala rin itong ka-abnormalan ng kaniyang puso. Sa abroad siya magpapatuloy ng pag-aaral, iyon nga lang hindi pa niya alam kung ano ang kursong kukunin.

Mag embalsamador na lang siguro siya at magpapatayo ng Kabaong Shop in the future para ‘yong gusto ng mamatay, open na open ang shop niya at ready mag-assist ng mga nanga-ngailangan. At least, may karibal si St. Peter. Masarap sa teynga ang ‘Amara Kabaong Shopʼ.

Padaskol na binagsak ni Amara ang hawak na ballpen. Nawalan siya ng mood makinig at nabubuwesit siya sa lecture nila sa araw na iyon, wala siyang maintindihan. Nagpasya siyang huwag na lang makinig total do’n siya magaling. Kaya ang kaniyang ginawa, nakatunganga siya sa kaniyang notebook. Gusto niya ng umuwi at humilata sa kaniyang malambot na kama.

Ano ba kasi ang matutunan niya sa X and Y na tinuturo ng teacher sa whiteboard? Pakialam niya sa X nito? Hindi siya makaka-relate dahil wala siyang jowa sa buong buhay niya! Tapos magtatanong pa ng Y? Aba, nanghahamon yata ang guro nila, ah. Pinaparamdam nito sa kaniya na hindi siya kaganda-ganda at ka-jowable.

“THEON!”

Napalingon ang lalaki sa kaniya nang tawagin niya ito kasama ang mga tropa. “Bakit binibini?”

“Hatid mo ko,” ungot niya rito nang makalapit ito sa gawi niya. Iniwan nito saglit ang mga kasama. “Please? Saka maganda naman ako kaya hindi ka dehado.”

“Gusto mo ba akong ipapatay ng kuya mo?” natatawang saad nito.

“Sige na kasi, please? Wala akong driver, hello! Saka kailangan ko rin ng kausap. Wala akong matalik na kaibigan alam mo iyan.”

Napakamot ito sa batok at napailing-iling. “Paano ka magkakaroon ng kaibigan niyan kung lahat nang lumalapit sa`yo, inaaway mo.”

Totoo nga naman ang sinabi nito pero inaaway niya lang naman ang mga ito dahil malalandi. Kinaibigan siya dahil gustong mapalapit sa kaniyang kuya na ubod ng gwapo at masisisi ba niya ang sarili? Ayaw niya lang sa mga plastic kasi plastic din siya. May kasabihan siyang ‘A plastic cannot be with plastic because they are both plastic.’ hehe.

Ang luwang ng ngiti ni Amara habang sakay sa loob ng mamahalin kotse ni Theon. Dami pa satsat, ihahatid din naman pala siya eh.

“Ayuko munang umuwi!” Bigla niyang pinigilan ang kamay nito nang kabigin nito ang manibela papunta sa deriksyon ng mansyon ng Legrand. “Bili muna tayo ng paborito kong ice cream sa mall, please?”

“Para sa`yo binibini masusunod.” kumindat ito sa kaniya at sinunod ang kaniyang gusto.

Buti pa itong si Theon, may kabaitang taglay sa katawan. Sana kunin na ito ni Lord sa sobrang bait. Pero naisahan niya si Theon, hinila niya itong manood sila ng sine dahil kakalabas ng paborito niyang Disney Movies. Nakasimangot lang ito buong oras hanggang sa matapos ang palabas. Hindi kasi ito mahilig sa pambatang palabas, eh, iyon ang gusto niya.

“Ang ganda ng pinanood natin!” deklara niya. Ang lapad ng kaniyang ngiti nang papalabas na sila.

“Oo, tingin ko kamukha mo ‘yong unggoy.”

Sinimangutan niya ito at pinaghahampas sa braso. Tumatawa-tawa lang itong umiilag sa kaniya hanggang sa maka-baba sila ng escalator. Naputol lang ang kanilang bangayan at ingay nang dumako ang mata niya sa ibaba at eksaktong nagtama ang mata nila ni Azael. Sinusundan ba siya ng kumag na ito? Himala, wala yata ang alalay nitong uugod-ugod at sunod nang sunod.

Inirapan niya ito at mabilis na kumapit sa braso ni Theon na walang kamalay-malay. Hinilig niya ang kaniyang ulo sa matitigas nitong braso at napangisi.

Ano ka ngayon kuya? Mainggit ka bwesit.

“Theon magpanggap kang boyfriend ko, dali!” bulong niya sa binata, “Dapat ‘yon super sweet boyfriend.”

Natatawang napailing-iling ito pero sinunod naman ang kaniyang gusto. Umakbay ito sa kaniya habang mabilis naman niyang niyapos ang kaniyang kamay sa beywang nito at hinilig ang ulo sa dibdib.

“Ang lakas talaga ng trip mo, Amara. Kapag makita tayo ng girlfriend ko nito——”

“Wala kang girlfriend,” putol niya.

“Oh well...” Natatawang napakamot ito sa ulo.

Mula sa kaniyang peripheral vision, nakita ang pagtagis ng bagang ni Azael at pagkuyom ng mga kamao. Gusto niyang matawa sa reaksyon nito. Mas hinigpitan niya ang pagkapit sa beywang ni Theon at pumasok sila sa isang restaurant na nandoon sa ground floor. Gutom na rin siya.

Para siyang patay-gutom na inorder lahat ng masasarap sa tingin niya. Kating-kati nga siyang sabihin na gusto niyang iorder ang sarili dahil alam niyang masarap siya.

Nakaubos siya ng tatlong pinggan at napatanga na lang ang lalaki sa kaniya. “Gutom ka pa? Pwede ka pang mag-order tutal tingin ko, hindi ka na pinakain sa inyo babae ka.”

Mabilis siyang umayaw. “Diet ako.”

Napabunghalit ng tawa si Theon sa kaniyang sinabi. Halos masamid ito sa iniinom na wine.

Matapos silang kumain, hinatid na siya nito at sinabihan siyang iyon na ang una at huli dahil mamumulubi raw ito sa kaniya kapag nagkataon. Inis na inirapan niya lang ito. Mamulubi saan? Sa yaman ng Willoughby, mamumulubi? Halos kaya nitong bumili ng buong planeta tapos taniman ng mga palay at gawing park.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.