Dominant Series 4: Tempter (Zyd Caiden McCluskey) Chapter 3

Tuwing hapon ng ala-una lang ang bukas ng Country’s Coffee Shop, wala sa mood na pumasok siya nang araw na iyon. Dinadalangin niya na sana ay hindi siya pestehin ng araw na ito at baka kung ano naman ang kamalasan ang mangyayari sa kaniya. Agad siyang binati ng dalawang lukaret niyang kasamahan sa shop.

Kaniya-kaniyang lapit ito sa kaniya at sinundot ang kaniyang tagiliran. Pinaalala ng mga ito sa kaniya ang nakakahiyang pangyayari nung nadapa siya. Pinagsisimangutan na lang niya ang mga ito at nagderitso na sa kaniyang pwesto. Kung alam lang ng dalawa ang mas malalang nangyari sa kaniya kagabi baka mangisay na ang mga ito sa kilig. Dahil wala pa naman silang customer at bihira lang may napapadpad sa shop nila, tumulong siya sa dalawa na maglinis ng gamit na kailangan ayusin.

“Hindi ba iyan ‘yong jowa ni Captain Zyd? Ang ganda niya pala talaga ‘no?”

Napatingin siya sa sinabi ni Trixie at lihim na pinagmasdan ito sa TV. Yeah, nakita niya na ito nung nasa park siya. Maganda ang babae at maganda ang pagkakakurba ng katawan. She’s like a goddess. Nag-iwas na siya ng tingin.

Pwe! Maganda nga, bwesit naman ang boyfriend niya. Nyeh nyeh nyeh.

“Nakakainggit ang love story nilang dalawa. Highschool lover sila at sobrang perfect ng kanilang relasyon. Hayy gusto ko rin ng ganiyan pero mahirap yata makakita ng ganiyan klaseng lalaki!” nananaginip na saad ni Hera habang hawak-hawak ang dustbin.

Nagkibit lang siya ng balikat. Kumuha siya ng malinis na basahan at nagsimulang magpunas sa salamin dingding. Nasa kalagitnaan siya ng pag-spray at pagpupunas nang biglang sumulpot sa harapan niya si Henrik.

Muntik siyang napasigaw sa gulat at malakas na tawa naman ang pina-kawalan nito sa kaniyang reaksyon. Anong ginagawa ng lalaking ito sa shop nila? Masyado itong maaga at hindi pa sila tapos maglinis.

Tinuro niya ang pintuan na ang nakalagay, ‘We’re Close’. Nagkibit naman ito ng balikat at umupo sa bench na nasa labas at hinarap ang cellphone. Hindi na lang niya ito pinansin at nagpatuloy sa ginagawa. Para naman bulate na pinaliguan ng asin ang dalawa niyang kasama at kilig na kilig sa kaniya. Nag-sign language pa ang mga ito sa kaniya na puntahan niya na at jowain.

“Hey ladies, good morning!” bati nito sa kanilang lahat pero sa kaniya nakatingin.

Nasa counter na siya at nasa harapan niya ito hawak ang menu sa gusto nitong kape nang araw na iyon. Hindi naman masyadong halatang adik ito sa kape.

“Can I have this coffee?” hindi pa rin umaalis ang tingin nito sa kaniya at naaasiwa siya.

“Which one, Sir?” nakakalokong tanong ni Hera, “You mean, Lianne Coffee Ala Latte?”

Mabilis na tumango ang binata na nauwi sa tawanan ang dalawa niyang kasama na halos itulak siya sa kilig.

“I mean, Esspresso.” Napakamot ito sa ulo at agad nag-bayad.

Tilian at nagpipigil ang dalawa niyang kasama na kurutin siya. Mabilis na inasikaso ito ni Trixie at siya naman ay walang pakialam sa kilig na sinasabi ng mga ito. Saka niya naalala ‘yong sukli ni Zyd kagabi. “Sir?”

Nakaupo ito malapit sa may bintana at nakatuon ang atensyon sa cellphone. “Yeah?” napatingin ito sa kaniya.

