“So, it’s you.”
Natigilan si Lianne sa pag-lock ng shop. Nauna na ang dalawa niyang kasama at hindi niya napaghandaan ang presinsya ng lalaking walang iba kundi si Captain McCluskey. Nakasandal ito sa wall at nakapamulsa. May suot itong cap at hindi niya alam kung saan ito nakatingin, marahil sa kaniya. Alangan naman sa kesame.
“What do you mean?” nilangkapan niya ng galit ang boses. Pinagpatuloy niya ang pag-lock ng pintuan. Hindi niya pinaalam dito na nanginig ang kaniyang kamay.
“That one who ki—”
“I’m going. Have a goodnight, Mr. McCluskey.” Hindi niya hinayaan na matapos ang sasabihin nito at nauna na siyang humakbang. Bahala ito kung habang-buhay itong tatayo sa dingding nila o kung gusto nito maging dingding. Ang gusto niya ay makauwi na ngayon! As in ngayon kung may pakpak siya.
“Not so fast, Elhouette.” Mabilis nitong hinaklit ang kaniyang kamay.
Elhouette? Natigilan siya. Ito lagi ang tinatawag na pangalan sa kaniya ng lalaki nung nasa social media pa sila nagcha-chat. Biglang uminit ang ulo niya sa walang dahilan at galit na iniwaksi ang kamay nito.
“Pwede ba! Tigilan mo akong hayop ka?! May pa Elhouette ka pa nalalaman, close tayo?! Bwesit kang lalaki ka. Maliban sa wala kang ibang ginawa kundi ang saktan ako, pinaasa mo pa ako! Gusto mo makatikim ng sampal? Tadyak? Nanggigigil ako sa pagmumukha mo. Kuuh pasalamat ka, hindi ka lang mukhang unggoy! Mukha ka rin tipaklong bagay kayo ng jowa mong kalansay!” sa sobrang gigil niya pinandilatan pa niya ito ng mata pero nang maalalang hindi naman pala siya nito naintindihan, napairap siya ng bongga sa inis.
“I understand, all of it.” kampanteng saad nito at nag-cross arm sa harap niya.
Napakurap-kurap siya. Ibig sabihin...
“Yeah all of it. I never used that language here since I’m not into that. I sounds awkward and boring,” simpleng saad nito, “And I never hurt you. Not even know you frankly speaking.”
Inirapan lang niya ang lalaki sa inis. Hindi kilala, wow! Binanggit nga nito ang pangalan niya ngayon ng bonga-bongga tapos ‘di kilala? Kung kanina ay kinabahan siya to the highest level, ngayon naman kabaliktaran. Parang gusto lang niyang pagbugbugin ito kahit para lang siyang manika sa harap nito ngayon but who care? Wala rin siyang paki kung alam nito ang lenggwaheng gamit niya, mas maganda nga iyon para harap-harapan niya itong mumurahin. Bwesit na lalaking ito!
“Here.” May inabot ito sa kaniya. Nang mapatingin siya kung ano iyon, cellphone niya. Mabilis niyang hinablot sa kamay ng lalaki pero mabilis din nitong binawi ang kamay. Ngumisi ito. “After browsing your pictures on gallery earli—”
“What?! At sino may sabing mangialam ka sa gallery ko?! Ibigay mo sa`kin cellphone ko bwesit ka, ibigay mo!” Pinilit niyang agawin dito ang cellphone pero tinaas lang nito ang kamay at mas lalong lumawak ang ngiti.
“Correction, you gave it to me. So, akin na ‘to.”
Bigla siyang natigilan sa sinabi nito. Wait, nagsalita nga ito ng tagalog. Shutaness! Napahawak siya sa kaniyang dibdib sa sobrang bilis ng tibok nito ay halos mabingi siya. Ang Captain na kilala niya at ka-chatmate ay hindi marunong magtagalog, at mas lalong hindi nakakaintindi.
Hindi nga talaga ito nagbibiro na naintindihan siya but he really sounds awkward. May accent ang salita nito at kulang na lang ay humagalpak siya ng tawa.
“Ano? Naniniwala ka ng hindi ako?” seryusong saad nito.
