Biglang bumagsak ang sabon na hawak niya at napatili ng malakas. Siya ang— siya ang unang nag-insist na angkinin siya ng binata. Shutaaa! Anong ginawa niya?!
“You okay?” Awtomatikong bumukas ang pintuan at nag-alalang mukha ni Zyd ang bumungad sa kaniya.
Mabilis niyang tinakpan ang kahubaran. “Bastos!” Binato niya ito ng shampoo.
Mabilis itong nag-iwas ng tingin at walang sabing nawala sa kaniyang harapan. Naiinis at naiiyak siyang napasabunot sa kaniyang buhok nang wala na si Zyd. God, why? Parang gusto niyang iuntog ang ulo sa malaking salamin na nasa harapan niya. Bakit niya nagawa ‘yon? Sa isiping siya pala ang unang gumawa ng moves, namumula na ang kaniyang buong mukha sa kahihiyan at kagagahan. Ang tanga niya!
Pinunasan niya agad ang mga luhang pumatak sa mga mata niya at dali-daling nagbihis. Kailangan niya ng makaalis sa bahay nito and pretend na hindi nangyari ‘to, na walang nangyari sa kanila, na hindi niya sinuko ang kaniyang pagkababae sa lalaki.
Kumuyom ang kaniyang kamao nang mapasulyap siya sa dugong bumakat sa bedsheets pagkalabas niya. Napapikit siya at pilit hinamig ang sarili kahit gustong gusto niyang maglupasay sa iyak at pagsasampalin ang binata.
Hindi niya alam kung saan si Zyd, mas mabuting maglaho nga ito dahil hindi niya mapapatawad ang kaniyang katangahan at kabastusang ginawa nito. Siya ‘yong lasing. Ibig sabihin, nag-take advantage ito sa mga panahong mahina siya. Biglang tumaas ang kaniyang dugo at umakyat sa ulo! So what kung siya ang unang nag-first move, dapat tinulak siya nito pero hindi, masyado itong bastos at binastos ang kahinaan niya.
Kahit masakit ang pagitan ng kaniyang hita, pinilit niyang maglakad. Napapamura na lang siya sa hapdi bawat hakbang at parang gusto niyang pumatay ng taong nagngangailangang Zyd. Nagulat siya nang makitang puro basag na mga bagay at bote ang kaniyang nakita sa ibaba.
Anong nangyari? Saka niya naalala ‘yong parteng nakisawsaw siya sa away nito, kung paano niya sinampal ang long time girlfriend ng lalaki, paano niya sinagot ang babae at ang huli niyang sinabi na sa kaniya na ang lalaki.
Hindi! Nahumindig siya sa alaalang iyon at hindi makapaniwalang nagawa niya lahat ang nakakahiyang— nasabunot siya sa kaniyang buhok at nagmamadaling hinanap ang pintuan. Maliban sa nag-alala na ang auntie at pinsan niya, late na siya sa trabaho.
“You can’t go home like that.”
Natigil siya sa paglalakad nang marinig niya baritonong boses nito. Galit na sinulyapan niya si Zyd. Bakit pa ito lumitaw?!
“Napakawalang hiya mo talagang tao ka. Alam mong lasing ako at wala sa hwesyo, you should’ve stopped me last night from going wild! Alam mo kung gaano kahalaga ang pagkababae ko pero nilampastangan mong hayop ka,” hindi niya mapigilang maiyak sa sobrang galit. Isang sampal ang muling binigay niya sa lalaki pero nasalo nito ang kaniyang kamay at mahigpit na hinawakan iyon.
“Then marry me, Elhouette,” deritsong lumabas sa bibig nito ang salitang nagpagulat sa kaniya.
Sandaling huminto ang ikot ng mundo ni Lianne at napatitig kay Zyd, inaarok niya ang sinabi nito ngayon lang. Nagpapatawa ba ito? Well, natawa nga siya. Humagalpak siya ng tawa at naiiling. Baka nanaginip lang siya, yeah, kailangan niyang kurutin ang sarili at mukhang masamang panaginip ‘to.
