Nang gabing iyon, halos ‘di dalawin ng antok si Lianne. Ang daming pumasok sa kaniyang isipan at sa sobrang dami nito, hindi niya alam kung alin ang uunahin. Isali pa, na nag-offer ulit si Henrik sa kaniya ng pagmamahal nito kanina nung pauwi na sila at tulog na tulog si Aerush sa kaniyang bisig. Isang taon na rin at hindi siya tanga para hindi makuhang mahal siya ng binata sa kabilang banda na may anak siya. Tanggap pa rin nito at kaya nitong tumayo bilang ama ng anak niya.
Napabuntunghinga siya at bumangon. Pinakiramdaman niya ang sarili, handa na ba siya? Handa na ba siyang tanggapin ang pagmamahal nito? Sa kabilang bahagi ng utak niya, oo. Sa kanang bahagi, nalilito sa kaniyang damdamin para kay Henrik.
Humiga siya ulit sa malambot na kama at pinagmasdan ang batang mahimbing na natutulog sa kaniyang tabi. Nasanay ang anak niyang tawagin ang lalaki na Daddy nito. Ang lagi nga nitong sinasabi sa kaniya, gusto nitong maging Daddy ang lalaki at gusto rin ng younger brother para paiyakin nito.
Wait, ilang taon nga ulit ang anak niya? 2 years old! Magtatatllong taon pa lang ito ngayong April pero kung magsalita at mag-isip ito, tinalo pa ang dalawang lukaret niyang kaibigan.
Bukas na bukas din, mag-uusap sila ni Henrik about sa relasyon kung ano man ang meron sila. Bibigyan niya ng chance ang sarili at ang lalaki. Kung sakaling hindi mag-work out, at least sinubukan nila. Tiyak na unang matutuwa nito ang pinsan niyang si Sheena at Hera. Isali na rin ang anak niyang makulit.
Gaya nga ng sabi ni Lianne, nakapag-desisyon na siya. Kakausapin niya si Henrik. Dahil linggo at winter season sa Pittsburgh, Pennsylvannia. Nagyaya si Henrik na lumabas silang tatlo sa public at ipasyal si Aerush sa Downtown. Nag-alangan siya pero nakaya nga niyang harapin ang mga tanong ni Kodi, kaya kung may magtatanong sakali... Haharapin niya. Hindi niya pinanganak si Aerush para itago sa mundo.
Nagpunta sila una sa mall nang araw na iyon at namili ng groceries. Dahil mahilig mang spoiled itong si Henrik sa anak niya, kulang na lang lahat madaanan nila binibili nito. Tuwang-tuwa naman ang kaniyang prinsesa at mostly tinuturo nito mga laruang pambata na pang-hockey.
Nang mapagod sa pamimili, pumasok sila sa isang mamahaling restaurant. Namula pa ang kaniyang magkabilang pisngi nang asikasuhin siya ng binata kahit lagi naman nitong ginagawa iyon sa kaniya, kahit nung kapapanganak pa lang niya kay Aerush. Ito ang tumayong parang kaniyang asawa. Lahat na sana si Zyd ang gumawa, ito ang pumalit. Si Henrik ang naging sandalan niya sa lahat. Dahil breastfeeding Mom siya, hindi nahihirapan si Henrik magtimpla ng gatas pero ito ang tagaluto at tagalaba ng mga gamit nila ng kaniyang prinsesa.
Sa isang bahay bakasyunan siya ni Henrik nakatira simula nung nagbuntis siya hanggang sa makapanganak. Wala siyang kasambahay na kinuha dahil na rin sa malaking issue na nangyari kaya ang nangyari, si Henrik lahat ang gumawa. Naging yaya at knight in shining armour niya ito.
“Lianne...”
“Ha?” nagtaas siya ng tingin. Napansin niyang nakatingin pala sa kaniya si Henrik at binabasa ang kaniyang reaksyon.
“Something bothered you?” may halong pag-alalang tanong nito sa kaniya. Habang ang kaniyang prinsesa, tahimik na binubuklat ang kiddie book na binili ng binata rito na akala mo, 6 years old na nagbabasa.
Umiling siya at ngumiti. “Wala. I’m just thinking... Paano kung tanggapin ko na ang pagmamahal mo.”
