Sa wakas, nakahanap din siya ng trabaho sa isang Coffee Shop. Cashier siya ro’n at okay na okay na iyon sa kaniya. Malaking pera na iyon kapag naging Philippine Peso ang salary niya. Hindi naman siya mapili sa trabaho, ang kaniya lang ay mapapalagyan niya ng loob at nagustuhan ay okay na okay iyon.
Hindi gaanong sikat ang Coffee Shop na binabantayan niya at dahil bagong bukas pa ito kaya hindi siya busy at may dalawa siyang kasamang babae na puro Pinay rin. Mabilis napalagay ang loob niya sa dalawa.
“Ang gwapo talaga niya, ‘no?” nangangarap na saad ng dalawa habang nakatuon ang mga mata sa malaking flatscreen TV sa isang tabi.
Agad napasunod ang kaniyang tingin dito. Napaismid siya sa taong tinutukoy ng mga ito, ang bwesit na lalaki! Hindi na lang niya pinakialam ang mga ito at nagseryuso sa binabasang menu. Hindi siya mahilig sa kape kaya kailangan niyang mamemorya bawat kape roon.
“Ang swerte ng girlfriend niya! Nakakainggit.”
“Ang malas kamo,” hindi niya mapigilan sumingit.
Nabaling ang tingin nito sa kaniya at nanunuksong nilapitan siya. “Ikaw ha, crush mo si Captain, ‘no?”
Naiiling lang siya at hindi na sumagot. Kung siya ang tatanungin, malas kamo ang babaeng magkakagusto rito. Siya, magkakagusto? Tapos na siya d’yan. Napairap siya sa hangin at hinarap ang trabaho.
Napangiti si Lianne nang umabot ng higit singkwenta ang customer ng araw na iyon. Magsasara na sana sila dahil out nila ay alas-dyes ng gabi nang may biglang panauhin ang pumasok. Tatlong banyagang lalaki at deritsong umupo sa bakanteng upuan nando’n. Namukhaan niya ‘yon isa sa mga ito, iyon ‘yong nagtatanong sa kaniya sa may swing dalawang linggo na ang nakaraan.
Nag-order ang mga ito ng brewed coffee habang panay ang pag-uusap sa ibang lengwahe at english. Pero napapansin niya ang panakaw-nakaw na tingin nung lalaki sa kaniya.
“Ang gagwapo nila! Akalain mo ‘yon, napaka-low ng profile nila sa public?” kinikilig na bulong sa kaniya ni Hera.
Nagtatakang napatingin siya sa kasamahan. “Ha?”
“Mga hockey player ‘yan sila girl.”
Natigilan siya. Parang si Zyd lang? Well, hindi siya interesado kaya nagkibit lang siya ng balikat at hindi na pinansin ang mga ito. Gumawa na lang siya ng bill sa inorder ng mga ito at wala pa rin siyang pakialam kahit mga gwapo ang customer nila. Allergy na yata siya sa gwapo. Ano kayang tawag sa allergy na gano’n? Maybe, gwapollergic.
“Look man, remember the woman who slapped McCluskey at the bar we went too? Argh! She’s damn hot.”
Muntik na siyang malaglag sa kinaupuan. Siya ba ang pinag-uusapan ng mga ito?
“Yeah, the one wearing red. I agree on that, dude.”
Kahit alam niyang na hindi siya kilala ng mga ito, naaasiwa pa rin siya at hindi siya makapag-focus sa harap ng computer.
“I wanna fuck her so bad! I won’t stop till she moan my name in pleasure.” bumunghalit ng tawa ang isa.
Napanting agad ang kaniyang teynga sa sinabi nito. Mga bastos kayo. Hindi kayo lab ng nanay niyo! Namalayan na lang niya ang sariling umalis sa pwesto at naglakad patungo sa mga ito bitbit ang bill.
“Here’s your bill.” Pabagsak niyang nilatag ang kapi-rasong papel. Hindi pwede iyon ginawa niya pero sa mga oras na ito, tumaas ang dugo niya sa pambabastos na sinabi nito.