Ngunit sinampal siya ng katotohanan na hindi panaginip ang lahat at nasa harapan niya si Zyd, seryusong nakatingin sa kaniya. Walang emosyon mababasa sa mga mata.
“Asshole!” Mabilis niyang pinagpag ang kamay nito at umalis sa pesteng bahay nito.
Hindi niya alam kung paano siya nakauwi ng bahay. Pinagalitan pa siya ng kaniyang tiyahin at sinermunan ni Sheena pero masyadong lutaw siya. Masyadong dragging ang nangyari, hindi kayang sundan ng kaniyang utak ang lahat. Mukhang magpapatingin siya ng Doctor, dahil sa nangyayari ngayon... Baka hindi kayang i-digest ng kaniyang utak at mabaliw siya.
ILANG araw ang nagdaan at medyo nakahinga ng maluwang si Lianne sa isiping hindi nagpakita sa kaniya ang lalaki. Hindi rin naligaw si Henrik at pinapasalamat din niya iyon dahil ang totoo, wala siyang mukhang ihaharap sa lalaki nung naalala niya ang kaniyang ginawa sa birthday nito.
“May sakit ka ba? Lagi kang tulala girl,” puna sa kaniya ni Hera at dumukwang pa talaga sa kaniya para sipatin ang kaniyang mukha, “By layer na ang eyebags mo at nangingitim pa. Nag-aadik ka, no?”
Hinampas niya ito at inirapan. Maganda lang siya pero ‘di siya nag-aadik. Marami lang siyang problema ngayon at sabay-sabay ang mga ‘to sa pagbisita sa kaniya para pasakitin ang kaniyang ulo. Nakakabaliw ang linggong ‘to, malas as in sobrang malas!
As usual, wala silang customer nang araw na ‘yon kaya kaniya-kaniyang tsismisan lang ang dalawang kasama niya habang nag-inventory siya. Winaksi niya sa isipan ang lalaki at wala itong magandang idinulot sa buhay niya. Kailangan niyang mag-concentrate sa trabaho dahil maliban sa kailangan-kailangan niya ng pera, nasunog ang bahay nila sa probinsya nung nakaraang araw at wala ni isang gamit na nakuha. But thanks to God dahil walang nasaktan sa kaniyang pamilya pero back to zero sila ulit. Ang kukonting pera nila sa bangko ay para lang sa pagpaaral ng kaniyang dalawang kapatid sa college sa kursong Architecture at Medicine. Kaya hindi ito ang tamang oras para lumandi ang kaniyang utak. Kaya naman talaga siya nandito sa Pensylvannia, para sa mga opportunity at bonus lang talaga na nandito rin ang lalaki— or baka tadhana talaga ‘to?
“Where’s that bitch?!”
Nagtaas siya ng tingin at tiningnan kung sino ang panauhin nila sa araw na ‘yon nang makita niya si Kate. Para itong tigre na handang lalapa sa hitsura nito ngayon na galit na galit. Napamura siya. Alam niyang mag-eeskandalo lang ito!
“Slut!” Sinaboy nito sa kaniyang mukha ang dala-dala nitong soda.
Hindi siya nakahuma sa ginawa nito at gulat na gulat naman ang dalawang kasamahan niya sa nangyari. Pinili niyang ‘wag magsalita, marami siyang problema at hindi ito ang tamang panahon para patulan ang babae dahil sa kabilang bahagi, may kasalanan din siya. Nanghimasok siya sa away ng dalawa kahit wala siyang karapatan at karma niya yata ‘to.
“You fuckin’ strumpet!” nangangalaiting sigaw nito sa at dinuro siya. “You think a hooker like you, will be forgiven? What you did to me deserves you to live in prison.” ngumisi ito sa kaniya ng nakakaloko.
