Dominant Series 4: Tempter (Zyd Caiden McCluskey) Chapter 26

Huminto siya sa malayo. Isang bahay ang kaniyang nakita at mula rito, lumabas ang matandang Doctor. Napaunat siya sa pagkakaupo sa passenger seat. Napatitig siya rito at kumuyom ang kaniyang kamao. Bakit pakiramdam niya, pinaglalaruan siya ng panahon? O masyado siyang nagpabulag? Mas lalo siyang nagulat nang sumunod na lumabas sa bahay, ay ang babaeng kilala niya. Si Kate.

Napakuyom siya ng kamao. Nung minsan kinompronta niya si Kate ito ang nagalit. Pero ngayon, nakikita niyang magkakilala ang dalawa. Nagdadalawang isip siya kung alin ang susundan niya, ang paalis na babae sakay ng kotse nito o ang kausapin ang matandang Doctor. Nanaig ang una.

Nagulat ang matanda nang makitang siya ang panauhin. Biglang nalito ito at nauutal kahit wala pa siyang tinatanong.

“M-mr. McCluskey?”

Hindi siya ngumiti. Nanatiling linya ang kaniyang tingin dito. “I am.”

“W-what are you doing h-here?”

“For a coffee.” Kahit hindi siya nito pinapasok, deri-deritso lang niyang hinakbang ang paa at pumasok sa loob.

Kahit hindi siya nito pinaunlakan, siya na rin ang nagkusang umupo sa malambot na sofa paharap sa fireplace. Inikot niya ang kaniyang paningin, not bad. Malaking bahay para sa isang katulad nitong professional.

“You prefer black or—”

“Better tell me the whole truth,” mabilis na putol niya. “Before I lost my temper.”

“Mr. McCluskey...”

Tiningnan niya ito ng seryuso. Sa tono ng kaniyang pananalita, alam nitong hindi niya ito sasantuhin ‘pag nagkataon. Mabait siya sa harap ng camera, pero hindi sa totong buhay. Nakahalukipkip ang kaniyang kamay at matamang naghihintay ng anumang sasabihin ng matanda. Ilang beses niya itong nakitang bumuntunghinga at napailing-iling.

“What do you wanna know?”

“My wife. You know her, right?”

Tumango ito at umupo sa single sofa. “Yes.”

“Was she pregnant or not?” deritsahang tanong niya.

Matagal ito bago nakapagsalita. Naging uneasy ito sa kinauupuan at panay hugot ng hangin. “Okay, I’m going to tell you what I know. The rest is... Im out of it.”

Nanatili siyang kalmado at tumango. Nagsimula na itong magsalita at ha-bang nagsasalita ito, mas lalong humihigpit ang pagkakuyom ng kaniyang kamao. Fuck! Sa sobrang galit niya, hindi niya tinapos ang mga sinabi nito. Sapat na ‘yong malaman niyang buntis si Elhouette sa mga panahong dinugo ito at nawalan ng malay.

Fuck! Fuck! Buntis si Elhouette pero nagawa niyang saktan nang araw na iyon? Nagawa niyang sigawan. Puta! Sinuntok niya ng ilang beses ang manibela. Sa sobrang gigil niya, halos gusto niyang magwala. Paano nangyari ito?!

Ilang minuto siyang gano’n nang kumalma na siya at napakuyom ng kamay. Maghaharap sila ni Kate. Nalilito siya sa mga nangyari. Pero ang manghimasok ito sa buhay nilang mag-asawa, pagsinungalingan siya ng Doctor dahil iyon ang utos ng babae katumbas ng pera, kailangan nilang magharap dalawa.

Mabilis siyang umalis sa lugar na iyon at binaybay ang daan pabalik sa Grand Lake kung saan ang kaniyang bahay. Unti-unti niyang naiintindihan ang mga nangyari. Isa na lang, ang pagkamatay ng kaniyang Ina. Kung sino ang totoong salarin. Ito ang isusunod niyang alamin. Sa ngayon, masaya siya sa kabilang bahagi na anak niya si Aerush Li. Hindi anak ni Gustavvson ang bata, kundi anak niya.