Ilang segundong katahimikan ang nagdaan. Kung hindi pa nagsalita ang kaniyang anak na gutom na ito... Hindi pa magbabalik sa hwesyo ang binata. Mabilis nitong kinuha ang kaniyang kamay at masayang-masaya ito.
“Talaga?! You’re kidding, right? No? Wait, Min Dam! Talaga? Totoo?”
“Mommy, ang saya ni Daddy Henrik. Bibigyan niyo na ba ako ng younger brother to bully?”
Napangiwi siya sa naging tanong na iyon ni Aerush. Bakit ba napaka-advance nito magsalita lagi? Naalala niya, pinapanood lang niya ito ng Alphabet Songs at numbers nung tumungtong ito ng 2 years old at nung nagpatugtog siya ulit ng alphabet songs, nagreklamo na ang kaniyang prinsesa at sinabi nitong memoryado na lahat iyon. Halos himatayin pa siya nung nagsalita ito from A-Z with example and numbers from 1-1000. Ang sabi ni Hera, isali niya ang kaniyang anak sa Baby Genius dahil pagkakaguluhan ito pero binatukan lang niya ang babae. Sa ngayon, marunong ng magbasa ang anak niya.
Bago pa niya masagot ang katanungan ng dalawa, dumating na ang kanilang inorder. Ngumiti na lang siya at sinabing sa bahay na lang nila pag-usapan lahat. Hindi naman halatang kinilig si Henrik sa kaniyang sinabi kaya ‘di niya mapigilan ang sariling ‘di matawa. Ang cute lang nito kapag kinikilig. Parang timang, kasi.
“Mommy! Si monster, oh.”
Napatingin silang dalawa ni Henrik sa tinuro ni Aerush sa pintuan. Tama nga, si Kate ang tinuturo nito at napako ang tingin niya sa lalaking kasama ng babae. Walang pakialam na nagbawi siya ng tingin. Hindi worth ng oras niya ang pagmu-mukha ni Zyd. Hindi naman siya natatakot na makita ni si Aerush. Dahil alam niyang wala itong hahabulin. Aside from that, hindi magkamukha ang dalawa. Kaya pwede niyang palabasin na anak nila ito ni Henrik para wala itong hahabulin sakali.
“Nakatingin si monster sa`tin, Mommy. Tapos kinalabit niya si Captain America.”
“Captain America?” panabay na tanong nila ng binata. Nagkatinginan sila.
“That guy, oh!” nguso nito.
“Princess, hindi siya si Capt. America. Si Thanus, ‘yan.” natatawang paliwanag niya.
“Baby... I thought I am your Captain America?”
Humagikhik naman si Aerush at lumabas ang dalawang dimple nito. “You’re my Super Man, Daddy!” Nag-flying kiss ito sa binata sabay send hugs.
Nagtawanan na lang silang dalawa ni Henrik habang siya, napapailing. No comment siya.
Natigilan si Zyd nang tumama ang mata niya sa babaeng matagal niya ng kinalimutan. Agad niyang binawi ang tingin pero sandali siyang natigilan nang makitang may kasama itong bata. Napatitig siya sa batang kasama nito at panay daldal ito. Napakuyom siya ng kamao sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam niya parang may mapupunit sa loob ng kaniyang kaluluwa habang nakatitig sa bata. Hindi niya maintindihan ang nararapat. Parang iba... Hindi niya maipaliwanag kung ano.
Kung hindi pa siya kinalabit ni Kate, ‘di niya magawang kunin ang atensyon. Nagpasya silang umupo sa kabilang bahagi, sapat na makita niya ang kabuuang mukha ni Lianne at nang batang kasama nito.
Napangiti siya ng mapakla. Pagkatapos nung nangyari, nagpaimbistiga siya. Kahit dinidiin ni Zig na walang kasalanan ang babae, si Kate naman ang hindi pumayag na ‘di makulong si Elhouette. Inaamin niyang nadala siya sa galit, napag-salitaan ito ng hindi maganda at pinalayas. Kaya nagpaimbestiga siya pero ang tinuturo ng imbestigasyon ng mga pulis, lason sa gamot. Pinalitan ang gamot na ininom ng matanda kaya nagkaroon ng komplikasyon at ang dinidiing salarin ay si Elhouette.