Pinigilan niyang hindi matawa pero nauwi sa lakas ng halakhak niya. Sobrang slang nito at para itong foreigner na dumayo sa Pinas.
“Nanenewala kah ng hende akow?” gagad niya sa sinabi nito at tumawa ulit. Hindi siya makapag-move on. Hindi maipinta ang mukha nito at parang handa siyang lamunin sa panggagaya niya.
Amaze lang siya mga 10 seconds pero nang maalalang hindi pala sila close, agad siyang tumahimik at umayos. Umubo siya at inayos ang sarili at inirapan ang lalaki. Bakit siya tumawa sa harap nito?
“I’m going. Kung tapos ka na sa cellphone ko, pakibalik na lang sa`kin.” Tinalikuran niya ito at umalis siya nang walang paalam. Tinakbo rin niya ang hintayan ng bus makawala lang siya sa presinsya ng lalaki.
Ano ‘yon? Sandali niyang dinama ang puso nung makasakay na siya ng bus. Halos nakipagligsahan ang tibok ng puso niya nang mga oras na iyon. Napangiwi siya at napauntog sa bintana ng bus sa isipin bakit siya tumawa. Baka isipin nito na nagpapa-cute siya at isa pa, hindi pa rin nagbago sa isipan niya na ito ‘yon ng ghost at ng scam sa puso niya.
Cheater! Napairap siya sa hangin at kinalma ang sarili.
Natawa na lang si Zyd habang binaybay niya nang gabing iyon ang kalsada. Hindi niya alam kung para saan ang tawang iyon pero natatawa siya sa kamalditahan ng babaeng alam niyang sa pangalan Lianne Elhouette Vergara dahil sa phone nito. Dati, hindi niya na binibigyan ng pansin ang mga tulad nito dahil sa status ng kaniyang profession, maraming naghahangad na makuha siya sa kabila na may fiancée siya.
Napailing siya nang maalala niya ang nakuhang halik at sampal sa babae nung nasa isang Elite’s Bar sila magkagrupo. Unang pumasok sa isipan niya ay isa itong dying hard fans niya na gusto niyang mapansin kaya naglasing, pero nung sampalin siya at pagmumurahin, binantaan at sinabihan na isa siyang manloloko.
Do’n niya lang nasiguro na seryuso ito at sobra nga itong nasaktan. Pero hindi niya alam ang pinagsasabi nito at mas lalong hindi niya ito kilala. The kiss was unexpected and to tell honestly, only Kate was his first kiss, first girlfriend, first sex. Lahat yata ng first nasa babae niya ginawa kaya imposible ang paratang nito sa kaniya.
Sinundan niya ito. Babawiin niya ang halik na kinuha nito sa kaniya at gusto niyang matawa sa mga sandaling iyon, pinagmumura siya nito sa lenggwaheng alam niya. Okay sa kaniya dahil kinakausap siya ng mga pinsan at mga ulol na kaibigan sa lenggwaheng tagalog dati at hindi naman ito gano’n kahirap. Sadyang hindi lang siya sanay kapag nasa Pensylvannia dahil wala rin naman nakakaintindi at nag-mumukha lang siyang trying hard na gustong maging filipino by heart.
Maganda ang babae, sexy at alam niyang isa itong Pinay sa unang tingin pa lang kaya siguro sinundan niya agad ito sa kalsada. Nakakatawa lang dahil hindi niya naman gawain iyon pero pagkatapos, kinalimutan niya na ang nangyari. Nakalimutan na rin niyang nasa kaniya ang cellphone nito na binigay niya rin kay Kodi pero nung magkita sila ulit sa party, parang may gusto siyang malaman dito.
Kinuha niya ang phone nito kay Kodi na swipe lang ang lock. Nagkalkal siya sa gallery at pinagmamasdan ang mga selfie nitong dugyot at pangit. Natawa siya habang inalala ang mga plastic na ngiti nito sa camera. Kate is beautiful and sophisticated at ang babaeng nagngangalan Elhouette ay kabaliktaran. Mga babaeng hindi niya tipo.