“You are a hockey player, right?”

“Hmm?”

“Are you acquainted with Zyd Caiden McCluskey?”

Natigilan ito sa kaniyang tanong at pati rin ang dalawa niyang kasamang babae. Tumingin pa ito sa kaniya na parang nagtanong siya ng napakawerdong tanong ngayon araw. Bakit ba? May mali ba sa sinabi niya.

“Ah yeah? Why Min Dam?” tumitig ito sa kaniya.

Lumabas siya sa kaniyang pwesto at lumapit dito. Nakalagay sa sobre ‘yong pera at inabot niya rito. “Can you please hand this bill to Mr. McCluskey?” Para wala na siyang utang sa lalaki at nabubwesit lang siya sa mukha nito nung nakaraan gabi.

Walang kibong inabot ni Henrik iyon pero mabilis napigilan ni Hera ang kaniyang kamay at hinila siya papalayo. Humingi ito nang sorry sa binata at binulungan siya.

“Girl napaka-inconsinderate mo. Mortal enemy ‘yan sila. Shit ka besh!”

Agad siyang napatingin sa lalaki. Walang ekspresyon ang mukha nito na nakatingin sa kaniya at nagpaalam nang makuha na ang inorder na coffee. Napatingin siya sa sobreng hawak, at nagkibit ng balikat. Bumalik siya sa kaniyang pwesto at umupo ulit sa stool. Pakialam ba niya kung mortal enemy ang mga ito. Hindi naman niya alam at nakikisuyo lang naman siya.

Halos ayaw siyang tigilan ng dalawa sa kakatanong kung bakit at paano niya kilala si Zyd at para saan ‘yon inabot niya at para matigil ang mga ito, kinwento niya nag nangyari kagabi maliban sa kissing part. Naiinis pa rin siya sa bagay na iyon. At tulad nga ng kaniyang inaasahan, halos sabunutan na siya sa dalawa sa kilig. Ano pa kaya kung sinabi niyang hinalikan niya ito?

Maaga silang nagsirado nang gabing iyon dahil iyon ang may gusto ng may-ari na si Ms. Williamson. Inimbitahan sila nitong kumain nang konting salo-salo sa bahay nito na pinaunlakan agad nilang tatlo. Nakakahiya kung aayawan nila. Maliban sa napakabait ng dalaga, napakaganda pa nito at lagi silang inaalala kung kumain na ba sila. Kaya kabastusan kung aayaw sila sa hiling nito.

“I’m glad you’re here. Come!” masayang saad nito nang dumating sila sa bahay at address na iniwan sa shop kanina.

Muntik pa silang hindi papasukin ng mga guards at eksaktong tumawag ang amo nila kay Trixie kaya agad silang pinapuntahan ng tauhan nito. Hindi niya akalain ganito kayaman ang babae at down to earth.

Agad silang pinapasok sa loob at nanliit si Lianne sa naramdaman. Mansiyon iyon at maraming bisita. Lahat nakamamahaling gown at habang sila, naka-uniform pa ng Country’s Coffee Shop. Nagsitinginan silang tatlo sa suot nila, sabay silang napangiwi. Hindi yata sila nainform na pormal ang suot at hindi pa man, nahihiya na sila.

“Don’t worry, I’ll let my assistant to assist you and give you something to wear. Go girls, I want all of you to enjoy as well.” Ngumiti ito sa kanila at hinila na sila ng tatlong assistant nito.

Napatulala si Lianne habang nakaharap sa malaking salamin sa loob ng silid na pinagdalhan sa kanila. Exactly by eight in the evening mag-start ang celebration at sa loob ng kalahating oras natapos silang ayusan at bihisan ng mga ito. She’s now wearing a peach lace fitted long gown. Nakaukit ang kaniyang bawat kurba at labas ang kalahati ng kaniyang likod plus may slit pa ito na halos makikita na ang undies niya. Light make up lang nilagay sa kaniya at ang buhok niya ay ginawang messy bun. Ganito ba talaga required na isuot ang empleyadong tulad nila?