“We haven’t ask it yet,” saad nung lalaking nakilala niya sa swing.
“Oh sorry,” plastic siyang ngumiti, “And besides, sobrang babastos ng mga bunganga niyong mga hayop kayo. Magsialis kayo rito!” nakangiting saad pa rin niya.
Nagsitinginan ang mga ito at napatango. “Ah, sorry? Um... You want our autographs?”
“Ha?”
Nagulat siya nang tumayo ‘yon gwapong lalaki at isinuot sa kaniya ang suot nitong cap saka siya hinalikan ng dampi sa gilid ng kaniyang labi. Napatanga siya at hindi makahuma sa ginawa nito at bago pa man siya tuluyan nakapag-react, umigkas na ang kamay niya padapo sa makinis nitong pisngi at malakas iyon.
Mabilis naman na lumapit ang dalawang kasamahan niyang babae at hinila siya papalayo. Humingi ito ng tawad para sa kaniya habang siya ay tinulak papasok sa storage room. Gigil na gigil siya at gusto niyang balikan ang mga ito pero saka lang niya naisip na patay siya nito. Ang trabaho niya! Mukhang kailangan na yata niyang maghanap ng panibagong trabaho na naman. Sana hindi siya ireklamo pero pakialam niya kung ireklamo siya?
Kinalimutan ni Lianne ang pangyayaring iyon at pinagbigyan naman siya ng may-ari nang isa pang chance at kapag uulitin pa raw niya iyon ay tatanggalin na siya sa trabaho. Dapat masanay na siguro siya na ibang mundo ang kinagagalawan niya ngayon at wala siya sa Pilipinas para mag-inarte. Kailangan niyang mag-adjust para makasabay sa takbo ng panibagong lugar na kinasasang-utan niya.
Lumipas pa ang ilang araw at nagpapasalamat siya na hindi na muling naligaw ‘yon lalaking nagbigay sa kaniya ng smack kiss. Tumataas lang ang kaniyang dugo kapag naiisip ang bagay na iyon lalo na kapag tinutukso siya ng dalawang kasamahan niyang si Hera at Trixie na kinikilig sa tuwing binabanggit sa kaniya ang pangalan ng lalaki na Henrik Gustavsson, isang swedish at NHL player na kalaban nang team ng lalaking naiisip pa lang niya ang gabing iyon na naghalikan sila sa gitna ng daan ay namumula na siya.
“King Henrick is coming!”
Nababagot na tiningnan niya si Trixie na kinikilig na bumulong sa kaniya nang makita itong pumasok na mag-isa at tulad ng dati, naka-sumbrero ito at casual na t-shirt na pinatungan ng jacket. Umupo ito sa isang tabi at nag-order ng brewed coffee at cookies.
Nag-pretend na lang siya na hindi niya ito nakita at hinayaan ang dalawang kasama na siyang mag-assisst dito. Umasim ang mukha niya nang mula sa kaniyang peripheral vision ay tumayo ang lalaki at ito mismo ang kumuha ng bill.
“Hey!”
Nagtaas siya ng tingin at pilit na ngumiti. Inaalala niyang customer ito at dapat mabait ang siya. “Yes, Sir?” Paano ba maging mabait?
“Um... About... Um, sorry.” Nag-abot ito ng bayad na hindi man lang tiningnan kung magkano ang bayarin saka tumalikod ng walang paalam.
Napatanga siya. Para saan ang sorry nito? Natigilan siya nang maalalang hindi pa niya naibigay ang sukli ng pera nito. Mabilis siyang umalis sa pinagtatayuan pwesto at tumakbo papalabas para habulin ito at ibigay ang sukling naiwan. Eksaktong nagsuot na ito ng helmet at nakaangkas na sa motor nang magmadali siyang tumakbo papalapit sa lalaki.
“Hey, Sir!”
Napalingon ito sa kaniya.