Dalawang araw simula nung malaman niyang pinaglalaruan ni Kate lahat. Sa ngayon, hinihintay niyang bumalik ang dalaga. Nasa Asia ito at may fashion show na dinaluhan ayon kay Fritz.

Bobo siya sa lahat inaamin ni Zyd. Galit siya kay Elhouette, pero ngayon galit sa sarili ang totoong nararamdaman niya. Napabuntunghinga siya. Sa katunayan niyan, bumili siya ng bahay sa Grandyle Village at magkapit-bahay sila ni Elhouette. Hindi niya alam kung para saan at kung bakit ginawa niya ito, o gusto lang niyang makita ang kaniyang mag-ina na ngayon, hindi niya na pagmamay-ari.

Nasa taas siya ng kaniyang silid habang pinagmamasdan ang batang naglalaro sa balcony. Panay daldal ito sa mga stuff toys na kaharap at mukhang hilig ng kaniyang anak sa malamig na klima. Minsan napapatingin ito sa snow at humakbang papunta sa labas pero agad din bumabalik sa balcony kapag tinatawag ito ni Elhouette. Napakakulit. Natawa siya sa bahaging iyon.

Nagpunta siya sa balcony at umupo ro’n. Pareho silang mahilig sa lamig. Mag-ama nga sila, hindi niya ikakaila ang bagay na iyon. May hawak siyang mug ng coffee habang nakatingin sa paligid na halos tabunan ng yelo.

“Oh! Hi there, Captain America!”

Nagulat siya sa matinis na boses ni Aerush. Nakatingin ito sa kaniya ngayon at ang cute ng ngiti. May bitbit itong stufftoy sa isang kamay habang ang kumaway-kaway. May fondness na gumapang sa kaniyang puso. Nung nasa restaurant siya, tinawag din siya nitong Capt. America. Ngumiti siya sa bata at kumaway pabalik dito.

“How are you, Captain? Are you my new neighbour? Mommy says, wala kami new neighbour kasi they sell that house. Are you the new owner of it?” matabil nitong tanong sa kaniya.

Natawa siya sa kakyutan nito. Manang-mana sa kadaldalan sa Ina. Bago pa niya nagawang sagutin ang tanong nito, lumabas si Elhouette at tinanong ang anak kung sino ang kausap nito.

“I’m talking to Captain America, Mom!”

Awtomatikong napatingin sa kaniya si Elhouette nang ituro siya ng kanilang anak. Natigilan ito at biglang naging seryuso ang mukha at hinarap ang bata. “Listen Aerush Li, never talk to strangers.”

“But Mommy—”

“Nagluto ako ng favourite mong food.”

Humigpit ang kaniyang pagkakahawak sa mug nang pumasok ang mga ito sa loob. Stranger? Fuck. Kailan siya naging estranghero sa buhay nito? Kinain siya ulit ng galit pero pinili niyang kumalma. Nung nagpadala siya ng galit, nasira lahat. Damn it! Kahit anong sabihin ni Elhouette, siya pa rin ang ama ng bata. Sa ngayon, wala pa siyang planong umeksena. Hinihintay niyang maghaharap sila ni Kate.

Tumunog ang kaniyang cellphone, may message siyang natanggap. Isa itong address at pangalan. Ngayon pa lang, alam niyang sa likod ng mga nagpapadala sa kaniya ng unknown messages, galing kay Hudson. Tinutulungan siya sa paraang hindi niya mahahalata.

NASA harap ng malaking salamin si Elhouette nang araw na iyon. Papa-labas na siya sa dressing room ng Beauty and You nang marinig niya ang boses ni Kate na kakapasok lang. Nakabalik na pala ang babaetang ito. Napaismid siya at nagpasyang umalis. Hangga’t maari, umiiwas siya sa away. Baka hindi siya maka-pagtimpi, mailampaso niya ang pagmumukha nito. Sa sobrang kakapalan ng mukha nito, suot pa rin nito ang wedding ring pero hinayaan niya. Wala rin siyang paki kung isaksak nito sa baga iyon.

“Bullshit! Uncle why did you tell him? Zyd is mine and mine alone. He might hate me forever.”

