Bitbit ni Lianne sa umagang iyon ang laptop at nilagay sa breakfast bar habang kausap ang pamilya sa Pinas thru Skype. Medyo nakahinga siya ng maluwang nang malaman nakalabas na ang kaniyang Ina at sinimulan na rin itayo ulit ang bahay nilang minsan nagdrama para lang talaga kumapit siya kay Zyd.
“Kumusta finals niyo?” tanong niya sa kapatid niyang future architect. Tumawa naman ito ng malandi sa kabila at nagmamayabang na pinakita sa kaniya ang matataas na marka.
“Hoy, ikaw malandi. Kumusta ‘yan malunggay mo? Buo pa o wasak na?” pagtatanong niya sa isa niya pang kapatid.
“Ate ang bibig mo!” agad naman napasimangot ito sa kabilang linya. Napahalakhak naman siya sa naging reaksyon ng kaniyang kapatid. “Eh, ikaw? Kumusta na ang pagiging topakin mo, ate? Maliban sa paiba-iba ka ng mood, lakas pa ng tuyo mo sa utak.”
Napataas ang kaniyang kilay sa lampastangan sinabi nito lalo na’t sabay pa itong nagsitawanan sa kabila.
“Elhouette, what do you want for breakfast?” Mula sa kusina ay pumasok si Zyd na namamasa pa ang buhok at nakakaakit ang bango. Muntik pa siyang hanginin papalabas kung hindi lang siya nakahawak sa gilid ng stool na kinauupuan.
“Oh my! Sino ‘yan, ate? Ang ganda ng boses!” nagsitilian naman ang mga malanding kapatid niya pero siya, nahipotismo sa kagwapuhan ng lalaki.
Nakatanga lang siya kay Zyd. Akala ba niya ay umalis ito at may practice kasama ang mga team?
“Wife?”
Para siyang kiniliti ng sampong demonyo sa paraan ng pagtawag nito. Pabebeng ngumiti siya at sumagot. “Bakit?” Enebe!
Mabilis itong lumapit sa kaniya at ilang distansya lang ang pagitan ng kanilang mukha sa sobrang lapit. Nalalanghap na naman niya ang natural na amoy nito at pakiramdam niya, mas masarap ito sa kahit anong breakfast. Sandaling tumigil ang ikot ng kaniyang mundo at hindi niya napansin na nakabukas pa rin pala ang Skype niya.
“What do you want for breakfast, hmm?”
Napahawak siya sa puso sa bedroom voice nito. Pang-erotic talaga! Ang puso niya, ang puso niya! Parang mahuhulog.
“Wife, answer me...” Hinawakan nito ang kaniyang baba at marahan pinisil iyon. “Tell me.”
Napakagat naman agad siya ng labi at pabebeng inayos ang hibla ng kaniyang bangs na tumatakip sa kaniyang mata. “S-sausage and two eggs.”
“You mean my sausage and eggs?” nang-aakit na tanong nito at kinindatan siya. Sa sobrang lapit ng kanilang mukha, pwede niya na itong sunggaban ng halik.
Shutaaa! Nakita niya puso niya nalaglag buti mabilis niyang nahawakan at naibalik sa rib cage. Hayop, kaya nga may kulungan para hindi lumandi. Tinraydor na naman siya ng kaniyang hayop na puso.
“Yeah— I mean, hindi!”
Malakas na tawanan at tilian naman ng kaniyang kapatid ang tuluyang nagpagising sa diwa ni Lianne. Doon lang siya bumalik sa hwesyo at mabilis na tinulak ang lalaki. Bwesit!
“OMG! Ang gwapo ng asawa ni ate, Ma!”
“Ma, si ate nagpawarak na sa dayuhan! Tuluyan ng sinuko ang perlas ng timog kanluran at silangan.”
“Hi there, I’m your sister’s husband. I’m Zyd.” masayang nagpakilala ito sa mga kapatid niya.
“Hala! How did my sister managed to gayumatized you? Is she dancing like a witch again with her long sandok and make latin words to make you marry her?”
“Or did ate Lianne, tali you in bed and asked you to marry her? Tell us, please!”
Napakagat siya ng labi sa mga sinabi ng mga malalanding kapatid niya. Parang gusto niyang manakal mula sa loob ng Skype. Shit kasi! Bakit ba lagi siyang tinutukso ng hayop na lalaking ito?
“All of the above, ladies.” ganting sagot ni Zyd at malandi siyang tinitigan.
