Dominant Series 4: Tempter (Zyd Caiden McCluskey) Chapter 23

Dumaan muna siya sa Country’s Coffee Shop at bumili ng kape bago siya bumalik sa Hospital. Nakasabay niya sa elevator ang ex niyang si Kate. Agad itong kumapit sa kaniyang braso pero mabilis niyang tinanggal iyon. Saka lang niya napansin ang suot nitong singsing. Mabilis niyang kinuha ang kamay nito at mahigpit na tiningnan. Napakunot siya ng noo at masamang tiningnan ang babae.

“Where the fuck you get this?”

Napangiwi ito sa sakit mula sa kaniyang pagkakahawak. “You’re hurting me!”

Tumalim ang kaniyang tingin dito at mas lalong hinigpitan ang pagka-kahawak ng kamay ni Kate. “Where?!”

“From Lianne!” Hinila nito ang kamay at mabilis na tinago sa likuran nito, “She gave me this, saying I deserve this ring since you bought it for me.”

Damn! Pinigilan niyang huwag magalit. Kinalma niya ang sarili at walang emosyong tiningnan ang babae, “Give me that.”

“No!” Umatras ito at nagbigay ng distansya sa kaniya. “It’s mine! You bought this for me so I’m the real owner of it.”

“None of any ring deserves you, Kate.”

Bumukas ang pintuan at nauna siyang naglakad habang naiwan ito sa loob ng elevator na hindi nakahuma. Tiningnan niya ang cellphone at may sinend sa kaniya si Hudson 10 minutes ago. Isang app at location ito ng isang tao na may picture pang kasama ng isang lugar.

‘Bobo ka minsan kaya may naka-attached na picture para makita mo. Don’t be blinded by fake people sorrounded you. Good luck, dude.’

Tiningnan niya ang lugar na sinend nito, mga dalawang oras ang byahe at kapag pupunta siya ro’n, baka maglilihis ang daan nilang dalawa but fuck! Bahala na. Kailangan nilang mag-uusap dalawa. Hindi ibig sabihin na pupuntahan niya ang babae, naniniwala siya kay Kate. Minsan na siyang nagtiwala sa kaniyang ex, kaya ang paniwalaan lahat ng pinagsasabi nito ay wala sa kaniyang bocabularyo.

Hintayin mo ‘ko, Elhouette. Mag-uusap tayo.

Natigilan si Zyd nang makita si Elhouette na puno ng confidence na nakaharap sa camera. Nakangiti ito at sobrang ganda sa suot na off-shoulder white dress at may pino-promote na product habang umiikot ang camera. Para siyang nakakita ng diyosa ng mga sandaling iyon kaya halos hindi niya mabawi ang kaniyang paningin sa inosenteng mukha nito. Bumagay ang make up sa magandang mukha nito at hindi niya mapigilan ang sariling hangaan ang asawa— fuck!

Nasa kalayuan lang siya nakatayo habang nakasuot ng cap para walang masyadong makapansin sa kaniya. Tiningnan niya ang suot na orasan, hinihintay niyang matapos ang mga ito. Walang Gustavvson siyang nakita.

“Wait, is that Captain McCluskey?!”

Napatayo siya ng maayos nang ilan sa mga staff na ando’n sa resort ay napatingin sa kaniya. Ilan sa mga ito ay kinikilig at nagtutulakan. Damn! Inayos niya ang suot na cap at halos takpan ang kaniyang mukha pero nagsimula na ang mga itong nagsilapit sa kaniya at nagkagulo.

“Captain! Can we have a picture, please?”

“Me too!”

“A hug from me!”

Fuck. Kahit ayaw na ayaw niya ng public attention, wala siyang magawa. Ito ang pinili niyang career. Ngumiti na lang siya sa mga ito kahit hindi iyon ang kaniyang pakay. Nagtitilian naman ang mga kababaehan at sabay na nagsilapitan sa kaniya. Kaniya-kaniyang yakap ang mga ito at nag-aagawan sa pagpipicture na kasama siya. Napatingin siya kay Elhouette, napansin niyang nakatingin ito sa kaniya at tapos na rin ito sa photo shoot.