Napahinto siya. Tama ba ang kaniyang narinig? Hindi niya ugaling maging tsismosa pero mukhang may kailangan yata siyang malaman. Sa sobrang ukopado nga ng pag-iisip ni Kate, hindi siya nito napansin. Deri-deritso itong nagpunta sa sulok at galit na kinausap ang katawag nito sa phone. Sila lang tao sa dressing room dahil nakalabas na ang iba.

“No Uncle. Take it back— just make some... What?! You’re ruining my plan!” malakas na sigaw nito, “I hate that cunt, Lianne! I hate that bitch, to the point of planning to get rid of her makes more satisfying than poisoning that old lady to death!”

Natigalgal siya sa narinig. Deritsong bumagsak ang hawak-hawak niyang bag at nagkalat lahat ng laman sa sahig. Nanginig ang kaniyang tuhod at katawan. Narinig naman niya ang mga hakbang ni Kate na nagmamadaling lumapit sa kaniyang kinatatayuan. Nagulat ito at bumagsak ang gamit nitong cellphone sa sahig. Bigla itong namutla at hindi agad nakapagsalita.

“L-lianne!” para itong nakakita ng multo sa kaniyang katauhan. “What are you doing here?” Napaatras ito.

Ito? Ito pala ang may pakana ng lahat! Ito pala ang dahilan kung bakit nalason si Mrs. McCluskey. Ito ang dahilan kung bakit din siya muntikan makunan. Ito na lang lagi ang dahilan ng lahat. Kaya pala. Biglang gumuhit ang nakakatakot na ngiti sa kaniyang labi. Tumalim ang kaniyang paningin dito at walang takot na humakbang papalapit sa babae.

“The weed of crime bears bitter fruit.” Napangisi siya.

“W-what are y-you saying!”

“Putangina ka!”

Napasigaw ito nang takbuhin niya ito at hinila ang buhok. “You accused me for the crime I did not commit and yet, it’s you who killed Mrs. McCluskey. Face the music, you slut toad.” Pinagsasampal niya ito at sigaw ito nang sigaw pero hindi, hindi siya titigil hangga’t hindi niya nauubos buhok nito.

All awhile, halos hindi siya makatulog sa gabi sa kaiisip kung bakit sa mis-mong harapan niya nakunan ng buhay si Mrs. McCluskey. Gusto niyang sisihin ang nurse, pero wala siyang matinong ebidensya at wala siyang boses na gawin iyon dati. Dahil kahit isigaw pa niya sa buong mundo na hindi siya ang pumatay, nanataling bingi si Zyd sa mga paliwanag niya. Pero ang totoong may pakana pala, heto, ang demonyong babaeng walang konsensya at halang ang kaluluwa!

Nagsisigaw ito sa sakit na ginawa niya. Hindi pa siya nakontento, minudmud niya ang mukha nito sa sahig. Sa sobrang galit niya, nakalimutan niyang tao siya nang mga oras na iyon. Wala, denimonyo nito ang kaniyang utak at nanggigigil siya!

“Hayop ka! You deserve this.” Sinampal niya ng sobrang lakas ang mukha nito. “And this! Puta kang babae ka.” Magkabilang sampal ang binigay niya rito. “Isa kang baliw, hayop ka! Hayop ka.”

Nagsisigaw ito sa sakit at tinulak siya ni Kate. Hindi siya nito kayang labanan, iyon ang totoo. Dali-dali itong tumakbo papuntang pintuan at lumabas pero nahagip niya ang buhok ni Kate. Nagpambuno sila sa labas ng dressing room. Mas mabuting maraming makakakita sa kanila para ramdam nito ang sakit at kahihiyan tulad nung ginawa sa kaniya noon. Nagsisigaw ito ng tulong at kung hindi pa dumating ang ibang kasamahan nila, hindi niya ito titigilan.

“That crazy woman was trying to kill me!” paiyak na sabi nito at takot na takot na nagtago sa likuran ng mga kasamahan nila.

“Stop acting like a victim, Kate! Killing Mrs. Kelly McCluskey won’t make you guiltless. MURDERER!” nangangalaiting sigaw niya. Ang sarap ilampaso ng mukha nito sa sahig na sobrang gaspang. Hindi niya akalaing magagawa ng matinong pag-iisip iyon unless kung hindi matino ang pag-iisip nito. Buhay ang kinuha nito para lang sa sariling intensyon.