“Ang ganda mo babae ka!” Kinurot siya ni Hera sa pwet. Nakasuot ito ng black halter long gown. Nagmukha itong mysterious sa ayos nito at hindi bagay sa personalidad nitong sobrang daldal.

“Ang gara ng outfit natin mga besh! Pang-universe lang gano’n.” Tuma-tawang singit ni Trixie na nude offshoulder fitted gown ang suot, sa sobrang kabugera nito, nagpose itong mala model sa harap ng malaking salamin.

Hinatid sila nung isang assistant na banyaga sa labas ng bakuran kung saan magsisimula na ang gabi. Kalahati ng atensyon ay nakuha nilang tatlo at mostly ay sa kaniya napatitig. Hindi nila nakita si Ms. Williamson, kaya nagpasiya silang umupo. Nagsimula na rin ang party at nagsasalita na ang emcee sa gitna. Sumabay silang pumalakpak nang mula sa kung saan ay lumabas ang babaeng celebrant at masayang nagsasalita sa harap.

“Ang bait talaga ni Ms. Williamson. Hindi niya tayo tinuring na employee niya.”

“Sinabi mo pa! Tingnan mo nga ako, sobrang ganda ko ngayon at dahil ito sa kaniya.”

Nag-ikot lang siya ng mata sa sinabi ng dalawa. Ang tabil talaga ng bibig.

“Oh my! Andito si King Henrik!” kinalabit siya ni Trixie at kulang na lang sabihin sa kaniya na lapitan mo na at lapain agad. “Tingnan mo Lianne. Super gwapo niya, shit! Nalaglag na yata ang panty ko, wait lang pupulutin ko.”

Hindi niya mapigilan matawa ng mahina sa kalokohan nito. Minsan ang exaggerated nitong mag-isip kaya siya na mismo ang tumingin sa sinasabi nitong gwapo. Napatango siya, gwapo nga talaga ng lalaki at bumagay ang suot na tux rito pero hindi siya naa-attract kaya ibinalik niya ang atensyon sa gitna.

“Omo! Si Captain McCluskey andito rin. Oh my, I wanna die! I wanna die. Pigilan niyo ako at yayakapin ko talaga siya! Pleasee! Pigilan niyo ako.”

Sabay nilang binatukan si Hera sa lakas ng boses nito, ilan sa nandoon ay lumingon. Mabuti na lang at hindi sila naiintindihan ng mga ito. Saka pakialam ba niya kung nandito rin ang lalaki... Wait, oo nga pala ‘yon perang ibabalik niya. Yeah, buti naalala niya. Pagkatapos nang party ay ibabalik niya iyon sa lalaki.

Bitbit ang pinggang may pagkain sa isang kamay, maingat na naglakad si Lianne pabalik sa mesa kung saan sila nakaupong tatlo. Hindi pa siya tuluyan nakalapit sa kanilang pwesto, may tumabig sa kaniyang kamay at dahilan para magkalat sa kaniyang suot na damit ang pagkain. Hindi siya nakahuma lalo na nung napatingin siya sa may gawa no’n. Kumulo ang kaniyang dugo nang makitang ang girlfriend ito ni Zyd. Nakataas ang kilay nito na parang siya pa ang may kasalanan.

“Opps! Sorry.” umikot ang eyeballs nito at nilagpasan siya.

Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili. Ayaw niyang gumawa ng eskandalo kahit kating-kati siyang hilain ang buhok nito at ingudngud ang mukha nito dahil halata naman na sinadya nitong tabigin ang kamay niya.

“Let me help you.”

Isang kamay ang humawak sa kaniya at hinila siya papalayo roon. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil sa sobrang bilis ng pangyayari at nalaman na lang niya sa kanan bahagi ng mansiyon siya nito dinala kung saan may fountain at faucet. May ilaw naman doon at sapat na para makilala niya ang lalaking humila sa kaniya mula sa kahihiyan.

“I can do it. No need. Thanks.” Inagaw niya ang panyo na hawak nito.

