Dominant Series 4: Tempter (Zyd Caiden McCluskey) Chapter 12

Sa sinabi niyang iyon, narinig niya ang sunod-sunod na pag-alisan ng mga ito sa loob ng room at nagbanta pang isusumbong siya sa kaniyang asawa. E ‘di magsumbong ang mga ito, pakialam ba niya. Tuluyan niyang pinikit ang mga mata at hindi namalayang natulog.

Nagising siya nung tapikin siya ni Zyd at magsisimula na ang laro sa loob ng isang oras. Ito mismo ang naghatid sa kaniya sa VIP seats at doon siya pinaupo. Mabuti na lang at hindi niya kasama ang mga babaeng kaaway niya kanina.

“Watch how your husband play the role of the beast.” kinindatan siya nito.

Napahawak siya sa puso. Hayop naman talagang lalaki to, eh. Maliban sa ang gwapong-gwapo nito sa suot na dilaw at itim na jersey na may guhit na penguin sa gitna, nakakalaglag panty pa ang ngiti nito. Nilalandi na naman ang kawawa niyang puso!

“G-goodluck, loser.” Out of nowhere, bigla niyang nasambit ang katagang iyon sa sobrang kagwapuhan nito.

Naglinya ang tingin ni Zyd at marahang pinitik ang kaniyang noo. “I’m not a loser, you silly. If my team win, what will you bet?” mahinang tanong nito. Nananadya pa yata dahil halos dumampi na ang labi nito sa kaniyang labi. Tinutukso na naman nito ang kaniyang marupok na puso.

“Ah... Eh... Paghahandaan kita ng breakfast and lunch?” kangiwing saad niya nung bumalik sa hwesyo ang kaniyang pag-iisip.

“Deal.” ngumiti ito ng nakakaloko at hinawi ang munting bangs na humaharang sa kaniyang mata. Saka siya nito kinintalan ng halik sa labi at mabilis na tumalikod papunta sa mga kasamahan nito pabalik sa locker.

Shutaaa! Ano ‘yon? Ano ‘yon?! Hinalikan siya ni Zyd? Hindi siya nanaginip. Hinalikan nga siya ng bwesit na lalaking iyon! Tatayo sana siya at magdadabog kung bakit siya nito hinalikan nang makitang sa kaniya lahat ang atensyon ng mga taong nando’n sa mga upuan. Lahat napatanga at hindi makahuma. May iba pang nag-picture sa kaniya.

Napatingin siya sa kaniyang likuran, do’n lang nag-sink in sa utak niya na ando’n pala sa kaniyang likuran ang ex ni Zyd at sa titig na binigay sa kaniya ni Kate, mukhang gigil na gigil siya nitong patayin ngayon. Imbes na matakot, inirapan lang niya ang babae at mabait na ngumiti sa mga taong nakatangin sa kaniya.

Ilang sandali lang ay nagsimula na ang dalawang oras na laro. Pittsburgh Penguin at Jersey Devils ang magkakalaban ayon na rin sa malaking screen monitor sa itaas ng ice rink. Mas lalo siyang na excite sa isiping si Zyd at Henrik ang magkakalaban ngayon araw.

“Go, Henr-Zyd!” malakas na hiyaw niya kasabay ng mga tao sa loob ng arena nung lumabas na ang mga team nito papunta sa loob ng ice rink.

Kinikilig siya sa kaway na binigay sa kaniya ni Zyd. Hindi niya tuloy mapigilan humagikhik sa excitement na magsisimula na ang laro. Nakita rin niya ang team na kinabibilangan ni Henrik, nakasuot ang lalaki ng pulang jersey at may 13 number sign sa likod habang kay Zyd ay 87.

“Marry me, Captain McCluskey!”

Napasimangot siya sa dalawang babae na ando’n naka-pwesto malapit sa ice glass at malanding nagsisigaw. Kumakaway pa ito sa lalaki at nagtataas ng banner.

He’s mine, leeches! Maarteng bulong niya.