Lahat nagulat sa kaniyang sinabi maski si Fritz na kararating lang. Wala nga talagang lihim na hindi nabubunyag. Kung hindi ito nakatakbo, baka ubos na ang buhok nito. Nasa kamay lang naman niya ang ilang hibla ng buhok nito.

“T-that’s not true! She’s telling a lie.” nagkunwari pa itong umiyak at tinuro siya. “And now, she’s trying to kill me. Threaten me to death. She’s a psycho!” umarte itong takot na takot at pagtakbong yumakap kay Fritz.

Nagsimulang magbulungan ang lahat ng mga staff at co-models nila. Gusto niyang mapangiti ng mapakla. Kapag Pinay ka sa ibang bansa, at hindi nawawala ang racist... Wala, talo ka kahit ikaw ang inosente. Kahit hindi magsalita ang mga taong nando’n, alam niya na kung ano ang iniisip ng mga ito laban sa kaniya.

“Kate look, Lianne is not a psycho. Everyone knows how trashy your attitude is. On my own point of view, you did some shits that provoked her,” seryusong saad ni Fritz.

“She’s a murderer, remember! How can you trust that cunt?”

Napangiti siya. Sa tuwing binibigkas nito na mamatay tao siya, mas lalo siyang ginanahang sabunutan at paduguin ang nguso nito. Mamatay tao pala ha, ito ang unang bibiktimahin niya. Galit na sinugod niya ito ulit at hinila palayo kay Fritz. Namumuro na siya sa babaeng ito, sa kaartehan nito, sa kadramahan, sa kabwesitan at lahat-lahat!

Nagsisigaw ito pero walang tumulong o umeksina sa kanilang dalawa. Matangkad sa kaniya si Kate wala itong binatbat. Matapang lang pala ito kapag nasa paligid si Zyd pero ang totoo, wala itong binatbat sa kaniya. Pinagsasampal niya ang mukha nito hanggang sa mamaga at dumugo ang labi.

Nagulat na lang siya nang may humila sa kaniyang dalawang kamay, mga security ito. Inaawat siya. Pero nagpupumilit siyang makawala. Gigil na gigil siyang tanggalin lahat ng buhok nito sa anit, ‘yong sampal at sakit na ginawa nito sa kaniya rati, gusto niyang malasap nito iyon.

“Let go of me! I’m not done with her!” nagwawalang sigaw niya. Kaka-simula pa lang niya sa totoo lang.

“Take her away, please! She’s a—”

“Let her go.”

Nagulat siya sa boses na iyon. Mabilis siyang napalingon at kitang-kita niya ang lalaking madilim ang mukha na naglalakad patungo sa kanilang kinaroroonan. Halos nagsilabasan lahat ng litid sa leeg habang nakakuyom ang kamao, o tamang sabihin galit ito. Galit si Zyd.

“Zyd!” para naman nakakita ng anghel ang babae. Mabilis itong tumakbo papalapit kay Zyd para yumakap pero tinulak ito ng lalaki kaya bumagsak ito sa sahig. “Z-zyd b-babe...”

“See you in court, Kate. Jail is waving.”

Nagulat siya nang biglang hilain ni Zyd ang kaniyang kamay paalis sa lugar na iyon. Deri-deritso silang lumabas sa naturang building patungo sa kotse nito. Saka lang siya nahimasmasan nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Agad niyang binawi ang kamay na hawak ni Zyd at walang sabing tinalikuran ang lalaki.

Napasunod ang tingin ni Zyd kay Elhouette. Balak niya sana itong sundan pero nakapasok na ito sa loob ng building. Napabuntunghinga siya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niyang sobrang galit ang babae at aaminin niyang, hindi niya kayang harapin ang galit na nakita niya sa mata nito.

Bagsak ang balikat na bumalik siya sa bahay ng McCluskey, kailangan niya pa harapin si Zid. Hindi sila nagkaroon ng oras mag-usap dahil sa busy siya sa paglalaro at halos nasa hockey ang kaniyang buong oras.

