Napasandal si Zyd sa upuan habang nakatingin sa kawalan. Nakalipad na ang private plane na pagmamay-ari ng Pittsburgh Penguin Team habang ang kaniyang mga kasamahan ay maiingay at nagkakantiyawan. Tahimik lang siya sa tabi habang inaalala ang masasayang sandali nila ng babaeng pinaglaanan niya ng mahabang panahon at pagmamahal. Siguro tama nga si Kate, kasalanan niya kung bakit ito nagloko sa kanilang relasyon dahil sa kawalan niya ng oras.
But fuck! Dalawang beses na rin. Kung hindi pa siya nagpatulong kay Hudson nitong nakaraang araw, hindi pa niya malalaman na ang babaeng gustong gusto niyang iharap sa altar balang-araw, ay lihim siyang ginagago. Proof ang mga messages sa social media nito at lahat ng klaseng messaging app. Maliban pa d’yan, may nangyayari sa mga ‘to ayon na rin sa mga nude pictures. Nakakatawang isipin lang, matagal na siyang ginagago ng kaniyang fiancée.
Hindi siya gago para manahimik sa isang tabi. Puso at pride niya ang pinag-uusapan dito at wala siyang pakialam kung madudurog ito sa mundong kinaga-galawan nila pareho, dahil una siya nitong dinurog. Gagamitin niya si Elhouette, papakasalan ito at ipamukha sa babaeng kaya niyang palitan ito kahit gaano sila katagal. He’ll teach her taste her own medicine.
Bahagya niyang inayos ang suot na cap at pinikit ang mata, sisikapin niyang makakuha ng tulog. Medyo masakit pa rin ang kaniyang buong likod dahil nung magising siya, do’n lang niya naisip sa malamig na sahig siya nakatulog.
“Captain...”
Napatingin siya kung sino ang tumawag sa kaniya. Ang bestfriend niyang si Kodi na ngayon ay lumapit sa kaniya.
“Yeah?” pinikit niya ulit ang kaniyang mata. Nag-ensayo pa sila kanina ng isang beses bago umalis.
“Kate asked me to met her last night. Are you guys having fight again?”
“Just let me sleep bro,” tinamad na sagot niya sa tanong nito, “I’m fucking tired.”
Hindi rin siya sigurado sa desisyon na kaniyang gagawin. Alam ni Zyd na hindi lang pamilya niya ang magugulat sa issue na ibang babae ang kaniyang pakasalan, kundi pati buong Pensylvannia na kilala ang kaniyang pangalan sa larangan ng Hockey. Sa kabilang bahagi ng kaniyang isip, pwede siyang manahimik sa isang tabi at hayaan si Kate pero hindi siya isang McCluskey para lang manahimik.
Hindi siya tinagurian Captain dahil lang sa wala. Siya ang pinakabatang nakakuha ng ganitong titulo. Aaminin niyang hindi siya nakapag-aral ng kolehiyo, hanggang middle school lang siya. Masyado siyang naging focus sa paglalaro pero hindi siyang naglalaro ng damdamin ng babae.
Nagsimula siyang maging batang kapitan sa edad na labin-dalawa at lahat, nakuha niya ang respito ng bawat manlalaro pero ang hindi niya maintindihan, sa tinagal ng relasyon nila ng babae... Bakit siya nito nagawang lokohin. High-school sweetheart niya si Kate at napakabilis lang nitong itapon lahat ng masasayang araw nila dahil lang sa akusasyong nagkulang siya ng oras.
15 years of relationship? Gusto niyang matawa, ang taas nang naabot nilang dalawa pero talagang hindi basihan ang taas o tagal ng isang relasyon para hindi magloko ang isang tao. Hindi niya na kayang sagipin ang relasyon nilang dalawa kahit gugustuhin niya, masyado siyang nasaktan at buong tiwala niya ay nawala na. Ang gusto lang niyang gawin ay kung paano ito magsisi at lasahan ang sariling kapeng tinimpla.
NAPATITIG si Lianne sa hawak na maliit na papel kung saan ando’n ang number ni Henrik. Ano ba’ng sagot niya rito? Masyadong mabait ang lalaki sa kaniya at hindi niya intensyong saktan agad ito pero hindi rin niya intensyong paasahin ang lalaki kung sakali man may gusto ito sa kaniya.