“I’m sorry for my fiancées immaturity. She saw me looking at you and the next thing she did was out of my control and I’m really sorry for it.”

“Your sorry won’t fix what’s done. Now, gone,” isang sulyap ang kaniyang binigay kay Zyd.

Hindi ito sumagot. Hinayaan lang siyang nilinis ang kaniyang damit. Letse! Ayaw matanggal. Ilang beses niyang binasa ang panyo at kiniskis sa sarili pero dumikit ang sauce. Wala na. Sira na ang gabi niya. Sira pa ang gown na pinahiram sa kanila ni Ms. Willimson! Sinira ng bwesit na girlfriend nito. Sirain din kaya niya mukha ng babae nito?

“I never knew we would meet this kind of situation again, Ms. Fierce Red.”

Natigilan siya sa ginagawa at napatingin sa lalaki. Nakatitig ito sa kaniya ngayon. Kilala na ba siya nito? Paano?

“Yeah. You’re the girl who slapped me inside the bar accusing me some-thing that I never did and that little thief who kissed me inside my car. Damn!” Humalakhak ito. “It makes sense. You’re my stalker.”

Isang malakas na sampal ang ginawa niya. Hindi nabaling ang mukha nito at mukhang inaasahan na talaga nito ang sampal na gagawin niya. Ang kapal naman ng mukha nitong tawagin siyang stalker! Minahal lang niya ito dati kahit sa social media lang sila nagkita at nag-video call. Tapos tatawagin siya nitong stalker? May amnesia ba ito? O talagang trip siya nitong paglaruan dati? Nasa phone niya lahat ng videocall recording nila at landian dalawa. Nakakapanggigil ang lalaking ito at ang sarap bitayin ng patiwarik.

“You know what? You’re suck and people like you deserves my middle finger.” Nagmartsa siya paalis don at gigil na gigil na iniwan ang hayop na lalaking nambwesit lalo ng kaniyang gabi.

“Not so fast, woman.” Mabilis na hinila nito ang kaniyang kamay kaya nasadsad siya sa dibdib nito pero agad siyang lumayo. “If you’re not my stalker then what are you?”

“A human.” At inirapan itong nakakamatay pero hindi pa siya tuluyan nakalayo, may sumalubong na sa kaniya na isang malakas na sampal.

“Stop flirting my fiancé, slut!”

Nabaling ang kaniyang mukha sa sobrang lakas ng sampal at do’n tuluyan nawala ang pasensya niya nang makitang ang girlfriend ulit ito ng lalaki. Problema ba ng babaeng ito?! Sa sobrang gigil niya dahil sa biglang pananampal nito, hinila niya niya ng malakas ang suot nitong gown at napunit iyon hanggang tiyan.

Napangisi siya pero agad din nakaramdam ng takot nang maisip ang mali niyang ginawa. Nasa pamamahay siya ni Ms. Serenity Williamson. Nagsisigaw ito at gumawa ng eskandalo pero agad itong nahila ng lalaki papalayo kaya walang masyadong nakapansin sa tensyon nangyari.

“Min Dam? What are you doing here... Alone?”

Nagulat siya sa biglaan presinsya ni Henrik sa likuran niya, “Nothing,” mabilis niyang sagot, “Please excuse me.” Nag-mamadali siyang umalis pero agad nahawakan nito ang kaniyang siko.

“I saw what Kate did to you.”

Maang na napatingin siya rito. Ano ba ang gusto nitong ipahiwatig? Gusto niya nang makabalik sa kaniyang mga kasamahan at mag-excuse sa mabait na amo nila. Bwesit na ang buong gabi niya dahil sa babaeng iyon na galing yata sa mental Hospital.

“Yeah, but I gotta go.”

Napasunod lang ang tingin ni Henrik sa kaniya ng lumayo siya rito at nagtuloy-tuloy na sa bungad ng mansiyon kung saan ando’n si Hera at Trixie. Napangiti siya nang makitang may kausap ang mga ito na mga kaedad na lalaki at halatang nag-enjoy.