Doon lang napansin ni Lianne ang dalawang lalaking pumasok. Isang attorney at isang pulis na may dalang handcuff.
“Arrest her, officer!” malakas na utos nito sa lalaking pulis at agad siyang nilapitan ng huli sa counter.
“You have no right to arrest me. Let go of me!” Hinila niya ang kamay nang pinusasan siya ng lalaking pulis. “I said, let go of me. You can’t arrest someone just because that demented woman ordered you!” galit na sigaw niya at nakipaghilaan ng kamay sa officer.
Ngumisi lang si Kate at pinag-krus ang kamay sa dibdib. “Say that line to yourself, slut.”
“Take her,” singit ng attorney. “Anything you say will be used against you. Now behave yourself and come with us.”
Napipihan siyang napatingin sa dalawang kasamahan niya at kitang-kita niya na gustong tumulong ang dalawa kaso natakot lang sa babae. Mabilis na nag-iwas ang mga ‘to ng tingin sa kaniya. Gusto niyang mapasigaw sa mura dahil bakit nagkandalitse-litse ang buhay niya!
“Release her.” Isang baritonong boses ang umagaw ng kanilang atensyon lahat.
Mula sa pintuan, pumasok ang lalaking ayaw niyang makita kahit kailan. Hindi niya alam kung matutuwa o mas lalong magalit nang makita si Zyd na seryusong nakatayo, may suot na cap at nakapamulsa. Deritso lang ang tingin nito sa kanila, especially sa kaniya.
Lahat napatanga at hindi makahuma lalo na ang girlfriend nitong baliw na biglang natuliro. Nang tumama ang tingin sa kaniya, biglang tumalim ang mga kislap ng mata nito. Habang humakbang papalapit sa kanila ang binata at nanatiling nakatuon ang atensyon sa kaniya.
“That woman you arrested belongs to me and she’s my Wife-To-Be.”
“BITIWAN mo nga ako! Sa’n mo ba ako dadalhin?” Hinila niya ang kamay na hawak ni Zyd nung papunta sila sa sasakyan nito sa labas.
Halos atakehin siya sa sobrang lakas ng pintig ng kaniyang puso kanina sa loob ng shop nung kunin siya ng binata sa officer na nakahawak sa kaniya. Buong atensyon nito ay sa kaniya lang nakatuon at walang salitang hinawakan ang kaniyang kamay at hinila palabas. Pakiramdan niya tuloy biglang nag-slow mo lahat.
“Away from Kate.” simpleng sagot ng binata at binuksan nito ang pintuan ng sasakyan. “Get in.”
Nagdadalawang isip siya kung sasama ba siya kay Zyd o talikuran ito. Pero pinili niya ang unang option nang mapasulyap ang kaniyang mata sa shop at kitang-kita niya ang nangangalaiting fiancée nito— ex rather.
Sa Point State Park siya dinala ng lalaki pero hindi sila bumaba sa sasakyan nito. Nanatili lang sila sa loob at deritso lang nakatingin ang mga mata nito sa fountain na nasa gitna ng park. Sandali siyang napahanga sa napakagandang view na nakita niya sa araw na ‘yon. Walang masyadong tao kaya kitang kita niya ang kagandahan ng buong lugar at ang asul na karagatan sa unahan.
“She cheated on me,” paunang saad nito habang nakatuon pa rin ang mga mata nito sa unahan.
Napatingin siya rito at do’n lang niya napansin na malungkot ang boses ng binata.
“She cheated me once, but twice was enough.” napakuyom ito ng kamao at matiim ang mga matang napatingin sa kaniya. “I need you as my wife and give her back all the pain she deserved.”
Napatanga siya nang marinig niya ang sinabi nito at hindi alam ang sasabihin. Mukhang nananaginip na naman yata siya kaya kailangan niyang magising. Kinurot at sampal na yata niya ang sarili pero hindi siya magising.
“Be my wife, Elhouette.”