Agad siyang humiwalay sa kaniyang mga fans at mabilis na nilapitan ang babae. “Wife.”

Tumaas ang kilay nito at mas lalo itong gumanda sa malapitan. Mag-mamaldita na sana ito sa kaniya nang maalala nitong nasa public sila at lahat nakatingin sa kanila. Napilitan itong ngumiti mg matamis pero kitang-kita niyang nandidilat ang mata nito. Namulsa siya at seryusong tiningnan ito habang hinihintay niya ang gagawin ni Elhouette.

“B-baby!” Napilitan itong yakapin siya at halikan sa pisngi. “Anong gina-gawa mo rito? At nasundan mo pa talaga ako rito, ha? Lupit mo, Zyd!” nakangiti pa rin ito pero kulang na lang ay ibaon siya sa hukay sa talim ng tingin na binigay sa kaniya.

“Sumama ka sa`kin.”

Nag-iba ang timpla ng mukha nito na nakatingin sa kaniya at sandaling napatingin sa paligid. Lahat nakatingin sa kanila at may kumukuha pa ng mga pictures. May ibang halatang kinikilig may ibang nagbubulungan at hindi nagustuhan si Elhouette para sa kaniya.

“Kung ayuko?”

“Mapipilitan akong pangkuin ka at halikan.”

“Baliw ka ba?! May shoot ako at hindi ako pwedeng umalis.”

Ngumisi siya. “Now, mamili ka. Sasama ka sa`kin o hahalikan kita.”

“Bwesit ka!”

Ngumiti siya. It means, yes. Agad niyang hinawakan ang kamay nito at hinila ito paalis sa lugar na iyon. Napanganga na lang ang mga kapwa co-model nito at ang manager. Walang nagawa ang kaniyang magaling na asawa ng hilain niya ito paalis at isakay sa kaniyang sasakyan.

“Ano ba’ng gusto mong mangyari, Zyd? Hindi mo naintindihan? I want a divorce! Ayuko ng magkaro’n ng kahit anuman ugnayan sa`yo—”

“Will you please cut the fuck off, Elhouette!” putol niya sa sinabi nito. “You wanted a divorce? Okay, aabot tayo sa bagay na ‘yan. But now, my Mom badly wants to see you so please, shut the fuck off. Nangako ako sa kaniya.”

“Ikaw ‘yong nangako, hindi ako.”

Natigilan siya. Hindi niya agad nasagot ang tinapon nitong salita. Tumingin siya sa kalsada at bumuntunghinga. “What happened to us?”

Natawa naman ito sa kaniyang tanong at punong-puno iyon ng sarkasmo, “What happened? Really? Tinatanong mo iyan, Zyd? Why won’t you fucking asked yourself then?” taas-noong tanong nito habang nakahalukipkip.

“Asked myself?” natawa siya at nagsimulang i-start ang makina ng sasakyan. Kahit siya, hindi niya alam ang dahilan. Nagkamali lang siya sa parteng nasigawan niya ito sa Hospital dahil nung nagdala ito ng bulaklak.

Pero pagkatapos, humingi siya ng sorry nung natulog ito at hinalikan. Nag-guilty siya at alam niyang mali ang masigawan ito. Sa parteng iyon, alam niyang nasaktan niya ito. Nawalan siya ng oras kay Elhouette, nawalan siya ng oras para sa kanila, naglalasing siya kasama si Kodi at ibang kasama sa hockey team. Kapag nalalasing na siya, hindi niya na alam anong sumunod na nagyari.

“Ito na ‘yong huling magkasama tayo, Zyd. Huwag mo na rin akong disturbuhin pa. Masaya na ako kung saan ako ngayon, ‘wag mo na sanang guluhin pa.”

