Dominant Series 4: Tempter (Zyd Caiden McCluskey) Chapter 24

Mabilis sumaklolo ang Nurse at nagsuhestiyon na dalhin sa Hospital si Mrs. McCluskey. Kahit ang Nurse, nagulat din at kahit nataranta, nakaya nitong kumalma at inutusan si Zyd na buhatin ang ina nito at dalhin sa Hospital.

Hindi siya mapakali sa kinauupuan habang panay iyak niya sa labas ng ER. Parang kanina lang, ang saya nilang nag-uusap ni Mrs. McCluskey. Parang kanina lang... Alam niyang wala siyang nilagay ng kahit ano sa kaniyang nilutong pagkain. Nanginginig pa rin siya habang niyakap ang sarili at naghihintay ng balita.

“Zyd!” Napatayo siya nang makitang lumabas ang lalaki at hinang-hinang napatayo sa pintuan. Napatingin ito sa kaniya at punong-puno ng sakit at galit ang mga mata nito. “Zyd...” gumuhit lang iyon sa kaniyang lalamunan.

“Why?!” Hindi niya napaghandaan nang mabilis siyang lapitan ni Zyd at isinandal ng malakas sa dingding. Nasaktan siya pero tiniis niya ang sakit. “Why the fuck you poisoned my mother?!” nanginginig sa galit ang boses nito at kitang-kita niya ang sakit na bumalatay sa mga mata nito.

Nagulat siya. Nilason? Napailing-iling siya. Hindi niya ito maintindihan. Nalilito siya bigla. Paanong nilason? Bakit niya gagawin iyon in the first place? “A-anong pinagsasabi mo... Hindi ko magagawa ‘yan at alam mo ‘yan!”

Dumaloy ang luha sa mata nito at mariin siyang tinitigan. Puno ng pag-kasuklam ang kislap ng mata nito. Parang sinasakal ang kaniyang puso sa nakikitang galit nito. “My… My Mom is dead,” nanghihinang sabi ni Zyd sa kaniya.

Parang bumagsak ang mundo niya nang marinig ang salitang lumabas sa bibig nito. Nanginginig ang kaniyang labi. Hindi niya kayang i-absorb ang sinabi ni Zyd at parang nahahati ang puso niya sa sakit.

“N-no... Ba-bakit? Hindi... Hindi ‘yan totoo!” Tinulak niya ito at mabilis na tumakbo sa loob kung saan ginagamot ang Ina nito.

Napailing siya. Hindi! Hindi totoo ang kaniyang nakita. Hindi ito totoo. Binibiro lang siya ni Mrs. McCluskey. Malakas pa ito kanina, eh. Malakas pa ito. Nanginginig ang kaniyang mga tuhod nang ihakbang niya iyon papalapit sa babaeng tinuring siyang anak. Napatingin sa kaniya ang mga Doctor at malungkot na umiling. Walang salitang lumabas ang mga ito.

“Mrs. McCluskey?” halos walang boses ang lumabas sa kaniyang bibig. “M-mom...” gumaralgal ang kaniyang boses. Hinawakan niya ang kamay nito at niyugyog ang katawan habang yakap-yakap ito. “Mrs. McCluskey naman, eh! Gumising ka! Mom naman, eh. Huwag naman kayong magbiro ng ganiyan sa`kin... Please...” hindi niya mapigilan ang sariling humagulhol ng malakas at niyakap ito. Nagbibiro lang ito, eh. Binibiro lang siya talaga...

Isang malakas na kamay ang humila sa kaniyang balikat at pinalayo siya. Si Zyd iyon at punong-puno ng galit ang mata nito. “Leave.”

Napakagat siya ng labi. “Zyd... Hindi ako—”

“I said, leave!” malakas na sigaw nito.

Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha sa kaniyang mata. Siya ba ang sinisisi ni Zyd sa pagkamatay ng Ina nito? Wala siyang kasalanan at ‘di niya alam kung bakit nangyari iyon. Kahit siya, nagulat din. Napamahal sa kaniya ang Ginang at ang isipin na wala na ito ay sobrang sakit sa part niya.

“Z-zyd...”

“Umalis ka, Elhouette! Alis! Puta, hindi mo ba maintindihan? Umalis ka putangina!”