“I will take back what you stole from me, cunt. All you need to do, seat back and enjoy the show, Lianne. For now, you are his... what, wife?” sandali itong tumawa ng mahina.

“Yes, I am his WIFE. And you, what are you again? Oh, his... what, EX? Opps!” Hindi siya nag-abalang lumingon habang sinabi ang salitang iyon. Ang magaganda, hindi lumilingon sa basura.

“Let’s see...” pagbabanta nito.

Marahan lang niyang tinawanan iyon. Kung sakali man darating ang araw na matapos na ang contract nila ng lalaki, sinisigurado niyang hindi sila magkukrus ng landas ng bruhang babae na ‘to. Baka kasi sa susunod, mamudmod niya na ito.

Nagsimula na ang match. Masasabi ni Lianne na sobrang intense ng laro, sa habulan at pag-aagawan pa lang ng 3 inches black rubber puck ay parang gusto niya ng magwala sa tuwing naagaw ng kalaban sa team ni Zyd. Pero nagwawala rin siya pag naagaw ng Pittsburgh ang puck sa Jersey Devils. Ganiyan siya kalito manood ng live hockey ngayon.

“Go, Captain McCluskey!” malakas na hiyaw niya.

Kinakabahan siya. Centerman ang lalaki at ito lagi ang sumasalo sa mga puck na nagpupumilit pumuslit sa home base. Ang galing pa nito makipag-skating sa loob ng ice rink.

“Shutaaaa!” Nagulat siya. Nabawi ni Henrik ang rubber puck!

Sa ingay ng dalawang announcers, nabibingi na siya at pinagpapawisan kahit sobrang lakas ng aircon sa loob ng arena. Nag-aagawan na ang dalawang magagaling sa hockey sa magkaibang team. Hindi niya alam kung sino ang i-cheer sa mga sandaling iyon.

Lord, nakakalito naman po. Sino ba i-cheer ko? Pwede both?

Hindi na alam ni Lianne kung sino ba ang isisigaw na pangalan. Kay King Henrik o Captain Zyd? Sino ba talaga sa dalawa ang isisigaw niya. Okay, both na lang.

“Go Zyd! Go Henrik! Win-win!”

Sana manalo silang dalawa, Lord. Sana manalo silang dalawa! Sana...

“Yes! 1 goal for Capt. Zyddd!”

Siya na yata ang pinakamalakas sumigaw sa loob ng arena. Mas lalo pa siyang kinilig mga level 100 nung lumingon sa kaniya si Zyd at nagbigay ng kiss. Mabilis niya itong sinalo! Baka dumaplis at tumama kay Kate. Mainggit ka, malanding pepe. Nakangising bulong niya sa sarili.

Sayang, ngayon niya tuloy na-realize na dapat nagdala siya ng camera. Sa susunod, magdadala na siya ng camera, huwag na cellphone at baka mabato niya lang sa mga ka-toxican ng mga tao sa paligid na walang ibang gumawa kundi ang magpakalat ng fake news at tsismis.

Sa unang panonood ni Lianne ng live game, hindi na halos siya kumurap ng mata nung magsimula ulit ang mga ito sa paglalaro. Napapasigaw at napapamura na lang siya ng malutong sa tuwing naaagaw ng stick ng mga ito ang puck pag malapit na itong mag-home sa team ni Henrik. Ang liliksi ng mga ka-team ni Zyd at nakukuha nitong dipensahan ang base. Ang sarap din puntahan ng mga ito sa rink eh, tapos pagalitan. Na ‘wag masyadong galingan para maka-goal ang kabilang team!

“Pakshet!” Napatayo siya sa kaniyang kinauupuan. Masyado siyang kinakabahan. Mahihimatay na yata siya ngayon.

Ayan na, konting tiis na lang. Konting tiis na lang at— Goal! Ang lakas niyang napasigaw sa tuwa dahil naka-home based din sa wakas ang Jersey Devils. Nang maalala niyang asawa nga pala siya ni Zyd at nagtatakang nakatingin sa kaniyang ang ilan sa mga taong nanonood ng game. Agad siyang nag-peace sign sa mga ‘to at bumalik ng upo. Promise na talaga, mag-behave na siya.