Humigpit ang kaniyang pagkakahawak sa manibela. Hindi siya sumagot nanatiling nakatuon ang kaniyang atensyon sa kalsada.

Dumating sila sa Hospital. Gabi na pero mamaya niya na yayain kumain ito pagkatapos nilang bisitahin ang kaniyang ina. Deritso nilang pinuntahan ang room at nang makita ng Mommy niya si Elhouette, bigla itong napaluha at niyakap ang babae.

Nasa tabi lang siya habang nakaalalay sa likod nito na nagpumilit bumangon.

“Y-you’re finally here...”

Nahabag si Lianne sa sitwasyon ni Mrs. McCluskey. Parang kinuyom ang puso niya sa kalagayan nito ngayon na sobrang nangayat at nanghihina. Naging mabait itong mother in law niya kahit hindi niya kasundo ang anak nitong babae. Sa tuwing nagkikita sila nito dati, alagang-alaga siya. Tinuring din siya nitong anak kaya ang makita itong halos hindi makabangon, labis na naglungkot sa kaniya.

Ginanap niya ang kamay nito at pinipigilan ang sariling ‘wag umiyak sa harap nito. Bigla siyang nakaramdam ng konsensya sa isiping, lagi siya nitong hinahanap.

“Ma’m...”

“C-call me... Mommy...”

Marahan siyang tumango at ngumiti. Nagpaalam naman si Zyd at lumabas ito habang sila lang dalawa ni Mrs. McCluskey sa loob ng pribadong silid. Agad siyang humingi ng pasensya sa mabait na Ginang at ngumiti lang ito. May inabot ito sa kaniyang singsing.

“T-the 4rth generation of family heirloom engagement ring... I... I like you so much, dear... Take it...”

Naluluhang tinanggap niya iyon at hindi niya napigilang umiyak sa kamay nito. Bakit pakiramdam niya, namamaalam ito? Huwag naman sana. Kahit ‘di niya ito totoong ina, nasasaktan siya.

“Promise me... You will love him...”

Paano ba niya sabihin na wala na sila at hindi naman talaga siya pang-life time wife ni Zyd? Paano ba sabihin lahat? Kahit gusto niyang ibuka ang bibig, hindi niya makapa ang boses.

“I’m growing tired, Lianne...”

“No... Don’t say that, please?” naiiyak na pakiusap niya. Humigpit ang kaniyang pagkakahawak sa kamay nito.

Ngumiti ito at pinunasan ang kaniyang luhang hindi niya napansing bumagsak, “Zyd loves you...” marahang saad nito.

Nagulat siya at hindi nakapagsalita. Mahal siya ni Zyd? Imposible. Hindi pa ito nakapag-move on sa matagal na relasyon nito kay Kate, iyon ang totoo. Mapait siyang napangiti. Kung sabihin ba niya kay Mrs. McCluskey ang nakita niya, sasabihin pa rin ba nitong mahal siya ng anak nito? Paano niya mapapantayan ang ilang taon na relasyon ng anak nito kay Kate sa ilang buwan na relasyon nila ni Zyd? Kung sa memories lang basihan, wala, talo siya. Anong panama sa ilang buwan sa ilang taon? Wala.

“A-all you need... Is... Widen your patience. He loves me so much and seeing me like this broke his heart... Zyd is like a shell...” sandali itong tumigil at hinaplos ang kaniyang buhok at pisngi, “And as his Mom, it hurts me as well... So dear, take good care of him, okay? Love him like how I love my son.”

Napakagat siya ng labi at marahang tumango. Sunod-sunod na nagsipatak ang mga luha sa kaniyang mata. Kahit anong pigil niya, lumalabas iyon at tuluyan siyang napahagulhol sa kamay nito. Bakit sobrang sakit? Hindi niya maintindihan kung para saan ang iyak na iyon. Hinayaan lang niya ang sariling umiyak nang umiyak habang hinahaplos nito ang kaniyang buhok. Nasasaktan siya sa isiping parang namamaalam na ito.