Napairap siya at napatitig sa kesame ng kaniyang kwarto. Kakatawag niya lang sa Pinas, lumalala ang sitwasyon ng kanilang ina kaya inutusan niya ang dalawang kapatid na dalhin na agad ito sa Hospital at siya na bahala sa gagastusin. Bakit ba naging ganito lahat kung kailan andito na siya sa ibang bansa?
Napasulyap siya sa calendar na nakasabit sa dingding, mabilis siyang napabalikwas sa sa kama at napatakbo papunta ro’n. Nanlaki ang kaniyang mata sa realisasyong bukas na ang linggo! Ba’t ang bilis naman yata? Natulog lang siya at pumasok sa trabaho pero pagising niya, sunday na agad? Ang bilis lumipas ng apat na araw.
Parang kailan lang, para siyang timang na nangarap makita si Zyd sa personal at mayakap. Hanggang sa na-ghosting ang kaniyang ganda, sumunod ay umiyak siya ng bongga, sinama siya ng mabait niyang auntie sa ibang bansa, nakita ito sa bar, sinampal niya at hinalikan at kasunod no’n... Wala na, lahat nagulo. Hindi niya na kayang ibalik pa ang reyalidad na nasuko niya ang kabirhenan dito dahil sa alak.
Dahil linggo kinabukasan, nagpasya siyang mamasyal at pumunta sa public library para manghiram. Magbabasa lang siya ng librong nakaka-nose bleed. Tulad ng kaniyang nakakagawian tuwing day-off, do’n siya sa paborito niyang lugar, ‘yong may swing at malaking puno habang may bitbit na kape.
Nakailang chapter na siya sa binabasa nang maramdaman niyang may humintong paa sa kaniyang harapan. Nagtaas siya ng tingin at nagulat nang makitang si Henrik ito, nakasuot ng pang-jogging at naliligo ng pawis. Pero ba’t gano’n, nakakasilaw pa rin ang kagwapuhan ng lalaki?
“Min Dam!” Nagpupunas ito ngayon ng pawis sa mukha at tumabi ng upo sa kaniya sa kabilang swing. “I did not expect to see you here.”
Kimi siyang ngumuti. Kung ibang tao lang siguro ‘to, kanina niya na ito pinagmamalditahan. “Same here,” aniya. “It’s my favourite spot every day-off.”
“Yeah. I’ve met you here before and from that looks, I know you’re a filipina... A beautiful filipina I ever met.”
Bigla siyang pinamulahan ng mukha habang nakatunghay sa kaniya si Henrik. Mabilis niyang binawi ang matang nakatingin dito at nainum ang kapeng kahit mainit. Shutaaa! Napaaray siya ng mapaso ang kaniyang dila. To the rescue agad ang binata sa kaniya at dinaluhan siya.
“Ang dila ko...” Nilabas niya ang dulo ng dila at pinaypayan iyon. Ito yata ang sanhi ng masyadong occupied niyang isip kaya siya napapaso.
“Don’t move, I’ll blow it myself.”
Napanganga siya nang yumuko at hinipan ni Henrik ang kaniyang napasong dila at sobrang lapit ng kanilang mukha dalawa. Nang ma-realized nitong sobrang awkward nga naman ang kanilang sitwasyon, mabilis itong napalayo at napakamot ng batok.
“I n-need t-to go.” Namumulang tumalikod ito at agad na tumakbo papalayo.
Naiwan sa lalamunan niya ang salitang ‘wait’ dahil mabilis itong nawala sa harapan niya. Sasabihin na lang din sana niyang hindi siya available ngayong araw na magkita sila at lumabas dahil may sarili siyang lakad ngayon. Napakagat siya ng labi at namula.
What was that?! Kinurot niya ang sarili. No, masyado lang siya nadala sa kabaitan ni Henrik. Alam niyang walang ibang motibo bawat galaw ng lalaki. Sa isiping iyon, kumalma siya at pinagpatuloy ang pagbasa ng libro.