“Ang sukli mo—” Hindi niya natapos ang sasabihin nang hindi inaasahan biglang nag-short notice ‘yon isang paa niya sa sementong hagdanan at sumunod na pangyayaring naalala niya, semento ang sumalo sa kaniya. “Arayyy naman!” napangiwi siya at hindi agad makatayo sa sobrang sakit ng pagbagsak niya.
“Min Dam, are you okay?” Mabilis siya nitong dinaluhan at tinulungan itayo.
“Iyong s-sukli mo...” Nakuha pa rin niyang iabot iyon sa lalaki. Bwesit, bakit ba kasi pinahabol pa siya nito! Hindi naman sila naglalaro ng habul-habulan. Mas lalong hindi siya taya.
Hindi agad nito nakuha ang ibig niyang sabihin pero inabot pa rin nito. “What makes you hurry?”
“You left your change,” nakangiwing sagot niya pero imbes na mag-pasalamat ito, sumupil ang hindi matagong ngiti sa labi nito at kalaunan ay nauwi sa malakas na tawa.
Umarko ang kaniyang kilay sa ginawa nito. Maliban sa napahiya na nga siya, pinagtawanan pa siya. Bwesit! Nagmadali siyang tumalikod pero agad itong humarang sa kaniyang daraanan.
“Hey, I’m sorry I laughed. You look cute and I can’t help myself,” agad naman itong nagseryuso at tiningnan siya ng sinsero.
Tumango lang siya at kiming ngumiti at paika-ikang pumasok sa loob ng Shop. Kunwari ‘di siya napahiya rito.
“Here, I’ll help you Min Dam.”
Hindi niya inasahan ang biglang pagbuhat nito sa kaniya na para siyang batang paslit sa bisig nito. Bago pa siya nakapag-react, naibaba na siya nito sa isa sa mga silyang nandoon at tuluyan ng umalis. Nag-wave pa ito ng goodbye sa kaniya at iniwan siyang hindi nakahuma sa kinauupuan.
Tilian naman ang dalawang kasamahan niyang lukaret at kinikilig na pinag-susundot ang kaniyang tagiliran. Mabuti na lang at wala silang customer nang mga sandaling iyon kundi napahiya siya lalo.
“Besh ang haba ng hair mo. Umabot sa Pinas lukaret ka! Dapat sinabihan mo ako na naiwan niya sukli niya para ako na ang humabol at ako ang kunwaring nadapa. Jusko naman, kinikilig ang gall bladder ko!” Kulang na lang yata ay hampasin siya ni Hera ng walis sa kilig nito.
“How to be you, girl?! Una, hinalikan ka ni King Henrik at ngayon binuhat ka pa. Is this the sign of second coming at magugunaw na ang mundo? Naman! Naiihi ako sa`yo.” Sinundot pa ang tagiliran niya ni Trixie bago ito nag-excuse at nagpunta ng restroom.
Naiiling na lang hinayaan niya ang mga ito. Asan ba nag swerte ro’n? Ang malas niya kamo. Min Dam daw? Tiningnan niya agad sa google iyon, napakunot na lang siya ng noo nang makitang ‘My Lady’ ang ibig sabihin. Imbes na kiligin, napairap na lang siya sa hangin.
Nang gabing iyon ay naglakad siya patungong bus stop at makasakay na pauwi. Isang sakay lang naman ang gagawin niya at makakapiling niya ang unan at kama.
Napasigaw siya nang may humablot sa kaniyang bag at mabilis na itinakbo papalayo. Ando’n ang perang pamasahe niya at cellphone na pinahiram lang sa kaniya ni Sheena. Shutaaa! Wala siyang pakialam kung babae siya, hinabol niya ito.
“Give me back my bag!”
“Then take it bitch.”
Pinagtinginan siya ng mga tao pero wala man lang kahit isang tumulong. Akala siguro ng mga ito ay naglalaro lang siya ng habul-habulan. Mabilis na lumipat sa kabilang lane ang magnanakaw at bago pa siya nakasunod dito isang malakas na busina ng sasakyan ang pumigil sa kaniya kaya ang nangyari nakalayo na ito ng tuluyan. Letse! Muntikan pa siyang mabangga.