“Pero wala akong kasalanan dito. Bakit mo sa`kin sinisisi? H-hindi ko ma-gagawa—”

“Then who the fuck is? Tell me! She’s battling for her stage 4 cancer but what did you do?! Ha? Tell me!”

Napaigik siya sa sakit nang hilain siya nito paalis sa ER pero kinakalas niya ang kamay nitong mahigpit na nakahawak sa kaniya. “Hindi ko alam! Hindi ko alam, okay?!”

“Putanginang hindi ko alam iyan, Elhouette!” Sinipa nito ang mga kaga-mitan sa loob at nagkandabasag-basag ang mga iyon.

Pinikit na lang niya ang mata at hinayaang magsibagsakan ang mga luha. Kahit pa isigaw iyang wala siyang alam at kasalanan, sirado ang utak nito.

“Zyd bro, how’s Mom!”

“How’s Mommy?!”

Pareho silang natigilan ni Zyd nang pumasok si Zig at kasunod nito ay si Kate. Nagulat ang mga ‘to nang makitang wala ng buhay si Mrs. McCluskey na nakahiga sa Hospital bed.

“No! Bullshit, nooo!” Patakbong lumapit si Zig rito at isang malakas na sampal ang hindi niya inaasahang nakuha mula kay Kate.

“Murderer!” galit na sigaw nito sa kaniya.

Nasapo niya ang pisnging sinampal nito. Wala siyang magawa kundi ang umiling at napakagat ng labi. Hindi iyon totoo. Pakiramdam niya, naghihina siya at ang sandali lang, babagsak siya. Kailangan niya ng makakapitan...

“Leave now, Elhouette. We don’t need a murderer like you.” Kinuha ni Zyd ang kaniyang kamay at hinila siya nito papalabas pero binawi niya ang kamay at malakas na sinampal ito. Nabaling ang mukha nito sa sampal na kaniyang binigay.

“Bakit Zyd? Naniniwala ka ba na ako, ha? S-sa tingin mo, kayang gawin ko ‘yon? Kahit ngayon man lang paniwalaan mo ‘ko!” garalgala ng kaniyang boses nang sambitin niya ang mga katagang iyon sa harap ng lalaki.

“Leave, bitch!” Hindi niya napaghandaan ang malakas na pagtulak ni Kate.

Napaigik siya sa sakit nang tumama ang kaniyang puson sa matigas na bagay na nando’n sa loob ng Emergency Room. Bumalandra siya sa sahig. Masakit!

“Leave bitch or we’ll call the police!” Hihilain pa sana siya ni Kate sa buhok nang pigilan ito ni Zyd.

“Enough, Kate.”

“But she killed your mother!” galit na sigaw nito habang umiiyak.

“Umalis ka na, Elhouette. Huwag mong paabutin sa punto na ako mismo ang tatawag ng Pulis.”

Napahikbi siya. Hindi sa sakit na salitang binitawan ng mga ito kundi sa sobrang sakit ng puson na naramdaman. Napaigik siya at nahihirapang huminga sa sakit.

“Z-zyd...” tawag niya sa lalaking nagsimulang humakbang patalikod kasunod ang maarteng ex nito. Nahihirapan siyang tumayo. Namutla siya sa nakitang may tumagos na maraming dugo sa kaniyang binti. Maraming dugo. “Zyddddd!!!” napatili siya ng malakas at kasunod ay biglang bumagsak ang kaniyang katawan sa malamig na sahig ng Hospital na iyon. Biglang naging madilim sa kaniya ang lahat.

NATATAWANG pinugpog ng halik ni Lianne ang batang karga-karga niya. Ang cute ba naman kasi nito! Isali pa na sobrang cute nitong tumawa at nakakawala ng stress.

“How are you baby, ha? Why so cute talaga? Hmm? Ang cute mo!” pinan-ggigilan niya ang kawawang pisngi nito at leeg habang humahalakhak naman ito.

Parang dati lang, ang liit pa nito at karga-karga pa niya. Ngayon, ang bilis ng panahon. Napangiti siya at hinaplos ang makapal nitong buhok.

“Hoy babae! Inaaswang mo na naman ang anak ko.” nakabusangot ang mukha ni Hera nang lapitan siya nito. Galing ito sa restroom at sandaling umihi.