Nabagot siya sa binabasang libro at nagpasyang maglakad-lakad na lang. Malayo-layo na rin ang kaniyang nalakad at masyado siyang naaliw sa bawat nakikita niya. Sayang nga lang, wala siyang cellphone gagamitin para kumuha ng mga pictures.
“Ay tipaklong na may utong!” napasigaw siya sa gulat sa malakas na busina ng sasakyan sa kaniyang likod. Papatayin ba siya ng mga tao rito sa Pensylvannia?! Hayop.
Galit na lumingon siya at nakataas ang kilay na tinungo ang sasakyan. Nameywang siya at kinatok ang bintana nito. Masyadong inaapi ang Pinay na kagaya niya sa mga banyagang lugar na ito, eh, samantalang sa Pinas sobra-sobrang tender loving care- Johnson Cologne ang trato nila sa mga foreigner!
“Are you tryna kill me? I’m way too beautiful to die here!” hindi pa siya masyadong galit sa lagay ng boses niya. Mga slight pa lang naman.
Matagal nagbukas ang pintuan ng sasakyan, siguro inabot ng ilang minuto bago nagbukas kung hindi pa siya dakdak nang dakdak.
“Hop in.” Si Zyd na kahit sa loob ng sasakyan ay may cap na suot.
Napanganga siya nang mabungaran ito at seryusong nakatingin sa kaniya. Biglang umakyat ang kaniyang dugo sa ulo nang maalala ang ginawa nito kama-kailan lang. Pakshet talaga nito, eh.
“Ikaw lang pala, eh. Bakit kailangan mo bumusina ng malakas, ah? Galit ka sa`kin? Ha, galit ka? Kita mong naglalakad ang tao— ayyy bilat ng kambing!” napasigaw siya nang hilain nito ang kaniyang kamay papasok sa loob ng kotse at mabilis na sinara ang pintuan.
Inis na hinarap niya ito at magdadakdak ulit nang mapansin niyang matiim lang ang tingin nito sa unahan at nakakuyom ng kamao. Aba! Kung may balak itong makipagsuntukan sa ganda niya, wala siyang problema ro’n.
“Five hundred thousand dollars for this set-up, then another five hundred after one year.”
Biglang lumamig ang ulo niya sa sinabi nito at napaubo. Ang laking pera! Inabot niya ang tumbler water na nakita at mabilis na nilagok ang laman. Lihim niyang kinwenta ang pera sa isip at convert agad sa piso. Parang hihimatayin siya sa napakalaking halaga. Pwede na siyang umuwi ng Pinas at mamuhay ng matiwasay.
“Masyadong malaki naman yata ‘yang perang ibabayad mo.”
Tumingin ito sa kaniya at hindi kumibo. Parang may hinihintay na ibang sasabihin niya. Tumikhim siya at inayos ang sarili, kailangan niya ng pera at kung hindi dahil sa matinding pangangailangan niya, hindi siya kakapit sa ganitong sitwasyon.
“I’ll take it,” mabilis na sagot niya.
“Good. I’m taking you now to the nearest church and we will have our private wedding right away.”
“What?!”
Hindi na siya makapagtutol nang buhayin nito ang makina ng sasakyan at mabilis na pinasibad. Gusto niya sanang sumigaw ng kidnapping para pakawalan siya nito at makapag-isip ng matino. Bakit mabilisan kasal? Hindi ba niya pwedeng ma-invite ang dalawang lukaret niyang kasama sa trabaho at pinsan niyang fan na fan sa loveless niyang buhay?
Bago pa niya magawa ang sinasabi ng kaniyang utak, huminto na sila sa isang simbahan. Naunang bumaba ang lalaki at pinagbuksan siya. Saka lang niya napansin na nakaputing V-shirt ito at pantalon. Bigla siyang pinamulahan ng mukha sa angking kagwapuhan nito, lalo na nung maalalang may nangyari sa kanila.
Agad niyang winaksi sa isipan ang katangahang ginawa niya, dito sa Pensylvannia normal na ang gano’n kaya dapat hindi siya mag-inarte. Pasalamat na lang siya na hindi siya na gang-bang sa kanto. Sandali, magpasalamat? At bakit siya magpasalamat na kinuha nito ang V-pass niya? Nasa puntong makikipag-away siya sa sarili nang katukin nito ang bintana para magising siya.