“Such a shame. I wonder how will you cry after I’ll take back what’s mine.”

Such a shame nyeh-nyeh. Umirap lang siya sa hangin at hindi na inintindi si Kate.

Muli siyang nag-focus sa panonood sa gitna. Kung kanina ay mabilis lang ang bawat goal ng magkalabang team, ngayon naman ay masyadong ginalingan ng bawat team. Puro sigawan at hiyawan sa loob ng arena isali pa ang englisherong announcer na salita nang salita na mas lalong nagpa-intense.

Walang gustong magpaagaw ng puck, lahat hinahabol ito. Buong team may cooperation para manalo pero napasigaw na lang siya nung sadyain banggain si Zyd ng kalabang team kaya dahilan na nag-dive ito sa ice at bumangga ito sa glass. Oh no shit! Masakit iyon, buti na lang may helmet na suot kundi, mababagok ang ulo nito at baka makalimutan nito na mag-asawa sila. Sayang naman ang kalahating milyon pagnagkataon.

Nagulat siya nang biglang binaba ng lalaki ang gloves. Signal na makikipag-away ito. Ang hockey game ay allowed ang fighting. Ang weird pero may kapalit sa rules na ito... Penalty. Gusto niyang tuktukan si Zyd, akala ba niya panonoorin niya kung gaano ito kahayop sa laro? Mukhang boxing yata ang panonoorin niya.

Nagbaba rin ng gloves ang taga-Jersey Devils na may number 1 sa likod at nauna pang sumugod. Nagsihiyawan ang lahat ng tao including siya na hindi mapakali sa kinauupuan habang ang dalawang referee at linesmen ay hinayaan lang ang dalawang nagsuntukan. Nakatayo lang ito sa malapitan at nag-oobserba.

Napasapo siya sa noo nung sumali si Henrik para umawat pero isang malakas na suntok ang binigay ni Zyd dito. Oh no! Lahat nagsisigawan, may iba naman nag-cheering squad at ang ending, ang dalawa ang nagsuntukan at nagpambuno. Tumigil lang ang awayan nang walang alinlangan pinahalik ni Zyd si Henrik sa ice at inikot ang kamay nito sa likod.

Zyd Caiden! Hayop ka, babalian mo pa yata si Henrik! Masyado siyang gwapo para bugbugin mo, maawa ka! natigil siya sa pagbubulong na parang buyog nung sumali na ang mga referee at pinatigil si Zyd.

Nakahinga siya ng maluwang nung humiwalay ang lalaki at sinuot ang gloves sa kamay. Kaso, ang ending napatawan ito at si Henrik ng suspension for 5 minutes sa penalty box. Hindi ito nakapaglaro.

NAKASIMANGOT siya nung sakay siya sa kotse ni Zyd pauwi ng bahay. Nanalo ang team nito sa last minute. 7-8 ang score kaya simula bukas, siya na ang maghahanda ng breakfast and lunch ng lalaki. Hindi niya akalain na matapos malagay sa penalty box si Zyd at Henrik, parang ito na ang naglalaro sa loob ng ice rink. Habang ang mga kasamahan ng mga ‘to, tamang dipensa at assist lang sa dalawang lalaking nag-aagawan ng puck at kaniya-kaniyang home based.

Hindi lang iyon, napuno siya ng maraming tanong kanina nung matapos ang laro at lapitan siya ng asawa. Ang daming kumuha ng pictures at may iba pang sumubok na interview-hin siya pero ang lalaki ang sumabat. Hindi nga siya pinadapuan ng kamay o palapitan ng kahit sino. May iba pang nangahas na nagtanong kung siya ba ang Coffee Girl, kating-kati siyang sumagot na siya nga at walang kaparehas. The only! Pero dahil may usapan sila ni Zyd, nanatili siyang tahimik habang si Zyd ang sumagot lahat ng mga tanong.