Imbes na ipakulong at palakihin lalo ang sitwasyon, pinili niyang patahimik ang issue matapos ilibing ang kaniyang Ina. Wala na rin siyang alam kung saan si Elhouette nagpunta matapos silang magsuntukan ni Gustavvson sa Hospital. Nawala lahat, bigla siyang kinain ng galit ng mga panahong iyon kahit magpahanggang ngayon.
Nagulat siya ng tumingin sa kaniya ang bata at ngumiti ng sobrang tamis. Napakagandang bata na tingin niya ay nasa 2-3 years old.
“Hi, Captain America!” Kumaway ito sa kaniya. Tipid siyang ngumiti pabalik dito at kumaway.
“Zyd?”
Nagbawi siya ng tingin at napatingin kay Kate. Nakasimangot ito ngayon habang nakahalukipkip ang kamay. “I’m starving!”
Napabuntunghinga siya, “I’m busy.” sinulyapan niya ang suot na wristwatch. “Time for me to go. Manage yourself.” Tuluyan niyang iniwan ito na galit na sumunod sa kaniya.
Siya lang ang kakain sa restaurant na iyon nung sundan siya ni Kate at mabilis na kumapit sa kaniyang braso. Kahit katiting na pagmamahal dito, wala siyang naramdaman pa. Ilang beses na rin niyang tinutulak ito papalayo, pero panay dikit pa rin nito sa kaniya. Sa loob ng dalawang taon, ito lagi ang panay sunod nang sunod sa kaniya at nakikiusap na magpakasal sila pero wala, wala siyang plano para ro’n. Hindi niya nakikita ang isang tulad ni Kate na maging asawa.
Nang marating niya ang kaniyang sasakyan, hindi siya mapakali habang pinagana ang makina. Hindi na ito ang isang beses na nagkita sila ni Elhouette, masasabi niyang sa isang taon, tatlong beses niya itong nakikita kasama si Gustavvson. Pero nung makita niya ang batang kasama nito, do’n siya hindi mapakali. Naguguluhan siya at kinakabahan. May anak na ba ang mga ito?
Fuck!
Ano pa ba ang asahan niya? Matagal na silang divorce. Ang Attorney niya ang gumawa ng paraan para mawalang bisa ang kasal nila. Nagsimula siyang magmaneho at nakatuon ang kaniyang paningin sa unahan. Bakit may nararamdaman siyang sakit? Mapakla siyang natawa.
“Hey man,” paunang bungad niya nang saguting niya ang tawag. Si Cuhen ang nasa kabilang linya. Alam ng mga ito ang nangyari at masaya rin siya na nakapag-asawa na ito ng matinong babae. Hindi na ito nalihis ng landas.
“Pupunta kami d’yan kasama si Herrence at Azael.”
Napakunot siya ng noo. Noong libing ng kaniyang Ina, hindi nakapunta ang mga ito at may kaniya-kaniyang problemang hinarap. Pero nanood ang mga ito nung nakaraang taong na Stanley Cup at ang team niya ang nanalo. Kung dati, masayang-masaya siya nung nanalo sila, ngayon hindi. May kulang. Parang walang silbi ang pinalanunan nilang Stanley.
“Why?”
“Bye asshole!” Agad itong nawala sa kabilang linya.
Nagkibit na lang siya ng balikat at nagpasyang umuwi sa kaniyang bahay sa may Grand Lake. Nagulat siya nung pagpasok niya, nakita niya ang tatlong kaibigan na masayang nag-uusap at may kaniya-kaniyang hawak ng beer in can.
“Woah! Anong—”
“Here we are! Surprise mother fucker.” kangising sambit ni Hudson. Nagtaas pa ito ng beer in can.
“What you doing here?” litong tanong niya.
“Missing you. Ang tagal mo na kasing dumalaw sa Pinas. Nakakamiss pala ang mukha mo,” pabirong sagot ni Cuhen, “Sabayan mo kaming uminom.”
“Yeah, we’re here for drinks. Inom ka na.” kangising sagot ni Azael.
Naiiling siyang humakbang papalapit sa mga ito at inabot ang beer. Mga hayop talaga ang mga ito, nagpunta lang ng Pittsburgh para makipag-inuman sa kaniya. Matagal-tagal na rin pala sila magkasamang nag-inuman kaya mas mabuti rin na andito ang mga ito ngayon.