Ang lakas ng hagikhikan ng dalawa niyang kapatid sa kabilang linya at kaniya-kaniyang tawag sa kanilang magulang para makita ang lalaki.
“Alis!” Hinila niya ang lalaki at mapwersang tinulak ito sa pintuan.
“I’m talking with your sister, hey!” reklamo nito habang tumatawa pero hindi naman tumutol. Nagpahila lang ito sa kaniya.
“No! Hindi nila alam may asawa akong kano rito sa Pensylvannia. Baliw!” nandidilat ang kaniyang mata at kulang na lang ay kainin ng buhay ang lalaki.
Tumawa naman ito at saka tuluyan nagpaalam sa kaniya. Bago iyon, binanggit pa nito kung gusto pa rin ba niya kumain ng sausage and eggs nito. Pinagtarayan na lang niya ang lalaki. Patay siya nito sa magulang niya sa Pinas kaya nagpasya siyang patayin ang tawag saka deritsong tinungo ang kwarto sa itaas.
Nagpunta siya sa kaniyang paboritong lugar nang araw na iyon, sa may swing. Naglalakad pa lang siya papuntang swing nang namataan niyang may lalaking nakaupo ro’n at nag-aayos ng shoelace. Nagliwanag ang kaniyang mata sa nakitang si Henrik ito at halatang galing sa pag-jogging. Nagdalawang isip siya kung babatiin ba ito o hindi, mas pinili niya ‘yong pangalawa. Tahimik lang siyang humakbang papalapit dito at walang salitang umupo sa katabing swing.
“Min Dam?”
Nagtaas siya ng tingin at mabait na ngumiti sa lalaki. “Hello,” kiming sagot niya.
Nagliwanag ang mukha nito at sinalubong siya ng yakap na hindi niya inasahan sa lalaki. Naging tuod siya at hindi makahuma sa ginawa nito pero mabilis itong humingi ng sorry sa ginawa. Bumalik ito sa swing at umupo habang nakangiti pa rin.
Doon niya napagtantong napakagwapo nga talaga ni Henrik at mata pa lang nitong golden yellow, kikiligin na ang mga babae na titingin sa lalaki. Pero bakit hindi siya kinikilig? Ah, siguro dahil hindi siya normal na babae. Alien yata siya dahil kay Zyd siya laging napapatulala, eh hindi naman ito gwapo.
Hindi nga ba? Maarteng bulong ng kabilang bahagi ng utak niya.
“How are you? I mean, I’m really happy to see you.”
Napangiti siya at mabait na sinagot ang tanong nito. May utang siya kay Henrik. “I’m doing okay and...” sandali siyang tumigil at napatingin sa unahan. “About the note you left—” hindi niya naituloy ang sasabihin. Bigla siyang nahiya kung bakit ini-open up niya pa iyon sa lalaki. Baka nakalimutan na nito dahil ilang linggo na rin ang nakaraan.
“Is it yes? Really? Wow!” masayang saad nito at lumitaw na naman ang maganda nitong mga ngiti.
Napangiwi naman siya. Expected niya na sasabihin nitong kalimutan na ang bagay na iyon dahil hindi naman ito seryuso pero iba ang nakuha niyang kasagutan.
“But, you think McCluskey will allow you to hang out with me this coming Sunday?”
Napaubo siya sa sinabi nito at dali-dali naman itong inabot sa kaniya ang tumbler nitong may lamang tubig. Mabilis niyang nilagok ang laman at napahinga ng maluwang.
So, alam pala talaga ni Henrik?!
So what, kung alam niya?
Napailing siya dahil nag-aaway na naman ang kaniyang konsensya at pagiging demonyo. “Henrik...”
“He can hang out with us, if McCluskey want too.” Ngumiti ito at napa-kamot sa ulo.
Natawa siya sa isiping sasama si Zyd sa kanila, tapos magkaaway ang dalawa? Malaking impossible! Sobrang impossible. Gusto niyang humagalpak ng tawa nung in-imagine niyang parang mga baklang nagbeso-beso ang dalawa sa bar nang magkita at sabay nagpakabugan ng ganda sa dance floor sabay twerk me baby. Then sa ending, nagsampalan ang mga ito dahil nag-agawan sa isang fafang lalaki. Ay shutaaa, kabog na kabog!
Hindi na nagtagal ang binata, nagpaalam na ito sa kaniya dahil may practice pa raw itong dadaluhan. Kumaway lang siya sa lalaki at mabait na binaunan ito ng masayang ngiti. Na excite tuloy siya sa paparating na linggo na kasama itong lalabas at si Zyd.