Ang kinainis lang niya, hinalikan siya nito sa labi ng ilang segundo sa harap ng tao! Ilang segundo at pagkatapos ng halik nito, nalaglag nang tuluyan ang kaniyang puso. Hay kawawa naman siya, pero no! Sagad na sagad na ang kaniyang pasensya. Hindi pa nga umabot ng isang buwan ang contractual marriage nilang dalawa, nilalandi na siya nito. Kung pwes, nasa rules packing tape nito na bawal niya itong akitin, gagawa na siya ng move. Kung aakitin nito ang kaniyang puso, aakitin din niya ito. Matira ang matibay.

Mabilis lang naman mag-move on tulad nung una niyang ginawa. Konting iyak lang, konting drama, konting mukmok sa tabi pagkatapos ay okay na. Pwede na ulit siyang lumandi sa iba. Tulad nung ginawa sa kaniya ni Zig. Sa tingin niya, gano’n lang kabilis mag-move on. Walang problema.

“Hey...”

Napalingon siya sa lalaking nagmamaneho. Hindi pa rin nawala ang pagkakasimangot niya. Naalala niya ang muntik nitong pagsira sa kagwapuhan ni Henrik.

“Bakit mo sinuntok si Henrik?”

Sandaling humina ang pagpapatakbo nito pero bumalik ulit sa normal na takbo. “That’s normal.”

“Anong normal ka d’yan! Eh, ‘yong isa ang kaaway mo, eh. Paanong si King Henrik ang pinagbuntunan mo ng suntok? Galit ka sa kaniya? Hate-hate lang, gano’n ka— ouch!” maarteng napahawak siya sa noo. Muntikan siyang napasubsob sa dashboard nung pinahinto ang sasakyan sa gitna ng kalsada.

“Will you shut the fuck up, Elhouette? You and your fucking— mouth. You don’t know what’s the barrier between me and Gustavvson, so stop the fuck up, will you?”

Bigla siyang natahimik. Galit ba ito? Masyado yata siyang dakdak nang dakdak at na-triggered niya ang lalaki. Para siyang asong tumahimik sa tabi at hindi na muling nagsalita pa. Ito yata ‘yong unang pagkakataon na nakita niyang galit si Zyd at nakakatakot pala itong magalit. Mukhang nangangain ng taong buhay.

“S-sorry,” sincere na lumabas iyon sa kaniyang bibig at nag-pout lips and cute eyes. Sana tumalab.

“Get ready tonight.” Walang ka-emosyong sagot nito at sinimulan paandarin ang sasakyan. Hindi pinansin ang kaniyang kakyutan.

Napakagat siya ng labi at lihim na umismid. “Bakit?” anong meron mamaya at kailangan niyang maghanda?

“We had a deal. Now, stop asking questions and shut your mouth.”

“O—”

Tumalim ang tingin nito sa kaniya kaya mabilis niyang tinakpan ang bibig at deritsang tumingin sa labas ng bintana. Mag-o-okay lang naman siya eh, masyado itong highblood. Natakot tuloy siya ng beri-beri slayt.

Okay-okay! Magluluto siya mamaya. Akala ba niya, breakfast and lunch? Ah, baka gusto nitong kumain ng lunch sa gabi.

Nalilito siya nang gabing iyon kung ano ang lutuin. Hindi rin nagsabi ang lalaki kung ano gusto nitong dinner kaya siya na ang nagpasya para sa lulutuin.

“Lula, you think he’ll like Baked Chicken with Ginger-Scallion Sauce and Calamansi Fish Fillets?” baling niya sa golden retriever na nababagot na naghihintay sa kaniya.

Tumahol naman ito at napatango siya. Dapat daw with love ang paghahanda niya para masarapan si Zyd sa kaniyang lulutuin. Galing din ni Lula mag-advice, nakakapanghina ng loob. Alam niyang hindi siya kasarapan magluto, minsan nga maalat pa parang dagat pero marunong siyang sumunod ng recipe. Well, bahala na!