Nalaman ni Zyd sa gallery nito na may screenshot at convos ng mga conversation nang taong inakala nitong siya. Natawa siya. Bakit agad ito nagpa-niwala? Maraming screenshots ang nando’n at marahil isa itong poser pero nung nagpunta siya sa video recording, napamura siya nang wala sa oras. Kamukhang-kamukha niya at kaboses. Napailing siya sa isiping iyon. Biktima ang babae kaya hindi niya ito masisi kung bakit ganito kalaki ang galit sa kaniya.
Wala siyang planong ibalik ang cellphone nito. Wala rin siyang planong bumalik sa shop. Kailangan nilang mag-focus sa upcoming game nila next week, 3 times in a row iyon kaya pus-pusan practice ang kailangan. Tapos na siyang kilalanin ang babaeng nagnakaw ng halik sa kaniya at iisipin niyang isa ito sa kaniyang mga fans.
Isang taon mula ngayon, ikakasal na sila ng babaeng pinangarap niya dati pa pero laging postponed ang kasal nila dahil na rin sa hindi parehas ang kanilang schedule. Pareho silang busy sa mga profession na kanilang pinili pero ngayon, tumatanda na silang dalawa. 31 na siya at 30 na rin si Kate. Napabuntunghinga siya at nagseryuso na sa pagmamaneho. Gusto niya ng umuwi at makapagpahinga.
NAKAISMID na nakaharap si Lianne sa kawalan habang nakaupo sa loob ng Coffee Shop. Wala yata siyang balak patahimikin ng kaniyang utak sa pag-iisip sa lalaki na kahit anong gawin niya para mawala ito, hindi talaga! Para itong sirang plaka na paulit-ulit na lumitaw sa kaniyang isipan. Tanggalin na lang kaya niya ang kaniyang utak sabay tapon sa kanal, gano’n?
Ano ba Lianne, nababaliw ka na. Magtrabaho ka na, okay? Hindi ka pumunta sa Pensylvannia para lumandi, babae ka! pinapagalitan niya ang kaniyang sarili at kulang na lang ay iuntog niya ang ulo sa mesa. Baka sakaling pag ginawa niya ‘yon, magising siya sa katotohanan.
Wala silang customer sa araw na iyon kaya ang ginawa nila, tumambay at naghihintay na may maligaw na customer. Nagkikwentuhan ang dalawang kasama niya malapit sa may glass wall habang siya ay nasa kaniyang pwesto lang nakaupo. It’s been 2 weeks since huli niyang makita ang binata but who cares, hindi naman niya ito gusto pang makita. Napaikot siya ng eyeballs at maarteng napa-buntunghinga.
Shuta ka girl, move on! inis na pakli niya at napairap.
Nasa sitwasyon siya na nag-aaway ang kaniyang mag-kabilang panig na utak nang lapitan siya ng dalawa at halatang humaharot na naman sa kilig. Dito talaga magaling ‘tong dalawa na ito eh, minsan kaya subukan niyang kurutin ang mga pechay ng dalawang malanding ‘to?
“Lianne, may invitation card tayo galing kay King Henrik. Omg! Ito na ‘yong pagkakataon na maharot natin siya!” exaggerated na kwento ni Trixie at kulang na lang ay hubaran siya ng balat sa kaniyang katawan. Hindi naman halatadong excited ito.
“Dapat ‘yong susuotin ay bongang bongga na labas hita at boobs para pak na pak!”
Napairap siya sa hangin at biglang inagaw ang pinag-kakaguluhan ng dalawang talandeng kasama niya. Tahimik niyang binasa kung ano ang nakasaad sa invitation card na pinag-kakaguluhan.
Napalinya ang kaniyang kilay nang mabasa ang nakasaad, tangek talaga ang mga ‘to! Tig-iisang hampas ang nakuha ng dalawa sa kaniya sa braso dahil sa lakas ng amats. Flyers lang pala sa kabilang shop na nagbebenta ng tinapay.
“Biro lang! Ouch naman,” reklamo ni Hera, “Masama bang mangarap na ma-invite sa birthday niya?”
Inismiran lang niya ito at pinandilatan ng mata. Inirapan lang siya ng sabay ng dalawa at sinabihan kill joy. Lihim na lang siyang natawa at bumalik sa pagkakaupo nang matanaw niya ang pagpasok ni Henrik at naka-all smile pa ito.