Nagsimula na silang mag-inuman. Maliban sa beer in can, may dala pang ibang inumin si Cuhen at nilapag sa harapan nilang lahat. Mukhang mapapasubo siya sa inuman ngayon kasama ang mga ito.
“Teka Azael, walang iyakan.” natatawang saad ni Cuhen nang magsimulang mag-drama si Azael.
“Hanggang ngayon ‘di pa rin ako makapaniwala na naging akin na si Amara. Nakakaiyak! Legit ang saya ng feelings, feel mo ako Zyd? Hindi ‘no? Bobo ka kasi, eh. Iyong asawa mo hiniwalayan mo.”
“She killed my mother.”
“Really? Oh, come on! Dapat alam mo iyon. Nararamdaman ‘yan ng puso,” seryusong banat ni Hudson.
Hindi siya sumagot. Ngayon lang ulit sila nagkausap ng matino samantalang ang baliw rin ng mga ito sa pag-ibig dati at nakikisali siya sa kabaliwan ng mga ito.
“Hindi ba, mahal mo siya? Its been fucking 3 years. Haven’t you moved on? Nasa langit na rin si Tita Kelly.” Binigyan siya ng panibagong inumin ni Cuhen.
Mabilis niyang tinanggap at nilagok iyon, “Gusto ko pero... Fuck! Paulit-ulit kong nakikita kung paano namatay ang Ina ko. Ang sakit! Masakit na masakit.”
Naiiling na tinungga naman ni Hudson ang iniinom nito at lumapit sa kaniya at binigyan siya ng isang malakas na batok. “Gusto mo ba gumaya sa`kin? Abhaya loathed me to death. Huwag mo ko gayahin gago ka, kung saan mahal na ang isang tao, doon pa nagsisi. Fuck dude, ‘wag ka na sumunod sa hakbang ko! Except nitong si Azael... Matino ‘tong kaibigan natin.”
Humagalpak naman ng tawa si Azael at Cuhen habang nagtaas ng hawak na inumin. “Pustahan, iiyak ka rin ng dugo tulad namin,” pasimpleng sabad ni Cuhen.
“Mahal mo siya, bakit ayaw mo kunin ulit?”
Napakuyom siya ng kamao. Wala ng saysay kung mahal niya o hindi. Wala na rin siyang pakialam. Mabilis siyang umiling. Malakas na halakhakan naman ng mga ito ang kaniyang narinig.
“Kung ‘di mo siya mahal, dapat sana noon mo pa pinakulong. Mahal mo siya, gago! Kinakain ka lang ng sariling galit mo.”
“Hindi niya ako mahal.”
“Ayon! Umamin din ang baliw.” Nagtawanan na naman ang mga ito at nagsi-high five.
“Magsabi ka lang, handa kitang tulungan. May alam ako na hindi mo alam. Pero sa case na ito, ayukong pumasok. Ayukong pangunahan ka. Gusto ko mismong ikaw ang makakita sa mali at tama, Zyd,” mahabang saad ni Hudson at seryusong tumingin ito sa kaniya, “Trust this.” Tinuro nito ang puso. “Not this.” Saka ang ulo. “Be aware. Alam kong makikita mo rin iyon, at sana ‘pag nakita mo Maayos mo na lahat pati relasyon niyo ni Elhouette mo.”
Nang gabing iyon, hindi siya makatulog. Marami silang nainom magka-kaibigan at nagsitulugan na ang mga ito sa guest room. Habang siya, nakatayo sa terasa ng kaniyang bahay at malayang pinagmasdan ang kalawakan. Mahal nga ba niya? Fuck. Parang baliw siyang natawa.
Ang hindi niya lang maintindihan, ang sinabi ni Hudson. May laman ang sinabi nito pero kahit mapagod na siya sa kaiisip, wala siyang makuhang sagot kung ano iyon. Kapagkuwa’y napabuntunghinga siya. Pumasok siya sa isang silid at pinagmasdan ang buong paligid ng kwarto. Napangiti siya, kwarto ito ni Elhouette. Ilan sa mga gamit na binigay niya rito, nando’n pa rin maayos nakalagay.
Babaeng-babae ang room nito pati design. Naka-arrange sa tabi ang mga stuff toys at mga librong binili nito. Naka-organised lahat at wala siyang ginalaw ro’n kahit isa. Lumapit siya sa drawer at kinuha ang contract at letter na iniwan nito na tinapon niya sa basurahan. Paulit-ulit niya iyong binabasa at natatawa sa sarili. Simula nang dumating ang babae sa buhay niya, nagbago lahat.