Hudson helped him. May sinend ito sa kaniyang voice recording galing kay Kate at mga screenshots ng messages. Nakasaad din sa message nito sa email ang oras na darating ang dalaga pabalik ng Pittsburgh, Penslyvannia at saan ito dederitso. Nung una, halos sumabog siya at tinawagan ang kaibigan pero tinawanan lang siya nito. Sinabihan siyang ulol at walang kwenta. Kung saan tama si Hudson.

Agad niyang tinawagan ang kaniyang attorney. Binigay ang mga love letter na sinend sa kaniya ni Hudson at maghaharap sila ni Kate sa korte. Damn it! Sa loob ng 15 years, hindi niya akalain may tinatagong demonyo ang katawan ni Kate. Ang pagkakakilala niya rito, mabait at laging iniintindi ang lahat ng kaniyang pagkukulang para lang malaman na may mental disorder ang babaeng inakala niyang kilala niya na. Kinailangan pa niyang tanungin si Hudson kung anong ibig sabihin dahil halos hockey lang laman ng kaniyang utak. Halos murahin siya nito ng sobrang lutong at pinasahan siya sa email ng libro ng mga of Psychology na iba’t ibang content. Minsan, nakakasakit din itong mga kaibigan niya dahil sa higschool graduate lang siya, masyado siyang minamaliit.

Shareholders and Stockholders lang siya sa mga companies na pagmamay-ari ng mga ito. He’s busy doing his own thing— hockey. Saka na siya mag-seryuso kung mag-retire siya sa pagiging NHL player. Sa ngayon, ini-enjoy pa niya ang pagiging Captain ng Pittsburgh Penguin.

At tamang-tama talaga sa kaniyang pagdating, nagkaharapan na si Elhouette at Kate habang umiiyak sa takot ang huli. Kulang ang tulak na ginawa niya kay Kate sa ginawa nitong kademonyuhan sa kaniayng sariling ina pero nasa harap niya ang babaeng... Ang babaeng ayaw mawaglit sa kaniyang isipan kahit saglit. Fuck! Yes, Fuck him. Nagkaganito siya.

Nakita niya si Zig na nakaupo sa sala habang nakaharap sa malaking TV. Halatang galing ito sa shop nito dahil na rin sa suot na uniform.

“Zig...”

Napalingon ito sa kaniya at kumaway. “Eh?”

“We need to talk.”

“Is it about, Kate?”

Natahimik siya. May kinalaman ba ang kapatid niya sa lahat ng mga nangyari? Kalmadong umupo siya sa mahabang sofa at walang salitang lumabas sa kaniyang bibig.

“I saw it on the news. Kate was the culprit and it was spreading like a wildfire.” Nilipat nito ang station at dumeritso sa news. “Look at her.”

Walang emosyon na pinagmasdan lang niya ang buong video na kuha galing sa cellphone at kung saan siya dumating. Napakuyom siya ng kamao. Isang reya-lisasyon na sobrang bobo niya. Umabot ng tatlong taon bago niya nalaman lahat o sadyang bulag lang siya at galit ang kaniyang pinapairal.

“The reason why I can’t hate, Elhouette. She’s way too innocent to do such crime but you were blinded by hatred. You allowed that hatred to take control of you, Zyd.” simpleng saad nito at naiiling na nilipat sa ibang station ang pinapanood.

Nanigas siya sa kaniyang kinauupuan. Nahirapan siyang salungatin ang sasabihin ni Zig dahil alam niyang sa sulok ng puso niya, totoo lahat ang sinabi nito. Napahiya siya. Humugot siya ng malalim na buntunghinga at itinuon ang atensyon sa pinapanood nito ngayon.

“You love her.”

Hindi siya nakasagot. May kung anong sumuntok sa puso niya sa mga sandaling iyon at nasasaktan siya. “Why the fuck you didn’t tell me?”

Natawa naman ito saka umiling. “I did. How many times but angered consumed you. So I was like, ah, okay, you will come to your senses one day. So, I told Mom... ‘Hey mother! Your credulous stupid son, Zyd, was ah... Lemme say... Possessed and controlled by a demon named Kate.’ Gladly, now you are awake. Eh brother. Welcome back.”