“Hi! One latte please?”
Parang mga bulateng inasinan ang mga kasama niya na mabilis nag-assist sa binata. Matapos itong mag-abot ng bayad, may isa pa itong inabot— card? Napatingin siya sa binigay nito sa kaniya at nagdadalawang isip kung buksan iyon. Isa itong invitation card ayon na rin sa nabasa niya.
“Hope the three of you will come.” Nahihiyang napakamot ito sa ulo at saka umalis na bitbit ang kapeng inorder. Sumulyap muna ito sandali sa kaniya at nagbigay ng magandang ngiti saka tuluyang umalis.
Ang lakas ng tilian ni Hera at Trixie nang mabasa ang laman ng binigay nitong imbitasyon. Para itong mga timang na hindi magkandauga sa pagtili at pagsisigaw sa kilig at kung kanina ay muntikan na siyang balatan buhay, ngayon ginawa na nga ng mga talandeng babaeng ewan pinanganak. Nagtatalon at naghampasan pa ito at naiiyak dahil nagkatotoo ang gusto ng dalawa.
Hindi na lang pinansin ni Lianne ang mga ito at tahimik siyang nag-isip. Bakit sila inimbitahan ng lalaki? Oo aaminin niyang regular customer nila ang binata at sikat ito pero ang invited sa birthday nito sa susunod na linggo na dadausin sa isang sikat na Bar?
Saka lang siya napatango sa naisip nang maalalang nasa Pensylvannia nga pala sila at wala sa Pinas. Iba ang galaw rito at halos sa mga tao ay liberated. Kung ‘yan ang usapan, wala naman siyang gagawin ngayon Sunday ng gabi at isa pa kasama naman niya ang dalawa. Why not try na magsaya siya, ‘di ba?
Nag-alangani siyang pumasok sa Elite’s Bar na kung saan dadausin ang kaarawan ni Henrik. Kung hindi pa siya sinundo ni Trixie at Hera baka hindi na siya pumunta, pero nakakabagot tumambay sa bahay kasama ang kaniyang pinsan na walang ibang ginagawa kundi ang ipaalala ang kissing moment nila ni Zyd.
Speaking of Zyd, dito sa bar na ito una niya hinalikan at sinampal ang lalaki. Iniisip pa lang niya iyon ay gusto niyang manakal ng tao sa sobrang inis sa sarili kung bakit niya nagawa ang bagay na kahiya-hiya.
Pinakita nilang tatlo ang invitation card sa tatlong tao na nakabantay sa labas saka sila pinapasok sa loob. Nagsimula ng mag-ingay ang buong paligid at ang lakas ng musika ay medyo nagpawala sa kaba niya. Puro mga tisay ang nasa paligid at kung hindi artista, baka modelo.
Tuwang tuwa ang dalawang kasama niya at hindi pa nga siya nakapagsalita na huwag siyang iwan mag-isa, mabilis na itong nawala at hindi niya mahanap. Napairap siya sa hangin at nagsimulang maglakad, una niyang hinanap ay si Henrik para batiin ito saka uuwi.
Hindi naman siya nahirapan sa paghahanap sa lalaki dahil nasa bar counter ito at nakikipagtawanan sa mga iilang kalalakihan habang may kaniya-kaniyang hawak na kopita. Bigla siyang na-paurong sa isiping hindi sila close ng lalaki kahit na isipin inimbitahan sila nito. Nagpasya siyang mamaya na lang ito lapitan. Lumihis siya ng daan at bumagsak siya sa mga food appetizer na nasa kanang bahagi ng bar.
Dahil kinain na rin siya ng hiya dahil halatadong hindi naman siya talaga belong sa lugar na iyon, nagsimula siyang kumain nang kumain kahit ang totoo hindi siya gutom. Saan ba kasi ang dalawang kasama niya? Mali yata ang kaniyang desisyon na dumayo dahil halatang hindi naman talaga siya makakapaghalubilo, maliban sa puro englishan slang ang nga taong nando’n at ang tatangkad pa.
Masarap!