DALAWANG linggo pagkatapos nilang mag-usap nang emosyonal ni Mrs. McCluskey, dahan-dahang bumabalik ang lakas at kahit papaano, bumabalik ang kulay nito. Araw-araw niya itong binibesita at pinapangiti. Pwera na lang kung and’yan si Kate at nangdedemonyo kaya napipilitan siyang umalis para ‘di sila mag-away sa harap ng Ginang.

Tulad ng dati, walang matinong usapan ang namamagitan sa kanilang dalawa ni Zyd. Ang laging nakakausap lang niya, si Zig at puro kabalastugan lang ang alam. Nagkikwento ito about hayop, insekto, ahas at mga tulad ni Kate. Minsan baliw rin talaga si Zig.

Nag-request din si Mrs. McCluskey na sa bahay na ito magpapagaling kaya kapag laging libre ang kaniyang oras, dumideritso siya sa bahay ng McCluskey at pinapasaya ito. Nagkikwento ng kung anu-ano at halos puro sabog ang kaniyang pinagsasabi sa Ginang. Natatawa na lang ito sa kaniyang kabaliwan at kagagahan.

Hindi nga niya alam kung bakit welcome pa sa bahay ng McCluskey si Kate. Well, siya nga temporary wife lang welcome nga ‘di ba? Kaya kahit ayaw niyang makita ang babae, napipilitan siyang umalis sa tuwing dumadating ito at nagdadala ng kung anu-ano. Kasi kung siya ang susundin, nakakabwesit ang pagmumukha ni Kate at baka iyon ang dahilan ng panghihina lalo ng Ginang sa mukha nitong may rabies.

Nang araw na iyon, katatapos lang ng meeting niya kasama ang mga co-models kaya nagmamadali siyang umalis at bumili ng prutas. Excited siyang dumalaw sa bahay ng McCluskey dahil marami siyang ikikwento. Tatlong araw na simula nung huli niyang dalaw rito kahit ang sabi naman sa kaniya ni Zig, nagre-response sa gamot ang Ginang. Nung nakaraang nga, nag-video call pa sila nung habang nasa out of town siya for photo shoot. Masaya silang nag-uusap at binibiro pa siyang namimiss ba raw niya si Zyd dahil miss na miss na raw siya ng anak nito.

“Hey, Elhouette!” palabas na si Zig nang makasalubong niya ito pintuan ng McCluskey. Nakasuot ito ng White Coat at may bitbit na white bunny.

Napatingin siya sa bunny nitong dala at pinisil ang teynga nito. “Ang cute-cute! Can I have this, please?”

Natawa naman ito at napakamot ng ulo. Nag-iisip kung anong sasabihin saka ginulo ang kaniyang buhok. Maarteng inalis naman niya iyon at inirapan ang binata.

“I’m afraid, I can’t.” Ngumiti ito. “This little bunny is sick. I need to cure her or she’ll die.”

Napa-aww naman siya at napatango-tango. Pinanggigilan pa niya ang teynga ng kawawang bunny. “Sorry little fella.”

Natawa ito at umiling-iling. “He’s right, you are innocent. Its cute.” wala sa loob na sabi nito at nagpaalam na sa kaniya. Pero bago iyon, sinabi nitong kanina pa siya hinihintay ng ina nito. Nagbiro pa ito na nakakatampo raw siya dahil siya lagi ang gustong makita kesa sa gwapong pagmumukha raw nito.

Inismiran lang niya ang nakakawalang ganang joke ni Zig at deritsong nagpunta sa kusina. Nagbalat siya ng orange at nilagay ito sa maliit na plato. Nag-hiwa rin siya ng avocado at mangga. Dahil sanay na siya sa bahay ng McCluskey, okay lang sa mga ito na mangialam siya sa kusina. Mabilis siyang nagluto ng pagkain at nung okay na, hinanda niya ito sa tray kasama ang baso ng tubig.