Bigla siyang humalakhak na wala sa tyempo. Napatingin siya sa unahan at napatitig sa mag-couple na masayang naglalakad at naglalambingan. Natigil siya sa pagtawa at seryusong tumingin sa binata.
“No,” pinal na sagot niya rito.
“I’ll pay you.”
Pinagtaasan niya ito ng kilay at nakipaglabanan ng titigan. “Are you gone mad? I don’t need your money Capt. McCluskey,” napapantastikuhang saad niya. “Here's a piece of advice: If she’s dumb enough to be with someone else, be smart enough to let her go.”
“I don’t need advices,” tinatamad na sagot nito. “What I need is you, to marry me.”
Inirapan na lang niya ang lalaki at inutusan itong ibalik siya sa shop. Wala siyang panahon makipag-usap sa broken hearted nitong puso. Pero sa kabilang bahagi ng kaniyang utak ay gustong tanggapin ang offer ni Zyd, maliban sa gusto niyang ipamukha sa babae kung ano ang sinayang nito, magkakapera pa siya agad.
Hindi, hindi siya pasisilaw sa pera. Kapag tinanggap niya ang marriage proposal ng lalaki, alam niyang ibang level na kaguluhan ang kakaharapin niya sakali. Baka buong babae ng Pittsburgh Penguin fans ang dudulog at kakalbuhin siya.
Nang gabing iyon habang kaharap niya sa videocall ang mga magulang at kapatid, nahabag siya sa sitwasyon ng mga ito. God! Hindi niya kayang makitang naghihirap ito kahit sinasabi ng ama niya, na ‘wag niyang problemahin ang sitwasyon nito sa probinsya.
Papaanong hindi poproblemahin, tolda lang ang pansamantalang tinuluyan ng mga ‘to at isali pa ang palaging pag-ulan sa lugar nila. Mabilis pa naman hawaan ng sakit ang mama niya.
Binalik niya ang cellphone ni Sheena after niyang makausap ang kaniyang magulang. Nag-isip siya kung saan siya unang gagawa ng hakbang. Ang unang salary nila sa Coffee Shop ay naipadala na niya lahat at kulang na kulang pa rin ito.
Napatingin siya sa calling card ng lalaki na binigay nito kanina nung hinatid siya nito pabalik sa shop. Halos sabunutan na nga siya kanina ng dalawang lukaret niyang kasama at ibaon ng libing. Hindi siya tinigilan hanggang sa hindi siya magsasalita kaya napilitan siyang sabihin kung ano talaga ang nasa pagitan nila ng iniidolo ng mga ‘to.
Hiniram niya ulit ang cellphone ni Sheena at nakita niya ang message ng kaniyang future architect na kapatid.
“Ate, ayaw ipaalam ni Mama sa`yo na inaatake siya ng kaniyang sakit na chronic kidney. Ayaw niya rin magpadala sa Hospital dahil walang pera. Sabi ko naman, ‘yong pang-tuition muna namin ang gamitin pero ayaw ni Mama.”
Napakagat siya ng labi sa nabasa. Okay, gagawa na talaga siya ng hakbang. Una niyang tinawagan ‘yong modelling agency na nag-offer sa kaniya ng modelling job, para lang madismaya ng malaman na nasa Europe ang baklang nag-offer sa kaniya at tatlong buwan ito ro’n. Advice nito ay magkita sila pagnakauwi ito agad at ipapasok siya sa mundong hindi naman niya linya.
Napabuntunghinga siya at namalayan na lang niya na dinial ang number ni Zyd. Mukhang ang offer na lang nito ang pwede niyang panghawakan. Babawiin niya na ang kaniyang sinabi kanina, kailangan niya ang perang ibabayad nito at bahala na si batman sa susunod na mangyayari.