Napatingin siya sa mga pictures nilang nando’n sa isang picture album lahat. Parang sinuntok ang kaniyang puso nang buksan niya ulit iyon. Ngayon lang siya nagkaro’n ng lakas para tingnan ang nasa loob. Masasayang pictures nila lahat iyon ni Elhouette, mula sa mga games niya, hanggang sa Stanley Cup at pinakahuli, nasa Paris sila. Hindi niya alam kung para saan ang sakit na nararamdaman niya kaya nagpasya siyang isara ulit ang album.
Nagtaka lang siya nung makitang may nakaipit na papel sa likod ng album. Binuklat niya ang likod nito at nakitang may maikling sulat na nakatupi ro’n. Walang pagdadalawang isip na binuksan niya iyon at binasa ang laman.
Zyd,
Bakit gano’n? Kahit ayuko mahulog... Nararamdaman kong nahuhulog ako ng tuluyan. Mahal na yata kita. No, hindi yata. Mahal kita. Kaso, ayuko malaman mo at baka ipamukha mo sa`kin temporary wife lang ako. Eh, mahal na kita! Hahah.
Ikaw kasi, pa-fall ka. Ang landi-landi ng mga ngiti at tingin mo. Nilalandi mo ang malanding puso ko. Yiehhh! Haha. Wala na, nababaliw na ako kasi nagsusulat na ako ng feelings ko sa`yo rito sa papel.
Gusto ko sanang sabihin sa`yo na mahal kita kaso iniiwasan mo na ako. Pakshet kang lalaki ka, masakit kaya iwasan. Malapit na pala birthday ko, sana naman maalala mo. Kaso busy ka, wala ka ng oras sa`tin but its okay though. Naiintindihan ko naman. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit bigla kang nagbago.
Dahil ba sa binigyan ko ng flowers si Mrs. McCluskey? Ano ka ba, hindi ko naman kasi alam iyon at nag-sorry na ako, ‘di ba? Pasalamat ka, mahal na mahal na kita kaya okay keri lang na pagalitan mo ako sa part na iyon.
Kaso ang sabi ni Kate, magkatabi raw kayong natulog nang gabing iyon. Ang saklap naman, Zyd. You’re breaking me! Charrut. Hahah. Hindi, totoo... Masakit iyon sa part ko though siya ang unang minahal mo pero ako kasi ang asawa mo...
Mahaba na ang naisulat ko. Hayy ang drama ko talaga. Dito na lang...
I love you, Zyd Caiden McCluskey.
Elhouette.
07/12/2014
Pakiramdam ni Zyd na uminog ang kaniyang mundo. Sunod-sunod na kaba ang kaniyang naramdaman at biglang may hinanap ang kaniyang mata. Kung sulat ito na Lianne at penmanship ito ng babae, bakit magkaiba sa penmanship ng sulat na iniwan nito rati? Kung mahal siya nito, bakit may sulat na— fuck! Mabilis niyang pinagtabi ang dalawang sulat. Biglang nanginig ang kaniyang katawan at napaatras. Bakit hindi niya napansin agad iyon?
Maganda ang sulat-kamay ni Lianne at sa isang sulat, halatang minadali lang at hindi halos maintindihan ang ibang words. Kung sabagay, konti lang ang alam niya sa babae. Kahit nga penmanship nito, ngayon lang niya nalaman. Kahit kay Kate, sa sobrang tagal nila rati. Hindi niya pa gaanong kilala ito. Nakaya nga siyang lokohin na hindi niya alam. Masyado lang talaga siyang focus sa paglalaro ng Hockey kaya lagi siyang napapag-iwanan ng panahon.
Napasubot siya ng buhok. Ito ba ‘yong sinasabi ni Hudson? Nilagay niya sa bulsa ang pekeng sulat ni Lianne sa kaniya at saka binalik sa likod ng album ang love confession nito. Sayang nga lang, nagbiro ang tadhana ng mga panahong ‘yon at hindi siya naging handa. Marami ang naapektuhan at kasama siya ro’n.