Nakasuot si Lianne ng malaking cap at may bitbit na popcorn nang magsimula siyang manood ng live game ng National Hockey League at ang naglalaro ay ang Eastern Conference: Atlantic Division A at Metropolitan Division B. Okay lang na mag-ingay siya, wala naman ang kaniyang asawa ‘raw’. After all, 7 nang gabi kaya malaya siyang manood habang nasa paanan niya ang dalawang aso at ginawang watcher sakaling dumating si Zyd.
Sa kapapanood niya ng hockey dati, naintindihan niya na ang nakakalitong larong ito. Dati, ‘di niya maintindihan kung bakit hinahabol ng mga bwesit ang maliit na puck at pinag-aagawan. Kung pwede naman siya ang pag-agawan. Napahagikhik siya sa naisip.
“Go, King Henrik!” malakas na sigaw niya sabay ihip niya sa kaniyang torotot na dala saka lumamon ng popcorn.
Umiiling naman si Lula at Tacu sa kaniyang kaingayan at humiga sa carpet na nando’n. Hinihintay siyang matapos sa kaniyang pag-fan girling.
Sobrang laki ng flat screen TV sa kaniyang harapan kaya naman kitang-kita niya ang mga manlalaro na nag-aagawan ng puck. Sa Jersey Devils na belong na team si Henrik at ang kalaban ng team nito ay ang Philadelphia.
Sa nakaka-intense na laro ng mga ito, napapahiyaw pa siya at napapabato ng popcorn sa tuwing naagaw ang puck sa team ng lalaki. Ayaw niyang matalo ang mga ito! Nagugulat naman ang dalawang aso sa tuwing sumisigaw siya at nagdadabog kaya imbes na matulog ang mga ito, binabantayan na lang siya.
Pero bakit kay Zyd, gustong gusto mong matalo? Maarteng tanong ng kaniyang utak. Ngumisi lang siya at lamon ulit. Hindi sila close, eh. ‘Yon ang tamang sagot sa makulit niyang utak.
“Ayan, habulin mo siya Henrik! Habulin mo siya, paluin mo sa pwet. Tusukin mo!” humalakhak siya sa nararamdaman kasiyahan na konti na lang mananalo ang team nito.
Hindi naman nakapagpigil ang dalawang aso. Mabilis itong tumayo at iniwan siyang mag-isa. Napaismid siya pero sandali lang iyon dahil masyadong naka-focus ang kaniyang atensyon sa harap.
“You know him? That Henrik Gustavsson?”
“Yeah!” mabilis na sagot niya. Hindi siya nag-abalang lumingon kung sino ang nagsalita, baka si Tacu lang na bumalik. Busy siya sa pag-cheer. Kulang na mang magdala siya ng pompom at sumayaw.
“You like him?” tanong ulit ni Tacu.
“Yeah!” deritsong sagot niya. Ayan na, ayan na! Nakuha na nito ang puck at hinahataw na ng stick nito sa loob ng arena.
Minsan ang ingay rin ni Tacu, eh. Ang daming tanong sa buhay. May pa, ‘you like him’ pa nalalaman, eh masaya siya sa kaniyang pinapanood. Bakit hindi si Lula ang kausapin nito, tutal pareho itong mga aso?
“Yes! Win. Win. Win!” malakas na sigaw niya kahit hindi pa naka-goal. Excited lang siya, pinraktis lang niya ang kaniyang vocal cords at baka mawalan ng boses. Ayan na, ayan na talaga! Malapit na lang, konti na lang... Konti na—
“Too much used of electricity.”
Biglang namatay ang TV at naging itim lahat. Wait, no! Natapon niya ang kinakain nung bigla siyang tumayo. Hindi pa siya tapos sa pinapanood. Napasigaw siya. “Bakit may brown out sa Pittsburgh Pensylvannia?!”
“Shut the fuck up, Elhouette.”
Awtomatikong natigilan siya at natahimik nang marinig niya ang kaniyang pangalan. Iisa lang ang tumatawag sa kaniya ng gano’n, si Zyd. Nasapo niya ang kaniyang bibig nang maalalang baka narinig nito ang pinag-cheer niya. Ando’n sa contract na support niya ang lalaki, hindi ang ibang lalaki. Napangiwing dahan-dahan siyang lumingon at nakita niyang nakatayo si Zyd sa likuran ng kaniyang inupuan couch.