Tiningnan lang niya ng masama si Zig at tumayo. Sa tono ng pananalita ng kapatid niya, sarkasmo iyon at puno ng pang-iinsulto.

“I saw you with Kate—”

Natawa ito at napailing-iling. “Yeah, she’s asking my help to make you love her. Kate is obsessed. I hate her.”

Hindi siya sumagot. Walang salitang tinalikuran niya ito at deritsong tinu-ngo ang sasakyan sa labas. Babalik na siya sa bahay niya sa Grandyle Village. Hindi na kailangan isuntok sa kaniya ni Zig at nang mga kaibigan niya ang kaniyang pagkakamali at katangahan, gising na gising na siya. Kitang-kita niya na ang lahat.

Tinawagan niya muna ang kaniyang attorney para humingi ng update bago niya binaybay ang daan patungo sa Grandyle. Natuwa siya sa naging update ng lalaki at nagpasyang bumyahe. Ito na muna ang bahalang humawak sa case. Hindi pa sila tapos ni Elhouette, iyon ang alam niya. Ang dami niyang gustong sabihin, ang daming gawin pero nagihirapan siya kung saan magsimula.

Gabi na nung dumating siya sa Grandyle. Sa sobrang lamig ng klima, kina-ilangan niyang buksan ang thermostat ng bahay. Sumilip muna siya sa kabilang bahay at malungkot na napangiti. Nakikita niya mula sa bintana ang masayang paglalaro ng kaniyang anak ng hockey stick at nakasuot ng jersey nang Jersey Devil Team.

Nawalan siya ng gana. Matamlay siyang umakyat sa itaas at pabagsak na humiga sa kama. Magkapit-bahay sila ng kaniyang mag-ina pero bakit sobrang layo? Hindi niya kayang abutin ang kaniyang mag-ina. Karma. Fuck it!

Naramdaman niyang bumagsak ang kaniyang luha sa mata pero mabilis niyang pinunasan iyon at napatitig sa kawalan. “Mom... Sorry, I really am...” Pinikit niya ang kaniyang mata. Kailangan niya munang ipahinga sandali ang isip at maghaharap sila ulit ni Kate sa korte.

NAKANGITING pinagmasdan ni Lianne si Aerush Li na natutulog nang gabing iyon sa kanilang kwarto. Wala si Henrik, nasa isang family gathering ito. Gusto nitong isama sila pero dahil hindi pwedeng ibyahe ang anak niya, hindi na ito nagpumilit. May sipon ang kaniyang prinsesa, ang hilig kasi nitong maglaro ng snow kahit ilang beses niya ng sinasabihan na huwag. Matigas ang ulo nito at alam niya na kung saan nagmana, sa kaniya. Natawa siya sa bahaging iyon. Hay naman kasi, bakit ba siya nagkaroon ng xerox copy ng ugali niya.

Humiga siya sa tabi ng kaniyang unica hija, inayos ang comforter at nagpasyang matulog. Nakakapagod ang araw na ito para sa kaniya, sa totoo lang. Sa lahat ng mga discrimination na nakuha niya, ngayon, lumitaw na ang katotohanan. Magdusa ngayon si Kate sa kulungan! Kung siya masusunod, sa mental na ito ipadala. Wala na sa matinong pag-iisip ito. Hindi gawain ng normal na tao ang pumatay. Kung sabagay, demonyita ito. May trono yata si Kate sa impyerno kaya ang galing nitong magmanipula at kumontrol ng tao.

Naghikab siya, tanda na inaantok na ang kaniyang diwa. Mabuti na lang, mabait ang pinsan niyang si Sheena. Ito lagi ang nagpipresinta sa kaniya na bantayan ang anak niya sa tuwing nagpupunta siya ng Downtown. Nadestino kasi ang ama nito sa William Kaegebein Elementary School, kaya hindi siya nahihirapan pakisuyuan ang pinsan. Magkalapit lang ang kanilang lugar.