Eksaktong nagpunta sa kusina ang personal nurse ni Mrs. McCluskey at masaya itong nakita siya. Nagkwento pa ito na ayaw raw kumain ng Ginang at wala raw gana kaya hindi pa ito umiinom ng gamot. Tamang-tama! Inabot sa kaniya ng Canadian nurse ang ilang mga gamot at kinuha niya iyon saka ito bumalik sa silid ng Ginang. Siya na lang magpapainom.

Sandali siyang natigilan ng may tumawag sa kaniyang cellphone. Sinagot niya iyon pero masyadong choppy ang linya kaya napilitan siyang umalis sa kusina. Panay hello siya hanggang sa nawala ang tawag. Tumawag pa ito ulit at gano’n pa rin, choppy. Putol-putol ang pagsasalita nito at namatay ang tawag.

Ang creepy, shit!

Ini-off niya ang phone at bumalik sa kusina, bitbit niya ang tray na puno ng pagkain at nagtungo na sa silid ni Mrs. McCluskey. Tiyak na masusurpresa ito pag nakita siya. Pero siya pala ang nasorpresa, ando’n si Zyd at kausap ang Mommy nito. Habang sa sulok ang nurse at nakaupo, may chini-check sa record na hawak at sa mga gamot na nakahilera. Nang makita siya, tumayo ito at lumabas ng silid para magbigay ng privacy.

“Mom, I’m here!” anunsiyo niya.

Mabilis napalingon ang dalawa sa kaniya at kung gaano kalawak ang ngiti ni Mrs. McCluskey, gano’n naman kaseryuso ang tingin sa kaniya ni Zyd. Lihim niyang inirapan ito sa likod ng kaniyang utak. Paki nito? Tusukin niyang mata nito, eh.

Mabilis siyang lumapit sa mga ito at bumangon ang Ginang. Nagka-mustahan pa sila at tinanong ang 3 days out of town niya. Nakangiting sinagot naman niya lahat ng tanong nito at kahit wala na itong buhok, maganda pa rin itong tingnan.

Nakakatuwa lang, dahil panay daldal siya at tawa sa mga kabaliwang ginawa during shoot. Habang naubos ni Mrs. McCluskey ang lahat ng pagkain dinala niya. Sa tabi niya, nanatiling nakikinig si Zyd sa kanilang pinag-uusapan pero seryuso ang aura.

Matapos niyang pinakain ito ng prutas, hinanda niya ang gamot na susunod na iinumin. Ang sabi ng Doctor an dumalaw rito na kilala niya sa pangalang Doctor Hudson Hayes, kaibigan daw ito ni Zyd. Okay ang response ng Ginang sa lahat ng gamot. Ibig sabihin, lumalaban ang katawan nito kaya may iniwan itong advice, na kung maari, patawanin at pangitiin ito lagi.

“Lianne...”

“Mom?”

“Zyd loves you very much.”

Pareho silang nagulat ni Zyd sa sinabi nito. Nagkatinginan sila pero agad nagbawi ng tingin sa isa’t isa. Pinigilan niyang ‘wag mamula ang mukha at baka mamis-interpret ito ng lalaki.

“Mom!” Si Zyd na late reaction. Dahil maputi ito, kitang-kita na namula ng husto ang buong teynga nito at leeg.

Parang gusto niyang matawa. First time niyang makita na nag-blush si Zyd kaya ang cute lang nitong tingnan pero hindi sila close. Kaya inayos niya ang pagkakaupo at ginawang biro ang sinabi ng Mommy nito.

“Nakuu Mommy!” hilaw siyang natawa, “Of course he loves me. I’m— His wife!” parang may bumikig sa lalamunan niya ng sabihin niya iyon. Wife nga ba?

Bumuntunghinga ito, ginanap ang kaniyang kamay at kamay ni Zyd. Parehong hawak ni Mrs. McCluskey ang kanilang kamay ng lalaki at nagsalita.

“You think I didn’t know?”

Pareho silang natigilan.