Ang lakas ng tawa niya at pabirong binatukan ang babae. “Halatang hindi ka madamot sa anak mo, ‘no?”

“Malamang! Ang gwapo-gwapo kaya ng anak ko. Tatay ba naman niya ay American, sinong ‘di gwapo ang lahi?”

Nag-ikot siya ng mata at inismiran ito. Totoo naman talaga. Nakapag-asawa ito ng American na times two sa edad kay Hera at masaya itong namumuhay kasama ang asawa sa Pittsburgh.

“Oo na, daming satsat eh.”

Tinaasan lang siya nito ng kilay, “Saan ba si Trixie?”

“Naghahanap ng chocolate. Nagki-crave ng chocolate ang pinagbubuntis niya.” Natatawa niyang sagot. Iniisip niyang maging color chocolate rin ang anak nito paglabas.

Sa kalandian ni Trixie, may pumatol na manager dito at nabihag ang puso. Kaya instant, may-ari ng restaurant na ang babae kasama ang asawa nitong Half Indian, Half Canadian.

“Eh, ikaw?”

Bigla siyang natahimik. “Anong ako?”

“Zyd.” Isang pangalan ang binanggit nito.

Natawa siya sa sinabi nito. Paborito talaga nitong topic ang lalaking matagal niya na binaon sa limot. Pagkatapos nung nangyari sa Hospital, wala na. Lahat-lahat tinapon niya na maliban sa masayang alaala kasama si Mrs. McCluskey lang ang kaniyang iniwan. Bago pa niya sagutin ang tanong ni Hera, may batang mabilis na tumakbo papalapit sa kaniya.

“Mommy!”

“My baby!” Mabilis niyang sinalubong ang yakap nito at kinarga. “Musta ang baby kong sobrang kulit na? Pinahirapan mo ba si Tito Henrik mo, ha?”

Mabilis itong umiling. “Of course not! I was mabait to Daddy. He give me this nga, oh.” Pinakita nito sa kaniya ang bagong catalog na ang cover ay siya. “Mommy, look! This lady looks exactly like you. Sabi ni Daddy Henrik, ikaw raw ‘tong Queen na ‘to but I don’t believe him kasi you looked like witch to me.”

Naglinya ang kaniyang kilay sa sinabi ng anak. Kung anong katabilan niya nung bata pa siya, mas doble yata ‘to. Nabaling ang kaniyang tingin kay Henrik na tumatawang umupo sa harap nila. Nasa beach resort sila at nagkatuwaan mag-unwind pero dahil makulit ang anak niyang 2 years old at madaldal na, napilitan itong samahan ang kaniyang prinsesa kanina at maglibot.

“Ang cute ng anek mo, alam mo ba ‘yon?”

Sabay naman silang naghalgapan ng tawa ni Hera. Hanggang ngayon, nagra-randomize pa rin ang mga salita nito kapag nagsasalita ng tagalog. Ang gwapo lang.

“Mommy, can I go with Daddy Henrik?”

Nagtaas siya ng kilay, “To where?”

“To the ice rink! I wanna play hockey. I saw it on the TV.”

Awtomatikong napanganga sila ni Hera sa sinabi ng kaniyang anak. Saan nito nalaman ang salitang hockey? Nagtaas siya ng tingin at masamang tiningnan si Henrik. Umiling-iling naman ito at nag-sign language na walang kinalaman sa pinagsasabi ng kaniyang prinsesa.

“Aerush Li Vergara…”

Napaismid ang magandang mukha ng kaniyang anak. Kung may nakuha man ito sa kaniya, ‘yong kahiligan niyang umismid at sumimangot. Natawa si Hera sa tabi at sumisenyas ito na patay siya. Napabuntunghinga na lang siya nang ma-kitang nag-puppy eyes ito. Wala na, tunaw na tunaw na naman ang puso niya. Bakit ba binigyan siya ng sobrang gandang anak? Nakakapanggigil! Wala siyang magawa kundi ang tumango.

Hindi siya nag-aalalang maglandas muli sila ni Zyd dahil after all, wala na rin siya sa buhay nito. Ayon kay Hera at Trixie, nag-focus sa Hockey ang lalaki at malaki ang pinagbago nito. Hindi na ito ang dating Zyd na mabait at marunong makisama sa mga taong nakapaligid dito. Pasalamat din siya na hindi siya nito hinanap... Or bakit naman pala siya hanapin. Pinalayas siya nito. Pinagbintangan.