Bwesit! Kainis naman, oh.
Parang gusto niyang maiyak pero hinamig niya ang sariling gawin iyon. Masyado siyang maganda para umiyak. Siya na ang malas sa lahat nang malas dahil heto siya ngayon at naglakad. Alam naman niya kahit papaano ang deriksyon ng inuuwian niya pero malayo ito pero wala siyang choice.
Sinilid niya sa dalawang bulsa ng suot niyang hoodie ang kamay at nag-lakad. Hindi pa nga siya tuluyan nakalayo, may umakbay sa kaniyang dalawang lalaki. Unang tingin pa lang niya ay mga rapist ang mukha ng mga ito. Wala nga pala siya sa Pinas at banyaga ang kaniyang pagmumukha kahit anong sabihin.
“Hey woman, I see you are alone. You can join us in bed sweety. Threesome, wanna try?”
Eww! Ano siya, pumapatol ng mga manyakis? Umigkas ang kaniyang kamay sa sinabi nito at malakas na sinampal ang lalaki at saka siniko ang isa pa. Takbo! Hindi siya basta-basta napapasindak ng kahit sino. Para siyang sumali ng Olympic sa sobrang bilis ng pagtakbo niya habang humahabol naman ang dalawang pangit na mukhang minions. No ways na mangyayari ang gusto ng mga ito.
Mag-alas onse na nang gabi kaya mas binilisan niya ang pagtakbo. Pakshet! Nasa malapit na ang mga ito at abut-abot ang kaniyang hininga. Kahit hindi siya madaling pasindakin, babae pa rin siya. Mula sa unahan ay may mga sasakyan naka-parking sa harap nang isang mamahalin restaurant na bukas pa. Wala siyang choice kundi ang magtago sa mga ito. At least hindi siya mahuhuli agad ng mga ito dahil magtatago siya ng palipat-lipat.
Lord? Is this pagsubok ba, or kamalasan talaga?
May nakita siyang sasakyan na nakabukas pero ang may-ari non ay hindi pa pumasok dahil may kinuha ito sa back compartment at may kausap sa cellphone. Perfect! Mabilis niyang sinulyapan ang dalawang minions, naghahanap pa rin ang mga ito sa kaniya kaya walang pagdadalawang beses siyang pumasok sa passenger seat at yumuko mula roon. Bahala na!
“Damn that slut!”
Narinig niyang mura nung isa. Nag-ikot siya ng mata sa sinabi nito. Paduguin niya labi nito, eh. Sumilip siya sa bintana at kahit alam niyang tinted glass ang sasakyan, naging maingat lang siya. Nagulat siya nang biglang pumasok ang may ari at gulat na gulat siya nang makilala niya ito.
“You little thie—”
Hindi natuloy ang sasabihin nito nang hilain niya ang kwelyo ni Zyd at walang sabing mabilis na kinuyumos ng halik. Bigla itong napatulala at hindi makakilos sa kaniyang ginawa. Ilang minuto silang gano’n ang ayos, nakapinid ang labi sa isa’t isa.
“Fuck we lost her!”
Napahinga siya ng maluwang. Umalis na ang mga ito at lihim na nagpasalamat pero agad bumalik sa kaniya ang reyalidad nang maalala na nasa harapan niya ngayon si Zyd Caiden McCluskey at hinalikan niya sa ikalawang pagkakataon! Parang napapasong dumestansya siya rito at mabilis na hinarap ang kabilang pintuan para makalabas agad sa nakakabwesit na sitwasyon na iyon pero naka-lock. Naku naman!
“Fuck! You were the hella bitch running on my car earlier.”
Lihim siyang nag-irap ng mata. So ano kung siya iyon? Muntik naman siya nitong binangga. Hindi siya sumagot. Paano ba siya aalis?
“Nice strategy. You will go with me to the police station.” Mabilis na pinaandar nito ang sasakyan.