Nakatatlong tawag na siya sa number nito pero walang sumagot sa kabilang linya kaya napilitan siyang abutin ang cardigan at nagmamadaling lumabas. Pupuntahan na lang niya ang address na nasa calling card at tutal maaga pa naman. Binalik niya ang phone kay Sheena at nagpaalam na sa convenient store lang siya pupunta at may bibilhin.
Napanganga si Lianne nang bumungad sa kaniya ang napakalaking bahay. Muntikan pa siyang hindi makapasok dahil sinita siya ng guard pero nang pinakita niya ang calling card ng lalaki, pinagbigyan siya. Nagdadalawang isip tuloy siya kung tama ba talaga ang address na ‘to dahil kung babalikan niya ‘yong nangyari nung nakaraan, ibang address ‘yon. Kung gano’n, marami itong bahay? Napailing siya at nagbayad sa mamang driver.
Isang video doorbell ang nakita niyang nasa pintuan na nakakabit. Huminga muna siya ng malalim bago pinindot iyon pero nakailang beses na siya sa pagdo-doorbell, walang nagbukas. Walang Zyd Caiden. Napaikot siya ng mata at inis na napakamot ng ulo. Obvious na wala naman talaga rito ang lalaki kaya nagpasya siyang uuwi at ipagbukas na lang lahat.
“Yes?”
“Ayy tinolang palaka!” napasigaw siya sa gulat. Eksaktong pagtaas niya ng tingin, nakita niya ang lalaking naka-roba, may bitbit na whiskey bottle at namumula ang mukha. “Teka, lasing ka ba?”
“No. What took you here?” deritsang tanong nito at tinungga ang alak.
Ang mga mata nito ay namumungay at— ang labi ay… Shuta ka Lianne umayos ka. Umayos kang babae ka! Lihim niyang pinagalitan ang sarili nang bumaba ang kaniyang tingin sa nakalitaw nitong dibdib. Gaano kaya katigas ang dibdib nito? Lianne, ano ba! Babae ka, okay? Babae ka. Huwag kang padala sa tukso. Malakas ka.
“Pardon me, I brought myself here,” hindi siya makatingin sa mga mata nito, “About your offer, Ah—”
“Get in.” Tumalikod ito.
Napipihan siya at hindi alam ang gagawin. Susunod ba siya o ipagbukas na lang lahat? Ito talaga ang kaniyang sinadya pero mukhang lasing ito. Bahala na! Nandito na siya, eh.
Kung gaano kaganda at kalaking bahay ang nasa labas, mas doble ang nasa loob. Lalaking lalaki ang interior design at puro mamahaling bagay ang nakikita niya. Sa kanang bahagi malapit sa spiral staircase, nando’n lahat naka-display lahat ng mga achievements nito, awards, trophy at kung anu-ano pa na related sa pagiging hockey captain nito. Napapa-sana all na lang siya habang sinusuyod niya ng tingin ang mga ito.
Huminto sila sa mini bar at ini-offer nito sa kaniya ang stool para upuan niya. Tinungga muna nito ang alak bago nagsalita. “I’ll pay you in a good price. See you then in Sunday.” At tulog na bumagsak ito.
“Zyd!”
Parang gusto niyang magmura at heto, tinulugan na siya. Napairap siya sa hangin at tumayo sa pagkakaupo para makauwi. Masyado ng late at baka nagtaka na ang pinsan niya. Convenient Store lang ang kaniyang paalam.
Nagpaalam siya sa binata para umuwi kahit tulog ito. Nakailang hakbang pa lang siya nang lingunin niya ito at napailing-iling. Nagpasya siyang ipahiga ito sa sofa bago siya aalis para naman hindi sasakit ang leeg nito pag nagising bukas. Hirap na hirap siyang hinila ang paa nito papuntang sala. Jusko! Para siyang maihi sa sobrang bigat ng binata. Bato yata ang kinakain nito kaya ganito kabigat.