“Move your ass out, Elhouette.”
Tumalim ang kaniyang mata sa pangalang binanggit nito saka inirapan. Walang sabing bumaba siya at magkasabay silang pumasok sa hindi kalakihang simbahan. Napansin niyang may Pareng nakatayo sa unahan at isang gwapong canadian sa tabi nito, may bitbit na briefcase and bouquet of carnation flowers. Maliban sa mga ‘to, wala nang ibang taong nando’n kundi sila lang.
Napatitig siya sa dala nitong bulaklak at hindi niya maiwasang pagtaasan ng balahibo sa buong katawan. Ang creepy sa pakiramdam! Napasulyap siya sa lalaki, seryuso lang itong naglalakad habang nakapamulsa. Napatingin siya sa kaniyang kasuotan, bakit sobrang awkward ng kaniyang suot na damit? Nakasuot siya ng red dress at white sneaker.
“Zyd Caiden McCluskey,” pabulong na tawag niya sa buong pangalan ng binata.
Napalingon ito sa kaniya. “You acquiesced on my offer,” saad nito, “There’s no backing out, Lianne Elhouette Vergara.” Bigla nitong hinawakan ang kaniyang kamay at hinila pasunod dito papuntang altar.
Gulat na gulat siyang napatingin sa kamay nito ngayon na humila sa kaniya. How to breath? How to breath! Ang lakas ng tibok ng puso niya sa hindi alam na dahilan. Pakshet naman. Naka-move on na siya sa lalaki, eh. Ito na naman ang baliw niyang puso na nadali sa online dating na ‘yan. Tumitibok-tibok na parang wala na yatang bukas sa sobrang lakas.
Inabot nung lalaki na nasa harapan ang carnations na bitbit nito sa kaniya. Para siyang timang na tinanggap iyon. Ang bait naman nito para bigyan siya ng bulaklak.
“Father you may start,” boses ni Zyd ang pumukaw sa naglalakbay niyang isip na nakatitig sa hawak na bouquet.
“Wait!” maagap niyang sabi at napatingin sa binata. “May tanong ako. After ba nito, may something ano...” hindi niya kayang dugtungan. Masyadong nakakahiya, “Like a-ano...”
“Ano?”
“Honeymoon?” pabulong na tanong niya.
Napaubo si Zyd sa kaniyang naging tanong at hindi makahuma. Nang makabawi ito, tumalim ang mata nitong nakatingin sa kaniya.
“Suggest a place for our honeymoon then, My Elhouette?”
Siya naman itong napasamid sa deritsang tanong nitong straight english. Ano raw, My Elhouette? Nakakapangilabot. Pero namula siya nung mapatingin siya sa Father na magkakasal sa kanila at nakataas ang isang kilay. Saka lang niya naisip na may mali sa kaniyang tinanong. Pero wala siyang ibang ibig sabihin kaya siya nagtanong dito. Nilinaw lang niya na walang mangyayaring something toot sa kanilang dalawa. Ang kapal! Nakakahiya ‘tong kanong ‘to.
“Mr. McCluskey?” hindi mapigilan simingit ni Father. Nakatingin ito ngayon sa binatang hawak-hawak pa rin ang isang kamay niya at wala yatang balak bitawan iyon hanggang sa matapos sila.
“Yes, Father?”
“I can suggest a place for your honeymoon. But please, let’s start the ceremony first, will you?”
Lihim na tumawa ang isang lalaki sa tabi na may bitbit na briefcase pero nung tingnan ito ni Lianne, nagseryuso ito ng mukha at hindi kumibo.
“Shall we begin?”
Tumango si Zyd at pinisil ang kaniyang kamay kaya napilitan siyang tumango. “Yes Father, I do. I really do!” parang timang na sagot niya.
Humagalpak ng tawa ang lalaking nagbigay sa kaniya ng bulaklak sa naging sagot niya at kung hindi pa ito tinawag ni Zyd sa pangalan ‘Kodi’, hindi pa ito titigil at humingi ng pasensya.