Wait what?! “Hey hey, I’m not a thief! I was being robbed and someone was trying to harm me so I ended up hiding myself inside your car.” mahabang lintanya niya. Kung nakakainis ba naman kasi.
Sinulyapan lang siya nito na halatang hindi naniniwala sa kaniyang sinasabi, “Who are you fooling with? You will come with me whether you want it or not.”
Wala siyang magawa nang mabilis na tumakbo ang sasakyan sa maluwang na kalsada. Bwesit! Mukha ba magnanakaw ang kaniyang hitsura? Gigil na gigil siya sa kinauupuan pero wala siyang magawa kundi hintayin na dumating sila sa presinto at para makauwi na rin siya. Bakit ba sobrang malas niya ngayon araw? Sobrang unfair naman.
Pinoy ang pulis ang humarap sa kanila at sobrang pasasalamat niya na pinaniwalaan siya nito kahit wala siyang ID’s na maipakita at ma-provide na number ni Sheena para pumunta sa presinto at siyang kukuha sa kaniya roon. And ending, maliban sa maraming nagpa-autograph at nagpapicture sa lalaki sa loob ng opisina, marami rin ang nagpa-fansign dito.
Tamang upo lang siya at hinintay ang mga ito na matapos sa pag-fan swooning sa lalaki. Hindi niya akalain na ganito pala ito kasikat sa kanilang lugar. Naghihintay siya na sabihan na pwede na siyang makaalis dahil mag hahating gabi na rin at tiyak na nag-aalala na ang pinsan niya. Sa huli, ang lalaki ang siyang pinahatid sa kaniya pauwi.
“Damn!”
Hindi siya umimik. Bumunot ito ng pitaka at kumuha ng pera. Mabilis nitong binigay sa kaniya iyon at sinabihan siyang mag-taxi. Agad siyang umayaw. May pride pa rin siya at kapag tinanggap niya iyon, para na rin siyang magnanakaw. Anong tingin nito sa sarili niya? Poor? Inismiran niya ito.
“Grab it, woman.” Siniksik nito sa kaniyang hoodie pocket ang pera at bago pa niya nakuhang ibalik iyon, mabilis na itong nakasakay sa kotse nito at umalis papalayo.
Nagpapadyak na lang siya sa inis pero umu-oo na rin. Ibabalik na lang niya ang sukli bukas. Tatanungin niya ‘yon customer nila tutal hockey player naman ito at ipapadala na lang niya ang sukli. Pwede! Ah, hindi sukli... Ibabalik niya ang buong pera nito. Bakit ba sobrang malas kasi niya?
Nakauwi siya ng maayos nang gabing iyon. Agad naman siyang dinamba ng yakap ni Sheena na akala mo ay matagal siyang nawala.
“Hoy babae ka! Alalang-alala kami sa`yo, iyon nga pina-tulog ko na si Mama. Akala namin ano ng nangyari sa`yo, lukaret ka pa naman!” mahabang lintanya nito naka-mask ng berde.
Ngumiti lang siya at agad na humiga ng kama. “Nanakawan kasi ako. Sorry, pinag-alala ko kayo.”
“Oh my! Anong nangyari? Bakit hindi mo agad ako tina-wagan sa payphone? Naglakad ka ba? Na gang rape? Inabuso ng kalalakihan? Oh my God!”
Binato niya ito ng unan. “Lukaret! Exaggerated ka masyado.”
“Sorry na kasi... Ano ba ang nagyari?”
Kinwento niya rito ang buong nangyari nang araw na iyon at para itong pinapatay sa sobrang kilig. Pinaghahampas pa siya ng unan at pinagsasabunutan. Papatayin yata siya nito..
“Nakakakilig naman pala ang nangyari sa`yo, eh! Naman Lianne Elhouette, paano maging pangit tulad mo?” at humalakhak ito kahit hating gabi na.
Mabilis naman niyang sinenyasan itong hinaan ang boses. “Mahilig ka talagang banggitin buong pangalan ko, ‘no?” nag-ikot siya ng mata.
***