Inismiran niya ang lalaki. Sa sobrang kabigatan nito, hindi niya kinayang dalhin pa ito sa sala kaya ang kaniyang ginawa ay sa gitna ng bahay niya ito iniwan. Kumuha na lang siya ng throw pillow at nilagay sa uluhan nito. Ayan kasi, iinum-inom hindi naman pala kaya. Inayos niya ang pagkakahiga ng binata at inayos din ang roba nitong masyadong revealing. Kung hindi siya desinteng babae baka nagahasa niya ito.
Sumunod na ginawa niya ay tiningnan lahat ng mga achievements na nakuha nito sa paglalaro ng hockey. Sobrang dami at hindi niya kayang bilangin. Bahagya siyang napangiti nang makita ang sobrang cute nitong picture. Mukhang tukmol ang lalaki rito, tingin niya nasa 12 years old pa lang si Zyd sa picture na sobrang tuwa at may bitbit na trophy. Mula sa minor awards hanggang sa major awards and trophy ang naka-display, isali pa ang mga iba’t ibang jersey na maayos na naka-frame at nakasabit sa dingding.
Napatitig siya sa picture nitong nakaakbay sa babaeng mahal nito at rason kung bakit nandito siya ngayon. Dinampot niya iyon at pinagmasdan. Bagay na bagay ang dalawa at makikitang kontento na ang lalaki sa presinsya ng girlfriend nitong manloloko. Napaismid siya binalik sa lagayan nito pero nakataob na.
Sandali siyang napasulyap sa lalaki at tulog na tulog pa rin ito. Humakbang siya papalapit sa binata at iyon ang unang pagkakataon na natitigan niya ito ng matagal sa malapitan. Dati kasi, sa picture lang niya ito nagagawa pero ngayon... Parang may sariling isip ang kamay niyang inabot ang buhok nito at hinamplos.
Saka lang siya natauhan nang maalalang hindi niya ito pagmamay-ari at mas lalong hindi siya nito mahal. Agad niyang binawi ang kamay at mabilis na tinungo ang pintuan, nakalimutan niyang kailangan niya na pala umuwi.
Sabog siyang pumasok kinabukasan at parang patay. Paano ba kasi, hindi siya nakatulog. Paikot-ikot lang siya sa kama nung nakauwi siya hanggang sa nag-umaga na lang at hindi pa rin siya dinalaw ng antok. Ang daming gumulo sa utak niya, isa na ro’n ay ang isipin tama ba ang desisyon kaniyang pinasok?
“Lianne!”
Napalingon siya sa kay Hera na nagmamadaling lumapit sa kaniya habang bitbit nito ang cellphone. May pinakita ito sa kaniyang post sa isang sikat na social media at sandaling nawala ang pagiging sabug niya sa nabasang content habang naka-blurred ang kaniyang mukha pero alam niyang siya iyon.
‘Does Captain Zyd Caiden McCluskey totally smitten by an ordinary coffee girl?’
“Sikat ka na!” palatak ni Trixie at nakibasa rin sa content laban sa kaniya. “OMG! So kilig-kilig.”
Napairap na lang siya sa hangin at hinayaan iyon. Wala siyang oras d’yan at mas lalong hindi totoo ang lahat na nakasaad sa tsismis na kumalat. Napailing-iling na lang siya nang basahin ni Hera ang mga comment nang galit na galit na fans ng binata. Tinakpan niya ang kaniyang teynga at wala siyang balak makinig sa mga reklamo ng fans ni Zyd.
“Let’s talk.”
Muntik na siyang atakehin nang biglang pumasok ang lalaking naging laman ng isip niya buong magdamag. Sa sobrang occupied ng kaniyang utak, hindi niya namalayang andito ang lalaki. Naka-cap ito at simpleng t-shirt na suot pero nagsusumigaw pa rin ang kagwapuhan. Kulang na lang ay mag-model ito sa kanilang harapan sa sobrang hotness nito, pati summer mahihiya kay Zyd.
“You should’ve called me,” parang timang sagot niya.