“That you are his contract wife, Lianne?” Ngumiti ito.

Nagbaba siya ng tingin at napakagat ng labi.

“Its okay dear. I knew it pretty well since I saw you. But... I like you so much for my son! I like you more than, Kate.”

“Mom!”

“Shut up, Zyd! How many times do I told you, do not interfere when someone is talking. “ Nagtikom naman ng bibig si Zyd at nagbaba ng tingin. Namula na buong mukha nito at naging uneasy sa upuan. “Zyd may not good in words but...” marahan itong natawa at tumingin sa kaniya, “He’s perfect on showing his love thru action and I’d seen it all.”

“Mom sto—”

“One more Zyd!”

“Sorry.”

Siya naman ang namula at hindi alam ang sasabihin. Ang lakas ng tibok ng kaniyang puso at halos hindi niya marinig ang ibang sinabi ng Ginang. Mahal siya? Pero bakit? Ano ‘yong nakita niya. Ano ‘yong mga pambabalewala sa kaniya ni Zyd? Nalito siya bigla. No, wala na siya sa pagiging marupok. Tapos na siya sa stage na ‘yan.

Ngumiti lang siya sa sinabi ni Mrs. McCluskey at hindi na nagsalita pa. Hi-nanda niya ang gamot at ang tubig, oras na nito para inumin ang gamot.

“Lianne...”

“Po?”

Ngumiti ito at hinaplos ang kaniyang buhok. “I like you. Please, don’t change.” Tumango siya bilang sagot sa sinabi nito at hinarap nito si Zyd. “Zyd... Why won’t you tell her right now, right here, how much you love her?” pagalit na tanong nito kay Zyd.

Namumulang nagtaas ng tingin si Zyd at napatingin sa kaniya. Halos hindi siya nito kayang tingnan habang siya, walang pakialam. Mahal? Kung sinabi siguro nito dati nung nasa Paris sila, baka namatay pa siya sa kilig at umuwing Pittsburgh na parang naka-drugs. Hindi sila mga bata ni Zyd, wala sila sa high-school na puro habul-habulan at laruan ng feelings. Punyetang pagmamahal iyan!

“Mom, Elhouette and I will talk about it privately. You ruined my chance,” pabulong na saad nito sa teynga ni Mrs. McCluskey pero rinig na rinig niya.

Natawa ang Ginang at ginulo nito ang buhok ng lalaki, “Choose someone that choses you.”

Sandali siyang natigilan sa sinabi ng Ginang at napakagat ng labi pero lihim din nag-ikot ang kaniyang mata. Ruined his chance? Matagal na. Isang buwan na ang nakaraan. Ito ang sumira, remember! Gusto niyang ipamukha rito kay Zyd pero pag ginawa niya iyon, lumalabas na affected siya.

“Okay enough for me!” natatawang saad nito. “Time for my candies.” Hinarap nito ang gamot na nasa kaniyang kamay.

Inabot niya rito iyon at kasunod ang tubig. Tatlong gamot iyon na iba’t iba ang kulay at hugis. Naghintay siyang malunok ni Mrs. McCluskey ang gamot at saka ito humiga ulit sa malambot na kama. Nang makitang okay na ito, tumayo siya para ihatid sa kusina ang dalang tray.

“Fuck! Mom!”

“Wha—” Nagulat siya nang makitang bumubula ang bibig ni Mrs. Mc-Cluskey at nahihirapang huminga. God! Anong nangyayari?! “Mrs. McCluskey!” Mabilis niyang hinawakan ang kamay nito at ‘di alam ang gagawin. Bigla siyang nalito at natuliro. May naging mali ba sa pinakain at pinainum niyang gamot?

“Fuck it! Nurse! Nurse come here, fuck it!”

Bigla siyang napaatras habang naghahabol ng hininga ang Ginang at may mga puting likidong lumabas sa bibig nito. Nagsimulang magtubig ang kaniyang mata at nanginig ang kaniyang katawan. Anong nangyayari?!

***

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.