Hindi na lang niya ito dinisturbo, nagtuloy siya sa isang tabi at tahimik na umupo ro’n. Masasabi niyang napakagandang party ang nasa harapan niya ngayon, ‘yon nga lang sira na ang buong gabi na. Hihintayin na lang niya magkaroon siya nang pagkakataon na makapagpaalam.

“Glad I’ve found you again.”

Nagulat siya sa lalaking boses bakla na umupo sa harapan niya. Nakangiti ito at halos umabot na yata sa teynga ang ngiting binigay sa kaniya.

“Here.” May kinuha ito sa pitaka na isang calling card. “I do really like your beauty. I am a fashion designer and the one who designed that gown you are wearing right now,” pabulong na sabi nito sa huling linya at natawa, “By the way I gotta go girl, give me a call!” At umalis ito na hindi man lang siya pinagsalita. Kumaway pa ito at maarteng kumendeng papalayo.

Hindi niya alam kung anong i-react nang mga sandaling iyon kung nagsasabi ba ito ng totoo o nangti-trip lang pero binasa pa rin niya ang nakasulat. Napatango siya pero hindi siya interesado. Kontento na siya sa pinagtatrabuhan Coffee Shop.

Namaga ang pisngi ni Lianne kinabukasan pero sa tulong ng yelo, medyo nawala iyon. Tuloy pa rin sa trabaho at masaya siyang nakikinig sa dalawang lukaret niyang kasama na nagkikwento na nagyaya raw ng date ‘yon boylet sa mga ito. Mabuti at hindi napapansin nang mga ito ang pisngi niya at milyong tanong ang ibabato ng mga ito sa kaniya.

Busy siya sa pag-inventory nang biglang may naghagis sa kaniyang ulo ng malamig na kape. Hindi siya nakahuma. Nang magtaas siya ng tingin, umusok ang kaniyang ilong at parang gusto niyang magwala. Anong ginagawa ng animal na babae dito?!

“That’s for ruining my gown last night,” maarteng saad nito.

Kinalma niya ang sarili at pinilit na pakiharapan ito nang maayos. Nasa shop siya at kahit saan banda tingnan, customer ito. “Don’t start a fight here Ma’m, you won’t like it. I swear.” nakangiting saad niya. Pero ‘yong ngiting hindi abot sa mata.

Umirap lang ito na parang diring-diri, “You are such a pathetic woman. What a shameful poor bitch. Next time you’ll cross myour path again, I will dig your own grave.”

Kung hindi siya mabilis napigilan ng dalawang kasama baka nasabunutan niya na ang babae nung tumalikod na ito. Kinalma na lang niya ang sarili at gigil na gigil na nagpalit ng damit at inayos ang sarili. Nagpunta lang talaga ito para bwesitin ang araw niya pero sana nga hindi na magpang-abot ang landas nilang dalawa dahil sa susunod, hahamunin niya na ito ng away at wala siyang pakialam kung ipakukulong siya.

Nagulat si Lianne nang bigla siyang lapitan ni Trixie at Hera. Hindi naman sila pinagbabawalan ni Ms. Williamson na magdaldalan basta nagagawa pa rin nila ang kanilang trabaho. Gano’n kabait ang kanilang amo.

“Hoy babae, ano ba talaga ang pagitan niyo ni Ms. Kate? Bakit sinasabi niyang sinira mo ang gown niya?” echoss na pagtatanong ni Trixie. Umalon-alon pa ang kilay.

Hindi niya pinansin ang pagtatanong nito. Basta tsismis, always naka-ready ang teynga ng dalawang bruhang kasamahan niya. “Wala kang gagawin? Makikita ka sa CCTV.”

“Huwag mo nga iwasan ang tanong namin babae ka! Hindi ka talaga namin titigilan hanggang sa pumuti ‘yan buhok mo,” maarteng saad ni Hera at pinandilatan pa siya ng mata.