Isa lang ang pumasok sa isip niya, sulat ni Kate. Agad siyang tumakbo pabalik sa kaniyang kwarto sa itaas at hinalungkat ang mga love letters na galing rito pero hindi pa niya nababasa sa sobrang dami. Pinagtagpi niya iyon at napamura ng malakas! Iisang penmanship.
Fuck! Napaupo siya sa sahig. Maliban sa sulat, ano pa ang sinabotahe ni Kate sa buhay niya? Sa buhay nilang mag-asawa rati? May dapat ba siyang malaman? Biglang sumikdo ang kaniyang puso...
Nung araw na tinulak ni Kate si Lianne, alam niyang maraming dugo ang lumabas sa hita nito nang pangkuin niya. Sobrang guilty at pag-alala niya lalo na’t inakala niyang buntis ito sa kanilang anak. Nagsuntukan pa sila ni Gustavvson dahil biglang lumitaw ito sa Hospital at unang hinanap si Elhouette. Aalamin pa sana niya ang resulta ng test ng asawa nang sinabi sa kaniya ni Kate na nahimatay ang kapatid niyang si Sela at nagwawala ang kaniyang ama kaya napilitan siyang iwan ang babae sa kamay ni Gustavvson.
Nung tinanong niya ang Doctor kung buntis ba ito... Ang sabi, hindi. Nag-bleeding lang ito sa sobrang stress at may period din ang babae nang araw na iyon kaya gano’n ang nangyari. Babalik na sana siya sa room kung saan ang kaniyang asawa pero nakaalis na si Elhouette kasama si Gustavvson. Ang sabi ng Doctor, pinalipat ng magaling na lalaki sa ibang Hospital ang asawa niya.
May mali ba? Damn! Pagbagsak siyang humiga sa sahig na may carpet at napatitig sa kesame. Bakit ngayon lang niya naisip? Bakit parang ngayon lang dahan-dahan lumilinaw sa isip niya ang mga bagay-bagay? Saka naman pabirong lumitaw ang mala-anghel na mukha nung batang nakita niya kanina.
“That kid. Why do I feel this way? There something inside me. Fuck! Anak ba ni Elhouette at Gustavvson?” napakuyom siya ng kamao. Hindi niya gusto ang bagay na pumasok sa isip niya kahit alam niyang posibleng mangyari ang gano’n bagay.
Kinabukasan, nagsialisan na ang mga kaibigan niya habang siya dumeritso sa Hospital. Biniro pa siya ni Hudson na nakamasid lang ito sa kaniya at tutulong ito kapag handa na siyang harapin ang kaniyang pagiging duwag.
Una niyang hinanap ang Doctor na siyang tumingin kay Elhouette pero nag-resign na ito at wala na sa Pittsburgh. Nasa Korea na ito nadestino. Bagsak ang balikat na bumalik siya sa kaniyang kotse. Nag-iisip siya kung anong gagawin sa araw na ito dahil bukas pa naman ang laro nila. Naalala niyang may binigay sa kaniyang application si Hudson dati. Mabilis niyang hinalungkat ang kaniyang email at nakita niya ro’n ang APK. Agad niyang ininstall iyon sa kaniyang cellphone. Namangha siya sa hitsura ng application, muntik niya ng makalimutan kung bakit niya ininstall iyon.
Mabilis niyang tinipa ang pangalan Lianne Elhouette Vergara sa search bar. Agad niyang pinindot ang pangalan na lumabas na nag-pop up. Isang segundo lang ang kaniyang hinintay, mabilis lumabas ang location ng babae. Nasa Grandyle Village, Newyork lang ito. Hindi nakakapagtaka bakit nataguriang genius ang kaniyang kaibigan. Agad niyang sinunod ang address na tinuro sa mapa. Mga apat na oras ang itatakbong oras niya papunta sa destinasyon. Napatingin siya sa kaniyang wristwatch, maaga pa naman.
Napatitig siya sa malaking bahay mula sa kalayuan. Nasa loob lang siya ng kaniyang sasakyan habang naghihintay. ‘Di niya alam kung ano ang kaniyang hinihintay, basta nanatiling nakatambay lang siya. Ilang sandali lang, biglang sumikdo ang puso niya nang makita ang batang paslit na masayang nagtatakbo sa labas kahit makapal ang snow. Nakasuot ito ng boots, jacket at boonet.
“Mommy come here!” malakas na tili nito, “Watch me singing like Elsa!”