Matalim itong nakatingin sa kaniya at nakapamulsa. May nasabi ba siyang mali? Sandali siyang nag-isip, wala siyang maalala maliban sa masaya lang siyang nanonood ng laro ng Jersey Devils at Philadelphia.
“Cheering someone, hmm? Nice.”
Galit ba ito? Para siyang asong bahag ang buntot na ngumuti ng sobrang tamis. Nung makitang walang reaksyon dito, agad niyang tinakbo ang napakalayong hagdanan. Ngayon lang niya na realize, bakit ang layo ng hagdanan sa bahay nito. Takbo!
“And where you think you’re going?” Isang kamay nito ang pumigil sa kaniyang ulo.
Napabuntunghinga siya at napakagat-labi nang magtaas ng tingin. Sa liit ba naman niyang babae, kailangan pa niyang tumingala ng bongalicious para makita ang brown nitong mata.
“You will come with me tomorrow.”
“Ha?”
Tumaas ang sulok ng labi nito at pinitik ang kaniyang noo. “Starting tomorrow, the only team you’ll be rooting for is the Pittsburgh Penguin,” mariing sabi nito at tiningnan siya ng masama, “Understood?”
Kakainin yata siya sa paraan ng pagtitig nito pero ay bet niya ‘yong kakainin part. Napahagikhik siya ng malandi. Pero agad siyang tumino nang pumasok sa kukute niya ang ibig nitong sabihin. Napatanga siya at hindi alam ang sasabihin. Isasama raw siya nito?! Nanaginip ba siya?
“You’re joking, right?”
Tinuktukan nito ang kaniyang noo ulit. “Clean your mess.” Turo nito sa kaniyang pinagkainan na kung saan nagkakalat bago tumalikod at nawala sa kaniyang harapan. Wait, Zyd! Marami pa siyang gustong itanong dito. Totoo? Isasama siya nito sa rink? Hihimatayin na yata siya sa narinig kung sakaling totoo nga.
Nakasuot siya ng brown boots, highwaist jeans at knitted crop top na pinatungan niya ng leather jacket. Plus, scarf sa leeg at magandang sling bag na binili niya pa sa ukay-ukay sa Pinas. Bakit ba, original naman mostly ang mga ukay-ukay. Napangiti siya sa kaniyang kagandahan sa malaking salamin ng kaniyang silid. Perfect na perfect ang kaniyang binili kanina. Maaga talaga siyang nagising para tumakbo sa malapitang mall at bumili ng warm outfit na kaniyang irarampa.
Pero nakalimutan niya pa lang asawa siya ni Zyd, dahil nung makita ng mga tao na kasama siya ng lalaki... Saka lang nag-sink in sa kaniyang isipan na ang captain ng Pittsburgh ang kaniyang kasama. Iiwas sana siya at didistansya sa lalaki pero agad nitong nahila ang kaniyang kamay at mahigpit na hinawakan.
Napatingin tuloy siya sa kamay nito habang naglalakad sila sa hallway habang maraming mga mata ang nakatingin sa kanila, mostly ay sa kaniya. Bigla siyang kinain ng hiya. Sa puno ng excitement niya kagabi, hindi niya naisip na pwedeng mapasok siya sa ganitong sitwasyon.
“Don’t mind them. As long as I’m with you, they won’t drag you anywhere.”
“Hihilain ako?” nagimbal siya sa nalaman, “Ganito ka pala talaga kasikat? ‘Di ko carry, shutang-shuta ako sa mga camera at mga matang nakatingin sa`kin.”
“What do you expect? Your husband is the youngest captain and,” sandali itong tumigil, “The most handsome.”
Napairap siya sa sinabi nito at inismiran pero sa alaalang may nga camerang nakatoon sa kanila, mabilis siyang nag-iba ng reaksyon at ngumiti ng matamis sa lalaki.
“You looked beautiful today,” puna nito at ngumit ng simpatiko.
Bigla siyang nasamid sa sinabi ni Zyd. Kung wala lang sigurong mga taong nakatingin sa kanila at nagbubulong-bulungan baka kanina pa niya ito pinagtatarayan.
Sa Wive’s Room siya dinala ng lalaki habang hindi pa nagsisimula ang match game. Lahat ng ando’n na asawa ay napatingin sa kaniya at parang gusto niya ng lumubog sa lupa sa sobrang kahihiyan. Kulang na lang lunokin at bugahan siya ng apoy sa klase ng mga titig na binigay sa kaniya ng mga Pittsburgh Wives na nando’n at umiinom ng wine. Jusko!