Mabilis siyang naghalungkat sa two door refrigerator. Napangiti siya. Tamang-tama, makakapaghanda siya ng scrambled eggs and pasta. Wala siyang makitang ingredients sa lulutuin niyang specialty na Baked Chicken with Ginger-Scallion Sauce at Calamansi Fish Fillets, kaya ‘wag mag-inarte si Zyd kung ito lang ang kayang gawin niya for tonight. Pakanta-kanta pa siya habang nagsa-scramble at pinakuluan ang pasta.

“Mama, just killed a man, Put a gun against his head, Pulled my trigger, now he’s dead. Mama, life had just begun, But now I've gone and thrown it all away.” Na-appreciate ni Lianne ang kaniyang boses ngayon. Parang maganda pakinggan habang nagsitakbuhan ang mga aso papalabas at nagtahulan. Iba talaga ang dating ng kanta ni Queen sa kaniya. Kumuha siya ng kawali at ginawang microphone. “Mamaaaaaa, ooh-ooh-oh—”

“Masakit ipin mo?”

“Ay tangina masakit talaga.” Bigla siyang napabalik sa ginagawang scrambled egg na parang walang nangyaring kaba-balaghan ng kaniyang boses.

Narinig kaya nitong kumanta siya? Tumikhim siya at inaayos ang sarili na ‘wag kumibo rito. Dapat seryuso lang siya. Kunwari busy siya at hindi nagpapaapekto ang kaniyang ganda sa mga taong tulad nito.

“You done?” untag nito.

“Nope.”

“Okay,” kampanteng sagot nito at umalis.

Napahinga siya ng maluwang. Muntikan na siyang mari-nig. Napakamot siya sa noo at nagseryuso na lang sa pagluluto para matapos na at makapagpahinga na siya pero masyado siyang nilandi ng kawali. Hindi niya mapigilan! Nilalandi talaga siya ng kawali at—

“I see a little silhouetto of a man, Scrambled eggs, Scrambled eggs, will you do the Facebookin’ Thunderbolt and lightning very, very frightening me.

Galileo! Galileo! Galileo Piccachu. Magnifi—”

“Elhouette, are you possessed?!”

“Ayy belat ng kalabaw!” Biglang nabasag ang mangkok. Sa sobrang pagkagulat niya, nasagi niya iyon at bumagsak sa sahig. Napapikit na lang siya at kinutungan ang sarili. Naku naman! Nasayang ang kaniyang itlog. “Ba’t ka ba nanggugulat?!”

“Glad you were not possess by something.” napahinga ito ng maluwang pero agad din naglinya ang kilay nito nang maalalang nakabasag siya. “I’ll clean that mess, Elhouette.”

“Ha? Ako na— aray!”

“Fuck!” Mabilis itong lumapit sa kaniya at dinaluhan siya agad. Sinipat nito ang kaniyang kamay at tiningnan kung may sugat.

“Anong tinitingnan mo? Kuko ko?” inosente niyang tanong. White kasi ang nail polished niya. Baka nainggit ito at may balak magpakulay rin. Mura lang naman, siya lang naglinis at naglagay.

Tumalim ang mata ni Zyd na tumingin sa kaniya. “I don’t see any blood here. I’ll bring you to the nearest Hospital,” agad nitong deklara.

Napatampal siya sa noo at mabilis na binawi ang kamay. “Nauntog ang ulo ko nung yumuko kaya ako umaray!” maarte niya itong inirapan, “Hindi ako nasugatan, okay? Ano ‘to, same lang sa wattpad story na kunwari nasusugatan? Cliché mo naman. Wala tayo sa libro.”

Of course, hindi siya tanga para damputin ang nabasag na bowl na masusugatan lang siya. Masakit ang masaktan. Parang pagmamahal lang ‘yan, eh. Teka, paano pumasok ang pagmamahal sa mangkok? Mabilis niyang winaksi ang lumilipad na naman niyang isip.

***

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.