Napangiti si Zyd sa katabilan ng bata. Hinihintay niyang lumabas si Elhouette. Napatitig siya nang tumakbo papalabas ang babae. Tulad pa rin ng dati ang ganda-ganda pa rin nito, walang kupas kahit hanggang balikat na ang buhok.
“Aerush Li!” tawag nito.
Aerush Li... Magandang pangalan. Bagay na bagay sa kakyutan ng bata. Napapansin niyang magkahugis mukha ang mga ito pero ang mata, napapansin niyang kahugis niya pati ang cute lips nito. Napaayos siya ng upo. Ilang taon na ba ang nagdaan? Tatlong taon. Fuck!
Napatitig siya sa mga ito. Masayang naglaro ang dalawa sa snow at nagsimulang kumanta ang bata gaya ng sabi nito. Natawa siya nang kumanta ito ng Let it Go ng Frozen habang sinasaboy nito ang ice. Tuwang-tuwa ito at ang lakas ng halakhakan ng mag-ina habang naghahabulan.
Natigil lang siya sa pagtawa nang mula sa loob nang lumabas ang lalaking kaaway niya lagi sa laro. Napatitig siya sa mga ito nang lapitan nito ang bata at kargahin. Sumunod si Elhouette rito habang masayang nagtatawanan at pumasok sa loob ng kabahayan.
Nakaramdam siya ng sakit sa nakita. Pinilit niyang kumalma at nagpasyang umalis agad sa lugar na iyon. Nanibago siya sa naramdamang galit at kung para saan iyon kaya pinili niyang umalis na.
Nang makabalik siya ng Pittsburgh, napatingin siya sa apps. Wala sa loob na nilagay niya ang pangalan ni Kate sa search bar. Kailangan nilang mag-usap. Nakita niyang nasa malapit na resto lang ito kaya mabilis siyang sumunod. This application helps him a lot. Bakit hindi niya ito ginamit dati? Tama nga talaga si Azael, napakabobo niya.
Nasa kalayuan lang siya nang mapansin niyang may kausap na lalaki si Kate. Seryuso ang mga mukha ng mga ito kaya naghintay siya nang ilang sandali. Nagulat lang siya nung makitang si Zig ang kausap nito at base sa hitsura, parang hindi maganda ang pinag-uusapan ng dalawa.
Kailan ba nag-uusap ang kaniyang kapatid at ni Kate? Sa pagkakaalam niya, hindi magkasundo ang dalawa. Kahit nung dati na meron pa sila ni Kate. Ayaw ni Zig sa babae.
Mas lalong padami nang padami ang mga tanong sa kaniyang isipan. Naghalo na at nalilito siya kung alin ang unahin. Kaya ang ginawa ni Zyd, bumalik muna siya ng bahay at nag-isip ng matino. Pinagtagpi-tagpi niya sa utak ang mga nangyari at binalikan ang mga nakaraan. Baka may nalingat siya at mali ang kaniyang hinahakbangan.
Naging busy si Zyd sa NHL. Kahit gusto niyang masagot ang mga katanungan sa kaniyang isip, pinagsantabi niya muna. Alam niyang masasagot lahat ng iyon pagdating ng panahon. Tulad ngayon, kababalik lang nila galing America. Dumeritso siya sa Grandyle Village. Hindi niya inalintana ang winter season at dapat nasa bahay na siya pero pinili niyang tingnan ang mag-ina na masayang naglalaro ng snow sa labas ng bahay. Gumagawa ang mga ito ng Snowman habang panay tawa ang batang kilala niyang pangalang Aerush.
Marahan siyang napabuntunghinga. Hindi niya alam kung para saan ang sakit na umaatake sa kaniya ngayon. Napatingin siya sa kaniyang cellphone nang tumunog ito, may nag-email sa kaniya. Pangalan ng tao at address ang nakalagay sa email. May naka-attached na background ng isang tao, binuksan niya iyon at napakunot ng noo.
Background profile ito nang isang Doctor at kung ‘di siya nagkakamali, ito ‘yong Doctor na tumingin kay Elhouette. Malapit lang ang tinuturong address at parang may kung anong tumulak kay Zyd na umalis sa Grandyle Village at maingat na binaybay ang daan papuntang Toronto. Pagod siya pero may kailangan siyang malaman.
***