Mahimbing na ang kaniyang tulog nang bigla siyang maalimpungatan. Yumakap sa kaniya si Aerush at naglalambing na sumiksik sa kaniyang dibdib. Napangiti siya at hinalikan ang noo nito bago nagpasyang matulog ulit nang bumukas ang pintuan ng kanilang kwarto. Dumating na pala si Henrik. Napahinga siya sa bahaging iyon. Dahil tinamad siyang bumangon at antok na antok na ang kaniyang diwa, ipinikit niya ang kaniyang mata. Saka lang niya naalala na hindi pumapasok basta-basta sa kwarto ng anak niya si Henrik. Kumakatok lagi ito.

Napabalikwas siya ng bangon. Nanlaki ang kaniyang mata nang makita ang isang anino ng tao na dahan-dahang humakbang papalapit sa kanila at may dalang— patalim! Agad niyang nayakap si Aerush Li at kinarga ito paalis sa ibabaw ng kama.

“Who are you?!”

Tanging lampshade lang ang nagbibigay liwanag sa buong silid, kaya hindi niya maaninag kung sino ito lalo na’t may dalang kutsilyo ito.

“Mommy why kayo—” natigilan ang anak niya nang makitang nakatayo sila at niyakap ito ng mahigpit.

“Shhh baby... No matter what happen, ‘wag kang titingin sa harap. Yakap ka kay Mommy.” Napaatras siya. Nagsimulang lumapit sa kaniya ang taong may dalang mahabang kutsilyo at base sa tangkad nito, nasa 5’9.

Ang lakas ng tibok ng kaniyang puso. Pinilit niyang tapikin ang sarili, baka nanaginip lang siya pero hindi. Kung siya lang siguro mag-isa, makakapag-isip siya ng maayos pero kasama niya ang kaniyang anak. Nalilito siya kung paano nakapasok ang killer sa kanilang bagay, maliban sa mahigpit ang security ng bahay. Naka-double lock rin bawat bintana.

“Go away!” Binato niya rito ang nahawakang gamit. “If you’re looking for money, I could give it all. But please, don’t harm us!” pinilit niyang ‘wag magpahalata ng takot. Ayaw niyang bigyan ng wrong cignal ang kaniyang anak at baka umiyak ito— mas matataranta siya kung gano’n.

“Tsk, tsk, tsk. My poor, Lianne.”

Natigilan siya at hindi nakapagsalita agad. Ang lakas ng tibok ng puso niya at halos mabingi siya sa sobrabg lakas. Kilala niya ang tono ng boses nito at hindi siya pwedeng magkamali. “K-kate?!”

Isang malakas na halakhak ang pinakawalan nito sa loob ng silid. Binuksan nito ang flashlight na dala at deritsong tumama ito sa mukha niya. Napapikit siya sa liwanag na nagmula sa flashlight, masakit iyon sa mata.

“Mommy!” Yumakap ng sobrang higpit ang anak niya sa kaniyang leeg. Nararamdaman yata nitong nasa panganib ang kanilang buhay.

“Mommy’s here, princess,” alo niya sa anak na nagsimulang matakot.

“I’m scared, Mommy!”

Muling tumawa ng sobrang lakas si Kate at humakbang ito papalapit sa kaniya habang ang flashlight na dala nito, patay-sindi ang ginagawa habang nakatutok sa kaniya. Kinakabahan siya sa pwedeng gawin ng demonyitang ito lalo na’t may kutsilyo itong dala.

“Let’s play a game, Lianne...” Tinutok nito sa mukha ang dalang flashlight at doon lang napansin ni Lianne na gulong-gulo ang buhok nito, nagkakalat ang make up at tuyong-tuyo na eyeliner. “I’m the killer and the next victim— the two of you.”

“N-no...”

“Yes!” Humalakhak ito.

Nagsimulang gumana ang kaniyang utak. Kung wala siyang gagawin, mamatay sila ng anak niya sa kamay nito. Kung sisigaw siya, imposibleng maririnig dahil naka-sound proof buong kwarto. Isa lang ang pwedeng gawin, ang labanan ito para maligtas ang anak niya. Buhay nila ni Aerush Li ang nakataya rito at hindi niya hahayaang may mawala alin sa kanilang dalawa.

“Run!” Ngumisi ito.

“Mommy!”

Isang malakas na tili nila ng anak niya nang tumakbo patungo sa kina-tatayuan nila si Kate habang nakaumang ang matalas at mataas na kutsilyo.

***

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.