Ito ang unang pumasok sa kaniyang isipan habang walang sawa sa pagtikim ng bawat appetizer na nando’n sa mesa. Nabilaukan siya sa kinakain nang masagip ng mata niya ang babaeng kilala niya sa pangalan Kate na jowa ni Zyd at may kayakapan na lalaki sa isang sulok na hindi masyadong mapapansin. Mabilis niyang inabot ang kopitang dala ng waiter ng dumaan ito at ininum ng walang alinlangan.
Napapikit siya sa sobrang pait. Bwesit! Sino ba kasi ang nag-imbento ng inumin at ang pait pa kahit ilang beses niyang inumin? Wow? Eh, ‘yong huli mong punta rito kasama si Sheena, ‘di ka napapaitan sa alak na ininum mo no’n? Kontrabidang sagot ng kaniyang utak.
Mabilis niyang nilapag sa mesa ang kopitang walang laman. Napatingin siya ulit kung saan niya nakita ang babae, wala na ito pati ang lalaking kalandian lang nito ngayon. Napaisip siya ng wala sa oras, hindi ba ikakasal na ito? Nagkibit na lang siya ng balikat at hinayaan ‘yong nakita niya. Baka naman old friends, pinsan or baka talaga kalandian.
Mas lalong lumakas ang musika sa paligid at dumami ang mga tao, kaniya-kaniyang hawak ang mga inumin at nagsasayahan habang ‘yong dalawang kasama niya nawala na... Sinaniban ng kalandian. Hindi rin siya nakalapit sa binata dahil maraming lumalapit dito at nakikipagkwentuhan kaya ang ginawa niyanay umupo muna sa isang sulok na walang makakapansin sa kaniya.
May bitbit siyang dalawang kopita ng wine na hindi niya alam ang pangalan, agad niyang tinungga iyon. Napangisi siya nang umikot ang kaniyang paningin, pakiramdam niya biglang kumapal ang kaniyang mukha. Tama, kailangan niyang lapitan si Henrik para bumati at magpaalam.
Ang binata mismo ang nagmamadaling lumapit sa kaniya nang makita siyang papalapit dito na malamlam ang mga mata at medyo pasuray-suray na. Shutaness naman! Kahit anong ayos niya ng paglalakad, nag-eekis ang kaniyang paa.
“Hey Lianne! I’m happy to see you here, I thought you were not coming!” hindi halatang masyado nga itong masaya nang makita siya.
Ngumiti siya at nauwi sa hagikhik, “Happy Birthday!” masayang bati niya rito sabay tapik sa balikat nito. “Pakasaya ka sa araw ng birthday mo, ‘tol!”
“Um... what?”
“Wala.” Napahagikhik siya at humakbang na papaalis. Kailangan niya ng umuwi. “Ayyyy!” Pero bisig ni Henrik ang sumalo sa kaniya nung muntikan na siyang matumba.
“Are you okay? I guess you’re tipsy and—”
“Nasusuka ako— wait!” Mabilis siyang nakaalis sa pagkakahawak sa kaniya ng lalaki at tumakbo papuntang restroom. Mabuti na lang at may natitira pang lakas ang kaniyang paa para maglakad.
Nagduwal siya saglit isa sa cubicle at nagpasyang uuwi na talaga. Baka kapag magtagal pa siya ay hindi niya makakaya ang sarili na iuwi. Dumaan siya sa isang pintuan na kaniyang nakita at laking tuwa niya na exit iyon. Bahagya niyang pinilig ang ulo at umiikot ang kaniyang buong paligid. Humugot muna siya ng malalim na buntunghinga bago niya maihakbang ulit ang paa.
Pakanta-kanta siya sa nilalakaran nang mapansin ang mag-jowang nag-aaway sa isang tabi at may lalaking nakahandusay sa isang tabi. Sa lasing niyang diwa, makapal ang mukha niyang umupo sa may ‘di kalayuan at nakinig sa away ng mga ‘to.
“What the fuck this all about Kate? You cheated behind my back and you thought I wouldn’t know it?! Fuck, fuck it!” galit na saad ng lalaki at kulang na lang ay pagsampalin nito ang babae.