Nung nawalan siya ng malay, si Zyd ang bumuhat sa kaniya at iniwan rin siya sa mga kamay ng mga Doctor. Nung magising siya, si Henrik ang nasa kaniyang tabi ang matiyagang naghihintay at puno ng pag-alala ang mukha. Napansin din niyang may pasa ito sa mukha at putok ang labi. Kahit hindi nito sabihin, alam niyang nagsuntukan si Zyd at Henrik.

Pagkatapos no’n, ayaw niya ng maalala ang sumunod na nangyari. Mas-yadong masakit na para alalahanin kaya pinili niyang ibaon sa limot lahat. Ang mahalaga, dumating sa kaniya si Aerush. Ang pinakamagandang regalo na kaniyang natanggap.

“Okay! As long as Tito—”

“It’s Daddy, Mom. Daddy Henrik!” correction nito sabay ingos sa kaniya.

Napailing-iling siya sa mini-version na nasa kaniyang harap ngayon. Mahirap makipagtalo sa kakulitan at katabilan nito. Tumango na lang siya para tapos ang usapan.

Nagsimula ng buklatin ng anak niya ang catalog habang napapa-wow at napapatingin sa kaniya. Ningitian lang niya ito habang si Hera at Henrik ay nakatingin lang sa kanilang dalawa ng anak niya.

“Small version mo ‘yan, oh. Pero maganda lang ang anak mo at mestizang-mestiza tingnan. Ikaw kasi, ‘di pa rin pumuti. Kumakain ka ba ng uling, girl?”

Muntik niyang batukan si Hera sa bibig nitong walang preno magsalita. Pasalamat lang ito at kandong niya ang kaniyang unica hija.

“Mommy! Mommy, is this you?!” kulang na lang, magtitili si Aerush sa kaniya habang tinuturo ang isang page ng catalog kung saan, nakaupo siya sa swing at may pakpak ng anghel habang nakasuot ng all white.

“Yep princess.”

“Ang ganda niyo Mommy! Parang angel,” manghang-mangha na saad nito habang matagal na tinitigan ang kaniyang mukha sa catalog, “And who is this po?” Turo nito sa pang-apat nitong flip ng page.

Pareho silang natigilan ni Hera at napatingin siya kay Henrik. Napakagat siya ng labi at piniling ‘wag magpahalata sa kaniyang anak. Ngumiti siya. “My co-model.” Si Kate ang babaeng tinuturo nito.

Pagkatapos nung nangyari, pumutok ang issue na pinatay niya ang ina ni Zyd sa pamamagitan ng lason. Lahat ng tao, galit sa kaniya at hinusgahan ang kaniyang buong pagkatao maliban sa kaniyang pinsan, tiyahin at ibang taong nakakilala at malapit sa kaniya.

Advice sa kaniya ni Fritz na magpahinga muna siya at bumalik kapag namatay na ang issue. Isa ito sa tumulong sa kaniya pero si Henrik ang naging sandalan niya ng lahat. Ito ang sumalo sa kaniya at tinulungan siyang makabangon. Unang pumasok sa isip niya noon, umuwi ng Pinas pero naunahan siya ng takot. Takot na mabigo ang magulang niya kaya kinaya niyang tumira sa Pittsburgh at nagtago ng 2 and half years. Nung naging okay na ang lahat, saka siya kinuha ulit ni Fritz nung handa na siyang humarap ulit sa mundo.

Nahirapan siya noong una at ayaw pumayag ni Henrik na magmodelo siya ulit sa Beauty and You dahil tiyak na magkikita sila ni Kate. Pero final na ang kaniyang desisyon, wala siyang kasalanan at bakit siya matatakot? Para sa kaniyang anak, kinaya niya lahat.

Nakatago sa public na may anak sila ni Zyd. Walang nakakaalam. Muntik siyang makunan dati iyon ang sabi ng Doctor. Hindi nga niya alam na buntis na pala siya noon sa anak nila ni Zyd. Nakakalungkot dahil hindi niya mabibigyan ng ama ang bata pero hindi na mahalaga iyon, kaya niyang tumayo bilang ama at ina sa anak nila.