Iniwan siya ni Zyd matapos ipakilala sa lahat na nando’n na asawa siya nito saka ito umalis at nagpunta sa mga kasamahan nito sa locker room para maghanda. Ayaw sana niyang magpaiwan pero nakaalis na ito at pintuan na ang sumalubong sa kaniya.
Pakshet!
Nawala ang excitement niya kanina. Napalitan ng pag-kaasiwa sa nakakainsultong titig na binigay ng mga asawang ando’n. Lihim niyang pinalakas ang loob at ngumiti sa mga ito pero inirapan lang siya nung blonde ang buhok at may bitbit na glass ng wine.
“You’re not Kate,” malditang saad nito.
Of course hindi siya. Kaya nga Lianne Elhouette Vergara ang name niya. Hindi Kate malandi pepe.
“Yeah, Kate is way too beautiful to be her. Like, look at her. Duh! I don’t know what’s wrong with Zyd and he chose that garbage instead of our friend,” maarteng singit ng isa.
What? Siya, garbage? Okay, kalma ka lang Lianne. Masyado ka pang maganda. Kalma muna.
“Like, throwing their years of relationship? That’s horrible and traumatic for Kate’s goodness sake,” madramang lintanya ng isang pula ang buhok.
Mais ka ghorl? Gusto niyang humagalpak ng tawa sa naisip pero nagtitimpi siya. Ayaw niyang makahanap ng away sa araw na iyon.
“So, tell us. Why the hell we would welcome a gold digger bitch like you?”
“Because I’m the Captain’s Wife. Hella welcome me, bitches.” Ngumiti siya ng nakakaloko.
Hindi magawang makapagsalita ang mga mais girls sa kaniyang sinabi. Natawa siya sa isip at lihim na pinalakpakan ang sarili. Ganiyan, luhod kayo sa`kin mga hampaslupa! Inirapan siya ng mga ito nung siya na ang nag-welcome sa sarili at umupo sa upuan nando’n. Alam niyang isang kutos lang siya ng mga babae sa loob ng room na iyon pero hindi naman yata siya basta-basta papatalo. Marami sila sa loob at wala siyang oras magbilang, makipag-plastikan lang meron.
“Hey!” tawag sa kaniya nung kulay tae ang buhok at puno ng accessories ang katawan. Pwede na yata itong magbenta sa loob ng arena mamaya.
“I’m sorry? I’m a little busy. Can I ignore you later?” ningitian niya ito ng nakakaplastik. Sobra pa sa plastic factory. Napasapo ito ng bibig sa kaniyang sinabi at galit na nag-walk out papuntang toilet room.
“A trashy novice shouldn’t act like that here,” pagtataray nung isa na sayang maganda sana. Akala niya kanina tapos na ang pagsusuplada ng mga ito. Mukhang gusto yatang makatikim ng pangalawa.
“Garbage personality. I pity Zyd Caiden for having her. Not classy. Not even beautiful.”
“Not even sexy.” dagdag ng isa na maarteng nag-selfie sa tabi.
“And a perfect definition of ugliness,” singit naman ng isa na kaputian lang ang nagdala.
Naghikab siya. Nakakaantok naman ng pinagsasabi ng mga ‘to. “Just keep talking girls, I yawn when I’m interested.” Tutal, malayo pa naman ang oras at hindi siya pwedeng puntahan ang lalaki. Sandali niyang pinikit ang mata.
“Hey! We’re talking to you, gold digger.”
Nagmulat siya ng mata at tiningnan ang nga ito. “Oh! You were talking to me?” Tinuro niya ang sarili. “I’m sorry, while you were talking, I was trying to figure where the hell you got those ideas I cared,” kunwari concern siya sa mga ito kung bakit hindi niya pinatulan ang pagtataray.
“Uneducated.”
Like hello? Kailangan ba magtapos ng doctorate para maging asawa ni Zyd?
“Unlettered!”
Weeh? Eh kung ako walang pinag-aralan pa’no pa kaya kayo? Sa’kin ganda ko lang palong-palo na, sa inyo kulay lang ng buhok.
Nag-ikot siya ng mata, “They say arguing with an idiots makes one of them so, I’ll just leave you all alone.” Ngumisi siya. “Reminder ladies; before talking, connect the tongue to the brain. That’s all, bitches. Don’t disturb me, I’m beauty sleeping.”
***