Ayan kasi cheater. Hindi makontento sa isa, naka-kaimbyerna ang mga ganiyan tao! Gigil na gigil din siya habang nanonood at nakayakap na ngayon sa poste. Masyado kasing intense ang ganitong tagpo, nakakadala ng emosyon. Nakakaiyak! Saan ba ang popcorn at panyo niya?
“Yes, I cheated on you. I lied and cheated, it’s all because of you Zyd!” ganting sigaw ng babae at may paiyak-iyak pa.
Napapailing na lang siya sa naging madamdaming tagpong iyon. Pati pangalan ay kilalang-kilala niya. Lasing na nga talaga siya.
“Don’t throw that blame on me Kate. I’d rather you be upfront with me if you’re not feeling it, instead of going behind my back and play games. You cheated on me here and you can’t reversed that fucking situation. Fuck Kate! A decent woman can never do that to her fiance except when she’s really a bitch.”
Isang malakas na sampal ang nakuha nito sa babae at pati siya ay napaaray sa sakit. Ouch! Kawawang lalaki, niloloko ng babae kahit ikakasal na. Lalapitan ko ba? Babatiin ko rin ng Happy Birthday. Hihih.
Nagdesisyon siyang lumapit sa mga ito at nakisali. Aba’t, hindi niya hahayaan sampalin nito ang lalaki kung ito naman ang malandi at nag-cheat sa relasyon.
“Hoy babae kang tangina ka!” tawag niya sa babae. Gina-galit talaga siya nito, eh. Hindi pwede sa kaniya ang asta nito
Mabilis tumingin ito sa kaniya at napakunot ng noo. Napangisi siya nang makilala niya ang mukha nitong nagkalat ang make-up. Hindi bagay rito ang cheater tag, dapat ang tawag dito ay Kate malandi pepe.
Isang malakas na sampal ang binalik niya kay Kate na hindi makahuma sa kaniyang ginawa. Sandali siyang napasigok at napakapit sa braso ng lalaki na mula sa nanlalabo niyang tingin ay si Zyd. Napahagikhik siya sa nakita, ang gwapo naman talaga nito.
Pahimas nga! Hihihi. Hinimas niya saglit ang abs nito. So real nga! Pahimas ulit. Muntik dumulas ang kaniyang kamay sa ilalim ng pantalon nito.
“You?!” galit na asik ng babae na ngayon ay dinaluhan nung lalaki nito na nakita niya kanina sa loob ng bar na kaharutan. Teka, nakahandusay lang ito sa tabi kanina.
“Oo, ako!” tinaasan niya ito ng kilay at galit na nameywang sa harapan nito. Mamaya niya na himasin ang abs ni Zyd ulit. “FYI, All people have feelings, they are not there to be used!” madamdaming saad niya, “ If you’re not longer interested in someone, they have the right to be informed before you go and cheat and magpakantot. Isa kang babaeng malantod! Higad. Mukha kang etits!”
“Enough with that, Elhouette. Let’s go,” boses ni Zyd ang pumutol sa kaniya pero hindi, hindi pa siya tapos. Tinaasan lang niya ng kilay ang lalaki at hinarap ulit si Kate.
“Ano? May sasabihin kang deputa ka?!” Nakapameywang na tanong niya rito. Wala siyang paki kung nagmistula siyang langgam sa harap ni Kate. Maganda namans siya.
“Wait! You know her?!” Si Kate.
Ngumisi siya ng nakakaasar sabay yakap ng kaniyang kamay sa braso ni Zyd. “Yes maderpakir! And besides, you were the first one who cheated here so I’m taking your fiance now. He is all mine and I’ll be his beautiful-lovely-pretty bride.” Kuminang-kinang pa ang kaniyang mata sa sinabi. “Goodbye!” At hindi nakahuma ang babae sa kaniyang sinabi lalo na si Zyd na napatanga na lang at naging sunuran sa kaniyang paghila.
Deritso sila sa kotse nito at eksaktong pagpasok pa lang niya sa passenger seat ay nagduwal siya. Umiikot na talaga ang kaniyang mundo at ang sumunod ay hindi niya na maalala, bigla siyang nakatulog.
***