Pinagwalang bahala pa rin niya ang pananakot nito. Actually, ayaw niya nang balikan pa sa utak ang pangyayaring iyon dahil nabubwesit lang ang araw niya lalo na at kung iisipin, wala siyang kasalanan. Nag-ikot siya ng mata at pinilit ang sariling mag-concentrate.

“Oh my God!” parang baliw na hiyaw ng mga kasamahan niya.

Napasunod ang tingin niya sa tiningnan ng mga ito at doon niya napagtanto na pumasok si Zyd. Naka-cap ito at naka-jacket. Sa unang tingin, walang makakakilala nito pero hindi siya.

Umirap lang siya sa hangin at pinagpatuloy ang ginawa pero agad siyang natigilan. Ito ang unang pagkakataon na napagawi rito ang binata at umorder ng kape. Shit! Bigla siyang kinabahan pero kumalma siya.

“One cappuccino, please?”

Hindi siya tuminag. Gusto niyang maghisterya pero hindi niya ginawa of course she act professional when dealing emotions.

“Ang swerte natin, nandito si Captain.”

Umirap lang siya at si Trixie ang gumawa sa cappuccino nito habang umupo sa isang sulok ang lalaki. Hawak nito ang cellphone at pinapaikot sa table na parang naiinip sa inorder na kape. Saka naman biglang pumasok si Henrik at ka-team nito.

Bigla siyang napipi sa nangyari. Hindi siya updated na may meet and greet ang mga ito sa Coffee Shop nila. Baka dumugin sila ng mga tao dahil sa mga ito. Oh well, handa silang magpadumog para dumami ang sales. Napangisi siya sa bahaging iyon. Pagmataas ang sales, mas maganda!

Parang mga bulateng inasinan ang dalawa niyang kasamahan at kulang na lang ay maglupasay sa kilig. Hindi naman halatang hindut ang mga ito. Agad lumapit sa kaniya si Henrik at ngumiti na lagi nitong ginagawa sa tuwing nag-oorder. Dahil customer nila ito at mabait sa kaniya ang lalaki, gumanti siya ng matamis na ngiti.

“Bean thinking about you a latte.” Tinanggal nito ang suot na cap at tumitig sa kaniya, na siya naman tilian sa kilig ang dalawang lukaret na kasama niya.

Saan nga pamalo niya? Kung hindi pa niya pinanlakihan ng mata ang mga ito hindi ito tatahimik at asikasuhin ang order ng mga kasama ni Henrik sa table.

Ngiti lang ang naging sagot niya sa pabirong banat ni Henrik at saka nito binalik ang cap sa ulo. Bumalik na ito sa mga kasama at nagkatuksuhan para sa kaniya. Naiiling na lang siya na humarap sa computer at mula sa sulok ng kaniyang mata, kitang kita niya ang pagititig sa kaniya ni Zyd. Ano naman ang problema ba nito at ganito ito makatitig ngayon? Kilala na kaya siya nito? Ang alam lang kasi niya kilala siya nito sa babaeng Ms. Fierce Red pag nakamake-up at nakaayos. Huwag lang sana maalala nito ang kaniyang mukha. Possible kaya ‘yon? Sana hindi siya nito makilala...

Mas lalo siyang naasiwa at hindi mapakali sa kinatatayuan pwesto. Hindi niya mapigilan ang sarili na sulyapan at tingnan ang lalaki. Matiim ang mga titig nito sa kaniya at sa kislap pa lang ng mga mata nito parang alam niya na anong ibig sabihin. Shutaaa! Kilala na siya. Biglang nag-init ang kaniyang pisngi at nag-iwas ng tingin.

“Ang lagkit ng titigan niyo ni Captain, ha.”

Napailing siya sa pabirong sabi ni Hera. Kahit busy ang mga ito sa paggawa ng kape, pagdating sa kilig-kilig chuchu na ‘yan, on present ang mga ‘to lagi.

“Malabo lang ‘yan mata mo. Titigan ka d’yan.” Inirapan niya ito pero tinawanan lang siya ng gaga. Kurutin niya kaya ito sa pempem? Masyadong advance, eh.