Natawa na lang din ang Pare sa kaniyang naging sagot at napailing-iling. “We haven’t started yet, dear.”
“Ayy sorry po.”
Shutaaa naman! Gusto niyang maglupasay sa hiya.
Habang nagsasalita ang Pari sa gitna nilang dalawa ni Zyd, hindi siya mapakali. Naglilikot ang kaniyang utak at napapasulyap sa sapatos na suot niya. Teka, tumalim ang kaniyang tingin sa bubblegum na dumikit sa gilid ng kaniyang sapatos. Mabilis siyang yumuko para alisin ito nang tawagin siya ni Father.
“Mrs. McCluskey?!”
“Present—” nagtaas siya ng kamay pero agad din napatakip ng bibig at umayos ng tayo. Lihim siyang napakagat ng labi nang maalala ang kaniyang naging sagot.
Lianne umayos ka nga! Ano ba’ng nangyayari sa`yo? Gusto niyang sam-palin ang sarili sa nagawang sagot. Kailan siya naging Mrs. McCluskey? Kailan? Ito yata ang resulta ng maraming problema, nakakabaliw.
Huminga ng malalim ang Paring nagkakasal sa kanila habang hindi naman maipinta ang pagmumukha ni Zyd sa tabi niya.
“What are you up to?” pabulong na tanong nito at pinanliitan siya ng mata.
Tinaasan din niya ng kilay ang lalaki. “There’s a gum on my shoe.” tinuro niya ang sapatos. “Can we stop the wedding for awhile? Tatanggalin ko lang muna ang bubble—”
“I’m tired of this wedding!” palatak ni Father na kulang na lang ay kainin siya ng buhay nang tingnan siya. “Let’s settle on, I pronounced you husband and wife. You may now kiss the bride,” nababagot na saad nito at napasapo ng ulo. “Go kiss her!”
Agad humarap sa kaniya ang lalaki at tiningnan siya. Shuta! Kiss the bride raw? Bigla siyang namula at nangatal. Ang bilis naman masyado. Saan siya hahalikan, sa lips? Hindi pwede.
“Father, waittttt!” malakas na tutol niya.
Napatingin sa kaniya ang Pari at tinatamad na naghihintay sa kaniyang sasabihin. Halatang nagtitimpi na saktan siya.
“What if, I don’t want to be kissed, Father?” tinakpan niya ang labi at umiling-iling ng bongga nang tumingin siya sa lalaking katabi. Ang higpit ng hawak nito sa kaniyang kamay, kulang na lang putulin nito sa sobrang higpit.
“Really?” sandali itong nag-isip at tumingin kay Zyd. “Okay, you may now FUCK the bride.”
“Father?!” natigalgal siya. “Ang bastos niyo po!”
Tumatawa si Zyd nung pabalik na sila sa loob ng kotse nito. Halos masamid-samid ito sa kakatawa habang si Lianne ay hindi maipinta ang mukha. Kulang na lang ay makipagpatayan siya ngayon sa lalaki sa sobrang hiya at inis na naramdaman. Kasal daw sila? Saan ang singsing? Napairap siya sa hangin nang simulan na nitong paganahin ang makina ng sasakyan at binaybay ang kalsada.
“Wew! My first laugh,” saad nito habang nakatuon ang mga mata sa kalsada.
Seryuso na ito ngayon pero paminsan-minsan ay napapa-tawa at kung hindi pa siya titingin ng masama rito, hindi ito magseseryuso.
“I need the money,” deritsang saad niya habang nakahalukipkip ang kamay. Nakatuon na rin ang kaniyang mata sa unahan. Wala ng hiya-hiya, kailangan niya ng pera.
Ngumisi ito at hindi sumagot. “Read first the consortium.”
“Ha? Anong consortium ka d’yan?”
“The documents Kodi gave to you earlier.”
Mabilis niyang binuksan ang hawak-hawak na envelope. Hindi man lang niya napansin na hawak niya iyon sa sa inis niya. “10 pages?” Napalingon siya sa lalaki at tinaasan ito ng kilay.
“With my consent, yes.”
Agad niyang binasa ang papel at hindi mapigilang ma-pairap sa hangin nang makitang hanggang number 1-100 iyon. Wow, ang daming Do’s and Don’t.