“Without phone, yeah.” nang-iinsultong sagot nito at namulsa. Lumapit ito sa counter at dumukwang sa kaniya para magtama ang kanilang mga mata.
Mabuti at wala silang customer dahil kung meron, baka kanina pa ito dinumog. Habang ang kasamahan niya ay naglupasay na sa kilig at hampasan na nanonood sa kanilang dalawang nag-uusap.
“Balik ka na lang mamaya, may trabaho pa ako.” Nababagot na sagot niya sa binata.
“My team and I were flying to USA tonight. I need to clarify things before leaving. When I get back this Sunday, we’ll talk about our WEDDING. The soonest the bette—”
God! Mabilis niyang tinakpan ang bibig ni Zyd at pinandilatan ito ng mata. Masyado itong madaldal samatalang may nakakarinig sa pinag-uusapan nilang dalawa. Hindi na siya nagtaka rin kung bakit hinimatay si Hera sa narinig na salitang ‘Wedding’ habang inalalayan ito ni Trixie.
“Leave.” Tinuro niya ang pintuan.
Nagkibit ito ng balikat at sinunod ng sinabi niya pero bago ito tuluyang tumalikod, may sinabi ito. “If ever my Ex bothered you again, don’t hesitate to call me. I’m a one call away.”
Hindi niya alam kung kikiligin ba siya o iismiran ito. Ang huli ang napili niya, inismiran lang niya ang lalaki at hindi na ito tiningnan ng umalis. Bakit siya kikiligin in the first place? Ginagawa lang ito ni Zyd para patayin sa selos ang girlfriend nito at gantihan. Kinalma niya ang sariling naging hyper pa yata sa nagwawalang bulkan. Hindi niya ito matatawag na swerte, kundi malas. Malas dahil bakit kasi nakisali pa siya nang gabing iyon.
“One latte, please?” isang boses ang pumukaw sa naglalakwatsa niyang isip. Umabot na yata sa Pinas at namasyal sa Ocean Park.
Si Henrik ang nakita niyang nakatunghay sa kaniya at nakangiti. Tulad ng dati, gwapo pa rin ito lalo na kapag ngumingiti. Sinong tangang babae ang tatanggi sa kagwapuhan nitong taglay at sa mga mata nitong kulay ginto? Mukhang siya lang yata dahil masyadong focus siya sa sarili ngayon. Nung maalala niya ang ka-niyang inasta sa kaarawan nito, bigla siyang nakaramdam ng hiya.
“I’m happy to see you again,” anas nito, “I just got my free time to have my favourite coffee here.” Bahagya itong humigit ng buntunghinga at doon lang niya napansin na mukhang pagod na pagod nga ito.
Ngumiti lang siya sa sinabi ni Henrik at binalik ang sukli ng lalaki. Si Trixie na ang gumawa sa order nito dahil ang lukaret nilang kasama, natulog nang tuluyan sa sahig at humihilik na.
Wala siyang ibang masabi, sobrang bait nito sa kaniya kahit hindi siya kakulay at parehas ng nationality ni Henrik. Gusto niya tuloy isipin na may gusto ang binata sa tulad niyang Pinay na naligaw ng landas sa Pensylvannia pero hindi naman ganiyan kakapal ang kaniyang mukha para mangarap na gusto siya nito.
“Min Dam...”
Napatingin siya rito nang may inabot ito sa kaniyang papel. Nang mabasa niya ang laman, napatanga siya.
“Henrik, wait!”
Pero wala na ang binata. Nakaalis na ito dala ang kapeng inorder for take out. Napatitig na lang siya sa sulat kamay nito sa maliit na papel.
‘Can I ask you out this Sunday? I want to know you more.’
At sa ibaba ng message nito ay number ng lalaki. Bigla siyang natuliro, at hindi alam ang sasabihin. Ano bang nangyayari? Masyadong mabilis ang nangyayari ngayon, ah. Hindi siya makasabay sa sobrang bilis. Nakakalito ang mga nangyari.