“Hoy, tulungan mo kami ni Trixie, ikaw na magbigay ng kape nila.” nakangising singit ng isa pa niyang bruhang kasama sa trabaho. Halatadong may pinaplano ang ngiti ng mga ito at kilig na kilig pa.

“Ba’t ako?” mabilis na reklamo niya at takang napatingin sa mga ‘to.

Sabay na napatingin ang mga ito sa kaniya, “Yeah, bakit ikaw? Of course ikaw ang nakatayo d’yan babae ka! Kaya ikaw na tumayo dahil customer natin sila, remember?”

Nag-ikot muna siya ng eyeball at nag-make a face bago sinunod ang sinabi ng dalawa. Nakalagay sa isang tray ang isang order ng coffee at lumunok muna siya ng ilang beses bago nagsimulang humakbang patungo sa deriksyon ni Zyd Caiden sa isang tabi. Pinilit niyang i-compose ang sarili at ngumiti ng pilit sa harap nito nang ilapag niya ang kape.

“Here’s your cappuccino, Sir.”

Tumango lang ito. Nasa cellphone nito ang atensyon at hindi man lang siya tiningnan. Lihim siyang napaismid at tumalikod. Sinunod niyang ibigay ay ang order sa kabilang table. Naghiyawan ang mga ito nang lumapit siya kay Henrik at marahan nilapag sa harapan nito ang kapeng inorder.

“Dude! You forgot to breath. Come on, breath!” Tinapik ng isang kasama nito si Henrik sa balikat nang makitang nakatingin lang ito sa kaniya.

Napailing na lang si Lianne sa ingay ng mga ito at ang dalawa na ang sinenyasan na maghatid ng mga order ng ilan sa mga kasamahan nito. Nananadya talaga ang dalawang lukaret na ito. Akala siguro ng mga ito natutuwa siya. Nagtutulakan pa ang dalawa sa kilig na kulang na lang ay ibalot siya ng mga ‘to at ibigay ng libre.

“Alam mo Lianne, ipupusta ko sarili ko. May gusto sa`yo si King Henrik.” nakangiting siwalat sa kaniya ni Hera nung naghanda na ito para sa uwian nila nang gabing iyon.

Ang hilaw ng ngiti niya at tinanguan ito para tumigil. Bakit ba puro bukambibig ng mga kasama niya ang lalaking iyon? Bago kasi umalis ang mga ito kanina, ningitian muna siya ng nakakalaglag panty at nagbigay ng malaking tip sa tipbox.

“Pero mas bet ko si Captain!” biglang singit ni Trixie at tumigil sa pagma-mop. Talagang lumapit pa ito sa kaniya at sinundot ang kaniyang tagiliran. “Hoy, babae ka! Turuan mo naman kaming maging kaganda-gandang babae na tulad mo na sobrang haba ng buhok at umabot pa sa Egypt! Shuta ka! Nakakainggit.”

Tinapik niya ang kamay nito at kinurot sa tagiliran. “Tigilan mo nga ako sa kaka-captain mo d’yan lukaret ka! Kita mo na nga na pinuntahan tayo ng fiancée nito kanina at inaway.”

“Ay oo nga pala!”

“Kaya nga si King Henrik lang ang bagay para kay Lianne,” pinagtaasan ni Hera ng kilay si Trixie at iningusan ito.

“Hindi! Si Captain Zyd.”

“Si King Henrik.”

“Si Captain nga kasi.”

Napasigaw na lang si Lianne sa dalawang naghahampasan ng basahan. Nung pumagitna siya sa mga ito para pigilan, sa mukha niya tumama ang basahan na gamit ng dalawa. Nakakamatay na tingin ang binigay niya sa mga ito at parang asong bahag ang buntot na nagsialisan ang mga ito sa harapan niya at naglinis na. Minsan hindi niya rin maintindihan ‘tong dalawa na ito, eh. Ang sasarap pagkurutin at ibalot ng tela saka itapon sa dagat. Bwesit!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.