1. The money will be given half the agreement after the wedding.
2. Support him in every game.
3. Don’t seduce him nor show some skin at home.
4. Act as his loving wife in public.
5. He hates clingy person, be aware of that.
6. Don’t try to run away, he knows your address.
7. Don’t cheat while you’re under the contract. You are only his, and his alone until the consortium ends.
8. No hug, kisses at home.
9. Living under his roof is advantage of you.
10. No sex.
Umarko ang kaniyang kilay sa number 10. At sino sa tingin nito na makikipag-toot siya? Ang kapal naman ng mukha nitong ilagay sa kontrata ‘yon. Kahit hindi pa nito ilagay, hindi siya makikipag-something dito. Minsan lang siyang naging tanga, wala ng pangalawa.
Nawalan siya ng ganang basahin lahat ng nakasulat kaya isabahay na lang niya ‘yon lahat. Baka kung ano pa mabasa niya na magpapataas ng kaniyang dugo at baka hindi siya makapagtimpi, yayain niya itong suntukan.
“Ask me anything if you get curious about something what’s written on the contract,” saad nito.
Hindi niya pinansin ang sinabi ni Zyd. Nagpasya siyang ibalik sa loob ng lagayan ang mga document nang mapakunot siya ng noo sa nakitang isang singsing sa loob ng envelope. Kinuha niya iyon at tiningnan.
“Wear that ring,” boses ng lalaki ang pumukaw sa lumipad na naman niyang isip habang nakatingin sa sobrang gandang singsing.
“Totoong diamond ba ‘to?” Kumikislap-kislap ang kaniyang mata nang sinipat-sipat niya ang bato ng singsing saka biglang kinagat. Pinukpok pa niya saglit iyon sa salamin ng sasakyan. First time niyang makatanggap ng singsing at ganito kaganda. “Magkano bili mo nito sa Baclara— I mean sa mall?”
“That should be Kate’s wedding ring.”
Natigilan siya at napalingon sa lalaki. Biglang umasim ang kaniyang hitsura. “It’s ludicrous how you asked me to wear it,” seryusong saad niya pero kung napansin nito ang insulto sa likod ng kaniyang boses, mas mabuti.
Tumaas lang ang sulok ng labi nito sa kaniyang sinabi. “Because you’re my wife,” walang gatol na sagot nito at sinulyapan siya. “And my wife should wear that.”
Namula siya ng husto sa sinabi ni Zyd at nagbaling ng tingin sa singsing. Hindi pala ito maganda tulad ng naisip niya kanina, actually sobrang pangit. Wala siyang planong isuot ang wedding ring kaya binalik niya ito sa loob ng envelope. Pero mabilis binawi ni Zyd ang singsing sa kaniya. Hinayaan niya ito at deritso lang siyang nakatingin sa unahan nang mapansin niyang huminto muna sila sandali sa isang tabi. Literal na napanganga siya nang abutin nito ang kaniyang kamay at marahan sinuot sa daliri niya ang singsing. Perfectly fit ito sa kaniyang daliri at bagay na bagay sa kaniyang kamay.
“And now, I pronounce you husband and wife. You may now—”
“Fuck the bride,” wala sa loob na dugtong niya sa sinabi nito.
“Elhouette, rule number 10. No sex.”
Saka lang niya naalala ang kaniyang dinugtong. Hayop! Namula siya ng husto at kinabig ang kamay nito papalayo. Si Father kasi, tumatak tuloy sa isipan niyang loading masyado ngayon araw. Ang lakas naman ng halakhak ni Zyd at sa sobrang inis niya pinalo niya rito ang envelope na hawak. Hindi niya ginusto ang sinabi niya! Nakakainis.
“I can say, you’re in a jocular mood today.” Natatawang sinimulan nitong paganahin ulit ang makina ng sasakyan. “You may now—”
“Enough!” mabilis na putol niya at inismiran ito.
Napuno naman ng halakhak ni Zyd ang buong byahe nila sa pang-aalaska nito sa kaniya, na akala mo sobrang close nilang dalawa. Hay, ano ba ‘tong gulong pinasok niya?
***