“Mommy! I wanna pee.”

“May diaper ka naman suot, ayaw mo mag-pee d’yan?”

Agad sumimangot ito, “Ayuko.”

Naiiling siyang tumayo. Oo na, masusunod na ito. Nag-excuse sila sa mga ito. Nagpresinta pa si Henrik na sumama pero pinandilatan lang niya ito ng mata at inasar naman ito ni Hera. Pinakarga nito ang anak nito kay Henrik at tuwang-tuwa naman ang binata.

Pagpasok nila sa malaking restroom sa kabilang dulo ng resort, tumaas ang kaniyang kilay. Nakita niya si Kate na nag-retouch ng make up sa malaking salamin. Nagmukhang clown na sasalang ito sa children’s party. Maarteng tumingin ito sa kaniya at napasulyap sa kaniyang anak. Nagulat ito at napatitig sa batang karga-karga niya.

“Are you following me here?”

Dahil tamad siyang makipag-away sa mga walang class lalo na’t kasama niya si Aerush Li, nilampasan nila iyon.

“Mommy! Siya ‘yon, right? ‘Yong nasa picture? She looks like monster pala, Mommy!” pabulong na sabi ni Aerush sa kaniya pero halos buong mundo makakarinig.

TULAD ng kaniyang pinangako sa kaniyang unica hija, nasunod ang gusto nitong magpunta ng ice rink kasama si Henrik. Nung una, nangangamba siya na makikita ang anak niya sa public pero iniisip niya... Mas mahalaga ang kasiyahan ng anak niya kesa sa iniisip ng iba. Hanggang ngayon natatawa pa rin siya sa nangyaring sagutan nila ni Kate sa restroom ng resort...

“Did I heard it right? That ugly ducky called me monster?!” Mabilis na hinila siya ni Kate sa balikat kaya napaatras siya at tinuro ang kaniyang anak.

“Kids don’t lie,” simpleng sagot niya.

Tinaasan siya nito ng kilay at hinawakan ang kaniyang braso. “So you’re telling—”

“Let go Kate or I’ll shove your face on the floor,” seryusong saad niya at mariing tiningnan

“Then why not try it? After all, you’re a murderer.”

Napanting ang kaniyang teynga. Biglang nagsiakyatan ang dugo sa kaniyang ulo. Nangangati siyang patulan ito pero naiisip niyang karga niya si Aerush at ayaw niyang makita ng anak na nakikipag-away.

“Mommy, why does that monster called you murderer?”

“Oh dear, your Mommy killed someone.”

Do’n siya hindi nakapagtimpi. Mabilis umigkas ang kaniyang kamay at dumapo ito sa mukha ng babae. “How is it?” nakangising tanong niya. Malakas ang kaniyang sampal at halos ‘di ito makahuma sa gulat. “You can call me anything you want, but call me murderer infront of my daughter? Oh, darling. You are crossing the line.”

Kinalabit naman siya ng anak niya. “Mommy, need ba natin sampalin ang mga monster like her if ever maka-encounter tayo ulit?” inosenteng tanong ni Aerush.

Ngumisi lang siya at hindi sumagot. Lumabas sila ro’n at sa room na lang nila sila gagamit ng banyo. Baka hindi siya makapagtimpi, mailampaso niya ng tuluyan ang mukha nitong patung-patong ang crayon sa mukha...

“Min Dam, ayaw mo suman?”

Napangiwi siya sa naging tanong ni Henrik. Kailangan pa talaga nito mag-training ng tagalog. Baliktad na naman kasi.

“Yes Mommy, ayaw mo?” puppy eyes na tanong naman ng kaniyang prinsesa habang karga-karga ni Henrik. Para tuloy mag-ama ang dalawa.

Nagkunwari siyang nag-isip. Wala naman siyang gagawin dahil hindi pa siya tuluyang focus sa pag-modelling. Sinadya iyon ni Fritz, dahan-dahan ang ginawa nito. Parang free lance lang ang kaniyang ginagawa at siya ang bahala ng oras niya.

“Say the magic word muna...”

Napakunot ang dalawa sa kaniyang sinabi. Napangiti naman siya habang hinihintay ang sasabihin ng dalawa. Nagulat na lang siya nang magkatinginan ang mga ito at sabay na ngumiti ng makahulugan saka humarap sa kaniya.

“I love you Mommy!”

“I love you, Lianne...”

Literal na magkasabay ang mga ito. Bigla siyang namula sa sinabi ni Henrik at nakaramdam ng awa sa part nito. Hindi na ito ang unang pagkakataon na sinabihan siya ng ganito ng binata... Pero sa tuwing lumalabas ang katagang iyon sa bibig ng lalaki, mas lalo siyang nagi-guilty. Kasi kung siya ang susundin, gusto niyang tugunan ang pagmamahal nito pero hindi siya handa. May takot at hindi matata-warang galit ang nakabaon sa puso niya. Kung sakaling magmamahal siya ulit, iyong handa na siya. Iyong pagmamahal na walang makikisawsaw.

Nagpunta sila nang araw na iyon sa malapit na Ice Skating Rink Arena for Kids kung saan pwede mag-ensayo at maglaro ang mga chikiting. Month of January pero kahit busy ang lalaki sa paglalaro ng hockey, may oras lagi ito sa kanila ni Aerush. Ang totoo niyan, malayo sila sa kabihasnan. Apat o limang oras ang byahe papuntang Downtown.

Napuno sa tawanan ang araw na iyon sa kanila dahil kahit ilang beses nadadapa ang kawawang baby niya sa ice rink, hindi ito umiiyak. Tumatawa pa ito habang tinuturuan ni Henrik ng pag-skating habang siya, nakaupo sa isang tabi at masayang pinagmamasdan ang dalawa.

Naalala rin niya matagal siyang tinuruan ni Zyd dati sa ice rink kung paano mag-skating. Kulang na lang mag-swimming at mag-dive siya pero dahil mahaba ang pasensya ni Zyd, natuto siya mismo sa araw na iyon. Dahil bawat dive niya, puro halik ang binabalik sa kaniya ng lalaki. Napabuntunghinga siya sa alaalang iyon at ipinilig ang ulo.

“Mommy join us!”

“Halika Min Dam!”

Dahil nakasuot na rin siya ng sapatos for skating, pinaunlakan niya ang mga ‘to. Mabilis siyang lumapit sa dalawa at napanganga naman ang kaniyang prinsesa. Nagtitili pa ito nung makalapit siya.

“Daddy teach me well, kasi si Mommy ang galing na! Omg Daddy!”

May ilan sa mga pamilyang nando’n napapatingin sa kanila. Buti kamo at nagsuot ng cap ang binata dahil baka dumugin ito ng wala sa oras.

“Elhouette?” Napalingon siya nang may tumawag sa kaniyang pangalan. Nakita niyang si Kodi iyon at puno ng pagtataka ang mukha ng lalaki pero agad din nagliwanag ang mukha. “Hey! Its been a long time and—” napatingin ito sa kaniyang anak na nakahawak sa kamay ni Henrik at sa kaniya. “Your daughter?!”

Dahil handa na siya sa ganitong sitwasyon, ngumiti siya ng matamis sa harap ni Kodi at tumango. “Honey, say hi to Uncle Kodi.”

“Hi, Uncle! I’m Aerush Li and this is my Mom and Dad. How are you? Are you here to play hockey, too? Do you know how to skate? Do you have—”

Natawa na lang sila ni Henrik sa katabilan ni Aerush. Kung hindi pa niya tinakpan ang bibig nito, hindi ito titigil sa pagsasalita. “That’s enough, young lady.”

“Oh, sorry!” ngumiti ito ng sobrang cute at nagpaalam na mag-practice ulit kasama si Henrik. Nag-skate ang mga ito papalayo.

“You ended up with Gustavvson?” takang tanong ni Kodi. Hindi pa rin ito makapaniwala.

“Yes and we had a beautiful daughter.”

“But what about Zyd?”

Ngumiti siya, “I didn’t know that name exist. So if you excuse me, I’m going.”

Nalilitong nakasunod na lang ang tingin sa kaniya ng lalaki especially sa kaniyang anak na tinuturuan ni Henrik. Puno ng pagtatanong ang utak nito at hindi makapaniwala na nagkita sila sa ganitong pagkakataon.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.